When I am With Miss Clumsy (S...

Von mooiivoor

5.3K 149 13

The running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang... Mehr

Prologue---------•
Action 101: Siya si Mafi?
Action 102: The advice on the ride
Action 103: This innocent is mine
Action 104: Caretaker heartbreak
Action 105: Her Father vs. Her Leading man
Action 106: Sleeping Pating
Action 107: Bonding
Action 108: Never let me go
Action 109: The last test
Action 110: His unexpected decision
Action 111: Lets talk.
Action 112: Ay sa ama umamin
Action 113: Mild Goodbye
Action 114: Mister Loving and Mister Dangerous
Action 115: Miss Loving and Miss Dangerous
Action 116: One night short story
Action 117: Mister Dangerous
Action 118: First Day First Cry
Action 119: The new SG inn
Action 120: Rectangles
Action 121: Explain it.
Action 122: Cellphone at Charger
Action 123: Kuya 'Ngot
Action 124: Headmasters?
Action 125: Kuya 'nifasyo!
Action 126: My Clumsy~
Action 127: Ang alamat
Action 128: Holy crap a trap
Action 129: Teka. Si Earth?
Action 130: Wild like a rampant Lion
Action 131: Em, is that you?
Action 132: Five Lives
Action 133: Ecstasy with Clumsy
Action 134: Sorry, Earth!
Action 135: Much More Stronger
Action 136: Second Name's Origin
Action 137: Let's start the fire
Action 138: FIRE 'tingisher
Action 139: Just one hug
Action 140: Wanted: Beauty Filter
Action 141: Raise your guns
Action 142: Touch her goodbye
Action 143: Your wrong style
Action 144: Oh! N1!
Action 145: Makwento to.
Action 146: Pabili po.
Action 147: Equals One Hundred
Action 148: Kun'di man...
Action 149: 'Ano? Kakatwiran ka pa?'
Action 150: Maglock ng pinto
Action 151: Cropped
Action 152: Kumindat talaga 'yon.
Action 153: Claw Machine ;>
Action 154: Pating,Iangot,Clumsy!
Action 155: Diary Milk <3
Action 156: Pinapayagan na kita.
Action 157: A promise.
Action 158: Dahan-dahan kasi
Action 159: Huwag kang matulog...
Action 160: He wake up for this.
Action 161: Fly Freely
Action 162: The Busy Street
Action 164: Incominggg--
Action 165: Hearts are everywhere!
Action 166: His/Her Gift
Action 167: Valentines is sharing <3
Action 168: In the count of three! Three!
Action 169: ---Muahm!
Action 170: Minions on wedding dresses!
Action 171: Interlude: World news
Action 172: jEalouSY
Action 173: confUSED
Action 174: Own Gang
Action 175: Men's Women
Action 176: rn Wolmido Island
Action 177: wokE up in dreaM
Action 178: ay girlfriEnd Mo
Action 179: Smoooooooth!
Action 180: The Best!! <3
Action 181: Side His Side
Action 182: Regained Trust
Action 183: hEr enDEARMent
Action 184: Seventy-seven
Action 185: EM
Action 186: The Epilogue
Action 187: Graded!
Action 188: First time naming tatlo!
Action 189: Mr. Em's right hand
Action 190: Earth's commands
Action 191: Protagonist's POV
Action 192: Men's POV
Action 193: Here He Come!
Action 194: Untied in Vengeance
Action 195: Untied as Nephew
Action 196: The Crossover
Action 197: The Right Hand Woman
Action 198: Earth Vs. Marina
Action 199: The Final War
Action 200: The fall of Gang World
Epilogue

Action 163: Day One

26 1 0
Von mooiivoor

Clumsy's POV

Palapit ng palapit ang mukha ni Pating sa akin. Pumikit ako habang hinahabaan ang nguso. Gusto ko rin siyang halikan. Kahit hindi ako marunong. Ang lambot ng labi... Gusto kong--

"Time to wake up, sleepyhead!"

"Wooooah! Ha. Ha. Ha..." Napabalikwas ako ng upo sa kama habang habol ang hininga. Napahilamos ako sa mukha ko at napapikit-pikit. Nakanganga. Pakiramdam ko nalunod ako.

'Biglang malamig. Bakit pakiramdam ko basa ako?'

"Aray!" Napahawak ako sa noo ng biglang may tumama sa akin. Napapikit ako sa sakit. Ang tigas nung tumama eh! Nilingon ko ang pinanggalingan ng bagay.

"P-pating?" Nauutal akong nagsalita.

Nakatayo si Pating sa gilid ng kama ko. May benda ang buong kamay niya hanggang sa kalahati ng braso niya, tapos kahit ang noo niya may puting tela na nakapalibot. Tapos may dala rin siyang telang puti.

