Memoirs of Harmony

Galing kay WaxJin

2.2K 68 18

SAN SORIANO SERIES 2 And there's this voice in my head... one that feels so unfamiliar but harmonious and one... Higit pa

ISABELLA YOUNG (SIMULA)

CHAPTER 1

618 30 8
Galing kay WaxJin

Far from reality, near where everything seems to exist only in our imagination. Where I am miles away from pain and mistakes that are hard to learn. Here in the city where the cold in the breeze is more than what it is, beneath what it seems.

And there it was, the sun setting from the east. It's like the sign that as it goes down, moments will turn into memories from this day. And no matter how the day turned out whether if it's cold or warm, the sun will still set.

Fragments of my memories can be seen like piercing our eyes through the fog, where everything seems to be blurry. But in midst of the fog, where everything seems to be covered by fog and the only thing that is visible and clear is how expressive your eyes are whenever it meets mine.

My hands tightened its grip to the white blanket as I feel myself shivering. My breath feels shortening as I try to gasp for more air. There were sceneries in my head that I can hear but hard to visualize. Voices... one that feels unfamiliar but harmonious and one that is familiar but feels ominous.

I can feel myself now, trying to pull my consciousness together.

Sa pag-upo ko sa kama nang magising ako ay hinahabol ko ang paghinga ko. Ngayon ay tila wala akong maramdaman, tila pilit hinahalukay ng utak ko ang bawat piraso ng memorya ko. Bagay na alam kong pinipilit makaalala ng isipan ko.

"Isla." bulong ko sa sarili kong pangalan.

Pinilit ko na tumayo kahit pakiramdam ko ay nanghihina pa ako. Naglakad ako papunta sa bintana at sa pagbukas ko nito ay ang pagpasok ng malamig na hangin dito sa Baguio. Agad ko kinuha ang malapit na jacket sa akin upang isuot dahil na rin mahina ako sa lamig.

Lumabas na ako ng kwarto ko dahil anong oras na rin.

"Ate Isla." gumawi ang tingin ko sa binatang lalaki na tumawag sa akin, ngumiti ako kay Scott.

"Scott, ilang beses ba namin sasabihin sa 'yo na hindi isla na tagalog ang basa sa pangalan ng Ate Isla mo." naiiritang sambit ni Hera. Siya ang naging kaibigan ko dito sa Baguio.

"Ang hirap naman kasi, kahit si Kuya Evan naasar na ata sa akin." nagkamot siya ng batok at ako ay tumawa na lang.

"Ayos lang 'yon, ikaw talaga." ginulo-gulo ko ang buhok niya at kita ko ang asar sa kaniyang mukha. Dahil alam ko na ayaw na ayaw ni Scott na nagugulo ang buhok niya. "Asaan ang lola mo?"

"Kasama si Kuya Evan at Kuya Rafa." tumango ako sa kaniya.

"Kumusta gising mo nga pala, Isla?" nilingon ko si Hera na nanunuod ng tv dito sa bahay namin. "Pinapunta ako rito nila Lola Amellia kasama ni Scott."

"Ayos naman na ako, isang buwan na rin lumipas matapos nung aksidente." nilingon ko ang salamin sa sala namin, sabay na inayos ko ang buhok ko. Sa pag-ayos ko nito ay muli ko na nakita ang bakas nung nangyari sa akin, maliit na lang ito kumpara sa dati at hindi na siya masyadong kita.

"Sigurado ka? Magsasabi ka lagi, kasi sabi ni Evan sa tuwing sumasakit daw ang ulo mo, sobra raw."

Pumasok muli sa isipan ko si Evan. Katulad ng iba ko na memorya ay hindi ko siya naalala, kaya nang sabihin nila sa akin na siya ang pinakasalan ko ay wala akong maalala.

"Lola." lumingon kami sa pinto nang tawagin ni Scott si Lola Amellia, nakangiti niya kaming nilapitan.

