The Night in Tierra Fima | CO...

By ferocearcadia

44.7K 865 14

[Warning: R18+] What will happen when a complete stranger got all of your firsts? First touch, first kiss, fi... More

The Night in Tierra Fima
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 68
Wakas

Kabanata 67

498 10 0
By ferocearcadia

Kabanata 67

Name

"Rae! What are you doing here? Akala ko ay naka-bed rest ka?" salubong sa'kin ni Rafa nang makapasok ako sa working place nila.

Hindi ko siya tiningnan at dire-diretso lang ako patungo sa dati kong upuan at naupo roon. Sa pagkakaalam ko ay lunch break nila ngayon kaya siya lang ang nadatnan ko ngayon dito. Yerim resigned a three months ago kaya si Rafa na lang ang tanging natitira dito.

"Maayos na ako. Na-miss ko lang pumunta rito," sambit ko sa kaniya at inilibot ang tingin sa buong lugar.

Walang pinagbago iyon. Gano'n pa rin ang itsura. Bigla kong na-miss pumasok dito araw-araw at mag-edit ng isang katerbang manuscript, mag-isip ng bagong ideas para sa susunod na librong ipapasa, at maghabol ng deadline. Matagal na panahon na rin mula nang tumigil ako sa pagsusulat. Ang nangyaring movie adaptation ng huling kuwentong isinulat ko ay masasabi kong successful. Masaya ako sa naging kinalabasan at kahit kailan ko gusto, mababalikan ko ang alaala na iyon sa Tierra Fima.

"Na-miss kong magsulat at mag-edit," natatawa ko pang dagdag at tumingin na kay Rafa.

Nakangiti rin ito nang malawak habang nakatitig sa'kin.

"You changed a lot, Rae. Sobrang laki ng pinagbago mo at lahat ng 'yon ay sobrang ganda, sobrang laking tulong para sa'yo. I'm so happy for you," seryosong sagot niya sa'kin.

Naramdaman ko ang paglundag ng puso ko nang marinig ko iyon. Ngayon lamang ito nagsabi sa akin ng ganito kaya hindi ko maiwasang maging emosyonal. Dumagdag pa ang pregnancy hormones ko na talaga namang pinahihirapan ang lahat lalo na ako at si Levi.

"I'm happy to go back here someday if I'm still allowed to," naiiyak na sinabi ko sa kaniya.

Tumawa ito saka tumayo at nilapitan ako.

"Nahahawa ako sa hormones mo! May gender na ba 'yan?" tanong niya sa'kin at niyakap ako saglit.

Umiling ako at hinawakan ang tiyan ko.

"Wala pa, Raf. Dalawang buwan pa bago malaman," sagot ko at tumayo na.

She guided me outside the work place at nagyayang kumain sa pinakamalapit na restaurant. Nang magsimula kaming kumain ay tinawagan na lang namin si Yerim dahil abala ito ngayon para sa kasal ng half-sister niya. Tumambad sa amin ang haggard niyang itsura kaya naman halos bumunghalit kami sa tawa.

Nang matapos kaming mag lunch ni Rafa ay nagdesisyon akong tumungo sa office ni Levi. Pagkapasok ko pa lamang ng building ay pansin ko na ang paninitig sa akin ng lahat hanggang sa makapasok ako sa lift. Nang makalabas ako sa floor ng opisina niya sumalubong sa'kin si Jaxon. Tila lalagpasan pa sana ako nito kaya tinapik ko siya sa braso.

"Still ignoring me, huh?" pang-aasar ko sa kaniya.

Kumamot ito sa gilid ng ulo niya at ngumiti.

"I'm trying to move on here, Rae. Stop bothering me. Ikaw rin, baka kunin kita ulit sa kaniya," ganti nito sa'kin kaya pareho kaming humalakhak.

Nang huli kaming mag-usap ay iyong bago kami magtungo ng Tierra Fima. Bago mangyari sa'kin ang ginawa ni Noah. I cleared everything out and offered a friendship with him but he refused—which I understand dahil alam ko kung ano ang nararamdaman niya sa'kin. Sana lang ay mahanap na niya ang tamang babae para sa kaniya.

Matapos naming magkumustahan ay dumiretso na ako sa opisina ni Levi. Tinanguan ko lamang si Kat na tila pipigilan pa sana akong pumasok. Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa'kin si Levi at Anne na kasalukuyang nag-uusap.

