The Night in Tierra Fima | CO...

By ferocearcadia

44.3K 864 14

[Warning: R18+] What will happen when a complete stranger got all of your firsts? First touch, first kiss, fi... More

The Night in Tierra Fima
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Wakas

Kabanata 62

388 10 0
By ferocearcadia

Kabanata 62

Beat

"That motherfucker almost fucking raped Astraea! What do you want me to do, huh?! Stop telling me to calm the fuck down because I fucking can't!"

Mariin akong napapikit nang marinig ko na naman ang sigaw na iyon ni Levi sa sala habang nasa kusina ako upang kuhanan siya ng tubig. Kahit sobrang laki ng mansyon nito ay umaalingawngaw pa rin ang nanggigigil na sigaw niya sa buong bahay.

Hindi siya mapakalma ng kahit na sino!

"Oh..." I whispered to myself when I almost lost balance nang kukunin ko na sana ang baso ng tubig para kay Levi.

"Ako na, Rae. Kumalma ka rin, kanina ka pa nanginginig," Maxim approached me at kinuha sa kamay ko ang basong iyon.

Sinabay niya akong tumungo sa sala. Nadatnan namin doon ang lahat na pare-pareho ang tingin na ipinukol sa akin kaya halos mapaupo ako sa panghihina. Lalo na nang makita ko na naman ang duguang damit ni Levi.

"Is it true, Rae? Muntik ka nang pagsamantalahan ni Noah?" Tito Saldy directly asked me.

Hinayaan ko nang bumagsak ako sa sofa dahilan upang mabilis akong daluhan ni Levi. Ang tubig na para sa kaniya sana ay inabot sa'kin ni Maxim kaya mabilis kong ininom iyon.

"Don't you ever try to deny that fucking... fuck! Why didn't you tell me?!" mariing tanong niya sa'kin kaya lalo akong nag panic.

"Totoo ba? Kailan pa? Bakit hindi mo agad sinabi, hija?" Sinusubukang pababain ni Tito Saldy ang kaniyang boses kahit ramdam ko rin ang galit doon.

Tiningnan ko ang lahat. Nakaabang silang lahat sa sagot ko. I suddenly remember my thoughts that night... kapag sinabi ko, maniniwala ba sila?

"Astraea, don't be scared to tell us everything lalo na ang ganito ka-seryosong bagay," dagdag pa ng dad niya.

Nang tingnan ko si Levi ay maging siya ay hinihintay ang sagot ko. Pulang-pula ang mga mata nito sa galit at halos lumabas na ang mga ugat niya sa leeg at mukha niya.

He's really mad. Ngayon ko lamang nakita ang ganitong ekspresyon niya kaya naman nakadagdag iyon sa takot ko.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay kong nanginginig nang sobra. I enclasped my both hands to stop them from trembling pero lalo iyong nanginig kaya ipinatong ko na lamang iyon sa lap ko.

Gusto kong sumabog. Hindi ko alam kung sa galit o sa sakit. Basta ang alam ko, gusto kong sumigaw at sumabog. Gusto kong pakawalan ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil tila pinapatay ako nito nang paunti-unti.

"Speak up, Rae. We're your family now," Maxim uttered.

"I... I was scared and I don't know what to do. So-sobrang hindi inaasahan..." Hindi ko na napigilan ang hagulhol ko nang maalala ko na naman ang gabing 'yon.

Halos mabaliw ako sa sobrang sakit at galit.

"I-It was the night when Levi went to the hospital because Nanay Mel had a heart attack. H-he approached me all of a sudden and of course... I trusted him! I trusted him and... h-hindi ko po alam. Ba-bakit sa'kin nangyari 'to..." I continue and sobbed hardly.

Napasapo ako sa buong mukha ko dahil sa kahihiyan na nakikita ng lahat kung gaano ako kahina ngayon—na hindi naman dapat, ngunit wala akong magawa!

"Pero bakit hindi mo kaagad sinabi? Dapat ay nagsalita ka agad," Tito Saldy said to me again kaya napailing ako.

