Engaged with the Vampire Queen

By syanalimax

178K 10.7K 1.6K

GxG version of Engaged with the Vampire King. More

Engaged with the Vampire Queen
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 5

5.6K 408 23
By syanalimax

Maxine's POV

Nakakailang ang natanggap kong atensyon pagkababa ko ng sasakyan. Halos lahat kasi ng mga tao ay nakatingin sa 'kin at ang iba naman ay nagbubulungan pa.

"Susunduin na lang ulit kita mamaya, Max."Sabi ni lolo.

"Okay po, lolo. Thank you. Ingat po kayo."

Kumaway ako at hinintay na maka-alis ang sasakyan bago ako pumasok ng gate. Napabuntong hininga ako ng mapansin kong panay pa rin ang mga bulungan ng mga nadadaanan ko habang naglalakad ako sa hallway. Hindi ako sanay sa ganito kaya binilisan ko na lang ang paglalakad para makarating agad sa classroom.

"Bakit hindi ka umuwi kagabi? Huwag mong sabihing pumayag ka ng magpakasal sa babaeng 'yon?" Bungad agad sa 'kin ni Coleen pagkaupo ko pa lang sa tabi niya. Masama pa ang tingin nito kaya napakamot ako sa ulo.

"Sorry."

"Anong sorry? So ibig sabihin pumayag ka na nga?!" Ngayon naman ay pinanlalakihan niya ako ng mga mata na parang isang maling sagot ko lang ay sasabog na siya. Lalo tuloy akong kinabahan dahil nakakatakot talaga siyang magalit.

"Uhm... kasi..." Hindi ko alam kung anong dapat sabihin kaya hindi ko siya masagot. Baka kasi hindi siya maniwala sa dahilan ko at kung ano pang isipin niya dahil kakaiba rin mag-isip itong pinsan ko.

"Nasaan 'yang babaeng 'yan?"

"Nasa Bloodstone Company." Nakanguso kong sagot. Ang aga-aga niya naman kasi manermon.

"Anong nasa Bloodstone?"

"Coleen, alam kong mahirap paniwalaan pero siya pala ang may-ari ng company na 'yon at nandoon siya ngayon." Mahinahong paliwanag ko.

"Talaga? Pwes dalhin mo 'ko sa babaeng 'yan pagkatapos ng klase natin." Seryoso niyang sabi at wala na akong nagawa kung 'di ang um-oo.

...

Palabas na kami ngayon ni Coleen ng university at natanaw ko na rin ang sasakyan sa labas ng gate kaya binilisan ko na ang paglalakad. Paniguradong pag-uusapan na naman kasi kami nito ng mga tao.

Pagdating namin sa tapat ng sasakyan ay bumaba na rin si lolo at pinagbuksan kami ng pintuan.

Agad akong pumasok sa loob habang si Coleen naman ay naiwan sa labas kaya nagtataka ko siyang sinilip.

"Bakit ka pa nakatayo riyan? Tara na."

"Seryoso ba? Diyan talaga tayo sasakay?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo nga kaya tara na. 'Di ba sabi mo dalhin kita kay Aze?"

Dahan-dahan naman siyang pumasok sa loob at tahimik na umupo sa tabi ko. Mukhang naninibago rin siya dahil panay ang libot niya ng tingin sa paligid.

"Lolo, pwede po bang sa Bloodstone Company muna tayo pumunta?"

"Masusunod." Nakangiting sagot naman ni lolo at pinaandar na ang sasakyan.

...

Bumaba agad kami ni Coleen ng huminto ang sasakyan sa tapat ng Bloodstone. Hihintayin na lang daw kami ni lolo sa parking lot kaya umalis na rin ito agad.

Pagtingin ko kay Coleen ay nakatingala na ito sa napakataas na glass building sa harap namin. Twin towers pala ang Bloodstone Company na parang katulad sa New York pero hanggang dito pala ay dinala ni Aze ang pagkahilig niya sa black dahil kulay itim din ang dalawang building.

"Pinapatawag na tayo ng kamahalan sa loob."

Nakuha ang atensyon ko ng lalaking nagsalita. Parehas silang naka-black tux at shades ng isa pang kasama niyang lalaki at papasok na sila sa entrance ng building.

"Men in black?" Bulong ko sa sarili.

Mabilis kong hinila si Coleen palayo ng building at nagtago kami sa likod ng pinakamalapit na puno.

Sabi ni Aze mga kaaway ang mga men in black na 'yon pero bakit nandyan ngayon sa company niya? Hindi kaya binablackmail niya lang talaga ako?

"Anong men in black ang pinagsasabi mo riyan? Tara na, pumasok na tayo!" Hinila ni Coleen ang kamay ko pero agad ko rin siyang hinila pabalik.

