The Night in Tierra Fima | CO...

By ferocearcadia

48.5K 916 30

[Warning: R18+] What will happen when a complete stranger got all of your firsts? First touch, first kiss, fi... More

The Night in Tierra Fima
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Wakas

Kabanata 25

596 11 1
By ferocearcadia

Kabanata 25

Drunk

"I'll pick you up later. Wala naman akong gagawin," kaswal na sambit sa akin ni Jaxon nang makababa ako mula sa kotse niya.

Maagap akong umiling at tiningnan siya nang mataman. He looks so casual to me. Bigla ko tuloy naalala ang mga sinabi ng pinsan niya no'ng nakaraang gabi. Everyone knows we have a relationship. Why did they think that? Dahil ba magkasama kami sa New York at sabay rin kaming umuwi? I doubt it.

"Huwag na, Jax. Sasabay ako kina Yerim. Alam kong busy ka rin," I told him as I was entering the building of Royale Publishing Company.

Kumunot ang noo nito at ibinaba ang aviator niya. He was looking at me intently which made me look away from him.

"Iniiwasan mo ba ako, Rae?" malalim na tanong niya sa'kin kaya napangiwi ako.

"Hindi, a."

"Really? Kahapon ay hindi ka pumayag na ihatid kita. I was about to come to your condo but you didn't let me in. Ngayon naman, kung hindi pa kita inabangan sa labas ay hindi ka rin papayag na magpahatid. You're avoiding me," he stated.

I heave a sigh and just looked at him. Seryoso na ang ekspresyon nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng pag-aalangan.

"I just don't want other people to think we're in a relationship, Jax. I have a child and—"

"Lorraine is my niece, Rae. What are you trying to say here? Na pati ako ay dapat layuan ang anak mo? Kayo?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin.

Mariin akong pumikit. Ramdam ko ang iritasyon ko sa 'di malamang dahilan. I hate to admit it pero naiisip ko na may kinalaman siya kung bakit gano'n ang sinasabi sa'kin ng lahat. I just don't want to believe the idea. Hindi ko matatanggap kung sakaling totoo dahil limang taon ko na siyang nakasama.

Marahas akong bumuntong-hininga at muling bumaling sa kaniya ng tingin.

"I'm not, Jax. I'm sorry. Let's talk later, please. Baka ma-late ako," pinal na sinabi ko sa kaniya at mabilis na iniwan na siya roon.

Nagmadali akong pumasok sa building at sumakay sa lift. As I was preparing myself and trying to calm down, parang naging mabilis bigla ang oras dahil nakarating na agad ako sa floor ng working place namin.

I miss this place so much. Noong editor/writer pa ako ay madalas ako rito dahil dito talaga ang operation area namin. Ngayong writer na lang ako ay iba na ang area ko. Napapadpad lang ako rito pag may kailangan ako kay Miss Rochelle at sa department niya.

"Rae! Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba nasabihan na ngayon ang shooting ng book mo?" Salubong sa'kin ni Gabbi nang mapadaan ako sa cubicle niya.

"Ha? Walang nagsabi sa'kin. Kailangan ba kasama ako?" Takang tanong ko sa kaniya at mabilis na kinuha ang cellphone ko.

Nang buksan ko ito ay ayaw magbukas kaya napangiwi ako.

"Hindi ka ba tinawagan ni Ma'am Rochelle?" Gabbi asked me again saka tuluyan nang lumapit sa'kin.

"Lowbat ako, Gab. Nasaan ba sila?"

"Nasa Acuzar Empire sila. Doon imi-meet ang mga artist. Humabol ka na lang, hindi pa naman siguro nagsisimula."

Ilang beses ko pang pinag-isipan kung pupunta ako roon o huwag na lang. Hindi naman na siguro ako kailangan do'n. Bakit pa ako pupunta? Makikita ko lang ulit ang lalaking iyon at baka magpang-abot pa sila ni Jaxon dahil naroon ito ngayon. Bwisit naman!

I had no other choice but to go to Acuzar Empire dahil ramdam kong kanina pa ako tinatawagan ni Miss Rochelle. Nang makarating ako building ay sumalubong kaagad sa'kin ang pamilyar na lugar na iyon kasama ng mga alaalang naiwan ko roon.

"Astraea? Ikaw na ba 'yan?"

Napalingon ako sa kung sinong tumawag sa pangalan kong 'yon at nakita ko si Pola. Nanliit pa ang mga mata nito habang tinitingnan ako at unti-untint nanlaki maya-maya lang.

