Blood Menace

Door fbbryant

14.4K 933 217

Kam had a wonderful life. She was beautiful, rich, and famous. She had it all. Except Cole Bloodworth. She lo... Meer

Foreword
Part I
1- Kam
2- First Day
3- Rival
4- Achievers
5- Mortal Enemy
6- Perfect
7- Not His Type
8- Field Trip
9- Tough Decision
10- Self to Blame
11- Travel Buddy
12- Sentry Training
13- Macon City
14- Whittles
15- Followed
16- His Plaything
17- Ended Before it Started
18- Sophomore
19- Mr. Nice
20- Surial
21- Field Training
22- Death
Part II
24- Obis
25- Allies
26- Festival of the Moon
27- Murderer
28- Hellville Academy
29- The Husband
30- Taken
31- The Parents
32- Omelette
33- Broken Heart
34- Love of My Life
35- Pretending No More
36- Comfortable
37- In the Lion's Den
38- Where is Cole?
39- Dramas
40- Illusory
41- Love/Hate
42- Death
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

23- End of the Beginning

227 13 1
Door fbbryant

This chapter has spoilers. If you haven't read Sentry yet, please, read it first.

Thank you.

***
Two months came and went. Patapos na ang training nina Kam sa Surial. At stressed siya dahil may na-realize s'ya.

She wasn't a very good Sentry.

She failed or scored very low on her tests. She could fight, alright. She aced her written tests. But in actual scenarios, she couldn't fulfill her tasks alone. And she couldn't understand why.

"What's wrong, Kam? I've given you doable tasks. Why can't you do them?" may lungkot sa boses ni Tryx habang nasa coffeeshop silang dalawa nang hapong 'yun.

Bukas na ang balik nila sa academy at isa-isa silang kinakausap ni Tryx.

Nahihiya siya. Sobra. Alam ng lahat sa academy na isa siya top one n'ong Freshmen year nila. Pero bakit ganito?

"And I'm sure it's not because of incompetence. Magaling kang makipaglaban? I saw how much you've improved using the dagger I gifted you. You're just unable to complete my lists of tasks. Is it time management? Priority?"

"Both," nakayuko ang ulong amin ni Kam.

Pinagkrus ni Tryx ang mga braso sa dibdib nito saka ito sumandal sa upuan nito para titigan s'ya.

"Alam mong fifty percent ng grades mo this semester ay galing sa field training na 'to, hindi ba? And I can't give you a high mark just because we're friends."

"Alam ko, Tryx. Ayaw ko mang tanggapin pero wala na akong choice. I failed and I acknowledged that."

"I will not sugarcoat this, Kam. You're not going to be the top one student this semester. I have to be truthful here."

Ayaw umiyak ni Kam. Hindi siya hihikbi sa harapan ng kahit na sino.

Pero malungkot siya.

At nababahala.

"What about your parents? They want you to be the top student all the time."

Malungkot na ngumiti si Kam sa kaibigan. "They're going to order me to go back to Chilakest. That's for sure. At ipapamukha nila sa akin ang failure ko."

"I'm sorry, Kam. I wish I could help you change their mind."

"It's okay, Tryx. Baka pwede ko naman silang pakiusapan."

But she knew that would be a hard thing to do. Kapag hindi siya naging top one, walang pag-aalinlangan na uutusan siya ng mga magulang na umuwi. At kung hindi siya sumunod, paniguradong susunduin s'ya ng mga ito at kakaladkarin pauwi.

She sighed. Mahirap talagang magkaroon ng mga magulang na katulad ng sa kanya na mas mahal ang pera at reputasyon kesa sa sariling anak.

"Are you ready to go back to the academy?"

No, she wasn't, but she didn't have a choice. Kailangan n'yang bumalik at maghintay kung kelan siya pauuwiin.

—-
Nag-train sina Kam pabalik sa academy at panay ang tawanan ng kanyang mga kasama. Puro kalokohan at minsan ay nag babaraha sila para malibang.

For the first time in her life, she didn't open a book during a long travel. She tried to enjoy and she succeeded. Nakitawa siya at nakipagkwentuhan.

Isa-isa niyang tiningnan ang kanyang mga kasama.

Si Mandy. Ito ang pinakabago niyang nakilala. Friendly at straightforward itong magsalita. Maliwanag ang future nito sa academy. Kam wished her the best.

Si Stan naman. Hindi maganda ang first impression niya sa lalaki pero nagbago 'yun nang makasama n'ya ito nang matagal. Oo, may pagkamaselan ito sa mga gamit pero caring ito at attentive. Lage nitong inaalala silang mga babae. He would be a great boyfriend to someone.

Then there's Tryx. Her former roommate who had become a successful Sentry now. Kahit na kaka-graduate pa lang nito last year, competent na ang academy na bigyan ito ng team na iti-train outside the campus. And she delivered. Mas aangat pa ito sa hierarchy ng mga Sentry.

At si Nova. Her bestfriend in the last two years. She had the good and the bad, but Nova was determined to be true to herself. Mami-miss niya ang kakulitan nito at ang pagbibigay nito ng mga unsolicited advice.

