I Married my Maid (Completed)...

By Cysrite

320K 7K 211

For those who believed, In the name of love, there is no basis or standard. More

Author's Note
Prologue
Chapter 1: First Day
Chapter 2: Gentleman?
Chapter 3: Treat
Chapter 4: Friends
Chapter 5: Me?
Chapter 6: I hate you!
Chapter 7: Detention
Chapter 8: Familiar Voice
Chapter 9: Maid
Chapter 10: Hunks
Chapter 11: Pull towards to you
Chapter 12: Lhunar
Chapter 13: Zack
Chapter 14: The Punishment
Chapter 15: Race Track
Chapter 16: Yellow Flag
Chapter 17: First love
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22: First Day
Chapter 24: Love Story
Chapter 25: Story Begin
Chapter 26: I wish
Chapter 27: The Result
Chapter 28: Goodbye
Chapter 29: New
Chapter 30: B.L.U
Chapter 31: Coupon
Chapter 32: Text
Chapter 33: Celebration
Chapter 34: Ruin Life
Chapter 35: Weird
Chapter 36: It's you
Chapter 37: He saved me
Chapter 38: His story
Backstory: A
Chapter 39: Enchanted
Chapter 40: Truth
Chapter 41: Kind of man
Chapter 42: You're Special
Chapter 43: Family
Chapter 44: F.O
Chapter 45: Race
Chapter 46: Unexpected
Chapter 47: I will find you
Chapter 48: Fault
Chapter 49: Where have you been?
Chapter 50: Confession
Chapter 51: Thunder, Sun, and the Wind
Chapter 52: Confused
Chapter 53: Clarification
Chapter 54: Just leave. Stop Dreaming
Chapter 55: I'm sorry
Chapter 56: Forgiveness
Chapter 57: I'm right
Chapter 58: I Give up
Chapter 59: Overact
Chapter 60: Baby
Epilogue
Authors Note
Anouncement

Chapter 23: Tracy

4.3K 117 3
By Cysrite

Chapter 23: Tracy  

Lucky's POV

     "Waah! Late na ako!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa sakayan ng tricyle. Biglang may humarang na kotse sa harapan ko.

     "Sakay na Lucky." sabi ni Zack. 

Wala na akong choice kundi sumakay na. Late na rin kasi ako eh. 

     "Sinet ko na kagabi ang alarm clock mo nalate kapa rin." sabi ni Zack.

     "Sira na yung alarm clock na yun."

Matagal na din kasi ang orasan na yun kaya nasira na. Hindi na tumutunog.

     "Samahan mo ko sa mall. Bili tayo ng bago."

     "Wag na Zack. Sayang lang pera mo."

     "Ok lang masayang kesa naman na late kang pumasok."

Napatingin lang ako sa kanya na nakatingin sa daan. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Naaawa ba siya sakin? Natigil ako sa kakaisip nang bigla siyang nagsnap ng daliri.

*snap*

     "Ano sasama kaba?" tanong niya ulit.

     "Oo sasama ako." 

     "Nandito na tayo. Puntahan nalang kita sa room mo pagkatapos ng klase mo." sabi niya at bumaba na kami.

     "Salamat Zack. Sige alis na ako." sabi ko at tumakbo na ako papunta sa room ko.

Naabutan kong naglelecture na ang teacher namin.

     "I'm sorry, I'm late." sabi ko sabay yuko.

     "You my take your sit." sabi ni maam.

Naglakad na ako papunta sa upuan ko kaso may nakaupo na doon. Isang napakagandang babae. Isang mala-dyosang babae. Isang napakadiwatang babae ang nakaupo sa upuan ko ngayon.

     "Ms Gonzales meet your new classmate." sabi sakin ni maam.

Tumayo ang magandang babae at nagpakilala siya sakin.

     "Hello I'm Tracy Gracia Bermas."

     "Lucky Aime Gonzales." pagpapakilala ko din.

     "Nice to meet you." sabi ni Tracy at umupo na siya sa tabi ni Lhunar.

     "Ms. Gonzales doon kana uupo sa tabi ni Mr. Go." sabi ni maam.

Go? Kay halimaw? ako tatabi at hindi na kay Lhunar? Waaah! Nagpalate pa kasi ako eh. Kainis. Umupo na ako sa tabi ni Slade na kasalukuyang nakikinig sa teacher namin. Ako naman ay lumingon para tignan si Lhunar. Nag-uusap sila ni Tracy. Dapat ako yun eh. Nakakainis! Ngayon naman katabi ko ang halimaw na ito.

