Lost In The Weather (Lusiento...

De Ayanna_lhi

2.1K 101 15

When Thalia Channel Lastimosa found out that Yijin Lorenzo- the almost perfect guy everyone is dreaming of ha... Mais

YANNA
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE

CHAPTER 06

39 1 0
De Ayanna_lhi

CHAPTER 06 | Saved |

______________________________

After having an exclusive interview with President, agad ko nang sinimulan ang scrip ng life story niya. I often ask Seri and Chloe kung okay ba sa kanila or baka may gusto silang bagohin. Hindi ko gamay ang pagsusulat ng script that's why I'm constantly asking my friends if it's okay.

Masyado akong pressured dahil alam ko na hindi basta-basta ang responsibility na ibinigay nila sa 'kin.

Seri and Chloe were laughing because of my worries. They will always say to me to loosen at up at maganda naman daw ang gawa ko kaya wala akong dapat na ikabahala. Naging malaking tulong talaga ang support nila sa 'kin.

After a week of writing, revising, and editing. . . I finished the script. I'm really glad that the result turned out well, President liked it. Pagkatapos makita ang reaction niya ay nakahinga ako nang maluwag.

"Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? Maganda ang gawa mo kaya wala kang dapat na e-worry." I smiled at Seri, her words are always giving me comfort.

"Aw, thank you! Na-touch naman ako," pabiro kong ani. She just chuckled at me.

"Tiwala ka lang sa sarili mo okay? Someday you're going to be a famous writer. Kaya nga kami nagse-selfie ng marami kasama ka para kapag dumating ang araw na sikat na sikat ka na, hindi mo kami makakalimutan at may ebedinsiya kaming maipapakita sa mga fans mo na BFF mo kami. Ipagmamayabang ko ang mga pictures natin kapag nangyari 'yon."

"Sira!" natatawa kong ani sa mahabang litanya niya.

"Seryoso kasi! Ang hirap kaya magsulat at mag-isip. Talent 'yan kaya dapat lang na palaguin mo."

Kailangan nga ba 'to nagsimula? Ang pagkahilig ko sa pagsusulat?

I remember the time when the idea of writing a story was introduced to me. I was young then and know nothing about the world. May kakilala akong nagsusulat at nabasa ko ang akda niya. I was amazed then, binalak ko rin na magsulat ng sariling akda ko but my thoughts then was. . . I'm too young, wala akong gaanong alam at mamaya na lang kapag marami na 'kong experience.

Unexpectedly, hindi ko akalain na babalikan ko ang idea ng pagsusulat. I was in Grade Seven when I started writing stories on my notebook. Tanda ko pa ang unang story na isinulat ko tungkol sa isang babae na binubully sa school nila ng isang campus hottie. It was cringe and cliche but I enjoyed doing it. Ang tanging readers ko lang noon ay mga kaklase ko na tuwang-tuwa naman. Back then, I don't have any experience about love. Lahat ng sinusulat ko, lahat ng idea ko sa love, kinukuha ko lang sa mga nabasa ko at napanood sa TV. I have a definition of love, pero sa mura kong edad, sobrang babaw pa noon. I don't really have an idea about love when I started writing.

Grade Nine nang sinubukan kong tahakin ang mundo ng online writing. That time, may idea na 'ko kung ano ang love. It was a mixture of happiness, excitement, desperacy, and pain. Love is powerful more than I imagined.

I had a boyfriend. . . it was fun, exciting, chaotic, nerve racking, and painful. My first relationship didn't ended up well. For a young heart to get broken, it was painful.

It took me a long time to heal my heart and to move on. I diverted my attention in reading and writing, I take that experience of failed relationship to be my stepping stone in writing a more realistic story, at least for me.

And that path took me where I am today. I can proudly say that in my name, there's a writer anchored on it.

"Nagugutom ako, manlibre ka since successful ang script writing mo!" Pabiro akong siniko ni Seri. Binubudol na naman ako ng babaeng 'to!

Gusto ko ring mag-celebrate ngayon sa success ko kaya, "Sige na nga!" sabi ko sa kanya.

"Uy, libre ba? Sama kami!" Agad kaming napatingin sa likuran namin nang magsalita si Rio. Ni hindi namin namalayan na nakasunod sila sa likod namin.

"Kapag libre ang bilis ng tainga ninyo ano!" ani Seri habang nakapamewang. Saglit na nagtama ang paningin namin ni Cruzel pero agad din akong umiwas. Nginitian ko sina Yijin at Klint, kumpleto na naman silang apat.

"Sige na nga! Sama na kayo," ani ko sa kanila. Agad naman silang naghiyawan. Kapag talaga libre ang bibilis nila.

