Rebel Hearts

By heartlessnostalgia

1.8M 76.3K 39K

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely liv... More

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27 (Part One)
Kabanata 27 (Part Two)
Kabanata 28 (Part One)
Kabanata 28 (Part Two)
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 11

44.1K 2.6K 1.4K
By heartlessnostalgia

It's been a while! Huhu! Finally!!! MaMon is back! Sorry sa tagal, medyo busy ang lola n'yo :((( but anyway! I have good news! Para sa 'di pa nakakaalam, may podcast na tayo! Yes! Available siya for free in listening sa Spotify (Heartlessnostalgia Files: Behind the Notes) in this podcast we will talk about the making of HN Stories, teasers, spoilers, and facts regarding Sandejas, Mikmik Fam, Montezides and more! Available na ang first episode and ang next ay every Saturday!

To have a quick access, you can see the Spotify button below (beside the vote, comment, share section) click n'yo lang and you will be directed there. Thanks! Happy listening!

xx

Kabanata 11

"Here, love," putol niya sa akin sabay tapik ng hita niya.

Nanlaki ang mata ko at literal na nagwala ang kung anong halimaw sa sikmura at dibdib.

"Pres., gago ka ba?" hindi ko rin inaasahang malakas ang pagkakasabi no'n kung 'di ko lang narinig ang sunod-sunod na singhapan ng mga kasama namin sa jeep.

"Sorry," tumikhim ako at nilamon ng kahihiyan. "Hindi na pala, Pres., thank you. Kina Bryan na lang—" sa paglingon ko pagkatapos bumaba ay natigilan nang makitang may dumating na traysikel at nagsakayan na sila do'n.

"Puno na?" tawag ko kay Bryan pagkababa ng jeep.

"Ay, oo, Revel!" napakamot siya sa batok, "pero tara dito, ikaw na lang sa pwesto ko. Sasabit na lang ako."

"Hindi!" umiling ako, "ako na! Expert ako sa sabitan—"

"I told you to stop acting like a monkey, love," isang mainit na palad ang humawak sa baywang ko mula sa likod ay nanigas na naman ako sa kinatatayuan.

"Pres.!" bati ni Bryan sabay ngisi, "dito na lang ang love mo. Sabit na lang ako."\

Mas namilog ang mata ko at marahas na umiling.

"Hindi, hindi, Bryan! Ako sa likod, puno naman na sa jeep. Ayos lang 'yan." Naglakad ako patungo sa kanila pero isang sakop lang ni Damon sa baywang ko ay parang laruan na akong nabuhat.

"Damon!" singhal ko pero ibinalik niya ako sa tapat ng jeep at seryoso akong tinitigan. Bumusangot ako at akmang lalayas na naman pero nahila niya ako pabalik.

"What are you doing, Revelia? Get in," utos niya sabay lahad sa jeep.

Lumaban ako ng titig at tinaasan siya ng kilay, "inuutusan mo ba 'ko, President?"

Tumitig siya bago humugot ng hininga, sinusuklay ng daliri ang buhok.

"No, I'm saying you should get inside—"

"Nag-uutos ka, eh," laban ko sabay halukipkip sa harapan niya, iritado at gustong umalis na lang pero mas nasa-satisfied sa mukha niyang stress.

Umayos siya ng tayo bago sumulyap sa jeep, pabalik sa akin bago dumukwang at inilapit ang lab isa tainga ko. Napapiksi ako pero 'di lumayo para ipaglabang 'di ako naaapektuhan sa presensya niya.

"Is it about the other day, love?" bulong niya.

"Bakit? Ano bang mayro'n kahapon?" bulong ko pabalik, tumataas pa ang kilay. Damang-dama ko ang panunuod sa amin nilang lahat mula sa jeep at traysikel.

Lumayo siya ng bahagya pero nakadukwang pa rin at nagsalubong ang titig namin. Tumindig ang balahibo ko nang tumitig siyang tila kinakabisado ang mukha ko bago umangat ang sulok ng labi.

"Nginingiti mo d'yan?" sikmat ko na.

"Hindi ko alam na selosa ka pala," mahinang sinabi niya, tuwang-tuwa.

Nahulog ang panga ko sabay sapak sa balikat niya.

"Gago ka ba—"

"Kuya, astig pala 'tong crush mo, ah?" sabay kaming nanigas at napalingon sa boses.

Sa likod ni Damon ay ang isang matangkad at walang shirt na bata. Mas matangkad pa rin si Damon pero sa height ng huli ay aabutin na ako. Pansin ko ang pamilyar at mapaglarong itim niyang mata, parang si...

"Where the fuck is your shirt again, Hunter?" mabagsik na tanong ni Damon.

"Mainit eh, bakit pa magdadamit? 'Di ba, miss?" tanong ng huli sabay kindat sa 'kin. "Hunter nga pala." Naglahad siya ng kamay.

Hunter?

