Head in the Sand (Erudite Ser...

By piloxofia

122K 2.8K 559

Switching to a condo would be a huge shift in Eloise Danielle Madrigal's life, the Iska from UP Manila. From... More

Head in the Sand (Erudite Series # 3)
Simula
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 8
Kapitulo 9
Kapitulo 10
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 18
Kapitulo 19
Kapitulo 20
Kapitulo 21
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 24
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 28
Kapitulo 29
Kapitulo 30
Wakas
Liham

Kapitulo 1

5.8K 103 7
By piloxofia

Daddy said he'd teach me to commute, but he forgot and returned to Batangas.

Technically, I didn't need to commute to far places. I just really wanted to learn how to go to Quezon City, Mandaluyong, and Makati alone because those are where my friends live. My friends are my old block mates, we got close during the first sem—I often went to their houses after class, and I even sleep there.

UP Manila, on the other hand, was a walking distance from my condominium. I didn't need help with going to school, only to go to my friends. But Dad forgot.

Nainis ako ng kaunti dahil mahalaga 'yon, pero sabi ni Daddy sa susunod niya na lang daw ako tuturuan. Kumain na lang daw kami sa labas imbes na pumunta sa mga bahay. Pero hindi ako mahilig lumabas, kaya nga mas gusto kong magpahatid sa bahay ng mga kaibigan ko, e. I guess... I really have to eat out with my friends if I want to be with them after class.

Today was enrollment day. I enlisted last night and was able to get all the classes I wanted to take. Most of them were afternoon classes because the last sem taught me to never take morning classes if I wanted to have a decent amount of sleep. I was a night owl, so I didn't like waking up at dawn to prepare for a class.

I wore white shorts and a blue top. Sinuot ko ang ID ko at tinignan ang sarili sa salamin bago nagpasiyang maglagay ng kaunti makeup. Mukha pala akong zombie.

After walking and arriving to school, I saw my friends sitting in RH lobby. You'd think mayroong mga couches or chairs dahil lobby 'to, pero wala. Sa floor lang kami lahat nauupo rito, sa floor ng RH, aka Rizal Hall, the CAS building of UPM.

"Enrolled na kayo?" tanong ko matapos tumabi sa mga kaibigan. "No, we were waiting for you, e. Pero hinga ka muna, kakarating mo lang, e." Si Franko.

Most of my friends right now were shifting to other programs. William was going to Bio, still in this campus, may Bio rin kasi sa UPD—but he preferred to stay here. Si Lara naman, sa UPD lilipat, plano niyang kunin ang Journalism. Habang si Franko ay mananatili sa UPM tulad ko, lilipat nga lang ng Nursing.

Lahat sila, hindi nakapasa sa priority program after taking the UPCAT, kaya ngayon ay ginagalingan nilang mabuti sa acads para makapasa sa requirements ng programs nila. Iba-iba kasi 'yong GWA na need per program, e. Tapos, minsan, need din na nakapag-take ka na ng certaing pre-requisites para makapasok. Tulad ng Psych sa UPD, dapat you've taken Psych 101 bago mag-shift; need din na 1.75 or better 'yong GWA mo. Sa ibang programs, depende na, minsan kada year, nag-iiba rin sa sobrang daming shiftees and tranferees.

Ako lang talaga ang matitira sa amin sa program na 'to.

Iniwan nila ako, mga mang-iiwan.

Kidding aside, I know how hard they want to study in their programs. Dalawang future doctor at isang journalist 'tong mga 'to, e. May mga pangarap talaga sa buhay. May mga ipinaglalaban.

"Tara," aya ko para matapos na ang enrollment namin at makalabas na kami sa napakalumang building na 'to.

Pumunta kami sa ilang rooms sa second floor to confirm our enlistment, tapos sa theatre para ma-verify na enrolled na nga kami. It was a pretty quick thing to do since most of what we needed for this sem was done online.

Paglabas ng theatre, dumaan na kaming GAB para lumabas ng school.

"It's 11, lunch time na. Sa'n n'yo gustong kumain?" tanong ni Lara habang tinatago niya ang enrollment receipt niya sa totebag niya.

I saw the Oble and a ton of students around it. May mga nakaupo sa chairs and tables.

"Sawa na ako sa RobMan," sagot ni William. "Same," si Franko naman.

"We've never tried eating in España, my friend says maraming masarap and murang kainan doon. Gusto n'yong pumunta?" napatingin kaming lahat kay Lara.

"Tara! I've only been there once, nung pinuntahan ko pinsan ko sa FEU." Sabi ni William.

Lumabas na kami ng gate at napahinto. "Puwede, nakikita ko rin minsan sa feed ko mga cafés at kainan do'n, e." Ani Franko.

