Rebel Hearts

By heartlessnostalgia

1.8M 76.3K 39.1K

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely liv... More

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27 (Part One)
Kabanata 27 (Part Two)
Kabanata 28 (Part One)
Kabanata 28 (Part Two)
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 13

44.6K 2K 943
By heartlessnostalgia

Hi, Archers! Sorry it took a while! But here it is! Posted na rin ang new podcast featuring The Sandejas Family sa Spotify! Check it out!

--

Kabanata 13

Nakita ko ang bakas ni Doraemon.

Oh my God? Saan ang holy water?! Saan?!

Pinagalitan kami sa ingay at magsasara na nga ang library nag-iingay pa pero nang makita ng librarian na nasa lapag si Dame ay nanahimik at nasapo ang bibig niya.

"Mr. Montezides!" tawag niya.

Nang akmang sisilipin niya si Dame ay tumayo ako sabay harang sa huli na natulala pang napunit ang slacks niya.

"Marupok na ang upuan n'yo dito, Ma'am," sinabi ko sabay senyas kay Dame sa likod na tumayo siya. Inilahad ko ang kamay sa huli na tinatago ko sa likod at inabot niya 'yon para tumayo.

Naramdaman ko ang dibdib niya sa likod ko at alam kong ayaw niyang makita siyang gano'n kaya hinayaan ko na.

"I'm sorry, Ma'am," pormal niyang sabi. "Nasira ata 'yong upuan. My apologies, I'll replace it—"

"Ay, h'wag na!" umiling ang huli. "Naku at marupok kasi na talaga ang paa ng mga upuan dito! Pasensya na, nasaktan ka pa ata! Hindi bale, hayaan mo na."

Naaawa pa ang tingin niya kay Dame samantalang ako'y nagpipigil ng tawa at pamumula ng mukha.

"Sige at maiwan ko na kayo ng..." bumaling siya sa akin at kumunot ang noo, "secretary mo."

"Thank you, Ma'am," aniya. "My apologies for the noise and commotion again."

Nang umalis siya at katahimikan na naman ang namutawi sa amin ni Dame. Sinakop ko ang gamit ko papasok sa bag at naglakad. Sumunod siya sa akin—nagtatago pala sa likod ko at walang imikang naganap hanggang sa makalabas na kami at medyo makalayo sa library.

Pinigilan kong magkomento pero 'di rin kinaya.

"Nasaan na si Nobita?" tanong ko.

"Damn it," bulong niya pabalik at nang nilingon ko siya'y napabughalit na ng tawa sa pula ng mukha niya.

Nag-echo ang boses ko sa walang taong hallway. Nag-iinit pa ang pisngi ko nang inabot ni Damon ang pulsuhan ko at hinila ako papunta sa may locker room.

Nakapasok kami ro'n at kaagad siyang tumungo sa akin.

"It's not..." medyo madilim dahil mag-gagabi na pero natatamaan pa rin ng dim na ilaw ng pasilyo ang kanyang mukha. "It's not what you think it is, Maria."

"Oh? Maria na ako, ah?" nanliit ang mata ko, pinipigilan ang bughalit ng tawa muli. "Paanong it's not what I think it is, eh, kitang-kita ko si Doraemon—"

"I had no choice!" putol niya sa 'kin, hiyang-hiya ang mukha. "My damn brothers wore my fucking boxers and..."

"And...?" ngumisi ako.

"Ako 'yong nawalan," tumikhim siya, namumula. "Nagrereklamo nga 'ko kanina but Mom said... I should wear this instead. It's not like someone will see it."

"Ay, true! Wala namang makakakita, 'di ba?" mas lumapad ang ngisi ko nang magmura siyang paulit-ulit at inangat ang palad sa itaas ng ulo ko.

"Damn it," mura niya. "I knew I should've trusted my damn instinct something bad will happen today."

Pumikit siya, dahil nga bahagyang nakatungo sa akin ay amoy na amoy ko ang pamilyar na pabango. Hindi na masyadong natatamaan ng ilaw ang kanyang mukha at hindi ko rin maiwasang purihin na kahit anino na lang halos ng kanyang ekspresyon ang nakikita ay sobrang gwapo pa rin niya sa paningin ko.

"And in front of you of all people?" bumuga siya ng hangin, "damn it, sana pinatay mo na lang ako, Revelia."

At hindi ko na napigilan ang muling pagsabog ng tawa sa lalamunan ko. Tumungo siya at nagpatuloy sa pagmumura.

