Rebel Hearts

By heartlessnostalgia

1.8M 76.3K 39K

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely liv... More

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27 (Part One)
Kabanata 27 (Part Two)
Kabanata 28 (Part One)
Kabanata 28 (Part Two)
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 9

42.3K 2.2K 1.3K
By heartlessnostalgia

Kabanata 9

Nanalo ako.

Gago. Tang ina. Puta?

"Congrats, boss!" sigawan ng tatlo sabay hampas ng likod ko, humihiyaw at tumatalon pa.

"Hindi..." umiling ako at tumitig sa board, umiiling. "Nanaginip lang ako, 'di ba?"

"Anong panaginip, totoo 'to!" hagalpak ni Eunice at minasahe ang balikat ko. "Naks! Sexytary ka na! Pa-kwek-kwek ka naman d'yan!"

Umiling akong muli, inikot ang tingin at nasalubong ang mga mata ni Dame na nakasandal sa malapit sa board, ang mga mata ay nasa akin. Tumaas ang sulok ng labi niya nang mahuli ang titig ko.

"Congrats, Pres.!" pagbati sa kanya ng mga kasama na tinatanguan lang niya bago ibabalik ang tingin sa akin.

"Dame—este Pres.," tawag ko at umayos ng tayo, iniwan ko ang tatlong nagwawala na nakatayo at naglakad papunta sa kanya. "Nagkamali ata."

"What's wrong?" tumaas ang kilay niya at mas sumandal, halatang natutuwa sa reaksyon ko.

"'Yong..." suminghap ako't itinuro ang board sa sinulat na final result ng tally. "'Yong secretary, mali 'to, 'di ba?"

Umalis siya sa pagkakasandal sa pader, sinuot ang salamin niya at tumabi sa akin sa tapat ng board.

"What's wrong here?"

"'Yong result!" pinaglaban ko pa. Inabot ko ang pulsuhan niya sabay hila sa kanya palapit pang lalo sa board. Tinuro ko ang pangalan ko at ang kalaban ko. "Nagkapalit kami ng pangalan ni Morales, 'di ba?"

Hindi siya umimik.

"Pres.!" angil ko na, matalim ang tingin sa kanya at tinuro pa ulit ang board. "Sabihin mo, mali!"

Bumuntonghininga siya, bahagyang tumungo para titigan ang pangalan ko, pinapantayan ang ulo ko.

"I don't think so," sagot niya, ang boses ay sa tabi na ng tainga ko.

"Anong I don't think—" nilingon ko siya pero singhap lang ang namutawi sa lapit ng mukha namin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin, nag-iinit ang pisngi. "N-nagkapalit kami kasi! Impossible 'to, bilangin n'yo ulit!"

"I don't think so, love," he chuckled.

"President!" dinabog ko ang paa, humahalukipkip, hindi siya binibigyan ng sulyap. "Double check natin, nagkamali lang 'yan ng bilang o kaya... o kaya baligtad ang lagay ng pangalan!"

Narinig ko ang hugot niya ng hininga at umalis mula sa tabi ko, sinundan ko siya ng tingin. May inabot siyang notebook sa lamesa sa SSG office kaya lumapit ako, gumaya din ang tatlo at nakisilip.

"Look," ipinakita niya sa akin ang resulta ng tally sa bawal section at year levels. "Count it."

Hinablot ko ang notebook at inangat ang sarili para maupo sa lamesa pero nadulas sa paldang suot nang sinalo niya ang baywang ko para 'di tuluyang mahulog bago ako pinirmi paupo.

Nanigas ako.

Nagkatitigan kami at naligaw ata ako kakatitig sa itim na itim niyang mga mata sa ilalim ng salamin. Humigpit ang hawak ko sa notebook kasabay nang paghigpit ng hawak niya sa baywang ko.

May sumipol.

"Grabe 'yong sparks, oh! Mas malakas pa sa sinturon ni hudas!" ani Junard.

Marahang tinulak ko ang kamay ni Damon at tumikhim, "thanks, Pres.," pormal kong sabi sabay bukas ng notebook at tinago ang kamay ko roon.

"Tignan n'yo," tawag ko kina Eunice at nang lumapit sila ay pinakita ko ang gitnang daliri sa loob ng notebook.

"Tang ina mo," sinapok ako ni Eunice.

"Tang ina ka rin," mura ko pabalik.

"Revelia..." naiwan ang kamay kong sasapok sana sa batok ng kaibigan sa boses ni Dame.

"Bakit?" tanong ko.

"Language," paalala niya at sa pagbagsak ng balikat ko ay humagalpak ang tatlong mga gago at pumalakpak.

"Wala ka pala kay Pres., boss, eh!" sita ni Jeremiah.

Mas bumusangot ako at tinaliman ang tingin kay Damon.

"Sila din naman, ah!" reklamo ko sabay turo sa tatlo, "bakit ako lang ang papagalitan?"