"Eloise?" suminghap ako. "Since I live nearby na, I don't have a driver. Hindi ako marunong pa mag-commute from here to other places."

"Then, ibabalik ka na lang namin dito. Malapit lang España, swear, isang jeep ride lang." Paliwanag ni Lara habang hinihila niya na ako papunta sa kaliwa. "Besides, baka makakita tayo ng pogi, 'di ba, gusto mo ng pogi?" dagdag niya.

"Right, doon din UST, 'no?" ngumisi ang kaibigan ko at tumango. "Ano'ng kakainin natin do'n, though?" I asked as I swerved when a woman carrying a heavy bag walked the opposite direction as me.

"Marami ro'n. May samgyup, wings place, restaurants, mga siomai or dumplings, if ayaw mo, there's always Jollibee or McDo naman." We crossed the streets as Lara answered.

"I want to see UST, ang ganda ng campus no'n, e." Sambit ni William. "Oo, parang UPD 'tsaka La Salle," segunda ni Lara.

"Ateneo rin maganda, ah," sabi ko. Pero hindi sila sumang-ayon, natawa ako dahil bitter ang mga itsura nila. Hindi kasi sila pumasa sa ADMU, e. Ako lang.

"Magkano pala pamasahe?" tanong ni Franko habang nag-aabang kami ng jeep. "Sabi ng friend ko, 12 lang." Si Lara.

Ilang minuto kaming naghintay hanggang sa dumaan ang isang halos walang laman na jeep. Sakto! We entered the jeep and paid the driver. Some passengers also got in the jeep every stop.

Pagdating namin sa España, todo picture si William. Hindi ko alam kung para saan ba, e, Manila pa rin naman 'to.

"Akala mo naman nasa Singapore na tayo kung maka-picture 'to," sabi ko. Inirapan ako ni William habang natatawa ang dalawa kong kaibigan.

"So, saan tayo?" si Franko. "May tinuro sa 'kin pinsan ko na shawarma rice place malapit sa FEU," sagot ni William na halatang hindi ako pinapansin dahil sa pang-aasar ko.

"May malapit na dimsum place sa UST, ano ba gusto n'yo?" si Lara. "Gusto ko try 'yong shawarma rice, magkano ba 'yon?" tanong ni Franko.

"Mura lang, 65 lang." Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot ni William." Wow, full meal na 'yon? Mura talaga, try nga natin 'yan." Wika ko.

"Akala mo naman hindi siya anak ng doktor," panunuya ni William. "Hindi kami mayaman," balik ko dahil talagang 'yang ang inisip nila.

We weren't rich. If we were, I would've lived in a bigger condo unit and asked Daddy to buy me a car. Sakto lang kami, we get by. Pero, somehow, common idea sa mga Pinoy na mayaman kung doktor o abogado. Daddy didn't work in a private hospital, sa health center siya. Hindi naman ubod ng laki ang suweldo no'n, e. Tapos apat pa kaming nag-aaral sa private school noong bata pa ang dalawa kong Kuya. Talagang hindi kami mayaman.

"Ang sabihin mo, kuripot ka lang talaga. Tara..." bago pa ako makasagot sa sinabi ni William muli, umuna na siya, sumabay kay Franko sa harap namin.

"Ayan, inasar mo kasi, e." Natatawang sabi ni Lara, siya ang kasabay ko sa paglalakad ngayon. "Leche 'yan," anas ko.

Tumawid kami ng dalawang beses hanggang sa makarating sa side ng Jollibee. Malayo-layo ang nilakad namin dahil patungong Quiapo pala ang FEU, sabi ni Lara. I found out only now.

"Daddy was supposed to teach me how to commute to your houses, kaso he forgot. Sabi niya, kumain na lang daw tayo sa labas imbis na pumunta sa bahay n'yo." Pagkuwento ko habang nadaanan namin ang UST sa P. Noval.

"Kain na lang tayo lagi or sa condo mo na lang," Lara said as we walked on the street. May mga nakaharang kasi sa pavement, e.

"Ayaw nina Kuya na magpapasok ako ng mga boys, e. Kaya, we're mostly going to eat out na lang talaga siguro."

"Hmm, gusto mo ba talagang matutong mag-commute?"

"Oo, para na rin hindi tayo labas nang labas. Mas gusto kong nasa house lang."

"Then, maybe my cousin could teach you. Ang daming alam no'n sa Metro Manila, e. Kung saan-saan na nga nakarating 'yon, e. Alam niya paano pumunta sa bahay ko, tapos kaya niya ring pumuntang QC and Makati. Kabisado niya rin Pasig, Pasigueño kasi 'yon."

"Hindi ba puwedeng ikaw na lang?" nakangiti kong saad.

