Guilty Pleasure 01: Pain Afte...

Door dimples_eyebrow

174K 2.7K 260

Ero-romance | R-18 "A night with the bottle of vodka is where it all started." Inside the peaceful province o... Meer

Disclaimer
Prologue
Pleasure 01
Pleasure 2
Pleasure 3
Pleasure 4
Pleasure 5
Pleasure 6
Pleasure 7
Pleasure 8
Pleasure 9
Pleasure 10
Pleasure 11
Pleasure 12
Pleasure 13
Pleasure 14
Pleasure 15
Pleasure 16
Pleasure 17
Pleasure 18
Pleasure 19
Pleasure 20
Pleasure 21
Pleasure 22
Pleasure 23
Pleasure 24
Pleasure 25
Pleasure 26
Pleasure 27
Pleasure 28
Pleasure 29
Pleasure 30
Pleasure 31
Pleasure 32
Pleasure 33
Pleasure 34
Pleasure 35
Pleasure 36
Pleasure 37
Pleasure 38
Pleasure 39
Pleasure 40
Pleasure 41

Pleasure 42

5.7K 65 26
Door dimples_eyebrow

I was panting so bad after that dream. I dreamed of my late parents, sila mama at papa. Humihingi sila ng tulong sa akin. Kahit na malamig ang kuwarto ay hindi natinag ang pawis na luabas mula sa aking noo nang magising ako. Nasa aking tabi si Arthuro na natataranta at mukhang hindi rin alam ang gagawin. Mabilis na nagtungo ang aking kamay sa aking dibdib upang mas lalong maramdaman ang malakas na tibok ng aking puso.

"Are you okay, Love? Please answer me," he pleased. Nakahawak siya sa aking pisngi at tinitingnan akong mariin.

"Hey, please don't cry. May masakit ba sa'yo? Ano napanaginipan mo? Binangungot ka ba?" nag-aalala niyang saad. Kung hindi pa niya nabanggit na umiiyak na ako ay hindi ko iyon matatanto, saka ko lang naramdaman ang mainit na luha sa aking pisngi na walang tigil sa pag-agos dahil sa samo't saring nararamdaman.

"Calm down. Drink this water," nilahad niya sa akin ang tubig at kaagad kong kinuha iyon na walang sinasabing kahit na anong salita. Gumaang ang aking loob at pakiramdam nang makainom, saka lang ako nakatingin ng deretso kay Arthuro. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata, hindi natanggal ang kanyang mga mata sa akin.

Nang umiwas ako sa kanyang mata upang tumingin sa bintana ay nakita kong madilim pa. Hating gabi o madaling-araw.

"It's three in the morning. Do you need something? Please tell me," tanong niyang muli ngunit umiling lamang ako sa kanya.

Hindi ko namamalayan na nakatulog pala ako sa kanyang condo, nakatulog siguro ako sa kanyang sala at binuhat nalang dito. I was so tired about what happened yesterday, madami ang nangyari at marami akong nalaman at hindi iyon naalis sa aking isipan matapos ang aking panaginip.

Sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Kung iisipin ko ba ang tungkol sa amin ni Arthuro o ang tungkol sa napanaginipan ko—sila mama at papa.

Matagal na buwan narin ang lumipas nang huli ko silang mapanaginipan, hindi ko na din maalala kung kailan. Matagal na rin ang panahon na inabot ko sa paglimot sa kanila, matagal kong hindi sila inisip simula nang mapadpad ako sa syudad.

At ngayon...muli na naman silang nagpaparamdam at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.

I promised them to give me the justice that they deserve yet I was stuck in the middle of the city, without anything, and keep trying to fix and build myself again.

"Are you alright?" malalim ngunit mahin ang boses ni Arthuro.

He was topless and just wearing his animal printed boxer short. Napatingin rin siya sa kanyang katawan nang mapansin niyang tumingin ako.