Ano bang klaseng kamalasan ang meron ako.

     "Tsk." rinig kong sabi ni halimaw.

     "Tsk." sabi ko din at nakinig nalang ako maghapon.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Recess na namin pero wala akong gana.

     "Tara na Lucky kain na tayo." aya sakin ni Maica.

     "Kayo nalang wala akong gana eh." sagot ko.

     "Are you sure?" sabi ni Angel.

     "Oo, sige na magrecess na kayo." sagot ko at umalis na sila.

     "Slade, breaktime na tara." rinig kong sabi ni Tracy habang hawak niya ang braso ni Lhunar.

     "Wala akong gana." sagot ni halimaw sabay yuko sa desk niya.

     "Ok, tara na Lhunar." sabi pa ni Tracy at hinigit na niya si Lhunar.

Naiinis na tuloy ako kay Tracy. Mukhang close na close sila ni Lhunar at Slade ah. Yumuko narin ako gaya ni halimaw.

     "Nakakainis!" bulong ko.

     "Tsk." rinig ko na naman kay Halimaw.

     "Mukhang badtrip ka na naman ah." sabi ko sa kanya.

Kaming dalawa nalang kasi ang tao dito sa room namin.

     "Wag mo nga akong kausapin, nakakabadtrip yang mukha mo."

     "Grabe ah! Mukha ko talaga. Tsk! Nakakabadtrip din yang mukha mo."

     "Tsk."

Mga ilang minuto lang ay natapos na ang breaktime kaya nagsibalikan na ang mga classmate ko. Si Tracy naman todo hawak parin sa braso ni Lhunar. Para siyang linta! Dikit ng dikit kay Lhunar.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Tapos na ang lesson at palabas na kami ni Maica at Angel.

     "Mukhang badtrip ka ah." sabi ni Maica.

     "Hindi ah." sagot ko.

     "You are mad Lucky?" tanong pa ni Angel.

     "Hindi, wala lang talaga akong gana."

Hindi ko rin alam kung bakit. Pero feel ko parang na heartbroken ako. Bakit pa kasi ako nag-aassuming na may magkakagusto din sakin. Bakit pa kasi ako nagkakagusto, e hindi naman masusuklian yun. Dapat ngayon palang turuan ko ang sarili ko na 'di magkagusto sa lalaki. Dahil ako din ang masasaktan. Asa naman na may magkagusto pa sakin.

     "Lucky!" napalingon ako sa tumawag sakin.

     "Zack." sabi ko.

Pumunta samin si Zack nang mapansin ko si Maica na hinahawakan ang magkabilang balikat ko.

     "M-may dumi ba ako sa mukha? P-panaginip ba ito? S-si Zack ba yun?" sunod sunod na tanong ni Maica sakin habang inaalog ako.

     "Zack nga pangalan niyan. Bakit?" sagot ko.

     "OMYGOSH! OMYGOSH! Totoo nga!" sigaw ni Maica habang inaayos ang buhok at damit niya.

"Wala akong magets?" bulong ko kay Angel.

     "Yan yung iniistalk ni Maica, Si Zack Tuason." sagot ni Angel.

Ah! Ha? Teka!

     "Siya yung Zack?"

Tanging tango lang ang sinagot sakin no Angel.

Si Zack pala yung gusto ni Maica. Ba't 'di ko naisip yun. Slow na ba ako?

     "Hi Zack, mga kaibigan ko pala. Si Angel at si Maica." pagpapakilala ko kay Zack.

     "Hello." sabi ni Zack sabay kaway pa.

     "Naghello siya sakin! OMYGOSH!" bulong pa ni Maica.

     "H-hello din Z-zack." pautal utal na sabi ni Maica. Nginitian lang siya ni Zack bilang sagot.

     "Nginitian niya ako!" bulong pa ni Maica.

     "Nakita namin." sagot ni Angel.

Bigla nalang nahimatay si Maica at nasalo siya ni Angel.

"Maica." sabi ko sabay tapik sa braso ni Maica.

     "Ok lang ba siya?" tanong pa ni Zack.

     "Yeah! She's ok. Ganyan talaga siya." sagot ni Angel.

Biglang bumulong si Angel kay Maica. Hindi ko alam kung ano binulong niya pero pagtapos nun bigla nalang nagising si Maica.

