A Change of Heart

By Dreamerearth

2.2K 110 21

El Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who a... More

DISCLAIMER
El Belamour Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40

Chapter 39

27 1 0
By Dreamerearth

GINAMIT kong pantakip ng bibig ang sobreng kanina ko pa hawak simula noong maupo ako.

“Sulat niya?” tanong niya pagkalapag ng mangkok na may sabaw.

Tumango ako, abot-langit ang ngiti kong ibinaba ang sobre at hinaplos ng tingin. “Ano pa nga ba? Hindi naman makaalala iyong mga kamag-anak nina papa at mama na nasa ibang bansa na.”

Wala kami kasing naitulong sa kanila noon dahil sa hirap din ng aming buhay kaya wala rin silang utang na loob na ibabalik sa amin, kaya kalimutan na. Ganoon talaga ang ibang kamag-anak.

Kumuha siya ng tisyu, pinunasan ang kutsara at tinidor. “Akala ko may bago na,” sabi niya sabay abot sa akin noong pinunasan niya. “Ano ba sabi niya sa mga sulat niya?” Itinulak ang plato.

“Ayon, habang patagal nang patagal, bumubuti na raw ang kalagayan niya.”

Sa lahat ng sulat niya, lagi niya akong sinasabihan kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing mag-isa lang siya, maging kung saan siya pumupunta. Para na rin akong pumasyal kasama niya dahil ikinukuwento niya ang mga magagandang lugar na pinuntahan niya.

Aliw na aliw nga akong binabasa lahat. Linggo-linggo siyang nagpapadala ng sulat kaya habang hinihintay ko iyong susunod na linggo, binabasa ko iyong mga sulat niya noong nakaraang buwan at nakaraang linggo bago ako matulog.

Halos maiikli lang ang sulat niya, bihira lang umabot sa dalawang papel. Buwan-buwan, tuwing Martes at Biyernes, schedule naming mag-usap sa video call. Umaabot kami nang tatlong na oras at may oras ding umabot nang matagal hanggang sa na-low battery pa nga ako dahil nakalimutan kong patayin ang tawag.

Minsan, paulit-ulit ang usapan namin, maiinis sa isa’t isa dahil magkaiba kami ng opinyon, hindi nagkakaunawaan at lilipas ang dalawang araw bago mag-sorry ang isa sa amin kung sino ang naunang nainis.

Sabay din kaming nanonood ng pelikula, at siyempre, siya ang may maraming pera sa amin, siya ang nagda-download ng mga panonoorin namin at ishe-share screen niya.

“Hindi na siya babalik dito?”

“Wala naman siyang nabanggit sa sulat niya noong nakaraang linggo,” sagot ko. Maayos kong ibinalik sa bag ang sobre, iniipit ko nang maingat sa dala kong notebook para hindi magusot. “Ewan ko lang dito sa bago niyang sulat.”

Hinahati niya ang order niyang inihaw na porkchop. “Paano kung umuwi tapos kasama niya na iyong bago niya?”

Huminto naman ako sa paghigop ng sabaw sa maliit na mangkok.

“Hindi iyan. Sasabihin naman niya sa sulat kung nakahanap na siya ng bago, at wala pa naman,” sagot kong mataas ang kumpiyansang hindi niya makakalimutang sabihan ako.

Lagi naman kaming updated kung ano ang ginagawa namin kada linggo kaya malabong may itinatago siya.

Kung sakaling may plano na naman ang papa niya, na sa ngayon ay wala akong balita dahil hindi rin niya binabanggit sa akin. Ayaw yata niyang pag-usapan.

“Paano nga kung mayroon pero hindi lang niya binanggit sa sulat.”

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Sabina. “E’di ano . . . magiging masaya, ganoon,” sabi ko, nag-iwas ng tingin at sumubo ng kanin na nalulunod sa sabaw ang plato ko. Pumikit ako sa asim.