"You're the SSG Secretary now," tumaas ang sulok ng labi niya.

"Nagkamali nga lang 'to," inangat ko ang notebook, "iko-compute ko 'to, makikita mo. Nagkamali lang!"

"Your votes are ten percent higher than the candidate second in line," sagot niya. "But feel free to check."

"Tang ina naman kasi, Revel, totoo nga kasi 'yan! Sexytary ka—"

"Miss Panada, language," putol ni Damon sa kanya at nang makita ko ang pagpula ng mukha ni Eunice ay humagalpak ako.

"Ayan, napagalitan!" malakas kong sinabi, "akala n'yo ako lang, ah?" hinarap ko si Damon. "Pres., alam mo ba palamura din si Junard at Jere."

"Luh, hindi!" reklamo ng dalawa na napahawak pa sa dibdib sa gulat.

"Oo nga," tumango ako, "ang lalakas ng mura—"

"Tang ina mo, boss! Hindi nga—" nabitin ang boses ni Junard sa tikhim ni Dame.

"S-sorry, Pres.," tumikhim siya, namamawis na ata roon.

"It's alright but not here," umiling si Damon sabay sulyap sa labas ng bintana ng office, "teachers and the dean might come often. It's better not to use foul language. They're conservative."

"Pero sa labas, p'wede kong sabihin na tang ina—" napawi ang boses ko sa titig ni Dame sa akin, para na ata akong sasaksakin.

"Behave, Miss Secretary," agap niya, "as an officer, you should be the student's role model and good example—"

"Good example ng bulakbol?" putol ko, nang-aasar. "Turuan ko ba silang hmm... paano ang tamang pag-cutting?"

Pumirmi ang labi niya, "Maria Revelia..."

Nalaglag ang panga ko.

"Ay, na-Maria na!" humagalpak si Eunice at tinapik ang balikat ko.

"Gaga—"

"Ay, Pres., ang sabi ng Mama ni Revel, Princess Sarah daw dapat ang pangalan niya," kung p'wede lang saksakin ang ngala-ngala ni Jeremiah ay ginawa ko na.

Umangat ang labi ni Dame para sa ngisi at nilingon ako. Inangat ko ang kamay at umiling.

"H-hoy!" angil ko, "hindi! Hindi 'yan totoo, promise—"

"Princess Sarah," baritono siyang tumawa. "Tapos ka na magbalat ng patatas?"

Muntik na akong mawalan ng ulirat nang sumabog ang hagalpakan ng tatlo, ang mga boses ay sinakop ang buong office. Hindi ako nakasagot at natulala din habang pinagmamasdan ang pagwala ng mata ni Damon sa pagtawa.

Sa halip na mainis ay nakita ko ang sariling binubusog ang mata sa itsura niyang iyon. Gago-gago na si Damon kapag magkasama kami pero ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganito at nakikitawa pa kasama ang mga kaibigan kong gago rin.

Komportableng-komportable.

Ang ganda sa paningin at pandinig.

Nahuli ko ang tingin niya at do'n lang siya natigilan sa pagtawa. Namumula pa ang pisngi niya nang humugot ng hininga at humawak sa batok niya, inaayos ang salamin bago muling pumormal.

"I'll... leave the four of you here for now, I'll talk to the Dean," binasa niya ang labi. "And... hihiramin ko muna ang kaibigan n'yo pagbalik ko."

"Ako?" turo ko sa sarili, "bakit?"

"We'll have a quick formal introduction then talk to the Dean," aniya.

"Ohhh..." tumango ako.

"Antayin ka na lang namin pauwi, boss?" ani Junard, "doon lang kami sa labas—"

"No need," putol ni Damon, "I'll take her home."

"Huh?" kumurap-kurap ako. "N-naku, Pres.! 'Di na kailangan—"

"I will," hindi na siya nag-antay na may angal pa ako at lumabas ng office, iniiwan akong tulala at nagwawala ang puso.

"Grabe ka na, Princess Sarah!" sinakal ako ni Eunice, "grabe! Ngayon ko lang narinig na tumawa ng gano'n si Pres.!"

"Oo! Akala ko nga suplado at seryoso talaga!" ani Jere.

"'Di kaya crush ka na rin, boss?" hinuli ni Junard ang tingin ko sabay ngisi.

Crush? Ako? Ni Damon?

Huh? Ha... Ha-Ha-Ha-Ha—weeeh? 'Di nga? Ano ba naman 'yan... talaga ba...

Nag-init ang pisngi ko.

"Ay, iba! Namumula si gaga!" bulyaw ni Eunice sa tainga ko, mas lalo pa akong sinasakal.

"Yieee... nagdadalaga na si boss!" binato ako ni Jeremiah ng unan at malamang ay 'di ako papatalo. Pagsalo ko ng unan ay binato ko sapol sa mukha niya.

