Lost In The Weather (Lusiento...

Oleh Ayanna_lhi

2.1K 101 15

When Thalia Channel Lastimosa found out that Yijin Lorenzo- the almost perfect guy everyone is dreaming of ha... Lebih Banyak

YANNA
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE

CHAPTER 08

33 1 0
Oleh Ayanna_lhi

CHAPTER 08 | Ratings |

I hate it that I’m the type of girl who easily fall for someone. Konting pakita ng motibo, konting pagpapakita ng mga kind gestures nahuhulog na agad ako. It sucks to fall easily, kasi ako rin ‘yung tao na madaling iwan ng lahat.

When I first saw Cruzel wala akong pake sa kanya, I can’t even vividly remember the first time I saw him. The first time I saw him was not memorable at all, but when he started to show his feelings to me, I easily gave in. . .  instantly he became a relevant person to me. Naging mahagala siya sa ‘kin, at sa bawat araw na pakikipag-usap ko sa kanya unti-unti sa loob ko ay nahuhulog para sa kanya. Unti-unti ay nagkaroon siya ng espasyo sa puso ko na para lamang sa mga mahahalagang tao.

But in the end. . . it was easy for him to let go of me. Kung saan may parte na siya sa ‘kin, pinili niya namang umalis.

The same to what happened to my ex. He’s not that relevant to me at first, it was not, I like him at first sight. I just started to develop feelings for him when he showed his motive to me after a confession. By then, I gave a space in my heart for him. Pero sa huli, napagod lang din siya.

I don’t like it that I’m easy to please, pakiramdam ko ang babaw kong tao. Konti at simpleng bagay ang dali kong matuwa.

Writer ako kaya dapat malalim akong tao, marami akong alam sa kwento at daloy ng buhay kaya dapat hindi ako madaling magtiwala sa mga sitwasyon. I hate it pero hindi ako gano’ng klase ng tao, mababaw ako.

Life is full of turning events, may plot twist ang lahat, gustohin mo man o hindi. Alam ko ‘yon but. . . I just can’t stop myself and my feelings in making impulsive acts and desisyon.

Everyone expects me to be a mature person, but deep inside my heart. . . there’s an innocent, full of empathy, and easy to please Thalia Channel.

“If you’re going to rate Yijin from one to ten base on your standard, ilan siya?” Everyone roared their laughs.

Isang malalim naman na buntonghininga ang pinakawalan ko. Ito na naman po tayo! Kailan ba talaga sila titigil? Alam kong katuwaan lang ang lahat ng mga pang-aasar nila sa ‘min ni Yijin pero. . . this past few days, hindi na ‘ko natutuwa sa nararamdaman ko.

Natatakot na ‘ko sa nararamdaman ko. Alam ko kasi kung anong klase akong tao. Madali akong mahulog.

Napatingin ako kay Yijin, nakangisi lang siya. Hindi ko mabasa sa mga mata niya kung nakikisakay lang ba siya sa mga biro nila o may ibang rason kung bakit gan’yan ang ngiti niya.

Nahihiya akong napayuko. Alam ko kung ano ang eri-rate ko kay Yijin. Pero alam ko rin na mapupuno lang ng asaran, I don’t want to add fuel in this fire.

“Ba’t naman gan’yan tanong n’yo!” nahihiya kong ani. I’m really embarrassed, alam kong wala namang dapat malisya ang ratings ko sa kanya pero alam ko na ang mangyayari.

“Sige na, that’s just a question,” Seri urged me. Oh, gosh. . . I’m really worried for myself. My chest started to hammered fast. My mind is busy battling wether I’m going to answer the question or not.

“Mang-aasar lang kayo eh,” ani ko sabay tingin kay Yijin. May mumunti siyang ngiti sa mga labi niya.

“Ay, ayaw sabihin. Alam ko na yata ‘yan, eh?”

“Rate mo lang naman siya, sige na!” pamimilit nila.

