"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

376K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2

3.8K 227 48
By SsweetySakura

[= Miragh =] :

"Huwag ka bumitaw sa akin Navah at baka mawala ka pa."

Kanina ko pa hinahawakan ang kamay ni Navah dahil sa para itong batang ngayon lang naka labas sa bahay dahil sa kakalingon nito kahit saan.

Minsan nga ay pumupunta pa ito sa iba't ibang gusali na may mga paninda.

"Isa ka pa Radya, sisipain talaga kita pag mawala ka."

Parang ako yata akong Yaya na nakokonsimesyon sa dalawang ito.

Talo pa yata ang limang taong bata sa kakulitan nila.

Nasa kanan ko si Navah habang hawak-hawak ko ang kaliwang kamay nito at si Radya naman sa kaliwa at kanang kamay niya naman ang hawak-hawak ko at kapag may nakita sila sa malayo ay agad ko hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanilang kamay para hindi maka takbo.

"Eh kasi naman Mahal na Prinsesa Xhandria, ngayon lang kami naka gala sa ganitong ka gandang bayan."

Ohhh,tapos?? Kung mawawala kayo? Saan ko kayo hahapin?

Parang hindi pa naman uso dito ang lost and found center.

"Hindi tayo pumunta dito para gumala."

Inikutan ko lang ng aking mga mata si Radya na nakanguso dahil sa sagot ko sa kanyang sinabi.

Papayagan ko naman silang gumala kong gusto nila pero sa ngayon ay hindi ko muna sila pwede pabayaan dahil alam kong hindi pa nila kabisado ang pasikot-sikot sa bayang ito isa pa kanina pa kumakabog ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

Para akong kinakabahan na parang ewan.

"Wahhhh!! Tignan mo po yun Prinsesa Xhandria ang ganda naman nong isang grapon. Kumikinang, tara bilhin po natin."

Sabik na sabik na sabi ni Navah habang naka turo don sa isang tindahan na may mga iba't ibang grapon na may laman na umiilaw.

Nakakamangha nga namang pagmasdan dahil parang may mga maliliit na alitaptap sa loob na may iba't ibang kulay.

"Ayaw. Wala tayong pera."

Kahit gusto ko rin yun bilhin para gawing palamuti sa aking ngipin ay magtitipid muna ako ngayon.

Ganda siguro talaga tignan pag ididikit ko iyon sa aking ngipin para sa bawat ngiti ko ay nagliliwanag ng iba't ibang kulay ang aking bibig.

"Pero meron po akong per-..."

"Ako din po merun din Prinsesa Xhandri-.."

Agad ko silang hinala upang makalayo sa tindahan na iyon para hindi na nila ipagpipilitan pa ang kanilang mga gusto.

Nag mukha na akong Ina sa dalawang ito na inalalayo sila sa mga bagay na gusto nilang bilhin.

"Huwag niyo ako pag taasan ng mga nguso niyo kung ayaw niyong pagtatapyasin ko ang mga iyan."

Pero mas lalo lang yata humahaba ang mga nguso nila habang nagpapatianod sa aking pagkakahila sa kanilang mga kamay.

Ayaw kong gumasta sila sa mga bagay na hindi kailangan at hindi importante.

Gusto ko mag tipid sila dahil wala na kaming natatanggap na pera mula sa magaling na pamilya ni Miragh.

Buti na nga lang at libre ang pagkain sa Akademya at hindi kami nagugutom.

"Ipunin niyo nalang muna ang pera niyo, isa pa diba sabi ko mag nenegosyo tayo? Tulungan niyo nalang ako don."

Dahil hindi uso ang tsokolate, cosmetics, lotion, shampoo at iba pa sa mundong ito ay yun ang ebebenta ko.

"Ayyy oo nga pala. Sige po."

"Tara na po maghahanap na tayo ng pwesto para sa ating negosyo."

Napangiti naman ako sa kanila nang bigla sila sumigla at hawak kamay kaming tatlo na naglalakad.

Kita kong napapatingin sa amin ang iba dahil kaming tatlo lamang ang naka bukod tanging magkahawak kamay na nag lalakad.

Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin at bulungan nila sa aming tatlo at binabaling ko nalang ang aking ulo sa iba't ibang sulok ng bayan upang makahanap ng magandang pwesto.

"Doon po Prinsesa Xhandria, maraming tao tapos medyo may bakante pa na pweding pagtayuan ng tindahan."

"Upo, maganda doon."

