Kabanata 54
Friend
When we arrived at Tierra Fima, dumiretso kami sa town house ni Levi kung saan una niya akong dinala noon. Malayo ito sa farm nila. Palagay ko nga'y nasa kabilang baryo na ito at ito lang ang natatanging malaking bahay sa parteng iyon ng isla.
It is a pure-white house na may dalawang palapag. Lahat ng kulay sa labas nito ay puti, may maliit na bakod at sa gilid ng bahay ay may nakakabit na make-shift hammock. Maliliit na bato ang nakalatag sa lupa ng hardin ng bahay.
"Mommy, when will I be able to see Uncle Jaxon?"
Nawala ang atensyon ko sa paglilibot ng tingin sa buong bahay nang dahil sa tanong na iyon ng anak ko. Tiningnan ko ito na ngayo'y nakaupo na sa duyan na nakita ko kanina lamang.
"Ha?"
"I miss Uncle Jaxon a lot. Sana makita ko na ulit siya," matamlay niyang sambit kaya napatitig lang ako sa kaniya.
Matagal na mula nang huli kaming magkita ni Jaxon. Ni hindi na kami nakapag-usap nang maayos dahil sa mga nangyari. Hindi ko na rin maalala kung kailan sila huling nagkita ni Ria. Ang alam ko lang ay hindi iyon maganda.
Bakit naman bigla niyang nabanggit ito?
"You will see him soon, anak," sabi ko na lamang at iginiya na siya papasok sa loob ng bahay.
Hinanap ng mga mata ko si Levi at nadatnan namin siya loob na may kausap sa telepono. Tahimik na pinaupo ko si Ria sa sala habang pasimpleng nakikinig sa pinag-uusapan nila, kung sino man iyong kausap niya.
"Really? Kararating lang namin dito sa town house. Nasaan ka ba?" Levi asked.
Nangunot ang noo ko nang makita ko ang malawak nitong ngiti. Who is he talking to? Bakit gano'n siya ngumiti?
"Alright, let's just meet later. I'm with my wife and my daughter," sabi pa niya.
Agad na nabawi no'n ang inis na nararamdaman ko. Napangiti ako at pinakatitigan pa siya. Maya-maya pa, natapos na ang tawag na iyon saka siya bumaling sa'kin.
Tinutukan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa'min ng anak ko.
"Okay na kayo? Let's have breakfast at the restaurant here," kaswal na sinabi niya sa'kin.
Tinanguan ko lamang iyon at tumayo na. Inalalayan ko ang anak ko at nilagpasan namin siya roon. Narinig ko ang pagtikhim niya.
"Hey," he called.
Hindi ako huminto. Sa halip ay naramdaman ko na lamang ang paghila niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Si Ria ay tuloy-tuloy na lumabas.
"Ano?" I asked him, pinanatili ko ang kalmado akong boses.
"It's Anne. Sinabihan lang niya ako na itutuloy na ang sa bahay pagkauwi natin ng Manila," paliwanag niya kahit wala naman akong sinabing magpaliwanag siya.
Natawa ako.
"Hindi ko naman tinatanong," natatawa kong sagot sa kaniya.
Kahit na ang nasa isip ko ay kung bakit gano'n siya makangiti habang kausap ito? At narito siya? Bakit? Sinusundan niya ba kami?
Levi crouched to kiss my lips. Mabilis lamang iyon kaya halos habulin ko na naman ang labi niya. Laging gano'n.
"Alam ko ang nasa isip ko. Sinabi rin niya na narito siya dahil renovation ng kabilang resort, iyong kina Hoseah," pagpapatuloy niya.
Hindi ko na napigilang mapaismid sa sinabi niya nang marinig ko iyon at ang isa pang babae niya. Kahit na maayos na ang sa amin ni Hoseah ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang mga nangyari noon. Bagay na hindi na kasalanan ni Levi because he always make sure that I am safe with him and nothing to worry about anymore.
Hindi lang ako sigurado sa Anne na ito.
"Okay sige. Tara, kain na tayo," yaya ko sa kaniya at binalewala na lang ang nasa isip ko.
Tatalikuran ko na sana siya ngunit nanatiling hawak niya ang kamay ko kaya hindi ako makausad. Takang tiningnan ko ito.
"Let's go, Levi," I told him as I was trying to get my hand.
"Don't be mad, please. Let's enjoy this vacation. Stop overthinking things," marahan niyang sinabi sa'kin at kinuhang muli ang kamay ko.
Humigpit ang hawak niya roon habang naghihintay ng sagot ko. Marahas akong bumuntong-hininga at napatango na lamang.
"I'm sorry. Let's go?" kalmado ko nang sambit sa kaniya at niyakap na ang braso niya. "Hindi lang talaga ako komportable ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Gutom lang siguro ito," dagdag ko pa.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko saka tuluyan na kaming lumabas.
"Kaya nga kakain na tayo nang hindi ka na nagiging masungit diyan," pang-aasar pa nito sa'kin kaya kinurot ko na siya sa braso.
Nadatnan namin si Ria sa labas na nakaupo na naman sa duyan. Nang makita niya kami ay agad itong nagpabuhat sa daddy niya kaya napangiti na lamang ako.
Nang makarating kami sa restaurant ay halos wala pang tao dahil sobrang aga pa. Pero dahil private resort and island ang lugar na ito ay kahit na maaga pa, marami nang pagkain ang nakahain.
"What do you want to eat?" Levi asked me while looking at the menu.
Sinabi ko lang ang gusto kong kainin bago nagpaalam sa kaniya na pupunta lang ako sa banyo. Nang matapos akong magbanyo ay pabalik na sana ako sa table namin nang biglang may nakabunggo akong lalaki.
Nang tingnan ko ito ay tila pamilyar ang mukha nito sa'kin kaya saglit na tinitigan ko pa siya ngunit hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita.
"I'm sorry, miss. Ayos ka lang?" tanong niya sa'kin.
Tipid na tumango lamang ako at nagkibit-balikat. I was about to walk away from him when he suddenly grabbed me by my wrist kaya mabilis ang naging lingon ko sa kaniya.
"What?" I asked him at mabilis na binawi ang kamay ko sa kaniya.
Bigla itong ngumiti nang malawak. Napahawak pa ito sa labi niya.
"That's why you're so familiar to me. Ikaw 'yong fiancee ni Levi!" bulalas nito sa'kin.
Lalong nangunot ang noo ko. Sino ba ito? Wala naman akong naaalala na may ipinakilala sa'kin si Levi na ganito kagwapong nilalang. Bukod sa kaniya ay may gwapo pa siyang kakilala?
"Uhm, do I know you? Paano mo nalaman 'yan?" tanong ko sa kaniya na ang tinutukoy ay ang sinabi niya na kung ano ako ni Levi.
Pumalatak ito. Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napataas ang kilay ko.
"We met at your engagement party, of couse. I'm Levi's friend by the way. I'm Noah," pagpapakilala nito at nilahad pa ang kamay niya sa harapan ko.
Nakasunod lang ako ng tingin sa kamay niyang iyon. Hindi alam kung tatanggapin ko ba iyon o aalisan na lamang siya roon.
Ngunit sa huli ay tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay dahil hindi naman ako bastos na tao.
"I'm Astraea. I'm sorry, hindi kita masyadong kilala talaga. Kasama ko si Levi—"
"Lumiere?" I heard Levi called bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko.
Sabay kaming napalingon sa kaniya. Nagulat pa ako nang makita ko ang kakaibang galit sa mga mata niya bago bumaling sa lalaking kaharap ko.
"We meet again, asshole," Noah uttered and smirked on him.
Okay? What's going on?