Shut Up or I'll Kiss You

By swirlybitch

322K 6.6K 1.1K

Charles De Guzman. A guy who loved and lost. As the lights on the mall lit up one by one, he once again let g... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 7.5
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 18.5
Chapter 19
Chapter 19.5
Chapter 20
Kiss of Revenge
Kiss of Revenge Ch.2
Kiss of Revenge Ch.4
Kiss of Revenge Ch.5
Kiss of Revenge Ch.6
Kiss of Revenge Ch.7
Kiss of Revenge Ch.8
Kiss of Revenge Ch. 9
Kiss of Revenge Ch. 10
Kiss of Revenge Ch. 11
Kiss Of Revenge Ch. 12
Kiss of Revenge Ch. 13
Kiss of Revenge Ch. 14
Kiss of Revenge Ch. 14.1
Kiss of Revenge Ch. 15
Kiss of Revenge Ch. 16
Kiss of Revenge Ch. 17
Kiss of Revenge Ch. 18
Kiss of Revenge Ch. 18.5
Kiss of Revenge Ch. 19

Kiss of Revenge Ch.3

7.1K 136 33
By swirlybitch

Kiss of Revenge Ch.3: Cold Kiss

 

 

 

One Message Received:

[ You’ll be starting tomorrow. After your class, you go straight to my office. ]

Itinapon ko yung phone ko sa kama ko at humiga. Habang nakatingin sa hindi pa pamilyar na kisame ng bago kong kwarto, hindi ko maiwasang isipin kung ano na naman ba tong pinasok ko.

I know that need of revenge. He said

Paghihiganti ang gusto ko. Paghihiganti din ang gusto niya. Masasabi kong isa itong mutual understanding na walang malisya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at muli na naman akong bumalik dun sa airport. Muli na namang bumalik yung sakit na naramdaman ko hanggang sa naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit ako? At kung bakit siya? At kung bakit ganitong sitwasyon pa?


Nawala ako sa iniisip ko nang may marinig akong ingay sa baba, sa sala namin.  Pinunasan ko ang mga luha ko at bumangon sa pagkakahiga sa aking kama.

 

 

Anong meron?  Parang may bisita kami.



Bumaba ako ng hagdan at nakita na lahat ng kapatid ko at mama ko na nasa sala. Nahagip ng mga mata ko kung sinong dumating at sa nakita ko parang gusto kong takbuhin paakyat ang mga baytang ng hagdan ng bahay namin.

 

 

Anong ginagawa niya dito?

“RB.” Sabi ng mama ko. Bakit ba palagi na lang nilang tinatawag ang pangalan ko??!


Napataas ang kilay ko. “Bakit siya nandito?” tanong ko sabay tingin sa lalaking minsang tinuring kong ama. Ang asawa ng nanay ko at tatay ng mga kapatid ko.

“Dito na ulit siya titira.” Tugon ng nanay ko.

 

Dito? Saan dito? Walang lugar ang isang manloloko sa bahay na to.

“Bakit?” yun ang tanong ko. Walang emosyon… wala pang emosyon. Hindi ko pa maproseso kung anong mga nangyayari. Hindi ko pa alam kung kanino ba ko dapat magalit. Sa nanay ko na tanga-tangahan na naman sa tatay ko. O sa makapal na mukha ng tatay ko na matapos mambuntis ng isang batang babae ilang buwan matapos ipanganak ang bunso kong kapatid ay nakuha pang bumalik dito sa bago namin tinitirhan.

“Tatay mo siya RB. Tatay mo pa rin siya.” Pagalit ni mama sa’kin.

“Tatay siya ng mga kapatid ko. Wala na kong tatay. Pinagsasaksak ko na siya sa imagination ko ma. Patay na siya.” Sagot ko. Ngayon alam ko na. Ngayon nagsisimula ko nang maintindihan kung kanino ako dapat magalit.

Nakayuko lang ang tatay ko at hindi nagsasalita. Tama yan. Mahiya ka naman.