Kukuha sana ako ng karne sa platitong nasa harap namin nang mapansin kong nakataas ang kaniyang kilay.

Lumiliit ang mga paningin niya sabay lalaki ulit ang mga mata, hindi niya sinukuang kilatisin ang mukha ko.

“Oh, bakit ganiyan tingin mo? Totoo iyong sinabi ko ’no! Pipilitin ko na lang maging masaya para sa kaniya.”

Magbabalik-tanaw na lang ako sa magaganda naming alaala dahil wala na akong magagawa kung masaya ito sa iba.

Kung sa bagay, mahirap din namang umamin kung may tao na itong gusto dahil hindi madaling maging matapat.

“Siguro masaya ka na sa bago mo kung pumayag ka lang magpaligaw.”

Hindi ko siya inimikan. Kahit lumulukso rin ang puso ko minsan sa kanila dahil masayang kasama, malabo pa rin para sa akin na mahalin ko. Tipong nakikita ko namang seryoso sila, kaso hindi ko talaga makita ang sarili kong magtatagal ako sa piling nila. Ayaw ko namang magmahal nang pansamantala. Gusto kong magmahal nang pangmatagalan at gusto kong siya na ang huli ko.

Mas pinili kong maging kaibigan na lang nila at ang tatlong naglakas ng loob, mas piniling hindi na lang ako pansinin.

“Si Aquilla lang talaga mahal mo. Solid mo namang magmahal.”

Awtomatikong nabinat ang labi ko at paulit-ulit na nagpantig sa tainga ko ang pangalan niya. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Para rin akong tanga na hinahalo-halo ang umaapaw kong kanin dahil sa sabaw.

“Iba talaga ngiti mo kapag si Aquilla na,” puna niya.

Mas lumapad ang ngiti ko, iniipit ang buhok sa gilid ng tainga.

Tumikhim ako para sawayin ang sariling umayos. “Malapit na graduation ni Maritoni,” sabi ko. “Punta kayo sa bahay. Magce-celebrate kami,” paanyaya ko pa.

Ilang araw na lang ang palilipasin namin dahil magmamartsa na rin siya. Ang nakatutuwa pa, isa siya sa with highest honor na sasabitan ng medalya. Sinabi kong si papa na lang dahil isa lang ang puwedeng pumunta sa entablado, pero nakiusap siya sa kaniyang teacher na pati ako isama niya para umalalay kay papa kasi naka-wheelchair pa rin.

Tumango-tango siya, natuwa sa gaganaping selebrasyon. “Bakit hindi na lang sa resort dito? May promo sila ngayon.”

Sandaling nanlaki ang mata ko, nilunok ang kinakain at pinunasan ang labi gamit ang likod ng kamay. “Sa EBB Resort?”

“Doon na lang para naman ma-try ninyo,” suhestiyon niya.

Ang plano ko ay mag-order na lang dahil wala na rin akong panahon para doon, pero mas maganda yatang ako na lang ang magluto para mas praktikal. Magpapasama na lang ako magluto ng mga pagkain sa kaniya para pasok pa rin sa budget ang pagre-resort. Hindi pa rin ako nakakapag-resort sa tanang buhay ko kaya gusto kong maranasan din namin.

“Sa dami ng pangarap ko sa pamilya ko, wala pa akong natupad.” Sumimangot ako. “gusto ko pumasyal kami, pero kahit nga rito sa El Belamour, hindi pa rin kami makapasyal-pasyal.” Malalim akong bumuntonghininga.

Nadidismaya pa rin ako sa sarili ko dahil wala pa rin akong nagagawang maganda. Wala pa akong nalagyan ng tsek sa bucket list ko simula noong bumalik ako rito.

Iiling-iling niya akong tinapunan ng tingin. “Ang dami mo talagang problema, Dine.” Itinaas niya ang tinidor, may sumamang isang butil ng kanin na nahulog sa mangkok na may sabaw pa. “Kaya marami ka ng wrinkles e.”

