"I love you.."
" I love you more.."
*Boooogsh!*
Napabalikwas ako sa kama.
"Ate Nea! Anong nangyayari sayo?" tanong ni Nica na halata ang antok at pag-aalala sa mukha habang hinihimas-himas ang likod ko.
"Napanaginipan ko na naman... Napanaginipan ko na naman siya ..." sagot ko habang patuloy sa pagdaloy ng mga luha sa mukha ko. Pinunasan naman ito ni Nica at inabutan ako ng tubig.
"Nakita mo na ba ng maayos yung mukha nung lalaki ate?" tanong niya ulit sa akin pero umiling lang ako. "Baka parte siya ng nakaraan.." mahinang usal ko sa sarili at humiga ulit. Nang masigurado ni Nica na ayos na ako, dumiretso na siya sa pinto, ngunit bago pa man siya lumabas muli siyang nagsalita.
"Sana makilala mo na siya ate, maaring parte siya ng iyong nakaraan. Kung siya ang napapanaginipan mo gabi-gabi maaari rin na di lang siya parte nito kundi importante siya sayo. Goodnight ate." at tuluyan na siyang lumabas sa aking kwarto. Naiwan akong malalim na inaalala ang malabong imahe ng panaginip ko.
Sana nga makaalala na ako.. Sana nga.. at muli kong isinara ang aking mga mata sa paghahangad na makikita ko ulit ang misteryosong lalaki na yun sa aking panaginip.