“Tumigil ka na! Dito na ulit siya titira. Buo na ang desisyon ko.”

“Desisyon mo? Desisyon mo lang?”

Nakita ko ang galit sa mga mata ng nanay ko sa tanong ko sa kanya. Pero hindi ko na din matago ang inis at galit sa loob ko. Bakit niya tinatanggap ulit ang tatay ng mga kapatid ko habang ako, iniisip kung pa’no maghihiganti sa lalaking gumamit sa’kin bilang kabit niya.

“RB. Sinabi kong tumigil ka na!”

“Fine! Kung dito siya ulit titira. Ako ang aalis.” At ginawa ko na yung gusto kong gawin kanina pa. Umakyat akong muli sa kwarto ko at nagsimulang mag-empake.

Ito. Ito ang dahilan kung bakit gusto kong maghiganti. Yung sakit na nakikita kong dinudulot ng mga manlolokong lalaki sa pamilya nila. Yung batang tumakbo papalapit sa kanya nung araw na yun sa airport, mararamdaman din niya yung ganitong sakit. At walang tao ang dapat makaramdam ng ganitong klaseng sakit.

 Tinext ko na si Charisse kung pwede dun muna ko. Hindi na muna siya nagtanong kung “Bakit?” “Anong nangyari na naman?” Basta pumayag siya at dun ko na lang daw ikwento.

“Ako na lang ang aalis.” Narinig kong isang tinig ng lalaki sa kwarto ko.

Nag-init ang mukha ko sa galit. Nilingon ko siya at tinignan ng masama. “ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO KO??! LABAS!”

Umatras siya palabas ng kwarto ko pero di siya umalis. “Hindi mo na kailangang umalis. Ako na lang.”

“Sinusubukan mo ba ko? Are you trying to bug my conscience? Kasi, I’d just like to inform you na kasabay ng pagsaksak ko sa’yo sa imagination ko, nilibing ko na rin kung ano mang konsensiya natitira ako para sa’yo.”

Nakita kong nasaktan siya sa mga salita ko. Pero wala kaong pakialam. RB’s changed. RB doesn’t care of his feelings anymore. And I’d rather say the truth than to live with him and all his bullsh*t.

Yumuko siyang ulit at nakita ko ang mama ko sa likod na umiiyak. Nasasaktan. Nahihirapan sa sitwasyon. Siguro mas magiging madali kung pumayag na lang ako na dito na ulit siya tumira. Na subukan ulit naming maglaro ng bahay-bahayan. Pero hindi ko yun kaya. Hindi kaya ng sikmura ko na makita ulit siya na sisirain na naman niya ng paulit-ulit yung pamilya na pilit na naming binubuo muli.

Tumalikod ako … sa tatay ng mga kapatid ko at sa mama ko. Hindi ko sila kayang makita pareho, sa magka-ibang dahilan. Ayokong nakikita ang pagmumukha ng tatay ko. Period. At ayokong nakikitang nahihirapan ang nanay ko. Ipinagpatuloy ko ang palagay ng mga damit sa mga bag. At alam ko sa pagsara ko ng zipper ng huling bag na ‘to, isinara ko na din ang posibilidad ng isang normal pero hindi masayang pamilya…

“RB!!” sigaw ng isang tinig ng babae na nagpa-alis ng pag-iisip ko sa mga pangyayari kagabi. Huminto ako sa paglalakad ko at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Kilala ko kung kanino yun. Isang balahurang babae lang naman ang sisigaw ng pangalan ko sa daan kahit na marami pang tao ang nasa palagid.

Napangiti ako nung nakita ko siya. Matagal na rin nung huli kaming nagkita, malaki pa siya noon,hanggang ngayon. Haaay. Kailan kaya papayat itong magandang babaeng to??