“Bakit ko naman kasi eri-rate si, Yijin?”

“Wala nga lang! Sige na ano na?” Hindi ko alam, nae-stress na ‘ko sa kanila. Nae-stress na rin ako sa sarili ko kasi. . . ang hirap aminin at sabihin pero. . . noong una biro-biro lang naman sa ‘kin st sa ‘min ‘yung pang-aasar nila sa ‘min ni Yijin kaya nakikisakay na lang ako at natatawa.

Pero lately, hindi ko na alam kung bakit tila. . . nagugustohan ko na ang pang-aasar nila sa ‘min ni Yijin. Parang may demonyo sa utak ko na nagsasabing, sige asarin n’yo pa kami kasi natutuwa ang puso ko!

I’m really embarrassed to admit it to myself pero ‘yon ang totoo. Minsan ay nahuhuli ko na lang ang sarili na nahuhulog sa malalim na pag-iisip kaiisip sa kanya. . . I’m actually considering something for Yijin.

Alam kong delikado na ‘ko. Ito na naman ako, ang dali-dali ko na namang mahulog. Right now. . . I’m really confused, kung ano ba ‘tong nararamdaman ko para sa kanya. Kung dahil lang ba ‘to sa pang-aasar nila o dahil. . . iba na.

Oo, natutuwa na ‘ko sa mga pang-aasar nila, huwag lang nila akong tatanongin ng mga ganitong bagay.

“Kung eri-rate mo nga si, Yijin ilan?” Gusto ko na lang tumalon ng building.

Pwede ko bang isako ang mga kaibigan ko ngayon?

“Bakit ba kasi ‘yan ‘yung mga tanong n’yo!” may halong inis at kaba kong ani. “Ano. . . ten.” There, I said it. Iyon naman talaga ang totoo, para na rin matigil sila.

Yijin is a perfect ten for me. You can’t find someone else like him, halos nasa kanya na kasi ang lahat. And that’s a fact! Kahit sino naman yata ang tanongin ’yon ang isasagot.

Lahat sila ay napahiyaw sa sagot ko, alam ko naman na iyon ang hinihintay nila. Iyon ang gusto nilang sabihin ko.

“Uy, baka magpakasal na lang kayo bigla, ah!”

“Akong bahala sa letchon!”

“Huwag n’yo kaming kalilimutan kapag ikinasal na kayo!” Muntik pa ‘kong mabuwal sa kinatatayuan ko dahil sa pang-aasar nila.

Napailing na lang ako at tahimik na napabuntonghininga, hindi na talaga matatahimik ang buhay ko rito.

“Yijin, perfect ten daw, oh! Kilig ka na niyan?”

“Naku, baka hindi makatulog nang maayos si, Yijin mamaya. Problema ‘to, nonstop niya ‘kong kakausapin niyan,” ani ng pinsan niyang si Rio.

“Huh? Baka gusto mong magkulong na lang sa inyo?” ganti naman ni Yijin sa kanya.

“Sino nga ‘yung nagsabi na crush niya si ano pagbaba niya galing sa trycycle?” pagpaparinig sa kanya ni Rio. Nakita ko naman kung paano niya sinamaan ng tingin ni Yijin.

“Baka gusto mo ng scotchtape pantapal sa bibig mo?” ani Yijin. Agad naman siyang inasar ng mga kasama namin. Ang ingay-ingay nila!

Naging abala na naman ako sa school ko dahil sa sunod-sunod naming oral recitation sa MIL. Sunod-sunod din ang pa-reporting ng mga teachers namin.

Isa pa sa nagpapasakit ng ulo ko ay ang Practical Research na may balak yatang baliwin kami. Nakakapagod ang Senior High grabe, lalo na kapag graduating! Imbes na mabawasan ang mga activities at projects namin, araw-araw ay nadadagdagan.