Nakita ko ang sarili na inaabot ang kanyang batok at hinila siya papalapit sa akin. 'Di ako nahirapang pantayan siya dahil nagpadala siya na walang reklamo, isinisiksik ang mukha sa balikat ko.

"Hindi naman kita kinakahiya, love, h'wag kang mag-alala," bumungisngis ako at hinaplos ang kanyang buhok.

"Uh-huh?" bulong niyang may halos sarkasmo, "saying that while laughing at me? Nice one, love."

Mas lumakas lang ang tawa ko pero nawala lang sa bigla niyang paghigit sa baywang ko para sa yakap pabalik. Napahugot ako ng hininga nang tumama ang likod ko sa locker pero gustong-gusto naman ang init ng katawan niya kaya hindi nagreklamo.

Naramdaman ko ang pagtama ng halik niya sa balikat ko. Kumuyom ang kamay ko't hinaplos ang likod niya.

"S-salamat nga pala sa tutorial kanina," bulong ko, kunwari'y 'di naaapektuhan sa init na hatid niya.

"Hmm," he hummed. "Anything for you."

Bahagya siyang lumayo mula sa pagsiksik sa balikat ko at sinalubong ang tingin ko, ang kamay ay nanatili pa rin sa baywang ko. Ang isa ay nasa itaas ng ulo ko na.

Nagkatitigan kami sa dilim at may kung anong lubid na pilit pumipilipit sa sikmura ko. Napalunok ako't nahulog ang tingin sa mapula niyang labi nang magsalita siya.

"I still have a lot to teach you. I have tricks to share how I memorize dates for History and shortcuts to fully solved a problem,"

"Ahh..." kinagat ko ang labi, nakatitig pa rin sa kanya.

Parang mas namula ata ang labi niya? Kinagat ba niya 'to kanina sa kahihiyan?

Ako rin, pakagat.

"You plan to be in the first section next year?" tanong niya.

"Sana," sagot ko sabay hanap sa mata niya. "Dapat daw maganda grade para do'n kapag gusto ko mag-Architect pero impossible naman na ano..." napatitig na naman ako sa labi niya nang mahuli siyang binasa iyon ng dila niya. "A-ano, 'di naman ako..."

"Ano?" hinuli niya ang chin ko para salubungin ang mata ko. "Hindi ka?" marahang tanong niya at hinaplos ang balat ko.

"Hindi ako..." napalunok ako sa init ng kanyang daliri sa chin ko, "alam mo na, matalino."

"Who said you aren't?" nangunot ang noo niya.

"Nasa last section ako, Pres.," sagot ko. "'Di pa ba obvious—"

"When did the section a student is in became a basis for someone's intelligence?" sumeryoso ang tingin niya.

"Dati pa, Pres.," sagot ko. "Nasa Section D ako at anong dahilan kung bakit nasa section D? Kasi 'di maganda ang grades no'ng mga nakaraang year. If hindi pa 'yan ang basis kung matalino o bobo ang tao—"

"Hindi ka bobo," putol niya sa 'kin.

Hindi ako umimik at nakipagtitigan lang sa kanya.

"Walang taong bobo, Revelia," sinabi niya. "We just have different kinds of intelligence. Every student has strength and weaknesses. It doesn't mean na hindi ka magaling sa isang bagay na magaling ang iba ay bobo ka na."

Napaayos ako ng tayo at napaisip.

"Pero paano 'yon, Pres.? Wala talaga 'kong ibang alam—"

"You excelled in arts," putol niya ulit. "Not everyone is good with that, even me,"

"Oh? Ikaw?" umawang ang labi ko, "eh, ang perfect mo nga!"

"Let's see my grades, then?" aniya, "MAPEH's my weakest. Except P.E. but the music and art part? I'm not good with it, I know it. Dahil ba do'n, bobo na ako?"

"Aba, s'yempre hindi!" sagot ko kaagad.

Tumitig siya sa akin, walang salita pero ang mga mata'y may sinasabi. Umawang ang labi ko nang nakuha ang pinapahiwatig niya.

"See?" tumaas ang sulok ng labi niya sabay lagay ng hibda ng buhok ko sa likod ng tainga, "it doesn't mean na hindi ka magaling sa isang bagay na marunong ang iba ay bobo ka na. Every person has different kinds of intelligence, they have their own definition of being smart. You do, too. Everyone does. Pero kapag katamaran..."

Napalabi na ako, tumalim ang tingin.

Tumawa siya at kinalabit ang ilong ko.

