Her Golden Strings

Autorstwa pampamelalulaeigh

35 3 0

Living life in luxury is not always rainbows and butterflies, what lies beneath Mia's well-off life is a ter... Więcej

Disclaimer
PROLOGUE
2

1

11 1 0
Autorstwa pampamelalulaeigh

                              Meeting Him

Mia:

"Hah... What a life..", I said while looking at the trees outside the car window.

I'll be meeting my fiancé at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ako naeexcite dahil hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam kung ano ang pag-uugali niya.

"Mackenzie, yesterday was your 18th birthday, I expect you to be mature enough and not let this arrangement be ruined. Be nice to your fiancé when you meet him", Daddy said while looking directly on the road sabay tinitignan ang mga papeles na binigay sa kanya ni Secretary Lee. Na siya ring nag d-drive ngayon samin papunta sa bahay ng mga Montehermoso.

"Yes Dad", pasimple akong sumulyap muli sa labas. Tumagal ang ilang minuto at huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.

While looking outside the window, I saw a girl painting on the balcony of the house. I was staring at her at hindi ko maipagkakaila na maganda siya.

"I guess this is the young and last child of  Senator Montehermoso", I said to myself.

She had a long brown hair, long lashes, light brown eyes, cheeks with freckles, pinkish lips. I was still staring at her hanggang mapunta ang tingin ko sa katawan niya.

At a young age, I can see that she has really nice body proportions. Napansin niya atang may nakatitig sa kanya kaya tumingin siya sa gawi ng sasakayan.

Our car was tinted so I couldn't care less if she was staring from this angle.

"Mackenzie, let's go", tawag ni dad and I obliged.

Marahan akong bumaba sa sasakyan. Ngayon ay mas nakita ko nang malinaw at buo ang bahay. It was beautiful. Parang pinaghalong modern at European style ang exterior ng bahay. What can I say, they have the blood of the Spaniards. I bet this was inspired from their hometown.

The girl looked at me. From the way I see it, I think she was curious who I was... I just smiled at her pero iniwas niya agad ang tingin niya sa akin.

We were welcomed by a maid. Mas lalo akong napamangha sa interior design ng bahay na ito. It was the same design as their exterior, pinaghalong modern at European.

"Ah! Mr. Valmorida! We've been expecting you! Please.. please have a sit!", mainit na bungad sa amin ni Senator Montehermoso.

"It is nice seeing you Senator", nakangiting bati naman ni daddy.

The senator sat on the single couch and crossed his legs while holding a tobacco on his right hand and a glass of red wine on the other.

Napaubo ako saglit, hindi ako sanay sa amoy ng usok kaya napatingin sakin si daddy.

"Uh.. Mr. Montehermoso, I think its best if you continue your tobacco later. My daughter here is not used to smoke".

"Oh is that so?", He cleared his throat as he soaked the tobacco from his ash tray.

"So about the arrangement..", he said at sumimsim ng wine. "Why don't we talk it over dinner? I'll also have my sons and daughter join us", nakangiting sabi niya at agad namang tumango si daddy.

Muli kong nilibot ang tingin ko sa bahay at napatigil ito nang makita ang babae, napatingin din siya sakin then she hurriedly ran upstairs.

Nagkibit balikat na lang ako while eavesdropping from the conversation of daddy and Secretary Lim.

"Yeonsu, cancel this meeting tomorrow morning. I need to plan the engagement with Senator Montehermoso, move it to thursday since I won't be occupied at that day"

"Yes sir, will do. I'll let you know if the investors are free at that day". Ani niya at lumabas ng bahay para tawagan ang mga kliyente.

Pumasok ang isang maid "Señor, la cena está lista".

[Sir, the dinner is ready]

"¿De verdad? Ok, entonces llama a Benjamin y Thadeo". Tumango na lamang ang maid.

[Oh really? Ok then call Benjamin and Thadeo]

He guided us to their dining area. Ang ganda at elegante tignan ng kainan at mas nagpa-elegante pa dito ang kumikinang na chandelier sa taas.

Daddy sat beside Senator Montehermoso as I sat beside him dumating na rin ang tatlong anak ni senator.

