C A P O D E C I N A

By Yanalovesyouu

53.6K 3K 954

Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute i... More

Author's Note
I l P r o l o g o
C a p i t o l o 1
C a p i t o l o 2
C a p i t o l o 4
C a p i t o l o 5
C a p i t o l o 6
C a p i t o l o 7
C a p i t o l o 8
C a p i t o l o 9
C a p i t o l o 10
C a p i t o l o 11
C a p i t o l o 12
C a p i t o l o 1 3

C a p i t o l o 3

2.2K 189 48
By Yanalovesyouu

"Luciano Famiglia." I looked up at the large sign that hung above the two massive buildings in the exact center of Citta di Salerno.

Hindi talaga maipagkakaila na isa ang Luciano Famiglia sa may pinakamalalaki at pinaka makapangyarihang organisasyon na kabilang sa 7 Dons.

"Well, obvious naman kasi rito sa building sa harap ko kung gaano sila kayaman," bulong ko pa.

I took a few slow, deep breaths and observed people coming and going from the building. I stood there for a brief interval and observed the actions that they were taking, before joining the crowd entering the building.

Tulad nila ay ini-scan ko ang black card na dinekwat ko nang mapatapat ako sa scanner para makapasok.

"Easy," bulong ko dahil walang kahirap-hirap akong nakapasok.

Siguro hindi rin ganoon kahigpit ang seguridad dito sa building dahil sino ba namang siraulo ang magtatangka pang pumasok sa isang building na puno ng mga myembro ng isang kilalang Mafia Organization 'di ba?

Ako lang yata.

Ang problema ko na lang ngayon, e, kung saan ako pupunta.

Iyong mga kasabayan ko kasing pumasok ay may kanya-kanyang pinuntahan. You'll be able to tell by looking at them that they are aware of where they are going.

Samantalang ako, heto at naglalakad pero hindi sigurado kung saan patungo.

I couldn't take a moment to consider where I was going, kasi kung ganoon ang gagawin ko, someone would see my actions and become suspicious.

I have to keep in mind that everyone in this building is a member of a Mafia group, kaya hindi ako puwedeng magpakita ng kahit na anong kaduda-dudang galaw.

Kaya kung ano na lang ang pinakamalapit na puwede kong pasukan, doon na lang ako pumasok.

Pero mukhang minsan, mali talaga ang mga ginagawa kong desisyon sa buhay dahil sa dinami-rami ng puwedeng makapansin sa akin, itong dalawang lalakii pang mukhang mandirigma. Kainis naman!

"Teka, pamilyar ang mukha mo, ah." Napabuntonghininga ako dahil sa sinabi ng isang lalaki.

Ito na siguro iyong part na kailangan kong magdasal at magtawag ng mga kilala kong santo para magkaroon ng himala 'no?

Iniisip ko ngayon kung yuyuko ako para wala lang? Baka hindi nila kasi ako makilala kung sakaling nakayuko ako.

Pero makalusot man ako sa kanila, sure namang marami pa ring iba rito ang makakakilala pa rin sa akin. Kaya hindi ko na lang siguro sasayangin effort ko.

"True ba?" tanong ko sa kanya.

Lumapit pa iyong isang lalaki at saka hinawakan ang mukha ko para iharap sa kanya. "Oo nga 'no," pagsang-ayon niya.

"Parang nakita na kita kung saan," dugtong pa niya.

"Kamukha ko ba iyong nasa Notizie Sotterranee?" tanong ko. Tinulungan ko na lang siyang maalala kung saan niya ako posibleng nakita. Kasi ganoon din naman, doon din naman kami papunta.

Lumapit naman ang isa pang lalaki na may hawak ng Notizie Sotterranee at saka itinabi sa mukha ko ang headline. "Ikaw nga 'to!" So bale tatlo na sila ngayon na nasa harap ko.

"Tingnan mo nga naman oh, isang milyong dolyar pa nga talaga ang lumalapit sa atin," nakangising sabi n'ong isa, siya iyong unang lalaki na nakapansin sa akin.

He moved around behind me at inabot ang dalawa kong kamay to place the handcuffs on me. Hinayaan ko lang din siya sa ginagawa niya. Kung manlalaban kasi ako, e, mas lalo akong makakaagaw ng atensyon ng iba pang miyembro ng Luciano Famiglia.

"Partly true, pero hindi naman kayo ang ipinunta ko rito. Ang totoo n'yan ay hinahanap ko si Ludovic Luciano." Nagkatinginan iyong dalawa na nasa harap ko pero mukhang wala silang plano na makinig sa sinasabi ko.

Nang masiguro naman n'ong isa na nailagay na niya ng maayos ang posas, e, pumwesto na rin siya sa harap ko.

