The Night in Tierra Fima | CO...

By ferocearcadia

44.5K 865 14

[Warning: R18+] What will happen when a complete stranger got all of your firsts? First touch, first kiss, fi... More

The Night in Tierra Fima
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Wakas

Kabanata 33

495 9 0
By ferocearcadia

Kabanata 33

Attempt

"How's your head?" Levi immediately asked me when he enters our room from outside.

May dala itong food tray at matamang tumingin sa'kin. Simple lang ang suot nito at mukhang kanina pa gising kaya napangiti ako.

"Saan ka galing?" I asked him at nanatili lang ang tingin ko sa kaniya.

Umupo ito sa tabi ko at bahagyang inayos ang buhok ko. Kinusot ko ang mga mata ko dahil kagigising ko lamang kaya nang akmang hahalikan niya ako ay lumayo kaagad ako sa kaniya.

"Hindi pa ako nakakapag—"

"It's fine. I want a kiss," nakanguso niyang sinabi sa'kin na inilingan ko lang.

Mabilis akong umalis sa tabi niya at diretsong tumungo sa banyo upang maghilamos at mag toothbrush. Nang matapos ako ay nadatnan ko siyang nakaupo pa rin sa kama habang panay ang paninitig sa'kin.

"Stop staring, Levi," sambit ko sa kaniya dahil hindi pa rin niya ako nilulubayan sa titig niyang 'yon na parang gusto niya akong tunawin.

He smirked and stood up. Pumwesto siya sa likuran ko at kitang-kita ko sa salamin ang pagbaon niya ng mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang mainit na hininga niya roon.

"Then stop being pleasingly beautiful, Rae," he whispered. "Especially when you're wearing my polo..." he added.

Napaigtad ako dahil sa sinabi niya at mabilis na tiningnan ang kabuuan ko. Napanganga na lamang ako nang ngayon ko lang ito napansin. Matapos naming gawin iyon sa karagatan ay nag-inuman pa kaming lahat. Ang huli ko lang naalala ay ang pagbalik namin ng cottage at ang mga sumunod na nangyari ay burado na sa isip ko.

Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. May times na naaalala ko lahat ng nangyari pag lasing ako, may araw din na hindi. Kaya hindi ko na maalala kung may ginawa pa ba kami pagkabalik sa kwarto namin kaya ganito ang suot ko ngayon. My nipples are also visible! My god!

"Kumain na tayo," nahihiya kong sinabi sa kaniya at lumayo na sa kaniya.

Narinig ko lang ang paghalakhak niya at sumunod na sa'kin sa table roon katapat ng terrace.

"Pinasunod mo ba rito si Jaxon?" Biglang seryoso niyang tanong sa'kin nang makaupo kami.

Agad ang naging tingin ko sa kaniya at mabilis na umiling. "Hindi, bakit?"

"He's here. I saw him earlier at the restaurant. He's looking for you, sinabi sa'kin ni Rafaella," he replied as he started eating.

Nagkibit-balikat na lamang ako at nagsimula nang kumain. Naalala ko ang huli naming pag-uusap sa telepono nang tawagan niya ako bago kami tumungo rito. He really wants to talk to me and he was insisting kaya hinayaan ko na lamang siya. Hindi ko naman siya matanggihan dahil kahit papaano ay may pinagsamahan kami.

Nang matapos kaming kumain ay nag-ayos na kami pareho at sabay na lumabas sa hotel. Nadatnan namin ang lahat na naghahanda na para sa taping.

"Sir Levi, kailangan niyo raw po itong pirmahan. This is the new contract of Ma'am Astraea's movie adaptation," Kat suddenly approached us and handed some papers to Levi.

Nginitian ko lamang siya nang mabaling ang tingin niya sa'kin habang sunod-sunod na pumipirma ang lalaking ito sa gilid ko.

"Hindi mo man lang ba babasahin? Baka may ayaw kang—"

"No need. It's you. I don't care about anything but you," simpleng putol nito sa sasabihin ko kaya napataas lang ang kilay ko.

