The Sleepwalker Syndrome

By Serialsleeper

202K 12.9K 6.4K

"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep" More

foreword
red bear sticky note
prologue
chapter one | welcome hell
chapter two | the outcast
chapter four | fourth life
chapter five | look out
chapter six | red men
chapter seven | witness and evidence
chapter eight | good girl masha
chapter nine | bad little thea
chapter ten | gilbert's cellmate
chapter eleven | the good daughter's promise
chapter twelve | bogart and the boguards
chapter thirteen | the kids aren't alright
chapter fourteen | this is how you stay alive
chapter fifteen | monsters
chapter sixteen | the symptoms
chapter seventeen | the grudge
chapter eighteen | the suspect
chapter nineteen | leap of faith
chapter twenty : tainted
chapter twenty-one | hold on tight
chapter twenty-two | the last word
Chapter twenty-three | squished
chapter twenty-four | us against the island
chapter twenty-five | the bloody party
chapter twenty-six | the party continues
chapter twenty-seven | protect your pack
chapter twenty-eight | the sleepwalker survival guide
chapter twenty-nine pt. 1 | the price of survival
chapter twenty-nine pt. 2 | the price of survival
chapter twenty-nine pt. 3 | the price of survival
message from the author
chapter thirty | girl fight
chapter thirty-one | club for the lost and broken
chapter thirty-two | reset

chapter three | madam laura

7.3K 480 557
By Serialsleeper



"Pinabibigay ng caretaker sa 'yo."

Tila ba bumalik sa kasalukuyan ang isip ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Gil na nakatayo sa gilid ko habang hawak ang isang bottled water. Gaya ng dati, may malamig at nababagot na ekspresyon na naman ang kanyang mukha.

"Salamat." Ngumiti ako nang tipid at tinanggap ito, ngunit imbes na uminom, tumitig na lamang ulit ako sa malawak na harding sumasalubong sa bawat bisita ng cathedral.

I took a deep breath and stayed seated at the cathedral's porch steps. Matagal nang nakaalis si Clark pero paulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya tungkol kay Tito Roberto. It's not evil possession, and it's definitely not sleepwalking. This only leaves us with one reason . . . 

"Psychotic break," kusang lumabas ang mga salita mula sa bibig ko.

"Matumal ba ang benta ng Sampaguita at nakatambay lang kayo rito?"

Napalingon ako at gano'n din si Gil. Tumayo na lamang ako at ngumiti nang makita muli si Kuya Vito. Sa lalim ng iniisip ko, ni hindi ko man lang namalayan ang pagbabalik niya upang sunduin kami.

Habang sabay kaming tatlong naglalakad patungo sa patrol car, napansin ko ang mabilis na mga hakbang ni Gil. Siguro gustong-gusto na niyang umuwi. Malas lang niya dahil kailangan niya pang dumaan sa station para pumirma sa log book, otherwise hindi counted ang mga oras niya.

Pareho kaming natigilan ni Kuya Vito nang bigla na lamang pumasok si Gil at naupo sa front seat.

"Teka, bawal siya sa front seat, a?" bulalas ni Kuya Vito.

Natawa ako nang bahagya. "Hay salamat. I feel a lot safer sa backseat."

Kuya Vito's head sharply turned to me, his eyes now in slits. "Iniinsulto mo ba ang driving skills ko?"

Pabiro akong nagkibit-balikat at ngumuso. "I almost died three years ago because of your driving skills, so . . . "

Bumuntonghininga si Kuya Vito nang malakas at saka ngumiwi. "Habang buhay mo talagang gagamitin 'yan laban sa 'kin?"

"Of course not! Kapag kailangan lang!" tugon ko naman at natatawa siyang tinulak patungo sa sasakyan.

***

"Sa sobrang puyat ko dahil sa part-time job at paggawa ng thesis, sinubukan kong parahin ang tren! Andaming nakakita!"

"Jordan, hindi ko alam kung tanga ka o siraulo lang talaga! Nakakahiya ka!"

Nasa backseat man ako, hindi nito napigilan ang daldalan at tawanan namin ni Kuya Vito. Poor Gil could only close his eyes shut and bury airpods in his ears. Siguro ilang beses na niya kaming pinagmumura ni Kuya Vito sa isip niya dahil sa sobrang ingay namin.

Nahinto lamang kami ni Kuya Vito sa pagkukuwentuhan nang makarating kami sa harapan ng kapilya kung saan nakalagak ang bangkay ni Pia.

