BLACK
"Black! Saan ka namaman pupunta?" Tanong ni Ate. Tatambay lang ako sa PMount. Balita ko may chikas don sabi nung iba kong friends.
"Sa Paramount" Kumiss ako sakanya at umalis na, baka mautusan pako eh. Mahirap na.
Pagdating ko sa PMount agad kong hinanap ang canteen, hindi naman ako palagi dito lam nyo na, tambay ng Far Acad.
"Black!" Napatingin naman ako sa tumawag saakin. Si Lance Giri.
"Uy bregs!" Bati ko. Lahat sila nasa ilalim ng puno na malaki.
"Itim!!!" Sid Gothico.
"Bakla ka no?" Kevin Kabe.
"Anong bakla! Baka si Joseph" Sid.
"P*ta baka si Lance" Joseph. Ayan pinagpapasa pasahan nila ang title na 'BAKLA'
"Teka, sino nag text saakin na may chikas dito?" Wala. Gusto ko lang ng fling. Nag iisip pako kung pano.. hehe secret muna.
"Si Sid. Ulol yan wala namang ibang maganda dito kundi yung girlfriend ko" Lance.
"Wow, kaya pala muse ng school yung girlfriend ko" Joseph.
"Tukmol talaga kayo, mag bibini bining pilipinas daw si Heidi" Pagmamayabang ni Kevin.
"PUTA EDI KAYO NA MAY GIRLFRIEND!" Sid. Hala, nagalit si koya. Hahahaha
"Eh ikaw Black? Sino girlfriend mo?" Joseph.
"Walang gerlpren yan, kaya nga nag hahanap ng chikas dito sa Paramount eh" Lance.
"Talaga? Eh ano mo ang ever famous na si Yassie Vaed Alora? Ha? Ha?" Pangungulit ni Kevin.
"Paano nyo naman kilala yon?" Nakakacurious eh. Sikat pala yung gandang yun.
"Liligawan kasi dapat yon ni Sid last last year kaso may nakitang easy to get kaya ayan walang gi ep ngayon" Lance.
"Manahimik kayo pwede?" Sid. Mukhang asar na asar na sya.
"So ano mo nga sya? Lagi kayong magkasamaa ha!" Tinulak tulak nya pako. Bading yata to. Nangangapa ng boobs. De loko lang.
"Kaibigan! Pano mo naman nalaman na lagi kaming magkasama? Ulupong ka talaga, STALKER!" Isinigaw ko talaga ang last na part kaya may ibang estudyanteng napatingin saamin. Pft. Kahihiyan 101.
"Ah, sinostalk kasi ni Heidi si Aiden ba yon? Oo yon, girl crush nya daw kase. Muntanga no? May mga picture kasi syang pinopost na nag uusap slash naghaharutan kayo ni Yassie tapos sya nagseselfie" Pagpapaliwanag ni Joseph.
"Tapos ang caption 'THIRD WHEEL insert emoji na wheel'" Sabi naman ni Lance.
"Ahh. STALKER NGA!" Nag tinginan nanaman yung ibang estudyante dito.
"Eskandaloso! Punyeta!" Kevin. Tumawa nalang kami. May iba pa kaming pinag usapan nang mapansin kong may katext si Sid kaya pasimple akong tumitingin sa phone nya.
To: Amanda
Babe, mamaya ha! Susunduin kita, I LOVE YOU SO MUCH! Happy 14th Monthsary :D Kahit tagong tago na tong relasyon na to thank you kasi mahal mo ako. Teka papatayin ko muna tong nambabasa ng text hinayupak na Itim na to!
Ano daw? Ako?
"Hamputangina" Sid.
"Ay, hehe. Sorry sorry!" Leche. Nahuli pa. Hahaha. Pero teka
Nanlaki ang mata ko sabay tanong ng "MAY GIRLFMMPPP" Ayan. Tinakpan nya na. Bastos! Crush talaga ako neto eh.
"Pre naman, nabasa mo naman na tagong relasyon to, makisama ka please" Sabi nya sakin na may halong biro. Buti nalang lahat sila naka headphones at mukhang may kanya kanyang iniisip.
"Pero teka seryoso may giep ka?" Hindi ako makapaniwala. Yung inaasar asar nila eh mukhang mas mahaba pa yung relasyon kesa sakanila, de loko lang. 5 years na si Mae at Lance. Loyal ang lolo nyo!
"Seryoso kasi. Lumayas ka na nga! Wag mong ipagsasabi ha! Kundi ilalabas ko ang dumi mo! Bwahahaha" tumawa sya ng mala demonyo. Parang ulol. Kung ano sinasabi. Umalis na lang nga ako dun.
San bako pupunta? Di ko naman nakita yung chikas, tsaka nakakatamad syang hanapin no!
Ah alam ko na.
To: Alorababes
Hey hey hey! San ka?
Agad naman ako nakatanggap ng reply.
From: Alorababes
Hey hey hey mo yang mukha mo .l.
Ano nanamang problema nito? Pupunta na nga lang ako dun.
On the way, tinawagan ko si Leo dahil alam kong di naman sasagot yung si Yassie saken.
"Dude?"
"Pre, pakibigay kay Yassie yung phone" Sabi ko.
"Are you serious? Or are you out of your mind? Both?"