Tumutok ang tingin sa akin ni Levi at agad na tumayo nang makita ako, maging si Anne. Dire-diretso akong tumungo sa kaniya at hinalikan siya sa labi.

"Dumaan lang ako," tipid na sinabi ko sa kaniya.

Ramdam ko ang pagpulupot niya ng kamay niya sa baywang ko.

"Let's go home together. You can wait me here," marahan niyang sabi sa'kin kaya napangiti ako.

"Baka may importanteng meeting ka pa—"

"This is not so important. I was just talking to her about the renovation of Hotel Tierra. Matatapos na rin naman," putol nito sa sasabihin ko kaya wala na akong nagawa.

Hindi ko na pinansin si Anne na nakikita kong panay ang paninitig sa'kin. Umupo lamang ako sa couch doon at nagbasa ng iilang mga magazine. Maya-maya pa, bigla na lamang lumabas si Levi at naiwan kaming dalawa ni Anne sa loob. I decided to just ignored her dahil umiiwas ako sa stress ngunit nagulat ako nang bigla na lamang siyang lumapit sa'kin kaya kunot-noo ko siyang tiningnan.

"I'm—"

"I'm sorry, Astraea," putol nito sa sasabihin ko na siyang ikinagulat ko.

"Levi told me about your condition and I'm so sorry on showing up with him suddenly the other day. Gusto ko lang talagang humingi ng pasensya sa'yo, hindi ko alam na gano'n pala ang kalagayan mo," pagpapatuloy nito.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya kaya nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Kinagat nito ang ibabang labi niya at mataman akong tiningnan.

"I like Levi. I really am. But I'm not that desperate to ruin a family just to have him at sigurado akong hindi naman mangyayari 'yon dahil alam kong mahal na mahal ka niya. Nasanay lang talaga ako na malapit kami sa isa't isa dahil wala ka pa naman noon, but don't get me wrong, please. I'm just his childhood friend and he never liked me back before at naiintindihan ko 'yon. Mas naiintindihan ko na ngayon so..." she paused and bit her lower lip again.

Hindi ko na napigilan ang pagsungaw ng ngiti ko sa labi ko dahil sa mga narinig ko. Hindi ko maikakailang iba siya kina Mari at Hoseah. I can feel that she's a good woman at nagpapasalamat ako sa bagay na 'yon.

"I'll talk to him to get you back as an engineer to our house," tipid na sinabi ko sa kaniya at nginitian na lang siya.

Nakita ko ang saya sa mga mata niya bago niya ako tuluyang niyakap. Matapos iyon ay lumabas na siya. Nakahinga ako nang maluwag. Ilang minto pa akong naghintay roon bago dumating si Levi.

"Let's go?" he asked me and immediately held my hand.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at yumakap sa kaniya.

"Clingy, huh?" pang-aasar niya sa'kin kaya kinurot ko ang tagiliran niya.

"I missed you," bulong ko sa kaniya at hinigpitan pa ang yakap ko.

Napapikit ako nang maamoy ko ang pabango niyang sobrang sarap sa pang-amoy. His chest is so wide that I can sleep here forever. It's so comfortable and calming. Hinding-hindi ko ito pagsasawaan.

"Saglit lang tayong hindi nagkasama ng matagal, Miss Ma'am," he mockingly said to me.

Napanguso ako sa sinabi niyang 'yon. Hindi pa rin ako bumitaw sa pagkakayakap ko sa kaniya kahit ramdam kong gusto na niyang kumawala. Sa huli ay ipinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at hinalikan ako sa ulo.

"Thank you for being my Levi. I love you so damn much," I said to him and tighten my hug on him.

Humalakhak lang ang lintik na si Levi bago ako muling hinalikan sa ulo.

"I changed my mind. I will be liking your hormones more from now on," pang-aasar niya at sabay pa kaming tumawa.

-

Tita Criselda prepared something for us for dinner kaya sa mansion kami dumiretso. Naroon pa kanina si Ria nang iwan ko ito saglit upang lumabas. Nang makarating kami sa mansion ay tumambad sa amin ang lahat kaya halos lumundag ang puso ko sa sobrang tuwa. Lalo na nang makita ko si Avery at ang malaki nitong tiyan. Wala pa man ang bump ko ay pakiramdam ko'y excited ako kahit ito na ang pangalawang beses na nagbuntis ako.

