Levi And Miranda

By makiwander

188K 6.8K 1.8K

This is the output of Makiwander's Write With Me on Kumu in partnership with Wattpad. More

This is not a Love Story
Prologue
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5

Kabanata 1

21.9K 773 269
By makiwander




Birds chirping, sound of roaring machineries, and distant chatting. Iyon ang unti-unting nagpabalik sa ulirat ni Miranda. Disoriented siya, wala siyang maalala kung bakit siya nakahiga sa kama at maliwanag pa sa labas. She only remember these kinds of instances kapag nagigising siya sa ospital matapos ang isang minor car crash dahil nakatulog siya habang nagmamaneho.

Napabangon lang siya sa biglang pagbukas ng pinto at ang mga usiserong nakatingin sa direksyon nya, hinila nya ang kumot para ipantakip sa katawan niya. Hindi niya pa nacheck kung anong itsura niya but she knows she have to cover up with the amount of people in front of her bed.

Napasinghap at napapikit ang ilan na bumungad sa kanya. Mas lalo niya tuloy binalot ang sarili ng kumot.

"Miranda! Diyos ko, anak!" Dali-daling lumapit sa kanya ang matandang namumukhaan niya. She aged, marami nang puti ang buhok, bahagyang tumaba at nakasuot ng kupas na duster, ang madalas nitong isuot noon.

"Tita Yaya!" She hugged her aunt. She felt relieved! Someone she knows finally. Namukhaan niya ang asawa nito, ang kanyang Tito Yayo, na may hawak na itak at nag-isang linya ang labi. Nanliliit ang mga mata nito sa kanya. Sa kanya? No. Hindi sa kanya. Dahan-dahan siyang napalingon sa kanyang tabi. Napatili siya nang mapagtantong may katabi nga siya sa kama at wala itong damit. His fucking butt was exposed!

Nagmamadaling lumapit ang asawa ng kanyang Tita Yaya sa kanyang tabi at hinila sa balikat ang lalaking katabi niya. Tinutukan ito ng itak sa leeg.

"Hayop ka, anong ginawa mo sa pamangkin ko!" Nanlilisik ang matang tanong nito. Napatakip siya ng bibig nang makita ang mukha ng sinugod ng kanyang Tiyuhin. It was the guy from yesterday! Kinusot-kusot pa nito ang mata na para bang wala talagang alam sa nangyari.

"Mang Pacio?" Nagtatakang tanong pa nito. His eyes immediately widened when he saw the weapon. "Mang Pacio sandali!" Nagtaas ito ng dalawang kamay pero ibinalik din sa pagkakatakip sa ibabang bahagi ng katawan.

"Levi?" Takang-tanong din nito. "Anong ginagawa mo sa tabi ng pamangkin ko?"

"Sinong pamangkin?" Napatingin ito sa direksyon niya. "Shit!" Napamura ito.

"Labas!" Sigaw ni Mang Pacio sa lahat nang pumasok sa kubo. Nagtakbuhan naman ang lahat papalabas.  Sinundan ito ni Mang Pacio, nang bumalik ito ay bitbit na nito ang damit niya at ang damit ng lalaking katabi niya. "Magbihis muna kayo. Hihintayin namin kayo sa labas." Bahagyang huminahon ito. Hindi naman siya agad nakakilos. How can she wear clothes in front of a stranger?

"Why are you here?" Matapang na tanong niya. Hindi siya nito sinagot at tuloy lang sa pagbibihis. Hindi niya alam kung tatakpan ang mata o papanoorin ito dahil kitang-kita niya talaga ang pwet nito. Goodness, his body is really perfect. Pantay na pantay ang kulay nito pati ang bawat hugis. Hugis?! Kailan pa siya naging visual sa opposite sex?

Sumabay siya sa mabilis na pagbibihis sa estranghero. Nahihiya siyang lumabas patungo sa maliit na salas ng kubo kung saan naghihintay ang Tita Yaya niya at ang asawa nito. Sumunod naman ang lalaki sa kanya.

"Mang Pacio." Tumikhim ang lalaki, "Pasensya na ho sa kapusukan. Hindi ko ho sinasadya."

Seryoso ang kanyang Tito Yayo, ang driver nila dati. "May nangyari ba sa inyo?"

"No!" Maagap at matinis na sagot niya.

"Hindi ko ho alam." Buo ang tinig ng lalaki.