     "Okey na ako." sabi niya.

Hayst! Baliw na naman si Maica.

     "Tara na Lucky, alis na tayo." sabi ni Zack.

     "Sige. Bye na Angel, Maica." pagpapaalam ko.

    B"Sige bye." sabi ni Angel.

     "Saan kayo pupunta?" bulong ni Maica.

     "Pupunta kami sa Mall." bulong ko din.

     "Magdedate kayo?" bulong pa ulit ni Maica.

     "Hindi no, may bibilhin lang kami."

Biglang natawa si Zack samin. Sino ba kasing hindi matatawa sa amin. Nagbubulungan ba naman.

     "Sige alis na kayo. Lucky I'll trust you." sabi ni Maica.

     "Oo, sige bye na. Tara na Zack." sabi ko at hinatak ko na si Zack.

Sumakay kami sa kotse ni Zack. Nakabukas lang ang bubong ng kotse ni Zack kaya 'di ako masusuka nito. Pinaandar niya ang kotse papunta sa mall.

     "Nakakahimatay pala ang kagwapuhan mo ah." pagbibiro ko.

     "Ako pa ba." sagot ni Zack.

     "Ang kapal."

Hindi ko naman ipagkakait na gwapo nga siya. Madami nga nagkakagusto sa kanya at ako nga dati may gusto sa kanya.

Nakarating na kami sa mall at nagpunta sa bilihan ng orasan. Ngayon lang ako nakapunta dito. Mas malaki pala ito sa personal kesa sa mga nakikita ko lang sa mga picture. Mas maganda pala 'to kesa sa mga nakikita ko lang sa picture at napakadaming tinda dito, sari sari pa.

     "Anong gusto mo. Pili kana." tanong ni Zack.

Tinuro ko ang alarm clock na bear ang design. Color white siya. Ito lang kasi ang pinakamurang tinitinda dito. Masasayang lang pera niya ng dahil sakin. Kaya ang tinuro ko lang yung mura.

     "Yan gusto mo?" tanong ni Zack sakin. Tumango lang ako.

Pumunta na kami sa cashier at kinuha ko na ang wallet ko na biglang hawakan ni Zack ang kamay ko.

     "Ako na ang magbabayad." sabi ni Zack. Inilabas niya ang credit card niya.

Siya na nga ang nagbayad ng alarm clock ko. Napatingin ako sa wallet ko na may nakita akong pera. Yung 300 na sahod ko at may 5,000 din. Si Slade kaya ang nagbigay nito? Malamang siya, nasa kanya kasi ang wallet ko. Kahit papano pala may puso ang halimaw na yun.

Pero ayoko na mag-assume, siguro nailagay lang niya ito sa wallet ko. Tama na missplace lang itong perang 'to. Gaya nga ng sabi ko, Walang kagentle-gentle sa katawan ang halimaw na yun! Asa pa kayo.

     "Tara, kain muna tayo." aya ni Zack. Hindi na ako tumanggi dahil alam kong pipilitin niya parin niya ako. Kilalang-kilala ko 'tong Zack na 'to.

Lumabas kami sa mall at pupunta sa restaurant pero sabi ko gusto ko magkape lang. Para tipid lang, kung sa restaurant kami kakain malamang mamahalin ang bayad doon. Nakakahiya na kay Zack. Hindi ko alam kung bakit, biglang pumasok sa isip ko na magkape nalang muna. Pumunta kami sa coffe shop. Sabi ni Zack masarap daw ang kape dito.

Nag-order lang ako ng kape na may half chocolate cake. Ito lang kasi ang mura sa menu. Ganun din ang kinuha ni Zack, siya din ang nagbayad nito.

Habang kumakain kami natanaw kong pumasok sina Lhunar at Tracy sa shop.

     "Hey Zack." sabi pa ni Tracy. Pumunta sila sa amin.

     "Hey Tracy." sagot ni Zack.

     "Paupo ah." sabi pa ni Tracy.

Umupo sila sa harap namin. Magkatabi kami ni Zack at magkatabi naman sina Tracy at Lhunar. Katapat ni Zack si Tracy at katapat ko naman si Lhunar.

     "Hi Lucky." nakangiting sabi ni Lhunar.

     "Hello." sagot ko at uminum ng kape ko.