"Hoy! Okay ka lang? Your turn. Kanina ka pa tulala," untag ni Nova sa kanya nang may concern sa mga mata.

Kam smiled. And she was surprised that she didn't have to force that one out. Mukhang tanggap na niyang posibleng hindi na nga siya magiging Sentry.

"Ito na nga. Ang atat," natatawa niyang sagot saka naglagay agad ng isang baraha sa maliit na mesa na pinalibutan nilang lima.

Natawa na lang si Kam nang matalo s'ya. Hindi naman kasi siya masyadong marunong maglaro.

At napansin niyang masaya rin pala na maglaro lang sila nang walang competition na nagaganap.

All her life, she always wanted to win. Pero ngayon, masaya pa rin siya kahit na natalo s'ya.

The academy and the people in it really changed her. For the better.

Too bad it was going to end soon.

—-
Kanina pa nakatayo si Kam sa harapan ng kwarto nina Cole at Deus. Itinaas niya ang kamay para kumatok pero muli rin naman niyang ibinababa 'yun.

She wanted to see Cole so bad. She missed him. Aaminin na niya sa sarili na may gusto nga siya rito at hindi na siya matatakot sa mga magulang n'ya.

Pero natatakot naman siya kung ano ang magiging reaksyon nito sa biglaan niyang pagpapakita rito.

"Ano'ng ginagawa mo? Wala ang mga Bloodworth d'yan."

Muntik nang mapatalon si Kam nang may biglang nagsalita sa likuran n'ya.

It was Alexus Dawn. Isa yata itong member ng student government. Lage kasi itong kasama ni Sophia Falls, ang bagong presidente na siyang pumalit kay Tatiana Bloodworth sa position na 'yun.

"Ahhh... alam mo ba kung nasaan si Cole?" alangan niyang tanong.

Nagkibit lang ito ng balikat. "Basta na lang silang umalis na magkakapatid. Kasama pa sina Gaius Kühn at Malik Brigham. Sinundan yata si Rifka Strauss."

Walang kaalam-alam si Kam sa mga nangyayari pero sigurado siyang may pinagtataguan iyung si Rifka. May gulong naganap na involved ito sa labas lang ng school. May mga witches yata na umatake. Hindi niya alam ang lahat ng detalye pero sigurado siyang gulo at panganib ang pinuntahan ng grupo.

At bigla na lamang siyang kinabahan. Nanikip ang dibdib n'ya kaya gulat na napahawak s'ya r'on.

"Are you okay?"

Alexus Dawn didn't look concerned though.

Pilit na tumango si Kam at nagsimula nang humakbang paakyat sa hagdanan. Hawak n'ya pa rin ang dibdib n'ya hanggang sa makarating siya sa kwarto nila ni Nova.

"Hoy! Ano'ng nangyayari sa'yo?" gulat na napatayo si Nova mula sa couch nang makita siya.

"I... Nova, a-ang sikip ng dibdib ko," nasabi na lang ni Kam habang inalalayan siya ng kaibigan na makaupo.

"What? Ano ba ang nangyari?" nataranta naman ito agad. "Tara sa infirmary. Dalhin kita kay Dr. Erick. Sana nandoon s'ya."

Mariin na umiling si Kam nang dahan-dahang bumalik sa normal ang tibok ng puso n'ya.

"I'm... I'm fine," aniya. Totoo namang nawala nga ang paninikip ng dibdib n'ya.

What the hell was that?

"Ano ba'ng nangyari?" ani Nova saka kumuha ng tubig at iniabot 'yun sa kanya na agad n'yang tinanggap.

"Hindi ko alam. I was just thinking that Cole was in danger tapos bigla na lang nanikip ang dibdib ko," maging siya ay sobrang nalito sa nangyari.

"Hah!" naging speechless din si Nova na naupo sa tabi n'ya.

"I'm sure wala lang 'yun," aniya pero parang ang sarili talaga ang pilit n'yang i-convince.

—-
Dalawang linggo ang lumipas pero wala pa ring Cole na bumalik sa academy. Wala rin ang mga kapatid nito, maging sina Rifka at Gaius.

"Uy, may narinig ako," hindi pa man nakakaupo si Nova ay ang lakas na ng bulong nito. Napatingin pa sa kanila ang mga kaklase nila.

Isinara ni Kam ang hawak na libro. Kanina pa siya nagbabasa pero wala rin naman siyang maintindihan.

"What?" walang-gana niyang tanong.

"Nakabalik na ang mga Bloodworth."

Agad na napatayo si Kam. Ang ingay pa ng silya n'ya na natumba pa. "Nasaan s'ya?"

"Psst!" agad na pinatayo ni Nova ang upuan at hinila siya paupo. "Wala sila rito sa academy. Nasa Hellville, nagpapagaling."

"What?" nataranta nanaman siya. "Ano'ng nagpapagaling? Ano'ng nangyari? Kumusta sila?"

So, 'yung kaba n'ya, may ibig sabihin ba 'yun?

"I don't know the details, okay? Basta narinig ko lang na nagpapagaling sila. Tapos si Rifka, I heard she's in a magical coma. Magulo. Sobrang gulo," pabulong nang sabi ni Nova kaya napasinghap si Kam.