"Bullseye!" sipol ko nang matumba siya.

Sa pagbalik ni Damon ay umalis na ang tatlo, mauuna na raw pauwi. Si Eunice ay busy sa text niya at hinihila na ang dalawang lalaki paalis.

Baka may date na naman sila sa footlong-an ni Bunak.

Alas-tres pa lang ng hapon at estimated na nasa alas-singko o ala-sais kami makakauwi para sa meeting kay Dean pero mabilis lang pala kaya alas-kwatro pa lang ay nakalabas na kami.

Nag-congrats lang naman siya, sinabihan kaming masaya siya at kami ang nanalo (hindi nga?) at sana raw ay maging maganda ang pamamahala namin sa CSU. Na maging magandang ehemplo sa mga estudyante at nakababata sa amin at sa susunod na school year ay kami na ang Seniors nila.

Medyo boring kasi wala naman akong ka-close pwera kay Damon pero natuwa naman ako no'ng sinabi niyang magkakaroon ng mini getaway celebration para sa officers.

At hindi lang 'yon! May pagkain pa! Plus! Libre!

Ako at ang second year representative lang ang nanalo sa E-Youth Partylist at ang halos karamihan ay galing kina Damon na 'di naman nakakagulat. S'yempre naman at Section A sila. Plus pa na mga re-elect lang ang nasa itaas na posisyon.

Ibig sabihin? Si Mindy ulit ang Vice President. 'Di pa niya ginawang secret ang pag-irap-irap niya buong meeting.

Kumukunot ang noo ko t'wing nakikita ko ang pag-dikit niya kay Damon. Akala ko ba niya 'di ko napansin na pasimple siyang humahawak sa braso ng President ko?

Ano? President ko?

Pagak akong tumawa at sinapok ang mukha ko. Natigil ako sa paglalagay ng powder sa mukha ko at iritadong sinuksok pabalik sa bag ko.

Bakit ba ko nagpupulbos? Sinong pinapagandahan ko, ah? Si Damon?

"Ihahatid ka lang, Revelia, ang landi mo," sita ko sa sarili sabay labas ng panyo at tanggal ng pulbo sa mukha ko.

"Bakit ba 'ko nag-aayos?" ginulo ko ang buhok kong sinuklayan at inangat sa ponytail. "Ayan, dapat astig lang. 'Di tayo mahinhin, self. Astig only."

Tinapik ko ang sarili at lumabas. Naupo ako sa bench sa may malapit sa field at nag-antay.

Naiwan kasi si Dame at Mindy sa Dean's office at kakausapin pa sila ni Dean. Sinabihan niya akong antayin siya kaya nakaupo ako ngayon at nag-aantay nga. Ihahatid daw ako.

Nagpatugtog muna ako habang pinapanuod ang mga estudyanteng labas-pasok sa school. Medyo mainit pero prinotektahan ako ng silong ng mga puno, ang malamig at fresh na hangin ay humahaplos sa balat ko.

Tagal naman ni Damon?

Nag-text si Mama, nagtatanong anong oras akong uuwi kaya sinabi kong mga alas-sais kahit na hindi ako sigurado kung mas maaga pa ro'n.

"Talaga ba? Si Vice talaga ang gusto ni Pres.?" nahila ko paalis ang earphone sa narinig at sinundan ng tingin ang mga juniors na umuupo sa tabi lang ng bench ko, 'di ako pansin dahil nasa tagong parte.

"Oo, narinig ko," sagot no'ng isa.

Ano? Narinig mo lang naniwala ka na?

Ayaw ko sanang ma-bad trip pero nasa dugo ko na ang pagiging tsismosa.

Sumilip ako para makita ang mukha nila at natantong galing sila sa Section A.

"Pero si Santo?" ani no'ng kasama niya, "'di ba magkasama sila palagi ni President? Ano 'yon? Akala ko ba sila?"

"Hindi, 'no!" sabat ng kasama niya, "si Mindy ang gusto ni Pres.! M.U. na nga sila no'ng sophomore pa lang! 'Di lang natuloy kasi nakialam 'yong mga bobo sa Section D!"

Mas lumalim ang gatla sa noo ko.

"Eh, bakit naman hinayaan ni Pres.? Kung gusto niya talaga si Vice dapat sila na. Mas bagay naman sila, eh. Parehas matalino. Tapos maganda't gwapo!"

"Ayon nga, sabi no'ng barkada nina Mindy ayaw pa mag-boyfriend ni Vice nitong una kaya 'di nagpumilit si President. Tapos pinatulan lang daw 'yong trip nila Revel para daw pagselosin si Vice!"

Ano na namang katangahan 'to?

Mas lumabi ako.

"Atsaka, duh! Sa tingin mo ba papatulan ni Pres. sina Revel?" tumawa siya, "loko-loko lang nila 'yong sa kanila ni Revel. Balita ko may pinanghahawakan daw si Santo na alas kaya 'di makaiwas si Pres.!"