"Uy, 'yung ngiti ni Yijin abot hanggang langit! Makakasama na naman niya kasi si, Chantal." Agad akong napairap kay Seri.

Needless to say, halos full force na sila na nang-aasar sa 'min ni Yijin ngayon. Isang Linggo na rin, at sa loob ng isang Linggo na 'yon walang araw na kung magkakasama kaming lahat, inaasar nila ako kay Yijin.

Ewan ko ba at bakit biglang gano'n na ang issue!

"Patingin nga ng ngiti Yijin?" pang-aasar ni Rio sa pinsan niya. Natatawa lang naman na umiling si Yijin.

Pumunta muna kaming powder room ni Seri, sumunod naman si Chloe na abala sa pakikipaglaro sa mga bata kanina.

I looked at my reflection on the mirror, maayos ang tulog ko at hydrated ako kaya gustong-gusto ko ang glow ng skin ko. It's another day of my life na gandang-ganda ako sa sarili.

Nag-powder lang ako at naglagay ng liptint para e-refresh ang sarili ko. Sina Chloe at Seri ay gano'n din ang ginagawa habang pinag-uusapan 'yung gwapong nakita nila kanina na taga-ibang district. Katatapos lang kasi ng activity namin, isa iyong training program na tutulongan kami sa budgeting skills namin. I learned a lot, at sobra akong natamaan kasi magastos ako.

Inayos ko ang buhok na naka-half ponytail, ang nakalugay na parte ay malayang nakalagay sa dibdib ko. Sinadya kong kulotin iyon kaya medyo umeksi ang hanggang bewang kong buhok. I'm just wearing a light brown dress with a ruffled sleeves partnered with a black naked heels. Gaya ng sabi ko, galing pa kaming activity kaya naka-formal attire pa kami. Meski ang mga boys ay naka-longsleeve white polo, slacks and tie.

"Tara na?" aya ko sa kanila. May restaurant na 'kong naisip. Mura lang doon pero masarap ang pagkain at nakakabusog.

Sumakay lang kami ng trycycle, bale pito kami ngayon na gagala. Dinner time na rin naman kaya tama lang 'tong kakainan namin.

Sa unli wings ko sila dinala, tuwang-tuwa naman sila. Pagpasok pa lang sa glass door ay agad nang nanuot ang mabangong amoy ng manok sa ilong ko, bigla akong nagutom. Malawak ang lugar na napapalibutan ng glass wall, puros rectangular ang tables na may iba't ibang sukat. Puros orange at puti lang ang naglalaro sa interiors ng restaurant.

Ako na ang nag-order ng food dahil ako naman daw ang manlilibre. Pagbalik ko sa table namin ay hindi ko alam kung nananadya ba sila dahil nasa pagitan nina Yijin at Cruzel ang upuan ko.

"Chantal, d'yan ka na umupo." Si Seri pa talaga ang nangunguna. Tipid akong ngumiti pero sa utak ko ay gusto ko na silang pagsasakalin lalo na't nakita ko ang ngisi ni Rio, halatang nang-aasar.

Wala akong choice at awkward na naupo sa pagitan nila. Sa tapat namin ay sina Seri, Klint, at Chloe. Solo naman si Rio sa isang side.

Nagkatinginan kami ni Yijin kaya tipid akong ngumiti sa kanya.

"Ano 'to family dinner?" natatawang ani Klint. Pang family size kasi ang dami namin.

"Oo, tapos ang parents natin sina Yijin at Chantal. Ayei!" Agad kong sinamaan ng tingin si Chloe. "Mommy, Chantal I want chicken!" parang batang aniya.

Pinagtawanan nila kaming lahat, meski si Cruzel ay nakikiasar din.

"Tumahimik nga kayo!" suway ko sa kanila. "Ang daming tao na nakatingin sa 'tin," ani ko. Hindi ko na kayang tingnan si Yijin sa hiya.

"Daddy Yijin, ay!" nang-aasar na ani Rio. Nagtawanan naman kami nang akma siyang batuhin ni Yijin ng lagayan ng toothpick.

"Bagay kayo alam n'yo ba 'yon?" nakapangalumbabang ani Chloe. Kaya kahit sino-sino na lang ang nang-aasar sa 'min, eh! Kahit saang lugar pinapangalandakan nila 'yan.

"Uy, ship! Bagay na bagay kayo."

"Hindi kami bagay dahil tao kami," ani ko sa kanila.

"Ay lame, basta kapag kayo nagkatuloyan nasa inyo ang support ko," patango-tangong ani Rio na akala mo ay hawak niya ang desisyon.