"Oh, kapatid mo?!" namilog ang mata ko sabay ngisi sa kanya. "Hi, 'Toy." Nakipagkamay din ako.

"Toy?!" malakas niyang tanong, nahulog ang balikat niya at doon na napatawa si Damon, ginugulo ang buhok ng huli. "Mukha ba 'kong Totoy, Miss?!"

Nagkibit-balikat ako, "pogi ka rin pero 'di kasi ko pumapatol sa bata," sagot ko pa at parang mas nanlumo siya na ikinatuwa naman ni Damon sa lakas ng tawa niya.

Alam kong nagulat din ang mga nasa jeep nang narinig iyon kagaya ko, ang tingin nila ay naiwan kay Damon pero hindi ko pinansin. Ayaw kong matigil ang tawang iyon kapag natanto niyang may nakikinig.

"Kuya!" reklamo ng huli sabay baling sa kapatid, "bakit ganyan 'yong crush mo—"

"Uy, may maganda! Sino 'yan, Kuya Dame?!" biglang may lumitaw ding mas bata sa labas ng mansyon patakbo sa amin.

Napasinghap na si Damon at umiling sabay baling sa kapatid na hubad, naeeskandalo pa rin ang tingin sa aking tinawag ko siyang Totoy.

"Hayaan mo, cute ka naman, 'Toy." Ngumisi ako. Mas bumusangot siya sa akin.

"Nakahubad ka pa, oh. Medyo patpatin naman, 'di kaya magka-pneumonia ka?" tanong ko.

"Aba..." mas nalaglag ang panga niya sabay turo sa 'kin, "Kuya, ito ba ang crush mo?! Bakit? Eh, mukha namang lalaki?"

Ako naman ang nahulog ang panga nang mapabughalit bigla ng tawa si Damon pero nang mahuli ang matalim kong titig ay napaayos ng tayo at tikhim.

"Why don't you..." tinuro niya ang batang papalapit. "Go and teach Atlas his Math assignment? And wear your damn shirt, Hunter."

"'Di pa tayo tapos, Miss," isang angil lang ni Hunter sa akin ay tumalikod na siya sabay lakad sa kapatid na bunso papalapit.

Napatawa ako, "cute ng mga kapatid mo."

"I'm cute, too," bulong niya pero 'di ko na nakuha nang may mabilis siyang sinabi.

"Come on, don't let that kid come to you. 'Di na tayo makakaalis," hinawakan ni Damon ang siko ko para makapasok na sa jeep nang biglang madulas sa putikan si Atlas.

Napasigaw ako pero hindi ko inaasahan nang hablutin siya ni Hunter pero sa halip na matulungan ay nasama siya sa pagbagsak kaya dalawa silang nahulog sa putik.

Napatawa ako bigla pero nang matantong ang sama ko pala na sa halip na tumulong ay tumawa muna ay napatakip ako sa bibig.

"Hoy?!" baling ko, "grabe, hobby n'yo bang magkakapatid ang sumemplang?!" turo ko sa dalawa.

"I'm not—" tinitigan ko, tumikhim siyang muli. "Nevermind. Come on, let's go."

"'Di mo sila tutulungan?!" turo ko sa dalawang batang nakatulala lang sa lupa sa halip na tumayo.

"Let them," umiling si Damon at muling akong hinawakan. "That's what they get by trying to charm my girl."

Ang huli'y pabulong kaya 'di ko nakuha, "ano?"

"Nothing," umiling siya at 'di na ako nakaangil nang siya pa mismo ang nag-angat sa akin papasok sa jeep.

"Ano?" nilingon ko siya, "wala na ngang upuan, Pres.!"

"Sit on my place," aniya kaya nagtatakang lumapit ako doon, 'di pinapansin ang busangot ni Mindy at naupo.

"Tapos? Saan ka?" malakas kong tanong nang 'di siya kumilos at nanatili lang sa may entrance ng jeep, nakatayo.

"Sasabit," sagot niya sabay tapik ng jeep. "Let's go!"

"Ano?!" sigaw ko nang umandar na nga ang jeep na nakasabit siya.

Nanggagago ba 'tong si Montezides?!

Ramdam ko ang tingin sa akin ng ibang kasama at officers sa jeep dahil hinayaan ko ang president nilang nakasabit habang sitting like Princess Sarah ako sa pwesto niya kanina.

"Tss, feeling mo naman prinsesa ka?" bulong ni Mindy, "ang kapal naman ng mukha mong—"

Biglang may mabatong daan kaya naalog kami sa loob. Ang mata ko'y dali-daling napasulyap kay Damon na muntik pang makabitaw pero mahigpit na kumapit.

Gago! Paano kung nahulog siya d'yan? Nabagok? Gumulong? Makalimutan ako kagaya ng story sa Wattpad?!

Sunod-sunod na mabato ang nadaanan namin at wala na sa atensyon ko ang pasaring ni Mindy dahil mas iniisip ko si Damon na parang wala lang na nakasabit doon.