Natigilan na ako at napakurap.

Oo nga pala, Revelia. Baka nakakalimutan mong hindi ka niya iniiwasan kahit ayaw na ayaw niya sa 'yo dahil sa usapan n'yo?

Na kaya lang siya nakikipag-usap sa 'yo ay para 'di madungisan ang reputasyon niya? Na hindi mo ipagkalat na nahulog siya sa hagdan pagkatapos makipag-holding hands sa chewing gum?

"Alam mo bang sila na lang ang naiwan ngayon sa SSG office?" humagikhik ang huli, "at kanina no'ng dumaan ako parang seryoso ang usapan! Magki-kiss ata!"

Umalon ang sikmura ko.

Hinila ko ang earphones ko ng tuluyan at pinasok na sa bag ko. Sinukbit ko iyon sa balikat at nagmartsa papunta sa SSG office.

Hindi ko alam ang ginagawa ko. Ni wala sa plano at baka itulak ko na lang bigla ang pintuan para komprontahin sila pero 'di ko na ata kailangang gawin 'yon sa naabutan ko sa malayo pa lang.

Tanaw na tanaw sila mula sa bintana ng office. Nakatayo si Damon sa harapan niya at si Mindy ay nagsasalita.

Mukhang seryoso at malalim ang usapan. Ang mga mata ni Damon ay nakatuon sa kanya, tila binabasa ang ekspresyon niya.

Bumuka ang bibig ni Damon at may sinabi. Kumislap ang mata ni Mindy.

Hindi ko alam kung dahil ba sa iyak o tuwa?

Nag-uusap lang sila, Revelia. H'wag kang masyadong praning!

Pero niyakap ni Mindy si Damon at parang may umakyat na init sa tiyan ko papunta sa lalamunan nang makitang ilang saglit lang ay inangat din ni Damon ang palad niya para ibalik ang yakap.

Napaatras ako. Dali-dali akong tumalikod at tinakbo ang hagdan pababa, muntikan pang madulas kung 'di ako nahawakan ni Bryan.

"Revel! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

"O-oo," kumapit ako sa braso niya at umayos ng tayo. "Salamat, nawalan lang ako ng balanse."

"Saan ka?" kumunot ang noo niya sa 'kin, "nagkita na kayo ni Pres.? Pinapahanap ka niya kay Allan, sabi niya ihahatid ka raw."

"Ah, hindi na," umiling ako at maliit na ngumiti, "kailangan ko na kasi umuwi ng maaga, hinahanap na 'ko ni Mama. Pasabi kay Pres., nauna na 'ko."

"Huh?" napakamot siya ng batok, "pero palabas na 'yon—"

"Busy pa sila ni Vice," ngumisi ako at siniko siya, "ayos lang talaga, Bryan. Kailangan ko na rin umuwi at baka palayasin na 'ko ng Nanay ko."

Hindi ko na siya pinagsalita pa. Tumalikod na 'ko kaagad at diretsong bumaba palabas ng university, hindi lumilingon.

"Uy, hija! Saan na manliligaw mo?" nagulat pa ako nang makitang ang pamilyar na driver ang nasa likod ng sasakyan ko.

"Ah, Kuya, gandang hapon!" ngumisi ako, "naku, 'di ko manliligaw 'yon!"

"Weh?" pinanliitan niya ako ng mata, "eh, bakit madalas kayong magkasama? Tapos hinahatid ka pa?"

"Ah! Gentleman lang siya," sagot ko sabay kaway. "Sige, Kuya. Una na 'ko!"

Nakasakay ako kaagad ng traysikel na nasa unahan niya at dahil isa na lang ang kulang ay umalis kaagad.

Nakasampa ako sa likod, tulala habang sumasabog ang buhok sa hangin na tumatama sa mukha.

Bakit ba 'ko nasasaktan? Pakialam ko ba sa kanila? Sino ba sila, ah?

Pagak akong natawa. Napatalon ang driver.

"Ayos ka lang, 'Ne?" tawag niya.

Tamad akong tumango at ngumisi, "oo, Kuya. Nakalanghap lang ako ng utot ng manok."

Kumunot ang noo niya, natatawa. Tumawa ko.

"D'yan, Kuya, pababa na lang ako sa may pisonet." Turo ko sa computeran malapit lang sa may amin.

Alas-singko pa lang kaya may isang oras pa 'ko para maging malaya bago hanapin sa bahay.

Sumalampak ako ng upo sa upuan, nagpasok ng piso sa machine. Napangiwi pa ako nang maamoy ang maasim na headphone.

"Kuya Long! Wala ka bang extra na headphone? Ang asim nito!" reklamo ko.

"Bakit 'di ka magdala ng iyo?" sabat niya sabay hithit sa sigarilyo, "edi h'wag mo gamitin!"

