Love Riot ( Romantic Comedy )...

By miss_bookmark

1.1M 13.2K 2.8K

This story is for enjoyment purposes only, do not take it seriously. All characters in this story have no exi... More

Vladimir Ciervo
Niko
<3 Gio <3
<3 Drake <3
<3 Elmo <3
Tammy ^_^
Chapter 1: Bagong bahay
Chapter 2: Round 1 ( Tammy vs Vlad )
Chapter 3: bagong housemate?
Chapter 4: Ang pag hahanap ng bagong bahay!!!
Chapter 5: kamanyakan ni Niko part 1
Chapter 6: Movie marathon ( ang sikreto ni Gio )
Chapter 7: Elmo nag mala charo santos, maalala mo kaya?
Chapter 8: Iligtas si Drake sa kanyang stalker!!
Chapter 9: Mr. Bingi vs Ms. Daldalita
Chapter 10: Ang pag lalayas ni Tammy
Chapter 11: Ang pag tatae ni Mr. Sungit
Chapter 12: Bagong bahay at mga bwisita
Chapter 13: engot na mag nanakaw
Chapter 14: Baboy meets Mr. Sungit
Chapter 15: Sino nga ba si Bogart?
Chapter 16 : Alamid Coffee!!!
Chapter 17: Something somethingan..
Chapter 18: Lover Boy
Chapter 19: Niko's Pov
Chapter 20: Marunong ka bang sumayaw?
Chapter 21: Turuan mo ako niyan ( Please) Selos Selos
Chapter 22: Bitiwan mo siya!! - Tammy
Chapter 23: Back to school and new friend?!
Chapter 24: Kamalditahan ni Cassandra!! Rawr!!!
Chapter 25: ~~~~~Wild Maria Clara ~~~~
Chapter 26: First kiss?
Chapter 27: This guy's in love you pare?!
Chapter 28: Sorry sorry sorry - Niko~~~~~~~
Chapter 28.2: Tunay na kaibigan?! 0_0
Chapter 28.3: True meaning of friendship
Chapter 29.1: Self control
Chapter 29.2: True colors
Chapter 29.3: Checklist
Chapter 30: Manliligaw ni Tammy
Chapter 31: Ex bff slash mortal enemy for the meantime
Chapter 32: Tammy the Floral ^__^
Chapter 33.1: Niko style or Vlad/BOGART style....
Chapter 33.2: Breakfast disaster :((
Chapter 34.1: I hate you Vlad.
Chapter 34.2: 6 Questions in one condition.
Chapter 34.3: Best birthday gift :))
Chapter 35: SURPRISES
Chapter 36: Maginoo pero medyo bastos ^__^
Chapter 37: Tampuhang Cassandra at Tammy part 1
MISSBOOKMARK
Chapter 38 : I invoke my right against self-incrimination ~ Cassandra.
Chapter 39: Gusto ko matutong mag drive ~~~~
Chapter 40.1: Hindi kita papakawalan
Chapter 41: Deal
Chapter 42: Allergy
Chapter 43: Sampal
Chapter 44: Pinangunahan mo ako!
Chapter 45: Jus maria!
Chapter 46: Picture
Chapter 47: I want you
Chapter 48: Let's pretend
Chapter 49: Jealous part 1
Chapter 51:Respect
Chapter 52: Comfortable in each other's arm

Chapter 50: Harmless

4.6K 121 39
By miss_bookmark

Nagising ako nang may maramdaman akong kamay na tumatapik sa mukha ko, napabalikwas ako ng bangon dahil kamay pala iyon ni Vlad.


"Nandito na tayo." Sabi ni vlad habang nakatingin parin ito sa akin. Inayos ko ang buhok ko at tinignan ang repleksyon ko sa salamin.


"Kinakabahan ako." Sabi ko habang nakatingin ako sa kanya.


"Si nay Rita palang makikilala mo, hindi pa parents ko kaya huwag kang kabahan."


Bumaba na siya at nakita kong umikot siya sa kabila para pagbuksan ako ng pintuan, meron rin palang pagkagentleman side itong ugok na ito.


Pagkababa ko, sinalubong kami nang dalawang matandang mag asawa, kung titignan mo sila mukhang mga nasa 60's na ang mga ito. Malamang sina nay Rita na ito.


"Aba! Napintas ( maganda) naman itong batang ito." Magiliw ang pagkakasabi ng matandang lalaki, nagulat nalang ako ng halikan niya ang aking kamay.