"Pero sa ibang kliyente ay ayaw niya ng hindi babasahin ang kontrata. Ilang beses pa pinapabago pag may nakita siyang mali," dinig kong bulong ni Kat nang natatawa.

Napakamot na lamang ako sa ulo ko at nahihiyang ngumiti sa kaniya. Kumindat lang ito sa'kin at umalis na nang iabot na sa kaniya ni Levi ang mga papeles. Bago pa siya makapagsalita ay biglang lumapit sa'kin si Pola na malawak ang ngisi kaya nangunot ang noo ko.

"Ma'am Rae, may naghahanap po sa inyo sa restaurant, kanina pa," magalang na sinabi nito sa'kin kaya halos matawa ako.

Pinagtitripan ba ako nito?

"Stop with that 'ma'am', Pola. Sino raw?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

Nakita ko pa ang pagbaling niya sa katabi ko bago sumagot.

"Si Jaxon," she uttered na parang nag-aalangan pa.

Pasimple kong sinulyapan si Levi na bigla na lamang nag-igting ang panga nang tumingin sa'kin.

"Ano bang kailangan sa'yo ng gagong 'yon at pati rito ay sinundan ka?" tanong nito sa'kin sa tono ng naiinis.

Tamad akong tumingin kay Pola at tinanguan na lamang siya saka umalis. Bumaling muli ako kay Levi nang makaalis ito.

"Gusto lang niya akong makausap," marahan kong sinabi sa kaniya at inayos ang button down na suot niya.

Nangunot lalo ang noo nito kaya natawa ako.

"At ano pang pag-uusapan niyo? Hindi mo na kailangang harapin ang lalaking 'yon, Astraea," mariin na sinabi niya sa'kin at matalim akong tiningnan.

Inirapan ko lamang ito at sunod na inayos ang buhok niya. Sinadya ko itong guluhin sa harap at napangiti ako nang mas lalo siyang naging gwapo roon.

"Ikaw lang ang gusto ko, Levi. You're the father of my child and no one can change that. Tingin mo ba ay malaking hadlang si Jaxon sa'yo?" Pang-aasar ko sa kaniya kaya lalong kumunot ang noo nito.

I kinda like it when he's pissed off. Hindi ko malaman ang itsurang pinapakita niya sa'kin ngayon pero nagugustuhan ko iyon. It's kinda addicting. The way he's being protective to me is addicting. Parang gusto kong mapahamak araw-araw para lang daluhan niya ako at protektahan.

"Jaxon is not a threat to me, Astraea. I just don't want him near you. Wala akong tiwala sa kaniya," mariin ngunit pilit na pinapalambot ang bawat salita niya.

"He's still your cousin. Limang taon kaming nagkasama sa ibang bansa pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko na patulan siya. Stop being so paranoid and clingy," I told him while tip-toeing and trying to reach his lips to give him a kiss.

Nang makita niyang nahihirapan ako dahil sa sobrang tangkad niya ay kusa na itong yumuko para salubungin ang halik ko. Ni hindi ko na inintindi ang mga nanonood sa'min. Wala na akong pakialam.

"Mag-uusap lang kami at saglit lang iyon. Babalik agad ako," marahan kong sinabi sa kaniya at hindi pa rin inaayos ang pagsayad ng paa ko sa lupa.

He even reach my forehead and shower me a kisses there kaya lalo akong napangiti. Nang tumango siya ay tinalikuran ko na siya upang tumungo sa restaurant. Nakita ko pa ang nanonood na si Hoseah sa'min kaya inirapan ko agad siya.

Nang makarating ako sa restaurant ay hinanap agad ng mga mata ko si Jaxon. I immediately went to him nang makita ko siya. Tumayo pa ito nang makita ako.

"How are you and Lorraine? I haven't seen her for a week now," he open up to me when we sat down.