"At the count of five I want you infront of me, prepared. One!"

"Wouy! Wouy teka!?"

"Two!"

"Waaaaahhh!" Napakuripas ako ng talon sa kama, pero ang magaling na kumot hindi ko napansing nakapalibot sa paa ko. "WOAAAAAAAH!"

"Oh shit." Narinig ko pang nagmura si Pating bago siya kumaripas ng takbo para saluin ako. Pero ang inaasahan kong nakakakilig na pagsalo, hindi nangyari. Nagdere-deretso ang kalahati ng katawan ko pababa sa kama at kung kailan malapit na akong mangudngud saka tumigil ang dere-deretso kong paglaglag. Naipit pa ang mga kamay ko sa kumot at unan na nasa gilid ko.

Pinilit kong tanggalin ang mga kamay ko sa pagkakaipit. Naririnig kong nagbibilang si Pating ng mahina at pagkabilang niya ng tatlo bigla niya akong binitawan at tuluyan akong tumuwad sa sahig. Ang bait niya diba, una hinigit niya ang likod na parte ng damit ko para hindi ako mahulog. At pangalawa, binitawan niya lang din ako. Maraming salamat. Rrrghh!

"Arrouch..." Nagpagulong-gulong ako sa sakit ng ilong at noo ko. Nakawala na ako sa walang hiyang kumot at sa lapag na ako nakahiga. Narinig ko ang sapatos ni Pating na papalapit. Naningkit ang mga mata ko habang inaantay siyang tingnan ako.

Nasa ulunan ko siya at niyuko ako. Nakangiti. "Morning."

"Morning nye nye." Naiinis kong panggagaya. Pero hindi nawala ang ngiti niya. Tiningnan niya ang hita ko. Nakapajama ako nuh, si spongebob.

"If you have the strength to lift your legs up," tinuro niya palibot ng leeg niya habang nakangiti. "Place it around your opponent's neck and, " pinaikot niya ang isang hintuturo. "Bam! Make sure your opponent's body will hit the ground. Hard. Yung tipong mapapadaing siya."

"Hah!?" Napakuripas ako ng tayo at nagpameywang sa kanya. "Ang aga-aga, Pating! Iniisip mong manakit!? Ha!?"

Tumayo siya ng maayos at hindi parin nawala ang ngiti sa akin. Niyuko niya ang hawak na tela. "Rule number one--."

"Hide? Tama. Sabi ng mama mo, na tita ko. Rule number one ay magtago! Kaya huwag mo kong turuan nung padaing-daing! Magtatago ako!"

"Rule number two--."

"Follow orders! Kaya ifofollow ko ang rule number one! Babye!" Naiinis kong sigaw saka ko siya iniwan. Pero ilang hakbang lang ang nagawa ko at natigilan ako dahil sa naisip.

'Rule...'

Dahan-dahan ko siyang nilingon ulit. Nakangiti parin siya sa akin. Mas lumapad pa. "Times up. I'd already counted one to five. At mukhang hindi ka pa ready. Punishment," pinaikot niya sa harap ko ang hintuturo niya. "Five rounds. Run around the mansion."

"H-ha? Ha?"

Naglakad siya sa harap ko at ng makalayo ng isang hakbang tumigil siya saka ako nginitian. "Day One... Starts now."

"H-ha?"

Hindi na niya ako sinagot at nagdere-deretso siya sa labas ng kwarto ko. Napahawak ako sa dibdib dahil sa kaba na bigla kong naramdaman. Pagtalikod ko napayuko ako sa puting tela na iniwan niya sa side table.

'Oh nobita! Tutulungan na kitang bugbugin si Damulag at Soneyo!'

"Waaaahh! Yiiieeee! Whew! Whew! Kaya ko to! Kaya ko yon! Kaya mo yon, Earth! Wheeeew! Kinakabahan ako! Pero yiiieeee! Yeeesss!"

"EM? ANONG ginagawa niyo ni Earth?" Narinig kong nagtanong si Ate Sandra kay Pating na nasa gilid ko. Pareho kaming nakadapa sa sahig pero nakatukod ang dalawang kamay. Kamay na may puting tela, para hindi daw masyadong sasakit ang kamay namin.

Tinuturuan niya akong magpush-up pero ilang minuto na ang lumipas at napansin na kami ng lahat pero hindi ko parin magawang magpush-up. Ito ang nahirapan ako bukod doon sa ibang stretching na nauna na naming ginawa. Tamang exercise lang sabay kembot! Heheh! Ang saya-saya magexercise kaso nung nagpupush-up na pinagpawisan ako agad.