"Bakit ako magdadala? Dapat kayo kasi comshop n'yo 'to—"

"'Tsaka ka na magreklamo kapag may pambayad ka na," ngumiwi siya.

"Hoy, may pambayad ako. Tignan mo—" nawala ang boses ko nang mag-off ang computer. "Ayan! Nasayang ang piso ko!" angil ko sabay simangot kay Kuya Long.

Humalakhak ang Kuya ni Junard at ngumisi, "pare-prehas talaga kayong magbabarkadang siga. Ang aasim naman."

Nahulog ang panga ko at dagling inamoy ang sarili ko pero ang So In Love na pabango na hinaluan ng Downy lang ang naamoy.

"'Di nga!" angal ko pero tawang-tawa lang siya. "Pakyu," inangat ko na ang daliri nang matantong inaasar niya lang ako.

"Gago talaga kayong mga bata kayo," umiling siya at may inabot na table niya sabay lapit sa akin. "Oh, headphone. Bagong bili 'yan, ah! Ayusin mo, kapag 'yan umasim..."

"Kapal mo, Kuya," ngisi ko na sabay abot. "Salamat."

Ginulo niya ang buhok ko, "nasa bahay n'yo sina Junard, ah? Bakit nandito ka?"

"Sa bahay?" kumunot ang noo ko, "ah, baka nakikilamon na naman sa bahay at inuubos ang meryenda na gawa ni Mama. Sabihan mo nga 'yang si Junard, Kuya Long. 'Yong agahan kong pandesal nababawasan na sa kanila. Nakikibahay na sa amin."

Umiling siya, "doon ka na lang sa computer one, h'wag ka na mag-piso net. Balita ko secretary ka na raw sa SSG sabi nila kanina no'ng dumaan."

"Oo, nagkamali lang 'yon ng lagay ng pangalan," deny ko pa. "Atsaka dito na lang ako sa pisonet, wala ko pambayad sa computer one. Mahal ang per one hour."

"Libre ko na," aniya sabay ngisi, nagliwanag ang mukha ko. "Nag-level-up ka na kasi. Atsaka narinig ko raw dalaga ka na? Jinowa mo 'yong apo ni Mayor Montezides?"

"Hindi!" tumikhim ako at nag-init ang mukha, "'di ko 'yon jowa!" sabay lakad ko sa computer one at bukas ng PC.

Isinuot ko ang headphone, dumiretso kaagad sa YouTube para makinig ng sawing kanta ng Repablikan. Luha ang title at iritadong binuksan ang Facebook ko habang kagat-kagat ang labi.

Magpaparaya na ako dahil hindi ako gusto ng mahal ko

Sinubukang habulin ka akala ko'y magagawa

Pero bakit ganon pinagpalit ako

Sa tropa ko

Harap-harapang niloko ginago mo ang tulad ko

Sana malimot na kita

Kumurap ako at pumunta sa status ng account ko.

Ako ay lumuha dahil, 'di ko kaya na lumutin ka at iwan ka

Dahil ikaw lang talaga

Ako 'y nagmahal ng todo pero ako'y niloko sana ngayon ay mahalin at wag mong lokohin please 'yong bago mo.

Revel Santo (cH1kaH_L0c4H_24) is feeling sad:

Blita k0h mhaL moE pHa xa. 220 vah? Ouch! Senxia kna ha, mhaL ksi kta. Pro pag ay4w n nya say0, d2 lnG aku. Khit pan4kip bUtas lng, 0k na. Khit mxaktan pa quh, waG lnq ik4w </3

#0ucH #PaiN #LuhaByRep4blikaN

"Ano na namang drama mo, Revelia?" hagalpak ni Kuya Long na tinitignan ang PC niya. "Sino na namang nanakit sa 'yo?"

"H'wag kang maingay, Kuya Long. Nag-e-emo ako," sagot ko at nagpalit na naman ng kantang pang-sawi para feel na feel ang pagda-drama at naglalaro ng Tetris.

Tumunog ang notifications ko.

Nilipat ko ang tab at nagsalubong ang kilay nang makitang may isang notification.

Damon Louis Montezides shared your post.

Napalunok ako. Nanginginig pa ang daliri sa pag-click ng mouse at lumitaw kaagad ang shinare niyang post ko. Binasa ko ang caption.

Damon Louis Montezides: Who said there's someone else?

Kumalabog ang puso ko at dali-daling nag-scroll.

Eunice M. Panada: AnYar3h???? 0__0

Junard Macho: WhuUTTT???? Bhosxz @Revelia saN kna? Hn4p kna ng M4ma mUe

Jeremiah Legazpi: :0

Sunod-sunod ang comments ng mga kaklase rin niya, kasama sina Allan at ang mga nasa lower years.

Misty Ry: MaMon n0 moR3? :<

May lumitaw sa inbox at muntik na akong mahulog sa upuan nang may lumitaw na notification sa gilid.