"Ah, talaga ba?" pamimilosopo ko.

"Kapag kinasal kayo, ako ang bahala sa letchon," aniya pa. Agad naman akong napangisi.

"Dapat ni-record ko 'yon, eh! Aasahan ko 'yan," pakikisakay ko sa sinabi niya. Their eyes immediately widened. Huli ko na natanto na mukhang mali ang nasabi ko.

"Hoy! So, ibig sabihin payag ka na ikasal kayo ni Yijin?" paghuli sa 'kin ni Rio.

"Oh, gosh!" irit ni Seri. Kung abot niya lang ako ay malamang nasabunotan na niya 'ko.

Nanlalaking mata na umiling ako sa kanila, "Uy hindi, ah! Sinakyan ko lang naman 'yung sinabi ni Rio," depensa ko sa sarili.

"Ah, wala nasabi mo na, eh!" ani Klint.

"Mataas ang standard ni Chantal, kaya dapat abutin mo." Agad akong napatingin kay Cruzel nang sabihin niya 'yon. Namutawi ang katahimikan sa lamesa namin, bigla ay naging awkward ang hangin sa pagitan namin.

"Ano, hindi naman, ah?" I said jokingly, trying to catch up the vibe we had bago nagsalita si Cruzel. As if on cue, dumating ang waiters kasama ang orders namin. Nag-iba na rin ang topic.

Medyo inis ako sa sinabi ni Cruzel pero binalewala ko lang iyon.

Kaya niya ba 'ko binitiwan sa ere dahil hindi niya maabut ang mataas na standard ko? Oo, mataas ang standard ko pero kaya ko namang lumugar. Kaya ko 'yung baliin kapag nakita ko ang tao na pursigido sa 'kin.

Wow naman, hindi niya ba napansin na hindi ko nakita ang sarili na may mataas na standard noong panahong may something sa 'min?

Ayaw kong mainis ngayon at magpaka-bitter kaya hinayaan ko na lang siya. Nakisabay ako sa topic nila na tungkol sa school. Nalaman ko na may school program pala kami sa susunod na week. Panigurado at wala na namang pasok pero kailangan naming mag-attendance.

Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan pa kami sa table kaya sobrang tagal naming tumayo. Nang magpasya kaming umalis na para mag-ice cream naman ay tinawag ko na ang waiter para sa bill.

"One thousand six hundered po lahat Ma'am," ani ng waiter sa 'kin. Tumango ako at agad na dinukot ang pitaka sa bag ko. Nagulat nga lang ako nang bigla akong inabutan ni Yijin ng one thousand bill.

"Ambag ko," aniya habang nakatingin sa mga mata ko. My eyes immediately widened.

"Oh, no, no." Paulit-ulit akong umiling sa kanya. "Libre ko 'to kaya ako ang bahala."

"Sige na, okay lang. Libre na lang nating dalawa," he insisted. Inilapit niya ang bill sa 'kin pero agad ko iyong tinanggihan.

"Hindi na Yijin, sagot ko na 'to. Ako naman ang nang-aya eh," ani ko habang dumudukot ng pera sa 'king pitaka.

"I insist Chantal," aniya.

Umiling ako sa kanya at agad na nag-abot ng two thousand sa waiter. Sinubukan ding e-abot ni Yijin ang pera niya sa waiter pero agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. "Sige na Kuya, 'yan na po ang tanggapin n'yo," ani ko sa waiter para wala nang magawa si Yijin.

"Uy, ang sweet ng parents natin. Nagtatalo kung sino ang magbabayad sa family dinner." Agad na uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Seri. Pinanlakihan ko siya ng mata at sinita.

"Sige na Chantal, tanggapin mo na 'to." Naalala kong nakahawak pa pala ang kamay ko sa braso ni Yijin kaya agad ko iyong binitiwan.

"Sana all!" ani Klint.

"Alam na natin kanino tayo magpapalibre."

"Sana all hindi kuripot ang magulang!"

"Tumigil nga kayo, ngayon lang 'to 'no!" Binalingan ko si Yijin.

"Keep that Yijin, treat ko 'to kaya it's on me. Pero if you really insist, ikaw na lang ang manlibre sa 'min ng ice cream?" I offered him. Pumungay ang mga mata niya at mukhang hindi niya gusto ang suhestyon ko.

"Okay then," pagpayag niya rin sa huli.

After recieving my change ay agad na kaming lumabas ng restaurant. Dahil malapit lang ang 7/11 dito, naglakad na lang kami para rin ma-digest ang mga kinain namin.