Pinagaya niya ako sa kanya ngayon. Tahimik siyang nagbibilang sa isip habang nakasteady kami. Nginitian ko si Ate Sandra kasi alam kong hindi siya masasagot ni Pating. "Tuturuan niya rin po ako ng ginagawa nila Lolo Le?"

"Hah!?"

Sakto sa pagsigaw ni ate Sandra ang pagputok ng baril sa malapit. "Hehehe! H-hindi pa naman po yung fire range chuchu basta walang baril heheh!" Paliwanag ko. Kasi sila Lolo Le tinuturuan sila Jai na gumamit ng baril doon sa malawak na lupa sa tapat ng gate. Malalayo naman ang mga kapitbahay saka may harang sila doon. Saka narinig ko rin si Tito Frieg ang kumuha ng lesensiya raw nilang lahat. Sana ako rin sinama. Chour!

"A-ah okay. A-akala ko lang kung anong ginaga--."

"Mama!" Sumigaw si Sandwich habang lumalapit sa amin. Nginitian ko siya agad. Nangangalay na ako pero bawal gumalaw. Gusto ko ring kawayan siya. Kaso matutumba ako kapg isang kamay.

"Hi, Sandwich!"

"Ya Ating tulog?"

"Ahhahahahah! Hindi nagbibilang yan."

Hindi ako pinansin ni Sandwich at biglang nilapitan si Pating. "Woy! Baby baka madaganan ka nila!" Sinaway siya ni Ate Sandra pero nakakapit na siya kay Pating.

Napadilat si Pating ng tumatawa si Sandwich na sumampa sa likod niya. "Ya Ating kabayo ko! Yaaah!"

"Hahahahah!"

"Baby!"

"What the hell..." Napatingin agad si Pating kay Ate Sandra. Kukunin na sana ni Ate Sandra si Sandwich pero biglang yumakap sa leeg ni Pating si Sandwich. Nagpagewang-gewang si Sandwich!

"SANDWICH!"

"BABY! Jusko po!" Pareho kaming nataranta ng salo ni Ate Sandra kay Sandwich. Pero mabilis na bumaliktad si Pating at sinalo si Sandwich. Nakahiga na si Pating habang nakahiga si Sandwich sa ibabaw niya. "Anak naman..."

Nakaupo na ako sa gilid nila ni Pating habang nakatayo si Ate Sandra sa kabilang gilid. Hindi kami pinansin ni Sandwich at tumatawa pa niyang tinusok ang pisnge ni Pating. "Supelman! Hahah! Iligtas Ya Ating! Wooo!" Pinaglaruan pa ni Sandwich ang buong gwapong mukha ni Pating.

Pareho kaming natawa ni Ate Sandra. Hindi na kasi maipinta ang mukha ni Pating habang nanginginig na hawak ang beywang ni Sandwich. Kulang na lang sumigaw siya ng 'Tulonggg!'

"Hahahahah!"

"S-sandra... G-get him."

"Nyaahahah! Heheheh! Ripad! Ripad! Ya Ating sakay rikod!"

"Baby tara play tayo doon. May ginagawa sila Ate at Kuya eh."

"Eeehh! Sa sari ako!"

"Baby hindi pwede pang big boy lang yan." Natigilan si Sandwich at tiningnan si Pating. Nahila na siya ni Ate Sandra palayo kay Pating.

"Mama kairan ako big boy?" Tanong ni Sandwich habang kinakarga siya ni Ate Sandra palayo. Nagsosorry ang ngiti na binigay ni Ate Sandra sa amin ni Pating bago tuluyang umalis.

Naiwan ang tingin ko kanila Sandwich at Ate Sandra na palayo.

'Ang sarap sigurong magkababy...'

"Clumsy!"

"Ay baby! Ano yon?" Pinandilatan niya lang ako ng mga mata habang umaayos ng posisyon. Nakapush-up parin pero nakatukod na ang braso hanggang siko. "A-ah okay!" Ginaya ko agad siya kahit nananakit na ang braso ko. Bawal umarte o umangal.

"Start from this position. Try to move your body down and then up," sabi niya habang ginagawa ang sinasabi niya. Ginaya ko agad siya.

"Aaarrghhh! Eerghhh! Aaaaarg! Aaarrryaw! Ayaw umangat!" Sigaw ko saka ako tuluyang dumapa sa sahig. Kapag nagagawa kong ibababa ang katawan, hindi na ako nakakaangat. Galeng eh.

"Relax your body and mind. Isipin mong magaan ka." Seryoso niyang sabi saka nagpush-up. Tumango ako at sinimulan ulit na magpush-up. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ako makaangat. Pero paulit-ulit kong sinusubukan.