Ganito kaya ang nararamdaman niya t'wing nakasabit ako sa traysikel? 'Yong parang may masakit sa dibdib? Na kinakabahan ka?

"Kuya! Patigil ng sasakyan!" malakas kong sinabi kaya huminto ang jeep. Sabay-sabay nila akong nilingon, miski si Damon ay sumilip din sa loob.

"Why?" si Damon na ang nagtanong nang walang pasabing umangat ako mula sa pagkakaupo at nilapitan siya. Hinawakan ko ang pulsuhan niya't hinila siya papasok kahit mukha siyang gulong-gulo.

"Revelia," tawag niya. "What are you..." pinilit ko siyang paupo bago sinalubong ang tingin niya.

"D'yan ka na, ako na ang sasabit! Kinakabahan ako sa 'yo, mabato. 'Di ka pa sanay, paano kung mahulog ka?"

"No!" matigas niyang sinabi sabay huli ng pulsuhan ko, "I know what I'm doing. You sit here instead and I'll—"

"H'wag na kayong mahiya, magkandungan na lang kayo," ang humahalakhak na boses ni Alan mula sa unahan ang pumailanlang sa ere. Nanigas kaming dalawa.

"H-hindi—"

"Okay lang naman sa amin, eh!" ani Alan na ngumisi pang pilyo sa unahan, "'di ba, guys?" nagsitanguan silang lahat. "Parang bago naman sa amin na naglalandian kayo eh, kalat na nga sa school na naghahalikan kayo sa likod ng building?"

Ang dugo ko'y mas umakyat sa leeg ko, sa mukha hanggang sa nalulunod na ako sa kahihiyan.

Umawang ang labi ko para sana ipaglaban na gawa-gawa ko lang ang mga 'yon nang marahang hatakin ako ni Damon palapit sa kanya.

"See?" sinalo niya ako nang bumagsak ako sa hita niya. "They don't mind seeing you sprawled on my lap, love." Sabay tawa niyang mahina at paikot ng palad sa tiyan ko.

Mamamatay na 'ko. Mamamatay na talaga! Sana nga!

Init na init ang mukha ko. Hindi ako makapaniwala kung gaano ako kakomportable sa hita ni Damon at nang palad niya sa tiyan kong pinipirmi ako sa bawat madadaanang batuhan.

Ang hindi ko lang kaya ay ang tinginan sa akin ng mga officer at mga kasama namin dito, pati na rin ang presensya ni Mindy at walang katapusan niyang tikhim.

"You're so tensed," nagsitaasan ang buhok sa batok ko sa boses niya, "are you uncomfortable? You want me to stand? I told you, ayos lang akong sumabit."

"Ayos lang," umiling ako at bahagya siyang nilingon, nagpapasalamat na mataas ang jeep na 'to at 'di ako nauuntog sa bawat galaw ko.

Halo-halo ang naramdaman ko hanggang sa makarating na kami sa Lagum at Lapi. Weird mang pakinggan pagkatapos ng lahat ng kaartehan ko pero parang nabitin ako sa pagkandong sa kanya.

Oo, malandi na ako. Oo, inaamin ko! Malandi na ako! Maharot! Kaladkarin!

Mangingilabot ang kilabots nito sa 'kin!

Sino ba namang hindi kung sa lahat ng nangyari ay maisip pa ng iba na totoo ang post ni Mindy nitong nakaraan sa Facebook?

Pagkababa namin ay naramdaman ko ang hawak ni Damon sa baywang ko bago dumukwang at bumulong, "I'll talk to the guide first, love."

Tumango ako, pinagmasdan siyang papaalis papunta sa guide na kausap ni Mindy. Katabi ko si Bryan at Allan na nagsisimula nang magdaldalan nang may isang traysikel pang dumating.

Nangunot ang noo ko at 'yon na lang ang pagtalon pagkakita kung sino ang sakay no'n.

"Boss!" sigaw nina Eunice, Junard at Jere at kung 'di lang nakakahiya, malamang ay sumigaw na ako sa gulat at tuwa na makita sila.

Nagtakbuhan sila sa akin para yumakap. Napatawa ako at gulat pa ring pinagmasdan sila.

"Mga gago kayo! Ginagawa n'yo rito?!"

"Bakit, boss? Ayaw mo bang makita ang kagwapuhan ko?" ani Junard, "natatakot ka bang ma-in love sa katawan ko kapag naghubad ako palangoy—"

"Gago, ang asim mo," singhal ko na at napangisi nang mahulog lang ang balikat niya't nagsitawanan din sina Eunice at Jere.

"Bakit nga kayo nandito?" tanong ko ulit nang abutan na ako ni Junard ng burger.

"Bakit, ayaw mo?" ngumisi si Eunice sa akin at napansin ko na naman ang mukha niya kaya napairap ako sa hangin.

"Lalangoy tayo, bakit ka nakakulot?" turo ko sa buhok niya.

"Baka may jojowaing shokoy," ani Jere.