"Si Capo Ludovic Luciano ba ang tinutukoy mo? Kaano-ano ka niya?" tanong n'ong isa.

"Secret," nakangising sagot ko. Nagkatinginan silang tatlo. Expected ko na rin naman na hindi kaagad sila maniniwala sa akin. Kaya hindi na ako nagulat no'ng parang may pag-aalinlangan sa mga mata nila kaya nagsalita na lang ulit ako.

"Hindi ko lang sure kung ano gagawin niya sa inyo kapag nalaman niyang tini-trip n'yo ang bisita niya, ha. Ayoko na lang mag-talk, basta sigurado akong hindi siya matutuwa kapag nalaman niya," dagdag ko pa.

"Bakit mo hinahanap si Capo?" tanong ng isang lalaki na ngayon ay naglalakad palapit sa amin.

Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Kumpara sa tatlong itlog na nasa harap ko, di hamak na mas mukhang kagalang-galang ang isang 'to.

At nakasisiguro ako na kapag nagkamali ako ng sagot sa kanya ay hindi na ako pakakawalan ng mga 'to.

"Hindi mo na kailangang malaman pa," diretsong sagot ko at saka inalis ang tingin sa kanya at ibinalik ang tingin doon sa tatlong lalaki.

Naaninag ko sa gilid ng mga mata ko na sinulyapan niya ang posas ko sa likod. "Alisin n'yo na 'yan, dadalhin ko siya kay Boss," utos niya roon sa tatlo kaya ako na mismo ang nag-alis ng mga posas ko at saka iniabot sa isang lalaki.

"Papaanong—" May pagtatakha sa mukha nilang tatlo pero mas lalo silang nagtaka nang sunod kong iniabot sa kanya iyong susi ng posas. "Thanks!" sabi ko pa sabay kindat sa kanilang tatlo.

"Sumunod ka sa 'kin," utos naman n'ong lalaki na mukhang matino.

Muli kong itinaas ang hood ng cloak ko at sumunod sa kanya. Totoo ngang malaki ang Luciano Famiglia dahil ang dami naming nakakasalubong habang naglalakad na mga tauhan nila.

We did not speak a single word until we entered the elevator. Pinindot niya ang B13 kaya naghintay lang ako, s'yempre wala pa rin akong imik. Ang totoo niyan kanina ko pa rin talaga gustong magsalita, kaso ayokong makahalata siya na wala akong alam kung sino si Ludovic Luciano kaya mas mabuti na lang na manahimik muna ako kesa mag-open ng topic.

Pagbukas ng elevator ay sumalubong sa amin ang iba't ibang lalaki na abala sa pag eensayo. May nag-i-sparring, may nag-e-ensayo sa target shooting, there are also men who are working on their knife-throwing skills, at kung anu-ano pa. Pero lahat sila ay kakikitaan mo ng ka-seryosohan sa ginagawa.

If I were to make a comparison between the members of this group and those who are part of ours, it would be obvious that the members of this group are better, dahil na rin sa paraan nila ng pag-e-ensayo.

Akala ko nandito na sa parang gym ang hinahanap ko pero hindi pala, dahil dinaanan lang namin ang mga ito at lumabas sa kabilang pinto.

We made our way down another long corridor. Jusko parang wala naman 'tong katapusan. Hindi ko in-expect kanina na ganito pala kalaki ang loob ng Luciano Famiglia, okay scratch that, in-expect ko na malaki dahil malaki iyong building pero hindi ko in-expect na sobrang laki pala!

Pinagmasdan ko ang nilalakaran namin. There were several doors, and I had no idea where any of them led until we arrived at the two large doors.

Siguro naman ito na 'yon 'di ba?

Pero s'yempre, hindi pa rin. Dahil pagpasok namin isang malaki at magarang hall ang sumalubong sa amin. Tanaw mula rito ang dalawang malaking hagdan na animo'y hagdan sa mga palasyo dahil with red carpet pa.

Tulad ng inaasahan ko, umakyat nga kami sa hagdan at tinungo ang nasa gitnang pinto.

Kumatok muna siya ng tatlo bago binuksan ang pinto. "Boss, may naghahanap sa 'yo."

Ni hindi man lang niya chineck kung nasaan ang 'boss' na kinakausap niya dahil pagkatapos niyang sabihin iyon ay isinara na niyang muli ang pinto.

"O-kay," bulong ko nang maiwan akong mag-isa.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid. Para tuloy awtomatikong tumitigil ang tingin ko sa bawat mamahaling bagay na makita ko. Kung hindi lang ako mahuhuli ay mag-uuwi ako ng ilang piraso ng mga alam kong puwede kong pagkakitaan.