"Grabe, busog na busog ako! Salamat Mama Chantal," pang-aasar sa 'kin ni Rio. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

Nag-uusap lang kami habang naglalakad. Kanya-kanya ng ka-partner sa ka-chika kasi hindi naman kami pwedeng sabay na maglakad lahat dahil nasa gilid kami ng kalsada.

"Hindi ka ba nahihirapan d'yan sa heels mo, Chantal?" ani sa 'kin ni Chloe. Napatingin naman ako sa suot kong heels at napailing.

"Medyo sanay na 'ko kaya okay pa naman ako," ani ko. Medyo mahaba pala ang lalakarin namin. Nagmukha lang siyang malapit sa 'kin dahil abala naman kami sa pag-uusap.

"'Yan, heels pa," ani Seri sa 'kin. Ngumuso lang naman ako. Gustong-gusto kong mag-heels dahil hindi naman ako katangkaran.

"Magnanakaw ng height ang mga babae," biglang ani Yijin. Napatingin ako sa gilid ko at nakitang magkasabay na pala kaming naglalakad. Mukhang narinig niya ang pinag-uusapan namin.

Natawa ako sa sinabi niya, "Gan'yan talaga."

"Paano kayo nasanay mag-heels, eh mukhang ang hirap niyan?" aniya habang kunot ang noo na nakatingin sa mga paa ko.

"Well, girls thing." I chuckled. Hindi rin gaanong matangkad si Yijin kaya medyo magkapantay lang ang height namin ngayon. I raised my hand to level our height, mas matangkad pa rin siya sa 'kin ng ilang inches.

"Hindi ka palatulog noong bata ka 'no?" he concluded.

"Hala!" I over reacted. "Paano mo nalaman?" Natawa siya sa 'kin kaya natawa na rin ako. Bigla kong napansin na ang tahimik na ng likuran namin at wala na 'kong ibang kasabay maglalad bukod kay Yijin.

Nang lumingon ako ay naabutan ko si Seri na nakataas ang cellphone at nakatapat ang camera sa 'min. Nang makita niyang lumingon ako ay agad niyang itinago ang cellphone sabay tingin-tingin sa itaas.

"Hala ang ganda ng stars Chloe," aniya sa katabi. Tumingin din sa itaas si Chloe.

"Ah, oo nga," ani ng isa.

Napatingin ako sa langit pero wala namang stars. Sisinghalan ko na sana sina Seri at Chloe pero bigla akong natapilok dahil hindi ako nakatingin sa nilalakaran.

I almost shouted something pero mabuti na lang at may sumalo sa 'kin. Akala ko talaga ay madadapa ako. Sobrang bilis ng pangyayari, namalayan ko na lang na nasa bewang ko na ang isang kamay ni Yijin habang ang isa naman ay nasa braso ko. Our gazes immediately lock to each other, hindi ko alam pero bigla na lang tumambol ang puso ko sa kaba. Kapag ganito, kailangan ko ng oxygen para makahinga nang maayos.

Natauhan lang ako nang maghiyawan ang mga kasama namin. Napalo pa ni Seri ang braso ni Klint sa sobrang pangingisay niya. Agad akong umayos ng tayo at awkward na nag-iwas ng tingin kay Yijin.

"Sorry," I said to him.

"Ingat lang," aniya sa 'kin kaya muli na namang naghiyawan ang mga kaibigan namin.

Hanggang sa makauwi kami ay puros pang-aasar ang inabot ko. Nakasuot na 'ko ng pajama at naghahanda nang matulog nang biglang umilaw ang cellphone ko.

I checked the message from my messenger and it says that Seri sent photos. Siguro ay pictures namin kanina.

Nang makita ko ang pictures ay agad akong natigilan. It was sent on our private group chat. . . picture namin ni Yijin.

The photo looked so aesthetic, innocent and pure. Magkatalikod kaming pareho habang nakasuot ng Sunday's best. Madilim ang paligid at tanging ang magkabilang balikat lang namin ang nasa bawat gilid ng frame. From our back view, pareho kaming naka-side view ni Yijin dahil magkaharap ang mukha namin at nag-uusap kami.

Kahit na nakatalikod ay halatang tumatawa kami dahil sa mga ngiti ng side profile namin.

Papasa ang picture na 'to pang book cover, it looked cool. If I'm going to give this photo a title, "In dusk waiting for dawn," ang ipapangalan ko.

I smiled and just found myself saving the photo on my gallery.

Continue lendo

Você também vai gostar

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.6K 63 8
Nexus Band Series #3 Asher Vasquez
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
6.4K 738 46
COMPLETED|| Isa siyang independent na babae, maganda at matalino na hinahangad rin ng karamihan. Lumaki ng hindi kumpleto ang pamilya, walang ama sa...