Mas lalo akong sumimangot, hinawakan ang noo ko para maramdaman ang sinasabi niya.

“Sabi ko nga, may panahon ang lahat. Inuuna mo naman ang importante saka iyang papasyal na iyan, oo, importante rin pero mas importante iyong kakainin ninyo.”

“Masaya naman kami at hindi nagrereklamo. Ang mahalaga, kumpleto pa rin tayo.”

Lumingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses niya.

“Maritoni, ano’ng—bakit ka nandito?” Inalis ko agad ang bag na nasa ibabaw ng upuang katabi ko. Hinila ko ang kamay niya at tinapik-tapik ang bakanteng upuan.

“Nakita ko kayo sa labas kaya pumasok na ako,” sabi niya at nginitian ako.

Tumatagaktak ang pawis niya sa sentido. Kumuha naman ako ng pamunas sa bag ko at iniabot sa kaniya.

“Congratulations, ah,” sabi ni Sabina.

Kumunot ang noo niyang nilingon ako habang nagpupunas siya ng pawis sa mukha.

“Proud na proud kami ng ate mo sa’yo,” dugtong pa ni Sabina.

Nang makuha niya ang tinutukoy nito, napatango siya at ngumiti. “Thank you, mga ate.”

“Ano na plano mo after? Tutuloy ka sa college?”

“Uh . . .” alanganing sabi niya, nagkamot sa likod ng tainga. “Gusto ko munang magtrabaho.”

“Kumain ka na?” tanong sa kaniya bago pa man niya masabi ang plano niyang mag-ibang bansa.

Hindi pa ako handa roon. Kailangan muna naming pag-usapan nang masinsinan kasama si papa.

“Sakto, hindi pa.”

Binunot ko ang pitaka sa loob ng bag, naglabas ng papel na pera. “Oh, mag-order ka na ng makakain mo. Order-an mo na rin si papa at Marian.”

Tumayo ito at pumila.

Tumingin naman ako kay Sabina ’tsaka matipid siyang nginitian noong na kay Maritoni lang ang mata niya.

Sa paraan ng pagbato niya ng tingin, masasabi kong nanghihinayang siya.

Tungkol naman sa tatay ni Marian, nabalitaan kong nagbibigay rin ito pero bihira. Umalis na nga sila sa El Belamour noong matapos daw manganak si Maritoni.

Hindi ko pa nakikita mukha ng tatay ni Marian. Gusto ko sanang sermunan pa pero hindi ko na kinulit si Maritoni. Ayon din sa kaniya, nag-aaral ito sa kolehiyo at matagal na sila noong girlfriend niya.

Nakawiwindang nga dahil sila pa pala noong lalaki at girlfriend. Nag-ayang mag-party iyong lalaki dahil may lover’s quarrel daw sila noong girlfriend nito, tapos ayon, isang kababalaghan ang nangyari dahil sa bugso ng damdamin ni Maritoni. 

***

Pauwi na ako sa amin nang maalala kong hindi ko pa nababasa iyong sulat na  dumating galing kay Aquilla. Naisipan kong hugutin sa bag ko para sa ganoon ay basahin habang naghihintay ng bus.

Dahan-dahan, sobrang ingat kong inilabas ang sobre.

To my Milo,

I realized that even though I am a broken crayon, I can still add color to my life. And you’re the other color I’d like to have at my side as I fill the sky with the brightest rainbow I can be. The world is chaotic, but it’s colorful chaos that we can appreciate. I can’t wait to see you again. I’m coming home for good.

Love,
Aquilla Jr.

Ngumiti ako sa pagiging positibo niya. Sa unang apat na buwan niya noon sa ibang bansa, ang lungkot ng sulat niya at ganito rin halos kahaba ang lahat ng mga natanggap ko. Alalang-alala pa nga ako pero sinisigurado naman niyang okay lang siya sa tuwing tatawag agad ako pagkabasa ng sulat niya.