Napansin kong tumigil si Pating at humiga, saka tumagilid at tiningnan ako. "B-bakiiirrt! Aargh!" Sinubukan kong magtanong habang inaangat ang sarili pero hindi ko magawa. Bumabalik ako sa push-up position tapos pababa tapos kapag paangat, ayon. Hinihil ako ng sahig.

"Nothing. I am just happy. I guess..."

"H-harrppy? Argh!" Tuluyan akong dumapa at nilingon siya. "Happy ka pinahihirapan mo ko?"

"No. I am happy seeing you trying. And I can't wait to teach you more. Kaya bilisan mo na at nang hindi lang push-up ang matutunan mo ngayong araw." Bigla siyang sumeryoso.

"Ay ambot!" Nagsimula ulit akong magpush-up. At magdasal.

'Angat! Angat! Angaaaaat! Magaan ako. Magaan lang ako! Magaan!'




PAGKATAPOS ng stretching at push-up tinuruan niya ako ng basic sa pagsuntok chuchu! Bukas daw magkikick-kick naman. Nasa loob lang kami ng bahay at tuwing may papasok sa grupo nila Lolo Le na nasa labas, bigla nalang tumitigil si Pating. Nahihiya ata siya kaya hindi ko na pinansin. Ayaw niya talagang makipaghalubilo kanila Lolo Le. Hays! Huling pumasok si Kuya Art bago sila nagbreak time at nananghalian. Sumunod din kaming kumain.

Nangmaghapon na nagsig-uwian na sila! Si Iangot andoon kanila Jai. Sila Ateng, Kuya Jacob at Kuya Judeya may lakad. May importante lang daw gagawin. Yon ang sabi sa akin, pero si Pating kinausap din nila ng matagal. Si Sandwich tulog!

At si Pating nagiging boksingero sa harap ko. Seryoso siyang nagsasalita habang inaarte ang sinasabi niya. Ginagawa niya ang posisyong sinasabi niya. Tapos marami pa siyang sinasabi! Pero hindi ko na maintindihan...

'Bakit kasi kailangang walang tshirt kapag tuturuan ako? Kailangan ba talaga nakahubad? Kailangan kumikinang ang braso na may mga muscles? Kailangan pati abs may exposure? Kailangan bang kumikinang ang buong taas na katawan niya!? Kailangan bang ganito ang eksena!? Kailangan bang--.'

"ACH!" Napaatras ako at napahawak sa ilong ko. "Sinapak mo ko!"

"Kinalabit lang kita."

Tinuro ko ang kamao niyang nakasarado. "Ganyan ba kapag nangangalapit? May kalabit bang masakit!?" Hinawakan ko ang ibaba ng ilong ko. "Eh kung nagdugo ang ilong ko?"

"Nagrereklamo ka ba?" Bigla siyang humakbang palapit sa akin.

"A-aahyy eh h-hindi..." Nataranta akong umatras. "H-hindi. Hindi!" Umiiling kong sabi.

Tumigil siya at tumango. "Good. Naintindihan mo yung mga tinuro ko?"

"A-aahyy h-hindi rin. Hehehe!" Bigla nanaman siyang naglakad pahakbang kaya nataranta akong umatras. "Wo-wooy!"

"What? What the hell are you thinking? Lahat ng pinagsasabi ko hindi mo naintindihan? Ano bang iniisip mo!"

"W-wala! Wala!" Nakanguso akong umiling. Galit na siyang lumapit ng tuluyan sa akin kaya napatakbo ako papasok sa CR.

"Waaaahhh!"

Hinihingal akong sumandal sa likod ng pinto na dinabog ko ang pagsara. Sinampal ko agad ang pisnge. Ginulo ko ang buhok ko para makalkal ko ang mga tinuro niya at sinabi kanina. Napapadyak ako ng wala akong maaalala! Kinurot ko ang pisnge ko at nanggigigil akong pumikit.

'Shungaaaaangers! Earth! Ano bang ginagawa mo! Nag-aaral ka diba!? Dapat aral lang! Walang ibang nasa isip! Lumabas ka na doon tapos ipakita mong natutunan mo ang mga sinabi niya.'

Ngumiti ako.

'Pero ano yung mga sinabi niya? Aaarghhh!'

"P-punch? Ano ba yon? Basta punch..."

Biglang sumagi sa isip ko ang may pawis niyang abs.

"Punch-abs. Pongebab! Spongebob tulong!"

"Clumsy!"

"W-wait! Lalabas na! A-ako yung lalabas na teka lang!" Natataranta kong paliwanag at sinampal ko ulit ang pisnge ko. "Gising... Gising."