"And so?" iwinasiwas niya ang buhok, "s'yempre, magpi-picture muna 'ko, ano! Two months na ang cover photo ko, magpapalit ako gusto ko ang background 'yong falls."

"Ay, picture mo rin ako. Gusto ko na magpalit ng profile picture, 'yong mukhang pangdalaga," request ko habang nag-iisip na ng pose para mamaya.

Kapag maganda ang picture ko yayain ko naman si Eunice mag-face off. Baka manalo 'ko ulit.

"Ay, dalaga ka na, boss?" putol ng gagong Junard, "akala ko binata."

Ang dami naming dinaldal, nagpakitaan pa ng mga pagkain para mamaya pero 'di pa rin nila sinasagot ang tanong ko.

"Nag-chat si Pres. kay Eunice," ani Jere at pinakita sa akin ang message nila sa chat. "Nagtatanong kung gusto raw ba naming sumama sa celebration n'yo. Para daw may kasama ka rin atsaka libre tapos madaming pagkain."

"So, gano'n? Kapag nilibre kayo kakalimutan n'yo nang hindi kami bati? Mga taksil?!" sinimangutan ko na sila at muling bumalik sa binabasa.

"S'yempre libre!" ani Jere. "Alam mo namang ito ang kahinaan natin, boss!"

"Hindi, buraot lang talaga kayo,"

Nangunot ang noo ko at binasa ang palitan nila ni Eunice ng message at napansin kung anong ikinagulo ng chat ni Eunice ay siya ring ikinalinis ng reply ni Damon.

"Jejemon ba tayo, Eunice?" tanong ko na nang maipagkumpara ang chat nilang dalawa. Puro tuldok at mga emoticon ang kay Eunice samantalang kay Damon.

"Jeje?" tumaas ang kilay niya, "ano 'yan, nakakakain ba 'yan?"

"Hindi," umiling ako sabay turo sa chat. "Tignan mo, 'di pantay-pantay ang letters natin. May malaki, may maliit. May numbers pa—"

"H'wag ka ngang OA, style 'yan," aniya. "Usong-usto 'yan ngayon. Kapag mahirap i-type, mas special. Kung alam mo lang ang struggle ng iba para maging kagaya natin! Tignan mo, gwapo 'yan si Pres. kaso oldie, 'di sunod sa uso. Tayo updated kaya h'wag ka nang mamroblema...speaking of problema, hindi mo si-nend sa 'kin pabalik 'yong chain message kagabi!"

"Naubos unli ko," sagot ko, "mamaya forward ko, promise! Takot ko lang na mabisita ng black lady!"

Hindi pa natatapos ang daldalan namin nang may maramdaman akong presensya sa likod ko. Isang hawak lang sa baywang ko at abot ng bag sa balikat ko ay alam na kaagad kung sino.

"Glad you made it," ang baritonong boses niya ang pumailanlang. Narinig ko pa ang impit na tili ni Eunice bago ngumisi.

"S'yempre, Pres.! Basta ikaw—este si Princess Sarah!"

Tumalim ang tingin ko sa kanya sabay iling, "h'wag kang maniwala d'yan, Pres., mga buraot lang talaga. Mahilig sa libre."

"Let's go!" pumailanlang ang boses ni Mindy at habang kapit-kapit ang tatlo habang nag-uutos si Eunice ng pose na dapat ma-picturan sa amin ng mga lalaki mamaya ay naiwan ako kay Damon.

Nagkatinginan kami. Naalala ko na naman ang pagkandong ko sa kanya kaya nag-iwas ako, "ako na sa bag, Pres."

"No," inilayo niya sa akin ang bag at hindi na ako hinayaang makapagreklamo nang akbayan niya ako para lang sumabay ako sa kanya. "Let's stop fighting, love."

"Ano?" inangat ko ang tingin, "hindi ako nakikipag-away—"

"What's with the frown, then?" tinusok niya ang noo ko kaya inayos ko ang busangot. "See? You're mad? We will talk about that, okay? I'm making sure you're not sulking anymore after this day."

Lumayo ako sa kanya at nagmartsa papunta sa bangka patawid sa Pinacanauan River at mag-isang umakyat. Pinagmasdan ko si Mindy na inaangat ang dress niya at pagkakita kay Damon ay ngumiti ng malambing.

"Dame, patulong namang umakyat," nagkatinginan kami ni Dame doon kaya dali-dali akong nag-iwas.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang paghawak ng palad nila sa pagtulong ng huli kay Vice at wala namang masama pero bakit ang sama-sama ng loob ko? Eh, tumutulong lang naman ang tao? Anong masama ro'n?

Nakababa kami ng bangka na kasama ko ang apat, wala pa rin sa mood kahit puro hirit na si Junard na mabibighani kami sa katawan niya.

Ang babaw-babaw ko namang tao. 'Di kaya sa regla talaga 'to? Pero wala naman akong regla!

"Selos lang 'yan," bulong ni Eunice.