Muli kong binasa at hindi na nawala ang ngiti ko sa matinding pagtatambol ng puso ko. Ang ganda ng mensahe.

Sa likod ng papel, tiningnan ko kung may isinulat pa siya dahil mahilig siyang magdugtong at sinasadya pa niyang liitan ang penmanship. Hindi nga ako nagkamali noong mapansin ko ang maliit na letra. Tinitigan kong maigi at napaawang na lang ang labi sa napagtanto.

Pag-angat ko ng tingin, may naghihintay ng bus pero imbis na sumakay ako ay tumalikod ako at tumakbo. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa marating ko ang babaan at sakayan ng dyip na papunta sa lugar kung nasaan siya.

Alam kong wala pa siyang sinabing nasa Pilipinas na siya, pero hindi ko rin alam sa utak at paa kong kusa na lang gumalaw para papuntahin ako roon.

Paalis na ang dyip pagkatapos nitong magbaba ng ilang pasahero. Nasilip ko sa bintanang maluwang pa sa loob kaya dali-dali akong tumakbo nang paatras para parahin.

Sumakay agad ako sa pagtigil. Binasa ko ang nakasulat nang paulit-ulit habang hinahabol ko ang hangin.

Hindi ko alam kung ano ang mayroon pero parang sumama sa pagsakay ko ang excitement, hindi na rin ako nilubayan ng ngiti ko hanggang sa nag-abot ako ng pamasahe.

Bantay-sarado ako sa labas. Palipat-lipat ang mata ko sa kanan at kaliwa, pinapansin ang mga dinadaanan at baka lumampas ako.

Lakad-takbo ang ginagawa pagkababa ng dyip. Walang humpay sa pagtalon ang puso ko. Maya-maya tumigil ako sa isang maliit na studio, nakabukas ang mga katabi nito at may bakeshop din sa tapat.

Mukhang business area ito at bakit dito? Bakante ang loob. Balot na balot sa puti at nang silipin ko, walang bakas na iniwanan dahil sobrang kintab ng sahig.

Umatras ako. Paulit-ulit kong tiningnan ang address at ang studio. Tama ba itong pinuntahan ko? Wala namang katao-tao at baka makasuhan pa ako ng trespassing kapag tumuloy ako.

Luminga-linga ako. Wala namang nakasabit na tarpaulin na naghahanap ng lessee. Paggawi ng tingin ko sa gilid, nakasulat nang malaki ang pangalan ko sa isang tali. Lumingon ulit ako para sana magtanong kung may tao ba talaga rito, pero kada may dumadaan, abala sila sa phone nila at may kausap din.

Humugot ako ng hangin at kuyom ang kamaong naglakas ng loob sa paghakbang palapit. Bahala na kung may manigaw sa akin bigla dito. Sinusunod ko lang naman kung ano iyong address na sinabi niya.

“Aquilla?” tawag ko. “Nandito ka ba?”

Ang tahimik sa loob at wala man lang dumagan na mabigat sa puso ko noong tuluyan kong pasukin. Wala ring nanita sa akin. Siguro libreng pumasok dito.

Nagkibit-balikat akong binagalan ang paghakbang habang nilalapitan ang pinto sa pinakasulok.

Muli akong sumulyap sa labas kung tinitiktikan na ba ako, pero wala naman. Masyadong walang pakialam ang caretaker o mga tao na nag-trespass na ako.

Paghawak ko sa doorknob, puso ko ang kinatok nang malakas.

Dalawang beses akong nagtangkang buksan pero kada pihit ko, binibitiwan ko rin. Paano kung iba makita ko?

Isang napakalalim na buga ng hangin na lumabas pa sa bibig ko at binuksan ko nang maliit. Nagbilang ako nang tatlo sa isip ko para ihanda ang sarili sa kung ano ang makikita.

Isa. Dalawa. Tatlo at tulak na biglang inulan ako ng samu’t saring papel sa harap ko kasabay ang katagang, “Surprise!”

