Pagtuklas

By Anngorge

14 0 0

Ang mundo ay magulo at hindi patas ayon sa pagkakaintindi ng iba, maaaring dahil ito sa karanasan nila sa buh... More

May Hangganan sa Kaalaman
Sa aking Paglisan
Pag-unlad ng Ekonomiya
Ako ay isang estudyante
Pagmamahal o Kabutihan
Sino Ako?
Katotohanan at Hinahangad
Emosyon

Kumusta

0 0 0
By Anngorge

        Sa araw na ito ay naniniwala ako na nakagawa ka ng maraming bagay, ito man ay may maganda o hindi magandang resulta. Naniniwala rin akong may mga araw kung saan ginawa mo na lahat kahit pagod na pagod ka na para sa hangarin na matatapos mo rin ang lahat kahit na anong mangyari at sa paniniwala na kaya mo at magagawa mo.

        Kumusta ka na?
        Kaya mo pa ba?
       
       Minsan ayos lang na tanungin o kamustahin natin ang ating sarili lalo na kung tayo ay malungkot. Subukan nating tanungin kung masaya ba tayo sa ating nagawa sa kabila ng ating pagsisikap, ng ating oras, at ng ating pagsasakripisyo, kontento ba tayo sa huli o nakamit ba natin ang ating kagustuhan at inaasam.
  
         Sa gayon naniniwala ako na may matutunan tayo sa ating pangangamusta sa ating sarili. Maaaring mapagtanto natin na ayos lang kahit na ano ang maging resulta ng aking ginawa ito man ay maganda o hindi ang importante ay ginawa ko ang magagawa ko, binigay ko lahat para magawa ito ng maayos, at pinagbutihan ko. Marahil ay ito na ang aking limitasyon sapagkat wala ring tao ang matagumpay sa lahat o transendente.

          Minsan subukan natin na kumustahin ang ating sarili dahil kailangan rin natin ng pang-unawa at pagmamahal. Kahit ngayong oras man lang sa kabila nang ating mahabang araw.

Continue Reading

You'll Also Like

550K 25.2K 42
Book 1 of Ishq Series. || Highest ranking: #1 in Cousins on 30 Aug 2020|| || Highest ranking: #1 in spiritual on 23 March 2021|| ||Highest ranking: #...
4K 144 10
- He is the eldest She is the youngest - He is mature She is immature - He is ice cold She is jolly | •Aaliya Idrees (18 years) The youngest chi...
558K 24.4K 41
He was the Man who preferred darkness. She was the Woman who preferred brightness. He preferred Loneliness. She preferred Togetherness. He had suf...
14.6K 1.7K 14
Mehrbano is a kind enthusiastic girl entrapped in a loveless marriage with a cold man Ehan Haider. She had fully invested herself in her marriage but...