“CHHEEEE!!” sigaw ko pabalik, na siya namang naging hudyat niya upang tumakbo papalapit sa’kin. Tumakbo din ako palapit sa kanya, mahirap na, baka anong mangyari sa catwalk ng school. Hahaha. Niyakap namin ang isa’t isa. Siguro kung papanoorin mo kami, para kaming dalawang magkaibigan na nasa isang lumang train station sa Jejou Island (kung may train station man dun, at kung luma man yun ay hindi ko alam) na matagal na hindi nagkita at nananabik na magkasamang muli.

Si Che-Che, kung matatandaan niyo, ay yung seatmate ko. Hindi na kami seatmate ngayon kasi hindi na kami magkaklase. Nalaglag kami pareho sa course naming dalawa, kaya ayun, shift ang drama. Pero sa magka-ibang course kami nagpunta.  Kaya naman bibihira ko na lang siya makita. Ngayon na nga lang ulit yata.

“Kumusta ka naa???!” sigaw niyang tanong sa’kin. Magkatapat lang kami, at oo, pasigaw siyang nagtatanong.

“Maganda pa rin!!” sigaw kong sagot. ^___________^

“Pootaaa. Ano?? Nasa lokohan stage pa din tayo??!! Hhahaha. Na-miss kita!! Sobra-sobra!!” sabay yakap ulit sa’kin ng mahigpit with matching patalun-talon pa. Hindi ko mapigilang ngumiti.Hindi ko mapigilang matuwa sa muli naming pagkikita. Para siyang token ng nakaraan. Isang palatandaan kung ga’no kasaya at kagaan ang buhay ko noon. Last year lang yun halos. Mahigit isang taon lang bago mag-U-turn ang takbo ng buhay ko.

Muli kaming kumalas sa pagkakayakap at sa pagkakataong ito, ako naman ang nagtanong. “IKAAAW? Kumusta ka na??!”

Che: “Ako? Ako yung maganda pa din talaga. Hahaha.”

Ako: “Taba mo pa din.”

Che: “Bastos yang bunganga mo ah. Excuuusee meeee??!!” at inilagay niya ang kamay sa bewang niya at nagposing na pang-magazine. “May ebidensiya ka ba?? Wala di ba??! HAHAHAHA!”

Ako: “Lul! Hahahahaha!”

Che: “Hahaha. Pauwi ka na?”

Ako: “Oo. Ikaw? Di ba may pasok ka pa?”

Che: “Hindi ka pa ba nakaka-encounter ng magandang babae na nagka-cutting?”

Ako: “Lul mo talaga. HAHAHA.”

Che: “Kaya nga ko nalaglag sa course ko di ba? I’m just justifying what happened.”

Ako: “Ewan ko sa’yo. Lika na nga, sabay na tayo lumabas.”

Che: “Sige. Libre mo ko ice cream ah. Mayaman ka na di ba?”

Ako: “Mayaman ka diyan. Lima pinapakain ko no! HAHAHA.”

Nag-umpisa na kaming maglakad palabas ng school dala pa rin ang saya ng muli pagkikita at ang ala naka-megaphone naming boses at walang kapoise-poise na tawanan.

Che: “Nag-shift ka lang lumantod ka na? Naka-lima ka agad?! Hahaha. Anyways, kumusta na nga pala pamilya mo?”

Ako: “Ayun. Buo na sila sa bago nilang bahay.”

Hindi ko alam kung natatandaan niyo ulit dahil sa napaka-bagal na pag-update ng author ng kwentong ito, pero nakwento ko sa kanya ang pangbababae ng tatay ng mga kapatid ko. Kaya alam niya na medyo fvcked up ang pamilya ko.

Che: Eh san ka nakatira ngayon?

Ako: Kila Charisse. ^_^

Che: Kapal din ng mukha mo no? hahaha.

Ako: Ganun talaga, kesa naman nandun ako sa bahay nila di ba? May plano na nga kaming mag---

“Miss RB?” singit ng isang medyo matandang hindi kilalang lalaki. Naka-itim na polo siya at mukhang pormal. Hindi ko maintidihan kung bakit nalang palaging pangalan ko ang dapat na tinatawaaaaag?!!

