His Wife's Suffering

By CieloHartKpop

77.2K 1.8K 491

Mahal mo siya, mahal ka din niya. Kinasal kayo at nanumpa sa Diyos at sa harap ng mga taong saksi sa inyong k... More

His Wife's Suffering
HWS II
HWS III
HWS IV
A/N

HWS V

14K 521 321
By CieloHartKpop

"NANAAAAAAAAAAAY!!!"







Sa hindi malamang dahilan natulos ako sa aking kinatatayuan nang matanaw ko ang isang babae na nasa gitna ng bukid at nakatingin sa direksyon namin. Hindi ko aninag ang kanyang mukha ngunit ramdam ko ang kakaibang kaba na dulot sa akin ng kanyang postura.




Lalong bumilis ang pagpintig ng puso ko ng makita kong unti-unti nyang inaalis ang kanyang sumbrero. may isang parte ng isip ko na sana. sana hindi ako nagkakamali ng iniisip.






Sa pagbaba nya ng kanyang sumbrero naramdaman ko ang masaganang daloy ng luha sa aking pisngi. hindi ito ang inaasahan ko.




Sa tuluyang pagbaba niya ng sumbrero doon ko nakita ng buo ang kanyng mukha. isa itong matanda.





Di ko maitanggi na pinagdasal ko na sana si Shane ang ina ng kambal. dahil naalala ko ang aking asawa buhat ng makita ko ang mata at mukha nilang dalawa lalo na nung batang babae. di naman maitatanggi na kawangis ko yung batang lalaki.




Ang laking panlulumo ang naramdaman ko ng malaman na hindi pala sa akin ang kambal. Naiiyak ako na ewan sa reyalisasyong masyado akong umasa.






"Nanay oh. tignan mo, binigyan kami ni teacher ng mga star"




Nagising ako sa realidad ng marinig kong magsalita ang batang babae. nakalahad ang parehong kamao nila ng kakambal nito na pinapakita ang mga star sa matandang babae na ngayo'y nasa harapan na namin.



" Talaga nga naman ang mga batang ire. Walang araw na wala kayong mga star na nakadrowing sa mga kamay nyo. Baka naman magalit nanaman sa inyo ang mga kaklase nyo dahil wala na kayong tinirang mga tanong para sa kanila? talaga nga naman."





Di ko maiwasang di mapangiti dahil sa nalaman ko. kung ganon ay may ibayong talino ang mga batang ito. kasing talino ni Shane. Napailing nalang ako sa naisip ko.





"May kasama pala kayo. Anong pangalan mo iho?"





"Chris po, lola."




Matapos kong sabihin ang pangalan ko ay napansin ko ang dagliang pagkawala ng ngiti ni lola. Anong meron? Napansin ko din biglang pag ilap nito at parang aligaga na lingon ng lingon sa kambal na nag -uusap. Naguguluhan ako.





"Mga apo. Mauna na kayong umuwi. Kakausapin ko lang si kuya Chris nyo."












"Paano mo natunton ang mga bata? paano mo sila nakilala?"




Matagal akong napatitig sa mukha ni lola. Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko sya maintindihan. Sa di ko mawaring dahilan, mataman syang nakatitig sakin na para bang sinusuri nya kung may balak akong magsinungaling.







"Lola ano pong sinasabi nyo? Di ko kayo maintindihan."





Kababakasan ng pagkagulat ang kanyang mukha. Mukhang hindi nya inaasahan ang isasagot ko. Ngunit saglit lamang yon dahil bumalik ang matigas na ekspresyon ng mukha ni lola.




"Lola! Saan-"






Di ko na natuloy ang sinasabi ko nang walang habas na hinila ni lola ang kamay ko patungo sa direksyon na tinahak ng kambal. Ang kaninang kabang naramdaman ko ay naging triple.




Ilang saglit pa ay natanaw ko ang isang maliit na kubo. Sa palagay ko ay dito nakatira si lola at ang kambal. Kung ganon, posibleng dito din nakatira ang mga magulang nila. Ngunit bakit wala sila sa bukid kasama ni lola?



Habang sinisipat sipat ko ang kubo ay hindi ko maiwasang maawa sa kambal. Bakit sa ganitong klaseng bahay sila nag aaral? Hindi ba sila kayang buhayin ng kanyang magulang sa maayos na estado? na maging si lola nagtratrabaho pa rin sa bukid?






"Mamang. andito na po kami"





Hindi ko alam kung anong meron, pero nang marinig ko ang boses ng batang babae na tumatawag sa kanyang ina, bigla ko nalang iniwan si lola at naunang pumasok sa bahay kasabay ng mga bata.



Dahil sa maliit lang ang bahay, makikita na ang kabuuan nito kahit kakapasok mo lang. natigil ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang babaeng nakahiga sa papag.




Halos buto't balat na ito at kababakasan ng kahinaan. Tila ba may sakit sya at di na nya makakayang tumayo, para bang kada galaw na gagawin niya'y magkakalas kalas ang kanyang mga buto.




Kahit hirap na hirap, sinubukang lumingon sa direksyon ng kambal ang tinawag nilang "mamang".








Hindi ko alam kung paano ko napanatili ang postura ko. Ang kanyang mata, ilong, labi. Ang kanyang ngiti na kababakasan lagi ng kasiyahan. ang kanyang bilugang mga mata na tumatagos sa aking kaibuturan. Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng mahinang hikbi. After so many years.












"Sh-Shane."









*A/N


hello po :) ayun, i decided na dagdagan sya. pero atlest 2 or 3 chapters lang. Thank you po sa lahat ng reads, votes, at comments. thank you very muuuuch. di ko na sana iuupdate ang story na to kung hindi dahil sa inyo. Thank you po. i love youu :*

Continue Reading

You'll Also Like

515K 18.9K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
Hope Not By ry。

Short Story

275K 8K 135
in which a boy from DLSU needs to collaborate with the girl from ADMU who won the singing competition in her university to pass the semester, and it...
71.4K 2K 28
GXG
2M 32.6K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...