"Oh my G! Ikaw nga! Long time no see. Grabe, ang ganda ganda mo pa rin," bati nito sa'kin na halos sumigaw na sa sobrang lakas ng boses.

"Hindi ka pa rin nagbabago," natatawang sambit ko sa kaniya bago niya ako sinabayan ng lakad.

"Secretary ka na ulit ni Sir Levi? I heard, simula nang mag resign ka, hindi na siya nag hire ulit ng kapalit mo hanggang ngayon," she began as we started to walk towards the lift.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya kaya nanatili lang akong nakikinig hanggang sa makasakay kami sa lift.

"Kailan ka pa bumalik? Kaya pala..." she suddenly uttered kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakatingin na ito sa cellphone niya at may binabasang kung ano.

"Last week lang. Kaya pala ano?" Hindi ko na napigilang itanong sa kaniya.

Saglit niya akong tiningnan bago ngumisi ng nakakaloko.

"Kaya pala gano'n na ulit ang itsura ni Sir kasi bumalik ka na! Mukha kayang ermitanyo 'yon nang ilang taon," natatawa niyang saad sa'kin kaya hindi ko na rin napigilang tumawa.

Naalala ko ang engkwentro naming iyon sa bar nang gabing 'yon. Ang itsura siguro na 'yon ang tinutukoy niya kaya napailing na lamang ako. Whatever his reason is, I still don't understand it. Anong kinalaman ng pagbabalik ko sa biglaang pagbabago niya?

Matapos kong sabihin kay Pola kung ano talaga ang pakay ko rito ay pinakawalan na niya ako. Kung anu-ano pang mga kinwento niya sa'kin na hindi ko naman talaga masyadong naintindihan dahil pakiramdam ko ay lumilipad ang isip ko.

Nang makarating ako sa office ni Levi ay sumalubong sa'kin si Kat na nagulat din nang makita ako.

"Oh my God, Rae. Buti dumating ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Sir—"

"Where's my damn coffee?!"

Pareho kaming napatingin ni Kat sa intercom niya nang tumunog ito at lumabas roon ang malalim at parang galit na boses. Nakita ko ang pag ngiwi ni Kat bago pindutin iyon.

"Coming, sir," she acknowledged and look at me again.

"Rae, puwede bang ikaw na lang ang magdala nito? May tinatapos pa kasi ako, e. Close naman kayo so..." nag-aalangan niyang utos sa'kin at inabot ang tasa ng kape na iyon.

"Ha? Teka, nandito lang ako para—"

"Para sa shoot ng book mo, yes. Kanina ka pa nga hinihintay ni sir kaya sakto lang ang dating mo," putol niya sa sasabihin ko.

Bago pa ako matanggi muli ay tinalikuran na niya ako kaya wala na akong nagawa. Awtomatikong inayos ko pa ang sarili ko bago ako tuluyang tumungo sa opisina niya.

Nadatnan ko siya roon na prenteng nakaupo sa swivel chair niya. Kunot na kunot ang noo nito at tila namomoblema habang nakatingin sa folder na hawak niya.

"Uhm..."

Nang sandaling tumikhim ako ay mabilis na nag-angat ang tingin niya sa'kin. Saglit na nakita ko ang lambot sa ekspresyon niya ngunit mabilis ding nawala iyon at napalitan ng blangkong ekspresyon.

"Good thing, you're finally here. You're fifteen minutes late," he said to me in his cold baritone voice as he looks away from me.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang 'yon at nilapag sa harapan niya ang kape niya.

"I'm not your employee. I'm here for the shooting of—"

"...our story?" He uttered, cutting me off.

Napalunok ako nang muling tumutok sa'kin ang tingin niya nang sabihin niya iyon. He was trying to met my gaze kaya mabilis ko siyang inirapan nang mahuli niya ang tingin ko.

"It's my story. I made that, Mr. Acuzar," mariin na sambit ko sa kaniya.

I heard he laughed. Bigla itong sumandal sa upuan niya at tiningnan ako nang malalim. He placed his right hand on his lips as he gently rubbed it. I even saw his short grin and raised a brow on me.

"I thought you like calling me by my name. What's with that surname basis?" he foolishly told me.

Ramdam ko ang pagkalabog ng dibdib ko at ang kahihiyan roon nang matukoy ko kung anong sinasabi niya. I can already feel the gradual warming of my whole face and I'm sure I'm red-faced now. This asshole was trying to tease me and I'm not ready for it. Nang huling magkita kami nang gabing 'yon sa lift ay bigla na lamang niya akong iniwan matapos niyang sabihin iyon sa'kin. Without any explanation kahit pa nagtanong ako kung anong ibig niyang sabihin.