"Nagtrabaho na sina Evan at Rafa sa bukid, pupunta ba kayo ngayon sa sentro?" ang tinatawag na sentro ni Lola Amellia ay ang malaking bahay niya, doon kasi ang gitna ng malaki nilang lupain. Habang kami naman ay nasa isang bahay kasama ng iba rin na mga bahayan. Para sa mga nagtratrabaho kina Lola Amellia ang mga bahayan na 'to.

"Pupunta po kami, lola. Hinihintay ko lang po matapos mag-ayos si Isla."

"Sumabay na kayo sa akin, si Scott na ang mag-drive papunta sa sentro." tumango kami ni Hera at sabay kami na naglakad kasunod nina Lola Amellia.

At nang magsimula na magmaneho si Scott ay kasabay naman ang pagsalubong sa amin ng malamig na hangin. Isang pickup ang sasakyan na gamit nila Scott, nag-aya si Hera na dito na lang kami sa likod sumakay kaya pumayag ako. Isa pa ay natutuwa ako lagi dahil sa tanawin dito sa lupain na sobrang ganda.

Madadaanan muna namin ang ibang parte ng bukid ng mga presa bago makarating sa sentro.

Kakausapin ko pa sana si Hera nang malagpasan na namin ang tulay. At dito ko na natanaw ang kagandahan ng lupain ni Lola Amellia. Kita mula sa amin ang malawak na bukid nila at ang mga nagtratrabaho na pumipitas ng mga presa.

"Ang ganda talaga ng lupain ng mga Leondelle." saad ni Hera. "Alam mo ba na may mga turista na rin na gustong lumibot dito, mabuti na lang mabait si Lola Amellia at hinahayaan sila."

"Hindi ko rin sila masisisi, gugustuhin ko rin na lumibot-libot dito nang paulit-ulit." sinakop ko gamit ang kamay ko ang buhok nang maalala ko na wala akong panali. Kanina pa pala lumilipad ang buhok ko.

"Bakit hindi ka kasi nagdala ng hair tie."

"Nakalimutan ko."

Pagdating namin sa sentro ay inalalayan kami ni Scott pababa sa pickup. Sumunod kami kay Lola Amellia papunta sa likod-bahay dahil andoon din ang mga ibang tao rito, doon sila nagpa-pack ng mga strawberry jam na gawa rito.

"Isla! Hera!" nagmamadali na lumapit sa amin si Vanessa at Stella. "Samahan niyo kami mamaya sa sayawan diyan sa bayan."

"Sayawan?" nagtatakang tanong ni Hera.

"Oo, madaming pupunta ron mga lokal at dayo." pinakita niya sa amin ang papel ng mga dadayo mula dito sa lugar namin. "Sinulat ko na ang pangalan ninyo."

"Mali naman ang pangalan ko." saad ko. Dahil imbes na Isla ang nakasulat na pangalan ko, Aila ang nakalagay rito dahil siguro gano'n ang bigkas ng pangalan ko kaya sila nalilito.

"Akin na nga, itatama ko." kinuha ni Hera dahil mali rin ang kaniya. "Sasama tayo, Isla."

"Paano sila Evan?"

"Baka hindi sila sumama ni Rafa, baka mga pagod mamaya 'yon kaya tayong dalawa na lang." tumango ako kay Hera.

"Isla, tara nga muna rito." pagtawag sa akin ni Lola Amellia, kaya naglakad na ako papunta sa kaniya. Pina-upo niya ako sa tabi niya habang tumutulong din siya sa pag-pack ng mga jam. Gano'n na lang din ang ginawa ko. "Kumusta ka naman ba? Kumusta kayo ni Evan?"

"Ayos lang naman po, lola. Madalang na lang sumakit ulo ko."

"May naalala ka na ba?" umiling ako sa kaniya. "Ganiyan daw talaga sabi ng kakilala ko na doktor. Mahihirapan ka talaga. Si Evan ba? Kumusta kayong dalawa?"

"Ayos lang po." matipid ko na sagot, dahil yoon lang naman talaga ang magiging sagot ko. Walang espesyal sa trato namin sa isa't isa ni Evan, minsan ay iniisip ko nga na roommate lang kami.

