The Night in Tierra Fima | CO...

By ferocearcadia

44.3K 864 14

[Warning: R18+] What will happen when a complete stranger got all of your firsts? First touch, first kiss, fi... More

The Night in Tierra Fima
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Wakas

Kabanata 41

384 13 0
By ferocearcadia

Kabanata 41

Awake

"The operation was successful. Natanggal na namin ang balang nakabaon sa ulo niya. For now, he needs to rest and expect him to wake up after 24 hours," we heard the doctor said.

Nakahinga ako nang maluwag. Bakas sa mga mata ng lahat kung gaano sila natutuwa dahil sa resulta ng operasyon ni Tito Saldy. Pinanonood ko lamang sila habang nag-iiyakan habang iniisip pa rin kung ano ang nangyari at biglang pumayag ang huli na magpa-opera na.

Maya-maya pa, inilipat na si Tito Saldy sa bago nitong kuwarto. Wala akong ibang marinig mula sa kanila kundi ang iyak at pagpapasalamat. Kahit si Levi ay tila hindi ako nakikita. Nakasunod lang ito sa mom niya habang panay rin ang sunod sa kaniya ni Mari.

Nang umalis sila kahapon ay matagal bago siya nakabalik. Ni hindi siya tumawag o nag text man lang at pagkarating niya ay hindi niya ako kinikibo na hanggang ngayon ay ipinagtataka ko. Naiinis man ngunit hindi ko na iyon masyadong pinahalata dahil ayokong sumabay sa kasalukuyang sitwasyon.

Nang makapasok ang lahat sa kwarto ay nagpaiwan na ako sa labas. I went to the waiting area of the ospital and dialed Celine's number to check on Asteria. Nang sagutin nito ang face time ay bumungad kaagad ang mukha nito sa'kin.

"Rae! Natutulog na si Ria, e. Katutulog lang," sh greeted me. "How was Uncle Saldy's operation?" She also added.

I just simply nodded at her.

"Successful ang operation. I'm glad," I replied to her.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Gumalaw ito at tila lumipat sa kung saan dahil nagbago ang background niya.

"You sounded upset. Why is that? Is there anything wrong?" She asked.

Tamad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at inaalala ang mga kilos ni Levi sa akin. As if he was ignoring me since he want back to the hospital with Mari. Ni hindi niya ako hinawakan o tiningnan hanggang ngayon. I don't want to assume or conclude things but I can't help it. Hindi ako sanay na gano'n siya dahil kapag may problema kami, agad naman siyang nagsasabi sa'kin.

Napabuntong-hininga ako at hinayaang makapagpahinga ang katawan ko sa upuan na iyon. Naghihintay pa rin si Celine ng sagot ko kaya umiling na lamang ako.

"Levi's ignoring me since yesterday. I don't know why," I told her while sounding like an idiot.

"Really? Why? May pinag-awayan ba kayo?" Sunod-sunod na tanong niya.

Saglit akong nag-isip kung may pinag-awayan ba kami o wala pero hindi ko maisip kung ano 'yon. Maayos kami bago siya umalis patungo sa opisina niya. Sinabi pa niyang hintayin ko siya na ginawa ko naman pero lumipas ang buong magdamag, hindi siya dumating. Kinaumagahan na siya dumating kasama ang Mari na iyon. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip ng kung ano.

"As far as I know, wala naman. Hindi ko alam, Celine. Baka ako lang ang nakakaramdam nito. Don't get me wrong, I understand what he's going through now," I explained to her.

Saglit pa kaming nag-usap ni Celine tungkol sa bagay na 'yon hanggang sa bigla na lamang dumating si Levi at kasama na naman si Mari. Hinintay ko siyang tingnan ako ngunit hindi niya ginawa kaya nabuhay na naman ang iritasyong nararamdaman ko.

"Are you hungry? We'll be eating outside, you can come with us if you want," he coldly said to me at umiwas na naman ng tingin sa'kin.

I saw how he clenches his jaw. Lalo akong nagtaka nang sabihin niya iyon. Bakit sila ang kakain sa labas at tila ako ang singit? Anong mayroon?

"Sumunod ka na lang, Rae. Let's go, Levi," Marichu added. Nakita ko ang paghawak niya sa braso ni Levi at tila niyayaya na niya ito.

Saglit pa akong nagulat sa mga nakikita ko bago ako tumayo. Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa at napataas ang kilay ko.

"Paano kung ayokong sumama sa inyo? Hindi mo ba ako pipilitin?" I asked Levi. Tinutok ko ang mga mata ko sa kaniya.

Hindi man lang ako tinapunan ng tingin nito. Sa halip ay tinalikuran pa ako.

"It's all up to you, Rae," he said in his cold baritone voice. Ramdam ko na ang tuluyang pagputol ng pisi ng pasensya ko.

I sarcastically laughed at them. Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko habang nakatitig sa kanilang dalawa. Marichu is smirking.

