Unwanted Misery

By picXelle

257 30 5

I just wanted serenity in my life. But why can't I avoid the misery chasing me from behind. Posted: April 16... More

Midst: Unwanted Misery
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 19

5 1 0
By picXelle

PARENTS' PLAN

"Yeri, I'm sorry talaga. Promise, wala rin akong alam na ako pala ang planong ipapakasal kay Zach. Ngayon ko lang din nalaman. Kaibigan kita at ikaw ang girlfriend ni Zach pero ako na pala ang nakatakdang ipakasal sa kaniya kaya I'm so sorry talaga."

"Hindi mo kailangang magsorry, Kelly. Wala ka namang kasalanan," saad ko.

"Wala talaga akong laban kay mommy. Ang totoo nga niyan ay nabigla rin ako, syempre ayaw kong ikasal kami ni Zach. Alam ko naman kasing ikaw lang ang gusto niya at tumigil na rin naman ako sa pagkakaroon ng gusto kay Zach pero wala talaga akong magawa para pigilan 'yon."

"Naiintindihan kita," ngumiti ako. "Nagpapasalamat pa nga ako sa 'yo at kahit papaano, gumagawa ka ng paraan para tulungan kami ni Zach. Pero hindi mo na kailangang gawin 'yon. May gusto rin sana akong ipakiusap sa 'yo," napa-iwas ako ng tingin sa hiyang nararamdaman.

"Hm? What is that?"

"Kung pwede sana ay huwag mong sabihin sa mommy mo at sa parents ni Zach na... 'yon nga... na kami ni Zach."

"Oo naman! But I'm curious, ano ang plano niyo?" Tanong niya.

"Natatakot kasi akong baka ilayo siya sa 'kin ni Mr. Evilord kapag sinabi namin ang totoo. Kaya kahit ayaw ni Zach, napilitan siyang pumayag na itago na muna ang relasyon naming dalawa."

"Ang hirap niyon," aniya.

"Mabuti na rin 'yon kumpara sa malaman ng dad niya at paghiwalayin kaming dalawa," buntonghininga na lamang ako.

"So, sinasabi mong hahayaan na muna natin ang kasal-kasal na 'yan?"

"Ganoon na nga, hayaan na muna natin ang mga magulang niyo at matagal pa naman magaganap ang kasalang pinaplano nila sa pagitan ninyo ni Zach, pwede ba 'yon sa 'yo, Kelly?"

"Oo naman. Kung ano ang disesyon niyo at kung saan ako makakatulong, doon ako," aniya na malawak na ikinangiti ko. Sa huli ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong mahigpit siyang niyayakap.

"Salamat, Kelly. Sobrang swerte ko talaga at naging kaibigan kita," sambit ko sa ibabaw ng braso niya.

"Ano ka ba, wala lang sa 'kin 'yon. Ano pa't kaibigan kita 'di ba?" Tugon niya.

Hindi ko talaga inakalang ganito siyang klase ng tao. Sa mga sandaling lumilipas na kasama't nakakausap ko siya, mas lalo lamang niyang pinatutunayan ang sarili niyang hindi siya masamang tao na siyang unang impresyon ko sa kaniya noong una ko siyang nakita.

Ilang linggo na ang lumipas at sa mga linggong iyon, kapansin-pansin na ang malaking pagbabago rito sa loob ng mansion ng mga Evilord. Palihim na ang relasyon namin ni Zach lalo na kapag kaharap na namin ang mga magulang nito.

Hindi na kami halos magkibuan sa loob ng bahay at pansin iyon ni yaya Niña ngunit hindi niya iyon pinagtutuonan ng pansin o sadyang nirerespeto niya lang talaga ang kung anong relasyon mayroon kami ni Zach.

Madalas ng pumupunta rito si Kelly at sa kagustuhan iyon ni Mr. Evilord. Madalas siya rito magpalipas ng buong araw. Halos palagi na rin siyang kasabay sa pagkain ng pamilya. Nagpapakita lamang na sobra ang pagtanggap nila kay Kelly para sa nag-iisa nilang anak na lalaki.

Nag-usap na kami ni Kelly at alam na niya ang gagawin. Maging si Zach ay gano'n din. Susunod lamang sila sa gusto ng kanilang mga magulang, magpapanggap silang magkasintahan sa harap nila para maitago ang isiping mayroon kaming relasyon ni Zach. Salamat kay Kelly at nauunawaan niya ang sitwasyon naming dalawa ni Zach.

