Origins of the QED Club

By AkoSiIbarra

169K 11.4K 5.2K

QED CLUB: the go-to place of students and teachers in Clark High whenever they have mind-boggling mysteries t... More

Front Matter
Author's Notes
PART ONE: Clubroom Conundrum
Chapter 01: My Pesky Little Problem
Chapter 02: My New Roommate
Chapter 03: Her Troublesome Secret Admirer
Chapter 04: My Sincerest Apologies
Chapter 05: Owe Me A Favor, Will You?
Chapter 06: Don't You Dare Ghost Me
Chapter 07: Phew, Crisis Averted!
PART TWO: Primadonna of Theater
Chapter 09: The Rosy Thread
Chapter 10: At Long Last! Meet the Club!
Chapter 11: QED Club in Action!
Chapter 12: Goodbye, Theater! (For Now)
Chapter 13: Game of Kings! Jamie versus Loki
Chapter 14: Loki's Missing?!
Chapter 15: Found Yah!
PART THREE: Knight of the Club
Chapter 16: The Childhood Friend
Chapter 17: Friends Reunited
Chapter 18: February Soiree
Chapter 19: Over A Cup of Coffee
Chapter 20: The Transferee
Chapter 21: Join the Club
Chapter 22: QED Club to the Rescue
PART FOUR: Chronicler of the Club
Chapter 23: And Then There Were Four
Chapter 24: Two Truths, One Lie
Chapter 25: From Beyond The Grave
Chapter 26: Sob Stories
Chapter 27: Curtains Drawn
Chapter 28: First Mate
Postscript

Chapter 08: First, My Curiosity. Now, My Attention

5.6K 550 291
By AkoSiIbarra

A/N: Now, the Madonna of Theater enters the stage! Part Two, or Jamie's version, is based on Chapters 16 and 18 of Project LOKI's Wattpad version.

Remember that this is Volume 1 Jamie. If you know what I mean.

JAMIE

NOT EVERYONE could easily pique my curiosity. Mas kasi ang standards ko. But when someone did, I'd give him—or her!—my full and undivided attention. Super suwerte ng taong makakukuha sa interes ko. Parang nanalo siya ng lotto jackpot!

Nasa backstage ako ng auditorium kasama ang iba pang member ng repertory theater. We had started rehearsing for the play na ipalalabas sa susunod na dalawang buwan. Ayaw kong magtunog mayabang, pero lead role ang nakuha ko. Would you say na masuwerte ako? No! I wouldn't call it luck dahil pinaghirapan ko 'to. Sa lahat ng nag-audition—at sa lahat ng estudyante sa Clark High—ako ang pinakamagaling kaya nakuha ko ang taste ng repertory theater adviser. Facts lang.

Bata ako nang ma-discover kong may talent ako sa pag-arte. Kapag may gusto akong ipabili pero ayaw ni mama, iiyak ako para i-guilt trip siya. Kapag mas pinapaburan ni Papa si Kuya, magdadrama ako para kampihan niya. Hindi ako sumali sa acting workshops. Ni hindi rin ako pumila sa mga audition o nag-apply sa commercials. Hinasa ko ang talent ko sa pamamagitan ng pagsali sa theater ngayong high school na ako. I might take Theater Arts in college, pero ilang years pa bago 'yon kaya e-enjoy-in ko muna ang buhay-teatro ko sa ngayon.

Nakaupo ako sa harap ng salamin habang nag-i-scroll sa aking phone. Hinihintay pa kasi namin ang iba pang cast members kaya may free time pa ako. Mabuti na lang, meron akong na-discover na newfound pastime. I'd been checking this blog every now and then, hoping na may bagong entry akong mababasa. Na-enjoy ko ang mga story na naka-post dito. They kept me at the edge of my seat! Luckily, may update ang blogger kaya may pampalipas oras ako habang naghihintay.

"This is the nth time I saw you checking that blog. Are you now a big fan of the QED Club?"

Lumingon ako sa likuran at nakitang sumisilip sa phone ko ang lalaking may curtain haircut. Nakasuot siya ng horn-rimmed eyeglasses kaya madaling pagkamalan na isa siyang genius. Yeah, I knew that stereo-typing, but he's truly a genius! Bata pa ang itsura niya at medyo kinapos siya sa height. Noon sigurong nagpamudmod ng katangkaran ang Diyos, tulog siya kaya hindi siya pinalad na tumangkad. Hindi rin siguro niya trip na uminom ng height growth supplements.

"Stein!" tawag ko sa kanya sabay tago sa phone ko. "Ikaw, ha? Lagi kang sumisilip sa mga binabasa ko. Curious ka ba kung sino'ng ka-chat ko?"