"A-ayos lang ako," namalat ang boses kong sagot.

"May nangyari ba sa atin kagabi?" tanong ko sa kanya baka maaring iyon pa ang dahilan kung bakit ako binangungot. Wala rin akong maalala kagabi.

"Nothing happened. Binuhat lang kita rito sa kuwarto ko baka sakaling mas komportable ka. Nakatulog ka kasi sa sofa." Paliwanag niya.

"Bakit mo ako nakitang nananaginip?" kuryuso kong tanong sa kanya. Siya naman ang kaagad na nag-iwas ng tingin sa mata ko.

I cleared his throat before he talked.

"Kukuha sana ako ng damit," wika niya ngunit mukhang hindi siya nagsasabi ng totoo.

Hindi ko nalang inisip iyon. Condo niya naman iyon at gagawin niya ang lahat ng gusto niyang gawin.

Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Alam kong pinapakiramdaman naming ang isa't isa at parehas kaming may gustong sabihin.

Madami naman talaga akong gustong sabihin sa kanya ngunit hindi ko alam kung bakit sa tuwing kaharap ko siya ay nagkakahalo-halo ang lahat hanggang sa hindi ko na maitanong ang dapat na itanong.

"Napanaginipan ko si mama at papa," hindi ko alam kung bakit ko sanabi iyon sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin at mukhang hindi nagulat. Naghihintay pa siya ng aking idadagdag ngunit hindi ko alam kung ano ang idadagdag ko.

"They were asking for help. Hindi ko alam ang gagawin ko." Pag-amin ko sa kanya. Nakita ko ang paglunok niya. He patted his legs before he stood up and sit beside me.

"I don't want to decide for you. I want you to decide for yourself. Susuportahan kita kung ano ang plano mo, I'll stay by your side, remember that, okay?" muli niyang inabot ang aking pisngi at hinaplos gamit ang kanyang hinlalaki.

I made my lips into a tight smile before nodding.

"Paano kung magkamali na naman ako?" muli kong pa-amin dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko bang magkamali ulit. Marami na akong pinagdaanan.

"I'll help you stand up again," he assured.

I spent a few more hours with Arthuro inside his room. Until I realized that we were cuddling for more than four hours just by thinking a lot of things and by staring at the ceiling.

I find his warmth so comforting and made me feel at home, especially since I was touching his upper body without his shirt.

When the sun rises, I asked Arthuro if he can drive me to my condo. I had to start my day even though I had a bothering dream when I slept.

Masaya naman ako na kasama ko si Arthuro sa mga oras na iyon at masaya ako dahil hindi niya pinahirapan ang sitwasyon para sa akin. Alam ko at napapansin ko a nag-iingat siya sa lahat ng kanyang galaw sa tuwing kasama niya ako. I felt so guilty, dahil iniisip ko na baka siya nag-iingat dahil natatakot siyang masaktan niya akong muli.

I was alone inside my condo, staring at my freshly made vegetable salad and avocado shake. I was wearing black sports bra and gray leggings paired with my running shoes. I planned to go to the gym, I want to let out the steam I felt in the morning. Baka makatulong na mapagaan ang loob ko.

Kaunti lang ang nakain ko at nagpatuloy na akong pumunta sa paborito kong gym. I made a few stretching before I started basic exercise. Iniiwasan ko na huwag lumipad ang aking isip sa tuwing nagpapahinga ako matapos ang isang exercise. Napapatingin na lamang ako minsan sa sahig, sa kawalan, at sa kung saan-saan.

I let out a heavy sigh before I stood up and walk toward the dumbbells.

"Kanina ka pa tulala. May problema ba?" kaagad kong hinanap ang boses na iyon at nakita iyon sa aking gilid.

He was wearing a black nike tank top and dry fit short. Naka running shoes rin siya at naka wireless earphone pa. Mukhang matagal na siya sa gym dahil pawisan na siya ngunit maaliwalas parin ang kanyang mukha at mukhang mabango pa.