"Bakit naman?"
"Were not classmates! Layo kaya ng room namin sa room nila" Hays, ay teka alam ko na.
"Sige sige, i-abot mo nalang kay Den den"
"Why would I do that? Mamaya kung anong binabalak mo sa labs ko.. putangina papasakan na kita ng tape.. Sorry kinukulit ako nitong seatmate ko" Ang hirap kausap leche.
"I-abot mo kay Den den para i-abot nya kay Yassie. Isipin mo nalang, makakausap mo sya, mahahawakan mo, makikita mo, ma--" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng um-oo na sya. Hehe.
Hindi ko binaba yung call dahil unli naman ako.
"MAM MAY I GO OUT!" Rinig ko sigaw ni Leo. Pfft. Hahahaha.
"Fuck you bro, buti nalang the teacher has a crush on me" Conyo parin talaga sya. Ibalik ko to sa UK eh.
YASSIE
Ugh! Leche talaga yong Black na yon! Putangina.
"Hala sya. Bat kaba galit na galit jan?" Laura.
"HINDI MO KASI NAIINTIDIHAN LAWRA"
"Ay paking shet, Laura! (Lo-Ra) hind Lawra!" Pareho lang naman yon!
Nakita ko naman si Den galing sa pinto papunta saamin. Oh, bat namumula to?
"Yassie, thank you so much! KYAAAA. Ay eto nga pala pina aabot ni Leo. Kausapin mo daw dahil baka ipagiba school naten pag di mo ginawa" Inabot nya saakin ang cellphone. Naka call sya kay 'MCCOURT BLACK'. Yun ang nakalagay sa phone ni Leo.
"HELLO?" Sigaw ko, buti walang teacher.
"Bat ka galit?" Bakit nga ba? Pwe. Nalaman ko lang naman na pumunta sya ng PMount para humanap ng chix. Eh ano naman sakin? Pwe..
"Hindi ako galit" Nagtitimpi na talaga ako. Nakakapikon na tong lalaking to.
"Weeeeeeh" Binabaan ko sya ng linya. Nakita ko ang lockscreen ni Leo. Oh my gosh.
"Den! Pakibalik kay Leo! LEO! GANDA NG LOCKSCREEN MO!" Sigaw ko para marinig ni Leo sa labas. Hahahaha.
"Akin n--" Kukunin na sana ni Den kaso nahablot agad ni Leo saakin ang cellphone nya.
"Ah eh. Hehe, nagmamadali nako eh. Yassie wala kang nakita ha? Hehe" Saka sya umalis. Bwahahahaha
"WAAAAH ANO YUN!?" Eto na nga ba ang sinasabi ko.
"Wala yun!" Bakit ba andito silang tatlo sa room ko? De loko lang, ako ang nangapit bahay. Hahaha. Wala rin kasing teacher sa room namin kaya andito ako kina Den.
"Sino ba yung lockscreen nya? Babae? Maganda? Matalino? Kilala ko ba?" Sunod sunod nyang tanong. Napaparanoid na yata to. Hindi nya lang crush si Leo ngayon. Halatang GUSTO na.
"Babae, Kilalang kilala mo, ganda nga sobra at matalino. Top nga sya lagi eh" Kinindatan ko sya bago lumabas, uwian na eh.
Hindi ako sasabay sakanila dahil trip ko lang. Mehehe.
"Yassie! Grabe! I saw your DP you look gorgeous there!" Nag "Thank you" naman ako kay Jennifer. Nagpalit kasi ako ng DP kagabi. Picture ko na nasa beach. Naka shorts ako dun at naka muscle tee. Chix ko don eh. Joke. Nangangarap lang ho. Hehe.
"YASSIE!" Hampunyeta. Ayokong makita tong lalaki na to. Pinapahiya ako nito lagi eh.
"Ano?" Kunghari wala lang, Yassie. Chill lang tayo.
"Galit ka?" Tanong nya.
"Hinde" bored kong sagot habang nag iinstagram and nag lalakad.
"Weeeh"
"Gusto mo bang magalit ako sa kakainis mo? Ihampas ko sayo yung pinto sa cr namin gusto mo?" Plastic kasi kaya magaan, hehe.
"Wag naman. Gwapo ko eh, Tara gala tayo" Hinatak nya lang ako papasok sa sasakyan nga. Nyeh, lakompake kaya nag twitter ako.
Nag tweet lang ako ng "Off to ewan" hehez.
"Kamusta chix hunting?" Tanong ko.
"Wala nga eh, girlfriend hunting sana ako sa school nyo kaso nakita kita. Di ko na pala kailangan mag hanap" Kumindat pa ang gunggong.
"KADIRI! Hindi mo ikinagwapo yang pag kindat kindat! Mukha kang manyak!" Pero joke lang yon dahil ang hot nya tingnan.
Jusko ano bang sinasabi ko?
"Grabe naman" Tawa tawa pa sya jan ha!
"Pero paano kung gusto kitang maging girlfriend?" Natigilan ako sa tanong nya. What the heck?
"Ahh, awkward.. hehe. Joke lang yon"
Joke lang naman pala.. umasa ka naman Yassie.
•••
Ugh!! This story is so LAME. Im sorry :( Please let me know if it's too boring :/ Thank you.
xx