ABKD Mahal Kita

By DianeJeremiah

290K 22.3K 9.4K

Puppy love? True love? Paghanga only? Haist ang hirap naman ng ganito. Di ko tuloy maintindihan ang nararamda... More

Introduction
Chapter 1 Ang Gusgusing Dalagita
Chapter 2 First Crush
Chapter 3 May Gatas pa sa Labi
Chapter 4 'Crush Back'
Chapter 5 Multiply
Chapter 6 Bakit Di Pwede?
Chapter 7 Katorse
Chapter 8 Madayang Tadhana
Chapter 9 TOTGA
Chapter 11 Pendulum
Chapter 12 Joyride (Part 1)
Chapter 13 Joyride (Part 2)
Chapter 14 Happy Heart's Day
Chapter 15 Sleepover
Chapter 16 Heart of a Dragon
Chapter 17 Silly Games
Chapter 18 Make or Break
Chapter 19 Her Eighteenth Birthday
Chapter 20 Is this the End of Us?
Chapter 21 Some Things
Chapter 22 As Long As...
Chapter 23 ABKD Mahal Kita
Chapter 24 Kumpas
Chapter 25 Heart to Heart
Chapter 26 All Too Well
Chapter 27 Dito Ka Lang
Chapter 28 In Your Eyes
Chapter 29 Next Level
Chapter 30 Amame Tiernamente
Chapter 31 Love Language
Chapter 32 Differences
Chapter 33 A Busy Day
Chapter 34 I'm Here
Chapter 35 Love Lots
Chapter 36 All For Love
Chapter 37 Gets Mo Rin Ba?
Chapter 38 Don't Leave
Chapter 39 Her Baby
Chapter 40 The Wild Side of Her
Chapter 41 Thirty-Six
Chapter 42 Her Birthday Gift
Chapter 43 Nunca Me Dejes, Mi Amor
Chapter 44 Wake Up, Wake Up
Chapter 45 Begin Again
Chapter 46 There's Only You & Me
Chapter 47 Love Makes You Crazy
Chapter 48 Tidbits of Memories
Chapter 49 You Kiss Her, You Kiss Me
Chapter 50 Hate That I Love You
Chapter 51 Tenme Por Siempre
Chapter 52 On Your Knees
Final Chapter
Erich and Angie

Chapter 10 Dancin' Away With My Heart

4.9K 443 126
By DianeJeremiah

"Walang magandang pupuntahan kailanman ang maling pag-ibig. Kaya ngayon pipiliin ko muna ang aking sarili bago magmahal muli."


Angie POV


"Ang tagal mo namang nag-CR." Salubong ni Lino sa akin ng makabalik ako sa aming lamesa.

"Ha?" Parang hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa sarili. "Uhm, m-madaming nakapila." Pagsisinungaling ko.

Napalingon-lingon ako sa paligid ngunit hindi ko makita ang taong hinahanap ng mga mata ko dahil bukod sa may kadiliman sa loob ng stadium, disco ball lang na iba't-ibang kulay ang nagsisilbing ilaw, marami pang tao sa dance floor. Sa katunayan nga ang iba sa mga kasama namin sa lamesa ay nandoon na, nakikipagsayaw.

"May hinahanap ka?" Kunot-noong tanong ni Lino sabay napatingin sa tinitignan ko.

Sasagot na sana ako ng lumapit si Wheyn sa kinauupuan ko. Inaaya niya akong sumayaw. At dahil hanggang ngayon ay parang namamaligno pa rin ako, wala sa sarili na ipinatong ko ang palad sa kamay niyang nakalahad. Ni hindi nga siya ang tinitignan ko ng tumayo ako at akayin niya patungo sa dance floor.

 "Angie." Tawag ni Wheyn ngunit tila ba hindi ko iyon naririnig. "Angie."

"Hmm?" Mabilis akong nagbaling ng tingin sa kanya.

Doon ko lang napagtanto na ang lapit-lapit pala niya sa akin, lalo na sa mukha ko kaya bahagya akong napaliyad ng konti.

"Okay ka lang ba?" May pag-aalalang tanong niya.

"Ha? Ah, oo. Okay lang ako." Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

Gumanti siya ng ngiti. May ilang segundo rin siguro kaming walang imikan. Nasa kalagitnaan ng kanta nang maramdaman ko ang bahagyang paghapit niya sa likod ko dahilan para mas lalo akong mapalapit sa katawan niya. Naging uncomfortable ako.

