PAINTED CANVAS (Under Revisio...

By aerxxn

913 160 18

[Soon to be Published] BLURB Eve I. Meneses, a principled fourth year Architecture student and an artist who... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1: Persistence
Chapter 2: Nerve-wracking
Chapter 3: Paolo Jace Alarcon
Chapter 4: Captivated
Chapter 5: Lose
Chapter 6: Familiar Thing Almost Forgotten
Chapter 7: Memories, Madness and Longings
Chapter 8: Show What's Hidden
Chapter 9: Fond Feelings
Chapter 10: To Get Closer
Chapter 11: Kiss
Chapter 12: Best Friends
Chapter 13: A Lonely Way To Live
Chapter 14: Cherophobia
Chapter 15: Like A Stranger
Chapter 16: Outburst
Chapter 17: Vulnerable
Chapter 18: Darlene Pearl
Chapter 19: Crescent
Chapter 21: Last Bloom
Chapter 22: Scathed
Chapter 23: Daylight Gloom
Chapter 24: Waning
Chapter 25: Broken Promises
Chapter 26: Shaded by Cruelty 1
Chapter 27: Shaded by Cruelty 2
Chapter 28: Contrast
Chapter 29: The Present
Chapter 30: I'm the Worst
Chapter 31: A Man's Thing
Chapter 32: Forgiveness
Chapter 33: Someone to be with
Chapter 34: Frail
Chapter 35: The Unsend message
Chapter 36: Vivid Revelations
Chapter 37: Behind her smile
Chapter 38: News
Chapter 39: Nightmares of guilt
Chapter 40: If this is the last time
Chapter 41: Faint Gleam
Chapter 42: Emptiness & reconcilation
Chapter 43: A pathernal love
Chapter 44: The aftermath
Chapter 45: Fading moonlight
Chapter 46: New Beginning
Epilogue
Acknowledgements

Chapter 20: Home Visit

22 3 0
By aerxxn

Napapatanong na lamang ako sa sarili ko dahil ika-limang beses nang nangungulit si Darlene. When will she stop pestering me?

"Ngiti ka naman sa'kin ulit..." Pilit na naman niya.

"Tigil na Darlene, kulit mo talaga..." Sita ni Paolo. Kaagad na sumimangot si Darlene at sumandal sa upuan niya.

"Kain na kayo. Pasensiya na kung itong natirang pagkain kagabi sa Noche Buena ang naihanda ko. Sana kasi nagsabi kayong bibisita kayo sa'min." Ang sabi niya at inihanda na ang pagkain sa mesa.

"AISH, kasi naman... Teka, gift daw sa'yo ni Gabi!" Sabay bato niya ng bracelet na sinalo naman ni Paolo. I think he liked it because he immediately wore it.

"Galing talaga 'to sa'yo?" He asked bago suminghot-singhot.

"AHHH! BEST FRIENDU KOOO!" he cried out loud and started hugging my neck. He's nuts.

"Tsaka ito naman pala ang galing sa'kin!" sabay abot ulit ni Darlene, and this time it's a necklace with a sun pendant.

"Buti pa kayo may mga regalong binigay, ako kasi walang naihanda eh..." Aniya, feeling sorry about it. 

Nagsimula silang magkwentuhan ng kung ano hanggang matapos ang kainan.

"Pa! Sabing ako na ho ang mag-aasikaso niyan! Baka mabinat pa kayo." Then Paolo rushed towards their farm.

Lumabas na kami ng ancestral house nila. Gawa ito sa mga tabla at nipa, just like the houses from the late Spanish Era. Sa tapat ng malaking bahay ay malawak na damuhan. 

The whole area were guarded by wooden fences and beyond the fences are ricefields where lies the long path at the center na nagkokonekta papunta sa kalsada at iba pang kabahayan.

Sa hindi kalayuan naman ay may malaking puno ng mangga. Mula sa mataas at malaki nitong sanga ay nakakabit ang dalawang lubid na nagtatali sa may kahabaang tabla na nagsisilbing upuan. It's a swing under the shade of a tree.

Sa kalapit naman ng punong iyun ay may isang maliit na kubo na may mga upuan rin sa loob. Magandang lugar para palipasan ng oras, lalo na't rinig doon ang agos ng tubig galing sa kalapit na ilog.

