Hunstman Series #:7- The Mafi...

By MayAmbay

452K 14.2K 596

Colosas Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES "Kasalan itong ginagawa mo sa'kin maghunos dili ka, Ginoo..." Lumuw... More

THE MAFIA BODYGUARD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Special Chapter (Henry and Clarit)
Special Chapter (Henry and Clarit)

Chapter 12

9.2K 308 4
By MayAmbay

RAQUEL
#BantaNgPanganib

Lahat ng mga damit na binili ni Ma'am Carolina para sa'kin ay bitbit ngayon ni Ginoong Colosas, habang panay ang bulong niya sa sarili na hindi ko naman marinig. Pero base sa nakikita ko sa mukha niya ay parang naiirita siya sa Mommy niya sa hindi ko malamang dahilan. Ayaw naman ni Ginoong Colosas na bitbitin ko ang pinamili ng Mommy niya para sa'kin.

Kanina ay hindi ko magawang isukat ang mga piniling damit ni Ma'am Carolina, kung hindi pa siya pumasok sa loob at tinulungan ako ay hindi pa ako lalabas doon sa sukatan ng damit.

"Kumain na muna tayo parang nagutom 'yata ako."

"Okay, Babe. Let's go." Pagsang-ayon ni Sir Connor bago hinapit sa beywang si Ma'am Carolina at iginaya papunta sa kaliwang pasilyo.

"Ginutom siya dahil sa pamimili ng damit. Tss!" Bulalas na may irita sa boses ni Ginoong Colosas. Nahihiyang napatingin ako sa kaniya.

"P-pasensya na kung nagalit ka sa pang-aabala na ito, C-colosas. Hindi na sana ako pumayag na magsuot ako ng ganitong damit. A-ang dami ko nang kasalanan sa Panginoon." Mahina kong bigkas na siyang kinatigil niya at titig sa'kin.

Napapitlag na naman ako ng kunin niya ang dalawang palad ko at mahina iyong pinisil.  May kung ano sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Tanging pagtibok ng puso ko ang nararamdaman kong mabilis ang tibok. Dahil sa presensya niya.

"I'm sorry kung sa pakiramdam mo ay naiinis ako—naiinis lang ako sa Ina ko. Dapat kase ay solo kita na makakasama ngayon, Raquel, pero sinira ni Mom. But today, you're the most beautiful woman I've ever seen." May paghanga sa mga mata niya nang hinagod ako ng tingin, tumagal sa labi ko ang mga mata niya. Napakurap na lang ako sa pagkailang.

"H-huwag mo akong titigan ng ganiyan, Colosas...." Nauutal kong pagsuway bago yumuko na dinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Nakakaakit ka talaga, Raquel, kahit nahihiya ang mukha mo." Bulong niya sa tenga ko na kinasinghap ko naman bago niya ako hinila ng marahan.

Magkatabi kami ni Ginoong Colosas sa upuan habang kaharap ko si Sir Connor, kaharap naman ni Ma'am Carolina ang anak niya. Si Ginoong Colosas na din ang naghanap ng pagkain para sa'kin. Hindi ko naman kase alam ang mga pagkain dito, lahat naman kase sila ay masasarap.

"Salmon with lemon, baked fish, strawberry banana waffle, friedprawn waffle, and strawberry yogurt." Sabi niya sa tabi ko bago sinauli sa lalaking waiter ang menu.

Kinakausap ako ni Ma'am Carolina tungkol sa buhay ko nang maramdaman ko ang palad ni Ginoong Colosas na biglang dumantay sa isang hita ko. Medyo nakalantad ang mga hita ko dahil sa medyo mataas na bangko, na pilit kong binababa ngunit tumataas pa din ang laylayan ng suot kong damit.

"Ano ngayon ang trabaho mo, Iha?" Natigilan ako at saka napatitig kay Ginoong Colosas, hindi dahil sa tanong ni Ma'am Carolina kundi dahil sa palad ni Ginoong Colosas na gumagapang paitaas ng hita ko.