Weekdays ko ginagawa lahat ng trabaho ko sa school kahit na minsan ay wala na ‘kong tulog. Gusto kong taposin agad para puros pahinga na lang ako pagdating ng Sabado at Linggo. Iyon din ang mga araw na present ako sa simbahan, feeling ko kapag nasa simbahan ako ay lagi akong nakakapagpahinga kahit na may mga church activities din kami na exhausting.

I attentively listen to the speaker, kasisimula niya palang at mukhang interesting ang topic niya.

“Ngayon ay may gusto akong ipagawa sa inyo, meron akong dalawang cards dito at gusto kong hawakan n’yo ito isa-isa.” He showed us the card, ‘yong isa ay may nakasulat na sorry. ‘Yung isa naman ay thank you.

“Bawat isa sa inyo, hahawakan n’yo itong cards. Kapag thank you, sasabihin n’yo kung ano ‘yung mga ipinagpapasalamat n’yo. Kapag naman sorry, sabihin n’yo kung ano ang gusto n’yong ihingi ng tawad. Lahat kayo ay magpa-participate.”

Medyo malayo ako kaya obviously, hindi ako ang mauuna.

“Thank you kasi tinulongan n’yo kong gawin ‘yung pending school works ko kahapon. Thank you sa patience at pagmamahal n’yo. At sorry kung. . . sorry kung minsan ang kulit ko at naiingayan na kayo sa ‘kin.” Nagtawanan kami sa sinabi ng kasama namin. Pinasa niya ang cards sa katabi niyang si Seri.

“Ahm, thank you sa pananatili sa buhay ko. Thank you kasi ang bubuti n’yong kaibigan minsan. Thank you sa pagmamahal, at sorry dahil. . . uhm ano nga ba?”

Habang nagsasalita si Seri ay nag-iisip na ‘ko ng sasabihin ko. Marami akong pasasalamat sa kanila pero wala akong maisip na dapat kong ihingi ng tawad. Ewan ko, kasi alam kong naging mabait ako sa kanilang lahat at wala akong nakaaway.

They continue saying their thank you’s and sorry. Mas lalo kong na-appreciate ang activity na ‘to kasi mas nagiging open kami sa isa’t isa, mas nagiging vocal kami at I know that it will strengthen each one of us.

They continued speaking up hanggang sa mapasa kay Yijin ang cards. Natahimik agad kaming lahat dahil pagdating sa ganito, alam namin na si Yijin ang pinakaseryoso.

“Thankful ako sa Dios kasi pinakilala niya kayo sa ‘kin. Thank you for just simply being here beside me. Thank you for giving me inspiration and making me cherish each day. At sorry dahil. . . wala akong maisip.” Natawa siya kaya natawa rin kami. Right, ang hirap mag-isip ng dapat na ihingi ng tawad pero alam kong marami iyon. As a person, we have short comings. Active kami sa church but that doesn’t mean that we’re perfect.

Nagpatuloy ang pagpasa-pasahan ng cards hanggang sa makarating sa ‘kin. Lahat sila ay nasa akin na ang attensyon dahil ako na ang magsasalita. May mumunting ingay dahil may ibang nag-uusap pero ayos lang.

“Thank you sa inyong lahat kasi naging kaibigan ko kayo, thank you for the friendship and relationship we have and we’ll have. Isa kayo sa mga inspiration ko sa buhay and thankful ako para roon. Thank you sa lahat-lahat ng efforts n’yo at warm welcome para sa ‘kin at sorry dahil. . .” Nag-isip ako. Wala talaga akong maihingi ng tawad, eh. “Hindi ko alam, wala akong maisip sa sorry,” natatawa kong ani.

“Sorry kasi. . .” Bigla kaming nagkatinginan ni Yijin nang biglang mapunta sa pwesto niya ang mga mata ko. It distracted me, hindi ko alam kung bakit nakangisi siya at tila may inaabangan mula sa ‘kin. “Sorry kasi. . .” I struggled habang nakatingin pa rin kay Yijin. His eyes are gleaming when he suddenly spoke as if he’s my spokesperson.