     "Nagdedate kayo?" tanong ni Tracy. Muntik ko na maibuga ang kape buti natakpan ko kaagad ang bibig ko. Binigyan naman ako ng tissue ni Zack.

     "Salamat." sabi ko.

     "Are you ok?" tanong sakin ni Zack.

     "Ok lang ako."

     "Hindi kami nagdedate. May binili lang kami." sagot ni Zack kay Tracy.

     "Akala ko nagdedate kayo. Sayang pa naman bagay kayo." sabi pa ni Tracy.

     "Wag ka nga magpatawa." bulong ko habang nagpupunas ng bibig ko.

     "May sinasabi ka?" nakatingin na pala si Tracy sakin.

     "Ha? Wala ah." sagot ko.

Biglang natawa si Lhunar. Narinig niya ba yung sinabi ko?

     "Bakit kayo lang dalawa nasan si Slade?" tanong ni Zack. Biglang bumukas ang pinto at si halimaw ang pumasok.

     "Speaking of. Hey Slade tara! Join with us." aya ni Tracy.

     "Tsk! Dapat 'di nalang ako pumunta." sabi ni halimaw. Tumayo si Tracy at hinatak si halimaw papunta sa kinauupuan namin.

     "Ano ba tara sabay kana samin." sabi ni Tracy. Si halimaw naman nagpahatak lang at pinaupo sa tabi ko. Pinaggigitnaan na ako ng dalawang lalaki. Nag-order si Tracy para kay halimaw. Mukhang naiinis na talaga ako kay Tracy.

Nagkwentuhan lang sina Lhunar, Tracy at Zack ng kung ano ano. Si Slade aba tahimik lang.

     "Sayo ba galing yun 5,000 sa wallet ko?" bulong ko kay halimaw.

     "E ano naman kung galing sakin? Nakakaawa kasi yung wallet mo." bulong din ni halimaw sabay higop ng kape nìya.

     "Oh! Binabalik ko na." sabi ko sabay abot ko ng 5,000 sa kanya. Kaya ko naman makaipon ng pera. Ayaw ko na binibigay sakin basta basta tsaka baka may kapalit na naman ito.

     "Ayoko sayo na yan."

    "Anong sayo nalang? Baka may kapalit pa eh."

     "Wala, sayo na yan."

     "Ayoko."

     "Sayo na."

     "Ayoko."

     "Sayo na."

     "Ayoko nga eh!" napataas yata ang boses ko kaya mapatingin silang lahat sakin. Si Slade umiwas ng tingin. Napatago ko kaagad ang pera sa bulsa ko.

     "What's happening?" tanong sakin ni Tracy.

     "Nothing." tipid kong sabi. Inubos ko nalang ang kape at ang chocolate ko.

     "Here." biglang inabutan ako ng tissue ni halimaw.

     "Ha?" pagtataka ko.

Biglang kinuha ni Zack ang tissue  kay halimaw at iniharap niya mukha ko sa kanya. Pinunasan ni Zack ang bibig ko.

     "Ang kalat mo talaga kumain Lucky." sabi ni Zack habang pinupunasan parin ang bibig ko.

     "Salamat." sabi ko.

     "What a nice scene." bulong ni halimaw pero sobrang linaw ng pagkakarinig ko doon.

Matapos punasan ni Zack ang bibig ko hinawakan niya ang kamay ko at tumayo na siya kasama ako.

     "Sige alis na kami." sabi ni Zack.

     "Sige Bye." sabi ni Tracy.

     "Bye Lucky." sabi sakin ni Lhunar.

     "Bye din Lhunar." sabi ko. Tinignan ko si halimaw, busy sa pag-inum ng kape niya.

Hinigit na ako ni Zack papunta sa kotse at umalis na kami.

     "Ano ba yung pinagtatalunan niyo ni Slade?" tanong ni Zack.

     "Wala yun. Teka anong oras na?"

     "12:00 na ng tanghali." sagot ni Zack.

Patay may trabaho pa ako sa karinderya.

"Zack hatid mo lang ako sa mini park, may pupuntahan pa ako eh." sabi ko.

     "Sige." sagot niya at pinaharurot na ang kotse niya.

Buti nalang 'di na siya nagtanong.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

     "Muntik ka na naman malate." sabi ni Ale Linda.

     "Sorry po ulit." sabi ko.

     "Sige pumasok kana doon madaming costumer ngayon kaya madami-madami ang huhugasan mo."