"Huwag kang umiyak sa loob ha? Ang pangit mo pa naman kapag umiiyak," pabirong paalala sa akin ni Kuya Vito, pero sa kabila nito ay ramdam ko ang pag-aalala niya para sa akin.

We may have been laughing and joking around, but I know that he could tell I was trying to distract myself from the pain of losing one of my best friends.

"Naiyak ko na ang lahat ng luha ko kanina. Baka sipon lang ang tumulo ngayon." Humalakhak ako sabay turo sa mga mata kong magang-maga na sa kaiiyak.

"Kadiri ka." Nakangiwing lumingon sa akin si Kuya. "Kaya hindi ka nagkakaroon ng boyfriend."

"Girlfriend puwede pa ba?" Ngumisi ako at nagtaas-baba ng kilay.

"Magsama kayong dalawa ni Justin." Natawa si Kuya Vito at umiling-iling, pagkatapos ay napatingin kay Gil. "Gilberto, bumaba ka na."

Mabilis na napalingon si Gil sa kanya, nakasalubong ang mga kilay. "Sa presinto mo ako ibababa kasi nandoon ang log book."

"Huwag ka nang umalma. Magbigay respeto ka sa mga kababayan mo," giit naman ni Kuya Vito kaya sa huli ay walang nagawa si Gil kundi bumababa kahit labag ito sa kanyang kalooban.

"Ayusin mo muna yang sarili mo bago ka bumaba," bilin naman sa akin ni Kuya Vito bago lumabas upang sundan si Gil.

Nang maiwang mag-isa sa loob ng sasakyan, doon lang naglaho ang ngiting pilit kong itinanim sa mukha ko. I took a deep breath and clutched my chest, trying to calm myself. However, no matter what I do, my heart still feels like its been ripped to shreds.

"Jordi?" Nagulat ako nang may kumatok sa bintana, ngunit kaagad ding napangiti nang makita si Masha na suot-suot pa ang kulay purple na cardigan na ginantsilyo ni Pia para sa kanya.

"I should've worn the bikini Pia crocheted for me," biro ko kay Masha sa pagbaba ng sasakyan.

"You and your sense of humor." Masha's eyes were full of sorrow but she still managed to smile.

Inabot ni Masha ang kanyang kamay sa akin at agad ko itong hinawakan nang mahigpit.

With tears pooling up in her eyes, Masha smiled at me. I held her hand tighter and smiled back at her.

At this point, we only have each other to lean on.

***

"Sino 'yang kasama ni Masha?"

"Hala, si Jordan ba 'yan? 'Yong unica hija ni Jessa?"

"Nanganak yan sa Maynila, sigurado ako."

"Hinintay pang mamatay ang kaibigan bago umuwi. Tsk-tsk."

"Tingnan mo ang kulay ng buhok niya."

Habang naglalakad papasok ng chapel ramdam ko ang titig ng mga tao sa paligid, rinig ko rin ang usap-usapan ng ilan sa kanila. They weren't even trying to hide it. 

Despite the whispers and stares, all I could focus on was Pia's closed casket right next to her mother's. As we got closer to it, the heavier my heart became, the weaker my knees felt.

I felt Masha's hand squeeze mine. I held on to her even tighter.

"Dito tayo . . . " Masha said and guided to one chapel's pews so we could sit.

Kahit nang makaupo kami, ramdam kong nakalingon at nakatitig pa rin sa akin ang lahat. Nagbaba na lamang ako ng tingin sa sihig at pilit na binalewala ang lahat. Si Pia ang prayoridad ko sa gabing 'to, hindi ang kahit na sino.

"Hija, magtanggal ka ng sumbrero. Nasa tahanan ka ng Diyos," paalala sa akin ng isa sa mga nakatatandang nakaupo malapit sa amin. 

I had no choice but to remove my beanie, earning more attention from everyone.

"It's okay. You're okay," bulong sa akin ni Masha kaya naman tumango-tango ako't pilit na nagpatay-malisya.

"Akalain mo, puwede palang umapak dito ang anak ng demonyo? Hahaha!"

"Hindi ba dapat nakakulong 'yan?"

"Kaibigan niya ba si Pia? Ba't nandito siya?"

"Lakas loob na talaga ang mga kriminal ngayon."

"Bantayan n'yo, baka biglang manggulo yan dito."

Sa isang iglap, naramdaman ko ang pag-alis ng mga tingin sa akin. Umugong lalo ang bulungan at usap-usapan, ngunit ang lahat ay sa ibang direksyon na nakalingon. Tuloy, kahit ako ay napalingon na rin.

Nagtaka ako nang makita si Gil na nakatayo malapit sa pinto ng chapel. Nang magtama ang mga mata namin, mabilis siyang umiwas ng tingin.