Naiwang nakabukas ang bibig ko, kumurap-kurap, ginusot-gusot pa ang mata at nang hindi mawala sa paningin ko, tinitigan ko. Umiinit ang sulok ng mata ko kung totoo ba ang nakikita ko o guni-guni ko lang kasi sobrang miss ko na siya.

Sinubukan kong ipikit sandali ang mata at nagbilang ng lima sa isipan bago ko imulat. Nanlaki ang mata ko noong nasa harap ko na siya, nakangiti nang abot-langit.

Tumakas ang luha sa mata ko. Hindi makapaniwalang nasa harap ko na siya ulit. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang mukha niya at noong hindi tumagos ang kamay ko o naglaho man lang, biglang nagsunod-sunod sa pagtulo ang luha ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. Ang init. Siya nga. Ito na siya. Talagang nandito na iyong hinihintay ko.

“It may not be much, but it’s a good place to start. You can start your small business here, just like you dreamed years ago.”

“Para. . . para sa akin ito?”

Tumango siya. Pinunasan ang luha ko gamit ang magkabilang hinlalaking daliri.

“Akala ko . . .” Suminghap ako at sinamahan pa ng pagsinghot. “Naalala mo pa talaga iyon?”

Muli niya akong tinanguan. “Do you still remember the day I took a photo of your bucket lists?”

Ako naman ang nagtaas at baba ng ulo. Nagtataka pa ako noon kung ano ang gagawin niya at kung bakit kailangan niyang kuhanan pa ng litrato kung madali lang namang gumawa ng ganoon.

“I listed them all on a piece of paper and kept it in my wallet at all times,” sabi niyang ikinadilat ng mata ko.

“Pati rin iyong . . .”

“Yes, and . . .” Ngumiti siya. “If it’s okay with you, can we now work on those lists together?”

Natawa akong pinunasan ang pisngi. “Oo naman. Gustong-gusto kong ituloy. Game na game ako,” masigla kong sagot.

“You sure?”

“Sure na sure.”

Hinagod-hagod niya ang buhok ko. “I assumed you have no boyfriend since you never stop sending me letters.”

Umiling ako. “Wala, ni-reject ko silang lahat at worth it dahil nandito ka na,” proud kong sagot.

Malawak na ngiti ang umukit sa labi niya na isang taon kong hindi natitigan nang harap-harapan at ganito kalapit.

“I missed you a lot.” Itinulak niya ang katawan ko para mayakap nang sobrang higpit.

Nahihirapan na akong huminga pero hindi ako nagreklamo. Tumingkayad na lang ako, inilabas ang ulo para ipatong sa kaniyang balikat at makalanghap ng hangin.

“Sa wakas, mayayakap na kita araw-araw,” sabi ko at ginantihan ng yakap.

“I can look at you, smile, take care of you, and finally fall in love with you once more.” Humiwalay ito sa yakap, tiningnan ako sa mata. Nagpalipat-lipat pa sandali at nagtanong, “Are you ready to spend more time with me?”

Tumango ako. “Matagal na akong ready. Ready na ready na ready na ako!” sigaw kong um-echo pa sa loob.

Tumawa siya. “Thank you for being patient with me and still loving me.” Puno ng lambing ang pagdampi ng kaniyang labi sa noo dahilan para pumikit pa ako para damdamin ang pagkanta ng puso ko.

Pumulupot ang kamay ko sa kaniyang baywang, samantalang ang isang kamay naman niya ay nasa baywang ko habang ang isa ay nasa likod ng aking ulo.

“Your love is the one I’ve been looking for. Thank you for making me experience it. I almost give up on the idea of wanting to be loved.”

Continue Reading

You'll Also Like

360K 10K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1M 25.5K 51
Highest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that t...
56.3K 945 38
ME Series #1 : NOTICE ME a novel written by: MiaBellaHart Kapag nagmahal ka, Kapag nagmahal ka, nagpapansin ka. Kapag nagmahal ka, lahat gagawin mo...