     "Sige po." sabi ko at pumasok na ako. Naghugas na ako ng mga pinggan.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Pagkatapos ko maghugas ay pumunta na ako sa bahay ni halimaw. Bumungad kaagad sakin ang makalat na bahay niya. Kahapon lang ay naglinis ako ah ba't ganito na ang loob.

Pumunta ako sa sala pero walang halimaw akong nakita. Siguro nasa kwarto siya. Nilinis ko na ang sala pati na ang kusina. Pagkatapos ko maglinis ay nagpunta ako sa kwarto ni halimaw.

Nakita ko siyang naglalasing at may kasamang apat na lalaki. Isa doon si Buddie. Teka yung mga hunks pala ang nandito.

     "Long time no see Lucky." sabi ni Buddie sakin.

     "Chicks mo yan Buddie?" tanong ng isang lalaki.

     "Gag* hindi, chicks yan ni Slade." sabi ni Buddie.

     "Fvck you Buddie, maid ko yan. Napaka mo kalbo! Gusto mong makatikim ng sapak?" sabi ni halimaw na mukhang lasing na.

Sa ganda kong ito pinagtatalunan ako. Haha joke lang.

     "Biro lang boss." sabi ni Buddie. Pumunta sakin si Buddie at pinakilala sakin ang tatlong lalaki.

     "Lucky, siya pala si Wendel, ang magkapatid na si Xavier at Xander." sabi ni Buddie.

     "Ikaw na naman. Wanna drink with us?" sabi ni Xander at inabutan niya ako ng alak.

Siya yung nagbigay sakin ng alak noong party.

     "Tumigil ka nga Xander, babae yan." sabi ng kapatid niyang si Xavier.

     "Whatever." sabi ni Xander.

     "Tara na Lucky 'wag kang didikit sa mga yan." sabi ni Buddie at hinigit na niya ako. Bago kami makaalis napatingin ako kay Wendel na busy nagcecellphone sa gilid.

     "Tara." hinatak na niya ako palabas.

Nagpapasalamat talaga ako dahil buti nalang wala si Zack dito. Kundi mayayari ako.

     "Gumawa ka nalang ng sopas, lasing na lasing na ang amo mo." sabi ni Buddie.

     "Alam mo na yung trabaho ko?" tanong ko.

     "Oo. Madaldal kaya si Slade pag lasing. Nabanggit ka niya."

     "Ah."

Bakit kaya siya naglasing bigla?

     "Wag kang lalapit sa tatlong ugok na yun ah." sabi pa niya.

     "Ha? Bakit?" tanong ko habang hinahanda ko ang lulutuin ko.

     "Basta mga loko loko yung mga 'yon."

     "Kilala mo si Tracy?" bigla nalang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ba't nasabi ko ang pangalan niya.

     "Tracy Gracia Bermas, syempre naman kilala ko. Siya nga ang dahilan kung bakit naglalasing ngayon si Slade."

Siya

     "Bakit?"

     "Si Tracy ang first love ni Slade. Magkakabata silang tatlo ni Lhunar, Tracy at Slade. Love niya si Tracy, pero si Tracy naman dikit ng dikit kay Lhunar hanggang ngayon. Kaya hindi maganda ang pakikisama ni master kay Lhunar."

Si Tracy pala ang first love niya.

Bigla nagtakip ng bibig si Buddie. "Hala bakit ko sinabi yun? Lakas ng alak na yun ah, nalasing ako. Basta Lucky kalimutan mo nalang yung mga pinag-sasabi ko."

Hindi ko alam kung makakalimutan ko ba.

Kaya pala mukhang badtrip si halimaw kanina yun pala dahil nagseselos siya. Umiibig din pala ang mga halimaw ah. Biglang nagring ang cellphone ni Buddie.

     "Hello babe, Yes.. Sige pupunta na ako. Bye." sabi ni Buddie doon sa kausap niya.

     "Lucky, aalis na ako. Tinatawag na ako ng mahal ko. Ikaw nalang bahala kay bossing ah. Wag mo gagahasain ah." sabi ni Buddie.

     "Hinding hindi ko yun gagawin!" sigaw ko. Kahit na gwapo si Slade hindi ko parin siya gagahasain. Yak! Nakakadiri.

Natawa si Buddie. "Ito naman di mabiro. Sige alis na ako."

Lumabas na siya sa kusina.

Habang naghahalo ako ng sopas na biglang bumaba ang magkapatid at si Wendel.