Napatingin naman ako sa itinuro ni Radya at masasabi kong tamang tama nga ang lugar na iyon.

Maraming tao mas maganda isa pa parang mas madali siyang makita pag dadaan ka sa malaking kalsada sa bayan na ito.

"Tara."

Agad ko silang hinala upang pumunta sa lugar na iyon at napapangiti ako sa sabik dahil tamang-tama talaga ang pwesto na iyon.

Habang papalapit kami ay bigla nalang may bumangga sa akin na nakatalukbong na nilalang at dahil hindi ko inaasahan ang pagkaka banggaan namin sa taong ito ay muntik na akong matumba pero agad din naman niyang nahawakan ang aking bewang.

Subalit ganun nalang kalakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ang kanyang mga mata na naka tingin sa akin.

Hindi ko makita ang kabuoan ng kanyang pagmumukha sapagkat may nakatakip na kulay itim na tela rito habang may kulay ginto namang naka borda malapit sa kanyang mata na isang Dragon.

"Beautiful Creature. Finally, I was able to see your face closely."

Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla nalang nanayo ang balahibo ko sa aking katawan at mas lalo akong kinabahan ng marinig ko sa aking utak ang kanyang sinabi lalo na sa lenggwahing kanyang ginamit.

"S-sino k-.."

"Hoyyy!! Sino ka? Bitawan mo ang Prinsesa namin."

Naputol ang gusto ko sanang itanong sa estranghero nang biglang sumingit ang galit na galit na boses ni Navah at ni Radya at ngayon ko lang namalayan na naka dipa pala ako dahil hawak-hawak pa ni Navah at Radya ang aking magkabilaan kong kamay habang hawak naman ng estranghero na ito ang aking bewang.

Oo estranghero dahil isa siyang lalaki base sa kanyang boses na nasa aking isipan at bigla nalang nanlaki ang aking mga mata ng bigla niyang inilapit sa aking mukha ang kanyang mukha at kahit may takip ang kanyang bibig ay ramdam ko ang kuryente dumaloy sa aking katawan ng lumapat sa aking labi ang labi niyang may nakatakip na tela.

"You're already mine."

Bigla nalang siyang naglaho na parang bula pagkatapos niya bitawan ang mga salitang iyon at hindi ko alam kong bakit nanghihina ang aking mga tuhod at buti nalang ay agad akong nasalo nina Navah at Radya at inalalayan nila akong ma upo sa isang upuan na gawa sa kahoy.

"Ayos ka lang po ba Prinsesa Xhandria?"

"May masakit po ba sayo?"

Magkasunod na tanong ni Radya at Navah sa akin na hindi ko magawang sagutin dahil iniisip ko pa rin ang ginawa ng lalaking iyon sa akin lalo na sa naging reaksyon ng aking katawan.

Subalit bakit parang pamilyar siya.

Saan ko ba nakita ang mga mata niya.

"Prinsesa Xhandria, ayos ka lang po b-..."

"Hindi ko alam na sobrang landi mo nga pala talaga. Sa bagay hindi na ako magtataka kong saan ka nagmana."

Bigla naputol ang mga iniisip ko ng may sumingit sa tanong ni Radya sa akin at nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko ang naka ismid na mukha ni Quinta na naka tayo sa aking harapan.

"Diba si Prinsesa Quinta iyan? Ang ganda talaga niya."

"Oo, at si Prinsesa Zemiragh naman yang isa. Yung Prinsesa na walang mahika at kapangyarihan."

"Hahahahaha!!"

Hindi sana masarap ang ulam niyo mga letse kayo.

Binabaliwala ko nalang ang bulungan at tawanan ng mga taong nakikisosyo sa amin ngayon dahil sa pagtataka ko sa mga pinagsasabi nitong palaka na ito na nasa aking harapan.

Mas lalo naman lumaki ang pagkangisi nila dahil sa mga naririnig nila na panlalait ng mga tao sa akin o kay Miragh.

"Inagaw mo na nga si Prinsipe Lawrence sa akin, tapos nagawa mo pang makipag halikan at landian sa iba? Mana ka talaga sa Ina mong malandi at mang aagaw."

Anong nakipag halikan ang pinagsasabi nito.

Eh yung estranghero lang naman ang humalik dahil umiskapo agad ito pagkatapos niya maka score ng kaunti.

"Siya ba ang dahilan ng hiwalayan ni Prinsipe Lawrence at ni Prinsesa Quinta?"

"Naku. Yan ba ang magagawa sa katulad niyang walang mahika?"