"Girl, 'di ko kabisado pag-commute kung saan-saan. Hatid-sundo lang ako, remember?" I sighed and nodded. "Baka kaya naman ni William o Franko,"

"I don't think so, si Franko, taga-Mindoro 'yan. Tapos, 'yang si William, 'di ba, taga-Aklan. Hindi nila kaya 'yan. But, by the way, can't you use taxi pala or Grab? Puwede ring Angkas para mura."

"Hindi ako... pinapayagan nina Kuya... sa taxi, so I'm pretty sure ayaw rin nila ng Angkas or Grab."

"Grabe, sila talaga may ayaw? Hindi si Tito?" I nodded. "Well... I guess, jeep ang best option for you, or the bus or train. My cousin can teach you."

Lumiko kaming magkakaibigan at napahinto sa isang cafe. Sb Café ang pangalan ng lugar, sa gilid may nakalagay na 'Shawarma Bar.' Café pala 'tong pinuntahan namin? I guess some cafés do serve rice meals naman pero... madalang 'yon. Sana masarap 'yong 65 pesos meal na sinasabi ni William.

There was al fresco dining, dalawang table nga lang at occupied na pareho. Ang isang table, puno ng FEU students, 'yong kabila ay magkakabarkada yata. 

Pagpasok sa loob, sobrang sikip nung entrance... Cashier na rin agad 'yon, puwede ka nang um-order o pumasok muna lalo para humanap ng uupuan. Ayos naman 'yong pinakaloob ng kainan, may ilang mga table naman at mayroon pang second floor. Ayos naman... Masikip nga lang 'yong entrance.

"Tignan n'yo nga muna sa taas if may available table pa," utos ni William sa amin ni Lara. Sumunod kami at naglakad.

Pagdating sa ikalawang palapag, halos lahat ng tables ay okupado. Ang libre na lang ay 'yong nasa dulo na... ano bang tawag dito, basta kailangan sa lapag uupo dahil nasa lapag din 'yong mismong la mesa. Mahaba naman 'yong table, kakasiya naman kaming apat do'n.

"I'll stay here to reserve the table na, ikaw na bumaba." Ani Lara. Sumimangat ako habang ngumingisi siya, naunahan ako, e!

"Ano'ng order mo?"

"Picture-an mo 'yong menu, send mo sa 'kin, tapos sabihin ko sa 'yo. Bayaran na lang kita pagbalik mo,"

Bumaba na ako at sumama sa dalawang kaibigan upang tignan ang menu. I sent it to Lara and waited for her response. Ako ay tumingin na rin ng makakain. There were some iced coffees, pastas, teas, and other foods available. Affordable siya, infairness. I played safe and chose the cheapest option and partnered it with a matcha latte. Lara said she's like one of the pastas, so I told William that. Then, nagbayad kami.

Pag-akyat, nag-usap muna kaming lahat sa upcoming sem dahil medyo matagal pa yata ang pagkain. Tapos, kinuwento ko rin kina William at Franko ang problema ko.

"Hindi n'yo ba ako puwedeng turuan?" pagsubok ko kay William at Franko.

"I'm not too familiar with Manila pa, besides, I usually use Grab lang talaga or Angkas. Gamitin mo na lang 'yon," si William.

"Hindi naman 'to nakikinig, e, 'di nga ako pinapayagang mag-taxi, Grab at Angkas pa kaya?" inis kong saad.

"Hindi ko rin kaya, Eloise. Sumasabay lang naman tayo sa kotse ni Lara 'pag pupunta sa kanila, e. Tapos, kaniya-kaniya tayong punta kapag sa bahay ko or kay William. 'Di ko familiar if jeep gagamitin," katuwiran ni Franko.

"Hindi ba puwedeng mag-LRT ka? Tapos, MRT?" suhestiyon ni Lara. "I guess trains are okay, basta 'wag taxi."

"Problem solved! Gutom na ako," si William.

"Hindi pa, ni hindi ko nga alam kung paano sumakay, e." Angal ko.

"Madali lang 'yan, manood ka lang," kumunot ang noo ko't naunawaan ang sinabi niya.

"Gago ka talaga," natatawang saad ni Franko.

"Seryoso ako!" mahina kong asik sa mga kaibigan. "Alam n'yo namang prefer ko rin na mag-aral kasama kayo, e. Kapag mag-isa, mababaliw ako." Pinatong ko ang ulo ko sa la mesa saglit.

"Magpaturo ka na nga lang sa pinsan ko, expert 'yon, promise." Sabi ni Lara habang nagkukuwentuhan na ang dalawa naming kaibigan tungkol sa ibang bagay.

"Nakakahiya naman kasi, like, paano niya ako tuturuan? 'Di ba, 'pag ganiyan, need na samahan niya ako mag-travel para ma-familiarize ako?"