"Clumsy, its fine, lumabas ka na jan."

Napakunot noo ako. Anong pinagsasabi nun? Dahan-dahan kong pinihit ang door knob. Sumilip muna ako at hindi agad lumabas. Nakatingin siya sa akin habang nakaturo sa suot niyang damit. "Okay na?" Napatingin ako sa braso niya. Eh wala kasing manggas yung damit niya. "Look. Pinagpapawisan ako kaya ako nakahubad..." Bumuntong hininga siya. "Fine. Magpapalit na."

"E-eh h-huwag na. S-sorry. A-ayos na yan." Nahihiya akong umiwas ng tingin at bumalik sa puwesto namin kanina, sa tapat ng balkonahe ng kwarto ko. Mahangin naman kahit papaano pero pinagpapawisan parin kami sa ginagawa namin. Sa ensayo!

Tumabi na siya sa gilid ko at inangat ang kamao niya. Sa kanya ako nakatingin habang inaangat ko ang mga kamao. Bigla siyang umiwas ng tingin na parang napipikon. Umalis siya sa puwesto niya at naibaba ko ang mga kamay kasi akala ko ayaw na niya pero dumeretso siya sa harapan ko at sinalo ang dalawa kong kamay.

Nakatingin siya sa mga kamay ko habang sinasarado ang mga daliri ko. Pinosisyon niya ang dalawang hinalalaki ko na nakasampa kanina sa hintuturo, nilagay niya sa harap ng apat kong mga daliri na nakakuyom na. "Your thumb is important. Kung dito mo ilalagay sa gilid ng hintuturo yan, at mahuhuli ng kalaban ang kamao mo, maiipit ang hintuturo mo. Pero kung dito mo sa harap ilalagay, magkakapuwersa ka para makawala sa kamay niya, with the enough strength."

Dahan-dahan akong tumango. Inangat niya ang dalawa kong kamao. "Place it infront your chest. Not too much high, hindi sa mukha." Hinawakan niya ang ulo ko at niyuko iyon. "Your face will the one who will going to adjust. Ito ang iyuyuko mo para hindi matamaan. As you observe boxers, nakabent ang likod nila at ang ulo nila at hindi umaalis sa level ang balikat nila. Depende na yon sa action ng kamao nila." Hinawakan niya ang buong braso ko hanggang siko. "You can use these to protect your upper part. Especially your face, neck and chest."

Ngumiti ako habang nakatingin sa kanya. Kumunot bigla ang noo niya.

"Why?"

"Wala lang. Naintindihan ko kasi eh heheh!"

Tumango lang siya. Pero parang ngumiti na hindi? Nakakainis talaga to si Pating hindi ko maintindihan ang emosyon. "Good. Now if you'll use your arm for defense make sure na hindi yan mababali."

~Pak!

"Aarraay!" Napasigaw ako ng hampasin niya ang dalawa kong braso ng pagkalakas-lakas! Sabay pa!

"Try not to shout."

~pak!

"AARAAY!"

"I said don't shout!"

~PAK!

"Aaaaaaaaraay!"

"Don't. Shout!"

~PAK!

"Aaaaraa..." Kinagat ko ang ibabang labi habang paulit-ulit niyang hinahampas ang braso ko. Masakit! Sobrang sakit! Umaaray parin ako pero pabulong na lang. Mas nilalakasan niya kasi kapag sumisigaw ako. Nakanguso kong hinimas ang mga braso.

Nagdaldal nanaman siya ng kung ano-ano tungkol sa kamao at sa kung paano sumapak ng malakas. Kaunti lang ang naintindihan ko. Ang sakit kasi ng hampas niya. Hmp!

"Now try to punch me."

"S-susuntukin kita?"

"Aha." Walang gana niyang sagot. Inangat ko ang kamao ko at bumuwelo ako para sapakin siya sa pisnge.

Nginitian ko siya. Nakatitig lang siya sa akin na parang... Naiinis. Heheh!

"Satingin mo suntok yon? Yon ang kalabit."

"Kalabit!? Ang yabang mong gwapo ka! Uhm!"

"Kalabit parin yan." Walang gana niyang sagot. Hindi man lang siya gumalaw sa puwesto sa kada suntok ko. Sabayan pa ng paulit-ulit niyang sabi na nangangalabit lang ako. Maraming beses ko pa siyang sinuntok pero ako na ang napagod.

"Ha. Ha... Ha. A-ayoko na." Napahipo ako sa noo. Dumeretso ako sa kama habang gumegewang-gewang at bumagsak doon. Napapikit ako sa pagod.

"Change your clothes. Let's call it a day." Narinig ko pa siyang nagsalita. Inangat ko ang kamay at nagthumbs up.


