The Night in Tierra Fima | CO...

By ferocearcadia

44.7K 865 14

[Warning: R18+] What will happen when a complete stranger got all of your firsts? First touch, first kiss, fi... More

The Night in Tierra Fima
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Wakas

Kabanata 57

361 11 0
By ferocearcadia

Kabanata 57

Direction

My heart raised when I felt Noah's grip tightened while I was looking at Levi and Anne. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang pasimple kong binawi ang kamay ko sa kaniya mula sa ilalim ng tubig. Nang tuluyan ko nang mabawi iyon ay naghanda na ako upang umahon.

Nang sandaling makalapit ako kay Levi ay nagmadali itong hubarin ang coat niya at iniyakap kaagad sa'kin. Nakita ko ang pagsunod ng tingin doon ni Anne kaya tinitigan ko siya.

"Bakit ganyan lang ang suot mo?" tanong niya sa'kin kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

My forehead furrowed.

"Huh?"

"Your bra is showing just so you know," pairap nitong sinabi sa'kin kaya agad kong tiningnan ang sarili ko.

Napamura ako sa isip ko nang maalala kong naka-see-through dress nga pala ako at sa sandaling mabasa iyon ay kitang-kita na ang suot ko sa loob. Isinuot ko agad ang coat ni Levi sa akin at nilagpasan na siya roon. Agad niya akong sinundan kasama ang Anne na ito. Si Noah ay sumunod na rin kaya nanahimik na lamang ako habang naglalakad.

"Where's Asteria?" I heard Levi asked me.

Hindi ko ito nilingon. Sa halip ay dire-diretso ang lakad ko palayo sa lugar na iyon.

"She's with Avery. Dinala niya sa bahay nila," tamad na sagot ko sa kaniya.

Pagkatapos ay wala na akong ibang narinig kung hindi ang mga yabag lang ng bawat isa sa'min sa nga tuyong dahon sa daanan. Marahas akong bumuntong-hininga nang marinig ko ang boses ni Anne na may tinanong kay Levi. Nauuna ako sa kanilang tatlo. Panaka-nakang hinuhuli ni Levi ang kamay ko ngunit agad din akong bumibitaw sa kaniya sa tuwing mag-uusap sila ng babaeng ito.

"How's the water? Masarap 'di ba?" biglaang tanong sa'kin ni Noah nang sumulpot siya sa gilid ko.

Saglit ko lang siyang tiningnan at tinanguan. Totoo namang masarap ang tubig. Malinaw at medyo mainit. Kahit lilim ang bahaging iyon ng sapa ay hindi ko alam kung bakit medyo mainit ang tubig roon. Siguro ay gano'n lang talaga ito.

"Ah—oo, masarap naman," nag-aalangan kong sagot sa kaniya.

Narinig ko itong humalakhak kaya tiningala ko siya. Natatamaan na ng init ang makinis nitong balat kaya napangiwi ako dahil ako ang nasasakatan para sa balat niya.

"If you have a free time, gusto mong bumalik roon? Isama mo na rin ang anak mo—"

"She's not available anytime. Back off," putol ni Levi sa sasabihin niya na bigla na lamang tinulak si Noah palayo sa'kin.

Natigil ako sa paglalakad dahil sa ginawa niya. Halos matumba kasi ito dahil sa pagkakatulak niya. Nang tingnan ko si Levi ay nangunot ang noo ko nang makita ko ang matinding galit sa kaniya.

"Ano bang problema mo?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya nang bumaling siya sa'kin ng tingin.

Lalong nangunot ang noo nito.

"What?" naiirita niyang baling sa akin kaya mas lalo akong nagulat sa inaakto niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo? You just pushed Noah—"

"I told him to back off pero hindi niya ginawa, and I also told you to not listen to him pero hindi mo rin ginawa," mariin niyang sinabi sa'kin at bigla na lang akong hinawakan sa kamay ko nang mahigpit.

"Let's go," dagdag pa nito at hinila na ako palayo sa kanila kaya hindi na ako nakapagsalita.

Nang makarating kami sa town house ay saka lamang niya ako binitiwan. Naramdaman kong hindi niya ako kakausapin kaya diretso akong umakyat patungo sa kwarto namin at nagsimulang ayusin ang aking sarili.

Gusto kong isipin ang kung anong nangyayari sa pagitan nila ni Anne ngunit masyadong kinukuha ng sinabi ni Noah ang atensyon ko— that Levi impregnated his ex-girlfriend before. Kung totoo man iyon, nasaan na ang anak niya sa babaeng tinutukoy nito? Bakit hindi niya sinabi sa'kin ang tungkol roon? Why hiding a secret like this? Hindi ito tipikal na sikreto lamang. This is somewhat horrifying. I fucking admit it.