"That's it, love," tinagilid niya ang ulo at muling inilapit ang mukha sa akin. "Walang bobo pero tamad at bulakbol, mayro'n."

No'ng hindi ko pa lubos na kilala si Damon, naisip kong siguro ay mayabang siya. Mataas ang tingin sa sarili dahil hindi lang siya gwapo, matalino at achiever pa pero ngayong nasa madilim na parte kami ng locker room. Na kaming dalawa lang at ganito ang usapan, 'di ko mapagkaila ang hatid no'n sa puso ko.

Sobrang bait niya. Hindi ko rin inasahan ang pananaw niya sa mga bagay. Ibang-iba sa iniisip ko noon. Akala ko'y hinuhuli niya lang ako kapag nagka-cutting para bumida sa guidance at isumbong ako at maparusahan ang buong section D pero mali ako.

Hay naku, Damon Montezides. No'ng nagpaulan si Lord ng biyaya salong-salo mo. Lahat.

Komportable ang katahimikan. Nang muli niyang inilapit ang mukha sa akin ay napalunok ako't humawak sa kanyang batok.

Itinungo niya ang ulo. Nagtama ang noo namin. Mas lumindol ang puso ko.

Ganito siguro ang nararamdaman mga bida sa Wattpad, ano? Kapag magki-kiss na sila ng bad boy na anak pala ng may-ari ng school?!

Naramdaman ko ang pagtama ng halik niya sa ilong ko. Mas kumuyom ang kamay ko't namilipit ang tiyan.

Ipinikit ko ang mata at pasimpleng ngumuso.

Ang mabangong hininga niya'y tumama sa labi ko. Mas lalo akong na-excite.

Ayan na! Ayan na! Finally, ang halik ko!

Mas dumiin ang pagpikit ko, tumitingkayad pang lalo sa pagbaba ng labi niya sa pisngi ko at mas pagpirmi ng palad sa baywang ko nang bumulong siya.

"You should go home first, love," bulong niya kasabay ng pagkakawala ng labi niya sa pisngi ko at layo sa akin.

Nagmulat ako at nahulog ang panga, umaangil. "Ang kiss ko—"

"I'll kiss you if you got good scores for your 4th grading," nagpamulsa siya, tumataas ang sulok ng labi.

"Ano?" lumabi ako, "'di pa nga sigurado 'yon!"

"Uh-huh," tinagilid niya ang ulo. "Kaya nga tuturuan kita."

Humalukipkip ako at tinitigan siya, "eh, paano kung hindi?"

"No kiss for you, then," wala lang na sagot niya samantalang malapit nang gumuho ang mundo ko.

"Ano?! 'Di ako papayag!" angil ko, "no'ng sa Pinacanauan nga pinagdamutan mo ako tapos ngayon ulit? Maduga ka naman, Pres.! Puro pangako palagi namang napapako—"

"I promise," aniya, "I don't care if it's high or not. I just want to see if you'll get good grades before the school year ends."

"Good grades?" lumabi ako, "eh, paanong good grades eh, panigurado mas may mataas pa sa 'kin sa room? Walang-wala ang good grades na 'yon kung tumaas man kumpara sa kanila."

"Why are you comparing yourself to them? Is studying a competition now?"

Hindi ako nakaimik at tinitigan siya.

Humugot siya ng hininga at muling lumapit sa 'kin, pinigilan ko ang maapektuhan masyado sa presensya niya.

"Sinabi ko na kanina, everyone has different kinds of intelligence, Revel. Everyone excels in different paths, in different things. You can be great at a certain thing and others won't be, vice versa," aniya. "And this might sound silly..."

Tumango ako, "wala ka pang sinasabi alam ko na agad na nakakagulantang ang sasabihin mo, Pres., kasi coming from you? President ng SSG? Captain ball ng varsity? Running for valedictorian?"

Tumawa siya, "do I really look too nerd?"

"Nerd na hot," komento ko at tinitigan siya sa likod ng salamin niya. Mukhang naalala niyang suot niya ang salamin kaya inabot niya iyon para tanggalin pero hinuli ko ang braso niya.

"H'wag, Pres.," umiling ako, "bagay naman sa 'yo,"

Nagkatitigan kami saglit. Damang-damang ko ang pagbigat ng aura sa madilim na locker room at kung 'di lang siya tumikhim ay baka tumalon na ako sa braso niya para magpahalik.

Ang landi mo, Maria Revelia? Ang harot-harot mo?!

"Your only competition is yourself," aniya. "Other people don't matter, it's your appreciation to your own progress that would make you proud, Revel. If you keep on comparing your progress with theirs, how would you appreciate you even moved from where you're standing before?"