"Ba't ang sama ng tingin ng lahat sa kanya?" Bumaling ako kay Masha at bumulong.

Lumingon si Masha sa direksyon ni Gil bago lumapit sa tainga ko. "People think he's some psychotic satanist."

"Huh?" Hindi ko napigilang ngumiwi. "Hayan na naman sila sa mga chismis nila."

"I don't know. I saw him carrying a dead cat once." 

Pareho kaming napalingon ni Masha sa aming likuran at nagtaka ako nang makita ang isang babaeng may napakahabang buhok at mapupungay na mga mata. She looks incredibly familiar but I can't seem to remember how or why.

Hindi ko napigilan ang mga mata ko sa paninigkit habang nakatingin sa kanya. "C-Classmate ba tayo noon?"

Masha made a snorting sound, while the girl broke into a soft laugh. 

"Ang ganda ko na ba ngayon, Jordilocks?" the girl asked, smirking. "I prefer she, by the way."

Jordilocks. One word and it instantly reminded me of the gorgeous-looking teenage boy who accidentally hit me with a baseball bat while we were playing baseball back in high school.

"Justin?" Nanlaki kaagad ang mga mata ko.

"The one and only," he—no—she said and jokingly flipped her hair. "And by the way, it's Tina now. You can stop deadnaming me."

Kung hindi lang dahil sa nangyari kay Pia, siguro nagtatalon na ako sa tuwa para kay Tina. I witnessed how hard it was for her growing up. Besides having a very religious family, her dad also happens to be a soldier, while her only brother, Kuya Vito, ended up becoming a cop.

Lumipat si Tina sa bakanteng puwestong nasa tabi ko at pinagitnaan nila ako ni Masha. The three of us held hands together, fighting off our tears throughout the entire service.

By the time the service reach its end, everyone began to stand, either to leave or walk up near the caskets to leave flowers, letters, and gifts. 

As we reached Pia's closed casket, I fetched out our childhood photo from my pocket.

Masha weeped at the sight of our photo, but Masha being Masha, she broke into a little laugh. "Ang dugyot nating tatlo."

"Kayong dalawa lang. Pia was always the pretty one," Tina commented before letting out a heavy sigh. "Our pretty Pia. Nagkalasog-lasog ang mukha niya kaya hindi man lang nila mabuksan ang casket. Hindi tuloy natin makikita ang mukha niya sa huling pagkakataon."

I lost it. Tina's words made me burst into tears. The thought of Pia's face getting mangled beyond recognition was horrible, but knowing I never even got to see her face for the last time even cut my heart deeper.

"Tina!" bulalas ni Masha na umiiyak na rin.

"Oh my God, I'm sorry. I'm sorry." Tina apologized profusely and wrapped us in her warm embrace. And in her embrace, I couldn't help but cry harder. Masha, too.

"Guys, huwag naman kayong mag-iyakan nang ganito rito. Kanina pa ako nagpipigil." Unti-unti akong bumitiw mula kay Tina at paglingon ko ay nakita ko ang isang matangkad na lalakeng may kulay pulang buhok. At kasing pula ng buhok niya ang suot na varsity jacket. 

Napakurap-kurap ako't kinusot ang mga mata kong nanlalabo dahil sa labis na pagluha. 

I stared at the guy's familiar-looking chinito face. Even if he was grinning, I could tell how heartbroken he is just by the look of his swollen brown eyes.

"Smoeki?" My voice broke to a little sob as I gasped. "Smoeki, ikaw ba 'yan? Anong kanina pa nagpipigil? Sipon mo tumutulo na," I tried to joke around like the good old days.

Smoeki hung his head low. His shoulders raised up and down as he started sobbing. "Masaya akong makita ka, pero si Pia naman ang wala."

Lumapit ako kay Smoeki at niyakap siya nang mahigpit. He hugged me back and cried even harder. 

"Our giant baby," pagbibiro ko na lamang ulit at marahang tinapik-tapik ang kanyang likod. 

"Huwag ka na ulit aalis!" Iyak niya pa.

Sa kabila ng mga luha ko, hindi ko napigilang ngumiti.

Smoeki may be the youngest in our batch, but he is also the tallest. He tries to act tough for everyone to see, but in my eyes, he will forever be the giant baby who I always looked out for back when we were kids.

"Si Smoeki may yakap, ako wala?" Unti-unti akong bumitiw mula kay Smoeki at lumingon. Napangiti kaagad ako nang makita ang kababata naming mahilig magsuot ng animal print na mga damit—his leopard print leather jacket being his favorite.

