Sunsets: Loving You; My Escap...

By thegreathelios

7.6K 238 60

Amariah Rylie Castillo the eldest daughter and pressured by his father. Her life was living in misery and for... More

Note
Prologus
Capitulum 1
Capitulum 2
Capitulum 3
Capitulum 4
Capitulum 5
Capitulum 6
Capitulum 7
Capitulum 8
Capitulum 10
Capitulum 11
Capitulum 12
Capitulum 13
Capitulum 14
Capitulum 15
Capitulum 16
Capitulum 17
Capitulum 18
Capitulum 19
Capitulum 20
Capitulum 21
Capitulum 22
Synesthesia
Heaven Knows
Characters

Capitulum 9

172 8 7
By thegreathelios

It's already 10 p.m and the heck! Nag b-browse pa rin ako sa internet kung ano pwedeng gawin. I sigh because of frustration, do I really need to do this? Where in fact ito naman gusto ko?

Gusto mo nga ba? I brushed out my thoughts.

An Idea crossed my mind, first, I need to sleep and wake up early. Tinanggal ko na ang reading glass ko at minasahe ang ulo ko, tumayo na ako at pumunta sa higaan ko para humiga.

“Ay!” takbo ko palayo sa kalan, naka full gear na ako baka mapagkamalan akong sundalo rito.

“Great, bakit kasi pritong isda ang naisip mo, Amariah?” I said to myself, kada talsik ng mantika ay siya rin ang takbo ko papalayo.

“Ay, magnanakaw!” sabi ng nasa likuran ko, si Nanang pala.

“Nang, hindi ako magnanakaw, ako ‘to si Amariah.” Sabi ko, nakakunot lang ang noo niya.

“Huwag mo akong lokohin, hindi siraulo ang anak ko!” nabigla ako sa sinabi niya, tinanggal ko ang helmet ko.

“Dios mio, ano bakit ka naman naka helmet at kapote, anak?” tanong niya? Napakamot ako sa batok ko.

“Nagluluto kasi ako, Nang.” Tinignan naman niya ang niluluto ko.

“Marunong ka pala magluto ng giniling, Anak.” Giniling?

“Isda po ‘yan.” I said.

“Bakit naman lasog-lasog at bakit ka nagluluto?” tanong niya

“Eh, secret.” Nahihiyang sambit ko.

“Pumapag ibig na pala ang alaga ko.” Pang aasar niya sa akin.

“Nang! Hindi noh, peace offering lang.” Tumawa siya ng mahina habang ako gusto na lumubog sa kahihiyan.

“Osiya, pero bakit isda? Lagyan mo naman ng effort.” Sabi sa akin ni Nanang.

“Yan po pumasok sa isip ko e.”

“Maupo ka nalang at ako na ang gagawa.” Sabi niya

“Huwag na po, tulungan niyo nalang po ako.” Sabi ko at tumango siya.

Natapos na kami sa pagluluto at hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa gawa ko, first time, huh. Naghahanda na ako ng pagkain sa dining room namin at hinihintay nalang mga kapatid ko, nakaligo na rin ako.

Ilang minuto rin at bumaba na rin sila.

“Good Morning ate! Wow, ikaw po ang nagluto?” Tanong ni Moon sa akin na parang namamangha sa nakikita. I nodded and smile.

“Oo, sige na, maupo na kayo baka ma-late pa kayo.” Sabi ko at nag unahan silang maupo, cute.

★★★

“Ingat ka po, ate! Labyu!” sabi sa akin nung dalawa, nag flying kiss pa.

“I love you too, kayo rin, hmm?” they nodded at sumakay na sa sasakyan. Tumungo na rin ako sa sasakyan ko at nagmaneho.

“Good Morning, Amsissy!” bati sa akin ni Reese at niyakap ako.

“Good Morning too, Reese.” At binigyan siya ng isang ngiti.

“Omg, himala ba ‘to? Hindi ka badtrip ngayon? Totoo pala ang himala!”

“Shut up!” I said at nanahimik siya, nakita ko tumingin siya sa hawak ko kaya agad kong tinago sa likuran ko.

“Tago pa, kala mo hindi ko nakita.” I rolled my eyes.