"What?!" Eksaheradang pakli niya, "Excuse me! I'd pass as dead awhile ago, I meant was it yesterday? I don't remember pero imposibleng may nangyari sa atin unless pinilit mo ako."

"Hindi iyon ang nadatnan namin, Miranda." Kalmadong paliwanag ng kanyang Tito Yayo. "Nagkalat ang mga damit mo patungo sa kubo na ito, kagabi ka pa namin hinahanap kaya nag-alala kami na may masamang nangyari sa iyo. Ngayon nga ay natagpuan namin kayong dalawa ni Levi na magkayakap pa—"

"You can't assume that!" Depensa niya. "Ikaw!" Tulak niya sa lalaki, "Tell them, walang nangyari sa atin para tapos na, everybody move on!" Nakayuko lang ang lalaki at hindi siya pinapansin.

"Hindi ko tiyak, Mang Pacio. Kung ano man ang pasya niyo, igagalang ko po."

"What? Anong pasya? Hello! Wala pa nga akong 24-hrs dito at magpapasya kayo sa buhay ko. I mean, no offense, I love you both. No not you." Turo niya kay Levi. Natataranta na siya. Mukhang napanood niya na ang eksenang ito at hindi niya gusto kung saan papunta.

"Itatawag ko muna kay Anastasia."

"No!" Tili niya nang banggitin ng kanyang Tita Yaya ang pangalan ng ina. "No, please. Tita Yaya, my own mother will kill me and I am not exaggerating."

Hinawakan ng kanyang Tiyahin ang kanyang kamay, "Para sa iyo ito, Miranda. Ako ang bahala kay Anastasia."

"Bilisan mo, Mameng  at bago pa magdilim ang pangingin ko."

Nang bumalik si Mameng ay may naaawang tingin sa kanya ito. "Magpahangin ka muna sa labas, Miranda. Kakausapin ko lang si Pacio at si Levi."

"What did Mom say?" Giit niya. Tinapik lamang siya ng tiyahin sa kanyang likod at pinalabas sa kubo.

Palakad lakad siya sa labas ng kubo kasabay ng mga manok na sinusundan siya. Wala siyang marinig sa seryosong usapan ng mga naroon sa kubo. Bakit ba lagi siyang nagkakamali sa buhay? Ginulo niya ang buhok. Totoo nga atang siya ang blacksheep ng kanilang pamilya. Well, that's not the case, pasaway din ang bunso nilang si Mexico, at ang kapatid niyang si Morgan. Dapat ay hindi nagagalit sa kanya ang Mommy niya. She's being her 26 year old self!

Ilang sandali pa ay tinawag siyang muli ni Mameng papasok ng kubo. Pinaupo siya nito at pinainom ng tubig.

"Miranda, nakausap ko ang Mommy mo at sinabi ko ang nangyari. Sinabi ko rin na nakita ng mga kapitbahay ang nangyari. Dahil pansamantalang dito ka manunuluyan, hindi naman namin hahayaan na pagtsismisan ka ng mga tao. Kaya napagdesisyunan namin ng Mommy mo na si Levi muna ang titingin sa iyo habang nandito ka—"

"Ano???? You must be joking, right? I can't! I don't know him! He doesn't even know me. Natanong niyo na ba kung anong gusto niya?"

"Hindi namin kailangan tanungin ang gusto niya, Hija. Kailangan niyang gawin ang nararapat. Kailangan niyang panagutan ang pangdidisgrasya sa iyo na nakita ng mga kapitbahay."

"What? No! Okay, let's say na totoo nga; Hindi ako maghahabol. I can just leave—"

"Ayaw ng Mommy mo. Dito ka lang daw at hindi ka aalis. Pumayag din ang Mommy mo. Gusto niyang tiyakin na hindi magbubunga ang pagsisiping niyo ni Levi, baka daw anong gawin mo kapag nabuntis ka. Hindi rin siya papayag na walang mananagot kung sakaling mangyari 'yon."

"That's bullshit!" Tili niyang muli. "Paano kung sa ibang araw may mangyari sa amin dahil pinagsasama niyo ang babae at lalaki sa isang bubong. Is live in a thing here in the province? I guess not!" Talak niya pa. " Mas nakakahiya iyong nakatira ako dito sa hindi ko na nga nobyo, hindi ko pa asawa!"

Nagkibit balikat si Mameng, "Siguro ay mas mabuti iyon kaysa magpakasal kayo agad-agad. Tatlong buwan kang mananatili sa probinsya, Miranda. Tatlong buwan kang makikipisan kay Levi para hindi ka pag-usapan na disgrasyada. Kapag hindi ka naman nabuntis, aalis ka na tahimik sa lugar na ito at kakalimutan ka na rin ng mga tao."