"Nasa mansion lang siya, Jax. Hindi ka pa ba umuuwi roon?" Takang tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang pag-iwas ng tingin nito sa'kin kaya lalong nangunot ang noo ko. Bigla kong naalala ang sinabi sa'kin ni Yerim tungkol sa nakaraan nila ni Levi. Matagal na bang may gap ang mga ito at pati ang pag-uwi sa mansion ay hindi niya magawa? Anong bang nangyari talaga?

"So, you've been back together? Bakit parang ang bilis, Rae?" may halong hinanakit na tanong niya sa'kin.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya na naghihintay lang ng sagot ko. His eyes are now reddish while his jaw is clenching. Hindi ko alam kung galit ang nakikita ko sa mga mata niya pero parang gano'n na nga iyon.

"He's still the father of my daughter, Jax. Bakit mo pa tinatanong sa'kin 'yan?"

"And you suddenly forgot how much you hated him then?" He asked that made me stop from breathing for a second.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya para hanapin ang sagot sa tanong niyang 'yon, ngunit wala akong makita. Parang biglang nabura sa isip ko lahat ng galit na naramdaman ko noon sa kaniya. I didn't even see this coming. Hindi ko rin alam kung bakit binubuksan niya pa ang usaping ito ngayon gayong alam kong hindi naman dapat iyon ang pag-usapan namin.

I firmly focused my gaze on him as I was trying to calm myself.

"I thought you wanted to apologize for what did you do back then kaya ka narito," tamad na sinabi ko sa kaniya at akmang aalisan na siya roon ngunit hinawakan niya agad ako sa kamay.

"Rae, please... I'm sorry, nadala lang ako. Please, talk to me," he begged held my wrist tighter.

Pinilit kong alisin iyon at marahas na bumuntong-hininga.

"Bakit mo ako tinulungan noon, Jaxon? Was it your plan all along? To manipulate everything? Yerim told me that you were just using me to get revenge on Levi. Is that true?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya.

Nakita ko ang saglit na pagkagulat niya ngunit nawala agad iyon at napalitan ng matalim na ekspresyon. Pinamumulahan na ito ng tainga at kitang-kita ko kung paano niya pigilan ang nararamdaman niya.

I suddenly become disappointed on what I'm seeing right now. Pakiramdam ko ay hindi ko na ito kilala. Parang hindi siya iyong Jaxon na nakasama ko nang limang taon.

"Answer me, Jax, please," sambit ko habang pinipigilan ang pagsabog ng emosyon ko.

"I... I'm sorry, Rae. I really am. Noong una ay iyon ang pakay ko pero—"

"How dare you!" I screamed in pain at hinayaan kong lumipad ang palad ko sa mukha niya.

Napatayo na ako sa kinauupuan ko dahil sa sobrang panggigigil habang siya ay naging alerto dahil sa ginawa ko.

"Dinamay mo pa ang anak ko para lang sa pansarili mong dahilan? What the fuck were you thinking?" Hindi ko na napigilang sigaw sa kaniya habang habol ko ang hininga ko sa sobrang galit.

"Rae, please... listen to me first. It's not my intention—I mean, it was my intention before pero nagbago 'yon nang ipanganak mo si Lorraine. I'm sorry, please... I really am," paliwanag niya while trying to reach my hands kaya agad akong lumayo sa kaniya.

"Hindi ko na alam kung alin pa ang paniniwalaan ko sa'yo, Jaxon. Why are you even here?! Hindi ka pa ba tapos sa pakay mo sa'kin?" I asked him in pain and remorse.

I don't know what to feel right now towards him. Hindi ako makapaniwala sa nakikita at naririnig ko ngayon dahil hindi iyon matanggap ng utak ko. Iba ang Jaxon na nakilala ko sa Jaxon na kaharap ko ngayon.

"Rae, calm down and talk to me, please... I need you to listen carefully," mariin at pagmamakaawa niyang sinabi sa'kin kaya nailing na lamang ako.

"I don't want to hear it anymore," mariin ko ring sinabi sa kaniya at tinalikuran na siya.

Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo ay awtomatikong napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sunod na sinabi niya.