A.N: Oh sige, eh di hindi ka na bida? Gusto mo? Dami mong arte eh. Mag-react ka na lang sa tumawag sa’yo. Dali!

Pareho kaming napatigil ni Che-Che sa paglalakad at pagsasalita. Nilingon ko yung kasama ko na pabalik-balik ang tingin sa’kin at dun sa di kilalang lalaki na naka-polo at mukhang pormal.

“Miss RB? Kayo po si Ms. RB di ba?” tanong ulit ni manong na naka-polo.

Tumingin ulit ako kay Che na halatang nagpipigil ng tawa. “Opo ako nga.” sagot ko sa tanong ni manong na mukhang-pormal.

“Pinapasundo po kayo ni Mr. Madrigal.”

Ay pucha! Oo nga pala. First day ko nga daw pala sa trabaho. Bayaaaan? Pa’no na yung lakad namin ni Charisse??

 

Che: Taraaaay. Si Miss RB pinapasundo ni Mr. Madrigal. HAHAHA.

Ako: Tumigil ka nga.

Nilingon ko ulit yung hindi kilalang manong. “Pa’no ako nakakasiguro na pinadala ka nga ni Mr. Madrigal at hindi isang rapist?!” tanong ko. Isa lang itong normal na reaksyon hindi ba? Maninigurado ka muna dapat.

Bumulong yung kaibigan ko sa’kin. “Taraay geeerl. May rapist bang naka-polo at susunduin yung rape victim niya? Tibay ng mukha geeerl ah. Haha.”

“Che! Tumigil ka nga! Nasa seryoso tayong sitwasyon.” HAHAHAHA. Sinarili ko na lang ang tawa ko. Nung tinignan ko ulit yung manong na pormal na nasa harap namin, may dina-dial siya sa phone niya. Tapos bigla na lang niya iniabot yung phone na hawak niya sa’kin.

“Ano to?” tanong ko habang nasa kamay ko yung phone.

Bumulong ulit yung kaibigan ko sa’kin. “Bayad daw yan. Hindi na daw rape ang gagawin niya sa’yo. Bayad ka na eh.”

“Gag*” bulong ko pabalik sa kanya.

Ibinaling ko ang paningin ko sa umiilaw na cellphone sa mga kamay ko. Calling: Mr. Madrigal

 

AY PUCHA! Tinawagan niya si MR. Madrigal?? Ayus!

 

Napansin ko na sinagot na nung nasa kabilang linya yung tawag kaya inilapit ko na yung phone sa tenga ko. “Hello?” alanganin kong tanong.

“You don’t know how to reply to a simple text message, but you know how to talk over the phone?” sabi ng sarkastikong tinig sa kabilang linya. Gusto ko sanang ibalibag yung phone sa mural sa tapat ng gate ng school kaso napigilan ako ng utak ko sa pagsabing UNA, hindi ko phone yun at PANGALAWA, boss ko ang kausap ko.

“Pinasundo na kita sa driver ko. Go with him.”

“Sir ano kasi---”

*toot*toot*toot*

 

Ay pucha! Binabaan ako ng phone??!! Bastos na nilalang. Walang phone etiquette.

“Soooo?” tanong ni CheChe. Tinignan ko naman yung driver daw ni Mr. Madrigal at parang may malaking Soooo? din sa mukha niya.

“Siya nga, wala ng iba.” Sagot ko sa kanilang dalawa sabay abot ng phone pabalik sa naka-polong driver ni Mr. Madrigal.

“Sooo mauuna na ko sa inyo. Bye RB.” Tapos yumakap ulit siya sa’kin. “Na-miss talaga kita. Kung sino man yang Mr. Madrigal na yan, mag-ingat ka ah.” Tapos kumalas at naglakad na siya paalis. Habang naglalakad yung kaibigan ko palayo, naisip ko, ayun yung nakaraan ko. Nagbuntong hininga muna ako ng malalim bago pa man ako humakbang sa kasalukuyan.

