iJuanDer ( mga tanong na hind...

By tALonGGaniSa

24.3K 735 313

Ang iJuanDer ay isang kontemporaryong istorya na tumatalakay sa mga hindi maipaliwanag na katanungan ng mga P... More

Abawt da otor
Panimula
Umpisa Na
Grade 1 at Grade 2.
Grade 3 at Grade 4
Isang Linggong Pagsisisi : Lunes
Ang Mga Natitirang Araw sa Linggo ng Pagsisisi

Grade 5 at Grade 6.

1.6K 69 45
By tALonGGaniSa

Grade 5 at 6. Medyo mahirap na. English: Idiomatic Expressions. Nakakadugo!

PULLING MY LEG- To tease someone by telling them something untrue

HIT BELOW THE BELT - to act in an unfair matter

* HIT THE NAIL ON THE HEAD- be exact or accurate

* KEEP ONE'S FINGERS CROSSED- hope for a positive outcome

* IT'S RAINING CATS AND DOGS - raining heavily


Pero kung gagawin mong literal ang lahat, makakakita ka na lang bigla ng isang pirasong hita na naiwan sa kalsada, taong sisipa sa beywang mo, karpinterong pupukpok ng pako sa ulo mo, taong talangka at malakas na pag-ulan ng aso't pusa. Gulat ka no? Alam ko namang pinaniwalaan mo rin yan.. nung bata ka pa.

Kapag nagkataong nangyari ang mga sinabi kong iyan, katapusan na ng mundo. Ikaw ba naman kasi ang makakita ng bagyo na aso't pusa na literal na bumabagsak sa langit e hindi ka kaya himatayin? Marami na ang nagsabi na nalalapit na ang katapusan ng mundo, -- mga manghuhula, propeta, at mga religious groups-- pero wala pa ring nangyayaring pagbagsak ng maraming bulalakaw at pagkamatay lang ng buwaya ( si Lolong ) ang nangyari na kinagimbal ng buong bansa.

Nagsabi na rin sila ng " BEWARE THE END OF THE WORLD WILL COME TODAY", nagpamigay na din ng brochure na "BE ALERT" at naglagay sa ulo nila ng hat na may nakasulat ng "REPENT" ng maraming beses sa ilalim ng passover, subway, tunnel, palengke, harap ng simbahan at harap ng tindahan ng fishball at balot. Hindi ko rin naman sila masisisi kung pakiramdam nila na mamamatay sila maya-maya lang. Ganoon din naman kasi ang pakiramdam ng iba at nagpa-uto na lang ng wala sa oras. 

Pero kapag hindi naganap ang pinagsasabi nila, bigla na lang silang nawawala na parang bula kinabukasan. Nasayang lang ang pondo sa pagpi-print ng brochure, boses sa pagsigaw at paggawa ng sombrero. Yan ang nagpapatunay na napakatino talaga ng tao ngayon. Ang mas masakit pa diyan ay yung mga nagpa-uto, problema pa nila ang kalat na ibinigay sa kanila ng mga promoters

Maganda din ang ginawa nilang istilo dahil hindi nila isinikreto ang balak nila. Tandaan : Walang sikretong hindi nabubunyag. Walang putok na hindi naaamoy. Walang halaman na hindi nalalanta. Walang tao na hindi mamatay. Lahat ng tao'y sasailalim sa matinding paghuhukom at kung anuman ang pinaniniwalaan natin ( brochure man o sumbrero), ito ang magsisilbing ebidensya na dadalhin natin hanggang sa pagkawasak ng mundo at muli nating pagkabuhay.

 ~

For the first time, naranasan kong mapagalitan ng teacher ko  dahil lang sa pagpapak ng asin (mula sa binili kong mangga) habang nagle-lesson siya:

TEACHER: Ano ba naman yan ha?! Pati ba naman asin pinapapak mo? Saan ka ba pinaglihi ng nanay mo?

Tinanong ko sa sarili ko kung pwede bang paisa-isa lang muna ang tanong. Isa lang kasi ang utak ko at mas maliit pa sa utak ng manok. 