There I saw two men and the girl earlier she was wearing a different dress now.

"Ah Mackenzie, these are my children. Benjamin...", turo niya sa lalaking matangkad. I think his age range from 25-ish. "This is Thadeo.." turo niya naman sa gawi ng isa pang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 20. "...and lastly my little girl Rylie", tumingin sa akin si Rylie at bahagyang ngumiti. I smiled back para hindi naman awkward.

"This guy right here Mackenzie, is your husband-to-be, say hi", turo niya kay Thadeo... Thadeo ang pagkakaalala ko sa pangalan.

He lend his hand across the table at inabot ko naman iyon. He cleared his throat at biglang sumingit si Benjie? Tama ba?

"It is nice meeting you Mackenzie", nakangiting bati niya.

"It is also my pleasure meeting you and your siblings", I replied.

Minuwestra na sila ng kanilang ama para umupo at kumain. Nauna sa upuan katabi ni Senator Montehermoso si Benjamin at sumunod namang umupo si Thadeo at nasa pangatlong upuan naman si Rylie. Katapat ko ngayon ang aking 'fiancé' na si Thadeo.

Habang kumakain ay patuloy lang sa pag-uusap ang mga ama namin. I was just quietly eating when I suddenly felt an uncomfortable feeling dahil ramdam ko ang mga mata ng tatlong kapatid sa akin. Kahit hindi ko sila tignan I know that they are gazing upon me.

Nang matapos kumain ay inaya ni Senator si daddy para maginuman nang konti. Konti lang ang sinabi ni daddy dahil hindi na talaga siya palainom.

"Mackenzie why don't you go and talk to Thadeo, para na rin magkakilanlan kayo. Just call for Yeonsu if you want to go home".

Tumango na lang ako sa sinabi ni daddy.

Lalapitan ko na sana si Thadeo nang bigla siyang tumayo at umakyat papunta sa taas kung nasaan ang kwarto nila.

Napabuntong-hininga ako. "Mukhang mapapasubok ako dito", ani ko sa sarili ko.

Lumapit naman sa akin si Benjamin na nakangiti pa rin. Mukhang hindi nawawala sa mukha niya ang ngiti pero alam ko namang ginagawa niya lang yun dahil bisita ako sa bahay nila.

"Just let him be, ganiyan talaga siya sa mga babaeng pinapakilala sa kaniya", kinindatan pa ako at pumunta sa kanilang tatay.

Nang matapos siya makipagusap ay diretso niyang kinuha ang suitcase niya na nakalagay sa couch at sinout ang kanyang coat. Ngayon ko lang narealize that he was going to work.

Ngayon ay naiwan ako kasama si Rylie. Tahimik lang siyang nakaupo pa rin sa hapag. Dahil parehas naman kaming babae kaya tumabi ako sa kanya. Magandang ideya na rin na makipag-lapit sa mga kapatid niya para mas makilala ko siya.

"Hi, I guess you already know my name", nakangiti kong bati sa kaniya. "Mia Mackenzie Valmorida y Consuelo", ani niya. Nagulat ako dahil alam niya ang buo kong pangalan. Mukhang kilala niya na ako noong una pa lang na tumapak ako sa bahay na ito.

Tipid akong ngumiti at nagisip ng sasabihin.  "Nakita kita kanina. I saw that you were painting something magaling ka pala sa arts?", tipid siyang ngumiti. "Just a hobby a do from time to time".

"Well I think your hobby is pretty great, I hope you could paint me next time?", I smiled sweetly. Nakita kong umiwas siya ng tingin pero binalik din iyon at ngumiti.

"Sure."

Nakita namin na lumipat ng salas sila daddy at Senator Montehermoso kung kaya't nilubos ko ang pakikipagusap kay Rylie. Minsan ay sumasagot siya sa akin at minsan naman ay hindi ngunit ayos lang sa akin iyon dahil ako naman ang nakipag engage na makipagusap in the first place.

Lumipat kami sa may garden nila at doon kami umupo sa fountain.

Medyo ramdam ko na ang antok ko kaya tinapos ko na rin ang usapan namin ni Rylie. Mukhang hindi ko pa rin agad makukuha angloob niya dahil kakakilala lang namin.