Umawang ang labi ko at tumikom, naghahanap ng tamang salita.

"Baka naman sinasabi mo lang 'yan kasi walang nakakahabol sa grades mo," biro ko.

Umiling siya, "if only you know the pressure I've felt before while I was still in elementary. I used to sweat a lot and had sleepless nights studying endlessly for the next quizzes or examination. Only to get disappointed because I had one mistake."

Nahulog ang panga ko.

Ganito pala ang matalino problems? Buti na lang medyo bobita ako!

"See?" tumawa siya, "instead of being happy because I only had a single mistake, I was disappointed because I wasn't perfect."

Unti-unti kong nakuha ang ibig niyang sabihin.

"I made a silent competition with the students around me conditionally. Dapat mas mataas ako, dapat perfect. It took a toll on me; my mother was worried I was sick for all those sleepless nights. She cried, Revel. She told me she didn't care if I'm perfect or not, she just wants me to enjoy my youth. Thank you kapag mataas ang score, kung hindi, mag-aral ng mabuti para sa susunod mas tumaas ako sa nakaraan ko."

Habang kinikwento niya iyon ay kita ko ang kislap at lambot sa mga mata niya.

"My Mom, she did everything to encourage me and open my eyes about pressures of studying. You know what she said, the reason why it's studying is because kapag hindi ako nag-ayos, literal na dying ang mangyayari."

Napatawa ako at tumango.

"When I came back from the hospital, I adjusted slowly from my dying routine and instead, made time management. Nag-aaral pa rin ako pero hindi na na parang do'n nakabase ang buhay ko. I joined clubs to enjoy, incentives are bonus and I realized I could have good grades without straining myself much. I've learned how to strive better for myself and my mother, rather than making silent competitions with other people."

Pumalakpak ako. 'Di napansing nakanganga pala ako sa buong speech niya.

"Revelia," tawag niya, namumula na naman sa kahihiyan ang mukha.

"W-wow..." umiling ako at ngumisi, "wow, Pres.! Grabe?! Hindi ka na lang SSG President, running for valedictorian at captain ball ngayon? P'wede ka na rin lumaban sa Mr. CSU?!"

Nang bumagsak na ang balikat niya ay mas napatawa na ako, nawala nga lang nang hilahin niya ako palapit sa kanya kaya muli akong tumama sa dibdib niya.

Humugot ako ng hininga nang maramdaman ang palad niya sa likod ko at ang dampi ng labi niya sa noo ko.

"You get what I'm telling you, love?"

"Hmm..." tumango ako at itinago ang mukha sa dibdib niya. "Natutunan ko na dapat masaya akong ang score ko ay two over ten kaysa zero over ten—"

Tinusok niya ang baywang ko at ang matinis kong tili at tawa ang namutawi sa labi ko, masayang-masaya.

Isa iyon sa mga 'di ko makakalimutang bagay na ginawa namin ni Dame na kami lang. Pinauna pa niya akong labas sa locker room at baka raw may makakita ng butas sa slacks niya at sa dilim daw siya maglalakad pero 'di ako pumayag.

Binalik ko sa kanya ang hoodie niyang pinasuot sa akin para sana itali na lang niya sa baywang at sapilitan pa kaming dalawa kung sa akin lang para daw 'di ako ginawin o sa kanya na kita ang pambatang boxers.

"Ano? Tatanggihan mo 'tong hoodie mo o ikakalat ko sa buong CSU na Doraemon na blue ang boxers ng President nila?" panakot ko.

"Don't you dare," angil niya, "do you want me to tell them you got your first kiss from a chewing gum?"

Ngumiwi ako at tinulak sa kanya pabalik ang hoodie, "edi sabihin mo! Wala namang may paki kung dumikit sa labi ko ang chewing gum. Mas may paki sila kapag nalaman nilang bumalentong ka sa hagdan at Doraemon ang boxers mo."

"Shut up, Maria," tinulak niya sa 'kin pabalik ang hoodie. "It's cold, you should wear it."

"Hindi!" umiling ako, "sa 'yo na 'to o ikakalat ko?"

"You'll shut your mouth or I'll..." tumalim ang tingin niya sa 'kin. Inilapit ko ang mukha sa kanya para makipaglaban.

"I'll...?"

Bumaba ang tingin niya sa labi ko pabalik sa mga mata ko.