"Ako nga pala si Tonyo, pwede mo akong tawaging tay Tonio." Nakangiting sabi ng matandang lalaki, siniko naman siya sa tyan ng matandang babae na si nay Rita


"Nobya yan ni vlad, umayos ka baka magselos itong alaga ko." Sabi naman ni nay Rita, na naka-akbay kay Vlad.


"Walang problema, tay Tonyo! Alam ko naman na parehas tayo ng mga tipong babae." Sabi ni Vlad na nagpatawa sa dalawang matanda habang ako naman ay paniguradong pulang pula sa mga compliment na naririnig ko, hindi ako sanay.


"Oh tama na tama na, namumula na itong si...." Sabi ng nay Rita habang nakatingin sa akin.


"Tammy po."


"Oh sya sya, tonyo tulungan mo muna itong si vlad sa pagbaba ng mga gamit nila at kami naman ay tutuloy na sa loob."


"Ako nga pala si Rita, tawagin mo nalang akong nay Rita, katulad ng tawag sa akin ni Vlad."


"Alam mo bang tamang tama ang pag dating niyo dahil kakatapos ko lang magluto ng pananghalian." Bigla akong nakaramdam ng gutom dahil hindi ako masyadong nakakain kanina dahil sa mga sinasabi ni Vlad.


Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang napakasimpleng desenyo ng bahay at ang nagpalaki sa mga mata ko ang maraming pagkain sa lamesa.


"Stacy! Bumaba ka na, nandito na sila." Tawag naman ni nay Rita, nako ito na yung anak nila na may gusto kay vlad, base sa boses nito malamang napakaganda niya.


Sabay naman na pumasok sina tay Tonyo at Vlad na walang humpay sa pagkwekwentuhan.


"Nako nako hayaan mo na yan diyan Tammy, ang mga bisita dito, hindi namin pinapagawa niyan." Nakangiting sabi ni nay Rita at kinuha ang hawak hawak kong pinggan.


"Okay lang po yan nay Rita, expert na siya sa mga ganyang bagay, wag niyo lang siyang paglutuin." Singit naman ni Vlad na bigla biglang sumusulpot sa likod ko, tinignan ko lang siya ng masama dahil pati ba naman sa pagiging palpak ko sa kusina ay kailangan pa niyang ibroadcast.


Napatigil kami sa pagkwekwentuhan ng makarinig kami ng yabag mula sa hagdanan.



"Vlad!" Sigaw ng isang magandang bakla na kakapasok lang ng kusina, nung una aakalain mo talaga siyang isang babae pero habang tumatagal alam mong may kakaiba.


Bigla naman akong inakbayan ni Vlad, naglaho ang ngiti ng bakla ng makita niyang naka akbay ito sa akin, pinilit kong tanggalin ang pagkaka akbay niya sa akin pero malakas ito, tinignan niya ako na parang sinasabi niyang huwag ko nang subukan.



"So ikaw ang sumigaw sa akin sa cellphone?" Nakataas ang kilay ng bakla habang nakatingin sa akin.


Muntik na akong masamid sa sarili kong laway sa sobrang pagkagulat. Stacy ikaw ba yan? Tinignan ko si Vlad at umiwas ito ng tingin. Kaya pala kahit anong pilit ko sa kanya na huwag nang ituloy ang pagpapanggap na ito eh, ayaw parin niyang pumayag.


"Stacy, wag mong awayin si Tammy." Saway ni nay Rita.


Pagkatapos naming kumain, pinagpatuloy nilang ang kwentuhan sa sala, tinulungan ko naman si nay Rita sa paghuhugas pero binantaan niya ako na kapag tumulong ako sa kanya, magagalit siya, kaya si Stacy nalang ang tinawag niya.


Matalim ang pagkakatingin ni Stacy sa akin, na parang pagsisihan ko na nakipagrelasyon ako kay Vlad, kung alam lang niya ang totoo baka gawin pa niya akong bestfriend, ngumiti nalang ako sa kanya para maibsan ang galit niya sa akin.


Lumabas ako para magpahangin, tumambay ako sa ilalim ng puno ng mangga. Ibang iba ang ihip ng hangin sa manila kumpara dito. Umupo ako sa duyan na nandoon.


"Ang sarap ng hangin dito no?" Nagulat ako ng magsalita si nay Rita, may hawak hawak itong buko pandan, nakalagay ito sa tasa. Inabot niya sa akin at mabilis ko naman iyon tinanggap, umupo siya sa may narra na upuan.