Pating's POV

"Krrrkk. Hrrr."

Napakunot noo ako habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi. Nilingon ko ang nakahigang babae. "Hoy."

"Hhrkk. Krrrrk."

"Clumsy." I call her but what I got in response is her snore. Tumagilid siya ng higa at saka ko pa nakumpirmang tulog na nga siya.

I check my wound for the last time. Hindi niya napansing nasugatan niya ako. In her 20th punched over 24 punches, she got me wounded. Good.

Ginalaw ko ang panga habang kumukuha ng piece towel sa cabinet niya. I sat beside her. Tinanggal ko ang tali niya sa buhok at pinunasan ko ang noo at leeg niya.

'I told you to change your clothes.'

I look away as I place the towel at her back. Binilisan ko ang galaw at mabilis akong lumayo sa kanya.

I walk towards Ian's room. Doon ako nagpahinga. Holding one small teddy bear in my right hand, and small paper on my left. I sigh...

'I still have choices. But she's making it hard for me to choose.'

I gave myself fifteen minutes break before I move. Writing something...


KUMPLETO kami sa hapunan. Gusto ko mang mainis, I ended up smiling when I look at her happy face. With everyone around the table.

Ares was beside me. She talk to me a while ago, tinatanong sila ni Mouz tungkol sa akin. Pero wala akong balak na sumama sa kanila. Sa kahit kanino. They understand me, thankfully. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kanina, that was none of my business after all. Ito namang si Ian nasa pamilya ni Jai. Mukha namang okay na siya sa pamilya ni Jai.

Wala ni isa sa kanila ang nagopen ng topic tungkol sa binalita ni Old man. They never ask me for my feelings or thoughts. Parang wala lang nangyari. Everything is back to normal. It was like nothing is bothering everyone of us. Nakikita ko si Clumsy sa kilos nila.

Ang babaeng to na para bang walang pinoproblema. But I guess she did understand me. Ayaw niya lang akong mag-isip, ayaw niya akong malungkot... Ayaw... Nila.

When we're off to bed, I immediately feel uneasy. Alam kong hindi agad matutulog si Clumsy kasi nakatulog siya ng hapon. I'd plan to make the night something 'romantic'. Ian told me that word.

Since nagprapractice kami ng umaga, gabi lang ang oras na... Urgh! I ran at the restroom while holding the bear and chocolate. Nasa ibaba pa si Ian at naghuhugas ng mga plato kaya ako lang ang nasa kwarto niya. I face the mirror.

"Here." Inabot ko sa repleksyon sa salamin ang mga dala ko gamit ang isang kamay. Tinitigan ko ang sarili.

"You know what? You're fucking creepy as shit!"

Sakto sa pagsigaw ko ang pagbukas ng pinto ng CR. Ian's eyes widen and his lips curved.

"What the fuck! Do you even know how to knock!?"

"Dude anong ginagawa mo!?" Tuwang-tuwa niyang sigaw habang palapit sa akin at niyugyug ang balikat ko. I ward his hands off, pero hindi nawala ang ngiti niya. Sabay lingon sa hawak ko. At pinihit ako paharap sa kanya. "Ako kunyari si Earth!"

"Shut up! Bakit ba andito ka? Hindi ba't naghuhugas ka? At anong ikaw kunyari? I didn't say any--."

"Tapos na ako naghugas kasi nagtulungan kami ni ate Sandra. Saka kahit wala kang sabihin nahulaan ko na ang ginagawa mo! Hehehe! Dali! Daliiii!"

"I am not--." Kinuha niya kamay kong may bitbit at pinuwesto sa harap niya. He slap my stiffen shoulder. And friendly tap both of my cheeks.

"Loosen up, dude! Nakakatakot ka tingnan! Ayusin mo muna yang posture mo. Gayahin mo ko. Ganito-uhm!" He stand properly infront of me and... Fuck. Nagpapagwapo siya sa harap ko.

"You're disgusting."

"Aray naman to. Teka-teka, isa pa yang pananalita mo! Nakakaintimidate, dude! Relax and calm~"

"I am calm."

"Sige nga! Tingin!" Hinahamon niyang sabi. I push him away. I imagined that she is Clumsy. Inabot ko ang hawak.

"Here."

Ian's eyebrows raised and his face reddened. Napahawak siya sa bibig at nagpigil ng tawa. "Bssht. Bsshh. Bsshahahahahaha!"

Inis kong hinila ang tshirt niya palapit sa akin. Pero imbes matakot sa akin ay nagpatuloy siya sa pagtawa. He tap my cheeks again. Unafraid.