"You know what I'd rather do to that lips if you tell anyone about it," lumapit pa siyang lalo hanggang sa magtama na ang ilong namin. Hindi ako nagpapatalo, s'yempre.

"Ano kaya? 'Di ko kasi alam, Dame, eh," nagkibit-balikat ako. "Gusto kong malaman kaya..." tumikhim ako at nilakasan ang boses. "Dame, totoo bang Doraemon ang—"

He placed his two fingers on the top of my lips to shut me up.

Namilog ang mata ko't napalunok pero ginawa ang lahat para hindi ipakita sa kanyang nanginginig na ang tuhod ko.

"Stop tempting me, love," inilapit niya ang labi, "unless you want me to make out with you in this locker room." Dumampi ang labi niya sa dalawang daliri niya na tanging naghaharang lang ng mga amin.

Hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi na ako si Revelia! Iba na ako, isa akong malanding teenager—

"I give up, I'll take the jacket," sabay kuha niya ng hoodie sa kamay ko, mabilis na inilagay iyon sa baywang niya. Walang lingon siyang naglakad palabas sa locker room pero huling-huli ko ang pagiging tense ng balikat niya.

Hinatid niya ako no'ng gabing 'yon kahit 'di naman kailangan. Talagang sumabit pa siya sa likod ng traysikel sa kabila ng punit niyang slacks. Mabuti na lang ay may hoodie at talagang may matutusok akong mata kapag nahuli kong nakatingin!

Nakauwi akong 'di makatulog, iniisip ang muntikang halik at ang dalawang daliri niyang tanging pagitan lang do'n habang nakikipag-text mate kay Dame, kunwari ay GM pero sa kanya lang talaga at nakatulog akong nag-aantay ng reply niya at ang tagal niyang ma-translate ang secret code kong mga messages daw.

Naiwan din sa utak ko ang mga sinabi niya sa 'kin tungkol sa pag-aaral na pinagnilay-nilayan ko...naks, ang lalim ng vocabulary, ah?

"Eunice, 'di kaya matanggap ako kapag sumali sa sabayang pagbigkas?"

"Ano?" tumawa siya at binaba ang buko juice, ang buhok na mukhang flying saucer na ay sinuklay ng daliri. "Tanga, 'di ka pa ba na-trauma no'ng second year?"

Tumaas ang kilay ko.

"Bakit?"

"'Di ba, sumali tayo sa sabayang pagbigkas?" aniya, "excited tayo kasi plus points daw pero anong nangyari? Tinanggal tayo kasi tunog daw tayong apat na asong ulol."

Narinig ko ang tawa ng nasa kabilang bleachers. Lumabi ako at sinulyapan si Eunice, "talaga ba?"

"Oo," umiling siya, "porket kasi wala kang paki, dinamdam ko 'yon, ano! Sinumpa ko sa sarili na simula sa araw na 'yon, 'di na ako sasali sa sabayang pagbigkas para wala na rin silang pag-asang manalo dahil wala ako."

"Pero nanalo section natin last year kasi 'di ka kasali," sagot ko.

Inambahan niya ako ng buhos ng buko juice. Inangasan ko ng tingin.

"'Yong totoo, Revelia? Kakampi ba kita o ano? Bakit mo 'ko kinokontrabida?" reklamo niya.

Kanina pa kami nakaupo sa bleachers dahil wala si Ma'am. Late. Never iyon na-late kaya siguro ay absent. Nagliwaliw kami ni Eunice sa room para manuod ng nagte-training sa M.O.C.C. applicants.

Ang gagwapo nila.

Kinagat-kagat ko ang labi at tumitig kay Dame na tuwid na tuwid ang pagkakatayo, malamig ang mata at walang reaksyon. Yakap na yakap ng puting shirt niya ang katawan niya. Nakapantalon din siya, belt at itim na sapatos. Simpleng-simple pero bakit ang lakas ng dating?

Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha at pinigil na ngumiti. Bagong gupit siya, mas malinis kumpara sa nakaraan niya, dahilan kaya mas nadepina ang kanyang panga.

Ito ang pangatlong araw na training niya at pinipigilan ko talaga ang sariling panoorin siya palagi pero 'di ko naman magawang tumigil.

Ang gwapo niya sa paningin. Hindi lang ako ang nanunuod at pansin namin miski ang lower years ay nakikinuod sa training ng M.O. para lang makasulyap sa President nilang malamig at matikas sa bawat galaw at martsa.

Bumuntonghininga ako.

Bakit ba ang gwapo-gwapo mo, love?