Sa gilid-bahay naman sa kalayuan, andoon ang farm nila Paolo. They have a lot of livestock, natatanaw ko mula sa kinaroroonan ko. Nasa balkonahe kami ng bahay habang pinapanood ang pagpunta niya patungo roon sa farm.

"Hindi ka ba magtatanong about sa pendant ng necklace ni Pao tsaka ng akin?"

I froze as I heard her and talked about the pendant. Mabanggit niya lang ang ibig sabihin nun, pakiramdam ko ay gusto kong magtago. 

"...because like a crescent, there's a missing part in you. There's something missing in your life and just like a moon waiting to be full, I'll be your selenophile, waiting for your majestic best in the void of darkness." The words echoed in my head again, the phrases in the message last night. Everytime I remember it, it makes my face burn.

"K-knock it off. Sumunod na tayo kay Paolo." I said para hindi na niya matuloy.

She giggled and followed behind as I walk towards the farm. Abala na si Paolo sa pagpapakain sa mga baboy na nasa kulungan, may kalayuan mula sa iba pang alaga nila.

"May mga bisita pala si Paolo. Nakapag-agahan na ba kayo?." Anya ng lalaking may kaedaran na lumapit sa amin. This must be Paolo's dad. He really has a frail body.

"Naku po, nakapag-agahan na po kami kaso naghanda pa rin si Pao ng makakain kanina." Sagot ni Darlene at nagmano bilang pagrespeto.

"Pagpalain ka. Ang ganda mong dalaga. Sabihin mo, nanliligaw ba ang anak ko sa'yo?" Tanong nito at bahagyang natawa.

"Ay hindi po! HAHAHA. Magkaibigan po kami ni Pao, matagal na."

"Ahh. Kung ganun pala, ikaw si Darlene. Nakukwento ka na rin niya sa akin."

Kaibigan na magiging magka-ibigan, to be precise.

"Kung ganun pala, ito namang makisig na binatang 'to ang nobyo mo. Pasensiya na, kay gwapo mo namang binata, iho..." Aniya at nasa akin na ang atensyon. I gulped because of what he stated. Elderlies are elderlies.

Bigla kong naramdaman ang bahagyang pagsiko sa'kin ni Darlene. I look at her and she's eyeing me, telling me to give a response.

"Pasensiya na po at dumalaw kami ng walang pasabi." I said at nagmano na rin. 

"Pagpalain ka. Naku ayos lang, mabuti nga't may dumadalaw sa anak ko." Ang sabi niya at nilingon si Paolo na abala pa rin sa paglilinis sa babuyan.

"At hindi ko ho nobya ang babaeng 'to. Ano... M-magkakaibigan po kaming tatlo." A short but a big word.

Natawa na ng tuluyan ang dad ni Paolo. It seems like he has a joke inside his head that I can't get at all.

"Nagbibiro lang ako iho. Kung gayun, salamat sa pagpapatuloy kay Paolo sa apartment mo. Nataon talagang nagkasakit pa ako kaya't nagipit ng kaunti. Pasensiya na..." At ngumiti sa akin. I guess I know now kung saan si Paolo nagmana.

"Maliit na bagay lang 'ho iyun. Mabuti po at nakatulong ako kahit papaano." Even though he just insisted what he wanted to do, but I really don't mind.

"Malaking bagay na iyun sa akin, kaya maraming salamat sa tulong mo. Maraming nakwento ang anak ko pagkauwi niya tungkol sa inyo." 

In my peripheral view, I noticed Darlene staring at me with a smile on her face. 

"What?" I mouthed but she just stuck her tongue out.

"Kung magkataong lisanin ko ang mundo ng maaga, kahit papaano ay mapapanatag ako dahil may maiiwanan ako sa kaniyang mga totoong kaibigan..." Mahinang sambit niya na ikinabahala ko.

In that say, wala rin naman akong pinagkaiba. Pareho kami ng sitwasyon na kung lalala ang lagay ay maaaring mamaalam na, but him, leaving a son alone in life doesn't seem right.

"Gabi! Tara dito!" Tawag ni Darlene na nakapagpaputol sa pag-iisip ko.