"Sandali lang, Coleen. Nandiyan pa sila. Hindi tayo pwedeng pumasok sa loob." Pabulong kong sabi.

Humanda talaga 'yang Aze na 'yan sa 'kin!

Pagpasok no'ng dalawang lalaki sa loob ay saka ko naman hinila si Coleen palayo ng building. Kailangan na naming makaalis dito bago pa nila kami makita.

"Maxine, ano ba? Saan ba tayo pupunta? 'Di ba nga kakausapin ko pa 'yong babaeng 'yon? Ano ngang pangalan niya?" Tanong ni Coleen habang pinipilit bawiin ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"Azariah." Seryosong sagot ko.

"Teka nga, Max. Saan ba talaga tayo pupunta? Kanina ka pa ah."

Malakas niyang binawi ang kamay niya kaya nakawala na siya sa hawak ko. Tumigil naman ako sa paglalakad at kunot-noo siyang binalingan.

"Delikado kasi sa loob."

"Anong delikado? Hindi kita maintindihan."

"Ah basta! Nandoon kasi 'yong mga men in black--aray naman!" Angal ko nang bigla niya akong pitikin sa noo.

"Siraulo ka ba, Maxine? Anong pinagsasabi mong men in black?"

"Mahirap kasi ipaliwanag. Sa bahay ka na lang namin pumunta basta huwag lang muna tayong pumasok sa Bloodstone ngayon, okay?" Nakasimangot na sagot ko habang hinahaplos ang noo kong pinitik niya. Ang sakit no'n ah.

Nakarating kami sa parking lot at nakasakay rin kami agad sa sasakyan dahil hindi mahirap hanapin ang limousine. Mabuti na lang din ay nanahimik na si Coleen at hindi na ako kinulit pa.

...

Azariah's POV

I watched the fresh blood fill my glass and stopped pouring when it turns half full.

"So who sent you to get her?" I asked and put down the bottle silently.

I held my glass next and encircle my index finger around its mouth before moving my hand that's holding the stem to make the liquid swirl and to get a whiff of the blood's aroma.

No one dares to answer so I've decided to put down my glass for a while, still trying to act calm but deep inside, I badly wanna blow their heads off without letting them talk.

"No one wants to answer?" I asked again and took a couple of steps towards the table where my beloved guns are neatly arranged. "Fine. Let's see."

While fixing my leather gloves, a double barrel pistol's magazine caught my attention so I picked it up and load it with silver bullets.

"I will give you three seconds to answer." I said in a very calm voice though my nerve is already twitching since I stepped in this room. "One..."

Being patient is never my forte so these jerks are really lucky. It just happened that I wanna extract an information from them so I'm trying to be calm as much as I can.

"Two..." I continued and quickly loaded my gun.

The four dumbass kept their mouth shut making me smirk in mixed anger and amusement.

"What an excellent choice." I uttered and shot them in the forehead one by one without any warning.

Consecutive thuds can be heard inside the room caused by their lifeless bodies hitting the floor.

Unsatisfied, I placed the gun back on the table and grab my wine glass. I can feel my hand shaking in anger while taking a sip of the blood and watch their bodies slowly turn into ashes.

"Fuck these assholes for wasting my time." I whispered to myself.

Ten men in black tux bowed their head at once as soon as I opened the door.

I walked while removing my gloves and handed it to one of them.

"Clean all the mess inside." I commanded before heading back to my office.

...

Maxine's POV

Panay ang check ko sa oras dahil mag-tatatlong oras na akong naghihintay kay Aze dito sa bahay pero wala pa rin siya. Ang tagal naman ata niyang umuwi?

Ilang sandali pa biglang bumukas ang pintuan kaya napatayo ako at napatakbo palapit ng makita ko si Aze na pumasok.

"Bakit ngayon ka lang?"

Kinunotan niya lang naman ako ng noo at hindi man lang nagsalita. Diretso lang siyang naglakad kaya inis akong sumunod.

"Mag-usap tayo." Sabi ko ulit.

"Speak."

Huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang sarili dahil nakakainis talaga siya. Pinapagsalita ako tapos hindi man lang siya tumigil sa paglalakad.

"Galing ako sa Bloodstone Company kanina at nakita kong may mga men in black na pumasok company mo. Sabi mo mga kaaway sila? Bakit--"

Tumigil siya sa paglalakad at seryosong humarap sa 'kin.

"The crescent tattoo on their neck, that's their distinction." Parang nag-rewind sa utak ko 'yong scene kanina sa Bloodstone at naalala kong may napansin nga akong tattoo doon sa isang lalaki. "My men have crescent tattoo on their neck while my enemies have none."