Nagsalubong ang mata namin ni Dame no'ng nagpalit sila ng pwesto pakanan. Gumalaw ng kaunti ang labi niya at tinitigan ako, mukhang nang-aasar ang mga mata. Ngumisi ako at sumaludo sabay angat ng buko juice ko.

Hindi kita pinapanuod, ah? Umiinom ako!

"Anong tawag sa gupit nila?" tawag ko kay Eunice na busy na kaka-lip tint.

"Sabi ni Bunak buzz cut," sagot niya. "Or ewan? Basta 'yong military cut."

Tumango ako, "saan si Bunak? Sumali ba siya sa training?"

"Hindi," umiling siya. "Asa ka pa ro'n, ni ayaw nga no'n madumihan ang kuko niya. Hindi naman kagaya ng baby ko sina Junard at Jere. Ayan, mga in born na madumi na." Sabay turo niya sa dalawang 50-50 na ata sa first-round pa lang ng takbo nila.

Napailing ako at inangasan pa ng tingin si Junard at Jere na malapit na atang mahimatay.

Ayan, sasali pa kayo, ah?

Mga pamilyar na mukha ang mga kasali sa M.O.C.C. Training ngayong taon kung nasaan ang mga seniors ang officer nila para sa training. Sina Damon, Bryan, Alan, Junard, Jere, 'yong iba sa varsity at iilang mga babae kasama na si Mindy.

Tumitig ako nang sa susunod na routine ay magkatabi na sila ni Damon. Lumunok ako nang may sinabi ang officer nila at nagkabiruan silang lahat.

Hindi nakaimik ang mga M.O. pero ang mukha ni Mindy ay namumula kaya 'di ko na kailangang isipin kung ano pa ba ang nangyayari.

Mas bagay naman sila...

"Tara, balik na sa room," tawag ko kay Eunice.

"Ah? Bakit? Wala naman si Ma'am?"

"Gusto ko matulog," humikab ako kunwari, "o kaya mag-picture tayo na lang? May bagong filter daw sa Retrica."

"Oh?!" doon na siya napatayo, "sige, tara! Tamang-tama at may dala kong powder. Bagong uso ngayon 'yong may powder sa pisngi, naka-liptint tapos naka-swagger sign."

Nag-grocery pa kami sa canteen ng mga pagkain, turon at shake na melon, may dala-dalang plastic. Nagtatawanan kaming dalawa, magkakapit pa ang braso papasok sana ng classroom nang marinig ang boses.

"Okay, class, pass your paper!" ani Ma'am Aquino.

Nanigas kami ni Eunice at nagkatinginan.

Gago, may quiz?!

Lumamon lang kami, pagbalik namin pass the paper na?!

Tutorial with Damon part one: Failed

Kagaya nga ng pangako niya ay t'wing free time niya ay nasa library kaming dalawa or lima kapag sasama sina Junard para magturo. Nag-aalala nga ako at baka pagod pero iniilingan niya lang ako at papagalitan, pinapaalala sa akin ang quiz na 'di namin nasagutan ni Eunice dahil nga sa nagliwaliw kami sa canteen.

Nga lang at nagiging sobrang busy na rin si Dame. Madalang na niya 'kong nahahatid sa bahay; hindi naman sa gustong-gusto ko. Alam kong abala rin siya sa ibang bagay. Hindi lang ako palagi.

Hindi rin naman masyadong abala kami sa ngayon sa SSG at wala pang events na aasikasuhin pero palagi siyang nahuhuli, kasama si Mindy dahil nga sa training nila.

Hindi naman na kami nagtatalo ni Mindy. Wala na nga akong pakialam do'n at pormal naman kami sa isa't-isa.

Ayos lang naman 'yon, 'di ba? Ang pangit naman na galit ka sa isang tao ng walang dahilan? Bakit ako magagalit? Wala namang kami ni Damon. Atsaka...kunwari lang naman ito, 'di ba?

Kumunot ang noo ko pagkababa para antayin si Dame at may study session kami ngayon. Katatapos lang ng training nila nang nahuli ko ang paglapit ni Mindy kay Damon. Umiinom siya ng tubig nang hawakan ng huli ang braso niya.

Nagbaba ng tingin si Damon sa kanya, nagtatanong ang mga mata nang iangat ni Mindy ang bimpo at pinunasan ang noo niya.

"Yieee..." sunod-sunod na biruan ng mga officers nila.

Lumayo ng bahagya sa Damon pero namula lang si Mindy.

"Bagay na bagay, oh!" sipol ng iba. "Kiss nga!"

