SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPL...

Od Vivacious_Jianli

85 5 0

This story is about a secret that had been kept for a decade but it was leaked because of an accident. What... Více

Synopsis
Chapter 1: Introduction
Chapter 2: Bartolome Family
Chapter 4: Welcome Home
Chapter 5: We meet again
Chapter 6: Disastrous Marriage
Chapter 7: The war
Chapter 8: Mysterious Visitor
Chapter 9: Hello My Dear Cousin
Chapter 10: A Pink Present
Chapter 11: Bet
Chapter 12: Confrontation
Chapter 13: Punishment
Chapter 14: Good terms
Chapter 15: Kidnapped
Chapter 16: Saved Or Not?
Chapter 17: Mission
Chapter 18: Christening
Chapter 19: Gossip
Chapter 20: Rumor
Chapter 21: Rumor ( Part 2 )
Chapter 22: Mess
Chapter 23: Look-alike
Chapter 24: The Revenge
Chapter 25: Mr. Hope
Chapter 26: Elise's Problem
Chapter 27: Shopping
Chapter 28: Bloody War
Chapter 29: Bloody War ( Part 2 )
Chapter 30: Depressed Elise
Epilogue
Special Chapter: Astrid Toussaint

Chapter 3: Commander

5 0 0
Od Vivacious_Jianli

"ISANG lalaki natagpuang patay sa ilog malapit sa lupa ng pamilyang Ferrer." Sabi ng babae sa news. Nandito kami sa Kitchen ina-antay si Grandpa na bumaba. Ang tagal na kasing maglakad ng matandang yun kaya konting tiis lang gutom. And speaking of my kuya, nasa harap ko siya katabi ko kasi si mommy while si kuya katabi niya si daddy. "Steven, Sky, hindi niyo ba babatiin si grandpa?" Bungad ni grandpa sa harap ko kaya napatili ako sa gulat.

"Scaredy-cat." Bulong ni kuya. "Tumahimik ka diyan kuya." Saway ko sakaniya. "Tama na yang bangayan niyo kumain na tayo. Masarap tong nakahain sa lamesa natin ah. Sinong nagluto?" Grandpa asked and I raised my right hand. He chuckled and said "Good. Very good. Keep it up apo, bakit ngaba hindi culinary ang kinuha mong course you could have studied abroad. Pwede sa Auguste Escoffier School of Culinary Arts, USA o dika sa France. Total mahilig ka namang magluto." Eto nanaman tayo, lolo kong paladesisyon ng buhay ng iba.

"Grandpa, hobby ko lang ang pagluluto ang gusto ko maging artista pero alam kong tutol kayo kaya nag Business Addministration nalang ako, iniisip ko kasi baka matuwa kayo pag yun ang kinuha kong course." I explained and he nodded. "Good decision, hindi gaya ng isa gagawa ng decision palpak naman." Agad namang nagsalita si daddy.

"Pa, patay na si Solene. Kalimutan mo nalang yung kamalian niya, wala na tayong magagawa diyan ih. Nandiyan na, hindi na natin mababago yan." My dad sighed. "Alright. Steven apo, kailan ka ba magpapakasal?" Agad namang napaubo si kuya kaya napatawa ako ng palihim. "Grandpa wala pa sa plano ko ang mag-asawa." He replied. Oh really kuya? Sino yung girl na kasama mo last week? Hmm... Something is fishy.

"No. Steven. Listen to me, malapit na akong mamatay. My only wish before I die is to have a great-grandson." Great-grandson mo yang mukha mo Lo, 25 pa si kuya ang aga pa. Ayoko pa magkaroon ng chikiting dito sa bahay. "Grandpa malamig na yung pagkain kain na tayo." Singit ko dahil alam ko ilang minuto nalang at sasabog na si kuya. Short-tempered kasi tong kuya ko ih daig pa ang babae.

"By the way Grandpa, I think the family Ferrer did kill the man. Did you hear the news?" Kuya asked while getting the viand near him. "Yeah, but we don't have anything to do with their mess. It's their own mess that should be cleaned themselves." He replied and stayed silent for the rest of the time after that.

WE are currently here sa canfeteria ng school namin because may klase malamang. May babaeng lumapit sa table namin at ngumiti ito kaya napataas ako ng kilay. Masyadong feeling close itong isang to ah.