"S-sorry po, tito... Takot na takot po ako at... at si-sinabi niyang walang maniniwala sa'kin kapag nagsumbong ako," nanginginig na sagot ko sa kaniya.

Bigla na lang tumayong muli si Levi at nagpakawala ng malulutong na mura.

"Putangina! Bakit sa kaniya ka naniwala imbes na sa sarili mo? You should've told me right away nang sa gano'n ay maaga kong nabasag ang pagmumukha niya! Isa pa, may nakakita, Astraea! Kaya ko nga nalaman dahil may nagsabi sa'kin!" sigaw niyang muli at sunod-sunod na nagmura na naman.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ko iyon. Hindi na ako nakasagot pang muli dahil hindi ko na talaga kaya. Sobrang sikip ng dibdib ko na kahit pagsasalita ay hindi ko na kinakaya.

Maya-maya pa, tumabi sa'kin si Maxim at ramdam ko ang paghagod niya sa likuran ko.

"I understand you, Rae, for not saying anything at first. Pagbabayaran ng gagong 'yon ang ginawa niya sa'yo," bulong pa nito sa'kin.

"At bakit mo naman kaagad sinugod? We can file a case against him nang hindi ka niya nabubutasan, Levi. E, sa itsura mong 'yan ay sa tingin ko'y napuruhan mo na ang lalaking 'yon," dinig kong sermon ni Tito Saldy sa anak niya.

Levi laughed sarcastically.

"Who wouldn't do that, dad? I respect Astraea so much tapos siya ay bababuyin niya lang? Kung puwede nga lang na patayin ko siya ay ginawa ko na! That's why I told you to stop talking to him, Lumiere dahil gano'n ang putanginang 'yon pero hindi ka nakinig," mariin nitong baling sa'kin kaya lalo akong naiyak.

Bakit nga ba hindi ako nakinig sa kaniya? Ilang beses niyang sinabi sa'kin na layuan ko ang lalaking 'yon pero hindi ko siya pinakinggan. It's because I was fucking curious about their friendship and why it was over. And now my curiosity put me into danger again. Palagi na lang, Rae.

"Stop shouting, son. Clean yourself and we'll talk to our lawyer about this bago ka pa maunahan ng mga Alegre," I heard Tita Criselda commanded him.

Nang sulyapan ko siya ay saglit pa akong tinitigan nito saka umirap sa kawalan.

"Kahit maunahan nila ako ay wala akong pakialam. Kaya kong ubusin ang pera ko mapakulong lang ang gagong 'yon," sambit pa nito bago kami tuluyang iniwan doon.

Ilang minuto pang naging tahimik ang paligid at tanging mahihinang hikbi ko na lamang ang naririnig. Maya-maya pa, naramdaman ko ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko. Nang lingunin ko iyon ay napaawang ang bibig ko nang makita ko si Tita Criselda.

"Call Attorney Alexander, hun. Let's meet him today as soon as possible," utos pa nito kay Tito Saldy bago tuluyang bumaling sa'kin.

Tinitigan ako nito hanggang sa tuluyan nang lumambot ang ekspresyon nito. Maya-maya pa, kinuha niya ang mga kamay kong nanginginig pa rin hanggang ngayon.

"These hands are so pure and precious, you need to take care of these nang sa gano'n ay mabawasan ang panginginig," pagsisimula niya.

Nagsimula na namang magtubig ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang ire-react ko kaya nanatili lamang ang tingin ko sa kaniya.

She's still stunningly beautiful...

"Kung nabubuhay pa siguro si Amalia ay siya ang unang tatakbuhan mo para sabihin ang mga nangyari sa'yo..." she continued. "...but I want you to know that I'm here, willing to be your second mom. Huwag mong kimkimin lahat, kailangan niyang maparusahan," dagdag pa nito kaya tuluyan na akong humagulhol muli.

Nang araw na rin na iyon ay dumiretso kami sa presinto upang magsampa ng kaso kasama ang family lawyer nila. Halos hindi ko na makilala si Noah nang makita ko ang picture nito nang ilabas iyon ni Atty. Alexander Narvasa. Basag na basag ang mukha nito. Hindi ko alam kung kamao lang ni Levi ang ginamit niyang panuntok dito pero mahirap nang kilalanin si Noah ngayon.