"Still wearing your favorite leopard print jacket, Fash?" I jokingly crossed my arms and raised an eyebrow.

"Still wearing your ugly face, Vigorio?" Fash snapped back, grinning despite the tears pooling up his swollen eyes.

"Suntukan! Suntukan! Suntukan!" Masha, Smoeki, and Tina jokingly chanted just like the good old days.

Natawa na lamang ako at gano'n din si Fash.

Fash cocked his head sidewards and raised his arms up, inviting me for a hug. "Alam kong na-miss mo ako, yakap na."

"Mas na-miss mo ako, Fashy boy," biro ko at yumakap sa kanya nang mahigpit. I even squealed a little when he suddenly lifted me from the ground. 

Fash and I used to be enemies back when we were kids, but as we grew up, we slowly became good friends. Throwing insults at each other became our little friendship thing though.

As I let go of Fash, I took a deep breath and started wiping my tears. Fash fetched out a tiger-printed handkerchief from his pocket and handed it to me.

"Seriously, Fash? Tiger handkerchief?" Pabiro akong ngumiwi.

"Arte," wika ni Fash at siya na mismo ang nagpunas ng mga luha ko. 

"Alam ko na ngayon ang pakiramdam ng Nazareno," biro ko, dahilan para magtawanan silang lahat.

Smoeki, Fash, and my brother PJ are best friends. Kung nasaan ang isa, tiyak naroon ang dalawa. They've been inseparable ever since they were little annoying school boys.

"Si PJ nga pala?" Nilibot ko kaagad ang paningin sa paligid. Part of me wants to see my brother again, but part of me is also scared on how he'll react when he sees me.

"Lumabas muna. Nagulat siya nang makita kang pumasok," Fash answered, and when I turned to look at him again, he shook his head like he was trying not to make a big deal out of it. But I know he just didn't want me to worry. 

Naramdaman ko ang mabigat na braso ni Smoeki na umakbay sa akin. "Nakakagulat din naman kasi ang pagbabalik mo, Jordi. Pati nga mga marites, nagulat."

"Wait! Wait! Wait! Masha, sinadya n'yo bang mag-couple outfit today?!" bulalas bigla ni Tina kaya naman pare-pareho kaming nagsilingon.

Nakita ko ang isang tisoy na lalakeng naglalakad patungo sa amin. He was respectfully passing through a crowd of people, with his back hunched and hands lowered down. The polite look on his angelic face immediately reminded of Rosamond Island's one and only, Lincoln Gerarmo.

Napansin kong nakasuot pala si Lincoln ng kulay purple na polo at hawak sa kamay ang isang sumbrero sa parehong kulay—his uniform at the convenience store where he works at. Hindi ko napigilang matawa, pareho pa talagang nakasuot ng purple sina Masha at Linc. Matchy tuloy masyado. 

"Jordan." Lincoln smiled and raised his fist for a friendly bump.

"Future brother-in-law," I smiled and greeted him back.

"Jordi!" Masha whispered angrily.

"Si PJ ang kapatid ko uy," biro ko dahilan para umirap kaagad si Masha at magtawanan ang lahat. "Siyempre, joke lang," bawi ko agad sabay yakap kay Masha na todo ngiwi at iwas na sa akin.

Lincoln pressed his lips together as he smiled shyly. Halatang may mas ilalawak pa ang ngiti pero nagpipigil lang. 

All of a sudden, we were approached by a group of middle-aged women. They started asking about how we feel about losing Pia, but I noticed how one of them started to approach me. Alam kong mauuwi lang ito sa interview portion kaya nagpaalam muna akong hahanapin si PJ. Good thing my friends felt my unease and they stayed to keep the women occupied.

***

Paglabas ko ng chapel, nakaramdam agad ako ng labis na pagsisisi nang makita si PJ na nakatayo malapit sa mga nakaparadang motorsiklo, nakatalikod mula sa akin. Papasok na sana agad ako, pero bigla na lamang siyang lumingon sa direksyon ko.

Nang magtama ang mga mata namin, alam kong huli na.

Huminga na lamang ako ng malalim at napahalukipkip sa mga braso. 

The deep stare and blank look on his face made me feel uneasy. I kept my head down, scared to make eye contact. 

However, even if I wasn't making eye contact, I could tell that he was wearing the prescription glasses that I bought for him five years ago. He was also wearing his typical go-to outfit, which was a plaid flannel polo.

I smiled as soon as I reached him. "Long time no see, Peej. Sorry—"

"Ba't ka pa bumalik?" he blurted out, cutting me off. 

