Mr. Billionaire, Don't Englis...

By donnionsxx04

95.3K 3.1K 496

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Pasilip:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119:
Chapter 120:
Chapter 121:

Chapter 92:

328 13 3
By donnionsxx04

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Sandali! Sandali!"

Tinigil naman ni Sir ang pagpapaandar ng kotse. Takang napatingin kami dito habang si Sir Johnser naman ay nakatigin sa kanya sa front mirror.

"Bakit?" tanong ni Ros dito.

"Hindi muna ako sasama sainyo. Hindi ko pwede iwan mag-isa doon si mama," nag-aalalang sabi nito. Binuksan na nito kaagad ang pinto ng kotse para bumaba."Ingat kayo ah? Chat-chat nalang." Sabi nito sabay sara ng pinto at tumakbo na pabalik sa bahay nila.

Nakatingin lamang kami kay bossbrad na papalayo.

"Tara na?" boses ni Sir Johnser.

"Tara na po." Si Ryan na sumagot dito.

Pina-andar na ulit ni Sir ang kotse para umalis.

Pagkaraan ng sampung segundo nakarating naman kaagad kami sa destinasyon. Mangha naman kami ni Ryan na tinitingnan ang nadadaanan namin habang nakasunod kami kay Sir. Samantala si Ros naman ay nasa bulsa lamang ang mga kamay at natural lamang maglakad.

Sa abala kami ni Ryan sa pagtitingin sa nadadaanan namin, tumigil na pala sila Sir sa paglalakad halos nabangga pa kami ni Ryan sa likod nito. Bumangga naman ako sa likod ni Sir Johnser samantala si Ryan naman ay sa likod ni Ros.

"S-sorry, Sir." Hinging patawad ko.

Nginitian lamang ako ni Sir kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Nang nasaksihan iyon ni Ros, mabilis na hinawakan niya ang braso ko at hinila palapit sa kanya. Sabay inakbayan pa niya ako at kita ko sa mata niya ang pagseselos.

"Dito ka lang sa tabi ko, ate. Baka di lang mabangga mangyari sayo, baka mahulog kana sa iba." Nandidilat ang mga mata na sabi nito.

Naikunot naman ni Sir Johnser ang kanyang noo nang makita niya ang ginawa nito. Sa pag-hakbay palang ni Ros parang gusto niya ipahiwatig na pagmamay-ari niya ako. Para hindi kami mabuking ni Sir, inalis ko ang kamay ni Ros sa pagkakahakbay sa akin.

"Kalma lang, kapatid." Sabi ko sa kanya.

Napunta na lamang atensyon ko kay Sir Johnser nang marinig na pinipindot na nito ang password sa pinto ng condo nito. Ito 'yong napapanood ko sa mga movie, high tech na yung mga pintuan. Hindi na siya doorknob, kundi iki-click mo lang ang password saka bubukas na.

Nandito kami sa isang mamahaling hotel plus mukhang sikat ito at mga mayayaman nakatira. Sabi kasi ni Sir dito muna kami samantala titira sa condo niya. Naipaliwanag na rin namin bakit kailangan namin itago si Pubg. Bagkus wala kami ka-ide-ideya sa katauhan ni Pubg at bakit gusto siya kunin ng mga lalaki, di naman namin siya pwede pababayaan na kunin na lamang siya ng mga ito.

May tiwala kami na mabait na tao si Pubg. Ramdam namin na hindi siya masamang tao. Kung ano man dahilan bakit may gustong kumuha sa kanya, di pa rin namin siya pababayaan. Naging kapatid na ang turing ko sa kanya.

Nabuksan na nga ang condo ni Sir."Dito muna kayo pasamantala titira. Huwag kayo mag-alala, walang ibang nakatira dito. Natutulog lang ako dito pag naisipan ko lang." sabi ni Sir Johnser.

Nauna na ngang pumasok si Sir sa loob at sumunod naman kami dito. Napa-'wow' naman kami pareho ni Pubg nang makita ang kagandahan ng condo ni Sir. Amoy mamahalin at mukhang mayayaman ang tumitira dito. Nakakahiya sa amin na mga low levels na tumungtong sa ganitong lugar, napapatanong na lamang kami kung deserve pa namin makatungtong dito.