"Huwag mo kasing masyadong i-expose ang phone screen mo," sagot niya sabay hawak sa bridge ng dumudulas niyang salamin. "Kahit sino, makikita kung ano'ng binabasa mo at maku-curious diyan. You have to be careful and discreet. Always."

"Masyado ko kasing ine-enjoy 'to kaya hindi ko namamalayan minsan na may nakikibasa na rin pala." Muli kong tiningnan ang aking phone. "At saka dapat, ang ibang tao na mismo ang rumespeto sa privacy ko. My screen's not meant for them so they shouldn't peek at it."

"You can't blame if they get tempted by what's on your screen," kontra niya. "People are naturally curious about other people's affairs. Kaya nga laganap ang mga tsismoso't tsismosa sa atin. Even in this school. I'm sure you've read the post of CHS Confession a week ago?"

May point siya. Maging ako naman, minsan nakikisilip sa screen ng may screen kapag hindi masyadong tago. Pero hindi madalas 'yon, ah! Minsan lang. Kapag talaga nakuha ng tao ang curiosity ko.

Teka, parang napaka-ipokrita ko naman. Nag-preach ako about respecting other people's privacy, pero ako mismo, ginagawa 'yong bagay na sinesermunan ko. Oh, well! Maliban sa pagiging curious sa mga bagay na wala tayong kinalaman, natural din sa mga tao ang pagiging hypocrite. I wouldn't deny it.

"Is there anything interesting on that blog?" tanong ni Stein. "I've read a couple of entries before. They're pretty insightful about the club and its members. Now, I don't have time to check it myself. I'm quite busy with stuff."

My thumb scrolled mindlessly on my screen. "Binabasa ko ngayon 'yong case kung saan hindi nagkasundo 'yong blogger at saka si Loki sa explanation kung paano namatay 'yong biktimang mukhang tumalon mula sa mataas na floor. Nabasa ko rin 'yong case kung saan ni-rescue ka nila sa abandoned building. That's amazing, you know."

Ngumisi si Stein. Nagkaroon na siya ng interaksyon sa club na 'to kamakailan lang. It's a long story, pero susubukan kong paiksihin para madaling maintindihan. I mentioned that Stein's a genius, right? He's actually a math wizard! Not a Harry Potter-type of wizard, but someone who's awfully good with numbers. Last week, may upcoming screening para sa magiging representative ng school namin para sa isang inter-school math competition. A day before the screening, bigla siyang dinukot at dinala sa abandonadong school building dito rin sa campus. Ikinulong siya sa locker nang walang food at water! Himala ngang buhay pa siya.

Well, I'd be surprised if he actually died.

Paano na-involve ang QED Club sa kaso niya? Base ro'n sa nabasa kong entry sa blog, nataon na nago-ghosthunting ang dalawang high school detective kasama ang apat na member ng Paranormal Club nang may marinig silang mga katok at kaluskos! Akala nila noong una'y multo. Pero nang i-check ng QED Club, si Stein pala ang gumagawa ng ingay! Doon na siya na-rescue at ilang araw ding na-confine sa hospital. Now he's back to full health. Siya ang tumatayong direktor ng play namin.

"If you're that curious, why don't you pay them a visit in their clubroom?" suggestion ni Stein. "Tell them that you're a fan of the club or the blog or something. No one can resist your charm after all."

"Ay, nakahihiya kapag gano'n!" sabi ko. Feeling ko, nag-blush ang pisngi ko sa sinabi niya. "Baka busy sila sa cases na kanilang sino-solve. Baka wala silang time na i-entertain ako."

But the truth was, hindi talaga ako fan ng club. Hindi rin ako fan ng blog. I was most interested in meeting and knowing more about this Loki Mendez, the president of the QED Club. Nabasa ko kung gaano siya kagaling mag-isip at gaano siya katuso sa methods niya para i-solve ang ilang cases. He got and deserved my undivided attention.

Hindi ko sa blog unang na-encounter ang pangalan niya. Nag-e-exist na ang QED Club since last academic year. May iilang cases silang na-solve at medyo gumawa ng ingay sa campus ang kanilang achievements. That's the first time I had heard of him, and he had already captured my interest by then. Iba pa no'n ang kasama niya sa club, hindi ang blogger na nangangalang Lorelei. I learned na may masamang nangyari sa dati niyang member kaya mag-isa na lang siya . . . hanggang sa may bago siyang na-recruit.

"Maybe someday." I beamed as I read the name "Loki" on my phone screen. Parang bumilis ang tibok ng puso ko. Teka, nagpa-palpitate ba ako? Hindi naman ako uminom ng coffee kaninang breakfast. "But not now."

