Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

De donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... Mais

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Chapter 94:

298 14 8
De donnionsxx04

CEDRIC SY POV:)

Natigil na lamang ako sa pagbabasa ng mga dokumento nang may papel na nilagay sa aking harapan. Napakunot-noo ako nang mabasa ang nakasulat sa papel.

Resignation letter?

Naiangat ko naman ang ulo ko at ang nakita kong nasa harapan ko si Diego, ang tagapang-alaga noon ng anak kong si Clive na nasa US pa ito.

Banayad ang mukha na nag-bow ito para magpakita ng paggalang sa akin.

"Bakit magre-resign kana?" Malungkot na tanong ko dito.

"Pasensya na sa abala, seryorito. Alam kong nasa kalagitnaan ka ng iyong trabaho pero ngayon lang ako naglakas loob na puntahan kita dito." Mahinahon na wika nito."Sa 35 years na nanilbihan ako sa pamilya n'yo, madaming nangyari at sobra akong nagpapasalamat sa naitulong ng pamilya n'yo sa akin. Tinanggap n'yo kong pamilya at tinuring n'yo kong kadugo ninyo. Tatanawin ko ng utang na loob ang mga nagawa n'yo sa akin." Nakayukong pahayag nito.

"Dahil ba kay Clive kaya kana magre-resign?"

Natigilan naman ito sa sinabi ko.

Maya-maya pa ngumiti ito ng tama at umayos ng pagkakatayo."Tinuring kong anak si Clive, at totoong masakit para sa akin ang pagkawala niya. Pero ang dahilan bakit ako magre-resign, para hanapin ang kapalaran ko," sagot nito."Dahil sa trabaho ang buong oras ko, nawalan ako ng oras para maghanap ng pag-ibig. Forty-eight na ako, walang asawa at anak. Umaasa pa rin ako na makakahanap pa rin ako ng mapapangasawa at magkaroon ng maraming anak. Sana payagan n'yo ko, senyorito, sa hinihiling ko." Sabay yuko ulit pagkasabi nito.

Tahimik na nakatingin lamang ako dito.

JOHNSER SY POV:)

"Hey! Johnser!"

Naikunot ko ang aking noo nang makilala ang pagmamay-ari ng boses na iyon. Lumingon kaagad ako sa aking likuran at nanlaki mata na lamang nang makita ang pamilyar na tao sa akin.

"Clive?" Sa isip ko.

Nakangiting nag-wave ito ng kamay habang ang isang kamay nito ay nasa bulsa nito.

Nataranta na lamang ako nang makita di kalayuan ang pamilyar sa akin na paparating.

***Flashbacks***

"Tito?"

Aalis na sana ito sa office ko nang napigilan ito sa pagtangkang pag-alis.

Lumingon ito sa akin.

"Hmm?"

Nakaupo lamang ako at nakatingin sa DNA Test na hawak ko. Nagda-dalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ito. May pumipigil sa akin na huwag ko ipapaalam dito na buhay pa si Clive.

Kung sabihin ko man, hindi ako magiging masaya sa desisyon na iyon.

Dahan-dahan iniangat ko ang ulo ko. Walang ekspresyon sa mukha na nakatingin ako dito.

"Sabihin n'yo sa akin..." Humugot muna ako ng mahabang hininga bago dugtungan ang sinabi ko."Bakit karapat-dapat ako?" 

Matagal nakasagot si Tito bagkus nakatingin lamang siya ng seryoso sa mga mata ko. Tila binabasa niya sa mata ko ang takbo ng nasa isip ko ngayon.

"Matanong kita..." Naupo si Tito sa upuan na nasa harapan ko."Ano ang mahalaga sa'yo?"

"A-ang pamilya ko." Nautal na sagot ko.

"Maganda ba pakikitungo nila sa'yo? Tinuring ka ba nilang isang pamilya?"

Natahimik naman ako sa sinabi niya.

Kinuha nito ang ballpen na nasa harapan ko at pinaglaruan niya iyon sa kanyang daliri.

"Imagine-in mo na isang tao ang ballpen na 'ito. Maganda sa una pero nung nawalan ng tinda, tinatapon nalang. Tulad mo? Umaasa ka na mamahalin ka ng iyong ama pero ginawa mo na ang lahat, bigo ka pa rin." Tinigil nito ang paglalaro sa daliri nito ng ballpen at tiningnan ang tatak nito."Hindi ka magustuhan ng lahat dahil sa sagabal noon ang kapatid mo. Palagi kang sinasapawan at palaging nagmamagaling kaya tingin ng lahat sa'yo isang mahina ka. Kaya tinulungan kita na mawala sa mundong iyon si Clive para patunayan sa lahat na mas karapat-dapat ka kaysa sa kanya." Ma-otoridad na sabi nito sabay baling sa akin at lumitaw sa labi nito ang isang ngiti.

Nilapag nito mesa ang ballpen at bahagyang nilapit ang ulo nito sa akin.