"Dito ang sala," sabay turo ni Sir kung nasaan kami ngayon nakatayo."Dito naman ang kusina at diyan naman ang kwarto." Tinuro naman ni Sir kung saan naka-pwesto ang nga iyon."May CR na na sa loob ng kwarto baka bumaba pa kayo. Kung gusto n'yo manood ng T.V, nandyan yung remote. Kung gusto n'yo kumain, puno ang ref kumuha lang kayo. Wag kayo mahihiya, libre kayo ng pagkain dito."

Napa-'wow' naman kami ni Pubg halos nagkatinginan pa kami.

Sandali, nasaan T.V ni Sir? Wala naman naka-dikit sa ding-ding o nakapatong sa lamesa?

"Sir, 'yong T.V---"

Di ko napatuloy ang sasabihin ko nang napatingin na lamang kami kay Ros. Akala mo bahay niya na komportableng-komportable na naupo sa sofa. Pinatong pa niya yung mga paa niya sa maliit na sofa na mukhang patungan nga ng paa. Parang bahay na bahay na kinuha niya ang remote sa gilid niya at pumindot na lamang doon.

Napasinghap kami sa gulat nang bumaba galing taas ang T.V. Para kaming nakakita ng robot na gumagalaw na dahan-dahan binababa nito ang hawak nitong gamit. Pagkatapos, nag-open na ang screen ng T.V.

"May mga movie ka ba?" Tanong ni Ros. Si Sir Johnser ata tinatanong nito.

"Meron." Tipid na sagot ni Sir.

May kinalikot na lamang si Ros at di namin maiwasan ni Pubg na magulat. Parang may pinuntahan files si Ros tapos ayon na nga, pumipili na siya ng panonoorin niya ng movie niya.

"Wow! Bagong Spider Man!" turan ni Ros sabay click doon sa movie.

Pagka-play, nagtaka kami nang tumayo siya sa pagkakaupo. Parang di kami nakita na tumungo kaagad siya sa ref, di naman nagtagal bumalik din siya na may dalang---ah?

"Hay!" Sambit ni Ros pagkaupo sa sofa. Binuksan niya ang isang tsitserya at sinimulan na kumain habang nanonood ng panonoorin niya. Pinatong ulit niya ang kanyang paa sa pinagpatungan nito kanina.

Di pa rin kami makapaniwala sa nasaksihan. Hindi dahil nagfe-feeling na pamamahay ito ni Ros kundi alam niya gumamit ng mga gamit ni Sir. Tulad na nasaksihan namin kanina, ngayon ko lang nasaksihan iyon. Wala iyon sa T.V ko na kinakalikot niya. Paanong alam niya gamitin ang mga bagay na high tech na ngayon?

"Lady Beth, halika kayo! Movie marathon tayo ni Pubg!" Tawag ni Ros sa amin.

"Ah..."

Dahan-dahan na napatingin kami ni Pubg kay Ros. Hindi bakas sa mukha ni Sir ang galit dahil sa pinaggagawa ni Ros, mukhang okay lang sa kanya.

"Sige na, mag-enjoy lang kayo." Nakangiting saad ni Sir.

"Thank you, Sir!" Sabay na pasalamat namin ni Pubg.

Parang bata na nag-unahan pa kami nito na lumapit sa kinaroroonan ni Ros. Pagkaupo ko, nagulat ako nang maramdaman ang kamay ni Ros na nasa tiyan ko at di inaasahan na hinila ako palapit sa kanya. Namula ako sa sunod na ginawa niya, naka-akbay siya sa akin at pinasandig pa niya ulo ko may gilid ng dibdib niya.

Lalayo na sana ako dito pero pinigilan niya ako. Hindi na ako makagalaw dahil ayaw niya talaga niya ako umalis sa posisyon na iyon. Nahihiya ako dahil alam kong nasa likod namin si Sir Johnser, nasasaksihan niya ang pinaggagawa ni Ros. Nangangamba ako baka magtaka na siya sa aming dalawa.

Pinili ko nalang tumahimik at nanood na lamang habang sinusubuan ako ng tsitserya ni Ros.

****

Napag-usapan na ako matutulog sa kwarto at sa sofa matutulog ang dalawa. Iyon ang desisyon ni Sir kaya iyon ginawa namin, pagmamay-ari niya ito kaya siya masusunod. Syempre, babae raw ako at wag daw ako tatabi sa dalawa kasi nga lalaki.