"Pinapanuod mo ba ako?" tanong ko kay Juakin habang nakataas ang aking isang kilay.

Humalakhak siya ng kaunti. "Not really. Lalapit sana ako kanina ngunit tulala ka, kaya hindi ko na tinuloy. Ilang beses kang tulala." Paliwanag niya habang kumukuha ng mas mabigat na dumbells.

"Pangit lang ang umaga ko." Tipid kong paliwanag. Hindi ko nga alam bakit ko pa sinabi iyon.

Naalala ko tuloy lahat ng napanaginipan ko. Ilang beses ko ng sinubukang kalimutan pa iyon ngunit hindi talaga maalis sa aking isipan kaya siguro ako natutulala nalang. Nainis tuloy ako sa aking sarili dahil mukhang problemado pa ako tingnan kahit na nasa loob ng gym.

"Maybe a good lunch will make your day better," kumindat pa siya.

I rolled my eyes then I shook my head disagreeing with what he said.

"Hindi maaayos ang pangit kong umaga sa pa-lunch mo," asar kong saad at nagsimulang bumahatin ang dumbells sa aking magkabilang kamay.

"How about a bottle of vodka later at night?" he offered again.

Hindi ko alam kung bakit niya ako napapayag na sumama sa kanya. We went to a club but sadly I went home early dahil nalasing ako kaagad. Sunod-sunod ang naging tagay ko hanggang sa hindi ko namamalayan na lasing na ako.

Noong sumunod na araw ay hindi naging madali ang araw sa akin dahil hindi na ako tinantanan ng aking mga iniisip. Sa tuwing pinipikit ko ang akin mga mata ay nakikita ko ang emahe ng magulang ko na humihingi ng tulong sa akin.

I spent almost of my time at work, minsan ay nag-aayang lumabas sa akin si Arthuro, minsan ay tumatawag tuwing gabi at nagte-text rin minsan.

Okay na kaming dalawa ngunit hindi pa kami opisyal na dalawa. Alam kong parehas kami ng nararamdaman sa isa't isaa at alam ko na kampante kami roon. Minsan ay magkasama kami buong araw at minsan ay natutulog siya sa aking condo at ganoon rin naman ako sa kanya. We sometimes spent the night together hanggal sa abutan kami ng init sa isa't isa. We do sex, hindi ko na mabilang simula noong muli kaming magkabutihan sa isa't isa. Our intimate time was different before, mas ramdam ko ang lahat ng galaw, kahat ng halik, haplos, at daing. It was not just sex but I can call it making love.

Sa buwan na iyon ay marami akong emosyon na naramdaman; takot, saya, pag-asa, pagmamahal, kalungkutan at marami pa. Tila napakatagal ng buwan na iyon kahit na ginugol ko ang aking sarili kay Arthuro at sa aking trabaho.

Madami akong gig na natanggap at masasabi ko na nagagawa ko na ng maayos ang aking trabaho. Lumalabas na ako sa ibang sikat na magazine sa buong bansa at paminsan ay nagkakaroon ako ng air time sa TV. Masaya ako dahil natagpuan ko ang industriyang iyon, hind ko inaasahan na magiging model ako. Isa lamang akong simpleng probinsyana na napadpad sa syudad dahil sa nangyari sa buhay at ngayon ay model na.

Madami na ang pumuna lalo na ang aking boss na si sir Nick ang pagbawas ng aking timbang. Malaki ang aking pinayat simula noong nagsimula kong mapanaginipan sila mama at papa. May mga gabi na hindi ako nakakatulog dahil natatakot ako na mapanaginipan ko muli sila, minsan ay umiiyak ako tuwing gabi dahil iniisip ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Hindi rin ako nakakakain ng maayos dahil busy ako sa trabaho at minsan ay wala talaga akong gana.