“Sorry kasi hindi ako nangka-crush back,” aniya sabay tawa. My eyes immediately widened. Natatawa siya kaya natawa rin ako ng bahagya. My eyes really widened!

Umabot pa ng ilang segundo bago ko na-realize ang sinabi niya. I gave him a meanicing look, his tone is joking when he said that kaya alam kong nagbibiro lang siya. Pero ang sinabi niyang iyon. . .

Gusto ko siyang ituro at para biruin siya pero gulat talaga ako sa sinabi niya at the same time natatawa ako.

The good thing is that, no one heard that. Kung hindi pupunuin na naman kami ng asaran. Mabuti na lang at naging abala ang mga tao sa pag-uusap nang bigla niyang sabihin ‘yon.

Wait, is he bothered that I didn’t crush him back?

The lesson ended with a learning that we should not be afraid of being vocal of our feelings. Words means a lot. It can boost a person and will help them appreciate theirselves more.

Simple thank you, simple sorry, simple words of acknowledgement means a lot.  Simple things when gathered together are powerful.

I love our topic, I realized a lot of things. These words, they are very common. . . we always hear these words and it's always applicable to say in our daily lives. Saying these words to someone should be normalize, saying these to anyone should be bare minimum.

Libre ang mga salitang sorry at thank you. Walang mawawala sa 'tin kapag palagi nating sinasabi ang mga salitang iyon. We should say sorry to everyone even in our little mistakes, if we accidentally bumped someone we should say sorry, if we're late we should say sorry. If someone showed us kindness we should say thank you, even in a usual day, we should say thank you to someone because they are with you, we should say thank you to show our appreciation and gratitude to someone.

Thank you and sorry. Those words are unlimited, but our time to say those words are limited.

Saying those words to someone brings a great impact, a simple means of being sensitive can give peace to someone. Our simple thank you can uplift, our sorry can heal.

Kumakain kami ng snack nang bigla na lang magtanong sa ‘kin ang isa naming leader. I’ve known him for years and I really appreciate and respect him as a person. Tinitingala ko siya sa mga bagay-bagay, every words he’ll teach us leaves a special place in my heart.

“Chantal, totoo ba ‘yon na may crush si, Yijin sa ‘yo?” My eyes widened with his question. Alam ko naman na mapang-asar talaga siya, kaya nga niya ka-vibe ang mga youth na tulad namin. I didn’t expect he will asked me that!

“Po!” gulat kong ani. Muntik pa ‘kong mabulonan sa kinakain kong tinapay.

Mabilis ang tainga ng mga kaibigan ko, agad nilang narinig iyon kaya nakisali sila sa usapan at pang-aasar sa ‘kin. Ito na naman tayo!

“Sabi kasi nila, may crush daw si, Yijin sa ‘yo? Totoo ba ‘yon?” natatawang aniya. Hindi ko alam kung bakit ako ang tinatanong niya eh, nasa tabi lang naman niya si Yijin.

Malay ko sa feelings ni Yijin!

I know indirectly na umamin si Yijin pero nakakahiya namang sabihin na totoo ‘yon. Saka sabi dati pa ‘yon, ang kapal naman ng mukha ko kapag sinabi kong totoo ‘yon.

Kapag sinabi ko namang ewan, parang gano’n din.

I’m busy contemplating on my mind what to answer nang magkatitigan ulit kami ni Yijin.

“Hindi po ‘yon totoo,” I denied.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

168K 4K 35
Baguio Entry #3 [Completed] Desiree Solaina Pascual student from University of Sto.Thomas: a "ghoster" decided to transfer at Saint Louis University...
1.5K 425 22
HEAVENLY BODIES SERIES #1 What happens when the daughter of a well-known doctor meets a rich boy who has a rare disease that has no cure? When their...