"Desperada na talaga siya na gagawin ang lahat para umangat ang estado niya sa buong kaharian."

"Katulad ng kanyang ina na isang mahina din at nagawa lang akitin si Haring Zavier para maging Reyna sa kahiran ng Genezers."

"Oo, ang Ina din niya ang naging dahilan kung bakit nagkahiwalay si Reyna Lucifia at si Haring Zavier noon."

"Buti nalang at namatay na ang maland-.."

Bigla naman nag pantig ang aking tenga sa mga narinig ko mula sa mga bwesit na taong nakapalibot sa akin lalo sa sinabi nito patungkol sa Ina ni Miragh.

"Put*ng**na. Manahimik kayo kung ganyan lang pala ang lalabas sa mga labi niyo."

Hindi ko na mapigilang tumayo at murahin ang mga taong nakapalibot sa amin na nagbubulungan o sabihin nalang nating nag uusap ng malakas dahil rinig na rinig ko ang kanilang mga walang kwentang pinagsasabi nito.

"Aba'y wala ka nangang kwenta napaka basto-.."

"Tumahimik kayo, huwag niyo pag salitaan ng ganyan ang aming Prinsesa Xhandria. Hindi niyo alam ang buong istorya ng buhay niya."

"Prinsesa Xhandria, ayos lang po ba kayo? Huwag kayong mag alala ipagtanggol po namin kayo."

Bigla namang humarang si Navah at Radya sa aking harapan na para bang itinatago nila ako sa kanilang likod upang hindi ako makita ng mga nilalang na mukhang mga palaka.

"Bastos rin pala ang mga alalay, walang duda nahawaan yata sa kanilang pinagsisilbiha-.."

"Manahimik ka nga tanda kung hindi mo alam ang tamang kahulugan sa salitang bastos."

Nanggi-gigil kong pagputol sa isang matandang palaka na akala mo kung sino dahil sa parang nandidiri itong nakatingin kina Navah at Radya.

Kapal ng mukha mas malinis naman tignan ang dalawang alalay ni Miragh kaysa sa kanya.

"Ha!!!! Kita niyo? Napaka bastos talaga at parang isang hindi Prinsesa dahil nagawa pang mag mura. Kawawang Haring Zavier parang ako ang nahihiya sa ikinikilos at mga salita ng kanyang ana-.."

"Puny*ta, pag sinabi kong manahimik ka, manahimik ka. Dahil mas nagmumukha ka pang bastos kaysa sa akin dahil parang nakalimutan mo na yata ang estado ng buhay nating dalawa."

Kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata at ang pagtikom ng kanyang bibig habang namumula sa hiya.

"Ako na po ang humihingi ng paumanhin sa kabastosan ng aking kapati-.."

"Isa ka pang palaka ka. Manahimik ka din dahil nakakasuka ang pangit mong pagmumukha. Isa pa, huwag ka nalang mag salita dahil ambaho ng hanging lumalabas mula sa bibig mo."

Kung kanina ay siya ang ngumisi at nanunuyang nakatingin sa akin ngayon naman ay ako na ang ngisi dahil kita ko ang biglang pamumula ng kanyang mukha nang dahil sa hiya lalo na at medyo rin umatras ang iba palayo sa kanya habang may nakatakip na pamaypay ang kalahati sa kanilang mga mukha.

.

.

.

.

.

.

.

.

[= Quinta =] :

Nanggi-gigil kong pinagmasdan ang malanding babae sa aking harapan dahil sa nagawa pa niyang baliktarin ang sitwasyon at ngayon ay ako na ang pinapahiya sa karamihan.

Dapat siya ang mapahiya dahil isa siyang malandi at kitang kita ko ang ginawa niyang pakipaghalikan doon sa taong nakatalukbong kanina.

Kahit hindi masyadong halata dahil sobrang bilis ng pangyayari at dahil rin sa bigla nalang naglaho ang taong nakatalukbong kanina ay alam kong nakipaghalikan talaga siya doon.

"Prinsesa Quinta, h-hindi naman po mabaho ang amoy ng iyong bibi-.."

Masama kong binalingan ng tingin ang isa sa inutil kong alalay ng bigla itong tumabi sa akin at nag salita ng wala namang ka kwent-kwenta.

Mas lalo lang akong napahiya ng marinig ko ang tikhim ng iba at lalo na ang pagngisi nitong babaeng walang silbi sa aking harapan.