Isang linggo na naman ang nagdaan at habang tumatagal, kahit papa'no ay dahan-dahan na rin akong nasasanay sa patagong relasyon namin ni Zach. Dagdag pang personal maid niya ako, kaya wala silang napapansin kapag madalas kaming magkasama dahil kasama naman iyon sa trabaho ko.

"Uhm, hija, can you please wake my son on his room, the food we're preparing will be ready," sabi sa 'kin ni Mrs. Evilord habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa mesa. Katulong niya sa pagluluto sina yaya Niña at iba pang mga baguhang kasambahay.

Iniwan ko na sa isa pang kasambahay ang ginagawa ko at hindi lang halata, pero sobrang excited na naglakad ako patungo sa kwarto ni Zach. Sobra kaming nag-iingat sa mga kilos namin nitong mga nagdaang araw lalo na kapag na sa malapit lang si Mr. Evilord kaya ganito na lamang ang excitement ko dahil magkakaroon na naman ako ng rason para puntahan siya sa kaniyang kwarto.

Maingat kong pinihit ang doorknob pabukas at maingat ding isinarado ang pinto pagkatapos pumasok. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa malaking kama ng kwarto kung saan siya natutulog balot ng color gray na comforter sa nasisilip kong topless niyang katawan. Gano'n naman siya, palaging walang damit pang-itaas kung matulog.

Marahan akong naupo sa gilid ng kama at sa halip na gisingin ay pinagmasdan ko lamang ang maaliwalas niyang mukha na payapang natutulog. Wala sa sariling napangiti ako sa isiping wala pa rin talagang pagbabago, halatadong suplado tulog man o hindi, pero wala naman ding dudang gwapo.

Marahan kong hinaplos ang tuktok ng kaniyang ulo habang pinagmamasdan lamang ang mukha niyang nilamangan lang ni Mario Maurer ng isang paligo. Kung panlabas lang talaga ang pag-uusapan ay malapit na siya sa salitang perpekto. Gwapo at ang talino pa. Kung hindi ko pa siya nakilala, hindi ako maniniwalang may ganitong klaseng nilalang na nag-eexist dito sa mundo.

Sa mga iniisip ko ay wala sa sariling napakunot ang noo ko. Bakit nga ba ganito na lang ako kung purihin ko siya sa isip ko? Napangiwi ako at akmang tatayo na sana nang hawakan niya bigla ang pulso ng kamay kong na sa tuktok ng kaniyang ulo at hinila palapit sa kaniya dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya at walang ano-ano'y kinulong ako sa mga braso niya.

Hindi ako nakagalaw sa yakap niya. Titingala pa lamang ako para tingnan siya ay mariin ng napapikit ang mga mata ko nang mapagtantong dibdib na niya ang katabi ng mukha ko.

"Zach..."

"Hmm," ungol niya. "Good morning, babe," matapos magsalita ay mas lalo pang humigpit ang yakap niya.

"Tawag ka na ng mommy mo, bangon na," naiilang na sambit ko. Pwede ko naman siyang gisinging nakatayo at hindi ganitong yakap niya ako.

"Five minutes, babe," usal niya at napasinghap ako nang hilahin niya ang baywang ko palapit lalo sa kaniya. Ilang segundo ang tuluyang nasayang bago ako nakabawi sa nangyayari at dahan-dahang kumilos para kumawala sa yakap niyang matinding epekto ang dala sa puso kong pinanghihinaan.

"Oh... s-sige... f-five minutes-"

"Yeah, five minutes of hugging you tight."

Napakunot ang noo ko sa kaniyang tinuran. Anong five minutes of hugging you tight, eh five minutes lang pagkatapos ay babangon na dapat siya?

"Zach, huwag na pala. Bangon na-"

"I missed you, babe."

"Nambola pa, huh, araw-araw kaya tayong nagkikita," sambit ko.

"But not as usual as before, when no one's around and I can hug you whenever and wherever I want."

"Alam naman nating hindi pwede 'di ba? Mas mabuti na rin 'to, kasya mapaghiwalay tayo ng dad mo."