"Kaya kong gawin ulit ang ginawa ko noon sa kapatid mo. Papatayin ko rin ang mga taong sasagabal sa'iyo." Mahinang pahayag nito.

Hindi ako nakasagot sa sinabi nito. Nanatili lamang akong tahimik habang nakatingin sa kanya ng seryoso.

"Johnser, alam mo kahit di tayo bati pero tinuturing na kitang kapatid." Nakangiting sabi ni Ros.

Natahimik naman ako sa sinabi nito. Nasa Bicol pa kami ito nang sinabi niya ito sa akin.

Pero mayamaya ngumiti na lamang ako dito dahil sa sinabi nito.

Dahil sa pagkalito, palihim na naikuyom ko ang mga kamay ko halos magusot ang hawak kong DNA Test Result.

***End of Flashbacks***

"Tawagan mo si Dylan. Sabihin mo na siya na bahala dito." Sabi ni Tito Andrew sa assistant niya.

Nakapag-desisyon lumapit kaagad ako kay Clive at tinulak ito papasok sa office ko. Nagulat naman ito sa ginawa ko.

Nakapag-decide na ako sa sarili ko na itatama ko ang mga nagawa ko. Itutuwid ko ang mga bagay na maling ginawa ko. Lahat na maling gagawin ni Tito, pipigilan ko na. Kaya ko patunayan ang sarili ko sa pamamagitan ko at hindi sa tulong ng iba.

ANDREW SY POV:)

"Tawagan mo si Dylan. Sabihin mo na siya na bahala dito."

"Sige po." Sagot nito sa akin.

Pagtingin ko sa daan, nakita ko na lamang nagmamadaling pumasok sa office nito si Johnser. Pinagpatuloy ko lamang ang paglalakad hanggang nasa tapat na ako ng office nito. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako para kamustahin siya o hindi nalang.

"May sasabihin kayo kay Johnser?" Sulpot ng assistant ko.

"Wala. Tara na!" Sabi ko nalang at pinagpatuloy ulit ang paglalakad para pumunta sa pupuntahan namin.

JOHNSER SY POV:)

Pagkapasok namin sa loob, napasubsob sa sahig si Ros. Napalakas ko ata ang pagtulak ko sa kanya.

"Aray ko!" Sambit nito at pinipilit bumangon sa pagkakasubsob sa sahig.

Palihim na lumingon ulit ako sa labas at nakita ko naman malayo na si Tito.

Natigilan na lamang si Clive nang makakita ng sapatos sa harapan nito. Sa sobrang pagtataka, dahan-dahan iniangat nito ang ulo at tiningnan ang nagmamay-ari na iyon.

"Oh? You?! I know you..." Tila namukhaan na sabi niya habang turo niya ito.

Paglingon ko, nagulat na lamang ako nang makita si Ramon. Doon ko naalala na nandito pala sa loob ng office ko si Ramon at hindi pa nakakaalis.

Nakaramdam naman ako ng pagkataranta dahil malalaman na ng assistant ko na buhay pa ang kapatid ko.

"S-si...s-sir Clive---"

Pinutol ko kaagad ang sasabihin nito.

"Ramon, may pag-uusapan tayo."

Kita ko pa rin sa mukha nito ang gulat at pagkalito nang tumingin ito sa akin.

"S-sige po, Sir." Nautal na sagot sa akin ni Ramon.

Sabay naman tumingin kami kay Ros na abala sa pagtitingin ng mga gamit ko dito sa office.

"S-sir, sigurado po kayo na walang naalala si Sir Clive?" Baling nito sa akin.

Tumango ako."Kaya tulungan mo ko na itago muna siya. Tulungan natin siyang bumalik ang alaala niya bago natin ipaalam kila papa na buhay ang kapatid ko."

Matagal di nakasagot si Ramon na tila nag-iisip. Sa huli, pumayag rin siya.

Bumaling ulit ako kay Ros na busy pa rin nagkakalikot ng mga naka-display sa table ko.

Hindi ko alam ano plano ko pero ayaw ko mapahamak ang kapatid ko. Nagkamali na ako ng unang desisyon ko at ngayon ayaw ko na maulit ulit. Itatama ko ang mga pagkakamali na nagawa ko. Hindi na ako ang Johnser noon na masama at sakim sa kapangyarihan.

Nang lumabas na ng office si Ramon, saka naman nagsimulang magsalita si Clive.

"Assistant mo 'yon?" tanong nito habang nasa bulsa ang mga kamay nito.

"Oo," sagot ko."Ano pala kailangan mo?" Tanong ko sabay punta sa mesa ko. Sumunod naman si Clive sa akin.

Naupo ako doon at binuksan ang laptop kong nakalapag lamang doon.

"Wala lang. Binibisita lang kita." Kumuha ito ng dalawang chocolate na nasa lagayan at kumain."Sa totoo lang, pinapunta ako dito ni Mr. Kailes." Ngumunguya na sagot nito.

Kumuha rin ako ng chocolate at kumain."Bakit?"

"Kasama ako sa meeting n'yo para mamaya."