Palagi akong tinatanong ni Arthuro kung gusto kong tumira sa kanya sa kanyang condo para maalagaan niya ako ng maayos. Tinanong niya rin kung gusto kong tumira siya sa aking condo ngunit hindi ako pumayag dahil baka maabala ko lang ang kanyang trabaho.

Hanggang sa bigla nalang akong bumagsak sa kalagitnaan ng aking runway at nahimatay. Hindi na maganda ang aking pakiramdam noon bago ako sumabak sa aking gig. Hirap akong huminga at tila lumilipad ako dahil wala akong lakas sa aking katawan kahit na kumain naman ako. Palaging naninikip ang aking dibdib at sumasakit ang aking ulo kaya ako nahimatay.

Hanggang sa bigla nalang akong nagising sa putting kuwarto, pamilyar ang amoy ng lugar dahil kailanman ay hindi ko na gusto ang amoy ng hospital.

I woke up feeling so tired. Ang unang bumungad sa akin ay si Arthuro na nakatulog habang nakahawak siya sa aking kamay. Nakahiga ako sa hospital bed at naka-dextrose. Nasa gilid ko siya nakaupo sa isang upuan habang ang kanyang ulo ay nakapatong sa ibabaw ng kama habang tulog.

"Are you alright, Love?" kaagad siyang nagising ng gumalaw ako nang kaunti. Kaagad kong nakita ang bakas ng pag-aalala kahit na kagigising lamang. Halatang kaunti lamang ang tulog niya.

"Ayos lang ako. Matulog ka nalang muna. Sorry sa abala," kaagad akong na-guilty dahil sa abalang dala ko sa kanya.

Hindi niya binitawan ang aking kamay. He gave me a tight smile.

"Don't be sorry, please. I want to take care of you. Do you want anything? Food? Are you hungry?" tanong niya sa akin gamit ang mahina niyang boses.

"Ayos lang ako," halos bulong na lamang iyon, tama lang para marinig niya.

"Kailan ako lalabas dito? Magkano hospital bill ko?" tanong ko sa kanya dahil kilala ko siya. Alam kong nagawan na niya iyon ng paraan ngunit habang nakatingin ako sa kanya ay tila ayaw niya pang sabihin sa akin Ngunit bumuntong hininga na lamang siya bago sumagot.

"Huwag mo ng alalahanin pa iyon. Kailangan mong maging malakas, makakauwi ka na raw bukas sabi ng doktor," paliwanag niya sa akin sa mahinahon niyang boses. Kita ko ang pamumungay at pag-iingat sa kanyang mga mata, hindi ko magawang hindi pansinin ngunit palagi akong nadadala lalo na at malapit ang kanyang mukha sa akin.

I stayed in the hospital bed for the whole day until I got better. The next morning was the day of my dismissal. Mas malakas ang aking katawan kumpara noong nakaraan ngunit ramdam ko parin ang hina ng aking katawan.

Maaga kaming lumabas ng kwarto para bumaba at magbayad ng bill.

We were heading to the cashier when my two eyes caught a familiar man in front of me who was paying also.

Panandalian akong naestatwa at napakurap-kurap habang pinoproseso kung totoo ba ang nakita ko.

Nang humarap na siya ay inaya na ako ni Arthuro na magtungo sa cashier ngunit hindi ako nakagalaw dahil napako ang aking mga mata sa lalaki.

Hanggang sa magkatinginan kami. Nanlaki ang kanyang mga mata habang ako naman ay sumilay ang ngiti sa aking labi.

Tila nagliwanag ang lahat nang mapagtanto niya kung sino ako.

His gentle aura, white and fair skin, and his tall body was very familiar to me.

Kaagad siyang nagtungo sa akin. I also walked towards him with open arms while my heart was very happy pounding so loud.

"Gino!" tawag ko sa kanya. Mabilis siyang yumakap sa akin, kinailangan pa niyang yumuko ng bahagya dahil tila tumangkad pa siya.