Sa huli ay hindi na rin siya nakaimik pa. Alam kong ayaw niyang itago namin ang relasyon naming dalawa pero wala siyang magawa dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang isugal ang relasyon naming dalawa para lang maipaalam sa lahat ng tao lalo na sa dad niya na kami ngang dalawa.

"I know, babe. Just let me hug you this time, I missed you so much."

"Sige, five minutes, katulad ng gusto mo. May tanong lang ako, Zach."

Bahagya lang siyang gumalaw, hinihintay ang susunod na sasabihin ko.

"Kayo ni... Kelly, hindi naman kayo magkaaway 'di ba?"

"What do you mean?" Tanong niya sa ibabaw ng ulo ko.

"Ang cold kasi ng treatment mo sa kaniya, naisip ko lang-"

"I'm always like that to every girls I encounter everyday except mom, Zain and you of course."

"Kaya nga, alam mo namang nagbago na si Kelly 'di ba? Tinutulungan niya pang mapagtakpan tayo mula sa dad mo. Kaya hindi mo kailangang umaktong antipatiko sa harap niya."

"Okay, I'll try," maliit niyang tugon.

Tumango ako, "Lahat pala ng tao, nagbabago."

"Hm... It depends, babe."

"Oo nga, pero si Kelly, sa halos isang taong pananatili ko sa HHU, hindi ko akalaing gano'n kalaki ang kaniyang ipinagbago. Napakabait niya."

"Okay, okay, she changed, she'd became your good friend, she helped us, but I don't still like the way she talked. She's always grammatically error and that's one thing I hate about her."

"Hayaan na, matututo rin naman siya balang araw. Ang importante mabait na siya."

"And you're more amiable than her, though."

Kasabay ng pagngiti ko ay napabalikwas kaagad kami sa kama nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi pa man ako nakakababa ng kama ay bigla ng bumukas ang pinto.

"Yaya Niña, ikaw lang pala, jusko!" Napahimas ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.

"Mabuti nga't ako lang 'to, bumaba na kayo kun'di si mam Clea na ang pupunta rito para pababain kayo," aniya at iniwan kami sa kwarto pagkatapos isara ang pinto.

Bumaba kami ng kwarto at natigilan ako nang makita si Kelly at Mrs. Grayson sa dalawang silya kung sa'n nakahanda ang maraming pagkain sa mesa. Naroon na rin at nakaupo ang mag-asawang Mr. And Mrs. Evilord.

"Hey, good morning, Zach!" Nakangiting bati ni Kelly sabay tayo at halik sa pisngi ni Zach. Hindi kaagad nakakilos si Zach sa biglang kilos ni Kelly kaya hindi na siya nakaiwas pa.

Akmang itutulak pa lang niya si Kelly ay kaagad ko siyang pinaningkitan ng mata nang dumapo ang tingin niya sa 'kin dahilan para hindi matuloy ang binabalak. Palihim lamang siyang nagmura dahil wala na siyang nagawa pa.

"Tch! What are they doing here?" Kunot-noong tanong niya sa magulang sabay turo at tingin ng masama kay Kelly.

"G'morning, son," sa halip na sumagot ay malamig lang na bumati ang kaniyang ama.

"Hija, come sit and join us," sambit ni Mrs. Evilord sa tabi ng kaniyang asawa. Umiling naman kaagad ako.

"Hindi na po, tutulungan ko na lamang po si yaya Niña sa kusina," hahakbang na sana ako paalis nang matigilan din sa biglang salita ni Mr. Evilord.

"No, you're not a maid here, miss. You're only my son's personal maid and there's a big difference between the two."

"Pero, Mr. Evil-"

"Don't make me repeat my wife's words, miss," maawtoridad na aniya kaya wala na akong nagawa kun'di ang maupo na sa tabi ni Kelly. Ngumiti siya sa 'kin kaya napangiti na lang din ako ng pilit.

Tatlo kaming nakaupo ngayon sa kanang bahagi ng mesa, si Zach, Kelly at ako. Sa kabilang side naman ay tanging si Mrs. Evilord lamang at sa unahan naman ay si Mr. Evilord.

"So you're asking why is your future mother-in-law and future fiancé here," gamit ang tissue ay nagpunas si Mr. Evilord ng kaniyang bibig. "You'll go with her for a training."

Sa sinabi ni Mr. Evilord ay natigilan si Zach sa pagsubo ng pagkain. Napaangat ang tingin niya sa kaniyang ama na bakas ang kalituhan sa mga mata.