Si Junard at Jere ay nakasimangot sa pwesto nila, nag-aayos ng gamit at nagbubulungan. Nang umayos ng tayo si Junard ay namilog ang mata niya pagkakita sa akin sabay baling kay Damon na kausap ang officer na nang-aasar, umiiling.

"H'wag," I mouthed. Umiling ako kay Junard sabay kaway sa kanila ni Jere na gusto pa akong sundan pero tumalilis na ako.

Tahimik akong naglakad papalabas ng school, medyo mabigat ang bag sa dalang mga notes para sa aral namin ngayon. Pinagdala pa ako ng lemon ni Mama para daw ibigay ko kay Dame at paborito niya raw 'yon, ang sabi ng Mama niya.

Akalain mo 'yon, close si Ma'am Bea at Mama? Suki daw kasi sa parlor nila at ayaw ko nang isipin anong pinag-uusapan nila.

"Bigat," reklamo ko, iritado at mabigat ang dibdib. "Kung makikipagharutan siya sa iba, edi sana 'di na 'ko nagdala. Bigat-bigat—"

Umangat ang bag ko sa likod at nawala ang bigat. Lumingon ako't napapiksi nang makita si Damon.

"Where you going?" aniya.

"Uuwi," sabat ko sabay galaw para mabitawan niya ang bag ko.

"What?" tanong niya, "I thought we're studying?"

Naglakad ako palayo. Sumunod siya ng lakad sa akin, walang pakialam kung pinagtitinginan na namin kaming dalawa.

"Revelia," tawag niya. "We've talked last night, right? I'll teach you the latest lesson."

"Kaya ko, President," sagot ko at nakitang nagde-date si Eunice at Bunak sa may fishball-an. "Atsaka magpapaturo si Eunice kay Bunak, p'wede naman akong sumama at magpaturo—"

"Why are you asking someone else's boyfriend to teach you when you have yours?" malakas niyang sabi. Natulos ako at mabilis siyang nilingon.

Natahimik ang paligid. Narinig ko ang pagbagsak ng plastic at nahuli ang paghulog ng fish ball mula sa bibig ni Eunice.

"H-huh?" ang gago at pumiyok pa ang boses ko.

Umigting ang panga niya, walang pakialam na naglakad palapit sa akin, kinuha ang bag ko sabay hagilap sa daliri ko't pagsingit ng kanya sa pagitan nito.

"We're studying in my house," aniya. "Nagpaalam na ako sa Mama mo."

"Ano?!" mas malakas kong tanong pero may pumaradang sasakyan sa harapan namin at para akong na-kidnap nang sakupin pa ni Damon ang tiyan ko para iakyat ako sa van.

Malakas ang kalabog ng puso at nakahalukipkip ako sa biyahe, 'di pinapansin ang patingin-tingin ni Damon.

"Anong laman ng bag mo, bakit mabigat?" aniya at pakialamerong nagbukas ng bag ko. Hindi ko pinansin nang tumikhim siya. "You brought lemons? How do you know I like these?"

"Si Mama," sagot ko. "Asa ka namang dadalhan kita."

He sighed.

"Do we have a problem again, love?" tanong niya.

Humikab ako ng malakas sabay angat ng kamay at sapok sa mukha niyang lumalapit.

"Uy, nandito na tayo!" malakas kong sabi, sa takot pang makasabay siyang pababa ay muntik pang tumalon habang umaandar pa ang van.

Hindi naman niya ako kinulit. Sinalubong kami ng house help nila pagkapasok at inabot ni Dame ang lemons sa kanya habang ang isa ang sumama sa akin.

"I'll take a bath first. You can start studying in the library. I'll be quick."

Nag-antay pa siya ng ilang segundo sa sagot ko pero nang matanto niyang wala talaga ay umalis na at doon na ako sumama sa house help sa library.

Malaking-malaki iyon pagkapasok ko, gusto kong mag-ikot sana pero nakakahiya naman at bago pa lang ako rito pakialamera na.

Inihatid ako sa lamesa na malapit sa may malaking bintana kung saan tanaw ang rancho nila. Naghatid pa ng pagkain at fresh lemon juice na galing ata sa dala ko habang nag-aantay ako kay Dame.

Binuksan ko ang notes, walang ganang mag-ikot at gusto na lang matapos 'to nang bumukas ang pintuan ng library.

'Di ko na kailangan alamin kung sino iyon dahil alam na kaagad pabango pa lang. Gumalaw ang upuan sa tabi ko habang nakasubsob ako sa notebook para kunwari'y nagso-solve.