"She's a Nun but a Novice, Mom." Biglang sagot ni Ginoong Colosas na ngumisi sa'kin bago tingnan ang Ina niya. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Ma'am Carolina.

Nakatingin pa din ako kay Ginoong Colosas at lihim na pinipigilan ang palad niya sa hita ko na malapit na sa singit ko, mabuti na lang at hindi halata ang ginagawa niya sa ilalim ng mesa. Pero mali ang ginagawa niya.

"Oh! Pwede ba magkaroon ng nobyo ang isang Ma—"

"Stop asking, Babe. Our food is coming." Mariin na sabi ni Sir Connor na tinititigan na parang may kahulugan sa mukha si Ma'am Carolina. Tumahimik naman siya at nakangiting kinindatan ako, nagpapahiwatig na humihingi siya ng paumanhin. Ngumiti ako sa kaniya.

Lihim akong napahinga nang dumating ang order na pagkain. Umayos na din ng upo si Ginoong Colosas at pinagsiklop na niya ang aming kamay sa ilalim ng lamesa. Pero agad din niyang kinalas ng makalapag na ang pagkain.

Tahimik ko ng kinain ang pagkain ko. Habang nakikinig lang ako sa usapan nilang magpamilya, tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila.

"Don't be self confident on your identity, son. He might be investigating your background." Dinig ko sa seryosong boses ni Sir Connor, kinakausap ang anak niya.

"I'm aware of that, Dad. But I know you'd erased all my information?" Si Ginoong Colosas na tinutusok ang karne niyang kinakain. Sadya din niyang idinantay ang isang hita sa hita ko, dahilan para kumislot ako. Pero hindi ako nagpahalata at pinokus ang atensyon ko sa masarap na kinakain ko.

"Yes. Pero matalino si Aragon at hahanap ng butas para ipabagsak ang kumakalaban sa kaniya. Lalo kapag nalaman ang kahinaan mo." May ibig kahulugan ang huling sinabi ni Sir Connor, na pansin kong kinatitig sa'kin ni Ginoong Colosas.

"Kaya nga natatakot ako kapag nangyari iyon, Dad. Ayokong ilagay sa panganib ang buhay niya. Noon ay balewala lang sa'kin kung mamatay ako, pero ngayon ay may kabuluhan na itong buhay ko." Puno ng emosyon ang mababakas sa tono ng boses ni Ginoong Colosas habang nakatitig sa'kin, na ang pansin ko naman ay sa kinakain ko.

Ngunit napakislot na naman ako nang kunin niya at pisilin ng marahan ang palad ko. Puno ng kahulugan ang pagpindot niya ng ilang beses sa gitnang palad ko. Natatakot akong titigan ang mga mata niya na puno ng hiwaga, mga matang ang daming ibig may sabihin o gawin para sa'kin.

Kaya nanatili lamang akong walang imik. Mabuti na lang din at hindi napansin ng magulang niya.

Matapos na'ming kumain ay ilang sandali pa kaming naglibot bago nag-anyayang umuwi si Ma'am Carolina. Sinang-ayunan naman iyon ni Ginoong Colosas. Nasa labas na kami ng gusali at patungo sa sasakyan nila nang bigla na lang magkagulo ang lahat dahil sa sunod-sunod na putok na pakiramdam ko ay dito sa direksyon na'min papunta.

Napahiyaw si Ma'am Carolina at mabilis na niyakap padapa ni Sir Connor patago sa sasakyan nila. Habang ako naman ay mabilis din hinapit ni Ginoong Colosas sa dibdib niya na kinasubsob ko doon at napatago kami sa likod ng sasakyan.

"Fuck! Nasundan ba kayo, Dad?!" Tumaas ang galit niyang boses at kita ko na may kinuha siya sa likod niya. Nanlaki sa gulat ang mga mata ko nang makitang pistola iyon.