"Isa pa. Ulit. Hahahah! Huwag isang salita dude! Tinitipid mo si Earthling eh!"

I let go of him while thinking about what he said. Hindi nga magandang pakinggan ang isang salita. Napakamot ako sa ulo habang tinitingnan siya. "Anong sasabihin ko?"

"Oh yeah! It's my pleasure helping." Kininditan niya pa ako.

"Pleasure your face. Ano ng sasabihin ko?"

"Come on. I'll give you choices. Huwag tayo sa CR maabutan nanaman tayo ni Earthling yari na hahahah!"

I follow him out while he is babbling. He continue talking and I intentionally ignore most of his words. Kung ano lang ang makaagaw ng atensyon ko, iyon lang ang nilalagay ko sa isip ko.

"Pwedeng friendly! Or romantic approach! Like, 'Clumsy, para sayo oh. I know you like chocolates.' Pwede ring, 'For you, Clumsy.' Sabay killer smile! Tapos isang pamatay na kindat ng gwapo!"

"Eh kung ikaw ang patayin ko?"

"Hahahahah! Joke lang! Oh ano game na! May napili ka na ba sa mga sinabi ko? Calm and cool? Easy and light? Friendly? Romantic? Saan doon? Hm?"

"Wala."

"Eh? Seryoso!?"

"Cool and..."

"Calm?"

"R-romantic."

Dahan-dahang naging mapang-asar ang mukha niya. "Aaayyyiiii! Tingin! Tingin! Innovative ka talaga eh! Game! Kunyari ako si Earth!"

"Huwag na." I push him away before he could go infront me.

"Sige na nga hahahah! Parinig na lang!"

Nagdalawang isip ako. But I want it to be okay. So I did practice infront of him. Trying to calm myself in the process. I swallow the lump in my throat and said, "This is for you, Clumsy. I am sor-sorry kung ngayon lang ako nagbigay. M-magugustuhan mo yan kasi--."

"Dude! Dude wait! Ang panget!"

"Well fuck you in that comment!"

"Hahahaha! Seryoso nga! Huwag kang magsorry tapos nautal ka pa! Kinilig na ako sa first sentence tapos dinugtungan mo pa?" He said half critizing and teasing me.

"What? So yung una lang?"

"Cool naman. Kaso hindi romantic. Hmm... Ano bang idudugtong natin... 'Sana magustuhan mo?'"

"No. Magugustuhan niya talaga to kasi mahilig siya sa teddy bear. At kamukha to ng Pororo niya."

"O sige huwag na yon. Ahm... Ahm... 'Masarap yang chocolates.'"

"You sounds friendly."

"Eeeh teka nga! Bakit ako ang umaarte? Suggestions lang yon. Ikaw magperform!"

"Shut up. Pwede na yong isang sentence." Naiinis kong sabi habang tumatayo mula sa kama.

"Wooy! Sure ka na jan!? Marami pa akong suggestions!"

"Yeah! Thanks!" Nagmamadali na akong lumabas ng kwarto ni Ian. Nakakabaliw siya kasama. Feel na feel niya ang mag-advice at magsuggest ng mga bagay na hindi ko gusto. Hindi ako.

'Be yourself...'

"That's it." I whisper as I open the door in Clumsy's room. Rinig ko kaaagad ang sigaw niya.

"Nyaaaay! Yaaaaas! Level Mastered!"

'Candy crush nanaman.'

I close the door behind. She notice me and look at me. Mabilis kong naitago sa likod ang hawak.

"Pating? Kay Ian ka galing? Mag-aaral ba tayo ngayon? Hm?"

"A-ah. Y-yeah. Get the English book." I commanded. Nakangiti siyang tumayo at pumunta sa bookshelf. I ran towards the side table. Nilapag ko ang teddy bear at ang chocolate. Pero napangiwi ako ng hindi maganda tinginan kung ituturo ko.

"Pating?"

Mabilis kong kinuha at tinago ulit sa likod ko ang teddy bear at chocolates. Buti doon siya sa pinto tumingin bago ako tuluyang lingunin. That give me time.

'Whew.'

"Anjan ka na agad? Wala rito yung English?"

"N-nanjan lang yon."

"Hm? Saan?" Bumalik siya ng tingin sa bookshelf. Tiningnan ko ang mga hawak.

'Iaabot ko na lang...'

"Pating?"

"Ha?" Mabilis akong sumagot at tinago ulit ang hawak sa likuran. Pero hindi pala siya nakatingin sa akin, sa mga libro parin.

"Diba kulay blue yon tapos manipis? Wala talaga eh." She said while still searching. Mabilis kong tinago sa ilalim ng unan ang hawak at umupo ako sa kama. Sa harap ng unan na pinagtaguan.