"Opo sariwang sariwa, nakakarelax." Nakangiti kong sabi


"Naglalaro ng chess sina Vlad at Tonyo sa loob." Aniya bago sumubo ng buko pandan.


Ngumiti nalang ako.


"Alam mo, matagal rin bago siya nagpapasok ng ibang tao sa buhay niya, kung hindi ako nagkakamali ngayon lang, simula nang ipakilala ka niya sa amin." seryosong sabi ni nay Rita.


Alam ko ibig sabihin ni nay Rita doon, dahil ako mismo nahirapan pumasok sa buhay niya, kung hindi lang makulit sina Niko baka wala ako sa bahay na yun at hindi ko siya kasama ngayon.


Hindi ko alam kung bakit, pero malakas ang kutob ko may nangyari sa kanyang nakaraan.


"Salamat iha dahil dumating ka sa buhay niya, hindi ko alam kung paano mo nagawa pero nagpapasalamat parin ako, sa nakikita kong malaking pagbabago ni Vlad." Nakita ko ang luhang tumakas sa kanyang mata, alam kong kanina pa niya pinipigilang umiyak, tumayo ako at hindi ko alam kung tama gagawin ko, bigla ko siyang niyakap.


Yumakap siya pabalik at naramdaman kong pinunasan niya ang luha sa pisngi niya.


Matapos ang madramang usapan na yun, napalitan yun nang tawa dahil sa mga kinuwento ni nay Rita, tungkol sa kanyang anak at kay Vlad nung mga bata pa sila.

Parehas kaming natahimik ng makita namin si Vlad na papunta dito, kasama niya si tay Tonyo.


"Hindi ako manalo manalo dito sa alaga mo Rita." Nakangiting sabi ni tay Tonyo at lumapit ito para tumabi sa kanyang asawa, ganun din ang ginawa ni Vlad, lumapit siya sa akin at tumabi sa duyan.


"Nasaan nga pala ang anak mo Tonyo, bakit hindi niya ipasyal sina Vlad dito, sayang naman ang pagpunta nila dito, kung dito lang sila sa bahay."


"Mukhang nagtampo dahil hindi siya makalapit kay Vlad, ang buong akala kasi niya nagbibiro lang siya sa pagsama nang girlfriend dito. Sa ganda ba ni Tammy malamang na insecure nanaman yun." Natatawang sabi ni tay Tonyo, nagkatinginan naman kami ni Vlad at base sa tingin niya sa akin, nagugustuhan niya ang mga nangyayari dito.


Ang bilis ng oras halos hindi na namin naramdaman na pagabi na, maraming kinwento sa amin ang mag asawa, tungkol sa buhay buhay nila at pati mga kalokahan nila, maraming kaming natutunan at the same time natatawa rin kami.


Tapos ko na tulungan si nay Rita sa paghuhugas, wala pa kasi si Stacy, nung una ayaw niya ako pag bigyan pero nag pumilit talaga ako kaya wala na itong na gawa.


Nasa labas sina Vlad at tay Tonyo, nagpapababa ng kinain.


"Iha, kung mag shoshower ka , nandun ang c.r"


"Cge po."


Hinanap ko kung saan nilagay ni Vlad ang bag ko at agad ko naman iyon nakita. Tamang tama naman na papasok sila.


"Tammy, itataas ko na sana yung bag niyo, pero di ko alam kung saan gusto mo matulog. Sa tabi ba ni Stacy o sa tabi ni Vlad."


"Isa lang ang sigurado ko Rita, ayaw ng alaga mo na makatabi ang anak natin." Natatawang sabi ni tay Tonyo


"Cge po tatabi nalang ako po ako sa anak niyo." Sabi ko habang natatawa sa biro ni tay Tonyo.


"Wala kang ibang tatabihan kundi ako." Seryosong sabi ni Vlad na nagpahagikgik sa dalawang matanda.



"Don't worry babe, I'm harmless." bulong ni Vlad na nagpalaglag ng panga ko, hindi pa nga ako nakakamove on sa sinasabi niya, MAY PAHABOL PA!


Vlad sa susunod hinay hinay naman baka himatayin ako.




Continue Reading

You'll Also Like

536K 27.8K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
921K 56.6K 93
Hello Duology, Book #1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
2.8M 79.7K 60
He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.