My heart dropped. PJ's words rang in my head, while the indifference in his voice instantly made me tear up.

"Peej naman—"

"Tatlong taon mo kaming binalewala, Jordan!"

I looked up at his face and quickly regretted it when I saw his crying eyes and gritted teeth. 

PJ's words left me froze in utter disbelief. I've never seen him this upset before, especially at me. All I could do was hung my head low and cry right in front of him. 

Huminga siya nang malalim at nagpakawala ng mabigat na hininga.  "Sama ng loob lang ang dala mo sa amin. Ako na ang bahala kay Mama at Papa, umalis ka na."

Napapikit ako nang mariin dahil sa bigat ng kanyang mga salita.

Growing up, PJ was the shy and gentle one. He always tried to say the right words, he always tried to make me feel at ease. For him to say such cruel words mean that he really hates me.

When I heard him begin to walk away, I quickly opened my eyes. "Babawi ako sa 'yo, pangako. I'm here to stay this time—"

"Wala akong pakialam. Matagal ka nang patay para sa akin," singhal niya. 

PJ's words felt like daggers to my heart. All I could do was watch him walk away.

***

"Thanks for letting me stay the night, Mash." I laid on her bed as soon as I sent mama a message, letting her know of my whereabouts.

"You can live here if you want. Just make sure to pay rent." Masha laid right next to me, giggling while fixing the sheet mask on her face. "Are you sure ayaw mong maglagay ng ganito?"

"No, I'm already perfect," biro ko, dahilan para agad niya akong mahampas sa tiyan. Tuloy, nauwi kami sa tawanan.

As soon as our laughter subsided, Masha took a deep breath and sighed. "Really don't want to share what you and your kuya talked about?"

"Ayaw." Pabiro akong ngumuso at umiling-iling. "Kunwari na lang hindi kami nag-usap today. Tomorrow, I'll try reaching out to him again."

Masha and I continued talking about anything, trying to distract ourselves from the pain of losing Pia. We talked so much until we eventually fell asleep.

***

"Anong nangyari sa 'yo? Ba't para kang nasapian ni Masha?" bulalas ni Kuya Vito nang pumasok ako sa backseat ng patrol car suot ang isang kulay asul na sundress na pinaibabawan ko na lang ng kulay puting cardigan. Masha also made me wear a white beanie to match it.

"Wala akong dalang extrang damit. Kinalaingan kong manghiram, okay?" pabiro kong pagtataray. 

Sumulyap ako sa front seat at nakitang nakaupo rito si Gil na nakasuot ng kulay itim na denim jacket. May airpods na naman sa tainga niya kaya hindi ko na lang siya kinausap. Mamaya sungitan na naman ako.

"Saan pala kami ngayon?" I asked as I sat back on my seat. "Sa cathedral pa rin ba?"

"Hindi. Tutulong kayo sa paghahanda ng venue para sa gaganaping seminar bukas. Pagsapit ng hapon naman, kayo ang nakatoka sa donation drive." Sinasabi pa lang ni Kuya Vito ano ang gagawin, napapagod na ako.

"Just to make things clear, magmo-monitor lang ako ha!" paalala ko.

Biglang natawa si Kuya Vito.

Siraulo. Akala pa yata nagbibiro ako.

***

"Wala akong pakialam. Matagal ka nang patay para sa akin."

Gusto biglang magwala.

Naiinis ako sa tuwing naalala ang mga pinagsasabi sa akin ni PJ. Dapat lumaban ako sa kanya. Dapat nangatwiran ako. Dapat hindi ako nanahimik at umiyak lang doon. Ugh!

"Tantanan mo na nga ang mga halaman. Napakasama na ng tingin sa 'yo ng hardinero."

Napakurap-kurap ako't natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa hardin. Nagbaba ako ng tingin at nakita ko ang pinagpira-pirasong mga dahon sa paanan ko. Sa sobrang inis ko kay PJ, ni hindi ko man lang namalayang pinipitas at sinisira ko na pala ang mga dahon sa harapan ko.

I turned and saw that Gil was already looking at me with squinted, judging eyes.

I quickly raised my hands like I was a criminal caught red-handed.

He sighed and started walking up the half-decorated stage. Lumingon ako sa direksyon ng mga hardinero at nag-peace sign sa kanila bago patakbong sumunod kay Gil.

I thought I would have a hard time working with Gil, but he was surprisingly chill. Oo nga't hindi siya masyadong umiimik, pero sumasagot naman siya nang maayos kapag kinakausap, at nagtatanong sa tuwing kailangan. Tumutulong din siya, lalo na sa tuwing may hindi ako maabot. When I got bored and started playing music from my phone, he even removed his airpods—hindi ko lang alam kung pakikisama 'yon or nagtitipid lang talaga siya ng battery.