Sandali pa kaming nagtitigan at ako rin ang unang nag-isip dahil bigla akong na-guilty sa mga naisip kong pagdududa sa kanya. Halata naman kasing hindi siya nagsisinungaling at pinainit ko lang ang ulo niya.

"Anything else?"

"Uhm bukas pala pupunta rito si Coleen, 'yong pinsan ko. Gusto ka raw niya makausap."

"Have you forgotten the rule number six? No visitors allowed." Sagot niya na may pairap pa bago ako iniwang nakatulala sa kanya habang umaakyat.

Napabuntong hininga na lang ako ng makabaliwi. Bahala na nga! Babalik na lang kami sa Bloodstone Company kubg ayaw niya ng bisita rito. Wala naman sa rules niya na bawal pumunta sa company niya.

Tahimik akong umiyak habang iniisip ang lahat ng nangyayari. Sa totoo lang hindi pa talaga malinaw sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung bakit may mga men in black pero kahit anong isip ko ay wala akong makuhang sagot at sumasakit lang ang ulo ko.

Hindi naman kaya miyembro ng sindikato 'tong si Aze? Napatakip ako sa bibig dahil sa bigla kong naisip. Erase erase, Max! Baka nagooverthink ka lang. Masyado namang maganda si Aze para maging sindikato.

Kakaisip ay hindi ko namalayang nakaakyat na pala ako sa second floor at naabutan ko pang nakatayo si Aze sa tapat ng kwarto niya habang nakahalukipkip. Papasok na sana ako sa loob kwarto ko nang bigla niya akong hinila sa braso at dinala sa kwarto niya.

"Nakakagulat ka naman, Aze! Bakit bigla-bigla kang nanghahablot?" Sabi ko pagkatapos niya akong bitawan.

"Rule number two." Maawtoridad na sambit niya kaya mariin akong napatikom ng bibig.

Bawal na rin ba magtanong ngayon? Napaka-strict naman ng babaeng 'to. Siya na nga 'tong pagbigla-bigla.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami ulit sa hidden office niya. Tahimik pa rin ako habang pinapanood siya na may hinahanap sa drawer ng table niya at maya-maya lang ay may inilabas siyang maliit na box na kulay itim.

Seryoso siyang sumandal sa swivel chair at pinadausdos sa ibabaw ng table niya ang maliit na box papunta sa 'kin.

"Ano 'to?" Taka kong tanong.

"Open it."

Sandali ko pa siyang tiningnan pero hindi naman nagbago ang seryosong expression niya kaya ang hirap niyang basahin. Dalawa lang naman ata ang alam niyang expression. Kadalasan kasi ay seryoso lang siya tapos minsan nagsasalubong naman ang kilay kapag naiinis. Bukod doon ay wala na.

Sinunod ko na lang ang sabi niya at binuksan ko nga ang box. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang eleganteng singsing sa loob. Crown ang design nito at may itim na bato sa gitna.

"Wear it." Sabi niya sa nag-uutos na naman nitong tono.

"Huh? Ayaw ko nga. Hindi naman akin 'yan." Sagot ko at mabilis na ibinalik ang box sa ibabaw ng lamesa.

Nakita ko naman siyang umirap bago ito tumayo at kinuha ang box. Tahimik niyang kinuha ang kamay ko at hindi na rin ako naka-angal ng mabilis niyang isinuot sa akin ang singsing.

"Aze--" Natigilan ako ng makitang biglang naging pula 'yong kaninang itim na bato sa singsing. "Hala! Bakit naging pula?" Inilapit ko pa kay Aze ang kamay ko para ipakita sa kanya ang nangyari.

"Red denotes that it is now alive and has a new owner."

Huh? Paanong new owner? Hindi naman 'to akin at tinuruan ako ng mga magulang ko na huwag kumuha ng hindi akin.

Pilit kong tinanggal ang singsing sa daliri ko pero nakakapagtakang ayaw nito maalis. Madali lang namang nasuot ito ni Aze sa 'kin kanina pero bakit ayaw na maalis ngayon?

"Aze! Bakit ayaw matanggal nito?" Natatarantang sabi ko pero iyong isa naman ay kalmadong-kalmado pa rin at parang walang pakialam. "Alisin mo 'to. Hindi naman 'to akin. Basta mo na lang isinuot sa 'kin kanina tapos ayaw na maalis ngayon."

Akala ko ay tutulungan niya akong alisin ang singsing pero tiningnan lang ako nito nang seryoso sabay turo sa pintuan.

"That's my family's heirloom and I'm now giving it to you. Now go back to your room."

Napabuntong hininga ako at kahit labag sa loob ay naglakad na rin ako palabas ng kwarto.

Ang hirap talaga intindihin ng babaeng 'yon.

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 569K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
1.9M 149K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...
6M 198K 48
REAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...