" It's really nice meeting you Rylie sana magkausap pa ulit tayo pag balik ko dito."

Nakatingin lang sa akin si Rylie at ngumiti. Tumayo ako sa aking kinauupuan at nilakad ang gawi pabalik kay Daddy nang makita ko sa veranda si Thadeo na nakatingin lang sa akin. Nagkatitigan kami saglit nang bigla siyang pumasok pabalik sa hindi ko alam kung iyon ay kanyang kwarto.

Nagkibit balikat naman ako at nakita ko nga si daddy at nagpapaalam na siya kay Senator Montehermoso na kami ay uuwi na.

I didn't get the chance to talk to him. Mukhang wala naman siyang balak na kilalanin ako nang sobra.

Naalala ko bigla ang nabanggit ni Benjamin, ibig sabihin ba ay hindi lang ako ang nagiisang ipinakilala ni Senator Montehermoso bilang mapapangasawa niya?

I felt bad for him. Kung ako ay ngayon lamang nakaranas nito, paano naman kaya siya na ilang beses nang pinakilala sa mga babaeng hindi naman siya sigurado kung ano ang magiging tadhana niya.

I sighed. Kanina nang matapos ko kausapin si Rylie, ay tinawag ko na si Yeonsu dahil gusto ko nang umuwi. Nagpaalam na rin 'non si daddy kay Senator. Tinapik ko pa ang balikat ni Rylie bago ako umalis.

Kahit pa sinabi ni daddy na kausapin ko siya ay hindi ko rin nagawa dahil iniwasan niya kaagad ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Natatakot ako sa magiging kapalaran ko. Puro walang kasiguraduhan ang mga nangyayari ngayon.

Sinarado ko na ang showerhead para punasan ang buong katawan ko at nagpalit ng pangtulog. I just wore a sleeveless top and dolphin shorts.

I checked my phone to see if someone messaged or are there any notifications. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ang message ni Zenaida, kaibigan ko sa ibang university. We're both in second year college. She's taking up Engineering while I'm taking up Biology.

Zeddy: Girl! How are you? Wala ka man lang chat buong araw! Hmp!

'Sorry just finished the things needed to be done e'

Zeddy: It's okay Mia, marami rin ako ginawa today! Omg kastress na mag engineering.

Natawa ako ng kaunti. Nagpaalam na lang ako na matutulog na dahil may pasok pa bukas. Naalala ko pa lang pupunta ako ulit sa Montehermoso para sa plano nila sa engagement.

How I wish na hindi na lang matuloy....

Kinabukasan, I woke up early than I expected. I looked at my phone and surprisingly it's still early kaya may time pa para magwork out nang konti.

After working out ay hinanda ko na ang susuotin ko papasok ng school.

Si Mr. Lee ang naghatid sa akin papasok dahil wala pa naman akong driver's licence at hindi pa ako nag aaral magdrive. Napahinga ako nang malalim. Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Mr. Lee.

"Miss, Boss told me to remind you about your visit tomorrow in the Montehermoso residence."

Tumango na lamang ako at tuloy tuloy ang paglakad papasok ng school.

Sa buong klase ko ay hindi ako makafocus dahil iniisip ko kung anong mangyayari bukas. Hindi ko namalayan na tapos na pala  ang klase at dismissal na. It's already 8pm at hinihintay ko ngayon si Mr. Lee upang sunduin ako.

Habang naghihintay ay narinig kong nagnotif ang cellphone ko.

Zed: Girl!! Tapos na class mo? Tara cafe!

Napangiti ako nang bahagya at rereplyan na sana siya nang makita ko sa pheriphal vision ko ang sasakyan na huminto sa harapan ko. Alam kong hindi namin iyon sasakyan dahil wala pang text sa akin si Mr. Lee.

Hindi agad ako kumibo at kaunting lumayo sa sasakyan. Nagkunwari akong busy sa pagtatype.

"Are you getting in or not?"

Bahagya akong napaangat ng tingin.

Si Thadeo ang nasa harapan ko ngayon.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.5M 131K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.2M 66.4K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...