Abala ako sa paggupit ng mga cartolina nang bigla na lamang siyang lumapit sa akin.

"Wala bang libreng pananghalian?" 

Sa sobrang seryoso ng mukha niya, hindi ko napigilang matawa. 

"Wala, pero may karinderya roon sa malapit. Hintayin mo lang ako saglit, tapusin ko lang 'to," sabi ko na lamang.

He rolled his eyes and nodded before turning around. He was already a few steps away from me when he suddenly turned around and walked toward me again. "Mukha kang si Smurfette."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Bago pa man ako makapagsalita, umikot na siya ulit at naglakad palayo. Sobrang random kaya tawang-tawa ako lalo sa kanya.

***

Habang nanananghalian kami nang sabay, lalo akong hindi naniwala sa masamang sinasabi ng lahat tungkol kay Gil. 

"Gilbert ang pangalan ko. Ewan ko sa parak na 'yon at tinatawag niya akong Gilberto."

Hindi ko alam pero tawang-tawa ako lagi kay Gil. There's just something about the way he speaks that makes it so funny. Siguro nasa monotonous delivery at choice of words na rin niya.

"Siraulo talaga ang parak na 'yon," pagsang-ayon ko sa kanya patungkol kay Kuya Vito. "Kilala mo ba si Smoeki? 'Yong may kulay pulang buhok na palaging nakasuot ng red varsity jacket kahit hindi naman siya sporty?"

Tumango-tango si Gil at walang sabi-sabing naglagay ng kanin sa plato ko. "May nakaburdang Smoeki sa likod ng jacket niya."

"Alam mo bang tinawag siyang Smoeki dahil kay Kuya Vito? Noon kasing elementary kami, groupmates kami ni Smoeki, Fash, at ng kapatid niyang si Tina sa isang project. Kailangan namin gumawa ng mga sign board kaya kanila Kuya Vito kami nagpunta kasi marami silang pintura. Siraulo 'tong si Kuya Vito. Nakita niya na imbes na No Smoking, e, No Smoeking ang isinulat ni Smoeki. Simula no'n inasar-asar niya lagi si Smoeki hanggang sa naimpluwensyahan kami at 'yon na ang naitawag sa kanya."

Gumihit ang ngisi sa mukha ni Gil. Pansin kong tawang-tawa na siya pero nagpipigil lang kaya na-inspire akong dumaldal lalo.

"Si Fash . . . Kilala mo ba si Fash?" I tilted my head, grinning from ear to ear.

"Hindi, pero pamilyar," aniya at nagsimula ng sumubo ng kanyang pagkain.

Nagsimula na rin akong kumain at mabilis na lumunok. "Si Fash 'yong mahilig sa animal print na mga damit. Ewan ko sa lalakeng 'yon, obsessed siya sa gano'n mula bata pa kami."

"At bakit Fash ang tawag ng lahat sa kanya?" wika ni Gil at muling sumubo ng pagkain.

Ngumisi ako. "Kasi noong bata pa kami, sabi niya, Dancing is my fashion! Imbes na passion!" 

Gil suddenly made a loud snorting sound. Tawang-tawa siya kaya halos mabilaukan. Pilit niyang tinakpan ang bibig gamit ang kamao, habang kabila niya namang kamay ay todo hampas sa kanyang dibdib. Segundo lang ay namula kaagad ang kanyang mukha. Sa kabila nito, tawa pa rin siya nang tawa kahit para na siyang malalagutan ng hininga.

Tawang-tawa ako sa sarili kong kuwento, lalo na sa reaksyon ni Gil. Gusto kong tumulong at mag-abot ng tubig pero parang nanghihina na rin ako sa kakatawa.

Para kaming mga siraulo ni Gil na tawa nang tawa. Paulit-ulit na siyang napapaubo at napapahampas sa mesa pero rinig na rinig ko ang kanyang malakas na tawa.

Nang mahimasmasan si Gil, sumandal siya sa kinauupuan at tuluyang nakahinga nang maluwag. Sobrang cute niyang tingnan habang patawa-tawa at nagpupunas ng mga luha.

"Tangina, matotodas ako nang wala sa oras dahil sa 'yo," humahangos niyang sambit habang nakahawak sa dibdib lalo lang akong natawa.

"May isa pa! May isa pa! Trio yan sila!" taas-noo kong pagmamalaki. 