"Pa, pumasok ka na po sa bahay. Kapag nabinat yang katawan mo, naku naman po..." Aniya at pilit na inaagaw ang lagayan ng pagkain ng mga manok. Lumapit na ako sa kanila para tumulong. 

"Pasok na ho kayo. Ako na pong magpapakain sa mga manok niyo." I offer so he can rest.

"Ayos lang ba sa'yo? Kung gayun wala akong magagawa. O siya, gusto niyo ba magkape? Maghahanda ako sa loob." Sabay abot niya ng lagayan ng mais sa akin.

"Pa naman, magpahinga na kayo." Pero natawa lang ang dad ni Paolo at mabagal na naglakad pabalik sa ancestral house. I started feeding the chicken that started to crowd in front of me.

"Tigas talaga ng ulo. Mga matatanda talaga hindi makatiis na walang ginagawa..." Halos pasukong pagkakasabi ni Paolo. 

"Mas mabuti ng gumagalaw kaysa naman nakaratay sa kama. Sa ganoong paraan baka ayaw niyang maramdaman ang panghihina..." 

"Pero sa katawan pa rin ang balik non..." Halata ang sobrang pag-aalala niya.

"Isipin mo na lang na may kakambal na manok si Darlene." Sabay turo ko sa maliit na inahing manok na pinapakain ko. Kaagad na humalakhak si Paolo ng makita ang tinutukoy ko.

"Chinese chicken yan. Huwag niyo lang galawin sisiw niyan, matapang 'yan." Paalala niya bago pumunta sa mga alaga nilang itik.

I just silently watched the chickens finishing eating what I gave to them. If I can paint again, I'll be rooting to paint this place, just a momento of my visit here.

"Tapos ko na pagkain yung mga rabbits!" Tuwang tuwang sabi ni Darlene habang papalapit sa akin.

Halos hindi na niya bitawan ang mga kawawang rabbit na pinakain niya kanina. Para siyang batang nakakita ng mga bagay bagay sa unang pagkakataon. I started fixing the things I used at pinagpag na ang kamay ko.

"Waahhh! Ang cute ng sisiw!"

Bigla akong naalarma at nalingon si Darlene. "Huwag!" I shouted, trying to stop her but it's too late. Nakuha niya ang sisiw. Lagot na!

"WAAAAH! GABIII!!!" Dala-dala niya ang sisiw habang tumatakbo papunta sa akin, at ang maliit na inahin ay nag-iingay na hinahabol siya.

"Ibalik mo yung sisiw!" sigaw ko sa kaniya pero hindi niya ginawa at nagtago siya sa likod ko. Wala akong nagawa kundi mapatakbo na rin but the chicken flew.

"What the! Darlene! Pao!!!" iyun ang tanging naisigaw ko sa mga oras na 'yun.

•••••

"HAHAHA! Bakit mo kasi hinuli yung sisiw? Malamang talaga, magagalit yung inahin!" Mamatay-matay sa pagtawa si Paolo dahil sa nangyare.

"Hindi ko naman alam eh! HUHUHU. SORRY NA GABIII!" naiiyak niyang paghingi ng pasensiya.

I glared at her. I can't believe that she made me a human shield.

"Hindi ko naman alam eh... Huhuhu..." Dagdag nitong sabi sa tabi ko habang naglalagay ako ng bandage sa noo.

The chicken flew on my head and it started messing with me. It's claw made a scratch on my forehead and it's a bit stinging. At doon nga nadagdagan ang phobia ko sa hayop.

Dumating na ang tanghalian. Nagtulong-tulong sila sa paghahanda ng makakain. Nagkatay ng native na manok ang papa ni Paolo na hindi nagpaawat, kaya wala ng nagawa si Paolo kundi pagbigyan na lamang ito.

Naghahanda na kaming kumain ng may kumatok sa pinto ng bahay na pinagbuksan ni Paolo.

"Dapat pinuntahan mo kami sa bahay at pinakilala ang mga bisita mo. Kahit kailan talaga hindi mo nirerespeto ang presensiya ko. Tandaan mo, ako na ang tumatayo mong nanay..." Mataray na pagkakasabi ng isang babae mula roon sa sala. It seems like this ain't good.