"Ano?" asik ko sabay tawa, "ako? Magseselos? Kanino? Kay Vice at Pres.?" natatawang lumingon ako sa dalawa at nahuli kong tumatawa si Mindy at humawak sa braso ni Damon.

Punyeta?

Sa pagsulyap ko kay Damon ay nagkatinginan kami kaagad. Tumitig siya na akala mo'y may binabasa sa mata ko at wala na akong nagawa kung hindi ang taasan siya ng kilay at baling ng tingin sabay tawa nang malakas sa banat ni Junard.

"Gago ka talaga," hinampas ko siya. Nagulantang ang tatlo.

"Kagulat ka naman, boss!" napahawak si Jere sa dibdib niya.

"Bakit? Nakakatawa naman talaga 'to," tinulak-tulak ko pa si Junard para makumbinse ang kung sino mang natutuwa ako kung hindi ko lang naamoy ang pabangong 'yon kasunod ng akbay sa akin mula sa likod.

"My apologies for her," ani Damon. "We just fought."

"Ohhh..." patagilid akong tinignan ng tatlo.

"Suyuin mo kasi, Pres.," ani Jere. "Gusto 'yan ni boss, eh, 'yong sinusuyo..."

"Ano ba!" singhal ko na pero tinawanan lang nila akong tatlo.

Wala akong imik habang katabi si Damon at sabay kaming naglalakad. Pasulyap-sulyap naman siya sa 'kin pero 'di ako pinilit na kausapin. Maagang-maaga pa kaya punong-puno pa kami ng energy nang makarating sa unang falls ng Lapi at makarating sa main falls.

Nag-ingay sila. Iniwan ako saglit ni Dame sa mga kaibigan para kausapin ang bantay doon pagkakita niya pa lang sa falls. Saglit na lumangoy ang mga lalaki habang nag-picture kami ni Eunice.

"Ang pangit ng agos ngayon," ani Jere na basang-basa pa, "narinig ko nag-uusap si Pres. atsaka 'yong bantay na baka lumipat na lang tayo."

"Oh?" natigilan kami ni Eunice sa pag-pose na background ang falls. "Saan daw?"

Saktong tanong namin ay nakita naming nag-aasikaso na ang mga lalaking naligo saglit.

"Lilipat tayo, Pres.? Bakit?" tanong ko.

"Sorry," inabot niya ang buhok kong sumasabog sa hangin at inilagay ang iilang hibla sa likod ng tainga ko. "The fall's current is not that good; they were also expecting a media coverage later. Biglaan daw."

"Saan tayo?" ngumuso na ako at napatitig sa falls, "sayang, ang ganda pa naman."

"We can always come back," sagot niya at hinuli ang tingin ko. "I already talked to them and to save us the trouble, they're closing a part in Pinacanauan River for the public today for us."

"Talaga?!" magkapanabay naming tanong ni Eunice, nagniningning ang mata.

"Hmm," mukhang napansin ni Dame ang pagkinang ng tingin namin kaya ngumiti siya. "'di pa kayo nakapunta ro'n?"

Umiling-iling kami.

"Great," muli niyang sinakop ang buhok ko, "there's a cliff diving spot there and I reserved the floating cottage for us."

Napatili si Eunice at sinakal si Jere na napapapalakpak din sa tuwa. Napangiti na rin ako at tumitig kay Dame, "thank you, Pres."

"Welcome, bati na tayo?" pinisil niya ang ilong ko.

"Hmm," nagkibit-balikat ako, "sige pero picture muna?"

"Picture?" kumunot ang noo niya sabay tingin sa magandang falls sa likuran namin. "Now?"

"Oo," tumango ako bago lumapit sa kanya para bumulong, "s'yempre, parang may panglaban naman ako sa post ni Vice. Anong silbi na rumored jowa mo 'ko kung wala tayong picture, 'di ba?"

Tumitig siya sa akin at ipinantay ang tingin namin, pinipigilan ang ngisi sa labi. Bumilis na naman ang irregular na pintig ng puso ko't humugot ng hininga.

"K-kung ayaw mo, edi h'wag," ngumuso ako, pumihit para umalis pero isang hila niya lang sa siko ko't huli sa baywang ko'y napaatras na ako't dumikit sa mainit niyang dibdib.

"Of course, love," bulong niya sabay abot ng phone niya sa nakangising si Eunice. "Eunice, can you take a picture of us?"

"Oo naman, Pres.! My pleasure!" halos pasigaw na niyang sagot kaya napabaling din sa amin ang mga kasama. Napaahon si Junard at malakas na sumigaw.

"Sana all!"

Narinig ko rin ang tawanan nina Bryan at Allan, inaasar si Damon na mas hinigit lang ang hawak sa baywang ko sabay patong ng chin niya sa ulo ko.

Mas dinaga ang dibdib ko.

Ikalma mo, Revel! Ikalma mo!

"Isa pa!" 'di ata ako nakangiti sa sobrang kaba nang pisilin ni Dame ang pisngi ko kagaya ng ginawa niya no'ng unang picture naming dalawa sa classroom.