"Okay, I get it. You can go eat together wherever you want to, I don't fucking care. You don't want to tell me the problem? Fine. Suit yourself, Levi. I don't like chasing," mariin na sinabi ko sa kaniya at mabilis na inalisan na sila roon.

Tuloy-tuloy ang lakad ko patungo sa parking lot. Nang makarating ako roon ay hinanap ko agad ang kotse ko saka padarag na pumasok doon. Halos paliparin ko iyon hanggang sa makarating ako sa condo. Ramdam na ramdam ko ang iritasyon at pagod na nanunuot sa buong pagkatao ko dahil sa inakto niya.

I took a quick shower and wear my red bodycon dress. Nag-ayos ako ng sarili at saglit na nagpahinga bago muling umalis upang bumalik sa ospital para kausapin si Tita Criselda. Nang makarating ako ay saktong nahagip ng mga mata ko ang dalawa sa pantry. Tila may pinag-uusapang maganda dahil malawak ang ngiti ni Levi habang nakatingin siya kay Mari.

My heart sank while I was trying to walk towards them. Hindi ako nagsalita nang matapat ako sa kanilang dalawa. Levi suddenly looked up to me with confusion. Bakas din ang gulat sa mga mata niya.

Bago pa siya makapagsalita ay inilingan ko na lamang siya at tinalikuran na siya. Mabilis akong naglakad palayo hanggang sa may bigla na lang humila sa kamay ko. Nang makita ko kung sino iyon ay lalo akong nainis.

"Don't fucking touch me," I firmly said to him as I was trying to take his hands off me but he is persistent.

"What are you doing?" He asked which made me even more confused.

Marahas akong bumaling sa kaniya at pinalis ang kamay niyang nakahawak sa'kin.

"You... what the fuck are you doing?" Mariin kong sambit sa kaniya.

His expression remains blank. Hindi ko mabasa ang nararamdaman niya na dati naman ay madali kong nagagawa.

He look away from me kaya lalo akong nainis. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang kalooban ko dahil sa sobrang iritasyon sa 'di malamang dahilan.

"What the fuck is your problem? Kung may problema ka ay sabihin mo sa'kin! Why were you ignoring me? Bakit? Bigla mo bang na-realize na mahal po pala si Mari kaya nagkabalikan na kayo?" Hindi ko na napigilang isigaw sa kaniya iyon.

Ramdam ko ang paghahabol ko ng hininga habang nakatingin sa kaniya. Hinihintay ang sagot niya o ang sasabihin niya. Hinihintay na pakalmahin niya ako dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako ngunit hindi niya ginawa. Hindi man lang niya binalik ang tingin niya sa'kin kaya tuluyan na akong naiyak.

"I-I'm trying to understand your situation! I'm trying to be neutral here, Levi. Why are you doing this to me suddenly? H-hindi kita maintindihan! Kung may problema ka ay sabihin mo sa'kin, hindi 'yong pupunta ka sa ibang babae," I blurted.

Nanghihina akong umupo at sinakop ang mukha ko. Tanginang hagulhol ko lang ang maririnig sa hallway ng ospital. Walang ibang tao roon kaya naman hindi ko na inisip kung may makakakita ba sa amin. Wala na akong pakialam.

Maya-maya pa, ramdam ko ang pagtabi sa'kin ni Levi kaya lalo akong napahagulhol. Nalalasahan ko na ang dugo sa ibabang labi ko dahil sa kakakagat ko roon.

"I talked to mom. She told me everything about dad's past with your mom and dad," I heard he said.

Kusa akong natigilan nang marinig ko iyon. Kusa ring umurong ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko habang hinihintay pa ang susunod na sasabihin niya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"She told me how she was hurt and still suffering up to now because of your mom Amalia. Noong una ay ayokong maniwala ngunit nang maalala ko ang sinabi ni dad... that he wants to die just to be with Amalia, I can now understand everything," he continued. Ramdam ko ang sakit sa boses niya.

Hindi pa man niya sinasabi, wala pa man siyang sinasabi ay pakiramdam ko, hindi ko kakayanin ang naging reaksyon niya dahil sa nalaman niya. Nararamdaman kong hindi maganda 'yon at hindi ko kayang tanggapin. Sa ginawa pa lang niyang hindi pagpansin sa'kin ay alam ko nang hindi maganda 'yon. Pero huwag naman sana.

"Hanggang ngayon nagtataka pa rin kami kung bakit bigla siyang pumayag na ituloy ang operasyon. Did you do something about it?" Levi directly asked to me. Ramdam ko pa rin ang panlalamig sa boses niyang 'yon.

I bit my lower lip. Saglit na sinulyapan ko siya at nakita kong nakayuko ito habang nakatingin sa mga kamay niyang nakapatong sa lap niya. Gusto ko siyang hawakan ngunit hindi ko magawa. Natatakot ako na baka hindi niya bigyan ng tugon iyon. Natatakot ako na baka hindi na naman niya ako pansinin. Masyado nang masakit para sa'kin iyon, hindi ko na kayang balewalain.