Dumating sa kusina ang isang babaeng may kaedaran na rin, at isang dalagang hindi ko gusto ang pananamit. They must be them, his step-mother and step-sister.

"Anong name mo? Taga-saan ka?" Tanong ng babae sa akin habang nakalingkis sa kaliwang braso ko. I didn't answer. Nasa harap na kami ng hapagkainan at nagsisimula ng kumain.

"Kumain ka na." Mahinang pagkakasabi ko at paunti-unting binabawi ang braso ko.

"Iba kasi ang gusto ko eh..." Bulong niya sa tainga ko. Bigla akong nilamig at bahagyang tumikhim. She's pressing her chest on my back.

"Sheena, huwag mo namang istorbohin ang kumakain. Galawin mo na 'yang pagkain mo." Halata ang asar sa boses ni Paolo.

Darlene at the other side is eating silently pero hindi na maipinta ang mukha nito. Nakataas ang isang kilay niya habang nakatutok sa kinakain.

"Huwag mo namang ipagdamot 'yang kaibigan mo. Nakikipagkilala lang naman si Sheena." Wika ni Manang Debora at ngiting ngiti sa akin.

"Bitaw na Sheena, hindi nakakain ng maayos si Eve sa ginagawa mo. Kumain ka na." sita ni Manong Patrick

"Hayaan mo na Patrick..." pigil ni Manang Debora.

Simula ng dumating sila, natahimik na si Paolo, maging si Darlene ay hindi na kumikibo. Sa harap ng hapagkainan, ang naging laman ng usapan ay ako. Panay ang tanong ng mag-ina tungkol sa akin. 

"...mag-isa lang ho ako sa buhay sa ngayon. Wala na ang--- mama ko..."

"Ganun ba? Hindi ka ba nalulungkot mag-isa? Naku naman, kawawang binata. Teka, may girlfriend ka ba ngayon?" Tanong ulit ni Manang Debora sa'kin.

"Wala ho..." maiksi kong tugon.

"Talaga?! Naku, kay gwapong binata pero walang nobya. Sige kapag gusto mong magkaroon, andito si Sheena, pwede kayo! Bagay sa'yo yang anak ko kasi napakaganda niya..." At napahagikhik siya sa naisip. I don't like it though.

"Naku ho, huwag na po kayong umasa. Allergic po 'yan sa magaganda at ayaw po niyan na nahahawakan. Kapag ayaw niya, ayaw niya talaga. Kaya niyang mambali ng buto kahit babae pa 'yan..." Biglang sabat ni Darlene. Kahit puro paninira sa imahe ko ang mga pinagsasabi niya ay sobrang nagustuhan ko iyun.

"Single pa 'tong anak ko kaya wag kang mag-aalangan ha?" Dagdag ni Manang Debora at hindi pinansin ang sinabi ni Darlene.

Gustong-gusto ko ang inihanda sa mesa, pero nawawalan ako ng gana dahil sa ginagawa ni Sheena. Her right hand is caressing my thigh, and I don't like it at all.

"Kamusta pala ang pag-aaral, Pao?" Tanong ni Manong Patrick kay Paolo. 

"Ayos naman pa, in two months may exam na kami tsaka magiging mas busy pa ako dahil sa rami ng ikocomply..." Maganang sagot ni Paolo.

"Naku! Siguraduhin mo lang na papasa ka, kundi sasayangin mo lang yung pera na pinagpapaaral sa'yo. Bakit ba kasi 'yun ang kinuha mong kurso eh para lang 'yun sa matatalino? Masyado kang nangangarap ng mataas..." Sabat ng inain niya.

"Ginagawa ko ho ang makakaya ko para makapagtapos, huwag po kayong mag-alala. Mababawi ko rin pagdating ng araw lahat ng ginastos niyo sa'kin..." Seryosong tugon naman niya.

Habang patagal ng patagal, hindi na nagiging maganda ang takbo ng usapan, pero mainam na hintayin na lang na matapos ang pagkain.

"Aba'y tama lang. Pero duda pa rin ako na papasa ka sa exam mo. Huminto ka na lang kaya? Mas mabuti yun para na rin mabantayan mo ang papa mong may sakit. Hindi ba? Nagsasayang ka lang ng oras kakaaral e wala ka namang mararating..."