     "Hi Lucky, aalis na kami. Tinatawag na kami ni mommy." sabi ni Xander. Akay akay niya si Xavier. Medyo nakakalito sila. Magkamukha kasi sila. Kambal ba naman.

     "Si Lucky ba yan? Hello sayo. Ang ganda mo naman miss." sabi ni Xavier sakin at aakmang hahalikan ang kamay ko pero umatras agad ako.

     "Ano ba Xavier lasing kana." sabi ni Xander at hinatak na niya ito palayo sakin.

    "Sige Lucky uwi na kami." sabi ni Xander.

     "Bye, ingat kayo." sabi ko at umalis na sila. Si Wendel naman ay tahimik na umalis. Napakasilent niyang tao.

Napakaswerte ko kahit minsan, dahil ang mga sikat istudyante ng school namin na meet ko na at harapan pa. Nakakausap ko pa at nakakasama ko pa. Kahit papano pala may swerte din ako sa buhay.

Matapos ko lutuin ang sopas ay umakyat na ako kwarto ni halimaw dala dala ang tray na may lamang sopas at tubig. Naabutan ko siyang nakahiga sa sahig. Nilapag ko sa desk niya ang hawak ko at lumapit sa kanya.

     "Wag ka diyan. Tumayo ka nga." sabi ko at inakay ko na siya papunta sa kama niya.

     "Hoy panget bakit ka nandito?"

Hindi ko siya sinagot dahil lasing na siya. Kumuha ako ng damit siya sa closet.

     "Maghubad ka ng damit. Amoy alak kana." sabi ko.

     "You going to rape me uh, panget."

     "Asa ka, papalitan lang kita ng damit."

Asa naman noh. Hinubad na niya ang damit niya at inihagis niya sa mukha ko.

     "Bastos!" sigaw ko.

Kinuha ko ang damit niya at bumaba. Kumuha ako ng maliit na planggana. Nilagyan ko ito ng tubig. Dahil sa wala akong makitang bimpo yung damit nalang na hinubad ang binasa ko. Pinunas sa katawan niya.

Nanginginig ang kamay ko habang nagpupunas. Ang lalaki ng abs niya. Ang ganda ng katawan niya. Napatigil ako sa pagpupunas ng hawakan niya ang kamay ko ni halimaw.

     "Nakikiliti ako." sabi ni Slade with husky voice.

Sheyt! Aaminin ko medyo ang hot niya ngayon.

     "A-ano... Sorry." sabi ko. Tinigil ko na ang pagpupunas sa kanya binihisan ko nalang siya.

     "Kumain ka muna, para mainitan ang tiyan mo." sabi ko. Bumangon siya at sinubuan ko siya ng niluto kong sopas. Naubos niya naman ang sopas na luto ko. Tumayo ako para kunin ang baso para painumin siya ng bigla niya akong hinigit papunta sa kanya. Napaupo ulit ako sa kama. Naramdaman ko nalang na ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko habang nakatalikod ako sa kanya.

     "Dito ka lang muna. Nahihilo ako." sabi niya.

Hindi ako nakasagot. Hindi na din ako nakagalaw dahil niyakap na niya ang baywang ko. Ang init niya. Ang hot niya ngayon pero nagawa niya akong i-freeze sa mga bisig niya. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sakin kaya naman nagdikit ang katawan namin sa isa't isa. Ramdam ko yung katawan niya mula sa likod ko.

Sheyt! Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang sasabog siya, hindi ko alam kung bakit. Ang hirap huminga, parang nalulunod ako. Ano bang nangyayari?

Nakaramdam ako ng basa mula sa balikat ko. Humuwag ang pagkakayakap niya sakin kaya agad akong humarap sa kanya. Umiiyak siya.

This time. Ako ang yumakap sa kanya. Hinimas ko nalang ang likod niya dahil alam kong kailangan niya 'to sa ngayon. Kailangan niya ng comfort ngayon at dahil ako lang ang nandito, alam kong kailangan niya ako ngayon. Alam ko at ramdam ko dahil yun ang sinasabi ng luha niya. Nakakaawa ngayon si Slade sobra. Kahit gaano pa siya kasama sakin pero sa totoo lang nakakaawa siya.

Napayakap siya ulit sakin. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Hinayaan ko lang siya maiyak doon.

     "Bakit pa kasi si Tracy ang minahal mo? Ang daming babae diyan. Mukhang may gusto si Tracy kay Lhunar eh." bulong ko sa kanya.

