The Night in Tierra Fima | CO...

By ferocearcadia

44.3K 864 14

[Warning: R18+] What will happen when a complete stranger got all of your firsts? First touch, first kiss, fi... More

The Night in Tierra Fima
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Wakas

Kabanata 39

405 13 0
By ferocearcadia

Kabanata 39

History

One of my biggest insecurities after purpose in life is my importance. A lot made me feel worthless especially during my high school life. No one should follow.

And I am sure the word stupid would never describe me.

Earlier in five years...

Saktong 5 PM ay natapos ko na ang revision ng huling librong ipapasa ko sa Royale bago ako lumipat ng ibang department. It was a hard decision for me ngunit wala naman akong ibang choice dahil gusto ko rin ito. Isa pa, makakapagsulat pa rin naman ako kahit wala na ako sa editing department.

Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong ako ng seryoso ngunit malungkot na ekspresyon ni mama. Nagmano lang ako sa kaniya at nagbihis pagkatapos ay lumabas nang muli para maghanda ng pagkain.

"Anak, nakilala mo na ba ang mga magulang ni Levi?"

Natigilan ako sa ginagawa ko nang marinig ko iyon. Kusang tumutok ang tingin ko kay mama na tila tulala dahil nanatili ang tingin nito sa labas.

"Na-meet ko na po sila, ma. Bakit po?" Takang tanong ko sa kaniya.

Dinig ko ang marahan nitong buntong-hininga. Hindi pa rin ako binabalingan ng tingin.

"Anak ba siya nila Saldy at Criselda Acuzar?" Tanong muli nito na imbes sagutin ang tanong ko.

Lalong nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kilala niya ang mga ito? Paano? Wala pa naman akong binabanggit sa kaniya tungkol sa pamilya ni Levi. At paano niya nalaman ang mga pangalan nito?

"Opo..." ani ko at tuluyan nang umupo roon.

"Nagkatuluyan pa rin talaga sila. Masaya ako para sa kanila."

End

Iyon na ang huling narinig ko mula sa kaniya tungkol sa usapin sa pamilya ni Levi. Nang sinubukan kong itanong muli ang tungkol doon noong nabubuhay pa ito ay hindi na niya ako sinasagot. Madalas ay parang wala siyang naririnig.

"Totoo ba ito?" halos bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang pictures na naka-frame pa sa bakanteng kwarto sa loob ng Casa.

Levi and his whole family went to the hospital immediately after what Tita Criselda told us. Gusto ko sanang sumama ngunit hindi na ako pinayagan nito dahil delikado at walang maiiwan kay Asteria. Mabuti na lamang ay ang ibang mga bisita ay umuwi na at kami-kami na lang ang natira noong natanggap nila ang balita.

Nang makatulog si Ria ay nilagay ko na ito sa kwarto ng daddy niya at nagdesisyong maglibot sa loob ng Casa. Sina Yerim at Rafa maging ang iba pang mga kaibigang imbitado ay nasa baba.

Naglalakad ako sa 2nd floor ng mansyon nang makita ko ang bakanteng kwarto na ito na pakiramdam ko ay hinahatak akong pumasok. Nang hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko ay hinayaan ko na itong makapasok doon.

At ito ang bumungad sa'kin; pictures on the frame with different angles. Candid ang iba at ang iba naman ay sinadyang kuhanan sila ng litrato. They looked so happy together. I want to think that they are stranger to me but no. I know them. It was Levi's dad—Tito Saldy, my father, and my mom. Lahat ng kuha ay magkakasama silang tatlo at ang iba ay si mama at Tito Saldy lamang. I hate to think but... they looked like a couple here.

Nanginginig ang mga kamay ko nang kunin ang isa sa mga litrato ni mama at papa. Iyon lang ang nag-iisang picture na sila naman ang magkatabi.

Maya-maya pa, may narinig akong mga yabag patungo sa'kin kaya mabilis kong nilingon iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Maxim. Hindi ito nakatingin sa'kin ngunit sa litratong hawak ko.

"Parents mo?" She asked coldly. "Why are you here? No one's not allowed to enter here," dagdag pa nito.

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"I was just..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil wala na akong mahanap na tamang salita para sa kaniya. Hindi pa rin ma-process ng utak ko ang mga nakikita ko. Anong ibig sabihin nito?

"Ex ng mom mo si Tito Saldy, hindi mo ba alam? O walang nagsabi sa'yo?" Maxim began. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko iyon.