Sa pag-iikot ko sa silid ay nakarating ako sa tapat ng isang pinto. May naririnig akong tunog na nanggagaling sa loob kaya bilang likas na pakialamera ay binuksan ko iyon.

"Ang arte ha, may gymn naman doon kasama ng iba pero nagsosolo ka rito." Actually, hindi ko namalayan na nasabi ko pala ng malakas ang iniisip ko kaya napahinto sa pag suntok sa punching bag iyong lalaki.

Lumingon siya sa gawi ko at tiningnan ako na para bang sinusuri ako.

"Sino ka at anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Lumapit pa siya sa akin para suriin ako. "Hindi ka taga rito 'no?" dagdag na tanong pa niya. "Ngayon lang kita nakita." Pagkasabi pa niya n'on ay bahagya pa siyang lumapit kaya napaatras ako.

"Pinapunta ako rito ni Ciro."

"Sinong Ciro?"

"Hindi mo ba siya kilala?"

Imbes na saugitin niya ako ay ngumisi siya at tiningnan ang kabuuan ko. Hindi ko gusto ang mga tingin niya dahil parang may pagka-manyak pero dahil anak siya ng Mafia Boss, paniguradong wala naman siyang intensyon na ganoon. Kaya deadma nalang muna girl.

Mas lumapit pa siya sa akin kaya mas napaatras ako hanggang sa mapadikit na ang likod ko sa isang cabinet.

Okay binabawi ko na kasi mukhang may pagka-manyak siya talaga. Hinaplos niya ang kanang balikat ko at bahagya itong pinisil.

"Ano ba ang kailangan mo?" Hindi ko gusto ang pagkakatanong niya dahil mukhang hihilingin niya ang katawan ko kapalit ng kailangan ko. Or puwede rin namang judgmental lang ako.

Pero kung judgmental ako, edi sana jinudge ko na amoy pawis siya at hindi kagwapuhan para sa isang anak ng Mafia Boss 'di ba?

Hinawakan niya ang ibabang parte ng mukha ko at bahagyang itinaas para mas mapagmasdan niya ang mukha ko.

Isa lang ang masasabi ko... ang pangit pala sa malapitan ni Ludovic Luciano. Hindi siya katulad ng nasa imagination ko. Hindi rin siya mukhang kagalang-galang. Siguro ito rin ang dahilan kaya hindi siya pinili ng tatay niya na maging Sottocapo. Hindi na ako magtataka kung bakit Capo pa rin siya hanggang ngayon.

"Mawalang galang na, pero aalis na lang siguro ako. Nagkamali siguro ako ng pagpunta rito." Pagkasabi ko n'on ay marahan ko siyang itinulak palayo para umalis pero hindi pa ako nakakaallis ay hinawakan na niya ang isang braso ko.

Hinatak niya ako palapit sa kanya at akmang hahalikan nang mabilis kong hinawakan ang kaliwang kamay niya at iniikot hanggang mapaluhod siya. Inabot ko ang nakadisplay na katana sa may mesa at inalis sa lalagyan gamit ang bibig at saka iyon itinutok sa kanya.

Kahit na nakaluhod ay ngumisi siya sa akin kaya sinipa ko siya sa mukha. Tangina ba niya? Ako pa ang ngingisian niya.

"Sa susunod na magtangka ka pang hawakan ako, e, hindi lang 'yan ang aabutin mo," pagbabanta ko saka itinapon ang Katana sa harap niya at mabilis na umalis palabas.

Habang mabilis na naglalakad paalis ay hindi ko mapigilang hindi magmura.

Shit talaga 'tong si Ciro! Pahamak talaga kahit kailan!

Hindi man lang inilagay sa note niya na manyak pala 'tong si Ludovic Luciano. Buong akala ko pa naman, e, matinong tao siya dahil anak siya ng kilalang Mafia Boss.

Pero kung sabagay, iyong ex kong Mafia Boss may pagka tarantado rin talaga kaya siguro natural na lang sa kanila ang ganoon.

Pero sobra naman 'tong Ludovic na 'to, ah. Pangit na nga, manyak pa.

"What the fudge! Ang bobo mo naman Constance!" bulong ko nang maalala kong hindi ako nakakuha ng kahit na ano sa mga gamit na nandoon sa kuwarto n'ong si Ludovic Luciano. Sayang naman mukhang mamahalin pa naman ang mga gamit na nandoon.

"Balikan ko kaya?" Pero on a second thought, huwag na lang pala, baka hindi lang ako makapagtimpi doon sa Ludovic Luciano na 'yon at matuluyan ko siya.