I grimace. It made me a bit pissed off but I choose to be silent. Ang mangialam sa usapan ng pamilya ay hindi maganda.

"Mali po kayo, papasa po si Paolo. Pangalawa po siya sa listahan ng nangungunang student sa Accounting Department, alam kong makakaya niya 'yun. Sana rin naman po ay ibigay niyo rin ang tiwala niyo..." Darlene bluntly said, defending Paolo in front of them.

"Halata kong kanina ka pa kumukontra sa mga sinasabi ko. Sinasabi ko lang ang totoo. Huwag mong kwestyunin ang pangangaral ko bilang inain niya! Mukha yatang pinapangunahan mo ako?" Galit na sagot niya kay Darlene.

"Nasa harap tayo ng pagkain. Irespeto niyo ang grasya..." Seryosong sita ni Manong Patrick na ngayon ay nagsalita na sa tagal ng pananahimik.

"Tsk! Nawalan na ako ng gana!" At tumayo siya sa kinauupuan at padabog na iniwan ang hapag. Agad niya ring tinawag ang anak niya para sumunod sa kaniya.

"Let's meet later at night?" Bulong ulit niya sa tainga ko. I smirk and pull her so I can whisper, caressing her back gently.

"You seduced me well, but I only feel disgusted..." I huskily said right on her ear bago siya bitawan at ituon ang atensiyon sa tinolang manok.

I know that she feel humiliated. Padabog rin siyang naglakad pasunod sa nanay niya. Finally, the mother peacock and her leech daughter is gone.

Nasa kubo ako na katabi ng malaking mangga, nakaupo habang nakatitig sa maliwanag na buwan. Ang tanging naririnig sa paligid ay ang agos sa ilog pati mga huni ng insekto sa mga puno.

"Hindi ka pa ba magpapahinga?" 

I shrug and just lean against the wooden chair. "Kamusta ang papa mo? Si Darlene ayos na ba?"

He chuckled and sat on the other chair as well. "Hinintay ko munang makahiga si papa ng maayos sa kwarto niya pagkatapos ko siyang ihatid sa kabilang bahay. Ang mga gamot niya inihanda ko rin muna. Si Darlene naman, nasa loob, nag-aayos ng mahihigaan..."

"Ayos lang bang iwan mo muna ang papa mo? Pwede namang doon ka matulog sa kabilang bahay niyo at dito na lang kami ni Darlene sa ancestral house niyo."

Kaagad siyang lumingon sa akin at ngumisi ng nakaloloko. "HUH? Gusto mong masolo si Darlene dito sa ancestral house? Duda ah..." Makahulugan niyang pagkakasabi. It's not what I meant!

"Siraulo! Hindi iyun ang ibig kong---"

"Biro lang HAHAHAHA!"Tsk. Kainis...

"Pasensiya na kanina. Hindi ko talaga inaasahan ang pagpunta ng bruha at linta kanina." Sabay tawa niya.

"I agree with your call names." 

"Alam mo bang muntik ako nung gapangin nung hindi pa talaga nagsasama si papa tsaka yung inain kong si Debora? Kanina alam kong pinagpapantasiyahan ka na non tsk... Alam kong kumapit sila kay papa dahil sa ari-arian niya. Ngayong may sakit na si papa, iluluwa nila na parang mainit na kanin na pumaso sa kanila, kaya gusto na nila akong huminto para ako na ang mag-alaga kay papa at hindi na sila." Naiiling niyang kwento.

"Then I can say that my dislike for them is just fine..."

"Feel free. Kung hindi ko lang inaalala si papa, baka hindi ko na rin napigil ang sarili ko. Kung tutuusin, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa ni Darlene. She got mad for my place..." 

"You had it rough..." I shortly replied.

Natawa siya at nahiga sa mahabang upuang tabla. "Oo, pero wala namang magagawa ang pagmumukmok. Mas magandang gawin natin ang mga bagay na dapat gawin. Ang isiping andito si papa para sa'kin ay sapat na. Sana lang talaga, wag muna siyang kunin ng maaga, sana gumaling siya... kasi hindi ko yata kakayanin..." May bahid ng kalungkutan ang mga huling salita na binitiwan niya. He's in pain, but hiding it.

