Haven in your Arms (AOTS) CO...

By Danielle_Zachary

19.1K 374 28

A collaboration series with Paper Ink Publishing ❤️ WARNING SPG AHEAD. More

WARNING!!!
Blurb
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT.
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT!!!

CHAPTER SEVENTEEN

604 14 7
By Danielle_Zachary

"Nanay, ulam pa po please!" ani Haven habang nakaturo sa Bicol express na nasa lamesa. I cooked our dinner habang nag-uusap sila kaninang at nag iiyakan.

Kaya ngayon na tapos ng mag-iyakan ang mag-aama ay gutom na gutom ang mga ito at ganadong kumakain. Noong kami-kami lamang namang mag-iina ang magkakasama ay nagagawa nilang kumain ng sila lamang, but this time was different nagpapa baby sila sa Tatay nila, even the independent Ethan asked his Tatay to feed him kaya naman hindi magkada-ugaga si Chaste sa pagpapakain sa dalawa, aliw na aliw naman ito sa pagsusubo sa kaniyang mga anak kaya hinayaan ko na siya.

"You two, come here. Ako na ang magpapakain sa inyo, hindi pa kumakain si Tatay n'yo," nang marinig na hindi pa kumakain ang kanilang ama ay agad namang lumapit sa akin ang dalawa.

Matapos kumain ay sinamahan ko sila mag sepilyo, iniwan namin si Chaste sa kusina na kumakain, pagbalik namin ay naghuhugas na ito ng mga plato at mga pinaglutuan.

"Ako na riyan Chaste, turuan mo na lang sila Haven sa assignment nila," inilapag nito ang platong hawak saka tinuyo ang kamay.

"We'll talk Ae, ang dami mong kailangan ipaliwanag sa akin ang lahat," aniya bago ako iniwan sa kusina. Nilinis lol ang lahat ng kalat na nasa lababo bago ako pumunta sa Sala at naabutan kong nagku-kwentuhan silang tatlo, si Haven ang bangkang-bangka sa pagku-kwento ng mga bagay-bagay na matandaan niya at mga kaganapan sa eskwelahan nila.

Tumabi ako kay Chaste sa sofa, naka-kandong sa kaniya ang dalawang bata kaya naman walang nakaupo sa pagitan namin kundi isang maliit na throw pillow.

"When is your birthday?" Chaste asked as if he doesn't really know.

"November 10 po Tatay," bibong sagot ni Haven.

"What do you want on your birthday mga anak?" tanong pa nito habang hinihimas ang buhok ng dalawa.

"I don't want anything Tatay," sagot ni Ethan sabay kibit balikat.

"How about my baby?" tanong nito habang ang mga mata ay nakatuon sa akin kaya naman peke akong umubo.

"My baby Haven what do you want?" dugtong nito bago ibinaling ang tingin sa anak naming babae.

"Beautiful dresses and a doll house Tatay!"

"A doll house and dresses it is baby," Chaste answered and kissed Haven's forehead. "But before we buy those things, kailangan n'yo na matulog ni Kuya, may pasok kayo bukas."

"Tatay can you sleep here?" Ethan asked na siyang ikinagulantang ko. This kid! Ipapahamak pa ako.

"Uhmm..." napakamot ng kaniyang batok si Chaste at nag-aalangang tumingin sa akin. Pinanlakihan ko ito ng mata para tumanggi ito sa paanyaya ng kaniyang anak dahil wala naman siyang tutulugan, iisa ang kwarto ng apartment namin at kung dito siya matutulog ay siguradong siksikan na kami.

"A-Ask your Nanay first son," iniwasan nito ang tingin ko na nananakal, alam kasi niya na hindi ko matatanggihan ang anak niya.

"Nanay?" Ethan pouted.

"Please po," Haven followed.

Napahinga ako ng malalim nang makita ang cute na ekspresyon ng dalawa kong anak. Ito ang aking kahinaan.

"S-Sure. But you'll sleep here sa sofa," pagsuko ngunit hindi natapos doon ang diskusyon.

"Nanay naman! You're so mean to Tatay!" reklamo ni Haven si Ethan ay tatango-tango pa bilang pag sang-ayon. Hindi makapaniwala akong napatingin sa mga anak ko. Ako pa ngayon ang naging masama?! Nang balingan ko ng tingin si Chaste ay nahuli ko itong nakangisi ngunit agad ding nagpalit ng ekspresyon nang mapansin nito ang tingin ko.

"We want Tatay to sleep with us po Nanay please?" nag puppy eyes sa akin si Haven. Si Ethan naman ay kumandong sa akin at pinugpog ako ng halik sa pisngi.

"Nanay payag na ikaw please,"

And just like that, I was defeated!

Alas dose na ng madaling araw pero dilat na dilat pa rin ako, nagsiksikan kaming apat sa iisang kama, sa tabi ni Ethan ay si Chaste habang ako naman ay nasa tabi ni Haven. Seeing my kids with their father peacefully sleeping makes me wonder kung tama pa ba ang mga desisyon ko sa nakaraan o naging paldesisyon lang ako kaya nagkaganito ang mag-aama ko. Malalim akong napabuntong hininga bago ako dahan-dahang umalis sa tabi ni Haven. Ikinalang ko ang malaking unan sa tabi nito upang huwag magising kapag naramdaman na wala na siyang katabi. Inaayos ko ang kumot ng aking mag-aama bago ako lumabas ng silid.