Looking back now, we were such cruel kids for using mistakes as each other's identities. I sure hope the kids of the new generation are nicer compared to us.

"Meron pa?" Pagod niyang reklamo, pero nakikita ko pa rin ang malawak na ngiti sa kanyang mukha.

He's not so cold and emotionless after all! 

"Meron pa!" I nodded, closing my eyes as I giggled.

"May mas lalala pa sa Smoeki at Fash?" Gil tried so hard to suppress his laughter that he ended up giggling too.

Huminga ako nang malalim at dumilat. I leaned closer to the table, leaning my elbows over. "May kuya ako, ang tawag ng kanya sa lahat ay PJ, minsan naman Peej."

He pulled himself closer at the table, leaning his elbows as well. His nose crinkled as he tried so hard to stop his own laughter. "Okay, bakit PJ?"

"Kasi 'tong sina Smoeki at Fash, noong bata pa kami, napansin nilang laging nakasuot ng denim jacket 'tong kapatid ko. One of them pointed out na nagmumukha na raw siyang si FPJ. Tinawag nila nang tinawag na FPJ hanggang sa—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang mapansing humahagikgik na si Gil habang pilit na nagtatakip ng mukha. Tuloy, pati ako ay humahagikgik na naman ulit.

Gil and I kept on giggling and laughing like a pair of idiots. Pinagtitinginan na kami ng mga nasa paligid pero panay pa rin ang impit naming tawanan. Sa sobrang pula ng mga mukha namin, para kaming nakainom kahit ang totoo'y tawa lang kami nang tawa.

***

Kuya Vito:

Daan muna kayo kay Madam Laura. Hindi makakarating ang caregiver niya kaya kailangan n'yo siyang lutuan ng sopas. Siguraduhin n'yong makakakain siya.


"Stage design at donation drive lang ang usapan. At isa pa, malapit nang dumilim o?" reklamo ni Gil nang ipakita ko sa kanya ang text message mula kay Kuya Vito.

"Sige na, hayaan na lang natin," pangungumbinsi ko. "Kawawa rin 'yong matanda."

Pagod na pagod man ako sa buong araw na pagvo-volunteer, hindi tamang hayaan ang isang kawawang matanda na magutom.

Sa huli ay bumuntonghininga na lamang si Gil at tumango.

"Teka, alam mo ba saan 'yan?" aniya nang tumayo mula sa mesa kung saan nakalatag ang mga ni-repack naming mga dry goods.

"Oo, isang sundalo si Madam Laura noon bago siya huminto para maging isang body-builder. Nakapagpatayo siya ng isang gym bago dinapuan ng malubhang sakit," paliwanag ko na lamang.

"Malubhang sakit?" Nakunot ang noo ni Gil.

Tumango na lamang ako at tipid na ngumiti. "Bad case of Parkinsons. Wala na siyang kakayahang maglakad o tumayo man lang kaya kailangan niya lagi ng mag-aalalaga at aalalay sa kanya parati."

Halos alas-sais na nang makarating kami sa gym nina Madam Laura. Nasa second floor lang ang tahanan niya kaya naman madali lang para hanapin siya. Ni hindi kami nahirapan sa pagpasok dahil hindi naka-lock ang gate o pintuan.

Sa kabila nito, hindi ko napigilang kilabutan sa pag-apak namin papasok sa gym. Napakadilim ng paligid at napakalakas pa ng hanging nagpapasayaw ng mga mga puno't halaman sa paligid. Hindi nakatulong ang life-sized cardboard cutouts nina Arnold Schwarzenegger at Sylvester Stallone sa paligid—mukha tuloy may mga malalaking tao na nakamasid sa amin.

Hindi nakatulong na may nakakatakot na reputasyon si Madam Laura. Noong bata pa kasi kami, usap-usapan na nambubugbog daw si Madam Laura ng mga estudyante ng gym niya. Napakabangis din daw nito noong sundalo pa.

Umakyat kami ni Gil sa pangalawang palapag ng bahay gamit lamang ang mga flashlight ng cell phone namin bilang gabay. Nang tagumpay naming mapailawan ang buong compound, nag-volunteer si Gil na hanapin ang kusina upang maihanda ang nabili naming sopas. Ako naman ay naglibot-libot upang hanapin si Madam Laura.

Isang antigong bahay na gawa sa matibay na kahoy ang buong building. Napakatahimik ng paligid kaya rinig na rinig ko ang sarili kong mga yapak kahit na nakapaa lang ako. Medyo creepy, pero dahil alam kong nasa malapit lang si Gil, hindi ako masyadong natatakot.