"Ako bahala, sasabihan ko pinsan ko. Taga-UST 'yon, baka makita natin. Incase, ipapakilala na kita agad para maturuan ka agad."

Bumuntong hininga ako at lumingon sa ibang tao. May isang magkasintahan na naglalandian sa isang malaking table. In-occupy para maglandian, sayang. Napairap ako at napatingin sa kabilang banda ng palapag. Limang FEU students ang kumakain at nag-uusap. Ang nag-iisang libreng la mesa ay para sa dalawang tao lang.

Dumating eventually ang pagkain namin. At, hindi ako nagsisi sa binili ko. It was good. Like good good. Not mouthwatering good na level, pero like, good siya! For 65 pesos, it's good talaga! Maraming ulam, and theveggies were pretty fresh too.

Busog ako nung lumabas kami para maglakad-lakad. Akala ko nung una, babalik na kami sa UP, pero biglang nag-aya 'tong si William ng kakaibang... request.

"Pasok tayong UST,"

Nagkatinginan kami nina Lara at Franko.

"Bawal, 'di ba? It's a private institution, so I think we can't go in." I replied while we passed by a wings place.

"May bilihan ng UST merch do'n lagi sa gate na madadaanan natin. Nagbebenta rin sila ng lanyards," ani William.

"Are you suggesting we trick the fucking school? Pa'no if nahuli tayo, gago ka talaga." Napailing ako matapos magsalita ni Franko.

"Guys, ang ganda nung campus, e. Nandito na tayo, why not make the most of it? Sige na, tara na, sagot ko na lanyard. Pati sa 'yo, kuripot." Babatukan ko sana si William nang biglang sumang-ayon si Lara.

Kami lang ba ni Franko ang matino mag-isip sa aming apat?

"Sige na, Eloise. Tara na kasi, ayaw mo ba ng adventure? Rito na magsisimula ang commute chronicles mo, oh!" kumunot ang noo ko sa pang-uuto ni William.

"Tigilan mo 'ko," sabi ko habang inuunahan siyang maglakad dahil parang hindi niya nga ako titigilan hanggang magawa ang gusto niya.

"Sige na, ngayon lang ako hihiling. Umiiyak na 'yong tao, oh." I sighed and saw William dramatically wiping his cheeks as if there were tears falling.

"Buwisit ka talaga," saad ko habang umiiwas ng tingin dahil napapayag niya ako sa kaunting pangungulit.

Tumawa si Lara at William bago ako hilahin patungong kabilang streetwalk. Ilang hakbang lang ay natanaw na namin ang tinutukoy ni William na bilihan ng merch. Talaga ngang mayroong lanyards do'n. Gate seven ng UST ang tabi nung mga nagtitinda ng merch—mabilis kaming makapapasok.

Excited na excited si William habang pumipili ng design ng lanyard. Akala ko nga nung una joke lang 'yong siya 'yong magbabayad, e. Well, at least, may UST layard na ako kahit... Iska ako, hindi Tiger.

Ch-in-eck ng guard ang mga bags namin bago kami nakapasok sa campus. Pumasok pala kami sa left side ng UST. Ang unang makikita ay ang simbahan, tapos 'yong main building. Grabe, ang laki rin pala nito. And, it really is beautiful.

Kung saan-saan kami pumunta dahil gustong-gusto libutin ni William ang campus. Nakarating kami sa likod nung main building, Plaza Mayor, law school building, library, Botanical Garden, Lover's Lane, at Arch of the Centuries.

Admittedly, ang ganda nung huling pinuntahan namin. Historical landmark ba naman na mas matanda pa sa kahit na sinong kilala ko.

I took a photo of the landmark and posted it on my Instagram story. I wasn't a huge fan of UST, pero ngayong nakita ko na 'tong campus... medyo change of heart. Focused kasi sa medicine 'yong school, e. Kaya, hindi ko in-apply-an. Pero hindi ko naman itatangging maganda rin 'yong quality ng education nito. Madalas halos 100 percent ang passing rates nito sa iba't ibang fields, e.

Habang pinagmamasdan ang statues na nasa Arch of the Centuries, tinawag ako ni Lara.

"Eloise! Sakto, ito 'yong pinsan ko!"

Paglingon ko, I saw a pair of brown eyes staring at my... butt!

Continue Reading

You'll Also Like

16.2K 548 18
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
6.3M 170K 65
Inspired by Mom at 16 MOVIE ..
16.6K 408 56
K already has a stable relationship. She is very happy and contented kahit magkalayo sila ng boyfriend niya... Not until this one came... Ng...
878 86 16
Gusto kong mangumpisal, hindi tungkol sa mga kasalanan kundi sa pagsinta na gusto kong ialay.