"You're tensed again, love," bulong niya habang patuloy sa pag-picture si Eunice, "am I making you nervous?"

"Huh, kapal mo, Damon," laban ko. "Akala mo lang 'yon."

"Uh-huh," bulong niya bago ibinaba ang ulo sa balikat ko naman, nakayakap na halos sa likod ko. "Please send me the photos we took today; I'll change my profile picture."

Doon na ako lumayo sa kanya at natigil na rin sa pag-picture ang huli, "bakit?"

"Why not?" inayos niya ang bag ko sa balikat niya at tinitigan ako.

"Anong why not? Bakit mo papalitan ang profile picture mo? 'Di naman kailangan, for sure alam naman na ng lahat—"

"But you don't," putol niya sa akin.

"Ano?"

"You still don't know but they do," pagtutuloy niya. "I don't want us fighting. I'm changing not just to inform them but also to inform you who I belong to."

Iniwan niya akong nakatulala sa kanya nang umalis siya para muling makapag-usap at hanggang makarating na kami sa Pinacanauan ay hindi ako maka-move on. Patuloy na nagtatanong sina Junard sa nangyari at kung bakit ako tahimik at tulala pero 'di ko naman magawang magkwento.

Biglang naging makasarili ako na ayaw sabihin sa kanila ang sinabi ni Damon. Makasarili na gusto kong akin lang iyon... na sekreto naming dalawang iyon.

Maganda na ang nakikita kong picture ng Pinacanauan kapag nagkikwento si Mama noon pero 'di ko inaasahang mas may igaganda pa pala iyon sa personal.

Asul na halong berde ang tubig, malamig ang hangin at ang araw ay 'di nakakapaso sa balat. May mga cliff at rock formation na nakapalibot habang may mga bangka namang magkakatabi sa paligid.

Pagkatapos naming mag-picture na officers ay nagsabi na si Dame kaya nagsilanguyan na ang mga lalaking naligo na kanina habang inihahanda ng mga babae ang kakainin mamaya.

"Maghubad ka, Revel! Pakitaan mo ng boobs si Pres.!" hinampas ko si Eunice.

"A-ayoko nga," singhal ko. "Ayos na 'ko rito! 'Di maganda ang bra na suot ko!"

"Oh?" inangat niya ang damit ko kaya napasigaw ako sabay yakap ng dibdib. Napansin ko ang titig mula kung saan kaya napasulyap ako kay Damon na napasulyap sa sigaw ko.

"Everything okay?" tanong niya.

"Hindi, Pres.! Ito kasi love mo—" pero tinakpan ko na ng bibig ni Eunice at hinila siya papalayo.

"Ayos lang!" sigaw ko pabalik para 'di na siya mag-alala.

Nagtalo kami ni Eunice sa may cliff habang nagpi-picture at pinipilit niya akong maghubad pero 'di nga ako confident sa katawan ko.

"Hindi mo naman ako kagayang sexy," turo ko sa kanya na naka-bra. "Ayos na 'ko sa shirt." Baling ko sa itim na malaking shirt at shorts kong pang-swimming.

"Sige na, please?" nagpa-cute pa siya sa papikit-pikit ng mata niya sa 'kin. "Kahit sa picture lang!"

Nilingon ko ang paligid at kinagat ang labi.

"Walang tao," aniya. "Sina Junard nga ando'n sa malayo, lumalangoy na. Picture lang tayo, dali! Tapos suotin mo na ang shirt mo atsaka tayo lalangoy!"

"Maglalakad lang naman ako," sagot ko. "'Di ako masyadong marunong lumangoy."

Pahirapan pa akong napapayag pero sa huli ay mas malakas ang powers ni Eunice kaya napaghubad niya ako. Suot-suot ko ang bikini top na bra na binili pa ni Mama sa may tyange kung maisipan ko raw magsuot.

Nakatali iyon sa batok at saktong-sakto sa akin. May partner pa itong panty pero never kong maiisip na tanggalin ang short ko.

"Sexy naman, ah?!" tinuro ako ni Eunice, "anong kinakahiya mo d'yan? Tignan mo nga 'yang abs mo!"

Humawak ako sa tiyan at umangil, "Chinese garter lang ang exercise ko. Bilisan na mag-picture para makabihis na 'ko."

Medyo naging komportable naman ako habang nagpapa-picture sa kanya at nang siya na ay 'di ko sinuot ang shirt habang nagpi-picture.

Limang minuto siguro kaming bumalentong para sa picture niyang paniguradong lalagyan niya ng caption na: Sunkissed nang may maramdamang presensya ako sa likod.

"Oh, Pres.! Picture din kayo ulit ni Revel!"

"Eunice!" singhal ko, "hindi na, Pres—" pero sa paglingon ko pa lang ay nalimutan ko na ang gustong sabihin sa view sa harapan ko.