"That's entirely up to you," sabi ni Stein. "Malay mo, magkaroon ka ng reason para bisitahin ang clubroom nila at makilala sila in person. It's way better than just reading about them on your screen. If you want, I can find a way to introduce you to them. I'm quite good with creative introductions. If you know what I mean."

"I appreciate your offer, but no thanks!" Marahan akong umiling. "I'm sure you're quite busy kaya hindi na kita aabalahin pa. Ako nang bahala rito."

"Just say the word if you need my help." Kumaway na si Stein at nagpaalam sa akin. Pumasok siya sa stage left matapos hawiin ang itim na kurtina.

He's right. Siguro kung may case akong ire-refer sa kanila, I would finally have the chance to meet them officially. Especially this Loki. Wala akong masyadong pakialam doon sa kasama niya. Mas focused ako sa mismong bida ng club. No one cared that much about the sidekick—only the main character.

Beep!

Hmmm? Isang message notification ang lumitaw sa taas ng screen ko. I tapped to open it. Galing 'to sa isang Facebook account na ang pangalan ay "Mister Y." What a weird name, by the way. Malamang word play sa "mystery" 'to. Alam ko namang hindi dapat ako nakikipag-usap sa strangers, whether in real life o  sa virtual, kaya never ko siyang pinatulan. Hindi ko rin siya b-in-lock kahit na minsa'y creepy na ang sine-send niyang messages.

This time, nag-send siya ng picture ko habang nakaupo sa harap ng salamin—

Agad kong iniangat ang aking ulo at iginala ang tingin ko sa paligid. This photo was taken right here, right now! Ibig sabihin nandito siya sa repertory theater? Imposibleng non-member 'to kasi pinagbabawalan ang mga hindi namin kasama na pumasok dito.

Pero sino sa mga kasama ko? Mahigit isang dosenang estudyante ang nandito ngayon.

Tumayo ako at pumuwesto sa spot kung saan posibleng nakuhanan ang angle ng picture.  I looked around me to see who could have been here. Hindi kasi ako nagpe-pay attention sa paligid ko kaya hindi ko alam kung sino. Could you blame me? Masyado akong enjoy sa pagbabasa ng blog.

"Okay ka lang ba, Jamie?" tanong ng lalaking may matipunong katawan. He's Raymond Torres, the assistant production manager. Halos masira na ang uniform niya dahil sa sobrang fit nito sa kanya. "May hinahanap ka ba? May kailangan ka ba?"

Binato ko siya ng isang malawak na ngiti para ipamukhang chill lang ako. "Wala, wala! Naisip ko lang na maglakad-lakad. Kanina pa kasi ako nakaupo ro'n. I need to stretch my legs!"

"Ah, okay! Basta kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako."

"Sure!"

"Raymond!" tawag ng lalaking payat ang pangangatawan at magulo ang ayos ng buhok. Sobrang stressed niya siguro sa buhay kasi ang lalim ng eyebags niya. He's Wesley Nunez, the stage manager for this play. At bilang SM namin, dala-dala niya ang makapal na script. "Bumili ka na ng merienda natin para naka-ready na agad. Pasobrahan mo nang kaunti para hindi tayo maubusan. Alam mo namang matatakaw ang ibang kasama natin dito. Tigda-dalawang mamon minsan ang kinukuha."

"Roger that!"

Nabaling sa akin ang tingin ni Wesley. "Are you okay, Jamie? May kailangan ka ba kaya—"

Mabilis akong umiling. They cared so much about me! Nakatayo lang ako rito pero panay ang tanong kung may problema ba ako. Iba talaga kapag lead actress. Parang prinsesa ang turing sa 'kin. "Nagwa-warm up na ako bago mag-start ang rehearsal natin."

"Okay! We'll start in ten minutes sabi ni Direk Stein."

Parang may bumbilyang nagliwanag sa isip ko. Nakangiti akong bumalik sa upuan. This was so perfect! Pinag-uusapan pa lang namin 'to ni Stein 'tapos meron na agad nagpresentang opportunity sa akin. Gusto yata ng tadhana na pagtagpuin na kami ni Loki.

I needed a reason to visit the QED Club and get entertained by them. Now, I found one.

—to be continued—

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #QEDOrigins!

Continue Reading

You'll Also Like

24.6K 1.3K 29
#Wattys2018LongList 'Squash' is her pseudonym. She became an author through her frustrations and madness. Everyone thinks that she's just imaginative...
935K 45.5K 17
"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes Dondy and he's coming for you." (Taglish...
MORIARTEA By akosiibarra

Mystery / Thriller

4.2M 135K 16
Meet the detectives of the Moriartea Cafe. Cover artwork by @CryAllen
1.6M 76.2K 21
Ang Ikalawang Serye. A girl dying from Leukemia was given a chance to make a wish, and there she met a mysterious guy who would lead her as she enter...