“Congrats, may mata ka.”

Dumating na rin si Haven at agad nag middle finger sa amin kaya ginantihan ko rin.

“Good Morning mga hangal!” bati niya sabay binatukan si Reese, sinmaan naman niya ng tingin si Haven.

Nagkwentuhan muna sila habang ako may hinihintay, pagkaraan ng ilang minuto nakita kong pumasok na siya.

“Ehem,” pag tikhim nung isa.

“What?”

“Wala, sige tignan mo na, nakakahiya naman.” Sabi niya, minsan ang sarap din nito hambalusin.

“Ano muna ‘yang dala mo?” tanong niya.

“Fine, pambawi ko sa kaniya.” Sabi ko at sumilay ang ngisi sa labi niya.

“Pangalawang himala na ‘to.” Napailing nalang ako at pumasok na kami, siguro mamayang lunch nalang.

“I thought ibibigay mo ‘yan?” tanong sa akin ni Haven.

“Chill, wala pa nga siya.” Sabi ko.

“Akin nalang!” singit naman nung isa.

“Magluto ka nga!”

“Pst, tingin ka sa likod mo, sila uli.” Tumingin naman ako at nakita ko uli silang dalawa, may lahi bang linta at dikit nang dikit ‘yong isa?

“Ops, naunahan ka nanaman.” Asar ni Reese kaya inirapan ko siya.

“Kami na bahala sa lalaki, go get your girl!”  sabi ni Haven, mga baliw talaga. Pagkaupo nilang dalawa pinilit akong tumayo nung dalawa kaya wala akong choice kung hindi gawin nalang.

Tumayo ako at nilapitan sila, bigla ko siyang hinila paalis at akma akong pipigilan ng lalaki nang lumapit ang dalawa at pinigilan siyang tumayo, buti hindi na siya nag pupumiglas.

Nakarating kami sa garden nang huminto kami at bitawan siya.

“Argh, what's your problem ba?” Angil niya.

“Who’s that guy?” tanong ko.

“And why? Hindi ba ayaw mo?”

“Fine, here maupo muna tayo.” Buti hindi na siya kumontra.

“So? Ano kailangan mo?” walang gana niyang tanong.

“Gusto ko bumawi, here niluto ko pala.” Sabi ko at nahihiyang inabot sa kaniya.

"I don't need that.” Pagtanggi niya sabay tumingin sa malayo.

“Please? Take this.” Pagpupumilit ko.

“Argh, fine akin na nga, pero hindi pa rin tayo okay, asa ka!” I chuckled, she's cute, parang nagwawalang minion.

“Totoo ba na tumawa ka?” binalik ko naman sa pagiging seryoso ng ekspresiyon ko.

“Kumain ka na nga lang.”

“Adobo, vegetables salad and dried fruits.” Nakita kong nag ningning mata niya.

“May I see your hands?” tanong niya at nag aalangan na ipakita ko pero tinaasan ako ng kilay kaya wala akong nagawa kung hindi ipakita.

“Napaso ka pa tuloy, pahiram mo ng cream pag uwi.” Sabi niya, hindi ko maiwasan mapatingin sa kaniya habang nakatingin siya sa kamay ko at pinagsasabihan ako.

Her pinkish thin lips, she's dazzlingly beautiful.

“Are you even listening?” She interrupted me kaya nawala ang iniisip ko, my goodness, Amariah.

“Y-yeah, here, kain na us.” Yaya ko, pinauna ko na siyang kumain, ang cute ng pisngi niya parang squirrel, nag e-expand.

“So?” kinakabahan ako, paano kung hindi niya magustuhan?

“Hmmm, pwede na.” Sabi niya at ngumiti sa akin, I can't help but to smile too.

“Mas bagay sa‘yo ngumiti.” Sabi niya pa at ramdam kong namumula pisngi ko.

“Shut up, kumain ka nalang!”

“And sorry pala kung hindi ako nakapunta, nakatulog kasi ako kaya late ko na nabasa message mo.” I added.

“Okay lang, hindi naman ako pwede mag demand.” Sabi niya, kaya agad akong nakaramdam ng lungkot.