Tahimik lang kaming bumiyahe sa una. Tapos naalala ko kung ano yung sinabi ko sa kanya kanina. “Sorry po.” Bulong ko.

Nakita ko na tinignan niya ko mula sa rearview mirror ng sasakyan. “Saan?” tanong ng driver ni Mr. Madrigal.

“Napagkamalan ko po kayong rapist eh.” Sabi ko.

Tumawa naman siya. “Wala yun Miss RB. Nag-iisip ka lang.”

“RB na lang po.” At simpleng ngiti lang ang naging tugon ko sa kanya. Muli na namang naging tahimik sa loob ng sasakyan. Iniisip ko kung ano nang sunod na mangyayari. Kung ano ang gagawin ko sa unang araw ko bilang girlfriend ng isang Mr.Madrigal.

Naging mabilis ang byahe, hindi pa naman kasi rush hour, at hindi ko namalayan na nasa tapat na ko ng building nila boss. Bumaba ako ng sasakyan at tiningala kung saan nandoon yung opisina ng amo ko.

“Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Jacob?” tanong ni manong driver.

Nilingon ko siya ng may buong pagtataka. Sino si Jacob?

Ngumiti siya sa’kin at muling nagsalita. “Sana lang mapasaya mo ulit siya.”

Nakasakay na ko sa elevator pero hanggang ngayon iniisip ko pa din yung sinabi ni Manong Driver. Sana lang mapasaya mo ulit siya. Bakit malungkot ba siya? At…sino siya...? sino si Jacob?

*ting!* Bumukas ang bakal na pinto at bumungad sa’kin ang sekretarya ni Mr.Madrigal. Binati ako nito ng isang simpleng ngiti sabay sabi na pumasok na daw ako sa opisina ni Mr. Madrigal at nandoon daw siya naghihintay.

Binuksan ko ang pinto. Pumasok sa loob ng opisina. Isinara ko ang pinto. Sa loob ng nasabing opisina, nakita ko na nandoon nga naka-upo sa kanyang yayamaning swivel chair ang naghihintay na si Mr. Madrigal. Nakatingin sa pinto na parang may inaabangang prey, nakapatong ang mga siko sa lamesa niyang yayamanin din syempre habang ang mga daliri nito ay nakahawak sa kanyang poging baba in a poging way.

“Goodafternoon po.” Bati ko sabay ngiti.

“Take a seat.” Sabi niya sabay palit posisyon sa kanyang yayamaning swivel chair. Pagka-upo ko ay may inabot siya sa ‘king black folder.

Binuksan ko yun at tumingin sa kanya ulit.

“That’s the contract. It entails your job description, your salary and our limitations. If you have anything to add or remove just say so and we’ll talk about it.”

“Okaaaay.” Sabi ko at buong pusong inumpisahang basahin ang 5 pages na kontrata na may font yata na 9. Nakaka-dalawang words pa lang yata ako ng humirit siya ng, “I expect you to be done in 5 mins.”

 

 

Ako: “Fiiivvvveeee Minuuuttteeess??!! Seryoso ka? Prof ko nga hindi ganyan kahigpit eh, tapos ikaw five minutesss??!! Pagkababae ko kaya ang nakasalalay dito.”

Mr.M: “At pera ko.”

Ako: “Medyo nakaka-offend yun ah. Pero yun na nga yung point ko eh. Pagkababae ko na mas importante pa sa pera mo ang nakasalalay dito, kaya hayaan mo kong basahin ng maigi at isaisip at isapuso ang kada salita. Please lang po. Boss?”

Mr. M:  Fine. For 10 mins. Wala ng tawad. We’ll go somewhere after you signed.

Ako: “Grabeeee ka!! 30??  ^___^”

Mr. M: “10 R.B. And It’s not up for negotiations.” Seryoso siya nang sabihin niya yan habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

KAASSSSIIIII NAMAN EEEHHH!!