Para makasigurado ay pasimple kong inangat ang aking kamay papunta sa aking bibig at bumuga ng hangin upang masiguro kong mali ang pinagsasabi nitong babaeng ito.

"Hehehehe."

Mas lalo lang yata ako nahiya ng marinig ko ang hagikhikan ng dalawang alalay ni Xhandria na pinapangunahan niya at ng samaan ko ng tingin ang dalawa niyang alalay ay nagpatay malisya lamang ito habang may naka ukit na ngisi sa kanilang mga labi.

"Tara na po Prinsesa Xhandria dahil masama sa kalusugan ang masama at mabahong hangin."

Dahil sa sinabi ng alalay niyang nag ngangalang Radya ay mabilis kong inangat ang aking kamay upang hablutin sana ang buhok nito at kalbuhin ng mabilis na nahawakan ni Xhandria ang aking kamay at binigyan ako ng isang masamang tingin.

"Huwag mong subukang ilapat ang marumi mong kamay sa kahit anong parte ng katawan nilang dalawa."

Kinilabutan ako sa pamamaraan ng kanyang pagkasasabi at kahit anong pilit kong paghila ng aking kamay ay hindi ko magawa dahil sa sobrang lakas niya humawak.

Lumapit naman ang dalawa kong alalay kay Xhandria na ikinangisi ko dahil alam kong hindi sila mag dadalawang isip na saktan itong malanding babaeng Xhandria.

"Bitawan mo ang kamay ng aming mahal na Prinsesa Quinta."

"Isa kang marumi at walang silbi kaya wala kang karapatan na hawak-hawakan si Prinsesa Quint-..."

"Sigi, subukan niyong saktan ang aming Prinsesa Xhandria at kakalbuhin namin ang lahat ng balahibo niyo sa katawan."

Napa atras naman ang apat kong alalay ng biglang pumagitna ang dalawang alalay ni Xhandria.

"Wala kayong silbi. Mga inutil, dalawa lang iyan natatakot kayo?"

Nanggi-gigil kong sigaw sa aking mga alalay at tila nahimasmasan naman ang mga ito ng matapang silang bumalik at susugod na sana ng may namataan akong magpapaganda sa eksena.

"Atras."

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng aking mga alalay dahil sa aking utos pero ng ngumisi ako at tumango pagkatapos ay pasimple kong pinailaw ang aking kamay ay mabilis silang pumunta sa aking tabi at humawak sa aking braso.

"B-bitawan niyo na po si Prinsesa Quinta, wala naman po siyang ginawang masama sa iyo Prinsesa Zemiragh."

Napangisi ako ng patago ng nagsisiiyakan ang aking mga alalay na kunwaring nag alala sa akin at pilit nila ako hinihila mula sa pagkakahawak kay Xhandria.

Magaling at agad nilang gawa ang gusto kong mangyari pag sa ganitong sitwasyon.

Di bale nang gagasta ako ng pera dagdag bayad sa mga hampaslupang mga katulad nila basta magtagumpay lang ako sa aking mga panukala.

Pinadaloy ko agad ang aking mahikang asido sa aking braso at kita ko ang paglabas ng dugo sa bibig ng aking mga alalay at tila nahihilo sila pagkatapos ay bigla nalang silang nahimatay.

Rinig ko ang sigawan ng mga taong nakapalibot sa amin na mas lalong ikinasaya ko habang nagtataka naman ang nakikita ko sa pagmumukha ng dalawang alalay ni Xhandria habang siya naman ay hindi ko makikitaan ng emosyon sa mukha pero wala na akong pakialam dahil hindi ko akalain na mapapa aga ang aking plano.

"Wala naman akong ginagawa sayo pero bakit lagi mo nalang akong inaapi at sinasaktan. Gusto ko lang naman makipag ayos sayo at humingi ng tawad kong may nagawa man akong mali say-ahhhhhhh.!!!!"

Nilakasan ko ang aking boses ng makita ko si Rence mula sa likuran ni Xhandria na nag lalakad papalapit sa amin.

Agad kong itinapon ang aking sarili papalayo mula kay Xhandria at dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak ay nagmukhang siya ang gumamit ng pwersa upang maitulak ako papalayo sa kanya.

Kahit masakit ay agad kong kinagat ang loob ng gilid ng aking pisngi upang masugatan at lumabas ang dugo sa aking bibig.

Hindi kasi ako matatablan ng sarili kong mahika kaya ito nalang ang gagawin ko para magmukhang makatotohanan.