"Training?" Kunot-noo niyang tanong.

"You heard me right, son. It's better to hone both of your business skills at an early young age," blankong tugon nito kay Zach.

"Yeah, tito Ary's right, Zach. I'm excited na nga, eh. We'll-"

"Shut up, I'm not talking to you, Kelly," putol niya, nagulat naman ang lahat maliban na lamang kay Mr. Evilord na nananatili pa ring blanko. "Dad, what do you mean by that?" Lito niyang tanong.

"Mrs. Grayson will clear out your mind," anito.

"We'll send you both to the Philippines' Prime Business District and help you raise yourselves as entrepreneurial teenagers for maximum time of six months. Some of the successful business founders in Makati Central Business District will teach you actual life management skills that'll help you become a successful business' owner in the future. They'll personally help you set goals or create startup ideas," mahabang paliwanag ni Mrs. Grayson ngunit tila wala pa ring maintindihan si Zach sa sobrang kalituhan ng mukha.

"I... Don't get it. In Makati... Six months... What the f-"

"Don't start me with your filthy mouth, son," putol ni Mr. Evilord. "In Makati, both of you will be molded into famous entrepreneurship for the better future of our companies and also both of you as a good founders for like what Mrs. Grayson said, whole six months. Both of you will be send to Makati 3 days from now."

"No, I don't want to, dad."

"If you're thinking about your studies, we'd already transferred you both to continue your studies in Light of the World Christian Academy Of Makati. We're done talking to your current guidance counselor about the planned transfer, filled out all the required paperwork, gather all of your necessary records and submitted your transfer request application by the deadline and I can't see any problem with you to violate me on sending you to other city."

"But... My friends-"

"That's ridiculous, son. Anyone can survive with or without friends. For initial, they'll exist as our friends who will help us in times of needs, comfort us when in pain but later on, betray us, stab our back and fully become as our enemies, so I suggest you not becoming fully contingent with your friends because you will never know their next step to ruin the person they played all along."

"You don't know anything about friends, dad!"

"Friends are the people who secretly envy us, killed us in their minds, betray us and deceived us for acting like a true one-"

"That's your own definition of friends, dad! That's the friends that you've met and the kind of friends you'd encountered in the world of business! My friends have nothing to do with that, because my friends are the kind of friends you had never met in you entire life! You don't even have the rights to define the word friends because... you never had even only one, dad!"

Natigilan ang lahat matapos siyang mapatayo at sigawan ang dad niya. Katulad ng inaasahan, lahat gulat, maliban kay Mr. Evilord na nananatili lamang blanko ang mukha.

"And you're trying to send me to Makati to continue my studies, huh? Well, I'm telling you, dad, you can't force me! I won't go there and you can do nothing about it, dad!"

"Enough with the rigidity of your head, Zach!" Lahat ay natigilan nang biglang tumayo sa galit sabay hampas ng malakas sa mesa. Lahat ay hindi nakapagsalita, maging si Zach ay hindi rin iyon inaasahan. "Once I told you to go to Makati with Ms. Grayson, you will! You won't fucking disobey me because you're nothing without me and once I've pulled my strings over you, son!"

"I don't care, dad! Pull your strings all you fucking want, for all I fucking-"

"You don't care about our companies, you only care about your friends and other useless things. Friends? Fine, I'll kick your friends' asses out of my school! Choose, either you leave or they leave and never comes back! Don't try to disobey me, Zach! My decision, you follow! My command, you comply! My order, you obey and you can always do nothing about it... Son!"

Hindi na binigyan pa ng pagkakataong makapagsalita si Zach dahil malalaki ang hakbang at nagtatagis ang bagang sa galit na niya kaming tinalikuran palayo. Ilang segundo lang ang lumipas ay galit ding umalis si Zach dito sa dining area.

"Mrs. Evilord, as you can see, where out of this, so do you mind if we go? This isn't our problem anymore."

"Yeah, I'm sorry, Mrs. Grayson for what you had just witnessed."

"Look, Mrs. Evilord. It's because of the advantages we'll get after merging our companies why we're trying to have patience and avoid being upset with your son."

"I know, Mrs. Grayson-"

"For you and your husband to know, the Grayson Colourful Company isn't the only one who will profit on merging the companies, right? Because one of your very own precious' Evilord Restaurant will also benefit billions in the process. But look what's happening right now? Your son seems uninterested with your company. He doesn't even look like he cares?"