Marahas akong bumuntong-hininga at pinipigilan ang pagsabog ng inis ko.

"I'm only here for the project, Mr. Acuzar. Now, if you want something else from me, I guess this is not the right time to talk about it," wala sa sarili kong saad sa kaniya.

Huli ko na naisip ang sinabi ko dahil bigla na lang itong tumayo at lumapit sa'kin. Nang matapat siya sa'kin ay halos mangawit ang leeg ko dahil sa kakatingala sa kaniya. Pakiramdam ko ay mas lalong tumangkad ito o sadyang hindi na ako sanay sa itsura niya.

He looked at me intently. Kitang-kita ko kung paano ineksamin ng mga mata niya ang kabuuan ko dahil sa paraan ng paggalaw ng mga mata niya. He was scanning my whole face and suddenly stop his gaze on my lips. Out of consciousness, I immediately bit my lower lip and left it open as if waiting for something to happen.

"So... when's the right time to talk about everything?" He asked in his raspy voice.

"And will you please close your mouth before I suck your lips until you catch your breath..." he also added.

I gasped as I was trying to chase him with my gaze. Mabilis siyang nawala sa harapan ko at nakita ko na lang na isinusuot na niya ang coat niyang 'yon. Napakurap ako nang mabilis at nahihiyang isinara ang bibig ko. Putangina mo, Rae. Ano bang nangyayari sa'yo.

"Follow me," he coldly said to me and went on his way.

Tuluyan na akong napahawak sa dibdib ko dahil sa patuloy na paglakas ng kalabog nito bago ako sumunod sa kaniya.

I know it in the first place na hindi nga maganda na magkita pa kami ulit. If not because of this project ay hinding-hindi ko gagawin ito.

***

"Uuwi ka na, Rae? Ayaw mong sumama?" Tanong sa akin ni Rafa nang sabay-sabay kaming makarating sa parking lot.

It was exactly 6 PM nang matapos ang shooting ng first scene ng movie which is sa isang opisina ginanap. Lahat kami ay abala maging sina Yerim at Rafa dahil department nila ang major subject sa first scene na iyon. Buti na nga lang ay kasama sila ngayong araw dahil kung hindi ay tuluyan na akong hindi nakawala sa bwisit na lalaking 'yon.

"Ria is waiting for me," bulong ko kay Rafa dahil saktong dumating na rin si Levi na madilim na ang ekspresyon. Napansin ko rin sa likuran niya si Jaxon.

"A, oo nga pala. Next time na lang tayo uminom pag puwede ka na ulit. Mauna na kami. Ingat ka, a," paalam niya sa'kin saka tuluyan nang sumakay sa koste niya.

"May maghahatid sa'yo?" Yerim asked nang makalapit siya sa'kin.

"Sure, there is," Jaxon replied at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Levi na saglit pang huminto sa gilid ng kotse niya at tiningnan ako nang matalim. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at bumaling kay Jaxon.

"Hindi kita nakita kanina," sambit ko na lang sa kaniya ay binalewala ang ginawa niya.

"Nasa meeting kasi ako. Gutom ka na?" Marahan niyang tanong sa'kin na inilingan ko lamang at bumaling nang muli kay Yerim.

Nakita ko ang makahulugan niyang tingin saka tumango sa akin.

"Alright. I'll go ahead. Sayang at hindi ka puwedeng sumama," nanghihinayang niyang saad sa'kin kaya malungkot akong ngumiti.

Nagkayayaan kasi sila ng buong department na uminom sa malapit na bar kasama sina Miss Rochelle at Sir Benedict. Hindi ko lang alam kung pati siya ay kasama. Speaking of the devil, nang mabaling ang tingin ko sa kaniya ay nakita ko ang tila sakit sa tingin nito bago tuluyang pumasok sa kotse niya.

"Ingat kayo, a. Kiss Ria for me," paalam ni Yerim kaya tinanguan ko na lamang ito.

"How was your day? Susunod sana ako sa inyo kung hindi lang importante ang meeting ko kanina," Jaxon started habang binabagtas na namin ang daan pauwi.

"It was fun and exhausting. Ayos lang 'yon, marami pa namang next time," walang gana kong sagot sa kaniya at tumingin sa labas ng bintana.

I noticed the rain getting heavier. It is very dark on the road and only the headlights of the vehicles serve as ambient light. Ramdam ko rin ang matinding lamig kaya niyakap ko na ang sarili ko.

I suddenly feel empty. Not sad or tired. Just empty. I feel like my chest is getting heavier and aching especially when I remember that look of him earlier. Kapareho iyon ng tingin na ibinigay niya sa'kin nang gabing iyon sa elevator. When he said those words to me that until now, I'm still clueless. I'm still clueless with everything.

