Pahina ng Pag-ibig

By ablyyy

811 33 7

Because of a certain accident, a couple faced a memory loss, making them forget about each other. But they ca... More

A/N
PROLOGO
Unang Pahina
Ikalawang Pahina
Ikatlong Pahina
Ika-apat na Pahina
Ika-limang Pahina
Ika-anim na Pahina
Ika-pitong Pahina
Ika-walong Pahina
Ika-siyam na Pahina
Ika-sampung Pahina
Ika-labing isang Pahina
Ika-labing dalawang Pahina
Ika-labing tatlong Pahina
Ika-labing apat na Pahina
Ika-labing limang Pahina
Ika-labing anim na Pahina
Ika-labing pitong Pahina
Ika-labing siyam na Pahina

Ika-labing walong Pahina

3 1 0
By ablyyy

Mga araw ay hindi na tulad ng dati,
Ngayo'y tila ba sobrang hirap na ultimo ang ngumiti.
Madalas tulala at mapapaisip na kailan kaya muli.
Kailan kaya muling mahahagkan ang iyong mga labi?

__________

"What the fuck, Rave! Pinipicturan ko pa, parang tanga ka naman e!" Pagmamaktol ni Mica nang guluhin ni Rave gamit ang kutsara niya ang inorder na pagkain ni Mica.

Wala na iyong kaayos-ayos ngayon.

"Puro ka kasi ganyan!"

"Ano naman kung puro ako ganito?! May epekto ba yun sa'yo, ha?! Kung sanang ikaw ang nagbabayad! Argh! Pang-story ko na sana 'yon e! Halika ngaaaa!!" Iritadong hinablot ni Mica yung buhok ni Rave para sabunutan.

"Araaaay!!" And another world war began.

Huminga ako ng malalim at umiling. Nasa restaurant pa kami niyan sa lagay na 'to as of the very moment ha. Wala talagang pinipiling lugar 'tong dalawang 'to. Ni hindi pa nga kami nagsisimulang kumain e.

"Gosh, nakakahiya talaga kayong kasama!" Sabi ni Terra na umusog pa lalo palapit sa akin.

"Ang sarap niyong itanggi na hindi namin kayo kakilala, sa totoo lang." Ganoon din ang naging rekasyon ni Xyril kay Terra kanina na lumipat na ngayon ng upuan sa bandang gawi ko. Parang kanina lang ay doon pa ito nakaupo sa tabi ni Rave.

Umiling ako at nagsimula nalang kumain. Hindi ko alam kung anong gamot, herbal o lason ba ang pwede kong ipainom sa kanila para sana magkaroon man lang sila ng kahit katiting lang na kahihiyan. If you have suggestions, kindly tell me. 

Huling araw kasi ng bakasyon ngayon so might as well enjoy-in daw namin ang araw na 'to kaya naman nagka-ayaan silang lumabas kami today.

"Am I late?" Sabay-sabay kaming lumingon sa nagsalita.

"No, we only just started eating." I said and smiled.

"Take a seat." Offer ni Terra. Doon ito umupo sa kabilang side kung saan nandon sina Mica at Rave na sa wakas ay timigil na. Ang ending, inagaw ni Mica yung pagkain na para dapat kay Rave at ipinalit ang wala ng kaayos-ayos niyang pasta. Pinagigitnaan naman ako nina Terra at Xy dito sa kabilang side.

May lumapit kay Eli para kuhanin ang orders niya.

"Just a drink? Hindi ka kakain?" I asked pagkaalis ng waiter.

"No, I'm still stuffed. Nagluto kasi si mama sa bahay. Hindi ko naman mahindian kaya kumain na ako." I nod and continue to eat habang nagsimula naman ng magkuwentuhan sina Xy at Elixo.

Gindel couldn't make it dahil nasa bakasyon pa ito. I think, pauwi palang siya mamayang hapon. Okay lang naman sa akin dahil bawas sa ingay at sakit sa ulo. 

Clifford has already been gone for nine months. Currently, we are in our senior year of college. We are only proceeding with our lives because that is what Clifford wants us to do. To just continue living our lives the way we planned and wanted it to be. Kung may isang bagay man ako na hindi magawa sa lahat ng request ni Cliff, iyon ay ang mag move-on at kalimutan nalang siya. That won't ever happen. Never.

At first, I was okay. Sinubukan ko siyang habulin that day after I read his letter. I did everything I can para puntahan siya. Sa nanlalambot kong mga tuhod at nagdadalawang-paningin dahil sa matinding sakit ng ulo ay binaybay ko ang room ko papuntang room niya.

I was so eager to reassure him that I would wait for him no matter what. That he would soon feel better and be fully fine again. That there was no need for farewells or goodbyes for me to look for someone else to love. Baliw ba siya? He treated me like a damn princess, and then he'd expect me to unlove him?

In another life? Is he out of his mind? In every lifetime, I fvcking love him and no one can ever change that.

Talagang madami akong hinandang sasabihin sa utak ko noon at para sumbatan na rin siya ng paulit-ulit pero nang makarating ako sa room niya ay nililigpit at pinapalitan na ang bedsheet ng kama doon.

Sabi ng mga caretakers ay kaaalis lang. Sinubukan ko pa muling tumakbo at sumakay ng elevator pababa dahil baka sakaling nasa ground floor pa siya or nasa parking lot. Gustong-gusto ko lang talaga itong makausap kaya naman nagpursigi ako kahit na hindi mabuti ang pakiramdam ko.

Nang makababa na ako ay natanaw ko na siya. I could see him from where I was standing at that time. Papasakay palang naman siya ng sasakyan nang maabutan ko ito.

Maaabutan ko pa siya.

Yun ang akala ko.

Pero noong ihahakbang ko na ang mga paa ko para lapitan siya ay matinding pagkirot ng ulo ko ang bigla ko nalang naramdaman. Sobrang sakit to the point na hindi ko maramdaman ang pagpatak ng sariling mga luha ko. Napaupo ako sa sobrang pagkahilo tsaka na tuluyang lumabo ang lahat sa paningin ko na siyang ikinawala ko ng malay. Kitang-kita ko ang paglisan ng sinasakyan nitong kotse bago ko pa tuluyang maipikit ang mga mata ko.

The following morning, I wake up feeling miserable and incredibly unhappy. I was even diagnosed with depression after days of not eating and sleeping properly. Araw-araw akong umiiyak, araw-araw akong hindi tinatantanan ng sakit ng pag-alis niya at araw-araw akong nanghihinayang.

Abot kamay ko na e, pero hindi ko pa din nahawakan. Ang lapit-lapit ko na pero sa isang iglap lang, ang layo-layo niya na.

The worst part is that I remembered everything when I woke up that morning after he left. When I remembered how we caught each other's eyes in the coffee shop, my heart broke. How does a couple seem to have such a strange connection? I want to despise myself even more after reminiscing about the memories we shared after the accident. It is my Clifford, yet I treat him strangely.

I couldn't eat or sleep for how many weeks. They even want me to see a psychologist so I did. No one there can make me eat even a bite. I'm so lost without him. I couldn't take the advice that they provided for me. Not until Kuya got a call from Clifford's mom saying that Clifford had already started fighting his battle of healing and had been mouthing Ana in his dreams every night.

Doon palang ako natauhan na siya nga, lumalaban tapos ako eto, hindi inaalagaan ang sarili.

I asked for a school leave for a month. I had therapy, an operation, check-ups, and mediation before I could finally say that I was okay. Although not fully because I know for myself that things won't be the same anymore. Na oo, okay na ako pero mananatili pa ring may puwang sa puso ko.

I went back to school last January and continued studying. I even took summer classes the whole month of June to study what I missed.

There, I met Eli again, as he is also taking his summer classes. We got closer, as he is also a good friend. He started hanging out with us because my friends invited him sometimes. Which is also fine for me because he is a good influence.

He was supposed to graduate last year but had some problems sa ibang subjects niya kaya naman may ilang units pa itong kailangan niyang i-take ngayong pasukan.

"Earth to our Kiana!" Terra shouted.

"You're spacing out again." Mica pointed out.

"Nah, I'm just thinking about what nail polish color I should choose later. " I smiled at them para hindi na sila mag-alala pa.

It's true na madalas pa rin akong natutulala at parang nawawala sa sarili minsan. Iyon nga ang wino-workout namin ng doctor ko ngayon e dahil baka bigla nalang akong matulala ng ilang oras during class discussion.

As much as possible kasi, gusto kong ipakita sa mga kaibigan, kapatid at magulang ko na okay na ako and that I have already passed the stage where anxiety is having a battle with me.

Nandito kasi kami ngayon sa mall to shop dahil nga pasukan na bukas.

Uniforms are provided by the school so ang bibilhin lang namin ngayon ay mga school supplies, bag, shoes and other things na essential sa mga babae.

Ya. Hair, nails, skincare and so on.

Nang matapos na kami ay napagdesisyunan na naming magsimulang mamili.

Today, I'm just wearing low-waisted cargo pants, a black long sleeve crop top, and black Converse shoes. I'm just holding my keys because I'm not into bags. Cards are in my pocket, along with my phone.

--Similar Outfit

We first stopped to look for a school bag. I settled on a Prada small backpack in a scotch mist shade of white.

Sunod na pinuntahan namin ay bookstore. I get one notebook binder and three black G-Tec-c gel pens with a 0.25 mm tip. I love this pen. Hindi na ako bumili pa ng iba bukod sa yellow pad paper and index card dahil madami pang mga school supplies na stock ko sa condo na binibili ko lang dati pero hindi ko naman nagagamit. Naka-display lang. Sa pagkakaalam ko ay meron pa nga ata sa locker ko.

After that, I bought books for Grandma and Natalia. Padadala ko kay Kuya mamaya. Sabi niya kasi ay dadaan siya sa condo para magbigay ng allowance. Sabi ko nga ay meron pa but he said that he insist. Sino ba naman ako para tumanggi sa pera?

"Let me carry those for you." Eli offered.

"No, I'm fine."

"It's okay, let me." He smiled. Kinuha na niya sa akin ng kusa ang mga bitbit ko kahit na sinabi ko ng kaya ko na. Hinayaan ko nalang.

"Thank you." I smiled at him.

"No worries." He said and smiled back.

May mga binibili pa sina Terra at Mica sa bookstore so, I decided na tumingin-tingin nalang muna ng mga accessories.

Napahawak ako sa leeg ko habang tumitingin ng mga jewelry. Suot-suot ko kasi ang kuwintas na binigay ni Clifford sa akin noon bago siya umalis.

Up until now, I still didn't have contact with him. He deactivated all his social media accounts and is neither replying to any of my texts nor answering any of my calls.

I just hope he's doing fine.

Walang araw na hindi siya sumagi sa isip ko. Walang gabi na hindi siya ang laman ng prayers ko. I never skipped a Sunday without going to church. I always ask the Lord's guidance and healing for him.

"You okay?" I heard Eli's voice.

"Oh, you're saying something? I'm sorry." Pilit akong ngumiti.

"No, wala naman. Tawag lang nila tayo. Mukhang sa salon and spa na ang next ninyo." He informed me.

Nakita ko nga na kinakawayan na kami ng mga kasama namin sa 'di kalayuan.

"You'll join us?" I asked. Dahil baka hindi na pala e nakakahiya naman dahil hawak pa din nito ang mga pinamili ko.

"No, but I'll just roam around. I'll see you after."

"Are you sure? Hindi ka ba maiinip?" Hindi kasi siya masasamahan nina Rave at Xy dahil magpapa-massage and foot spa din ang dalawang 'yon ngayon. Naimpluwensyahan ata.

"No." He chuckled a little.

"How about ice cream after?" I offered. Kawawa naman kasi dahil hihintayin niya pa kami.

"Sure." He smiled again. He's always like this. Looking so fine.

"Okay." I said and get my things from him.

"I can keep them for you."

"Really?"

"Yes. You can come to them na. "

"Okay, thank you. Wait for us, ha." I said and go after my friends.

Nang sundan ko sila ay nagpapa-foot spa na sila. Usually, hindi ako sumasama sa kanila sa ganito kasi hindi ko hilig magpa-salon. For my nails, kumpleto naman kasi kami ng set ng nail gel and stuff sa condo, so ako nalang ang gumagawa kapag may time.

Ewan ko din kung paano ba nila ako na-encourage na mapagastos din today kaya naman here I am. Well, madalang lang naman.

The first thing they worked on were my fingernails. I asked for a manicure and politely asked them to take it easy because I'm not used to getting injured when I clean my nails. I picked beige as the color of my nail and white for the tip. I had her cut it a little because it was already too long, but I still got the perfect lengthy nail that I just wanted. Medium length of an almond shape. I chose nail gel for the application of the polish so that it could last for a month.

I also asked for a pedicure kaso cleaning nalang. Lagi din naman kasing naka-shoes.

Massage at foot spa lang naman ang kina Rave at Xy so they decided to look for Eli.

When I was done, I looked in the mirror. Something is off. Pinagupit ko naman na yung buhok ko ng isang dangkal last January pa pero nahahabaan pa din ako. I can't believe that I let my hair be that long. For me, ang plain niya dahil basta lang siya straight na mahaba.

In the end, I decided to cut my hair in a v-shape and at shoulder length. Terra suggested to me to have curtain bangs, so I agree. I can't judge Terra's taste because she's so good at this. My hair has the lightest shade of black, so the hairstylist decided to put on some highlights.

-- Similar hairstyle

Students pa din kasi kami. Meron pa ding hair color na bawal pero yung ganito ay sa tingin ko, okay naman.

It turned out very pretty.

"What the fvck, ang ganda mo!" Tumuli si Terra matapos akong makita. I agree. Ang ganda kasi talaga!

"Gagi, dapat pala dati ka pa namin sinama sa ganito." Sabi naman ni Mica na kanina pa ako tinitignan. This is my first time having bangs. 

I smiled and go out with them.

"Uy! Sino ka dyan, beh?!" Natawa kami sa reaction ni Rave.

"Ang OA mo!" Sabi ko dito ng tumatawa.

"Babe, ang ganda mo, swear." Tinaas pa ni Xy ang kanang kamay niya na parang nanunumpa.

"I agree. You look so fine." Sabi din ni Eli.

Grabe naman maka-compliment ang mga kaibigan ko. Alam kong maganda ako pero pakiramdam ko tuloy ibang level ang ganda ko today dahil sakanila.

"Parang tanga naman e. Nagpagupit din kaya kami ni Mica! Ayaw niyo ba kaming purihin?" Sabi ni Terra na nakataas ang kanang kilay.

"Ay si nainggit naman o!" Maarteng sabi ni Rave na ikinatawa namin.

"Maganda din naman pero pasensya na ha, ibang-iba 'tong si Kiana natin today e!" Puring muli ni Xy. Hinampas ko tuloy.

Inasar-asar lang nina Rave sina Terra at Mica na kesyo dapat daw ay hindi nila ako inaaya sa mga ganon dahil natatalbugan lang naman daw sila. I know, pinagti-tripan lang nila yung dalawa kasi Terra and Mica looks so fucking gorgeous, I swear! Nanibago lang sila sa akin.

We just had some sweets after naming matapos sa mga agenda namin bago kami umuwi. Sabi ko, ililibre ko si Eli pero siya pa ang nagbayad ng sa akin kaya sabi ko ay siya naman ang ililibre ko sa susunod.

Maglilinis pa kasi kami ng condo kaya need na din talaga naming umuwi. Kapag kasi may pasok na, hindi na kami makakapag-general cleaning pa. Lalo na kababalik lang namin kahapon sa condo kaya grabe na ang alikabok non. Ilang weeks din kasi kaming umuwi sa kanya-kanya naming mga bahay to take some time with our own families.

"I'll go ahead na. I think I'll see you all tomorrow nalang." Ngumiti si Eli.

"Thank you for joining us. " I smiled. Hindi naman siya nainip ng matagal kanina noong naghintay siya kasi nakapag-arcade pa pala silang mga boys habang hindi pa kami tapos.

"I really love being with you guys. Thank you." He smiled again. Hindi kaya nangangalay 'yang bibig niya kangingiti? O ganon talaga pag nasanay kasi theater artist?

Nang makapagpaalam ay we drove back to our condo na. Andito pa din sina Xy at Rave at sinabing tutulong sa amin. Style lang nila yan kasi mamaya, papatulong din sila na linisin yung condo nila. Hindi ko sila mapapatawad kapag nakakita na naman ako ng mga nagkalat nilang underwear sa ilalim ng mga kama nila katulad noong huli namin silang tinulungan na mag-general cleaning. Buti nalang hindi pa gamit. Baka himatayin ako sa galit kung sakali.

Inuna namin ang mga rooms habang pinepeste lang ako ni Xy. Mas marami pa siyang puna sa kuwarto ko kesa sa nalilinis niya.

"Bakit ba wala kaming picture dito pero si Perez meron?" Muli na naman niyang puna. May picture frame kasi ako na nandoon sa bedside table ko. Kuha iyon noong binilhan ako ng helmet ni Cliff. Now, I know bakit biglang motor na ang hilig niya. He has trauma sa mga kotse.

"Alam mo, Xyril. Iwan mo nalang ako para naman kahit papaano ay matahimik pansamantala 'tong kuwarto ko at para mas madali din akong matapos." Pinapalitan ko ngayon ng light gray ang puting bedsheet ko.

"E kasi napaka-unfair mong kaibigan." Bulong pa niya.

"Para ka kamong sira! Sige, para sa ikapapanatag ng loob mo e maglalagay ako mamaya. Iwanan mo na nga ako!"

"Bakit ba gusto mong laging nagpapaiwan ha?" Napahinto ako dahil doon. Alam kong wala namang ibang intensyon si Xyril sa sinabi niya at ako lang itong may ibang naiisip.

I smiled at him.

"Sorry, I didn't mean to." He said and come to me to help me put the bedsheet on.

"It's okay."

"Hindi ka pa din ba kino-contact?"

Umiling ako bilang sagot.

"He'll be fine. Magagaling ang mga doctor niya doon."

"I know. I just feel bad." Na-realize ko kasi noong bumalik yung pangalawang alaala ko na parang kasalanan ko kung bakit nangyari sa amin yun. Na parang sobrang daling isisi sa akin ng lahat pero bakit hindi nila ginagawa? Bakit hindi galit sa akin ang pamilya ni Clifford? At bakit binalikan pa din ako ni Cliff at sinuyo-suyo pa knowing na deserve ko yung pagkawala ng mga alaala kong yun at knowing din na kasalanan ko ang lahat.

Kung hindi ko lang sana binuksan yung bintana, kung sanang hindi ko inalis yung seatbelt ko,  kung sanang nakinig ako, kung sanang hindi ako naging makulit at kung sanang hindi ako nakainom noon e hindi mangyayari ang aksidenteng bumago sa buhay naming magkakaibigan at sa buhay na kinakaharap ngayon ni Clifford.

Hindi naman aalisin ni Clifford ang seatbelt niya para isara ang bintana at suotan ako ng seatbelt kung nakinig ako sakanya.

Naging iba lalo ang impact ng aksidente sakanya dahil sa pag-yakap niya sa akin. Isa na din sa dahilan kung bakit kami tumilapon ay dahil wala kaming suot na seatbelt bilang pinakaimportanteng safety rule sa mga sumasakay at nagmamaneho ng kotse.

All of those happened because of me. All of the struggles that Clifford is facing right now are because of me. We are all this messed up and worried because of me. It was all my fault. No one is to blame except for me.

"Hey, Kia." Inalo ako ni Xy nang mapaupo ako sa gilid ng kama at umiyak.

Ito na naman ako. Kailan ba mauubos ang mga luha ko? Ayaw ko ng umiyak. Gusto kong ipakita na malakas ako. Na hindi na ako masisindak pa pero I kept failing myself and my promise to Clifford to be strong.

"It was my fault, Xy. Kahit anong gawin kong pagsisisi, paghihingi ng tawad sa panginoon, sainyo, kay Clifford, wala. It won't change the fact na kasalanan ko 'to lahat. " Muli akong humagulgol.

"Hindi mo kasalanan, Kia. Aksidente ang nangyari and accidents weren't predictable. Sinong gustong maaksidente, sige nga? Diba wala naman? Alam mong hindi ka naman namin sinisisi at kahit kailan ay hindi iyon mangyayari, so please stop torturing yourself. You don't deserve that." Niyakap ako nito.

"But--"

"Sshhh. Clifford won't be happy if you are being like this." Anito at mas ikinulong pa ako sa mga bisig niya.

After that, they just let me rest at sila nalang daw ang bahala sa ibang mga kailangang ligpitin. Nagpumilit pa ako pero hindi ako umubra sakanila. Apat sila, mag-isa lang ako. Naligo nalang ako at nagblower ng buhok para umidlip at tumakas sa mga sari-sari kong negative thoughts. I hate myself for being like this.

Paano bang maging okay?

It was dinner when they woke me up. Bulalo ang nilutong ulam ni Mica. Hindi kami ang nag-grocery dahil pinadalhan na naman kami ng daddy niya ng supply. If I'm not mistaken ay pang-one month ata 'yon.

Well, I guess that is one of the perks of having a rich kid friend. I laughed at that thought.

Sabi nila ay dumaan daw si kuya pero umalis din agad. Nag-iwan ito ng envelope na naglalaman ng cash. Di na daw niya ako pinagising.

Yung mga libro'y sa sunod na uwi ko nalang siguro ibibigay kina Grandma and Nat.

"You are feeling better na ba?" Xy asked me. Ngumiti ako at sumandal sa balikat niya habang naghahain pa si Terra.

"Well, we all know I'm not. I'll do my best to be." He smiled and patted my head.

"Good." Umayos na ako ng upo nang kakain na.