"I know where you coming from, Mrs. Grayson. But it's our children's training on Makati we're talking about, right? Not the other way around."

Hindi ko alam pero parang may namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa habang kami ni Kelly ay napakibit na lamang ng balikat nang magkatinginan. Bahagyang nagsukatan ng tingin sina Mrs. Grayson at Mrs. Evilord, ngunit nang ngumiti ng nakakaloko si Mrs. Evilord ay pikong napaiwas ng tingin na lamang ang mommy ni Kelly.

"Let's go, Kels. I'm losing my mind in this place, shit!" Nauna na siyang naglakad palabas ng bahay kaya tumakbo na si Kelly para habulin siya.

"Mom! Hey, wait for you!"

Matapos makalabas ng mansion ay pabagsak kaagad na napaupo si Mrs. Evilord sa upuan, tila nawalan ng lakas sa nangyari kanina sa pagitan ng asawa't anak.

"God!" Pagod niyang usal habang nakatukod ang kamay sa mesa sabay hilot sa noo niyang halatang gulong-gulo na.

Kaagad akong kumuha ng baso ng tubig, "Mainom po muna kayo, mam Clea," sambit ko at iniabot iyon sa kaniya.

"I'm tired, I don't understand what's wrong with them two! They're with the same blood and flesh, hence, they are always opposite from each other, talagang hindi magkasundo!"

Pagod niyang tinuran. Sa awa sa kaniya na ina at asawa ng dalawa na gusto lang namang magkabati sila ay napahimas na lamang ako sa likod niya.

"Huwag po kayong mag-alala, mam Clea, maaayos din po ang lahat. Hindi man po ngayon o sa susunod na mga araw, balang araw at sa tamang panahon, magkakaayos din po sila. Katulad po ng sinabi niyo, mag-isa lang ang dugong dumadaloy sa kanila, mag-ama sila kaya hindi rin nila matitiis ang isa't isa."

"You don't know a thing about my husband, hija. He's capable at controlling and manipulating things according to plan. Yeah, I feel sad for our son for forcing him to do the things he doesn't want at his early young age but it's for him, for the family and for our companies sake and future. He's the only heir we've got aside from her sister who's busy studying in London for her dream job to become a successful designer in the future. Gusto ko lang namang magkaayos sila, but they're just worsting the situation everytime they're in one step closer towards each other!"

Sa dami ng sinabi niya ay isa lang ang nararamdaman ko para sa kaniya. Iyon ay walang iba kun'di awa. Maraming luha ang tumulo sa kaniya at makikita talaga sa kaniyang gusto lang niyang magkaroon ng masayang pamilya pero nahihirapan siya sa kaniyang mag-ama. Sa nararamdaman ko ay mas lalo ko pang hinimas ang likuran niya.

"Susubukan ko pong kumbinsihin si Zach. Baka sakaling mapapayag ko siya. Para rin naman po 'yon sa ikabubuti ng lahat, kaya tahan na, mam Clea."

Continue Reading

You'll Also Like

33.6K 3.1K 36
[COMPLETED] Catiana Parker and Liam Rodriguez were childhood best friends, at first Catiana thought it was all just a friendship but turns out, she w...
83.6K 3.2K 38
แด…ษชแด แด‡ส€ษขแด‡ษดแด›; แด›แด‡ษดแด…ษชษดษข แด›แด ส™แด‡ แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แดส€ แด…แด‡แด แด‡สŸแดแด˜ ษชษด แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แด…ษชส€แด‡แด„แด›ษชแดษด๊œฑ.
180K 8.8K 54
แ€„แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บแ€€แ€แ€Šแ€บแ€ธแ€€ แ€›แ€„แ€บแ€ทแ€€แ€ปแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€†แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€™แ€ผแ€ฒแ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€œแ€ฑแ€ธ แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธ แ€แ€ผแ€ฐแ€แ€ผแ€ฌแ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธแ€€ แ€•แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Ÿแ€•แ€บแ€–แ€ผแ€ฐแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€แ€ถแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€™แ€œแ€ฑแ€ธ แ€”แ€ฑแ€แ€ผ...
508K 9.9K 105
violet jones grew up around people that she feared. one day she got thrown a massive curve ball, her whole life blowing up just within just two days...