"Andra! Anong ginagawa mo dito?" kaagad niyang tanong nang makawala siya sa mahigpit kong yakap.

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mukha sa kanyang tanong.

"Na-hospital ako." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ano? Ayos ka lang ba? Mag-isa ka, wala kang kasama?" sunod-sunod niyang tanong sa akin na may halong pag-aalala.

"Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala may kasama ako,"

Kaagad na kumunot ang noo niya. Matagal din kaming hindi nagkita ni Gino, hindi rin kami nag-uusap sa cellphone dahil hindi ko na maharap minsan lalo na noong nagdaang mga araw.

"Nabayaran ko na, Love. Umuwi na tayo?" kaagad na sumulpot sa aking tabi si Arthuro gamit ang tawag niya sa akin.

Kaagad akong napatingin kay Gino at nakita ang gulat niyang reaksyon na may halong pagkalito.

"Si Arthuro pala, Gino. Naalala mo siya?" kinakabahan kong saad habang pinapanatili ang ngiti sa aking labi.

Matagal bago nakasagot si Gino.

"Oo naman. Siya lang naman 'yong lalaking malagkit na ang tingin sa'yo simula umpisa," kaagad akong naalerto sa huling sinabi ni Gino.

Simula palang noong nasa probinsya kami ay tila mainit na ang dugo nila sa isa't isa kahit na alam ko naman na wala silang dapat na pagawayang dalawa.

"Yeah that's me," sumagot si Arthuro kay Gino. Napatingin ako sa kanilang dalawa at kahit na nanghihina ay nagsimulang lumabas ang butil ng pawis sa aking noo.

"Ikaw lang naman ang kaibigan ni Andra na takot umamin na may gusto ka sa kanya. I'm so sorry but she's mine now," mayabang na dagdag ni Arthuro at pinalupot pa niya ang kanyang kamay sa aking bewang. Panandalian akong naestatwa sa kanilang asta.

Tumikhim ako para mapukaw ang kanilang atensyon sa isa't isa.

"Ikaw, Gino? Kamusta ka na? Bakit ka nga pala nandito sa ospital?" pag-iiba ko sa tanong.

Napawi ang inis sa mukha ni Gino at napilitan ng kalungkutan. Humugot siya ng malalim na hininga. I was suddenly got curious on his sudden exchange of emotions.

"Ayos ka lang ba?" hindi ko maiwasang hindi mag-alala.

"It's just something happened to my family. Something was going on with my mom, she has—" hindi natuloy ang kanyang sasabihin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Mukhang importante ito dahil mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone.

"Hello? What's going on? Hey answer me? Anong nangyayari?" sunod-sunod niyang tanong sa katawagan niya sa cellphone. Panandaliang nagkatingan kami ni Arthuro. Hinagod niya ang aking balikat, mukhang nararamdaman ang pag-aalala ko sa aking kaibigan.

"I'm so sorry, Andra...and Arthuro. I really have to go," piglang paalam niya at umalis na sa aming harapan.

Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami. Patungo kami sa condo ni Arthuro hanggang sa umayos ang aking pakiramdam. Nagkausap na kami pareho tungkol doon at gusto ko sana sa condo ko na siya matulog, sa kanya nalang para mas malapit ang hospital kung sakaling may mangyaring masama sa akin.

Iniisip ko parin ang kalagayan ni Gino. I felt guilty also, hindi ko man lang siya nakamusta. Masyado akong naging abala, wala na akong alam kung ano ang nangyayari sa mga naiwan ko. Bigla kong nakalimutan ang mga naiwan ko sa brobinsya. Naalala ko tuloy sila Nanay Ising at ang bahay naming sa Pangasinan. 




------

It's been almost a month since my last update. I am so sorry for not updating. Sana mapatawad niyo ako. Hihi.

Enjoy reading mga mahal!

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...