"Jully, kumusta? Ikaw ha others ka na ha. Hindi mo na ako nakikilala, ako to si Nes Caitrin Roswel. Helloooo, ako to yung artista mong classmate nung High School." Bati niya sakin and to be honest hindi ko talaga siya nakikilala agad. Like, I just realized that siya pala yung palaging binubully dati dahil palaging antagonist yung roles niya sa mga palabas niya. Kahit ano mang ganda niya binabash parin siya ng mga kaklase namin dati.

"Wow! Nes ikaw na pala yarn? Ay bhe bet ko yang make-up mo. Sino may gawa niyan pwede kong mahiram sandali?" Tili ni Angela. "Wala paring nagbago sayo Angela. Well, let me introduce my make-up artist slash bff. Sorcha Yvaine Preobrazhensky." Inakbayan niya ang magandang babae na nasa likod niya. I think she's Filipino-Rusian dahil makikita mo lang talaga sa physical features niya. Agad niya namang siniko si Nes at napatawa lang ang kaibigan. "Make-up artist? Baka blinackmail mo! Hanep mo Cai. Ginawa mo pa talaga akong PA mo."

"Um, excuse me. Ms. Sorcha Yvaine Preovrazenski?" Nalilitong saad ni Angela. "Sorry, but its Preobrazhensky. Pero wag na yung last name ko alam kong nakakalito kaya Yva nalang." She smiled elegantly. "Gagi, bes ang ganda." Bulong ng babae sa kabilang table. "I like you guys na come join us." Rebecca invited them sa table namin kaya umupo sila. "Nakakahiya naman sa inyo." Yva said in a low voice. "Wag ka nang mahiya girl kami lang to." Elise said while opening her soft drink.

"Now guys—" Hindi natapos ang pagsasalita ni Rica nang may nagtitilian sa labas. Ano nanaman kaya to ang alam ko walang dapat na ipagtititili ngayon dahil busy ang mga popular guys sa pagpractice sa kaniya kaniyang varsities. May competition sila today. TODAY? Lagot! Nagpromise ako kay insan na ichecheer ko siya.

"Guys we have to go. Ngayon ang competition nila ni Calyx sa basketball game niya." Hinila ko si Elise at tumakbong papunta ng court nang may hindi sinasadyang naka banggaan ako. "Sorry I didn't mean to--" hindi ako pinatapos nung nakabangga kong lalaki sa lobby. "Pwede ba miss tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw niya sakin.

"Nagsosorry na nga ako diba?!" Sigaw ko rin sa kaniya. Sino siya para sigawan ako? "Bro matapang siya, ni hindi man lang siya natakot sayo." Bulong nung isa sa mga kasama niya.

"Alam niyo na kung anong gagawin sa mga gaya niya." I saw him smirked tapos umalis na siya. Aba kung inaakala niyang matatakot niya ako pwes nagkakamali siya.

"Miss sumama ka samin." Sabay hila nung isa sakin. "Ayoko nga." Pagpupumiglas ko. "Ano ba miss paparusahan ka lang namin dahil wala kang respeto sa commander namin."
Commander? Paparusahan? Bakit?

Habang hinihila ako nung isa ay nagpupumiglas parin ako. "Ayoko sumama sainyo." Pilit kong inaalis yung kamay niya sa wrist ko pero sadyang mas malakas pa siya sakin. "Bitawan niyo kaibigan ko!" Sigaw ni Elise."Sorry Ms. Cute pero di namin pwedeng bitawan tong kaibigan niyo may kasalanan to kay commander." Paliwanag nung nasa right side ko.

"Wala kaming paki diyan sa commander niyo ang sa amin lang bitawan niyo si Sky!" Galit na sabi ni Angela. Aba saan ba galing ang mga babaitang to at ang tagal dumating. "Oo nga bitawan niyo yan kung ayaw niyong masaktan." Pagbabanta ni Rica sakanila.

"Hahaha seryoso? Babae kayang mambugbug ng lalaki?" Tawa nung nasa tabi nung sa right side ko. "Oo kung ayaw niyong bitawan si Sky kawawa kayo kay Rica." Paliwanag ni Angel habang inaayos yung mahaba niyang buhok.

"Kung ayaw niyong bitawan si Sky mapipilitan akong bugbugin kayo." Gigil na sabi ni Rica. Hehehe kung nagtataka kayo kung bakit ang tapang ni Rica, marunong kasi yan ng karate. "Wag kanang makipag bakbakan sa mga ugok na yan Rica isumbong nalang natin sila sa Principal." Nanginginig na sabi ni Isabella.