Damon Louis Montezides: What's the matter? Are we okay?

Damon Louis Montezides: You didn't wait for me. You're not yet home?

Damon Louis Montezides: Where are u?

Damon Louis Montezides: Love?

Nabitawan ko ang mouse at humawak sa pisngi ko.

"Putang ina, Kuya Long," malakas kong sinabi.

"Huh? Bakit?" tanong niya.

"M-mag..." lumunok ako, "mag-out na 'ko."

"Ah, 'ge," simpleng sagot niya at magla-log out na sana nang lumitaw ang pangalan ni Eunice.

Eunice M. Panada: s4N kna t3H? K ka lng?HnaP knA n Tit4. Uw1 kna dw.

Eunice M. Panada: n4q-cHaT xi Pr3s., hnap k4H. NUe sbHiN kuH??

Revel Santo: Nsa CoMsh0p kuh, uw1 nqu. sBhiN mu3 nXa bhai nqu.

Hindi na ako nag-antay ng sagot. Nag-log-out na 'ko kaagad, nagpaalam kay Kuya Long at naglakad papunta sa bahay.

Bangag at wala pa ako sa sarili habang naglalakad papunta sa buhay pero napatalon nang biglang may kumalampag.

"Congratulations, Revel!" nag-angat ako ng tingin at napanganga nang makita ang mga kaibigan ko, kasama si Mama at ang mga kapitbahay namin sa loob ng bahay.

"B-bakit..." kumurap ako.

"Miss Secretary!" humagikhik si Mama at hinawakan ang balikat ko sabay harap sa mga kapitbahay. "Officer ang anak ko ng SSG!"

Lahat sila ay binati ako. Ang tatlo ay nakasunod lang at nang pinakita ni Mama ang minadaling banner ko sa cartolina ay lumabi ako pagkakita ng nakasulat.

ConGratsxulatI0nz, BhoSxz PRiNcesx S4raH!

SSG Sexytary

Fr0M: 'Da K1labOtz

Sa ibaba ay may picture kong nakapahalumbaba, nakabaligtad ang cap na suot, mahaba ang nguso at may baby powder sa pisngi na parang batang may laban.

"Sorry, boss! Rush, eh!" ani Junard at nang titigan ko ang tatlong tukmol na nag-aabang sa reaksyon ko ay napatawa at pinakita ang gitnang daliri.

"Pakyu talaga kayo," suminghot ako sabay lahad ng kamay ko. "Tara nga rito, mga maasim kayo! Yakap, mga tang ina kayo."

"Yes! Nagustuhan niya!" ani Jere at malakas akong tumawa at niyakap ang tatlo.

"Tang ina ka rin, Revel," bulong ni Eunice at niyakap ako, "ano? Aabangan na ba natin si President bukas?"

Hindi ako nagkwento sa kanila kaagad tungkol sa nangyari. Nanuod kami ng pirated na movie habang kumakain ng mga biniling kutsinta ni Mama at palabok para daw sa rush at surprise celebration ng pagiging sexytary ko.

As usual. Handa ng isang bahay, abot sa mga tsismosang mga kapitbahay kaya ang ingay-ingay ng bahay namin.

Lumabas ako para magpakain ng mga manok nang tinawag ako ni Aling Lolita, "Revelia, aba'y may naghanap sa 'yong pogi kanina!"

"Po?" kumunot ang noo ko, "sino?"

"'Yong naghatid sa 'yo palagi," napigil ko ang hininga. "Pero wala na, eh, umalis kaagad no'ng sinabi kong nasa loob ka kasama sina Junard."

"Ano pong sinabi?" tanong ko, hindi na mapagkakaila ang sakit ng dibdib.

"Wala naman, nagtanong kung nakauwi ka na tapos sinagot ko 'yon. Niyaya ko nga lumamon kasi 'di ba handaan mo ta's boypren mo 'yon kaya—"

"'Di ko 'yon boyfriend," iling ko. "Wala lang 'yon, Aling Lolita."

Hindi na ako nagsalitang muli at pumasok na sa bahay at wala nang nagawa nang ma-corner ako ng tatlo at nagtanong tungkol sa status ko. Ikinwento ko lahat at ngayon ay nanggigilaiti silang lahat.

"Aabangan namin 'yan ni Jere!" tinaas ni Junard ang uniform niya.

"Tanga, ikaw lang ang aabang, dadamay mo pa 'ko," reklamo ni Jere. "Kita mo ba ang katawan ni Pres.? 'Yong muscles? Gago, isang suntok lang ako no'ng mahina lilipad na 'ko palayo."

"Hayaan n'yo na," bumusangot ako. "Wala na 'yon. Totoo namang trip-trip lang. Kaya 'ko pinagbibigyan ni Pres. kasi 'di ba may usapan lang kami? Atsaka, may napatunayan na tayo. Okay na 'yon."