"Yung bata talaga na 'yon, ilang beses ko na sinabihan na bawas-bawasan ang pananatili sa bukid. Sinasabi ko ba naman na sa 'yo na lang muna ituon ang atensyon niya, dahil halos kakagaling mo pa lang."

"Hayaan ninyo na lang po, lola. Ayos lang naman po ako tsaka madalas ko rin naman po kasama si Hera."

"Eh pupunta ba kayo sa sayawan mamaya? May isusuot na ba kayo ni Hera? Nako, madami ditong naiwan na magagandang dress yung ate nina Rafa at Scott."

Wala na kaming nagawa nang dalhin kami ni Lola Amellia papunta sa kwarto ng apo niya na babae. Nasa ibang bansa ata yung apong babae na 'yon ni Lola Amellia, isa lang naman ang naging anak ni Lola Amellia at tatlo lang ang naging apo niya. Ang alam ko rin ay kasama ng anak niya at asawa nito si Marian o ang apong babae ni Lola Amellia. Habang sina Scott at Rafa naman ay ang naiwan bilang kasama ni Lola Amellia.

"Subukan mo ang kulay na 'to, Isla. Bagay sa 'yo ang pula." tumango ako at kinuha ang bistida, maganda nga ito at mukhang mamahalin pa. "Maganda rin na pumupunta ka sa mga ganito, Isla. Aba palagi ka na lang nandito lang sa bukid, dapat talaga ay lumalabas-labas din kayo ni Hera."

"Sinasabi ko rin po 'yan kay Isla, isang buwan po diretso na hindi siya umaalis ng bukid." naririnig ko pa rin ang usapan nila kahit nasa loob na ako ng banyo ng kwarto na pinasukan namin.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, ngumiti ako nang makita ko na bagay nga sa akin ang damit na ito. Inikot ko ang sarili ko upang makita pa ang mga ibang detalye.

"Ano, Isla? Bagay ba?" tanong ni Lola Amellia mula sa labas. "Minsan lang 'yan nasuot ng apo ko."

"Bagay po, salamat po." saad ko nang makalabas ako.

Bumalik kami nina Hera sa likod-bahay na may dalang paper bag dahil dito nilagay ang mga damit na napili namin. Nagtaka kami ni Hera nang lumapit sa amin si Scott na mukhang may kailangan.

"Ate, sabihin ninyo kay Lola na ako ang sasama sa inyong dalawa para hayaan niya akong magpunta sa sayawan." sixteen years old pa lang si Scott kaya medyo mahigpit pa sa kaniya sina Lola Amellia.

"Siguro may nagugustuhan kang babae sa bayan." komento ko at umiling-iling sa akin si Scott.

"Andoon mga barkada ko."

"Sige, ako bahala sa Kuya Rafa mo." napatalon sa tuwa si Scott sa sinabi ni Hera.

"Narinig mo 'yon, lola? Ang sabi mo pag pumayag si Kuya Rafa, papayagan mo na ako. Wala na siyang magagawa pag si Ate Hera na kumausap sa kaniya!"

"Bahala kayong magkapatid, basta pag ikaw nakabuntis." natawa kaming pareho ni Hera sa sinabi ni Lola Amellia.

"Lagot ka talaga sa mga kapatid mo." pananakot ni Hera at nilagpasan na namin siya.

Tumulong na lang kami ni Hera sa mga gawain sa mga natitira na oras, dahil maya-maya pa naman ang sayawan. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ginusto ko na sumama kanina, siguro ay gusto ko na lang talaga maranasan. Dahil ngayon na halos lahat na lang ng memorya ko ay nawala, tila lahat ngayon sa paligid ko ay bago.

"Nakakapagod." reklamo ni Hera nang matapos na siya, sumandal siya sa balikat ko at kumapit sa braso ko. "Bukas mo na lang tapusin 'yan, Isla. Mag-ayos na tayo para sa sayawan."

"Dalawa na lang 'to, Hera. Tsaka mamaya pa naman 'yon, mas maganda siguro kung gabi na tayo pumunta. Tutal hindi naman delikado dito sa lugar natin."