"Uhm, Wheyn?" Di na ako nakatiis. "Pwede bang maupo na tayo? Ang sakit na kasi ng paa ko e." Pagdadahilan ko.

Hindi siya agad pumayag. Para pa ngang bigla siyang nainis. Kalaunan ay napilitan na rin siyang pumayag. Inihatid lang niya ako sa mesang inuukopa namin tsaka umalis. Wala na si Lino sa mesa namin kaya hinanap ko siya. Nakita ko siyang nasa buffet table, abalang kumukuha ng maiinom.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya. May hawak siyang baso na naglalaman ng juice marahil. Kinuha ko ito ng walang sabi saka ininom.

"Hoy!" Nagulat niyang bulalas sabay inagaw mula sa akin ang baso pero halos ubos na ang laman.

"Nauuhaw na kasi ako e." Napangiwi ako ng malasahan ito. "Ano ba 'yan? Ba't ang pait?!"

"Shunga! Hindi naman kasi ito purong juice!" Sagot niya.

Kunot-noo akong napatingin sa kanya. "Akala ko ba hindi sila pwedeng mag-serve nang alak?"

"Hindi naman 'to hard drinks." Tugon niya.

Napailing-iling ako dito tsaka nagbaling sa ibang direksyon. At hayun! Nakita ko na sa wakas ang hinahanap ko. Nasa kabilang side siya ng kinatatayuan namin ni Lino. Kasama niya ang iba niyang mga katrabaho. Saktong nagpalit na ng kanta.

Napasunod ng tingin si Lino sa tinitignan ko. "Angie, kung ako sayo hindi ko na itutuloy kung anong nasa isip -"

Pero hindi pa man din siya tapos magsalita ay umalis na ako at nagtungo sa kinaroroonan ni Erich. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanila nang mapansin niya akong papalapit. Nakita ko ang kaba sa kanyang mga titig. 'Yong tipong may pananaway na tingin din.

"Ma'am." Bigkas ko. Tatawagin ko sana siya sa kanyang pangalan pero hindi ko itinuloy.

Natigilan sila sa pagkukwentuhan at napatingin sila sa akin. Hindi ko alam na kasama din pala niya ang School Principal na si Mrs. Manzano at 'yong dalawang teacher ko noong Grade 8. Bahagya niya akong pinanlakihan ng mata ng nakatingin ako sa kanya ng diretso. Pero hindi ko pinansin ang nananaway niyang tingin.

"Pwede ba kitang ayaing sumayaw?" Malakas ang loob kong tanong kay Erich.

Kahit medyo madilim, napansin ko pa rin ang ginawa niyang paglunok. Parang kinakabahang napatingin siya kay Mrs. Manzano.

"O, Erich. Inaaya ka ni Angelina." Sabi ni Miss Paez.

"Sige na, Erich." Pagpayag ni Mrs. Manzano. "Hindi porke't ikaw ang punong-abala ay hindi ka na pwedeng magsaya. Sayang naman ang outfit mo o!"

"Pero..." Nakangiwing bigkas ni Erich. "Di ba ho hindi pwedeng makipagsayaw -"

"Ano ka ba?!" Si Mrs. Manzano ang sumagot. "Okay lang! Si Angelina naman 'yan e. Parehas naman kayong babae. Kung estudyante mong lalake, hindi pwede!" Napatingin ito sa akin. "Tsaka parang nakababatang kapatid mo na 'yan!"

Lihim akong napangiwi sa huling sinabi ni Mrs. Manzano.

Walang nagawang tumayo si Erich para pagbigyan ako. Ayaw naman siguro niyang mapahiya ako sa harap ng mga kasama niya. Inilahad ko sa kanya ang kamay ko ng makalapit sa akin. Makahulugan siyang napatingin sa akin tsaka napipilitang tinanggap ang kamay ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi para pigilan ang sariling mapangiti. Hawak ko ang kamay niya nang iginiya ko siya sa gitna ng dance floor. Saktong choru na ng kantang Dancin' Away With My Heart ng Lady Antebellum nang nasa dance floor na kami.

Ang hawak kong kamay niya ay inilagay ko sa akin balikat bago siya hinapit sa beywang. Narinig ko ang kanyang pagsinghap sa ginawa ko.

"Ange." Sambit niya tsaka bahagya akong itinulak para medyo lumayo ang katawan ko mula sa kanya.