Nagtimpla ako ng kape at saka ko ini-open ang laptop ko, inabala ko na lang ang sarili ko sa pag gawa ng lesson plans at mga quizzes ng mga estudyante ko. Nang matapos ko na ang mga gawain ko sa school ay ini-open ko ang Wattpad app ko. I've been writing since I was sixteen, kadalasan ay poems ang sinusulat ko. Pero simula noong dumating si Chaste ay nagawa kong sumulat ng isang nobela. I wasn't planning to finish the novel, not until it clicked and catch some of my readers attention. Ginawa ko ang story noong mga araw na malungkot ako at namimiss ko si Chaste that was the time when I choose to ran away from him.

"It's late, you should sleep Aesira," mabilis kong pinatay ang laptop ko nang makitang nakatayo na sa may pintuan ng kwarto si Chaste. Nakasuot lang ito ng boxer short kaya naman kitang-kita ko ang well toned body niya na nakabalandra sa harapan ko. Palihim akong tumikhim at sinulyapan ang oras sa wrist watch na suot ko.

"Hindi na, it's 3am na rin naman maghahanda pa ako para sa pagpasok ng mga bata," sagot ko habang nililigpit ang mga papel at laptop na naka-kalay sa lamesa.

"I'm here Aesira," paalala ni Chaste kaya naman kinunutan ko siya ng noo.

"I'm going to take charge on preparing our kids this morning, you should sleep look at your eyes, mukha kang panda," napahawak ako sa ilalim ng mata ko dahil sa sinabi niya.

Lumapit sa akin si Chaste at siya na ang nag-alis ng mga gamit sa center table. "Sleep Aesira o papagurin kita? You know what I mean don't you?"

Mabilis pa ako sa alas kwatrong tumayo at pumasok ng kwarto, narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Chaste dahil sa reaksyon ko. Kung maka-asta ang lalaking iyon parang walang nangyari ah. Ang daming nagbago sa kaniya pero hindi pa rin ang kalandian at kahalayan ng utak ang bunganga nito.

"Don't wake her up son, it's just 5:30. Let your Nanay sleep maaga pa naman," rinig kong saway ni Chaste kay Ethan.

"But we're going to school na Tatay," Haven answered.

"Ihahatid ko kayo anak, let Nanay sleep, puyat si Nanay n'yo. C'mon let's have some breakfast nagluto ako," nawala na ang mga boses na nagtatalo sa loob ng kwarto siguro ay sumama na ang dalawa sa Tatay nila sa kusina para mag-almusal.

Kahit ayaw ko pa sanang bumangon ay sinikap ko ng gumising ng tuluyan dahil gusto kong sumabay sa mga bata ng pagpasok. Naabutan ko sila na nag be-breakfast at nagku-kwentuhan.

"Good morning Nanay!" mula sa pagkaka-upo ay tumayo si Haven upang batiin ako at halikan sa labi, ganoon din ang ginawa ni Ethan.

"Good morning," bati rin ni Chaste habang nanghahaba ang nguso na nakatingin sa dalawa niyang anak.

"Bakit ako walang kiss sa lips," reklamo nito.

"We already kissed and greeted you Tatay kaya!" depensa ni Haven. Inirapan lang ni Chaste ang anak niyang babae saka ito masamang tumingin sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay kaya masama ang loob nitong inabot sa akin ang plato.

"Why so grumpy ba Tatay, you want a kiss from Nanay also?" nang-aasar na tanong ni Haven na sinundan ng nang aasar na tawa.

"No," Chaste answered in a monotone voice.

"Kiss n'yo na si Tatay para hindi na siya grumpy Nanay," utos sa akin ni Haven.

"Oo nga, kanina naman na-smile iyan si Tatay tapos ngayon grumpy na," gatong ni Ethan na ikina-iling ko. Kung ano-anong mga nalalaman ng mga batang ito.

"Malaki na iyang Tatay n'yo. He doesn't need a kiss na," paliwanag ko na siyang ikinasama lalo ng mukha ni Chaste.

"Ganon po ba iyon Tatay?" curious na tanong ni Ethan.

"Yes son, when you're big boy na you don't just need a kiss, you need to make more babies," nasamid ako sa juice na iniinom ko.

"How to make more babies ba Tatay?" Haven asked.

Isang nagbabantang tingin ang pinukol ko kay Chaste kaya naman napakamot ito sa kaniyang batok.

"Uhmm.. it's for me and Nanay's knowledge na lang anak," nag-aalangang sagot ni Chaste.

"Can you and Nanay make more babies pa Tatay? We want siblings! Mga ten!" nabitawan ko ang hawak kong kubyertos at hindi makapaniwalang napatingin sa anak ko. Ten? What do you think of me? A pig!

"Y-You take your kids to the shower," utos ko kay Chaste. Nai-stress na ako sa mga sinasabi ng mag-aamang ito ang aga-aga pa.

To be continued...
SeductiveLau

Continue Reading

You'll Also Like

3M 175K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
1.9M 127K 77
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
2.5M 2.4K 3
"The Malhotra Brides" is a heart-warming tale that explores the emotional journey of two sisters, Aditi and Pragya, as they navigate their new lives...
1M 14.8K 38
Ivy Williams had always aspired to complete her university journey without any interruptions or complications. However, not even two months into her...