"What if hindi ako pumayag?"

"Lilipad ka sa Germany bukas na bukas din at hindi ka na aalis doon hanggang sa pagtanda mo. Iyan ang eksaktong mensahe ni Anastasia. Pasensya na, Miranda. Naniniwala ang mga magulang mo na ito ang makakabuti sa iyo."

Naiwan siyang nakatulala sa kubo dahil nagpaalam na ang mag-asawa. She could not believe the kind of sorcery she was in! Kahapon lang ay bad mood siya, ngayon ay super ultra bad mood na! Narealize niyang katabi niya pa pala ang lalaking Levi ang pangalan. Itinulak niya ito ng malakas pero hindi ito masyadong natinag.

"Hoy, ikaw! Bakit mo sinabing hindi mo alam na kung may nangyari sa atin? You could just have said no!"

"Hindi ko nga alam kung meron o wala. Pasalamat ka nga at sinagot na kita."

"Anong sinagot mo ako?! Excuse me?"

"Sinagot ang problema mo. Gusto mo bang mapahiya sa mga tao?"

"I don't care! Hindi ko naman sila kilala."

"Pwes, ako merong paki sa sasabihin sa akin ng ibang tao. Hindi naman ako walanghiya na hindi mananagot sa ginawang mali." Matigas na wika nito.

Umirap siya sa hangin, "If I know, pinagsamantalahan mo ako kagabi."

"Anong sabi mo?" Matigas na tanong nito sa kanya. Kinilabutan siya sa paraan ng pagkakabigkas nito. Napalabi siya sa takot, sa pagod at sa hindi maunawaan na sitwasyon. She could use a good cry right now but she doesn't want to seem weak. Not in front of a handsome stranger.

Nag-init ang mukha niya dahil sa pagpipigil ng luha. Lumambot naman ang ekspresyon ni Levi. Tumikhim ito at bumagsak ang balikat.

"Huwag mo akong huhusgahan, hindi tayo magkakilala. Ginagawa ko lang ang tama bilang respeto kay Mang Pacio. Hindi ko rin alam kung anong nangyari kagabi. Huling alaala ko ay ininom mo ang ikatlong gin na iinumin ko dapat kahapon." Mahinahong wika nito. "Habang nandito ka sa tabi ko, walang gagalaw sa iyo. Walang magbubulong-bulungan tungkol sa iyo. Aalagaan kita." Sinserong wika ni Levi.

She wanted to scowl but she wasn't able to. Itinaas niya lang ang kanyang mga paa sa matigas na upuan at niyakap ang kanyang mga tuhod.

"Huwag kang lalabas kung saan-saan na hindi ako kasama."

Tumango siya.

"Dito muna ang magiging bahay mo."

"Is this yours?" Pinalibot niya ang tingin sa kubo, she just surrendered. Gawa ito sa kawayan na pinakintab ng barnis. Mayroong isang kwarto na may malapad na kama. May simpleng kusina na mukhang kumpleto sa gamit, may ref, TV, at dalawang electric fan.

"Wala masyadong laman ang bahay pero sapat na para mabuhay ng kumportable. Kung may mga kailangan ka, sabihin mo lang sa akin at bibilhin ko sa bayan."

"Saan nakatira sila Tita Yaya?"

"Dalawang kilometrong lakaran mula dito. Nag-iisa lang ang bahay na ito sa gitna ng palayan pero huwag kang mag-alala, tiyak na makikita mo si Mang Pacio at Aling Mameng buong maghapon dahil dito sila nagsasaka."

"Magsasaka ka rin dito?"

Tumango ito.

What does her mother think? Mag-aasawa siya ng isang magsasaka? No way! Hindi sa minamaliit niya ang trabaho pero ang pag-aasawa ng magsasaka ang magtatali sa kanyang mga paa sa lupa. She doesn't want that. She wants to be free. Gusto nga niyang tumira sa isang van at magtravel kung saan-saan. Allergic sya sa word na mundane. This life is mundane. Levi, no matter how gorgeous he is, is mundane.

Natulog lamang siya maghapon. What else does she know? Nakikipaglive-in siya sa probinsyanong mag-sasaka after getting drunk sa isang inumin na akala niya ay tubig! Madilim na nang bumangon siya. Nakarinig siya ng kaluskos sa labas. She realized na nakabukas ang bintana at tinutulak iyon ng malakas na hangin.