"Ayoko nga, kaya stay still and be quiet here Isabella Jhae Gonzales!" Makikita ko sa  mga mata ni Rica na galit na  talaga siya lalo na't tinawag niya yung full name ni Isabella. "Pasensiya na Miss Rica wala kaming oras sayo." Hihilahin na sana ako nung lalaking humila sakin ng magsalita si Danica.

"Bitawan niyo si Sky kundi malilintikan kayo samin! Oo babae kami kaya para sa inyo mahihina kami, pero tandaan niyo we are unique compared to those bitches dito sa lobby." Pataray niyang sabi ng walang bahid ng emosyon. "Ano gagawin natin Dave? Nauubos na  pasensiya ko sa mga babaeng to?!" Gigil na sabi nung nasa left side ko.

"Patulan niyo." Sabi nung Dave. "Pero bro babae sila?" Singit nung isa sa likod ko. "Wala akong paki kung babae man sila." Dave added.

"Sinong mauuna?" Rica grinned her teeth. "Miss Rica sorry pero kailangan kong gawi--" she quickly kicked his precious and punched him continuously. "Ouch." Sabi niya naman. "Wow" sabi nung mga tao sa lobby. Ng  biglang dumating yung isang teacher.

"Students stop. And kayo boys pati na rin kayo girls sumama kayo sakin sa principals office!" Galit na sabi nung teacher. Kaya sumunod kami sa teacher dun sa principals office.

Pagkapasok namin dun ay kitang kita ko na yung pagiging strict nung principal namin siya si Mr. Ramirez. "Anong sadya niyo?" Napataas ng kilay si Mr. Ramirez. "Mr. Ramirez I saw this students at the lobby, they are fighting." Paliwanag nung teacher.

Hayss ano ba yan Sky ang aga-aga gulo na agad bumungad sayo, Principal's office agad inabot niyo. Pero ayos lang sanay naman kami. Ilang beses na kaming palipat lipat ng school dahil nga makukulit kaming siyam. Ayaw kaming tanggapin nung ibang schools dahil sa records namin. Kaya eto no choice nasa school nila ni Rica.

Tama ang nabasa niyo pagmamay ari to nila ni Rica. Daddy niya yung Chairman dito. "Really? Ngayong may big competition that is held in our school right now? Ladies explain. These boys are our guests." Nagtatakang tanong ni Mr. Ramirez.

"Tell me what exactly happened?" Tanong ni Mr. Ramirez. "Ganito kasi yun Mr. Ramirez pagkatapos naming mag Cr nakita namin si Sky na binubully nitong mga to!" Turo ni Rica kay Dave. Hehe bukod sa matapang madaldal din tong si Rica.

"I see, so these guys are the bullies." Sabi ni Mr. Ramirez. "Continue." He added. "Pinagsasabihan namin silang bitawan si Sky pero di sila naniniwala." Dagdag ni Elise. "They even told us weak." Danica said coldly.

"What! We? Called you weak?!" Singit nung isa. "Oo tinawag niyo naman talaga kaming weak ih!" Sambat ni Angela. "Students stop, calm down ok." Tigil nung teacher. "Let these girls speak tapos kayo naman yung susunod na mageexplain boys." Sabi ni Mr. Ramirez.

"Blee.." panunukso si Elise sakanila. Nakita ko kung pano kasama yung titig nila kay Elise. "Ganito yun Mr. Ramirez pinatulan nila kami mabuti nalang at marunong akong mag self defense." Paliwanag ni Rica.

"Kaya pala mangiyak ngiyak si Mr. Kendrick Sison" Mr. Ramirez said. "Hahahaha" tawa ni Rica. Kaya sumama yung tingin nung Kendrick kay Rica. "Bakit kayo binubully ng mga boys nato?" Tanong ni Mr. Ramirez. "Correction Mr. Ramirez ako lang po yung binully." Singit ko.

"Why?" He said. "May kasalanan daw ako sa commander nila." Paliwanag ko. "Same problem last year." Mr. Ramirez sighed. "Kailan ba kayo titino boys?" He added. Teka wait so it means kilala niya tong mga gagong to?

"Steven, tell Hanz to come here in the office I need to see the twelve of you." Utos niya sa lalaking nagsabi kanina ng "Pero bro babae sila?" Mabait naman tong isang to ih. "Yes Mr. Ramirez." He replied.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

165K 3.8K 63
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
28.8M 915K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
103K 1.4K 51
𝐈𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐭𝐨 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 , 𝐀𝐚𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐰 𝐢𝐧 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞, 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐬𝐡𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐬𝐡...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...