Paglabas ko ng CR galing sa pag-shower, bumukas na lamang ang pinto at nakita ko na lamang lumabas mula doon ang ulo ni Ros.

"Lady Beth?"

Ay! Alam ko na! Gusto niya tumabi sa akin. Naalala ko na hindi pala siya makatulog pag hindi ako katabi.

"Oh? Bakit?" tanong ko habang nagpupunas ng mukha ng bimpo.

"Tabi?" Parang bata na sabi nito habang may ngiting pilyo sa labi.

"Si Pubg? Baka ano isipin niya---"

"Wag kang mag-alala. Alam na niya relasyon natin."

"Okay."

Masayang-masaya na pumasok na nga ito sa loob. Dumeretsyo na ako sa isang upuan kung saan nasa harapan iyon ang salamin at kagamitan ni Sir na pabango at pang-ayos niya. Pagkaupo, nilapag ko lamang sa gilid ang bimpi at sinimulan ang ritual ko bago matulog.

Nasanay na ako maglagay muna ng mga skincare sa mukha bago matulog. Kagagawan ito ni Ros, dahil sa kanya nagmukhang babae na ako at hindi na yung Elizabeth na palaging bilad sa araw dahil sa kaitiman.

Nakita ko na lamang sa repleksyon ng salamin si Ros na nasa likuran ko, kinuha nito ang blower at blinower ang medyo basa kong buhok.

"Ako na magbo-blower ng buhok mo. Maglagay kana ng pampaganda mo." Napaka-manly na sabi nito.

Namumula na tumango ako dito.

Di ko maiwasan pa ring kiligin na makita ko sa repleksyon ng salamin kaming dalawa ni Ros. Para kaming mag-asawa na sinusuportahan ako nito sa pagpapaganda ko. Kahit sino makakakita sa tema namin ni Ros, kikiligin na e.

Napaka-swerte ko talaga sa kanya. Di lang alaga niya ako, kundi suportado niya ako sa lahat ng bagay na nagpapasaya sa akin.

Nakahiga na kami ni Ros para matulog. Yakap niya ako mula sa aking likuran. Hindi ko pa rin maiwasang kiligin. Kahit ilang ulit nang magkayakap kami matulog ni Ros, parang first time pa rin namin ito ginagawa.

Ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg na nagpapakiliti naman sa akin.

"R-ros?" Tawag ko. Gusto ko lingunin siya kaso nakahiga ako sa kanya patalikod.

"Hmm?" Nakapikit na ang mata na saad nito.

"Nakakaalala ka na?" tanong ko na lamang. Natatakot ako baka pag nakaalala na siya, umalis na siya para puntahan ang pamilya niya. Pag mangyari, baka hindi na siya makabalik.

Siniksik lalo ni Ros ang sarili niya sa akin. Ramdam ko sa aking tiyan ang kanyang kamay na nakapulupot doon.

"Hindi pa," sagot rin ni Ros maya-maya."Kung bumalik man ang alaalaa ko, sayo at sayo pa rin ako uuwi." wika nito.

Siniil ako nito ng halik sa likod ng ulo ko at niyakap ulit niya ako ng mahigpit. Kinilig naman ako sa ginawa nito.

Bumulong pa ito sa tainga ko."Mahal na mahal kita, Elizabeth." Napaka-manly na pahayag nito.

Humarap ako dito at niyakap ko siya ng mahigpit. Nagulat pa siya na siniksik ko pa ang sarili ko sa dibdib niya.

Nakangiting niyakap ulit niya ako at pinatong ang baba sa taas ng ulo ko.

Nakangiting pinikit ko na ang mata ko at komportableng natulog sa mga bisig niya.

To be continued...

Sorry sa napaka-iksing update.
Bawi ako next update.
Don't forget to like, comment and follow. Thank you!💖

Continue Reading

You'll Also Like

106K 673 6
"It was you. The one who watched me every night, who visits me in my bed and who kissed me in my sleeps... It was you. The beast that I saw and love...
877K 39.8K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
38.6K 911 55
Si Boy ay isang Mafia Boss na nagkukunwaring Butler slash Bodyguard Suplado, Gwapo (sabi nila), pero Napaka-Seryoso kapag nasa kanyang mga plano at m...
281K 4K 49
The Billionaire's Heiress_ _Ice Alcantara is a normal working student. Has this bitter boss, expressionless professor, talkative classmate and a craz...