His face is ruined.

"Sisiguraduhin kong makukulong ang Levi na 'yan. He ruined Noah' s face!"

Napatingin ako roon sa nagsalita dahil lang sa sinabi niya. Nahagip ng mga mata ko ang isang matandang babae na nag-aagaw rin ang pagiging sosyal at ganda. Sigurado akong ito ang mom ni Noah.

"Ang anak mo ang magbabayad ng lahat, tita. Hinding-hindi na siya makakatakas this time. Kung noon, nagawa niyang lusutan ang kaso niya, ngayon hindi na," Levi muttered kaya napailing na lamang ako.

Umupo muli ito sa tabi ko. Nang tingnan ko ang mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagtatanong.

"Bakit hindi mo agad sinabi ang lahat?" marahan niyang tanong sakin.

Kung gano'n lang siguro kadali ay matagal ko nang sinabi sa inyo. Kaso ay hindi.

"Natakot ako na baka hindi niyo ako paniwalaan dahil ang alam ko, wala namang nakakita," paliwanag ko sa kaniya.

He bit his lower lip and gently licked it while his forehead furrowed na tila pinipigilan ang sarili niyang magalit na naman.

"Why would I do that to you? Don't you trust me, Rae? Lahat ng sinasabi mo ay tinatanggap at pinaniniwalaan ko lalo na sa mga ganitong bagay," sagot niya at umiling pa.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil sa konsensyang naramdaman. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko kung bakit naisip kong hindi niya ako paniniwalaan. This is Levi, my Levi. Why would I really think that he wouldn't believe me? Tanga ka, Rae.

Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Ano bang ginawa mo kay Noah? Bakit gano'n ang naging itsura niya?" pag-iiba ko ng usapan.

Nang tingnan ko ito ay suplado ako nitong tiningnan at umirap p sa kawalan.

"I beat his motherfucker ass to death. Nasa meeting ako nang tawagan ako ni Mira para sabihin sa'kin ang nangyari sa'yo. Sakto dahil pumunta siya sa Empire," simple nitong sagot na parang wala lang sa kaniya ang nangyari.

"Hindi mo na sana ginawa, Lev. Paano pag nakulong ka?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya.

Tinagilid nito ang ulo niya upang tingnan ako. Suplado pa rin ang mga mata nito saka umiling.

"That will never happen, Lumiere, at kung mangyari man, kaya kong ubusin ang pera ko sa kaniya para siya lang ang mabulok sa kulungan," mariin niyang sagot sa'kin kaya nawalan na ako ng pag-asang mangatwiran pa.

Bago pa man siya tumayo upang daluhan si Alexander dahil patapos na nitong kausapin ang mom and dad niya, hinawakan ko agad siya sa laylayan ng shirt niya dahilan para mapatingin siya sa'kin.

"What?" masungit nitong tanong sa'kin.

"Anong ginawa sa'yo ni Noah? Bakit sinabi mong ginawa na niya 'to dati pero natakasan lang niya?"

Ilang minuto pa ako nitong tinitigan bago marahas na bumuntong-hininga. Pinakatitigan ako nito at marahang hinalikan sa ulo pagkatapos ay niyakap.

"Muntik na niya akong patayin..." he uttered which made my heart beat faster.

What the hell?


Continue Reading

You'll Also Like

45K 1.4K 25
"Ako ang lumaban, pero bakit ikaw ang napagod?" Si Ethan Tiu ang lalaking minsan nang tinanggihan ni Lian Martinez nang alukin siya nito ng kasal se...
421K 6.1K 24
Dice and Madisson
235K 7.2K 27
LEVI STANFORD (FIERY HEARTS SERIES BOOK 1) SPG/R-18
138K 4.7K 21
Hacienda Alegre Series 1 "Your touch healed by broken heart..." __ Malvine was an ex-OFW who came back to the Philippines to reach her dream of becom...