Natigilan na lamang ako sa pangunguya. Bahagyang nanlalaki mata na tumingin ako sa kanya. Ngumiti lamang siya sa akin na mas lalong  nagpagulo sa isip ko.

Kailangan ko mag-isip kaagad para hindi siya makita nila papa lalo na si Tito Andrew. Kilala ko si Tito, may kakayahan siyang gumawa ng masama kahit wala akong alam sa mga pinaggagawa nito sa likod namin. Malaking katanungan pa rin sa akin kung paano nakaligtas si Ros sa insidenteng iyon. Sinong katawan ang nakalibing sa lapita ni Clive?

Nakaisip na lamang ako ng paraan para hindi makadalo ng meeting si Clive.

"Oo nga pala! Nasa prisinto ngayon si Elizabeth."

Napakunot-noo naman siya."Ah?!" Bulalas nito sa gulat.

DIEGO DELENTE POV:)

Pagkalabas ko ng Uphone Building, tumigil ako sa paglalakad. Dahan-dahan ako tumalikod at tumingin sa kalangitan. Nalulula ako sa taas ng Uphone Building, ang ganda rin ng araw ngayon na tila walang nagbabadya ngayon ng ulan.

Matagal na taon ako nanilbihan sa pamilya Sy. Dito ako nakabuo ng mga magagandang alaala kung saan ako tumawa at umiyak. Sa bawat alaala, may kumpas akong aral na natutunan. Masakit para sa akin ang pagkawala ni Clive. Sa totoo, tinuring ko na siyang anak. Mula sanggol pa lamang sila ni Dylan, ako na nag-alaga sa kanila. Kaya masakit sa akin na pagkawala ni Ros.

Siguro, panahon na rin siguro mawalay sa kanila at gumawa ng bagong alaala mula sa labas.

Tatalikod na sana ulit ako nang may bumangga na lamang sa akin na dahilan nabitawan ko ang hawak na cellphone.

"Sorry!" Sabi ng misteryosong lalaking bumangga sa akin.

"Magdaan-daan ka nam-an..." Di ko napatuloy ang sasabihin ko nang makita ang lalaki.

Dali-dali itong umalis at hindi man lang ito lumingon sa akin. Hindi ko magawang makapagsalita pero sigurado akong hindi multo ang nakita ko. Kinusot-gusot ko pa ang mata ko para makasiguro na si Clive nga ang nakita ko.

Pagdilat ko ulit ng aking mata, nawala na kaagad siya.

Tumakbo kaagad ako at hinanap siya sa paligid. Madaming taong nagsisidaan, wala akong nakitang mukha ni Clive. Hindi ko tuloy alam kung totoo ba ang nakita ko o guni-guni ko lamang, baka kamukha lang ng alaga ko ang nakita ko kanina.

Di pa rin maka-get over, tinungo ko ang kinaroroonan ng cp kong nahulog. Kinuha ko iyon at pinunas ang screen sa damit ko. Lumingon pa ako sa paligid na nagbabasakali na makita ko si Clive. Umaasa pa rin ako na buhay siya.

****

Pumasok ako sa isang computer shop at lumapit sa isang tindaan. Naabutan ko naman ang mga kabataan na naglalaro. Hindi ko maiwasang maalala dahil diyan ang alaga ko. Isa siyang gamer at paglalaro na ng computer ang kinalakihan nito.

"Magiging kasing galing din ako ni Kuya Ros." Narinig kong sabi ng isang kabataan na naglalaro.

"Pag bumalik ulit sa paglalaro si Kuya Ros, papaturo ako sa kanya ng mga tiknik. Alam ko balang araw magiging katulad ako sa kanya na magaling." Dagdag naman ng isa.

"Ano 'yon?"

Napalingon na lamang ako nang makarinig na may nagsalita. Nagulat na lamang ito ng makita ako.

"Kuya Diego!" Bulalas nito sa gulat nang makita ako.

"Kamusta?" Nakangiting sabi ko.

"Mario, nagluto ako ng adobo baka gusto mo---" sabi ng babaeng bagong dating. Natigilan ito nang makita ako halos nanlaki ang mga mata nito."D-diego? Ikaw ba 'yan?!" Bulalas nito.

"Martha, ikaw pala! Kamusta kana? Oo, ako ito. Hindi pa rin nagbabago." Nakangiting turan ko.

Lahat sila gulat na makita ako. Matagal din hindi ako nakauwi dito kaya sigurado malaki na rin pinagbago nila at malaki na ang anak ni Martha na inaanak ko.

To be continued...

Malapit na lumabas ang katauhan ni Ros/Clive.
Sino kaya unang makakakita sa kanya?
Abangan...

Continue lendo

Você também vai gostar

15.2K 570 77
How will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to bur...
467K 10.5K 54
• Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. • kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
45.6K 1.2K 30
Dahil sa isang misyon na kailangan mong gawin ay doon mo rin pala makikilala ang taong magpapatibok ng iyong puso. Aria Bailey at Creed Nicholson ay...