"Seafoods are your favorite, right?" Levi asked me.

I repeatedly nodded at him at tiningnan ang anak ko. Nang makita kong sarap na sarap ito sa kinakain niya ay bumaling na rin ako sa pagkaing nasa harap ko.

We started eating. Puro seafoods ang nakahain kaya naman tuwang-tuwa ako dahil puro favorite ko iyon lalo na 'yong hipon but my stomach didn't agreed to what I've said when I suddenly feel like vomiting.

"Lumiere, are you okay?" tarantang tanong sa'kin ni Levi nang maduwal ako.

Tinakpan ko agad ang bibig ko at nagpasama sa kanya sa banyo. Nang matapos ako ay bumalik agad kami sa dining area.

"I'm so sorry, Tita. Seafoods are my favorites but it's just that—"

LIt's okay, Rae. I understand. Ganyan din ako nang ipinagbubuntis ko noon si Levi. Lahat ng paborito kong pagkain, inaayawan ko. Ipapakuha na lang kita ng ibang ulam," she politely said kaya napatango na lamang ako.

"Ilang buwan na ba 'yang apo namin diyan sa tiyan mo, Rae?" Tito Saldy asked me.

Ramdam ko pa rin ang pag kalam ng sikmura ko at ang pagtaas-baba ng kamay ni Levi sa likuran ko.

"Three months pa lang po."

"Nagpa-check-up ka na ba?" tanong ulit niya.

"Nagpunta na kami sa OB, Dad. Her OB said she's fine. Malakas naman daw ang kapit ng bata kaya walang dapat ipag-alala," sumagot na si Levi para sa'kin.

Nang dumating na ang ulam na ipinakuha ni Tita ay nagsimula na muli kaming kumain.

"Kailan ang kasal niyo? I'm excited to see you Rae in a long gown," nangingiting sinabi ni Avery sa'kin.

"We're planning to get married next week. Itutuloy na iyon," Levi answered.

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Akala ko ay sa susunod na lamang na taon? Bakit pabago-bago ito ng isip?

"Bakit parang ang bilis naman?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Narinig ko na naman ang paghalakhak ng lahat kaya natawa na rin ako.

"Ayaw mo ba, Rae? You can't say no to Levi dahil sa pagkakaalam ko, baliw ang lalaking 'yang pakasalan ka agad. Lalo na't may baby number two na kayo," pang-aasar ni Celine.

Ramdam ko agad ang pag-init ng buong mukha ko dahil sa sinabi ni Celne lalo na nang humalakhak na ang lahat.

"Who wouldn't be, right? Obvious naman, 'di ba? May kasunod na nga," sambit pa ni Levi kaya lalo akong nakaramdam ng hiya.

Talagang sinakyan niya pa.

-

"What's our baby's name?" tanong niya sa'kin habang nakatingin sa screen.

Kasalukuyan akong nagpapa-ultrasound to check on our baby. Nang marinig namin ni Levi ang heartbeat ng bata, halos humagulhol ako lalo na ang huli dahil ito ang unang pagkakataon na makarinig siya ng heartbeat ng sanggol. Hindi niya iyon nagawa kay Asteria noon kaya naman naiintindihan ko ang reaksyon niya.

Our baby's heartbeat is music to our ears lalo na nang bumibilis ito bigla. Totoo nga. May kasama na muli akong nabubuhay araw-araw ngayon. Hindi nga ako nananaginip.

Napangiti ako saka tumingin sa kanya.

"Boy or girl?" tanong niya pa.

"I want a baby boy and his name will be Aster Lincoln Laxamana-Acuzar," I uttered to him then I kissed him gently.


Continue Reading

You'll Also Like

310K 12.8K 62
Matured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano...
1.5M 31.3K 43
Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magula...
225K 3.5K 44
PLEASE PLEASE PLEASE. R-18 PO ITO, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Lahat ba ng saya may kapalit na lungkot? kung magmamahal ka ba may kabayarang pagm...
79.3K 2.2K 43
When Madeleine Middleton left Caligtan, Jack Stallix was devastated and furious. He can't believe that his bestfriend leave him without saying anythi...