Si Damon Montezides, walang damit pang-itaas kaya lahad na lahad sa harapan ko ang prenteng braso, malapad na dibdib at ang anim na pirasong biyaya ni Lord sa tiyan niya.

Lumunok ako at bumaba ang tingin sa itim na board shorts niya.

"Eyes up, my love. Mamaya pa ang tanghalian," ngisi niya ang nasalubong ko pagkaangat ng mukha ko.

Ni hindi ako nakakuha ng pagkakataong ilaban na 'di ako mas natatakam sa nakahain sa harapan ko kaysa sa lunch nang kunin ni Eunice ang phone sa kamay ko at tinulak ako kay Damon.

"Game!" tumama ako sa katawan ng huli muntik pang madapa.

"Careful, Eunice," hinaplos ni Damon ang pulsuhan ko.

"Sorry, Pres.! Sadya ko," humagalpak siya.

"You okay?" malambing niyang tanong at sinalubong ang tingin ko.

Tumango ako at nag-iwas sabay sulyap sa shirt ko, "sandali—"

"H'wag na mag-shirt! Saglit lang naman," ani Eunice at tinuro ang cliff. "Doon kayo, maganda ang view."

Hinawakan ako ni Damon at hinila papunta sa edge. Inihanda ni Eunice ang camera at parang tuod akong tumayo sa tabi ni Damon nang abutin niya ang baywang ko. Nagtindigan ang balahibo ko sa mainit niyang daliri sa balat ko't nag-init ang mukha.

"Calm down, love," bulong niya. "You're beautiful."

Mas nagrebelde lang ang pesteng puso ko.

"Ang tuod n'yo namang dalawa," pansin ni Eunice. "Dapat sweet. Pres., akbayan mo si Revel!"

"Hindi na—" pero inakbayan ako ng huli't hinila papalapit sa kanya. "Loosen up, Revelia. It's just me."

"Ayon nga ang problema. Kasi ikaw 'yan! Paano 'ko kakalma?" mahina pero mabagsik kong tanong, sinisiguradong kami lang ang makakarinig.

Tumawa siya at naramdaman ko ang lambot na tumama sa buhok ko.

"Damn, woman. If only you know what you're making me feel," bulong niya.

"Ano ba? Anong nararamdaman mo?" nang nakita ko si Mindy na napadaan at natigilan nang makita kami ay bumaba ang tingin ko sa suot niya.

Sexy. Kitang-kita ang confidence niya sa bikini na bra at panty. Bigla na naman akong nahiya sa sarili, lalo nan ang makita ko si Jere at Junard na kumakaway sa malayo at papunta na.

Tinakpan ko ang tiyan.

"My damn heart's rebelling against me, love," umusog siya sa likod ko't inilusot ang mga braso sa pagitan ng braso kong itinakip sa tiyan ko at niyakap ako sa likod.

"Ano?"

Ipinatong niya ang baba sa balikat ko at tumitig sa camera ng tumitiling si Eunice at sinasabunutan na si Junard, nanginginig ang kamay habang nagpi-picture.

"Go, Pres.!" sigawan nina Bryan sa malayo pero ang atensyon ko'y naiwan kay Damon nang mas inilapit niya ang pisngi sa akin.

"Damon," mariing tawag ko na.

"Hmm, you wanna swim?" gumalaw siya at mas naramdaman ko ang init ng dibdib niya sa likod ko.

"Hindi iyon ang topic. Ang tinatanong ko, anong sinasabi mo? Atsaka 'di ako lalangoy kasi 'di ako masyadong marunong."

"Okay, love," isang halik sa pisngi ko ang naramdaman bago siya lumayo at napasigaw na lang ako nang basta na lang niya akong buhatin sa braso niya.

"Is it done, Eunice?" aniya habang natutulala pa 'ko sa gulat.

"O-oo!" tumango-tango siya.

"Send me a copy, please," paalala niya bago humarap sa cliff habang nasa braso niya ako.

"Go, President!" cheer nina Jere.

"A-anong gagawin mo? Ibaba mo 'ko! 'Di ako marunong lumangoy! Malulunod ako!" sigaw ko pero hinanap niya lang ang mata ko.

"You won't,"

"Malulunod ako!"

"Do you trust me?"

Tumitig ako sa kanya, gustong sabihing hindi pero 'di ko mahanap ang sariling boses. Naiwan akong nakatitig sa kanya at doon na tumaas ang sulok ng labi niya.

"Thought so," nagkibit-balikat siya, ginalaw ang ulo saglit at sa pagtalon niya habang nasa bisig niya ako ay nawala ang kaluluwa ko.

"Damon Montezides!" sigaw ko.

Akala ko ay malulunod ako. Nawala ang boses ng ingay nila habang nagwawala ako sa ilalim nang may nag-angat sa akin at nakuha ko pabalik ang hininga ko.

"Damonnn!" sigaw kong malakas sabay kapit sa kanya.

"What? See?" tumawa siya habang kapit na kapit ako sa batok niya, basang-basa.