"Kung kailangan mo ng pera sa pagpapagamot, mayroon akong maibibigay." I suggested.

"You and your money again. Alalahanin mong may sakit ka rin..."

I'm really serious though, pero iniisip niya na biro lang iyun.

"Huwag niyong sasabihing magiging panatag ang paglisan niyo, na maging masaya at manatiling magpatuloy ang nabubuhay pa ng mahabang panahon. Hindi niyo nalalaman ang mararamdaman ng mga maiiwan... kaya pilitin niyong mabuhay para sa mga ayaw niyong maiwan." Aniya, na sa palagay ko ay hindi gaanong para sa akin, kundi para sa papa niya.

"I'm living my life in the way that I wanted to, so if that day comes, I don't have any complaints..."

Natawa na lamang siya sa sinagot ko. "Magkwento ka naman ng tungkol sa'yo. Hindi naman patas na buhay ko lang mailalantad..."

I grimace and just heave a deep sigh. "When I was a kid, I thought my family is perfect, no blemishes. I even brag when I hear some stories about a father cheating or the other one. Sinasabi ko noong bata ako na hinding hindi magagawa ng ni isa sa pamilya ko ang bagay na 'yun. Then years after, I reach adolescence and slowly I understood our family status..."

"Anong sunod na nangyare?"

I scratch my head and sigh. "Two years ago, namatay si mama sa leukemia. The very same night that she past away, my father is cheating, slept with another woman. Ang mas ikinamumuhi ko ay ang pagsasawalang bahala ng mga kamag-anak ng papa ko. They knew about it all along, pero kinunsinte pa nila. Kasalanan daw ng mama ko kung bakit nambababae ang papa ko. Mom took all the blames but she just smile about it..."

"Huwag ka nang magtaka. Kadalasan sa mga magkakamag-anak ganiyan mag-isip..." Sabay buntong hininga ni Paolo.

"And you know what? I never heard of such absurd reason in my entire life. Normal lang sa mga lalaki ang mambabae. The f*ck with that? Ang mga taong ganoon mag-isip, siguro ay pinanganak na walang kulubot ang utak. How dare for them to make wrong deeds to be normal? Why people normalize immoral doings? I loathe people who have that kind of thinking. Sa tingin ba nila, hindi masakit marinig yun para sa mga ilaw ng tahanan?"

It's late to realize that I'm already ranting my hate and anger, yet I don't feel bad about it. Sa tinagal tagal ng panahong ikinimkim ko 'yun, para bang bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

"You started hating people because of what happened, didn't you?"

I hum and stare at the crescent moon from above.

"Tulad ng sinabi ko noon, nabubulag ang tao dahil sa galit. Maybe, it's not yet time though, pero sana dumating ang panahon na buksan mo 'yang puso mo para sa mga taong totoong nagpapahalaga sa'yo. Kahit kaunting awang lang, makapasok lang ang mga taong nararapat." Sabay tapik niya sa balikat ko.

Sa mga sinabi niya'y napaisip ako, ngunit bahagyang nalilito sa kung ano ang dapat kong itugon at maunawaan.

"Hindi lahat ng tao pare-pareho mag-isip. Maaaring karamihan oo, pero may iilang taong naiiba sa lahat kaya sigurado, matatagpuan mo sila. Syempre kasama na kami ro'n."

Maaaring tama siya na hindi pa ngayon ang panahon. Naguguluhan man ako sa kung anong dapat gawin ay iisa lang ang masasabi ko… Maswerte ako at nakatagpo ako ng kaibigang katulad ni Paolo...

End of Chapter 20:
Home Visit

Continue Reading

You'll Also Like

32.1K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.6M 58.9K 52
SCSU: Venice Jayne Tyson - The Chubby Nerd All Right Reserved 2013
3.9K 1K 32
Angel Celeste Ferrer is a dreamer. She dreams that one day, she will be a famous painter, but her dream fades away when her dad died. Her dream dies...
3.5M 49.5K 72
Published Under Pop Fiction | Paperback available for PHP195 in bookstores nationwide. (Completed // UNEDITED) Si Jake Flynn ay isa sa pinakatanyag n...