Wala kaming kibuan ng sumunod na sandali. Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay nakabaling sa ibang direksyon. Manaka-naka lang napapatingin sa akin. Mabagal lang kaming gumagalaw sa saliw ng musika. Maraming tao sa dance floor kaya parang konti lang 'yong space naming dalawa. Parang ilang dangkal lang ang layo ng aming mga mukha. Hanggang sa nagpalit na ng kanta. Bibitaw na sana siya pero mas lalo ko siyang hinapit sa beywang na ikinalaki ng mga mata niya.

"I have to go back to our table." Sabi niya.

"Just one more song." Tugon ko habang nakatitig sa kanyang magandang mukha.

"This isn't right, Angie." Para siyang hindi makatingin sa akin ng diretso.

"I just want us to talk." I said.

"There's nothing to talk about." Sagot niya.

Tinitigan ko siya. "Why did you kiss me?"

"I didn't!" Mabilis niyang kontra sa mahina ngunit may diing tinig.

Napatingin siya sa paligid na para bang natatakot na may makarinig sa amin. Pero mukhang busy naman ang lahat sa kani-kaniyang kapareha. Isa pa, sa dilim ng paligid, kapareha mo lang yata ang maaaninag mo ang mukha.

"Okay." Bigkas ko. "But you kissed me back -"

"Stop!" Maagap niyang pigil. "Let's talk about it some other time. Not now and definitely not here."

"Well taken." Tugon ko.

Muli na naman kaming natahimik na dalawa. Mas lalo tuloy umamo ang kanyang mukha dahil sa reflection ng iba't ibang  kulay ng ilaw na naglalaro sa kanyang mukha.

"You know what's the worst way to miss someone?" I asked. Nagbaling siya ng tingin sa akin. "It is when they're right next to you but you know you can't have them." Malamlam ang mga matang dugtong ko.

Lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi siya agad nakakibo.

"I don't agree with you." Kapagkuwa'y tugon niya. "I think the worst way to miss someone is when you thought you didn't want them but then you realize you can't live without them... and you keep on wanting them." Tsaka parang may lungkot ang mga matang napatitig din sa akin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Para kasing naramdaman ko din 'yong lungkot niya.

Napilitan na akong pakawalan siya ng matapos ang kanta.

Hindi ako sumabay kay Wheyn pauwi nang matapos ang programa. Sasabay ako kina Lino. Hindi kasi ako mapakali hangga't hindi ko nakakausap ang ate niya tungkol sa nangyari sa restroom kanina.

"O, Angie?" Nagtatakang bigkas ni Lino nang lumapit ako sa kanila.

Natigilang si Erich sa pagbubukas sana ng pinto nang makita ako.

"Sasabay sana ako sa inyo pauwi." Tugon ko kay Lino pero kay Erich ako nakatingin.

"Ha? E paano si Wheyn?" Kunot-noong tanong ni Lino.

"Umuwi na siya." Sagot ko.

Nang pupwesto sana si Lino sa frontseat ay mabilis ko siyang inunahan.

"Sa backseat ka na." Sabi ko tsaka pumasok na sa loob.

Napakunot-noo siya pero hindi naman nagreklamo. Makahulugang napatingin sa akin si Erich nang makapasok at makaupo sa driver's seat. Walang kumikibo habang binabaybay namin ang daan pauwi. 

"Pwede bang mauna na nating idaan si Lino?" Basag ko sa katahimikan.

"Uy, kanina ka pa demanding ha?" Biro ni Lino hindi naman kumikibo ang ate niya na diretso lang ang tingin sa kalsada.

"Mag-uusap lang kami ng ate mo." Seryosong tugon ko pero kay Erich nakatingin.

Makahulugan namang nagbaling ng tingin sa akin si Erich na parang sinasaway ako.

"Ano namang pag-uusapan ninyo?" Nagtatakang tanong ni Lino. "Tsaka kanina pa kayong dalawa ha? Ano ba kasi 'yon? May hindi ba kayo sinasabi sa akin?"

Walang sumagot sa aming dalawa ni Erich.

"Ano nga?" Demand ni Lino. "Ano nga ang pag-uusapan ninyo at di ko pwedeng marinig?"

"Wala"

"We kissed."

Sabay naming mabilis na sagot ni Erich.

Rinig na rinig ko ang gulat na gulat na pagsinghap ni Lino sa likod. Nasa tapat ko kasi siya nakaupo tapos bahagya pang naka-lean sa kinauupuan ko.