"Gago ka! Akala ko malulunod na ako!" singhal ko na at tumitig sa mga mata niyang nawala nang kaunti sa pag-ngiti. Bagsak na bagsak ang buhok niya't tila sinuklay ng alon papunta sa likod.

"You don't," aniya. "You think I'm gonna let you drown?"

Suminghap ako nang marinig ang hampas ng tubig at nagsisitalunan na rin sila.

"Kahit na," sikmat ko. "Paano kung—" muli siyang gumalaw kaya lumubog ako hanggang baba. Napatili ako at muling kumapit. Inikot ko ang hita sa baywang niya.

Tumawa siya.

"Mababaw lang naman, try it. I'll assist you," aniya. Sumubok ako pero 'di maabot ng talampakan ko ang bato kaya muli akong kumapit sa baywang niya.

Umiling ako.

"Ayoko!"

"Come on, love," tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi ka malulunod, aalalayan kita."

Muli akong sumubok pero nagpa-panic ako kapag walang natatapakan kaya ang ending ay napapakapit lang ako sa kanya. Umaandar kami kapag lumalangoy siya habang buhat ako pero hindi ko talaga kaya sa malalim.

"Hindi ako marunong lumangoy," mahinang sagot ko at unti-unting idinantay ang ulo sa balikat niya. "Marunong ako mag-floating sa mababaw pero kapag naiisip kong 'di ko abot ang ilalim natatakot ako."

"Want me teach you?" bulong niya at humawak sa baywang ko para ayusin ang kapit ko sa baywang niya.

Bumuntonghininga ako at nahanap ng tingin si Mindy na ang galing-galing lumangoy. Lahat sila ay masaya samantalang ako itong pinipigilan ng 'di napapansin si Damon na magsaya para lang alalayan ako.

Bigla akong nahiya at lumayo ng bahagya kay Damon. Hinila niya lang ako pabalik.

"Sa may batuhan na lang ako, Dame," turo ko sa may gilid kaya nilangoy niya ang distansya at inalalayan akong paupo. Tumayo siya sa harapan ko at sinundan ang tingin ko. "Sige na, ayos lang ako rito. Langoy ka muna."

"What is it this time, hmm? We're not okay again?" hinuli niya ang chin ko. "What's the problem? Tell me, you know it frustrates me seeing you like this."

"Wala—" seryoso siyang tumitig. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Gusto mo ba ng babaeng marunong lumangoy?" matapang kong tanong. Doon na lumalim ang gatla sa noo niya.

"Ano?"

"Wala," nag-iwas ako ng tingin. "Hatid mo na lang ako sa may cottage, tulong ako sa pag-ayos ng lunch."

Umakma akong bababa sa bato pero ipinatong niya ang braso sa dalawang gilid ng hita ko para ikulong ako.

"No, I like someone who couldn't swim," sinabi niya.

"A-ahh..." tumango ako, "okay. Hatid mo na 'ko—"

"I like someone who knew how to float only when she could reach the bottom," inangat niya ang katawan hanggang sa magpantay ang mukha namin. "Someone who made me fight my President position since she isn't listening to some...peace officer."

Mas nagtindigan ang balahibo kong lalo hindi dahil sa lamig ng hangin kung hindi dahil sa boses niyang iyon. Hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan pero kung hindi nasa malayo ay 'di ko na makita dahil medyo tago ang bato kung saan ako nakaupo.

"D-Dame," nanginig ang boses ko at humawak sa braso niya, "lumangoy ka na—"

"I like someone..." tinagilid niya ang ulo. "Someone who's fucking beautiful but didn't even know it, I wanted to be the one to tell her how amazing she was."

Dug... Dug... Dug... sound effects ng puso ko kagaya ng nababasa ko sa Wattpad.

Kumuyom ang kamao ko sa braso niya at ibinaba ang tingin pero muli niyang inangat ang chin ko patingin sa kanya.

"But it's devastating she couldn't even look at me right now,"

"S-sino," pumiyok ang boses ko. Tumikhim ako. "Sinong gusto mo? S'werte naman n'yan," nilabanan ko siya ng tingin.

Baka assumera lang ako!

"I like someone," ulit niya sabay lapit sa akin hanggang sa magtama na ang dibdib namin. "And I'm looking at her right now."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at napakapit sa braso niyang malamig nang magdikit ang ilong namin. Nasalubong ko ang mga mata niyang malalim at napaawang ang labi nang maramdaman ang labi niya sa tungki ng ilong ko bago pumirmi ang palad sa baywang ko't bumulong.

"If you'll still pretend you didn't know who I like, hahalikan na talaga kita, Revelia." Bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
10.5M 44K 8
Who knew that all it takes is just one badarse speed racer to capture the heart of a young bratty billionairess? Highest Rank Achieved: #2 in Romanc...
624K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
4.6M 15.1K 7
Dennis saw how Rurik secretly adore Rossette which made her challenged to steal the man. The fate must be on her side as Rossette chose her family an...