"Oh, ayon pala sa sofa!" I pointed out the book that I'd already saw earlier and wish that she didn't see immediately.

"Aahy anjan pala. Di mo sinabi agad eh." Naglakad siya palapit sa libro at kinuha iyon. Umupo siya sa kama at tumabi sa akin. "Ito na."

"H-himala gusto mong mag-aral."

"Uhm! Nainspire ako sa nagturo sayo noon. Kay Munna mo. Gusto kong magturo paglaki ko. Kaso paano ako magtuturo kung hindi ko alam ang ituturo ko? Oh diba!"

I slowly smile. And I nod. "Good."

"Thank you, Pating... Basta ikaw muna magturo sa akin. Para may matutunan ako."

"Fine." I stop talking when I remember the chocolate I have. Tiningnan niya ako.

"Bakit, Pating? Simula na."

"A-ah ahm..." I gulp when I instantly move to get the things below the pillow. I didn't look at her when I lend her two chocolates. "Here."

"Woah! Yiiieeee! Salamat! Tig-isa tayo?"

"No. Sayo yan. Gaganahan kang mag-aral kapag may chocolate na kinakain. Chocolates have flavonoids that improve the functionality of the brain areas for learning functions. Sabi ni Munna sa akin noon."

She nod. "Aahh. Uhm! Tig-isa tayo."

"That is all for you."

"Sige na nga. Sige na nga." Naeexcite niyang binuksan ang isa sabay kagat. "Saraaaaap!"

My hand is shaking while revealing the fucking teddy bear. Sinubukan kong bilisan na iabot sa harap niya ang teddy bear. I look away again. "T-this is also for you."

I got no response. Kaya nilingon ko siya agad. Nakanganga siya sa teddy bear sabay kunot-noo. "Parang si Pororo yan ah?"

Napafacepalm ako sa pamumuna niya. 'Just wow.'

Kinakabahan ako rito tapos ganoon ang bungad niya? Why didn't I think about that? Dapat alam ko na na iyon ang una niyang sasabihin! Okay na rin, at least I didn't feel ashamed or something. Kinuha niya ang teddy bear at niyakap.

"Mukha lang pala pero hindi siya si Pororo. Pangalanan ko na lang ng Porora. Salamat, Pating!" Tiningala niya ako at nginitian.

When I look at her, chocolate's mess on her lips caught my attention. "H-hoy meron ka rito." I pointed her lips.

"Ha?"

"Chocolate." I point at my lips. Bigla niyang inabot sa akin ang kinagatan niya ng chocolate.

"Gusto mo ba?"

"No! Your. Y-your lip." I stared at her lips.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang labi. "Ah. Dito?"

"Sa kabila."

"Dito?"

"Gilid pa."

"Dito?"

"Y-yeah."

She wipe the mess, at ng makita na nasa daliri na niya ang chocolate, hindi na ako nagulat ng sipsipin niya ang daliri niya.

"Ang sarap. Hehehe! Salamat, Pating."

"Welcome."

"Teka... Aah! Nanliligaw ka nga pala nuh kaya mo ko binigyan!?"

'Ah shit. Slowpoke.'

"Anong akala mo?"

"Akala ko kasi friendly gift. Sabi mo lang kasi, this is for you. Walang mga sweet message ganun! "

"Tinuruan mo pa ako?"

"Hindi naman heheh! Salamat ulit!"

'Sweet message...'

"M-maybe next time."

"Ha?"

"Wala. Let's start our lesson." I move closer and she also did. We ended up looking at each other when we notice how close we are. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko kahit nahihiya ako sa kanya. I feel fail and ashame at my gestures. Dapat nga naman may maayos akong approach. Napagkamalan niya tuloy akong kaibigan lang.

'Babawi ako, Clumsy... Maybe I am just overthinking things and eventually trying hard on it.'

She slowly smile.

'Well. Atleast walang ilangan. You're still happy recieving my gifts. At nagpasalamat ka. I should be contented on that.'

I slowly smile back. But my smile instantly turned into shock when she kiss my cheek.

"Muuah! Yan na lang muna kapalit, matagal pa yung 'oo' ko. Tara start na tayo."

'Damn... What are we going to start about?'

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

3.8M 161K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
11.4K 1.4K 87
Aly is an ordinary student at Larson High. Normal lang sa kanya ang buhay kasama ang bestfriend niyang si Sophie. Papasok pagkagising, mag-aaral at p...
21.3K 716 14
Hey guys this is my first story or novel ever written hope you like it! Actually this is Taglish and the genre is Romance and Comedy. Made this accor...
820K 62.5K 36
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...