Alam ko na! Siguro may mali dito sa kontratang to kaya minamadali niya ko para hindi ko mapansin at bandang huli ako ang talo sa usapang to. NAKOOOO KA MR. MADRIGAL!! May mahanap lang talaga akong kahina-hinala dito, lagot ka talaga sa’kin. Nakooo!! Nakooo!!

Binasa ko na ang yung nasa black folder at sa kabuuan. Natuwa naman ako sa mga nababasa ko na. Ayos ang sahod. Wala akong angal. ^_~ Ayos din yung job description ko. Nasa limitations na ko nung napansin kong nakatayo na sa harap ko si Mr. Madrigal.

“You’re still not done?” tanong niya at halata sa tinig nito ang pagka-inip.

Iniangat ko ang ulo ko para matignan siya. Umiling ako at ngumiti. Nagulat ako ng bigla niyang kunin yung folder at ilapag sa coffee table.

“Finish reading later. We’ll be late.”

“We’ll be late?? Saan?” tanong ko.

Oo nga pala, sinabi niya kanina na may pupuntahan kaming dalawa after kong mag-sign sa contract. Pero hindi pa ko nagsa-sign sa contract ahh!! Harassment to!!

 

Mr. M: “To an event. You’re my girlfriend. Kailangan mong magpakita sa mga events that I’ll be attending.”

Ako: “Pa’no yung mga events na aattendan ko din??! Tsaka di pa ko tapos magbasa. Hindi pa din ako nakaka-pirma.”

Mr. M: “That’s because you’re a slow reader. Come on. We still need to fix you.”

Ako: “Fix meeee??!! Excuuussseee me lang Mr. Madrigal ah. Pero ang perfect ko na kaya!”

Mr. M: “tss.” (iling)

Tapos hinatak niya ko palabas ng office niya. Gusto ko sana sumigaw ng “RAAAPPPPEEE!!”, pero hindi ko nagawa. Naalala ko nung huling beses akong sumigaw ng ganun. Hindi naging maganda ang ending.

Nakasakay na kami sa kotse kung saan ako naka-sakay kanina. Katabi ko siya sa upuan at wala siyang imik. Siya pa mataray ngayon. Siya na nga nagsabi na kailangan niya kong i-fix, humatak sa’kin palabas ng office niya at sapilitan akong isinakay sa kotseng to. SIYA PA MATARAY NGAYON??!!

Haay. Mga mayayamang lalaki nga naman oo.

Tahimik pa rin sa buong byahe kahit na 3 na kami ngayon sa sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas habang patuloy ang andar ng apat na gulong ng kotseng to sa destinasyon na parang bagyo na hindi ko madettect kung saan.

“Nandito na po ta’yo Sir.” Sabi ng driver nung hininto niya yung sasakyan sa isang salon. Fix me.

“Salamat po manong.” Sabi naman ng katabi ko sabay bukas ng pinto. Bubuksan ko na rin dapat yung pinto nung may nauna sa’kin. Si Mr. Madrigal.

“Out.” Sabi niya sa’kin.

Lumabas ako at tumayo sa tabi niya. “Ganyan ka ba sa girlfriend mo??” tanong ko tapos naglakad papasok dun sa salon. Sinundan naman niya ako.

Binati kami ng isang magandang babae at inasikaso kaagad. Hinatak ako sa isang kwarto ng isang bakla tapos nun, para na kong sinaksakan ng anesthesia. Wala na kong naalala sa dami nang nangyari at sa bilis ng mga ito.

Ang sunod ko na lang na nalaman ay pinapatayo na ko ng isang bakla ng Salon at pinapalabas nung kwarto na pinagkulungan nila sa’kin. Anong kaso kaya ang pwede kong isampa sa mga ‘to?!

Lumabas ako ng kwarto at bumungad sa’kin ang isang malaking salamin na may repleksyon ng isang babae na naka-violet na venus-cut na gown. Nakataas ang mga buhok nito na may halo pang kulot kulot sa gilid at mukhang pinintahan ng light make-up.