Pinanlakihan naman ako ng mata ni Erich at parang nagulat din sa sinabi ko.

"Ano?!" Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang itsura ni Lino ng mga oras na iyon.

Napapikit si Erich saka napahugot ng malalim na buntong-hininga. Tipong suko na. "We're here, Lino." Malamig na bigkas ni Erich nang makarating kami sa tapat ng kanilang bahay. "We'll talk later."

Hindi na sumagot si Lino dahil mukhang nakaramdam din siya. Pagkababa niya ng kotse ay agad na ring pinatakbo ito ni Erich para naman ihatid ako. Pero bago pa man kami makarating sa tapat ng bahay ay itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada pero hindi niya pinatay ang makina.

"Now, talk." Seryosong bigkas niya.

Bigla tuloy akong nag-alangan na ituloy ang pakikipag-usap sa kanya. Pero heto na e.

"Gusto ko lang malaman kung bakit mo din ako hinalikan." Diretshang sabi ko.

"I didn't kiss you back." May diing tugon niya. "You're dreaming, Angie."

Natawa ako ng pagak. "Parang hindi naman gano'n 'yong nangyari kanina -"

"Please, stop!" May kalakasang putol niya sa sinasabi ko. "Hindi mo ba alam kung anong mangyayari kapag ipinagpatuloy mo pa 'to?!" She's mad. "Mapapahamak ako! You're still a minor, Angie!" She outbursts. "And I'm married, for Pete's sake!" Ngayon ko lang siya narinig na gumamit ng ganitong tono. "Mas lalo ka lang masasaktan!" Napapalatak siya sabay napatampal sa manibela.

Napakuyom ang mga palad ko sa ibabaw ng aking mga hita. Hindi ako kumikibo ng ilang sandali.

"Alam mo bang nakahanda na akong mag-move on sana sa nararamdaman ko para sayo?" kapagkuwa'y bigkas ko sa mahinang tinig.

Ayoko na namang umiyak. Batang Angie lang 'yon.

"I kissed you because I just wanted to say goodbye." Hindi nakatingin sa kanyang patuloy ko. "But then you kissed me back." Napalunok ako. "So papaano ako magmo-move on?" Sinalubong ko ang mga titig niya. "I don't just like you, E." Dagdag ko. "I'm in love with you."

She looked away. Hindi siya agad nakakibo. She laughs sarcastically afterward. "What do you even know about love?"

Nagkibit-balikat ako. "Siguro noong sinabi ko sa sarili ko na kalimutan na kita pero ayaw sumuko ng puso ko."

Noon siya nagbaling ng tingin sa akin. May kung anong emosyon sa kanyang mga mata na hindi ko maipaliwanag.

"Kung..." Nag-hesitate ako sandali. "Kung magkasing edad ba tayo o kaya hindi na ako minor de edad, at hindi ka pa kasal... may pag-asa bang maging tayo?" Tanong ko.

Napatitig lang siya sa akin saka nagbaling ng tingin sa harapan ng sasakyan. Hindi siya sumagot. At mukhang wala siyang balak sagutin ang tanong ko.

Pakiramdam ko hindi ako makahinga. Kaya naman napasinghap ako.

Maybe this is really the end... maybe...

"Goodbye, Erich." Bigkas ko. Pakiramdam ko puso ko ang nagsalita ng mga oras na iyon.

Binuksan ko ang pinto ng kanyang kotse at bumaba na. Hindi ako lumingon sa kanya at dirediretso ng naglakad patungo sa aming bahay.

Hindi man maganda ang naging kalabasan ng lahat, hindi ko pa rin makakalimutan ang gabing ito. At tiyak na babaonin ko ito sa buong buhay ko. Siguro gagawin ko ito hindi dahil sa nasasaktan ako... kundi dahil sa ayoko siyang mapahamak. She's right. I'm still a minor... and she's married. Tiyak na mapapahamak siya kapag itinuloy ko pa.

Paalam muna sa kanya... sa ngayon... Malay natin baka bukas pwede na.



-Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
364K 13.2K 34
"Someone said to me that It's hard to pretend you love someone when you don't. But its harder to pretend you don't love someone when you really do."...
379K 7.2K 37
What if mainlove ka sa oh so hot mong teacher? At mafall ka sa pang aakit nito sayo? Pipigilin mo ba dahil alam mong bawal? Kakayanin mo kaya? Handa...