Tamad akong tumungo sa banyo at tiningnan ang sarili ko roon. I look wasted. Gulo-gulo ang basa kong buhok. Bakat na bakat ang bralette na suot ko at ang short kong maikli. Namumula rin ang mukha ko dahil siguro sa init.

Saglit ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin. Wala pa rin akong maintindihan sa nangyayari.

Hinubad ko na ang see-through dress ko at binuksan ang tubig sa bath tub upang mapuno na iyon. I was about to take off my short and bralette when the door suddenly opened kaya mabilis kong nilingon ang salarin.

Sumalubong sa'kin ang galit na ekspresyon ni Levi kaya iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kaniya. Sa halip na maghubad ay hinayaan ko ang sarili kong lumubog sa tub nang may suot.

"Anong sinabi sa'yo ni Noah?" tanong niya kaagad sa'kin nang may halong pagbabanta.

"Anong ginawa ninyo ni Anne? Saan kayo nagpunta? Bakit lagi kayong magkasama?" balik na tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko na siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pagtataka. Saan nanggagaling iyon?

"What?" He uttered.

"I was looking for you. Pupuntahan ka sana namin ni Ria hanggang sa kunin siya kanina ni Avery kaya ako na lang ang naghanap sa'yo. Bakit ba lagi kayong magkasama ng babaeng 'yon? Akala ko ba ay bakasyon natin ito?" dire-diretso kong sabi sa kaniya.

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin siya sumagot kaya natawa ako.

"I didn't know you had a lot of woman here. Ex mo rin ba ang babaeng 'yon?"

"She's not. What are you talking about? Ano bang sinabi ng Noah na 'yon sa'yo at nagkakaganiyan ka?" puno na ng iritasyon na sinabi niya sa'kin kaya nakaramdam na rin ako ng iritasyon sa kaniya.

Halos dumugo na ang ibabang labi ko sa kakakagat ko roon dahil sa panggigigil. Hindi ko malaman kung bakit hindi niya ako nage-gets. Madali lang naman malaman kung bakit ganito ako. Bakit pilit niyang isinasali sa usapan si Noah?

"Hindi siya kasali rito kaya huwag mong idamay 'yong tao. I'm talking about Anne, what's your real score with her? Bakit lagi kayong magkasama imbes na kami ang asikasuhin mo rito?" Halos hiyaw ko na sa kaniya.

Nakita ko ang sakit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. He was about to take a step towards me kaya itinaas ko agad ang kamay ko.

"Don't you dare," mariin kong sambit sa kaniya.

"She's just a friend, Rae, my god! Trabaho lang ang inaasikaso namin kaya lagi kaming magkasama. I thought you're okay with her?" puno ng pagsusumamong tanong niya sa'kin.

Napayuko ako at lalong inilubog ang sarili sa tubig. Tanging ulo ko na lamang ang nakikita niya. Hindi na ako nagsalita. Pilit niya akong inaabot ngunit hindi ako pumayag.

"Let's just talk later. Lumabas ka na," pinal kong sinabi sa kaniya at hindi na siya kinibo pa.

Nang maramdaman niya sigurong hindi ko na siya kinakausap ay tuluyan na itong lumabas. Marahas akong napabuntong-hininga at inilubog na pati ang ulo ko sa ilalim ng tubig.

I don't know what's happening anymore.

Nang matapos akong maligo ay lumabas na kaagad ako. Ramdam kong kalmado na ang utak at puso ko at handa nang makipag-usap kaya naglakad na ako para hanapin si Levi. Hindi naman iyon kaagad nagtagal nang makita ko siyang nakatayo sa gilid ng palm tree roon kaya napangiti na ako. Lakad-takbo na ang ginawa ko para lang makalapit kaagad sa kaniya but my smile suddenly fades away when I saw him talking to Anne again—bahagya pang nakangiti ang demonyita habang may kung anong sinasabi.

I tried to calm myself while slowly walking towards them. Hindi ko makita kung nakangiti rin ba si Levi habang kausap si Anne dahil nakatalikod siya sa direksyon ko. Maya-maya pa, bago pa ako makalapit sa kanila ay bumaling na ang tingin sa akin ni Anne at mabilis na nawala ang ngiting iyon sa labi niya kasabay ng mabilis niyang pagtalikod kay Levi at paglakad palayo.

"Ano 'yon?" tanong ko agad sa kaniy nang makalapit ako sa kaniya.

I didn't bother to look at him at nanatili lang akong nakatingin sa palayong si Anne.

"She was just asking some directions," I heard he said kaya mapakla akong ngumiti.

"Really?" I sarcastically said to him at paulit-ulit siyang tinanguan.

"Wala iyon. Maayos ka na ba? Can we talk?" pag-iiba niya ng tonong tanong sa akin, he even hold my arm na pasimple ko ring inalis.