“See. When you’re fixed you’re even more beautiful.” Sabi ni Mr. Madrigal na nakatayo dun sa likod ng babae. May ngiti sa mga labi nito at iba na rin ang suot nitong suit and tie. POOGGIIIIII. *_______*

Lumabas na kami sa nasabing salon matapos kami puri-purihin ng mga tao dun. Kesho daw bagay kami chu-chu. Yung totoo?? Haaaaay. Maka-kuha lang talaga ng customer oh. Tss. Tss

Sumakay kami ulit ng sasakyan at ganun pa din ang sistema, tahimik, walang nagsasalita, bukod sa panaka-nakang pagtingin ni manong driver sa rearview mirror ng may ngiti sa labi. Halalalala. Anyayareh sa mundo??!

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa katabi ko. Medyo dumidilim na at wala pa din akong alam kung saan ba talaga kami pupunta. Haaaaaaay.

“You’ll see.”

Tumigil na ulit ang sasakyan sa tapat ng isang kilalang hotel sa bansa. Maganda. Mailaw. Yayamanin. Ito yung lugar kung saan nakatayo ako katabi ang isang gwapong lalaki na boss ko na boring.

“Do you have any idea how to be a girlfriend?” tanong niya sa’kin. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya at tumango.

“Are you sure?” tanong niya ulit. Hindi yata siya natutuwa sa’kin. GRABE aahh!! Ano na naman bang ginawa kong maliii??!! Nakakaloko na tong boss ko!!

“Come closer.” Utos niya sa’kin. Closer? Eh magkatabi na nga kami. Pero dahil sa boss ko siya humakbang ako ng isang hakbang papalapit sa kanya.

“Tss” sabay iling. “Closer.” Utos niya ulit sa’kin.

“Closer pa talaga??!! Kulang pa ba na gan---” Nahinto ako sa sinasabi ko ng bigla siyang humakbang papalapit sa’kin, inikot ang kanang kamay sa bewang ko at idinikit ang katawan ko sa katawan niya.

“For you to be my girlfriend, you have to be this close.” Bulong niya sa tenga ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko na namula yung pisngi ko. Normal na reaction lang to ng babae sa isang gwapong lalaki na naka-suit and tie at amoy pogi di ba? Tama. Normal.

“Now smile for me.” Sabi niya sabay dampi ng kanyang daliri sa mga labi ko. Haaaay. Juskoo! Bakit niyo ko ginaganito?! Nagbabagong buhay na nga po ako di ba?!

“Please?” muli niyang bulong sa tenga ko. Ngumiti naman na ko pabalik at baka ano pang sabihin niya ulit mahimatay na ko dito. Hindi ko alam, yung ngiting yun na pala ang hudyat ng pagpapanggap namin. Pumasok na kami sa hotel at ang damiiiiiing tao. Hindi ganito kadami nung huling yayamaning party na napuntahan ko. AAAHHHHH! Naalala ko na naman. Yung last time ay nalagyan ako ng cake sa mukha at nabuhusan ng wine sa ulo. Bwiset!

“Nervous?” Bulong niya ulit sa’kin. Tumango ako. Pero napansin ko na mahusay siyang magpanggap ah. Kung alam lang siguro ng mga tao kung ga’no siya ka-cold sa’kin kanina sa office niya, juskooo. Di nila iisipin na magjowa kami. Pero, ibang klase ang acting skills ng lalaking to.

Lahat halos nakatingin sa'min habang papunta kami sa table na naka-assign sa'min. Malapit sa isang simpleng stage na naka-set up sa lobby ng hotel.

 

 

Teka bakit sa lobby? Wala bang hall na pinagdadausan ng parties yung hotel na to? Cheap ah.

"The hotel was closed for this event." bulong ulit ng boyfriend ko habang mas inilapit niya pa ako sa kanya as we go near our table.