Pumasok ako sa isang malaking silid at napasinghap ako nang makita si Madam Laura na natutulog sa kanyang rocking chair. Umaandar ang TV at nakabukas ang aircon kaya naman alam kong komportable siya.

"G-Good evening po, Madam Laura," mahina kong bati dahil ayokong magambala ang mahimbing niyang tulog.

Lalabas na sana ako pero naramdaman kong medyo malamig ang kuwarto kumpara sa inaasahan. Kung ako nga ay nalalamigan, paano na lang kaya ang isang matandang may karamdaman? Idagdag pa na nakasuot lamang siya ng manipis na pink floral daster.

Lumapit ako sa malaking cabinet na nasa dulo ng silid. Pagbukas ko ng dalawang pinto, napansin kong may gumalaw mula sa gilid ng mga mata ko.

Palingon ko ay nakita kong gumagalaw ang rocking chair kahit na natutulog naman si Madam Laura. Hindi ko napigilang kilabutan, pero inisip ko na lang na baka nakagalaw nga talaga nang kaunti si Madam Laura kaya umindayog nang kaunti ang upuan.

Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti. Humarap ako ulit sa loob ng cabinet at patuloy na naghanap. The silence felt too eerie so I started humming the first song that came into my mind—every breath you take.

Segundo lamang ang lumipas at nagsimula akong makarinig ng mga yapak hanggang sa huminto ito sa likuran ko. I felt at ease lalo't sigurado akong si Gil ito. Kaming dalawa lang naman kasi ang nandito, maliban kay Madam Laura.

"Gil, meet Madam Laura. Madam Laura, meet—" Lumingon ako at kaagad nalaglag ang panga ko nang makitang umiindayog ang rocking chair nang mag-isa, walang laman.

Tila ba tinakasan ako ng buong lakas, lalo na nang maramdaman kong may nakatayo pa rin sa likuran ko, at naririnig ko ang kanyang mabigat na paghinga.

Oh shit . . . 

I've seen way too many horror movies. I've seen lots of characters make stupid decisions.

And in that moment, I did what I thought was the most logical thing to do.

"Gilbert!" Tumili ako sa abot nang makakaya at kaagad nagtatakbo palabas ng silid, hindi lumilingon dahil sa takot sa maari kong makita.

"Gilbert! Gilbert!" I kept screaming at the top of my lungs, running toward the kitchen. Bago ko pa man marating ang kusina, lumabas mula rito si Gil at sinalubong ako.

"Bakit?! Anong nangyari?!" tanong niya kaagad, halatang nataranta sa paulit-ulit kong pagsigaw sa pangalan niya.

"M-Multo! Multo! B-Bumangon! Bumangon!" paulit-ulit kong bulalas sabay turo sa silid ni Madam Laura. Wala na akong pakialam kahit para na akong nagra-rap!

"Ano?" Kaagad nakunot ang noo ni Gil at hinawakan ako sa magkabilang balikat, pilit na pinapahinahon.

Lumunok ako't huminga nang malalim, nanginginig at patalon-talon pa rin habang tinuturo ang pinanggalingan ko. "Empty Rocking Chair! Nakatayo sa likuran ko! Parang horror movie! Umalis na tayo!"

"Magsalita ka nga nang buo at maayos!" bulyaw niya sa akin.

Pinanlisikan ko siya ng mga mata at binulyawan pabalik, "Madam Laura multo! Umalis! Tayo!"

"Anong multo?! Nababaliw—" Nahinto si Gil sa pagsasalita at napansin kong nakatingin na siya sa likuran ko. Sa isang iglap ay bigla siyang tumawa. "'Yan ba si Madam Laura? Sabi mo hindi na siya nakakapaglakad? At anong multo?! Tingnan mo, o?!"

Mabilis akong napalingon at parang nanlamig ang buo kong katawan nang makita si Madam Laura na nakatayo sa gitna ng hallway. Nakadilat ang kanyang mga matang tila ba walang kabuhay-buhay . . . nakatingin mismo sa amin.

I have no idea what's going on, but as someone who have watched way too many horror films and witnessed too many crimes, I've learned to trust my instincts. 

"Run . . . " Halos pumiyok ang boses ko.

"Ano?" bulalas ni Gil.

Bago ko pa man maulit ang salita, biglang tumakbo si Madam Laura patungo sa amin. Sa sobrang bilis ng kanyang pagsugod, nagsigawan kami ni Gil nang pagkalakas-lakas.



//

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
104K 6.9K 33
Highest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the lucki...
471K 29.3K 104
100 short horror stories. Best time to read? Bedtime...
3.4M 106K 44
[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning.