Ayan po yung suot ni lorrine sa birthday ni istan
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lorrine's POV
"Good morning universe!!" sabi ko pag kabangon ko
Naligo muna ako at pag katapos maligo nag bihis na ako pumunta ako sa maliit na sala namin at tumabi sa kapatid kong nanonood
"Good morning arlene! Ang aga mo atang nagigising this past few days"
"Bakit? Masama? At tsaka umalis ka nga dito, ganda-ganda ng palabas tapos tatabi ka lang sakin" sabi nya habang pinag tabuyan na ako
"Sungit, meron ka ba araw-araw?"
"Ikaw ang tingnan mo kung meron ka ba ngayon?" sabi nya at nanood nalang ng tv
Tiningnan ko yung sarili ko at.... Meron nga!!!
Dali-dali akong pumasok sa cr at nag palit.
Lumabas na ako ng cr at narinig kong tumunog yung cellphone ko. Binuksan ko yun at may one unread message
From:Unknown Number
Message:Hey miss beautiful! Gising ka na ba aking mahal na prinsesa... Hahaha! Just kidding, punta ka sa party ko mamaya ha? Alam ni shane kung saan kaya sabay nalang kayo
-TJ
Wait TJ?
Tinawagan ko si bessy at buti sinagot agad
(Why?)
"TJ?"
(Wala dito si TJ bestie, ano ka ba. Uy baka hinahanap mo sya uy!) pangungulit nya
"Hindi ko hinahanap si TJ, at kaya ko lang nabanggit yung pangalan nya kasi itatanong ko kung sino si TJ?"
(Aish.. Slow mo rin eh 'no, pero nung mga nakaraang araw banggit ako ng banggit ng TJ. Osige, ang ibig sabihin ng TJ ay Tristan Jarred, get's mo? At bakit mo ba sya tinatanong sakin)
"Kasi nag text sya eh. Binigay mo ba yung number ko?!!!" inis kong sabi
(Hehe.. Sorry bestie, gotta get ready bye)
"Wait la------*tooot-tooot-tooot*"
So binigay nya nga?. Talagang si shane na 'yon, pasaway!
Tinext ko nalang si bessy dahil alam kong hindi na nya yon sasagutin
To:Bessy makulit
Message:Bessy anong oras pala yung party?
After one minute nag reply naman sya
From:Bessy makulit
Message:Mga 7 pm daw dapat nandon na. I'll pick you at 7:30, wag ka ng mag reply busy ako. Bye
Sungit nya? Meron ba sya?
At dahil hindi ko alam kung anong susuotin ko kahit meron na, I text TJ dahil sinave ko na yung number nya
To:TJ daw
Message:What do I wear?
Agad naman syang nag reply
From:TJ daw
Message:Where something dressy :)
Talagang may happy face pa ha
At dahil sa sinabi nya hinanda ko na yung binili kong damit kahapon at nag prapare na
~~fast forward~~
"Lorrine!!! Anong oras na?!!! 8 pm na hindi ka pa ba lalabas dyan?!!! Nag papaganda ka pa ba kay TJ?!!! Hindi na kailangan dahil maganda ka na kaya lumabas ka na dyan!!!" sigaw ni shane sa kwarto habang todo ang katok
"Ano ba?! Ang ingay nyo!" rinig ko namang saway ni arlene
"Hehe sorry" sabi ni shane
Ang totoo nyan kanina pa ako nandito naka upo sa kama dahil sobrang kinakabahan ako dahil mayaman sila ako hindi, baka kung anong sabihin nila sakin
"Lorrine, kung hindi ka sasama sabihin mo lang, hindi naman kita pipilitin eh basta sabihin mo lang. Kanina pa kasi text ng text si T----Hello?… hindi pa lumalabas eh… okay I'll try my best… don't worry papunta na kami dyan in a minute… okay, bye----- Lorrine you need to get out of there now, mag sisimula na daw sila kaso pinipigilan lang nya kasi wala pa tayo" paliwanag nya
At dahil na-realize ko na wala rin akong mapapala lumabas na lang ako ng kwarto
"O! Naka ayos ka na pala eh tara na" sabi nya at patakbong hinila ako sa sasakyan
"O kanino 'to?"
"Kila TJ, ang tagal kasi natin kaya pinasundo na tayo"
Tumango nalang ako bilang sagot. After 10 minutes nakarating na kami sa...... Hotel?!
"Hotel?!" tanong ko kay bessy
"I know right?"
Pumasok nalang kami sa loob and holy cow! Ang daming tao!!
"Bessy, uwi na lang tayo?" sabi ko at humawak sa braso nya
"Relax. Teka hahanapin ko lang si TJ, dito ka lang ha?"
"Bessy wag mo ko iwanan please?" pag mamakaawa ko
"Hindi kita iiwan. Diba nga linibre kita? Babayaran mo pa 'yon"
"Weh? Totoo?!" pag papanic ko pero kumindat lang sya at umalis na
Kaya naiwan akong naka upo sa isang tabi
Pinag masdan ko lahat ng taong inimbita ng pamilya ni istan at karamihan dun halatang business partner ng pamilya nila yung iba school mate namin at friends nya ata sa dating school nila tapos yung iba mga magulang ata ng school mate namin. Mas marami nga yung mga adults na naimbita kesa mga friends ni istan eh
Pag tingin ko sa kanan ko nakita ko si keily at yung mga magulang nya kausap yung nanay ata ni istan. So inimbita sya?! Aish bahala nga sila, asan na ba sila?
"Hi miss, may kasama ka?" sabi bigla nung lumapit na lalaki sakin
"Uhmm.. Actually meron kaso may hinanap lang"
"Sino? Yung birthday boy?"
"Uh oo. Pasensya na hindi po ako masyadong nakikipag usap sa di ko kilala" pag katapos kong sabihin yon bigla syang nag chuckle, haha how cute! Ang cute nya pala
"Yun ba yung pinoproblema mo? *chuckle* I'm Kevin Lance Ford, Kevin na lang" sabi nya sabay abot ng kamay sakin kaya tinanggap ko
"Lorrine Amber" matipid kong sabi
"Pwede bang amber na lang itawag ko sayo?"
"Ahh.. ok, bahala ka"
Natahimik kaming dalawa saglit pero dahil nabibingi na ako sa sobrang katahimikan nag salita na ako
"So… inimbita ka dito ni TJ?" panimula ko
"Actually------" naputol ang sasabihin ni emman dahil biglang dumating si bessy kasama si istan
"Bestie, anidito na si-----ow! Sorry, tara mag-sim----" naputol rin ang sasabihin nya dahil pinutol ko
"Hindi! Hindi! Bessy ano ba yung sasabihin mo?"
"Ahhhh.. Talagang okay lang ba? Nag uusap pa kayo diba?"
"Ah hindi na, ano ba yung sasabihin mo?"
"Gusto ko lang sabihin na nahanap ko na si birthdayboy at kung gusto mo ng mag simula na tayo?"
"Osige" matipid kong tugon at umalis na si TJ para ata mag bigay na ng speech
"*cough, cough* okay let's start. Thank you every one for coming to my party specially lorri, shane and kai. Enjoy my party, thank you" at bumaba na sya sa stage
"Bestie, sino yung kai?" tanong ni shane
"Hindi ko rin alam eh, tanong natin kay kevin"
"Ha? Sino si kevin?"
"Ay! Hindi ko pa pala sya na ipapakilala sayo, halika" sabi ko at pumunta kami kay kevin dahil umalis kami sa pwesto namin kanina eh
Nung nakita ko si kevin lumapit kami sakanya
"Kevin!" tawag ko, lumingon naman sya at lumapit
"Uhmm kevin gusto ka daw makilala ng best friend ko so kevin si shane, bessy si kevin" pag papakilala ko sa isa't isa
Lumapit naman si kevin kay bessy para makipag kamay at iniabot naman iyon ni bessy
"Nice to meet you shane"
"Nice to meet you too kevin"
"Uhmm kevin may itatanong lang sana ako sayo" sabi ko
"Ano yun" sabi nya sabay ngiti
Ang gwapo ni kuya kevin!!!
"Ahh kilala mo ba si kai?"
"Hindi eh"
"Ahh ok, salamat"
"No problem"
Umalis na kami para hanapin si istan para sana itanong kung sino si kai ng mag salita si bessy
"Bestie, ang gwapo pala nung manliligaw mo eh" napangiti naman ako sa sinabi ni shane
"Hindi ko yun manliligaw, friends lang kami nun at tsaka ngayon nga lang kami nag kakilala nun eh.. Wag na nga natin pag usapan sya at hanapin na lang natin si istan dahil na cu-curios na talaga ako" pag iiba ko ng topic
"Sus, topic changer ka ata para lang hindi sya mapag usapan eh"
"Tigilan mo na nga ako bessy, crush mo ba yon?"
"Hindi! At tsaka mas gwapo si kuya TJ 'no"
"What ever" at hinanap nalang namin si istan
Ng mahanap namin si istan may kausap syang babaeng maganda at sexy at naka ngiti pa si istan habang kausap yung babae
Ewan ko ba pero bigla ko na lang hinila si bestie palabas ng hotel at nag iiyak sa labas ng kotseng itim kahit hindi namin alam kung kanino yun at kino-comfort lang ako ni bessy dun
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nag seselos na kaya si lorrine? Kyaaaaaah ako mismong author kinikilig sa love story nila hahaha. Thank you nga pala kay @tyraannmallari for voting, i love you ate!!