Natulos ako nang may kamay na sumingit sa kaliwang kamay ko mula sa ilalim at pinagsaklop ang palad namin.

"Ano?" iritado kong nilingon si Damon na fresh na fresh at mabango, suot ang kulay navy blue na shirt.

"What's our problem this time, hmm?" dinala niya ang palad ko sa labi niya para halikan ang likod nito.

Umikot ang tiyan ko at umiling, hinila ang kamay ko palayo pero 'di niya hinayaan at sa halip ay inabot pa ang upuan ko palapit sa kanya para magdikit kami.

"Ano ba, Montezides?" angil ko.

Muli niyang hinalikan ang likod ng palad ko at tumitig, "let me guess, Mindy?"

Umirap ako at nag-iwas.

"Knew it," bumuntonghininga siya at binitawan ang kamay ko para hablutin ang baywang ko. Nakasimangot ako pero nagpadala din nang umangat ako sa hawak niya't patagilid na naupo sa hita niya.

"Look at me," tawag niya at nang 'di ako lumingon at hinuli niya ang chin ko. "It's nothing. You heard them teasing us?"

Tumitig ako sa malamlam niyang mga mata at kunot noong tumango, "oo, pero wala akong pakialam." Tumayo ako pero hinigit niya lang ako pabalik sa hita niya.

"You're jealous," desisyon niya.

"Hindi—" inilagay niyang muli ang dalawang daliri sa labi ko bago nagpatak ng halik doon. Nagkatitigan kami. Mas nag-alon ang sikmura ko.

"I am not interested with her, baby," aniya at tila nalusaw ako't naisandal ang gilid ng katawan sa lamesa.

"I can't react much during training because it's prohibited but I am talking to them afterwards," aniya. "Perhaps you've seen us earlier? Then, you probably saw me talking to them? I respect them so much, love, but I know when to speak when I'm uncomfortable."

Tumango ako at nag-iwas ng tingin.

Hinuli niya ang chin ko para magkatinginan kami, "I know when to speak when it's making my girl uncomfortable."

Nag-init ang mukha ko at hinablot ang notebook sabay pakita sa kanya.

"S-sabi dito, find the value of x! Bakit mo pa hahanapin ang value kung iniwan ka na nga?" segway ko para itago ang reaksyon kahit ang hirap at nakaupo ako sa hita niya.

"What?" kumunot ang noo niya. "What x?"

"Sa problem," sinabi ko. "Find the value of x, bakit mo pa hahanapin ang value ng ex kung iniwan ka na?"

Mas lumalim ang gatla sa noo niya. Nasapo ko ang noo sa stress.

"Oldie ka talaga, ano?" lumabi ako, "I mean, hugot 'yon kasi. Alam mo 'yong hugot? 'Yon 'yong se-segway ka bigla sa ibang topic related sa usapan. Kaya sa problem, hinahanap ang value ng x. Kung may ex ka, ba't mo pa hahanapin ang value, eh, iniwan ka?" tumitig ako sa kanya. "Gets?"

"Hmm..." napapaisip na tumango siya. "Yeah, alright, why would you need to find the value. Actually, you need to find the value of x to solve the problem, since y is given—"

"Jusko Lord, bakit ganito ang presidente ko?" napanganga ako. "Hugot iyon! Dapat sagutin mo rin ng hugot, love!"

"O-oh," lumunok siya, nalilito. "I...should?"

"Diyos ko," nahilamos ko ang mukha. "H'wag mong sabihing wala ka pang ex?"

Hindi siya umimik at tumitig sa akin.

"Seriously?" nalaglag ang panga ko. "Eh, girlfriend? H'wag mong sabihing wala—"

"I have none," nagkibit-balikat siya sabay lapit ng mukha sa akin. "Well, unless you say yes to me."

Kumalat ang init sa mukha ko at napatili ng impit. Tinago ko ang mukha sa notebook. Tumawa siya at unti-unti akong niyakap at sa mga oras na 'yon ay kinakabahan pero masaya ako. Sana nga ay gano'n palagi pero naramdaman ko... nararamdaman kong ang kasiyahan na 'yon ay mawawala rin at tama nga ako.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 60 5
Chasing Series #4 Estrella Mailein Diaz is a boyish girl because, since they separated her second boyfriend? she has never had a boyfriend but, she...
10.5M 44K 8
Who knew that all it takes is just one badarse speed racer to capture the heart of a young bratty billionairess? Highest Rank Achieved: #2 in Romanc...
17.1K 940 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...