"Ayos na ako. Let's go," malamig na sinabi ko sa kaniya at inunahan na siyang maglakad habang panay ang irap ko sa kawalan.

Just asking some directions, huh. E, bakit pareho yata silang nakangiti? Kailangan bang ngumiti habang may itinatanong? Isa pa, bakit pa siya magtatanong ng daan, e madalas siya rito. Iyon ang sinabi niya sa'kin nang mag-usap kami.

Hanggang sa makarating kami sa restaurant ay wala akong kibo. Dire-diretso lang akong tumungo sa buffet table at kinuha ang pagkaing gusto kong kainin bago tumungo na sa table kung nasaan sila Maxim at Celine. Kasama nito ang mga kasintahan nila.

Padarag akong umupo sa tabi ni Maxim at tahimik na kumain habang naririnig ko ang pagbubulungan nilang lahat maliban sa'kin at kay Levi.

"Hey, you can sit here. That's Benj's place," marahan niyang sinabi sa 'kin kaya napairap na naman ako.

"Marami pang upuan, Levi. Puwede siyang umupo kahit saan. Hindi ko aagawin sa kaniya ang pinsan mo," blangko ang ekspresyon kong sinabi sa kaniya saka umirap muli.

Naramdaman ko pa ang pagsiko sa akin ni Maxim na katabi ko ngunit hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lamang ulit sa pagkain habang nagsisitunugan nang malakas ang spoon and fork ko sa plato ko.

"C'mon, stop that," he said to me again kaya iniangat ko ang tingin ko sa kaniya.

"What? I'm fucking eating. Huwag mo 'kong pakialaman," wala sa sarili kong sinabi sa kaniya at inirapan siyang muli.

Bago pa ako bumaling ulit sa pagkain ko ay narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Celine at ng kasintahan nito kaya tiningnan ko sila that made them stop. Naiinis na bumaling ako sa pagkain ko at padarag na kumain muli.

"Rae, you are making loud noises because of your spoon and fork. What is wrong with you?" histeryang saway sa akin ni Maxim kaya tiningnan ko siya nang masama.

"Itatarak ko sa 'yo 'to parehas kapag pinakialaman mo pa ako, Max," mariin kong sinabi sa kaniya at inirapan siya nang wala sa sarili.

Sa sobrang inis ay padarag na akong tumayo at iniwanan na sila roon.

Halos sumabog ang ulo ko sa sobrang inis habang naglalakad ako palabas ng restaurant. Levi lied to me. I just can't take it. My mind couldn't take it. Pakiramdam ko ay kaya kong pumatay na lamang bigla ng kung sino man ang dadagdag sa inis ko dahil sa sobrang iritasyon. Sana ay sumalubong sa akin ang Anne na iyon nang matapos ko na ang buhay niya.

Wala sa sarili akong naglakad habang nakatingin lang sa mga paa kong lumulubog sa buhangin bawat hakbang na ginagawa ko. I wouldn't mind if Levi won't follow me here and tell me the fucking truth. Wala naman iyon sa akin. I just need to clean my mind. I need to clean my head bago ko pa madamay ang mga taong nasa paligid ko lalo na ang anak ko dahil sa init ng ulo ko.

It was already a long walk when I suddenly bumped into someone's chest. Nang tingalain ko ang taong iyon ay automatic na lumawak ang ngiti ko when I saw Noah. Parang alam niya rin na ako ang nakabangga niya dahil naroon na ang nakakalokong ngiti niyang 'yon.

"Madilim na para maglakad ka pa nang mag-isa rito. Where are you going?" nanunuya niyang tanong sa akin bago ako sinabayan sa paglalakad sa kung saan. We just stopped beside the palm tree na pinagigitnaan ang isang duyan kaya naupo ako roon.

"Ikaw ang dapat tanungin ko niyan. Anong ginagawa mo rito? Baka makita ka na naman ni Levi," natatawa kong sinabi sa kaniya.

Umiling lamang siya at sumandal sa palm tree na nasa kaliwa ko saka mataman akong tiningnan.

"Let him be. Wala naman akong ginagawang masama, di ba?" tanong niya sa akin.

"Oo naman. Pasensya ka na nga pala sa nangyari kanina," I replied to him.

Somehow, I suddenly forgot about what happened earlier. Ramdam ko rin ang unti-unting pagkalma ng kalooban ko not until Levi suddenly approached us kaya napatayo na kaagad ako sa duyan kung saan ako nakaupo. I suddenly feel guilty when I saw his eyes looking at me intently at parang pakiramdam ko ay nahuli akong nagtataksil. What the fuck?

Bago pa ako makapagsalita ay naging blangko na ang ekspresyon niya saka bumaling kay Noah. Peke siyang ngumiti rito, "Nandito ka na naman."