Nakikipagbarilan din siya sa mga hindi ko kilalang bumabaril na ang target ay dito sa kinatataguan na'min. Sunod-sunod ang pagpapaputok na lalo kong kinadikit sa katawan niya. Nasa likod ko nakayakap ang isang braso niya at pinoprotektahan ako.

"Hindi, anak! Pero napansin ko ang ilang mga kalalakihan na kanina pa sumusunod sa atin! Hindi ko sinabi sa pag-aakalang wala naman silang gagawin na masama!" Si Ma'am Carolina ang sumagot dahil sa abala si Sir Connor sa pakikipagbarilan. Isang pistola din ang hawak niya sa kamay.

"They're from Dark Market!" Mababakas ang nakakatakot na awra mula kay Sir Connor. Maging si Ginoong Colosas ay may galit na din sa mukha nang tingnan ko. Gumalaw-galaw pa ang mahulma niyang panga na halatang galit na.

Diyos ko, ako po ay Iyong patawarin sa aking nagawa na ito. Pero po nananalangin ako na iniligtas Niyo po kami, lalo na po ang pamilya ni Ginoong Colosas sa panganib na ito.

Taimtim kong pagdasal habang nakapikit ang mga mata kong nakahawak sa aking rosary.

"Get inside, sweetheart!" Mabilis niya akong iginaya na kinapitlag ko pero napatango agad nang buksan niya ang pinto at pinapasok ako, kasunod siya.

"Raquel, anak! Ayos lang ba kayo?" Napatingin ako sa nag-aalalang mukha ni Ma'am Carolina na palipat-lipat ang tingin sa'min. Mabilis naman pinatakbo ni Sir Connor ang sasakyan palabas.

"O-opo! Kayo po hindi ba nasaktan?" Nakita ko ang nakangiting pag-iling niya bago inabot ang kamay ko na agad ko naman inabot sa kaniya, pinisil niya.

"Mabuti naman. Pasensya na kung nadamay ka sa gulong ito, Iha." Paghingi niya ng paumanhin habang nahihiya siyang nakatingin sa'kin.

"A-ayos lang po, T-tita Carolina. Alam ko po na hindi tayo pababayaan ng Diyos. Manalangin lang po tayo sa Kaniya."

"Sige, Iha." Agad na sang-ayon ni Ma'am—Tita Carolina.

Magkahawak kamay kaming pumikit at taimtim na nananalangin habang hawak ang aking rosary. Ilang minuto ang ginugol na'min sa pagdarasal bago sabay na dumilat. Napadasal ako at ganoon din si Ma'am—Tita Carolina. Pagkatapos ay napangiti kami sa isa't-isa.

"Sinusundan tayo, Dad." Sambit ni Gino—Colosas na kinaayos na'min ng upo ni Tita Carolina. Napalingon ako sa likod at kita kong may tatlong itim na sasakyan ang sumusunod sa amin at nag-uunahan pa sa pagsabay sa sasakyan na'min.

"Ah!" Napayakap agad ako kay Colosas nang makarinig ng putok sa likuran na'min. Kasabay din noon ay may gumigitgit sa sasakyan na lalo kong kinakaba sa takot.

"It's okay, sweetheart. We will be safe." Mahigpit akong niyakap ni Colosas sa dibdib niya, damang-dama ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya.
Pakiramdam ko habang yakap niya ako ay ligtas ako at panatag sa mga bisig niyang ito. Hindi ko alam ay lalo ko pang siniksik ang katawan ko sa kaniya at dinama ang puso niya.

Ako po ay nagkasala na ng lubusan....

***
Please votes, comments and share. Thank you.

© MAYAMBAY

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.3K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
53.2K 1.7K 9
Cornick Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "Isang gabi ng aking pagkamali, ngunit hindi ko iyon pinagsisihan." Sa murang edad ng dalagang si Athena At...
174K 5.8K 39
Colombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tanging ang dalagang si Catarina Ruiz ang s...
1K 93 20
"There is no point in using the word 'impossible' to describe something that has clearly happened." ― Douglas Adams