What the hell happened?

Tumayo siya. Kailangan n'yang makita si Cole. Hindi siya mapapanatag nito. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito. Hindi ganito.

"Saan ka pupunta? Uy, Kamdyn!" patakbo na ring sumunod si Nova sa kanya.

Hindi namalayan ni Kam na umiiyak na pala siya habang tumatakbo siya sa gitna ng grounds.

Hindi niya alam kung paano pupuntang Hellville pero wala siyang pakialam. She would rent a car if needed.

"Hoy! Kam!"

Biglang napatigil si Kam, maging si Nova sa likuran n'ya, nang makita ang tatlong matatangkad na bampira sa harapan n'ya. Si Tiana ang nasa gitna, sa kanan nito ay si Deus at sa kaliwa si Malik.

She tried to see if the person she wanted to see was behind them. But he wasn't!

"B-Bakit silver-gray ang buhok nilang tatlo?" gulat na tanong ni Nova.

Napansin din 'yun ni Kam pero hindi iyun ang tanong n'ya.

Where the hell was Cole?

Her phone rang. Kinapa n'ya iyun mula sa inside pocket ng kanyang tote bag. She didn't even look who was calling. Masyado siyang distracted.

"Hello?"

"Where are you? I'm outside your room."

She ended the call and turned to Nova. "Don't go back to our room yet."

Nova grinned and nodded. Buti naman naintindihan nito agad ang ibig niyang sabihin.

Magaan ang mga paa na tinakbo ni Kam ang Dormire. Record breaking pa yata ang speed n'ya. Wala siyang pakialam na pinagtitinginan siya.

She just wanted to see him.

And see him she did!

Nakatayo sa harapan ng pinto ng dorm room niya ang lalaki. Nakasuot ito ng itim na button down shirt nakatupi sa siko ang sleeves, naka-tuck in iyun sa itim ding pantalon.

He was smiling. Napalunok si Kam habang nakatingin sa gwapong mukha ni Cole.

And his hair. Silver-gray din 'yun.

He opened his arms and she didn't hesitate to run to him. Naglambitin siya rito at agad siya nitong binalot ng mahigpit na yakap.

They didn't even have to say anything. Naramdaman nila ang lahat sa yakap na 'yun. She wanted to be with him. Walang kondisyon.

Nanatili sila sa ganoong position nang ilang minuto. May mga kinikilig pang female students na nakakita sa kanila pero agad namang umaalis para bigyan sila ng privacy kahit na nasa hallway sila.

She looked up and touched his face. She blinked her tears away. Bakit siya umiiyak? Hindi niya alam. Parang sobrang relieved lang siya na okay ito.

"What happened to you? Bakit nagpakulay kayo ng buhok parehas pa ng color?"

Cole chuckled and tightened his embrace around her waist. "Well, we died."

Napaawang ang mga labi niya saka sinuntok ito sa panga nang tumawa ito.

"Walang-hiya ka," aniya saka bumitaw dito. Tumawa lang ito habang binubuksan n'ya ang pinto.

"Totoo naman kasi," anito nang makapasok na sila sa loob.

Inis na hinarap n'ya ito pero nakita n'yang seryoso nga ang mukha nito. At mukhang pagod ito. He didn't have the same aura. He looked exhausted.

"Hindi nga?"

Hinawakan ni Cole ang mga kamay n'ya at nanatili silang nakatayo malapit sa pinto. Hinawi nito ang buhok niya.

"Deus, Tiana and I died for a few minutes. Then, Rifka saved us. Kaya na-coma s'ya. Naghahanap pa rin kami ng paraan para magising s'ya."

Niyakap ni Kam si Cole. She could hear the pain in his voice. Ayaw n'yang nasasaktan ito.

Habang nasa field training niya, may nangyayari rin pala ritong hindi niya alam. She didn't even call to check on him. Kahit isang beses.

"How can I help?"

Hindi ito agad sumagot. Tinitigan lang siya ni Cole at nanlambot naman siya agad.

"Be my girlfriend. Please," he begged. Puno ng emosyon ang mga mata nito. Mukhang takot pa nga dahil baka i-reject nanaman niya.

But no more of that. Hindi na siya matatakot sa mga magulang niya. Gagawin na niya ang gusto niya.

At si Cole? Si Cole ang gusto n'ya.

She tiptoed and planted a quick kiss on his lips.

He looked surprised pero agad din namang naka-recover. Ang laki ng ngiti nito bago siya nito mapusok na hinalikan.

And she responded without inhibitions. She gave it freely, her heart.

His embrace tightened and he buried his face on her neck. "Just be around me all the time. Dito ka lang sa tabi ko."

Tumango siya. "Promise."

***
@immrsbryant

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

225K 10K 110
[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someon...
151K 7.8K 45
Fairy Tale Series #2 | COMPLETED Cindy Jamaica, heir of the Valderama family, lost her everything, including her family and herself, to her evil step...
1.3M 36K 62
Crizzania Sophie Clarrise Scarlet is a mysterious girl from nowhere. No one knows where she came from; everyone thinks that she's a goddess because o...
1.9M 51.3K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...