Maghahanap na lang ako ng ibang nanakawan, tutal, mukhang may mga pera naman ang mga tao rito.

Mula sa mabilis na paglalakad ay nagmarahan ako habang pinagmamasdan ang mga nakakasalubong ko.

Kakalakad ko kanina hindi ko na napansin na nandito na pala ako ulit sa gymn kung saan marami ang abalang nag-e-ensayo. May mga dala ba silang wallet? E, mukhang mga dugyutin at pawisan na sila.

Tama, maghahanap na lang ako ng dedekwatan para hindi naman masayang ang pagpunta ko rito.

Habang pinapasadahan ko ng tingin ang mga lalaking nasa iba't ibang lugar nitong malaking gymn at may kanya-kanyang ginagawa ay napako ang tingin ko sa isang lalaking kakapasok lang. Doon siya nanggaling sa pinto na dinaanan namin kanina noong galing kami sa elevator.

At omygod! Ang pogi niya, ah.

In fairness mukha ring mayaman. May ilang lalaki rin ang nakasunod sa likod niyang naglalakad kaya nakakasiguro ako na hindi siya ordinaryong miyembro ng Luciano Famiglia.

O puwede rin na hindi siya taga rito?

Siguro pupunta siya doon kay Ludovic Luciano.

Habang palapit siya ng palapit sa gawi ko, e, iniisip ko kung tatabi ba ako para bigyan siya ng daan o dito na lang ako para mapansin niya ako at the same time mananakawan ko pa siya.

Okay mukhang mas bright idea iyong pangalawa kong naisip. Hitting two birds with one stone ika nga.

Tulad nang nasa isip ko ay dere-deretso siyang naglakad hanggang sa magtama ang mga balikat namin. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon para dekwatan siya ng kung anumang dala niya.

Bingo!

Napangiti ako nang walang kahirap-hirap kong nakuha ang wallet niya at iba pang laman ng bulsa niya.

Hindi ko alam kung napansin niya ang ganda ko, o dahil naramdaman niya ang pandurukot ko dahil saglit siyang huminto at lumingon sa gawi ko kaya naman nang magtama ang mga mata namin ay nginitian ko siya.

"Tapos ano'ng nangyari, ate?" tanong n'ong batang tsismoso sabay kagat ng hamburger na kinakain niya.

"Edi wala na, the end na. Akala ko nga na love at first sight siya sa akin dahil tiningnan niya ako, pero mukhang hindi."

"Hindi siya nagandahan sa 'yo?" usisa pa n'ong batang tsismoso kahit na punung-puno ng pagkain ang bibig niya.

Humigop muna ako ng kape at saka nag isip. Nagandahan ba siya sa akin? Sinasabi naman lagi ni Ciro na maganda ako, ah. "Siguro nagandahan siya, hello? Ang ganda ko kaya. Baka shy type lang kaya hindi niya sinabi."

"Weh?"

Aba't! "Anong weh? Parang tutol ka pa, ah." Ngumiti naman siya kaya inirapan ko siya. Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa bata, ah. Pero malapit na, konti na lang.

"Sus! Akala ko pa naman may mapapala ako doon kay Ludovic Luciano. Scam naman pala," bulong ko nang matahimik kaming dalawa.

Ang ipinagtataka ko, e, kung bakit sa dinami-rami pa ng puwedeng ilagay na pangalan ni Ciro doon sa papel, e, bakit iyong Ludovic Luciano pa?

Sigurado akong may ibig siyang iparating sa akin, pero puta! Hindi ko talaga maisip kung ano.

Inubos ko muna ang isang tasa ng kape bago nagsalita, "Alis na ako." Tumayo ako at pinagpagan ang cloak na suot ko para bumalik sa inn kung saan ako nag-check in. Mas mabuti sigurong doon ko pag-isipan ang mga sunod kong gagawin.

Inalis ko ang mga laman ng cloak ko at saka ito tinanggal "Jusko nakahinga rin." Ang hirap ng maghapong nakasuot nitong cloak ha, napakainit.

Nagsindi ako ng sigarilyo at saka kinuha ang wallet n'ong lalaking pogi kanina. "Okay, so tingnan natin kung mayaman ka nga talaga," bulong ko pero laking gulat ko nang makita ko ang ID na nasa loob n'ong wallet.

"Ludovic Luciano?!"

What the fuck?

"Kung siya si Ludovic Luciano, sino iyong manyak sa kuwarto niya?"

Continue Reading

You'll Also Like

23.3M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
3.7M 95.1K 116
[Completed] A weird mysterious girl showed up at West International School. Isang babaeng walang kinatatakutan, walang sinusunod, walang kaibigan. Ev...
1.3M 48.4K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...