Kita ko ang pag alala sa mukha ni Prinsipe Lawrence na naka tingin sa akin habang mabilis na naglakad patungo sa akin.

"Arayyyy!!"

Gusto ko humalakhak ng marinig ko ang kanyang daing ng binangga siya ng malakas ni Prinsipe Lawrence mula sa likuran.

Muli kong kinagat ng malakas ang loob ng aking pisngi para mas marami pang lumabas na dugo mula sa aking bibig.

"R-rence. N-nandito ka."

Nanghihina kong banggit sa kanyang pangalan at umubo ako para lumabas ng tuluyan ang dugo na nasa aking bibig.

Parang gusto ko magtatalon sa tuwa ng maramdaman ko ang kanyang mga bisig na nakahawak sa aking katawan.

Binuhat niya agad ako ng walang pag alinlangan at kita ko ang galit sa kanyang mga mata habang pinag mamasdan ako lalo nang makita niya ang aking mga alalay na wala nang malay.

"Anong kaguluhan ang ginawa mo sa kaharian ko at nagawa mo pang saktan ang mga mamamayan k- Miragh?"

Lihim kong kinuyom ang aking mga palad ng makita kong nabigla at napatulala siya sa babaeng malandi nasa kanyang harapan.

"I-ikaw ba an-..."

"W-wala naman akong g-ginawa sa kanya eh, g-gusto ko lang humingi ng tawad Rence p-pero nagawa pa niyang saktan ang m-mga alalay ko at lalo na a-ako."

Pinutol ko agad ang gusto niya sanang itanong sa babaeng malandi sa pamamagitan ng aking impit na pag hikbi at mas lalo kong piniga ang loob ng aking pisngi para dumami ang dugo at umubo ako ng sunod sunod sabay palabas ng dugo sa aking bibig.

Ayaw kong sasagot pa ang babae na iyan dahil baka ano pa ang lalabas sa kanyang bibig na wala namang silbi at baka ipapahamak ko pa.

Lihim akong nagdiwang ng maramdaman ko ang higpit na pagkakahawak ni Rence sa aking katawan na para bang pinipigilan niya ang galit na kanyang nararamdaman.

Kawawa ka naman Xhandria dahil sa akin talaga pumapanig ang tadhana.

Paano nayan ngayon at galit na talaga ang mahal ko sa iyo.

Nagtaka ako ng bigla nalang tumahimik ang buong paligid at hindi ko na narinig ang malakas na bulungan kanina dahil sa nangyari.

Tinignan ko si Xhandria kung ano ang reaksyon niya dahil magdidiwang talaga ako pag makita ko siyang iiyak sa maraming tao.

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi upang pigilan ko ang aking pagngisi ng makita kong parang nasaktan siya lalo na at yumuko siya habang kinukuyom niya ang kanyang mga palad.

Ganyan nga, umiyak ka.

Mag mamakaawa ka sa lahat pero alam ko naman na sa akin parin sila papanig lalo na si Rence.

Gusto ko talaga humalakhak ng malakas dahil sa tuwa subalit bigla nalang ako kinilabutan at tila bigla nawala ang dugo ko sa aking katawan ng mag angat siya ng kanyang ulo habang may nakaukit na mala demonyong ngisi sa kanyang mga labi.

"Hahahaha."

Ramdam ko ang panlalamig ng aking katawan ng bigla siyang humalakhak ng malakas pero hindi ko ramdam ang saya sa kanyang tawa kundi parang naging tawa lang ito ng isang taong may kinamumuhian at kinaiinisan.

Nang bumaling ang kanyang paningin sa akin ay parang gusto ko yata mag tago kahit sa ikalaliman ng lupa dahil ramdam na ramdam ko ang intensyon niya upang kumitil ng isang buhay.

Nag simula ng manginig ang aking katawan sa takot ng dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa amin habang nakangisi at lalo ng nagsimula siyang sumisipol.

.

------------

Continue Reading

You'll Also Like

38.2K 1.7K 52
Ilang taon na akong mag isa. Ilang taon na akong naghahanap ng sagot. Ilang taon pa ba ang gugugulin ko para dito? Hindi ako tao sa mata ng tao. Hind...
14.4K 1.6K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
111K 3.8K 51
The girl who can control the four elements. This story is unedited and cringe. Kung ako sa inyo wag nyong basahin. Sinulat ko ito nung 12 ako so pan...
21.2K 1.3K 25
Having special ability is difficult. Yet, aspiring to do good deeds. That's what Kianna thought when she suddenly possess a power after that 'thing'...