Biglang lumuwag na ang pagkakayakap niya sa baywang ko kaya unting-unti ko na siya inihiga. Tulog na siya. Nilagyan ko ng basang bimpo ang ulo niya dahil ang init na ng katawan niya. Mukhang magkakasakit pa siya. Aalis na sana ako na biglang hawakan niya ang kamay ko.

     "Dito ka lang." sabi ni Slade.

     "Sige, dito lang ako." sagot ko.

     "Salamat, T-tracy." pautal utal na sabi niya.

Tinawag niya akong Tracy. Hindi ko akalain na may magiging gantong lalaki dahil sa kanya. Dahil kay Tracy. Hindi ko maiwasan hindi magalit sa babaeng 'yon.  Aware ba siya sa paligid niya? Aware ba siya na may nasasaktan dahil sa kanya? Aware pa siya na may umiiyak dahil sa kanya?

Hinintay ko siya makatulog. Nang lumuwag na ang pagkakahawak niya sa kamay dahan dahan ko na itong inalis. Biglang nagring ang cellphone ni Slade. Nakabili na pala siya ng bagong phone. Tinignan ko kung sino ang tumawag.

Tracy Calling...

Bakit kaya siya tumatawag, baka may emergency. Nagswipe ako para ma-accept ko ang tawag. Itinapat ko ang phone sa tenga ko ng dahan dahan. Nanginginig pa nga ang kamay ko.

     ["Slade, kanina pa kita tinatawagan. Bakit ka pala biglang umalis kanina? Are you there? Are you still there? Hello?"]

Hindi ako nagsalita. I-ned call ko ang tawag baka magising si Slade. Mayari pa ako doon.

Nagluto ako ng pagkain niya para bukas. Gusto ko sana magstay kaso may pasok pa kami bukas. Pagkatapos ko magluto nilagay ko sa ref niya at nilagyan ng note.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Initin mo nalang 'to para may makain ka.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pakatapos ko mag-iwan nv note umalis na ako. Naglakad na ako pauwi. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Tracy na kakababa lang sa kotse niya malapit lang kami sa bahay ni Slade.

     "Oh! Hi Lucky again. Bakit ka nandito?" bati niya. Bigla akong nagalit kay Tracy sa ginawa niya kay halimaw.

     "Hi." tipid kong sabi. Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya.

     "I have to go. Pupuntahan ko pa si Slade." sabi niya at umalis na.

Buti nalang nakaalis kaagad ako sa bahay ni Slade kung hindi makikita niya na magkasama kami. Nagpunta na ako sa bahay namin. Nakita ko si kuya na kumakain na.

     "Kumain kana." sabi ni kuya sakin. Wow ah! Kinakausap na niya ako.

     "Tapos na ako kuya eh." sabi ko at umakyat na ako sa kwarto ko. Wala akong gana kumain ngayon.

Nag-aalala parin ako.

Nagpalit na ako ng damit. Kumuha ako ng glass bottle at nilagay ang ipon kong pera. Naka 600 na ako. Nilagay ko din ang 5,000 na bigay sakin ni Slade. Kumuha ako ng papel at isinulat ko ang PAPA. Para kay papa itong pera na ito. Idinikit ko ang papel sa bote.

Humiga na ako sa kama ko na biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Yung pagyakap ni Slade sakin kanina. Bigla nalang namula ang pisngi ko. Teka! Ano ba nangyayari sakin. Nagtakip ako ng unan sa mukha ko at pilit na iniiba ang nasa isip ko. Pero 'di ko magawa. Pumasok naman sa isip ko yung paghawak niya sa kamay ko. Napakainit ng mga kamay niya. Sheyt! Bakit ito ang lumalabas sa utak ko?

Pinilit kong matulog kahit yun ang pumapasok sa isip ko. Napapangiti nalang ako pag naaalala ko 'yon. Nakakainis!

Mali 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

11.4K 444 4
One shot collection. Enjoy reading!
320K 8.2K 33
WARNING: This contains matured scenes not suitable for very young audiences. Read at your own risk. R+18
3.4K 171 40
Have you ever had that "almost-relationship"? Have you ever tried to let of someone you never even had? It hurts, isn't it? Yet your not even sure...
9.3M 102K 39
WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed with the Prologue because this story conta...
Wattpad App - Unlock exclusive features