"H-ha?" I almost whispered. I blinked twice while looking at her na nanatiling nakatingin sa mga litratong nasa side table ng kama.

Nakita ko ang pag ngisi nito at saka umupo roon. Hawak-hawak nito ang isang frame, picture iyon ni Tito Saldy at ni papa.

"They were best friends before. Tita Criselda told me how Tito Saldy loved your mom so much that it made him the happiest person in the world before. Just like Levi, he was willing to give up his dreams and wealth for your mom but something has happened that time," patuloy na kuwento niya, hindi pa rin ako tinitingnan.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa mga naririnig ko mula sa kaniya. Too much informations can make my mind bursts! Hindi ko kaya itong isipin at dalhin dahil hindi ako makapaniwala.

"Your mom... she accepted Tito Saldy's dad's offer. Fifty million pesos in exchange of his son at sumama siya sa papa mo, Apollo Laxamana was uncle's best friend. Nang dahil sa sakit at galit, pumayag si uncle na magpakasal kay auntie through arranged marriage."

Kusa akong napaupo sa kama dahil sa panghihina nang marinig ko iyon. Ramdam ko ang labis na panginginig ng tuhod ko maging ng mga kamay ko. Lahat ng mga nangyari ay sunod-sunod na pumasok sa utak ko at isa-isa iyong nag sink in sa'kin.

Tito Saldy's offer to me before is also fifty million in exchange of my silence and wanting to stay away from his son. Tinatanong ko noon sa sarili ko kung bakit niya iyon ginawa at ngayon, nalaman ko na. Katulad iyon ng offer ng dad niya kay mama noon. Inisip ba nito na gaya ako ni mama na kayang ipagpalit ang anak niya sa pera?

"But recently... I heard from Auntie Criselda that Uncle Saldy knows everything that happened before. Nalaman din nito na ibinalik pala ng mom mo ang pera matapos magpakasal ni uncle kay auntie. Too late to fight for it. Levi doesn't know anything about this," dagdag pa nito kaya napatulala na lamang ako.

Hindi ko alam kung kailan ako nagtanong kay Maxim tungkol sa mga nangyari sa kanila noon pero namalayan ko na lamang ang sarili kong nakikinig sa lahat ng kuwento niya tungkol sa kanila. The war between them na kung hindi lang mamatay si papa ay hindi matatapos. Iba ang balitang nakarating noon kay Tito Saldy tungkol sa ginawang pagsama ni mama kay papa. Nagka-ideya tuloy ako na baka sinadya niya. Baka sinadya niyang patayin ito dahil sa dinadalang galit at hinanakit. Baka gano'n ang nangyari. Anong gagawin ko kung gano'n nga ang nangyari?

Puzzle pieces clicked: the reason why Tito Saldy doesn't like me for his son is because I am my father's daughter who had been his rival in everything before. From his achievements and... love, from the woman he wanted to spend the rest of his life with before. Now I know. Bakit ngayon lang ito lumalabas?

Matapos ng rebelasyong iyon, dumating bigla si Levi na namumungay at namumugto ang mga mata. Kasama nito ang iba pa niyang pinsan. Nang makita niya ako ay agad niya akong sinugod ng yakap. I can also hear his sobs.

"What happened? Is everything okay?" I asked him while still hugging him.

Isiniksik pa nito ang mukha niya sa leeg ko at ramdam ko roon ang unti-unting pagbasa nito dahil sa mga luha niya.

Maya-maya pa, humiwalay na ito sa'kin at saglit na sinulyapan si Ria na mahimbing pa rin ang tulog bago muling bumaling sa'kin. Wala na ang maayos niyang buhok, wala na rin iyong coat and tie niya, tanging polo na lang ang suot. Nakabukas ang dalawang butones at nakatupi ang manggas hanggang siko. Sa isang iglap ay nagmukha itong wasted.

"He's in critical condition. Kailangan siyang maoperahan agad sa ulo dahil nakabaon pa roon ang bala," nanghihina niyang paliwanag sa'kin.

Natulala ako nang marinig ko iyon. Wala man akong alam masyado sa gano'ng bagay ngunit alam kong delikado iyon. It's 50/50. Walang kasiguraduhan na mabubuhay ito o mamamatay habang nasa operating table. I hate to think of it that way but it's a fact!