Nung nandoon na kami, he pulled out a chair for me at pina-upo ako doon sa tabi niya. Isa-isa nang nagdatingan ang mga tao sa table namin. May isa akong kakilala, yung kaibigan ni Charles, si Erick. Nandun din siya sa table namin. Ngumiti siya sa'kin pero halata ang pagkagulat at pagtataka niya.

Dumilim ang venue at nag-umpisa na ang party pero kapansin-pansin ang isang bakanteng upuan sa table namin. May nagsalitang MC sa harap. Merge daw ng companies ang dahilan ng party. Hindi ko naman maintindihan lahat kaya hindi na lang din ako nakinig. Maya-maya pa...

"I'm sorry I'm late." sabi ng isang boses ng isang babae sa buong table. Hindi ko maaninag yung mukha niya pero doon siya umupo sa pagitan ni Mr. Madrigal at ni Erick.

Nagpalakpakan ang mga tao at muling lumiwanag sa venue.

"You're late again." narinig kong sabi ni Mr. Madrigal.

"Alam mo namang ayoko sa ganitong klaseng party di ba?" sabi nung boses ng babae kanina na huling umupo sa table namin. Nung lingunin ko kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing tinig. Namutla ako. Nilisan na yata ako ng kaluluwa ko.

Siya?? Siya yung babae sa airport... Anong---?

"Ahmm. Miss? Okay ka lang?" tanong niya sa'kin. Napansin ni Mr. Madrigal na ako yung tinutukoy nung babae kaya lumingon ito at kung ano mang nakita niya sa'kin, siguradong nagpakaba sa kanya.

"RB. Are you okay?" buong pag-aalala nitong tanong.

Nagawa kong tumango at nakapagpaalam na pupunta lang akong powder room. Nagpumilit pa na ihatid ako ni Mr. Madrigal pero tumanggi ako. Tumayo na ako at akmang palakad papunta sa CR ng biglang narinig kong magsalita ang MC.

"Please Welcome! Mr. Charles De Guzman."

Dumilim na ulit at ang natitirang liwanag lang ay ang ilaw na nakatutok kay Charles. "Thank you all for coming..."

Naging malabo na ang lahat. Naging magulo ang mga pangyayari. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko paalis sa kinatatayuan kong impyerno. Bakit ba ako sumama dito? Hindi man lang ako inabisuhan. Ni wala man lang pasabi. Bigla-bigla na lang akong sinampal ng katotohanan. Masakit. Bakit nasasaktan pa din ako?

Halos takbuhin ko na yung powder room. Wala akong pakialam kung sino ang mabangga ko o matapakan ko. Basta alam ko kailangan kong umalis sa kinatatayuan ko. Kailangan kong humakbang palayo.

Isinara ko yung pinto ng powder room at binasa ang mukha ko sabay harap sa salamin.

"Bangungot. Isa lang tong masamang at pangit na bangungot."

Huminga ako ng maka-ilang ulit. Malalim at mabigat na paghinga. Balak ko na sanang mag-hibernate sa loob nang may narinig akong kumakatok.

 

Oo nga pala. Di ko kwarto to. Lumapit ako sa pinto, at pagbukas nito. Nabuhay ang bangungot ko.

"RB." sabi niya ulit. Bakit ba pangalan ko na lang palagi niyang binanbanggit?

"I'm glad you're here." dugtong niya sabay ngiti.

Halos madurog ang buong pagkatao sa ngiti niya at sa mga ala-alang dulot nito.

"I'm not here for you." simpleng sagot ko.

"There you are. I've been waiting for you to come back." Narinig kong tinig ni Mr. Madrigal sabay nagpakita ito. Lumapit siya sa'kin at inikot muli ang kanang kamay sa bewang ko at idinikit ang katawan ko sa kanya.

"Charles. I see that you've met my girlfriend. RB."

Continue Reading

You'll Also Like

624K 13.9K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.6M 71.2K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1.8M 93.3K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
5.3M 273K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...