“Babawi ako.” Sabi ko at ngumiti sa kaniya, hindi ko alam pero komportable ako sa kaniya ipakita ang hindi ko pinapakita sa iba, there's something inside of me.

“Fine, I’ll give you a chance.” Sabi niya at nginitian din ako, ang sarap pisilin ng pisngi niya.

“And last, huwag kana sumama sa lalaking ‘yon, sa akin kana sumabay, I’m still your girlfriend—kahit d-deal lang. May karapatan ako, okay?” I said. Nakita kong ngumiti siya ng pilit.

“Oo nga pala.” Sabi niya na medyo dismayado, at nagpatuloy kumain, napansin kong malalim ang iniisip niya.

“Hey, hindi ka ba hahanapin after class?” tanong ko.

“Hindi naman.” Sagot niya.

“Good, hinatayin kita pagtapos na ng klase.”

“Saan naman tayo?”

“Secret, basta mamaya.”

★★★

Nandito ako banda sa gate at hinihintay siya, ang tagal. Ilang minuto nakita ko na rin siya papalapit.

“Hey,” bati niya at kinawayan ako.

“Let’s go?” tumango siya at papunta na kami sa parking lot.

“Okay lang ba sa‘yo kahit motor?” tanong ko.

“Yes, mukhang masaya.” She said, I guided her hands sa waist ko para yumakap siya sa akin, ito nanaman ang puso ko.

Naramdaman kong sinandal niya ang ulo niya sa likod ko at mas lalong humigpit ang yakap niya.

“I love your smell, I feel safe.” Sabi niya, I smiled kahit alam kong hindi niya kita.

“Aight, wag kang bumitaw ah?” sabi ko.

“Hinding hindi ako bibitaw.” sabi niya pa, sana hindi siya magsisi.


“Bwisit ka! Akala ko last ko na ngayon, nakakainis!” reklamo niya kaya tumawa ako.

“What’s funny?”

“Ang cute mo magalit parang height mo.” Sabi ko at mas lalong sumama timpla ng mukha niya.

“Ewan ko sa‘yo at ano ginagawa natin sa park?” naglalakad kami papunta sa favorite spot ko.

“Tatalon,” sagot ko I heard she muttered pilosopo.

“Doon tayo,” turo ko at hinatak siya, inalalayan ko siyang umupo sa ilalim ng puno, tahimik lang kaming nanonood sa mga bata na naglalaro.

“I didn't mean maging gano’n sa‘yo, sorry.” Basag ko sa katahimikan.

“It’s fine,” sabi niya.

“Bakit ang bilis mo naman magpatawad?” tanong ko.

“Wala naman ako magagawa kung magtatanim ako ng galit sa‘yo. Life is too short, you know?” Sagot niya habang nakatingin pa rin sa mga bata, nakatitig lang ako sa kaniya. Napansin kong lumalakas ang hangin kaya hinubad ko ang jacket ko at binigay sa kaniya, nakita kong nabigla siya pero ngumiti at nagpasalamat.

“Gusto ko lang sabihin na gusto ko pa rin ituloy ‘yong deal.” Sabi ko at tumango lang siya. Ewan ko pero kahit hindi siya masyadong nagsasalita pero nagugustuhan ko pa rin ang katahimikan, sumilay ang ngiti sa labi niya.

“Let's make our 3 months memorable.” Sabi ko at tumingin na rin siya sa akin, walang anu-ano’y niyakap niya ako, I caress her back and smile. She rested her chin on my shoulders.

“I would love too.” Mahinang sambit niya, nagpatuloy kaming ganoon hanggang siya na ang kumalas. Marami kaming ginawa, kumain at nakipaglaro sa mga bata.

“Thank you pala.” Sabi niya, hinatid ko siya pauwi.

“Gusto ko bumawi,” sabi ko, nilapitan niya ako at hinalikan ang pisngi ko, natulala ako.

“Take care,” the last I heard bago siya naglakad paalis.

What was that?

Continue Reading

You'll Also Like

3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
14.5K 566 9
Rich series #2 (Staicy and sam's story.) Staicy aliyah quihano, you can say that she's a playgirl, she's pretty, cool, and rich. Staicy is an open le...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
9.1K 807 10
River Grey Montecarlo * Vega Astrophile Howard