Hinanap ko ang mga kamay niya at dinala iyon sa dibdib ko. "I... I'm sorry. Ano raw ba ang nangyari?" Halos bulong ko sa kaniya.

Ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko nang makita ko ang pagkislap ng mga mata niya dahil sa luha. Umiwas ito ng tingin sa'kin at suminghot. Seeing him like this makes me want to take all his pain from him at sa'kin na lang ilagay. Hindi ko kayang nakikita siyang gano'n.

"N-nagkagulo sa events place kung saan dinaos ang awarding. May mga sumugod sa kanila, it was our family's enemy," he stated. Barag ang boses niya habang sinasabi niya iyon.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko kaya hinalikan ko iyon.

"Levi..."

"I didn't get to talk to him beforehand. Hindi pa ako nakakahingi ng pasensya sa kaniya dahil sa away namin noong nakaraan at pagkatapos ay ganito. Paano kung... p-paano kung hindi niya kayanin ang operasyon? G-ganon na lang 'yon?" He paused and scrunch his nose. Paulit-ulit siyang nagmura.

"H-hindi niya ako bibigyan ng pagkakataong humingi ng tawad sa kaniya? K-kailangan niyang magising! Kailangan niyang kayanin!" He burst out kaya halos umiyak na rin ako.

Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko at ang pagsakit no'n habang pinagmamasdan ko siya. Hearing those words from him is making me think na kahit malaki ang galit niya sa ama niya ay mahal na mahal pa rin niya ito? Paano kaya pag nalaman niya ang totoong kuwento ng pamilyang hinahanggan niya?

"H-hindi ko kaya, Rae..." he whispered in his broken voice.

Tuluyan ko na itong kinabig patungo sa'kin at niyakap nang mahigpit. Ramdam ko ang pagbuhos ng lahat ng emosyon ko nang makita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya habang nakasubsob sa dibdib ko.

"Sshh... kakayanin niya. Stop thinking like that. Retired army ang dad mo, matapang siya. Kakayanin niya iyon at magigising siya," pang-aalo ko sa kaniya at halos pumiyok na ako habang sinasabi ko iyon.

I don't know how will I tell him about what I found out earlier. Siguro ay huwag na lang muna. Siguro ay hindi na lang kahit kailan dahil wala naman nang kaso iyon sa kaniya... at sa'kin. That was the last thing I kept on thinking until Levi fell asleep beside his daughter.

Hindi ako dinalaw ng antok nang gabing 'yon. Patuloy na ginugulo nito ang utak ko at pakiramdam ko ay may gusto pa akong malaman tungkol sa nakaraan nila. Bakit pinili ni mama si papa? Bakit hindi nila pinaglaban ang isa't isa noon? Bakit tinanggap ni mama ang pera at sa huli ay binalik din ito? Bakit ngayon lang nalaman ni Tito Saldy ang lahat? May ibang tao pa bang humadlang sa kanila noon? Sino? Bakit ngayon lang ito lumalabas? Sinadya nga kaya ni Tito Saldy ang pagbangga kay papa?

Hindi ko na sana iyon pagtutuunan pa ng pansin hanggang sa makatanggap ako ng tawag mula sa mom ni Levi. It was Tita Criselda on the phone, crying silently. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat.

"Siguro ay sinadya ni Amalia na paglapitin kayo ng anak ko. Para maalala muli ng lahat ang nakaraan. Para maalala na naman ng asawa ko kung gaano pa rin niya kamahal ang mama mo," puno ng hinanakit na sinabi nito sa'kin sa kabilang linya.

Sunod na narinig ko ang paghagulhol nito. Puno ng sakit at galit na paghiyaw. Na naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling ngunit hindi pa rin matanggap ng puso't isip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

19.9K 326 40
Zero series#3 Clive becker, A naughty handsome playboy and Vocalist of Zero. He's known for having a lot of affair in woman on bed, his charm is to...
321K 11.9K 59
-Mature Content - I had you first. You were never forbidden. We were in-love and made love under the moon. I promised you my heart and you promise...
183K 6.7K 56
Completed ✅ Mature Content Under The Mondragon Gold Series Collections Ang sabi ni Mama, ang buhay ng tao ay maihahalintulad daw sa bagyo, at may da...
132K 4.7K 54
Ruthless Billionaire Series 3: "Are you bored? Do you want me to entertain you?" he whispered as he trailed his lips on her body. Living in the sha...