"Relax, Lev. Hindi si Astraea ang sadya ko rito Noah said to him at nakipag-fistbomb pa.

"Siguraduhin mo lang. I know you," Levi coldly said to him.

Hindi ko alam kung pareho silang nagpaplastikan lang habang nag-uusap dahil kitang-kita ko ang tensyong namumuo sa pagitan nila lalo na kay Levi. Nagsisimula na akong kabahan dahil bala bigla na lang mapuno si Levi at magkagulo pa.

Pasimple na akong lumapit sa gilid ni Levi while trying to reach his hand pero inilalayo niya iyon. Umiinit na ang buong mukha ko dahil pakiramdam ko'y napapahiya ako sa sarili ko at dahil na rin sa iritasyong namumuo na naman sa kalooban ko.

"I'll take her inside. Stop talking to her, Noah. Hindi siya tulad ng mga babaeng nasa isip mo," dinig ko nang sinabi ni Levi kay Noah kaya tiningnan ko na silang dalawa.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Noah habang nakatingin sa akin. Hindi rin nagtagal iyon bago ngumiti't tumango.

"She's really not, obviously," Noah uttered and the next thing I knew, hila na ako ni Levi patungo sa town house.

"Ano bang pinag-uusapan ninyo? Bakit sa tuwing nakikita ko kayo ay nangngingitian kayong dalawa?" panimula niyang tanong sa akin habang ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

He's mad.

"Wala. Nagkabunggo lang kami kani—"

"You suddenly left me there just to have some chitchats with that fucktard?" galit na buga niya sa 'kin kaya natigilan ako dahil sa gulat.

Hanggang sa makarating kami sa kuwarto ay panay pa rin ang pagmumura niya ng malulutong. Ni hindi ko magawang sumabat sa mga sinasabi niya dahil baka pareho kaming sumabog sa sobrang iritasyon.

Tamad na umupo ako sa kama at tiningala siya. "We just bumped into each other, Levi. Anong ikinagagalit mo riyan? Kaibigan mo siya, 'di ba?" kalmado kong sinabi sa kaniya kahit gustong-gusto ko nang sumigaw.

Mabilis ang naging lingon niya sa 'kin. Nag-iigting ang panga niyang iyon habang nagpupuyos ang mga kamay niya sa galit. He can beat someone's ass if they try to piss him more, I'm telling you!

"You can just turn your back on him at balikan ako roon instead of staying with him on that fucking palm tree! I bet, you also like to talk to him! Kitang-kita ko iyon!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Tumataas na ang boses niya at kung hindi lang soundproof ang kuwarto naming ito ay maririnig na sa labas ang sigaw niya.

"He's just being friendly to me. Bakit parang takot na takot ka?"

"That was nothing to do with you, anymore! Hindi mo na iyon kailangang pakinggan pa! You know how I hate you seeing with another guy pero ginagawa mo pa rin! I can't believe you!"

That's it. He just shouted at halos ikabingi ko iyon. Bigla kong naalala ang pinag-usapan nila ni Anne kanina lamang kaya sarkastiko akong tumawa. Padarag akong tumayo at itinulak siya dahil humaharang siya sa daraanan ko. Mabibigat ang yabag ko patungo sa pinto maging ang paghinga ko. Bago pa ako makalabas ay umalingawngaw na naman ang sigaw niyang iyon.

"Where are you going? Sa Noah na naman na iyon?"

I finally looked at him. Halos maramdaman ko na ang sobrang init ng sulok ng mga mata ko dahil sa iritasyon sa kaniya. Putanginang 'to!

"I need to go outside dahil baka mabingi na ako sa kasisigaw mo rito. You are crazy, Levi. Gumanyan ba ako nang makita ko kayong nag-uusap ni Anne kanina? You told me that she was just asking some directions, right? How come? E, sinabi niya sa'kin na madalas na siya rito dahil siya ang engineer ng pamilya ninyo rito. Hindi ka ba na-inform?!" I burst out to him that made him look at the other direction.

"Tangina, magsama kayo, okay? I trust you, yes but you should not lie to me, Acuzar. Matagal mo na akong kilala at alam kong alam mo pa rin na ayoko sa mga sinungaling," pinal kong sinabi sa kaniya at kinalabog na ang pintuan pagkalabas ko.

This feelings makes me fucking sick!


Continue Reading

You'll Also Like

79.3K 2.2K 43
When Madeleine Middleton left Caligtan, Jack Stallix was devastated and furious. He can't believe that his bestfriend leave him without saying anythi...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
222K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
38.9K 861 45
Zero series#1 Silas Hartford loves his career, he wanted his career to be perfect. No scandal, no issue and no bruise in his career but his per...