Paglilihi. Sabi ni Nanay, pinaglihi daw ako sa bagoong, bugok na itlog, at langgam na panis. Ngayon, kung sinuman ang magtatanong sakin kung bakit, abay hindi ko rin alam. Pinagtataka ko rin kasi kung bakit ako pinaglihi sa langgam na panis (  siguro, nahilig kumain ang nanay ko n'un). 

Kapag pinaglihi daw sa mangga, mahaba baba mo.

Kapag pinaglihi daw sa suka, may BO ka.

Kapag pinaglihi daw sa kalabasa, malinaw ang mata.

Kapag pinaglihi daw  sa manok, putak ng putak.

Kapag pinaglihi daw sa ampalaya, mapait daw ang lasa mo. Jowk!!

Ikaw ba, saan ka pinaglihi? 

~

Sadyang napakalawak ng kaalaman ng mga Pilipino 'pag dating sa mga paniniwala. Isa pang maipagmamayabang mo ay ang paniniwala sa mga pamahiin.

1.Bawal matulog ng basa ang buhok.

           May isa pang version neto e: Bawal maligo ng wisik lang, nahahalata.

2.Bawal mag papicture ng tatluhan dahil mamatay ang nasa gitna.

           Buti na lang marami kong kaibigan at hindi pa ko nagpa-picture ng tatluhan. Kung gayon, kawawa naman pala ang La Diva.

3.Kapag nakakita ka ng itim na pusa, ibig sabihin n'un ay malas.

            Buti na lang at pinakulayan ko ng puti ang itim na pusa sa bahay namin. Kung hindi, patay na 'ko ngayon at hindi na makakapagbigay ng entertainment sa mga Pilipino.

4.Kapag daw ay nahulog ang tinidor habang kumakain, may darating daw na bisitang lalaki,kung kutsara naman ay bisitang babae.

           Pa'no kung bakla? Sa kasaysayan kasi ng mga paglikha ng iba't ibang bagay, hindi pa ko nakakita ng kutsara na, tinidor pa.

5.Malas daw kapag tumingin ka sa basag na salamin.

              Syempre, makita mo ba naman na hiwa-hiwa mukha mo, unang malas na 'yon at hinding-hindi mo na gugustuhin pang alamin ang mga susunod na malas.

6.Huwag daw isuot ang damit pangkasal bago ang takdang araw ng kasal dahil may mamatay.

            Ahm.. Sa telenobela ko lang napanuod 'to. At kailanma'y  hindi pa ko nakadalo sa isang kasal na sa sementeryo ang reception.

7.Huwag magwalis sa gabi dahil baka pati suwerte ay mawalis din.  

              Ako kasi yung taong sanay magwalis sa gabi. E trip ng mga naniniwala dito? Binabalik yung kalat sa loob ng bahay nila?

8.Magsuot daw ng polka dots o may bilog-bilog na damit tuwing sasapit ang Bagong taon para swertehen.

                  Ginawa ko na 'to, pero hindi ko na inulit. Kasi sa dami ba naman ng araw sa isang taon, e mas marami pa 'kong natanggap na kamalasan (kasama na yung napagalitan ako ng titser ko sa pagpapak ng asin).

Anuman ang pinaniniwalaan mo sa mga nabanggit ko, kalimutan mo na lang. Lahat ay nagiging uto-uto at bilang Kristyano, hindi dapat tayo dapat maging mapaniwala sa kung anu-anong eche bureche. Sabi nga sa Bibliya, huwag tayong umayon sa mga katha at mga utos ng  tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.

SAGUTIN / GAWIN ANG MGA SUMUSUNOD:

1.) Naniniwala ka ba na magbabagsak ng aso't pusa ang langit kapag sumapit na ang katapusan ng mundo?

2.) Maliban sa pagkain ng asin, sa paanong paraan ka pa napagalitan ng teacher mo noong Grade 5 ka?

3.) Bakla/ Tomboy ka ba? Kung oo, naniniwala ka bang taliwas ito sa paniniwalang Kristyano? Kung hindi, gumawa ng sanaysay na pinamagatang " KUTSARA NA, TINIDOR PA".

" The most important thing is not to stop questioning. Curiosity has its own reason for existing"                                                                                                                                                                        ~Albert Einstein


PASENSYA PO MABAGAL ANG UDs AT MAIKLI PA :)                                                                    ~ TL


Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
145K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
4.8M 172K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...