"I... convinced him," I told him, my voice broke.

Nakita ko ang mabilis na pagtagilid niya ng ulo upang tingnan ako kaya umiwas agad ako ng tingin sa kaniya.

"I talked to him yesterday. Napagkamalan niyang ako si mama so... I convinced him to do the surgery," diretso kong sinabi sa kaniya. Bakas ang gulat sa mga mata niya.

Flashback

Ramdam ko ang pagpupuyos ng damdamin ko dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil pakiramdam ko kapag nagtagal pa na ganito ang sitwasyon niya ay baka kung anong mangyari sa kaniya.

His grip tightened on my hand as he was still crying silently. Hearing those words from him is unbelievable. Nakilala ko itong matigas na tao at matapang kaya naman hindi maproseso sa utak ko kung gaano siya nanghihina ngayon. That he even begged to my mom just to choose him this time. Na kaya niyang kalimutan ang lahat para lang makasama si mama. Kahinaan nito si mama ngunit simula nang nawala siya rito ay unti-unting naging bato ang puso nito.

"A-Amalia, please... I need you. Kailangan kita araw-araw. Hindi ko na kayang pakawalan ka pa at paulit-ulit na magparaya para lang sa ikasasaya nilang lahat. Ikaw lang ang kailangan ko..." patuloy nito.

Mabilis kong pinalis ang mga luha sa pisngi ko at nag-isip. Mabilis akong bumaling muli sa kaniya nang may maalala ako. Hindi man ako sigurado ngunit wala namang mawawala kung hindi ko susubukan.

"Tito Saldy..." I whispered. "... please let them operate you. Kung gusto niyo po talagang makasama si mama... hayaan niyo pong operahan kayo. By that time, I will assure to you, mom will be the happiest person in this world if you do that," I declared to him.

Natigilan ito at nangunot ang noo. Biglang lumuwag ang hawak niya sa mga kamay ko at maya-maya pa, tinanggal na niya iyon. He suddenly looks away from me and gently wipe his tears. Tila nahimasmasan na at nakilala na ako.

"Who are you to tell me that," he uttered in his cold baritone voice. "Hindi kita kailangan dito kaya makakaalis ka—"

"You said you wanted to be with my mom, right? E, bakit hahayaan niyong mamatay kayo? Hindi niyo ba naisip kung gaano siya masasaktan kapag nawala kayo sa mundong 'to?" Hindi ko na napigilang bulyaw sa kaniya.

I tried to met his gaze but he keeps on looking away from me. Bakit siya ganito?

"I... didn't say that," pagtanggi niya kaya halos mapamura ako.

Marahas na bumuntong-hininga ako at umirap sa kawalan. Ilang beses pa akong nag-isip kung sasabihin ko ba ang nasa isip ko ngunit sa huli ay ginawa ko na rin. Kung hindi lang para sa kaligtasan niya ito ay hinding-hindi ko ito gagawin.

"Mahal po kayo ni mama. Mahal na mahal po niya kayo kaya alam ko pong mas masasaktan siya kapag nawala po kayo kaysa sa sakit na naramdaman niya noong hindi ka niya pinili," pinal kong sinabi sa kaniya at umalis na roon.

End of Flashback


Kinabukasan nga noon ay sinabi niya kay Tita Criselda na pumapayag na itong maoperahan. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nang araw na rin na iyon ay tumulak ako patungo sa sementeryo upang bisitahin sina mama at papa.

Levi didn't want to believe what I did for his father. Ni hindi niya muli ako matingnan sa hindi malamang dahilan kaya napailing na lamang ako. Padarag akong tumayo mula sa inuupuan ko kanina at diretsong tumingin sa kaniya.

Ngunit bago pa ako makapagsalita ay bigla na lamang dumating si Uncle Raul. Balot na balot ng takot ang ekspresyon nito kaya lahat kami ay naalarma.

"What happened? Gising na ba si dad?" Levi asked to his uncle.

"H-he's awake but... he doesn't know us," Tito Raul uttered.

My heart stopped beating for a second then the next thing I knew, we were both running towards his dad's room. Anong nangyayari?

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 88 10
Isang lalaki ang bubuhay sa maalab na damdamin na matagal nang natutulog sa loob ni Daryll. Gamit ang masarap na halik at mainit na haplos ay gigisin...
80.7K 1.5K 23
Lorraine Keziah Elizalde always wanted a commitment, not just a short term kind of thing that only last for a day. She grew up being taught by her bi...
224K 3.5K 44
PLEASE PLEASE PLEASE. R-18 PO ITO, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Lahat ba ng saya may kapalit na lungkot? kung magmamahal ka ba may kabayarang pagm...
132K 4.7K 54
Ruthless Billionaire Series 3: "Are you bored? Do you want me to entertain you?" he whispered as he trailed his lips on her body. Living in the sha...