Napasinghap siya nang makita ang walang habas na kadiliman sa labas ng kanyang kubo. Naimagine niya ang mababangis na hayop na maaaring sumalakay sa kanya. Dahil sa isiping iyon ay dali-dali niyang sinarhan ang binatana. Kasunod non ang malalakas na katok mula sa labas.

"S-sino yan?"

"Sino ka?" Sagot naman ng boses sa labas.

"Hoy, Raul, anong ginagawa mo riyan?" Nabosesan niya agad ito, sinilip niya muna sa maliit na siwang sa pinto para makatiyak. Goodness, si Levi. He looks wasted.

"Makikitulog sana ako...." Sabi noong kausap ni Levi.

"Hindi pwede, umalis ka riyan!"

"Nakarinig ako ng babae rito sa loob ng bahay mo.."

"Anong babae? Walang tao riyan! Alis!"

Nasilip niya pang naglabas ng susi si Levi para buksan ang pinto pero nahihirapan ito. She hurriedly opened the door for him at saka pumasok ito sa kubo na nilagpasan lang siya. He reeks alcohol.

Umupo ito sa kawayang sofa. His polo sleeves were unbuttoned halfway from collar down. Napapikit ito at tumingala nang makita siya. "Andito ka nga pala." Sambit nito na para bang nakalimutan siya.

"You forgot that I exist?" Tanong niya. This man is impossible! Tiyak niyang walang kasingganda niya sa bukid na iyon. If that is not enough reason na maexcite dapat ito para balikan siya, hindi niya alam kung ano pa.

Hindi ito sumagot. Binukas ang isang mata at tiningnan siya. "Anong pagkain?"

Hindi siya makapaniwala sa narinig. She mouthed disbelief and crossed her arms to her chest. Gago! May pa-hero effect pa kanina, gusto lang pala ng tagapagluto sa barong-barong niya!

"Do you expect me to cook for you after you went out and get drunk like there's no tomorrow? The audacity! Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para maging housewife! I am not even that! I grew up with maids, drivers, and cooks! And I will not be a fcking housewife! Over my dead body!"

Bumuntong-hininga si Levi pagkatapos ay tumayo ito sa harapan niya at saka siya sinukat ng tingin. The distance was suffocating, and his manly scent weakened her knees. Tumiklop ang dila niya at hindi na nakapagsalita.

"Sutil." He smoothly rolled the words out of his mouth that left her dumbfounded. Tinalikuran siya nito at dumiretso sa kusina. Binuksan nito ang ref at isa sa mga cabinet, to her surprise, mayroong microwave doon. He popped one of the frozen meat and quickly gather the rice cooker. Kabisado nito ang  bawat sulok ng kusina at swabeng kumilos roon. Hindi niya alam kung gaano niya katagal iyon pinanood pero nakaramdam siya ng gutom nang maamoy ang niluluto nito sa pressure cooker.

"Psst." Pagkatapos ng ilang sandali ay tinawag siya nito. Padabog siyang naglakad patungo sa lamesa. He served her with rice and adobo. He sliced the pork on her plate to bite-sized, sumandok ng kaunting kanin at itinapat sa kanya ang kutsara.

"What are you doing?!" Mataray na tanong niya.

"Sinusubuan ka. Baka kasi hindi ka rin marunong. Hindi ba ganon ang mga sosyal?"

Pinanliitan niya ng mata ang binata, "Alam kong iniinsulto mo ako but I rather take that as a compliment. Not everyone is as privilege as me."

Tila nasamid naman si Levi sa kanyang sinabi at tinuon ang atensyon sa sariling plato.

"Hindi rin ako disabled." Umirap siya.

"Mabuti. Ayoko ng alagain. Bisita ka sa bahay ko kaya umakto kang ganon. Kailangan mong humati sa akin sa lahat ng gastos dito, pagkain, kuryente. Ililibre ko na ang renta pero magpakabait ka."

Hinampas nya ng tinidor ang braso ng binata.

"Choice ko ba na nandito ako, ha? Dapat doon ako kay Tita Yaya e! Kung hindi ka kasi nagpakaself-righteous diyan---"

"Kung hindi mo kasi ininom ang gin ko at nagising na lang sa bahay ko, hindi pa sana ako bingi ngayon sa taas ng boses mo. Nananahimik ako dito tapos dadating ka."