"Excited na ako eh. Alam mo feeling ko before mawala ang mga memorya mo at mapadpad ka dito sa Baguio, feeling ko talaga mahilig ka mag-party noon." umiling ako sa kaniya. "Hindi 'yon imposible ah."

"Hindi ko na maalala."

"Alam mo, nevermind. Ayan pala at tapos ka na!" natutuwa niya akong hinatak patayo. "Maglakad na lang tayo pabalik sa bahayan."

Ayos lang naman kung lalakarin ito at maganda nga rin kung maglalakad na lang kami.

"Alam mo curious talaga ako sa 'yo, alam mo yung gusto ko malaman yung nakaraan mo pero hindi naman pala kwento si Evan."

"Hindi ko na rin naman na siya tinatanong. Ayos naman na ako sa ganito, kahit wala akong masyadong memorya." umiling-iling siya at hinarap ako.

"Makakaalala ka." ngumiti na lang ako at bahagyang tumango, pinagpatuloy na lang namin ang paglalakad namin na dalawa. "Pero alam mo ba, nakwento lang sa akin ni Sunday. Aba mas bentang-benta pa raw si Evan sa mga babaeng turista sa bayan kesa sa mga presa na binebenta natin."

"Gano'n ba." matipid ko na sagot at inirapan niya ako.

"Nako, malaman ko lang talaga na kung pati si Rafa pinagkakaguluhan nila sa bayan. Lagot sa akin yung mga dayo na 'yon."

Pagdating namin sa bahayan ay mauuna ang sa amin bago ang kina Hera. Pagpasok ko sa bahay ay napansin ko na mukhang kagagaling lang dito ni Evan ngunit umalis din siguro ulit siya. Nag kibit-balikat na lang ako at dumiretso na sa kwarto, agad ko na nilagay sa hanger ang dress para makapaghanda na ako.

Mag-isa lang ako natutulog sa kwarto dahil sa sala lagi natutulog si Evan. Sa umaga naman ay bago ako gumising wala na siya sa bahay, kaya madalang lang talaga kami magkita na dalawa. Bagay na hindi ko naman masyadong binibigyang pansin kahit pa kasal kami na dalawa.

Sa pagpasok namin sa sayawan ay malakas na tugtog agad ang narinig ko. Ang akala ko ay sasakit muli ang ulo ko dahil sa ingay ng mga tugtog pero hindi gano'n ang nangyari. Hindi ko mapaliwanag kung ano ito ngayon, pero ang sarap sa pakiramdam.

Sa isang buwan na halos puro pagpapagaling ako sa bukid, ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito. Yung pakiramdam na tila nakalaya.

Natutuwang hinatak ako ni Hera papunta sa gitna. Kasabay ng malakas na tugtugin, sa gitna ng dilaw na buwan. Sa hindi ko mapaliwanag na pakiramdam, sumabay ang katawan ko sa tugtog.

Nakangiti kaming pareho ni Hera habang sumasabay sa sayaw ng lahat.

"Naniniwala na talaga ako na hilig mo ang mag-party noon, Isla."

"Pakiramdam ko rin." alam ko hindi narinig ni Hera ang sagot ko dahil sa mahina ko na boses, pero nakita niya ang ngiti ko na hindi niya nakita sa nagdaang isang buwan simula nang makarating kami sa Baguio.

Sa pag-ikot ko habang ang mga ilaw mula sa itaas ay nakakasilaw, naglandas ang tingin ko malapit sa pasukan ng sayawan.

Doon ko natagpuan ang tingin niya na nakadirekta lamang sa akin ngayon, habang sinasabayan ng katawan ko ang sayaw. Sinalubong ko ang kaniyang tingin habang parehong liwanag ngayon ang sumisilaw sa amin.

Sa pagtama ng liwanag sa kaniyang mukha, mas klarong nakita ng mga mata ko ngayon ang tanging katagpuan nito ngayon.

Bakit laging nakakaligaw na tumginin sa 'yo? Bakit lalo akong nakakalimot sa tuwing ikaw ang nakikita ko?

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

64.7K 4.3K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
1.7M 47.5K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...