"Revel..." ani Eunice.

Ngumisi ako at nagkibit-balikat.

Hindi na nila ako tinanong pa pagkatapos. Buong hapon kaming kumain at nagkwentuhan, naglaro pa kaming Chinese garter at s'yempre, ako ang mother.

'Di rin ako nakatulog ng maayos no'ng gabi kaya bangag ako pagkagising. Sinundo ako ng apat at napilit ko silang sa kabilang gate dumaan at parang may hinala akong may mag-aabang sa usual na dinaraanan namin at mukhang tama nga ako.

Nakapasok kami kaagad at dahil wala ang first period teacher ay bine-braid ako ni Eunice habang nakapahalumbaba ako sa desk at nagsa-sound trip kami sa room.

Sina Junard ang nag-gigitara na dinekwat nila sa kabilang section habang nagkakantahan ang lahat.

May kumatok at biglang tumahimik ang lahat. Kumunot ang noo ko at akmang lilingon nang tinulak ni Eunice ang ulo ko sa desk sabay bulong, "si Pres.!"

Umalon ang puso ko umub-ob sa lamesa, bumibilis ang paghinga.

"Good morning,"

"Morning, Pres.!" bati nila.

"Can I..." tumikhim siya, "can I excuse Miss Santo—"

"Tulog, Pres.!" ani Eunice. Mas diniinan ko ang pagpikit ng mata ko.

Shit. Shit. Shit. Umalis ka na r'yan, Damon!

"Oh, alright," bakas ang agam-agam sa boses niya, "if she wakes up, please, tell her I went here."

Pagkaalis niya ay atsaka lang ako umayos ng upo at natulala nang matantong lahat ng mata ng mga kaklase ko ay na sa akin.

"Break na kayo?" ani ng President sa room.

Bumuka ang labi ko para sumagot pero naunahan na ako ng tatlo.

"Walang sila!" chorus nilang sagot.

Pabalik-balik si Damon. Sa t'wing makikita ng mga kaklase kong papalapit daw ay sisigawan ako kaya magpapanggap akong tulog o 'di kaya'y nagtatago sa likod ng mga upuan.

"I'd like to borrow the broom," isa sa mga palusot niya.

"ID! ID!" tayo ni Eunice at pagkaalis niya ay tinakbo ako ng huli at nilagay sa leeg ko ang ID ni Damon.

"Gaga, tignan mo! Gwapo ni Pres., sa ID!" turo niya sa picture ni Damon. "Saan ang hustisya? Bakit siya mukhang model? Bakit tayo mukhang kriminal?"

"Ma'am, excuse. Kulang kasi ang upuan sa room. Can I borrow one?" palusot pa niya kay Ma'am Aquino.

"Sus, dami kayang vacant seat sa room nila," bulong ni Jere.

"Ohh..." sumulyap sa akin si Ma'am, binalik ko ang tingin sa notebook ko. "Alright, alright. Sige, mayro'n doon sa likod nina Revelia mo."

Revelia niya?! Ha!

Naglakad si Damon papasok sa kabila ng katahimikan sa classroom. Tila kasabay ko sila sa pagpigil ng hininga.

Pumunta siya sa may likuran kung nasaan nasa likod namin ang bakanteng seats. Humigpit ang hawak ko sa ballpen at nilagyan ng sungay ang drawing ko.

"Love," nagtaasan ang balahibo ko sa mahinang boses na 'yon, tila bulong. Hindi pa rin ako lumingon.

"Are we okay—"

"Ma'am! May isusulat ba? I volunteer!" excited kong sabi nang makita siyang tumayo para may isulat. 'Di ko na siya inantay na sumagot at dumiretso na sa board.

Sina Eunice na ang bumili ng inumin namin dahil 'di ako sumama sa canteen. Buong araw akong umiwas, pinipigil pa ang ihi ko kapag nasa labas siya ng classroom at nagbubunot, pasulyap-sulyap sa akin.

Bakit ba ang hilig nilang magbunot sa labas?

Akala ko ay makakaiwas na ako pero mali ako. No'ng uwian ay nag-announce ang Vice President na nagpapa-emergency meeting daw si President habang umiirap sa pwesto ko.

Emergency meeting mo mukha mo...

Gusto akong antayin ng tatlo pero umayaw ako at kaya ko naman ang sarili kong mag-isa! Independent ako at kaya ko 'to!

Pagkapasok ko pa lang sa SSG office ay naroon na halos ang lahat, pwera na lang kay Mindy at Montezides.

"Dito, Miss Secretary!" tinapik ni Bryan ang upuan sa tabi niya na ngayon ay Peace Officer namin sa SSG.

"Salamat," ngumisi ako at naupo.

"Saan sina Pres.?" tanong niya sa akin, nagkibit-balikat ako at tumitig sa notebook.