Si Mica na din ang nag-volunteer na magdadasal dahil sa aming lima daw ay siya ang pinakamabuting tao. We just shrugged it off. Nagkuwentuhan lang kami kung saan ang mga magiging rooms namin, schedule and other stuff about school. As usual, 7am na naman ang start ng class ko.

Matapos naming kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan. Ayaw pa nila noong una pero sinabi ko na ayos na ako. Ayaw kong maging pabigat sakanila. Alam kong pati sila ay may lungkot din na pinagdadaanan dahil kaibigan pa din naman nila si Clifford. Hinayaan na nila ako habang nagpa-iwan naman si Mica para i-organize ang mga stocks. Sa dami kasi noon ay ang hirap ayusin sa pantry namin. Hindi kaya kasya.

"I'll call my dad after this. I swear, lagot siya sa akin! Mukha ba tayong patay gutom?!" Pagdadabog nito.

"Kung ayaw niyo, amin nalang." Rinig kong sabi ni Rave. Nag refill pala ito ng tubig sa mga pitcher na ilalagay sa ref kaya nandito rin ito sa kusina.

"Pag binigay ko ba 'to e maluluto niyo? May balak ka pang iuwi itong mga 'to e hindi ba't dito pa din naman kayo makikikain?!" Pambabara ni Mica. I laughed at them.

Buti nalang kahit papaano ay natuto kami ni Terra kay Mica sa kusina. Kung hindi, kasama kaming laging nasesermunan nitong future chef namin.

"Mag-aral na kasi kayong magluto. Paano pag nag-asawa na kayo?" Sabi ko dito. Si Xy at Terra, mukhang nasa sala na.

"Si Mica ang aasawahin ko. Problema ba 'yon?" Sabi nito habang pinupunasan ang mga nahugasan ko na para mailagay ng tuyo sa loob ng cabinet.

"Kadiri ka talaga e no? Ikaw? Asawa ko? Takteng 'yan, magma-madre nalang ako." Natawa ako doon habang nagpatuloy naman na sila sa sagutan nila.

Ang iingay! Kung magiging mag-asawa man nga sila, myghad ramdam ko na agad kung gaano kaingay lalo yung magiging mga anak nila. Imagine, pinagsamang Mica at Rave? Jusko po.

I joined Terra and Xy nalang sa sala at iniwan yung dalawa.

"Your meds?" Sabi ni Terra na yakap-yakap ko ngayon.

"Later pa, bedtime." Tumango lang ito at nanood na uli. The glory ata itong naka-play ngayon sa T.V.

The next day, ofcourse monday na naman, we are using one car only. Rave's car.

When we entered the gate, andami-daming tao na naman. Ngayon palang nagsi-sink in sa akin na 4th year na kami. Sana naman ngayong taon ay maayos na akong makakapag-join sa school fair. I sighed remembering all the chaos that happened every year of my college life.

This is the last, please be good.

Pagkababa palang namin ay sigaw na ni Gindel mula sa malayo ang narinig namin. Myghad, isang taon na naman akong maririndi sa lalaking 'to.

"Andradaaa, I missed youuu!!" Agad itong yumakap sa akin.

"Aray, Gindel! Napakabigat mo!" Kinalas ko ang yakap niya sa akin.

"Ganyan na pala ang bagong I miss you too ngayon no?" Ikot mata niya sa akin.

Nag-bleh lang ako at nagpalaam na sa mga kasama kong mauuna na ako. Agad naman akong sinundan ni Gindel at umakbay sa akin habang naglalakad.

"New hairstyle, bagay mo!" Puri nito sa akin.

"Yang bantay mo, Gindel ha!" Narinig kong sigaw ni Xyril.

"Pagbutihin mo lang talaga! Pag 'yan nabalitaan kong may nangyari diyan, aalisan talaga kita ng kaligayahan!" Sigaw din ni Terra habang palayo kami. Hindi man lang nahiya ang mga ito.

For heaven sake, ang daming tao! Mas binilisan ko pa ang hakbang ko.

"Akong bahala!" Sigaw ni Gindel pabalik bago ako hinabol.

Nakarating kami sa room ng hinihingal ako. Kainis naman kasi, unang araw palang hulas na agad ako.

Dahil first day palang, excited ang halos lahat ng kaklse ko. Wala pa naman kasi kaming gagawin niyan. Baka nga puro orientation palang e. Wala pa din kasi for sure niyan ang ibang mga profs. 

I'm not excited to start the school year at all.

School is now different without Clifford.

-ablyyy-

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.2K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...