"Are you okay? What do you want to eat, Rae?" I heard Jaxon asked me.

I simply shook my head while still staring outside. Dinig ko ang buntong-hininga niya at ang biglang paghawak niya sa libre kong kamay.

"You did good today, Rae. Don't forget that," he told me.

Hanggang sa makarating kami sa condo ay ramdam ko ang kakaibang pagod ko. Jaxon tried to talk to me many times but I refused to answer his questions and told him that I want to rest for tonight.

"Nasa kabila lang ako. Call me if there's anything wrong," marahan niyang sambit sa'kin nang magpaalam na ito.

Napangiti na lang ako nang bahagya niya pang minasahe ang ulo ko bago tuluyan nang nagpaalam.

Nang makaalis siya ay dumiretso ako sa kwarto ni Ria na tulog na tulog pa rin. Sumiksik ako sa tabi niya at hinalikan siya sa ulo. Vivien is a big help to me. Siya agad ang kusang tumawag sa'kin nang makauwi ako rito sa Pilipinas dahil gusto niyang bantayan si Asteria. It wasn't my decision but hers. Kabayaran niya raw iyon dahil hanggang ngayon ay sinisisi niya pa rin ang sarili niya dahil hindi niya nabantayan nang maayos si mama noon.


Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na pagkalabog ng pinto sa labas. Dinig na dinig ko iyon dahil sa sobrang lakas no'n ay parang masisira na yata ang pintong 'yon. I immediately walk towards the door at saglit na sumilip muna sa peephole.

"What the hell!" I hissed when I saw who was banging my door at this hour.

Mabilis kong binuksan iyon at tumambad sa harap ko ang basang-basa na sina Yerim, Rafa at Levi. Halos nakapikit na ang lalaki at akay-akay na lang ito ng dalawa.

"Oh my god! Anong... bakit?!" Naguguluhan kong tanong sa kanilang dalawa.

Hindi nila ako sinagot at mabilis na pumasok. Padarag kong isinara ang pinto at mabilis silang sinundan. Sinilip ko pa ang kwarto ni Ria at mabilis na sinara ang pintuan no'n nang maiwan ko itong nakabukas.

"Tangina! I can't believe we managed to bring this guy here! Sobrang bigat!" Pagmamaktol ni Yerim habang pinapagpag ang damit niyang basa.

"A-ano... teka, bakit? Anong nangyari? Bakit dito niyo dinala?" Halos sigaw ko sa kanilang dalawa at pabalik-balik na tiningnan sila.

Ngumiwi lang si Rafa at walang alinlangang hinubad ang coat niya saka dumiretso sa banyo.

"Ang gago kasi niyan. Halos ubusin ang alak sa bar na 'yon tapos magpapaakay pauwi. Hindi naman namin alam ang bahay niya kaya dito na lang namin naisip dalhin, Rae," Rafa shouted.

Ramdam ko ang matinding kaba sa dibdib ko habang nakatingin kay Levi na patay sa tulog at nakahiga na ngayon sa sofa. Basang-basa ang polo nitong puti at halos bumungad na sa'kin ang buong katawan niya.

"Fuck it, Ye. Dapat ay hindi rito. Alam niyo namang—paano si Ria?" I said to her our of frustration.

Kumamot lang ito sa ulo at nagkibit ng balikat.

"Mapagbiro talaga ang tadhana," wala sa sarili nitong sambit kaya lalo akong napamura.

Oh, gods. Hindi ko na alam kung sino pa ba ang kakampi ko rito. 

Continue Reading

You'll Also Like

120K 2.8K 71
[WARNING: SPG/R-18!] Precious Rubie Carrascal only wants to survive against the challenging road of life. She have nothing but her seven-year-old bro...
2.4K 133 47
Rowena managed to live abroad, suffering those unbearable loneliness for years. However, with the change of circumstances she needs to go back. Rowen...
73K 1.3K 34
"Then what I'm to you now? Hindi na ba ako mahalaga? kaya gagamitin mo ako para makuha ang gusto mo?" 𝗠𝗔π—₯π—–π—›π—˜π—₯𝗒 π—¦π—˜π—₯π—œπ—˜π—¦ #𝟯 𝗔𝗱𝗿𝗢𝗲𝗹...
323K 8.9K 44
[Forbidden Bed Series 3: The Mayor] R18||Matured Contents Dr. Ryos Deaniel Alfeche-Greene -the newly elected Cebu City Mayor was obligated to entert...