Aba, ewan ko, baka may landian pa sila ng Vice.

Mabuti at nag-open ng topic si Bryan kaya naaliw ako, kino-congrats ako sa pagkakapanalo kaya binati ko rin.

Gwapo 'to. Taga-section A din. Tapos varsity player din. Tapos SSG officer din.

Kung siya na lang kayo i-crush ko?

Ano? 'Di ko nga crush si Damon, ah! Sino ba 'yan? Chicser ba 'yan? One Direction ba 'yan?

"Good afternoon, sorry for the late notice," napawi ang ngisi ko nang maramdaman ang titig ni Damon muna sa harapan. Tinaasan ko lang siya ng kilay at bumaba ang tingin sa notebook.

"Revel, candy?" ipinakita ni Bryan ang palad.

"Hmm, salamat," ngumiti ako at kumuha ng isa.

"Why don't you share that to everyone here, Mr. Diaz?" napawi ang ngiti ko, nilingon si Damon na madilim ang tingin kay Bryan.

"Naman!" tumawa si Bryan at namigay ng candies.

Nagtagisan kami ng tingin ni Damon hanggang sa ako na ang umirap sa hangin at tumitig sa notebook nang may kumatok at tinawag ako.

Lumabas ako ng office saglit, kinuha ang test paper na binalik ni Ma'am Aquino para sa quiz namin kanina nangingiwi pa sa baba ng score ko pero may plus three naman kaya pasado pa rin. Kalahati nga lang.

"During meetings, dapat hindi nakikipag-usap sa labas," malakas na sabi ni Mindy. "So unprofessional—"

"Vice," tawag ni Damon at parang pusang natahimik ang huli.

Tinaasan ko siya ng kilay, dire-diretso akong pumunta sa may tabi ni Bryan pero natigilan nang makitang wala na ang upuan ko ro'n.

"Saan..."

"Nasa tabi ni Pres.," alanganin siyang ngumiti, "sorry, gulat kami biglang binuhat tapos nilipat."

Nagsalubong ang kilay ko, umiigting pa ang pangang hinarap si Damon pero pinapaikot niya lang ang ballpen sa daliri at walang reaksyong nakatitig sa papel sa harapan niya. Sa kanyang tabi ay ang bakanteng upuan ko.

Naglakad ako papunta ro'n, hinawakan ang upuan ko para iangat nang hinila niya pabalik.

"Where are you going?" iritadong nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Sa tabi ni Bryan, President," pormal kong sabi, "doon kasi ang upuan ko kanina."

"Hindi na ngayon," malamig niyang sagot. "Sit down, Revelia."

"At bakit?" laban ko sabay angat ulit ng upuan na parang wala lang na hinila niya pabalik.

"Because you're the secretary," laban niya. "Now, sit."

Naglaban kami ng titig. Iritado ako pero iritado din siya. Madilim ang tingin niya't nag-iigting pa ang panga. Walang papatalo.

'Di ko na kinaya, ako na ang nag-iwas. Inikot ko ang tingin sa mahabang table, natantong lahat sila ay nanunuod at nakanganga sa aming dalawa kaya nilamon ako ng hiya.

"Tss, oo na," bulong ko sabay upo sa upuan ko pero akala ba niya 'yon na 'yon? Inusog ko palayo ang upuan sa kanya at itinaas ang chin ko.

"What are you doing?" galit na naman siya.

"Wala naman, Pres.," hindi lumilingon kong sagot.

"Come closer, Revelia," aniya, "the secretary should stay beside the president—"

"Sinong nagsabi? Ikaw?" sikmat ko, "bakit, wala namang ganyang rule, ah? Nasa handbook ba 'yan?"

Mukha na siyang sasabog, sinuklay niya ang buhok at humugot ng hininga.

"Fine," he breathed. "Starting today, this will be the rule. I will also ask the Dean to put this on the handbook."

Gago?

"Ano?" bumusangot ako, "sino namang maglalagay n'yan sa handbook. Walang kwenta, parang ewan—"

"As the president, I'll make this the rule," sagot niya, inililibot ang tingin sa mga kasama namin.

"Dame," ani Mindy, "that is unnecessary!"

"Di ba?" sa unang pagkakataon ay nag-agree ako kay Mindy. "Ewan ko ba rito sa jowa mo, Vice!"

"What?" ani Damon na umigting pang lalo ang panga, halos sakmalin na ako ng tingin niya.

Nagliwanag ang mukha ni Mindy, "y-yeah, right. Dame, this is really not important..."

Pero 'di niya iyon sinagot at tumitig lang sa pwesto ko.

"Starting now, the secretary will stay only beside the president at all times... to make notes," batas ang bawat salita ng presidenteng nag-iinarte at napairap na lang ako sa hangin nang hatakin niya ang upuan ko palapit sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

83.3K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
331K 22.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
86.2K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...