"It's about your father, Apollo Laxamana. Levi's dad, Tito Saldy... siya ang bumangga sa papa mo."

***

Lito akong bumalik sa lugar kung saan dinaraos ang taping. Hindi ko magawang makapag-isip nang tama habang hinahanap ng mga mata ko si Levi. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang sakit at kailangan ko siya ngayon upang kumalma ako. Nang hindi ko siya makita ay dumiretso ako sa farm. Madilim na dahil nanatili pa ako ng ilang oras sa tabing-dagat para mag-isip.

Natatakot man ay tinahak ko ang daan papasok sa farm para hanapin si Levi. Nang sipatin ko ang kubo nila Tatay Henry ay may nakita akong dalawang bulto ng tao roon na nakatayo, tila nag-aaway dahil nagsisigawan ang mga ito.

"I told you to stay away from me! Hindi ka na ba marunong umintindi?!" Levi shouted from afar.

Kilalang-kilala ko ang boses niyang 'yon kaya hindi ako puwedeng magkamali. Sino ba ang kausap nito?

"I was just trying to help you! Bakit parang takot na takot ka na makita tayo ni Rae na magkasama? Tungkol pa rin ba ito sa nangyari noon?" A woman shouted back.

It's Hoseah. Kitang-kita ko ang bulto niya sa harapan ni Levi kaya sigurado akong siya 'yon.

Nanatili akong nakatayo malayo sa kanila at pinakikinggan ang pinag-aawayan nila.

"I don't fucking care about what happened before especially to you, Hoseah. Wala na akong pakialam sa'yo kaya tigilan mo na ako. If you want someone to fall on your trap again, si Jaxon na lang ulit ang puntahan mo dahil ayoko nang mag-isip ng kung anu-ano si Rae," mariin na sinabi niya sa babae.

Nakita ko pa ang marahas at malutong na pagpapakawala nito ng mga mura at muling bumaling kay Hoseah.

"I fucking love her and none of you will understand that! Mahal na mahal ko siya at ang anak namin na parang sasabog ang puso ko dahil sa nararamdaman ko, na kahit kailan hindi ko naramdaman para sa'yo o sa kahit na sino! Sa kaniya lang, Seah, kaya pakiusap, tigilan niyo na ang paninira sa pamilya ko," dagdag pa nito kaya tuluyan na akong humagulhol.

Patuloy sa pagkalabog nang malakas ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya sa malayo at paulit-ulit na nag r replay sa utak ko ang sinabi niya. Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Jaxon kanina. His dad... si Tito Saldy ang bumangga at pumatay kay papa.

Napahawak ako sa dibdib ko at marahang pinukpok iyon dahil sa sobrang sakit nito. Hindi ko alam kung anong unang mararamdaman ko at kung paano ko ito ilalabas. Hindi ko na alam kung kaya ko pang harapin siya dahil sa nalaman ko pero dahil sa mga narinig ko, unti-unti iyong nagbabago.

"Rae?"

Umangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses niyang 'yon. Nang makita ko siya ay halos patakbo akong lumapit sa kaniya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak nang umiyak. Ramdam ko ang pagyakap niya nang mahigpit sa'kin.

"What's wrong? What happened? Saan ka galing? Bakit ka umiiyak? Hey..." marahan niyang tanong sa'kin habang hinahalikan ako sa ulo.

I'm scared, Levi. Natatakot ako na baka hindi na naman kita maipaglaban nang dahil lang sa mga nangyari noon at sa mga taong involve. I don't want to let go of you anymore but how can I fucking do this? 

Continue Reading

You'll Also Like

19.9K 326 40
Zero series#3 Clive becker, A naughty handsome playboy and Vocalist of Zero. He's known for having a lot of affair in woman on bed, his charm is to...
310K 12.8K 62
Matured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano...
322K 11.9K 59
-Mature Content - I had you first. You were never forbidden. We were in-love and made love under the moon. I promised you my heart and you promise...
352K 18.5K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.