Nagpamewang siya. "Magpasalamat ka dahil hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon na makatagpo ng kagaya ko."

Humalakhak si Levi, "Akala ko ako lang ang lasing. May tama ka pa ba? O may tama ka lang talaga?" Kinatok nito ang ulo niya.

Ngumuso lang siya at itinuon ang atensyon sa pagkain. "W-wala akong pera."

Natigilan si Levi sa pagkuha ng pagkain sa plato. "Pupwede bang utang na lang muna ang gagastusin ko rito? Once na kunin na ako ng parents ko, I swear, I will pay you triple."

Humalakhak muli si Levi, "Akala ko ba sosyal ka? Maids, drivers, cooks.." Ginaya pa nito ang boses niya.

"My attitude isn't at its very best. Pinatapon ako rito."

"Ibig mong sabihin, makikitira ka kila Aling Mameng ng libre? Hindi naman yata maganda yan."

"As if I chose to be here!" Naiirita na naman siya sa kaharap.

"Hindi nga, pero hindi pwedeng libre. Mukha namang sa utak lang ang sakit mo, pupwede kang sumama sa mga kababaihan na magsasaka. Kailangan nila ng tulong sa pagluluto para sa mga natatanim."

"What?! No! I have a degree in Advertising! Hindi ako magbibilad sa araw—"

"Advertising? Sa Bukid? Magtatanong-tanong ako kung sino ang magbibigay sayo ng trabaho kaya lang baka matagalan."

"Hihiram na lang ako ng pera kila Tita Yaya."

"Parang hindi magandang pagkakataon ngayon. Pinapadialysis yung kapatid ni Mang Pacio na nakatira sa kanila."

Sumakit ang ulo niya kakaisip pero walang lumabas na solusyon.

"M-magkano ba ang monthly sahod sa farm?"

"Monthly?" Natawa si Levi. "Arawan. Isang kahig isang tuka ang mga magsasaka. Hindi sila tatagal na walang panggastos sa isang buwan. Sa walang kakayanan, P200 buong maghapon."

"P200?! Pangbayad ko lang iyon ng apat na oras na parking sa Metrowalk!"

Napakamot ng ulo ang kausap, "Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Kada araw, bibigyan mo ako ng isang daan para sa pagpapatira ko sa iyo dito. Libre ko na sa iyo ngayong araw." Kumindat pa ito sa kanya.

Napilitan siyang maghugas ng pinagkainan pagkatapos ng hapunan. Halos idikit kasi ni Levi ang paghahanap ng ambag mula sa kanya dahil nakikitira lamang siya. Ang kanyang sumunod na kalbaryo ay nang handa na siyang matulog. Prenteng nakahiga na sa kama ang bagong ligo na si Levi. Pumosisyon na ito habang siya naman ang nagshower pagkatapos maghugas ng pinggan.

"Saan ako hihiga?"

Nakatakip ng braso ang mga mata ni Levi. His muscle flexed and his white sando doesn't help to keep her eyes off his toned body.

"Hindi ako sanay ng may katabi." He answered sleepily.

"Ako rin naman. At wala akong balak tumabi sa iyo, no!"

"Mabuti. Kumuha ka na ng unan at kumot mo. Doon ka na sa salas."

"What? A-ako ang sa salas? Walang kutson ang upuan mo. Tiyak na sasakit ang likod ko. And you expect me to work tomorrow nang walang tulog?"

Inis na bumangon si Levi. "Akala ko ba malinaw na nakikitira ka?"

"Akala ko ba kanina sabi mo aalagaan mo ako?"

"Hindi naman kita pinapabayaan." He quipped, "Doon ka lang matutulog sa salas dahil nandito ako sa kwarto ko."

"P-put a divider. Paghahatian natin ang kama. Singilin mo na lang ako bukas sa magagastos."

"Sige bukas."

"N-ngayon na."

"Miss. Matutulog ka rito o doon ka sa salas. Hindi ko magagawa ang gusto mo ora mismo."

Malalim siya nag-isip bago dahan-dahang naglakad papalapit sa pinto. Baka kung ano pa ang mangyari kapag doon siya sa tabi nito! Living room it is!

"Fine! Huwag mo akong sasamantalahin kapag nahihimbing na ako ha!" She muttered.

"Hindi ikaw ang tipo ko."

Napalabi siya sa malamig na tugon ng katabi. It was actually the first time meeting a guy who obviously doesn't like her and refuse to her favors.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 154K 145
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
86.9K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
796K 39.4K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
2M 32.6K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...