The Night in Tierra Fima | CO...

بواسطة ferocearcadia

44.7K 865 14

[Warning: R18+] What will happen when a complete stranger got all of your firsts? First touch, first kiss, fi... المزيد

The Night in Tierra Fima
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Wakas

Kabanata 19

523 7 0
بواسطة ferocearcadia

Kabanata 19

Missed

"Ayos ka lang ba talaga? I told you, you can tell me anything," Jaxon approaches me again habang tahimik akong nakatunganga sa table ko.

Hindi ko siya tiningnan, sa halip ay nabaling ang tingin ko sa text message na na-receive ko galing kay Levi.

Levi

Are you busy? I miss you

Napairap ako at binalewala na lamang iyon kahit gustong-gusto ko na siya replyan dahil miss na miss ko na siya. My mood swings and cravings are worsening. Last week pa ako nagpa-check up and my OB said to me that I was 6 weeks pregnant. Hindi ko pa rin masabi sa kaniya lahat ng nangyayari sa'kin dahil hindi ko alam kung dapat pa bang sabihin sa kaniya.

"Rae, what's wrong? Do you want to eat? I'll treat you anything you want," I heard Jaxon said again kaya tamad akong tumingin sa kaniya.

"Kahit ano?"

"Yes, Rae, kahit ano. Let's go," marahan niyang sambit sa'kin at hinintay pa akong makatayo.

Walang gana akong tumayo at sumunod sa kaniya palabas ng working office. We went to the mall dahil nag request ako sa kaniya ng seaweed soup. Naroon kasi sa mall na 'yon ang korean restaurant na palagi kong binibilhan no'n.

Right after we arrived at the restaurant and currently eating, Levi called me via facetime. Wala na akong nagawa kaya sinagot na agad 'yon. Tiningnan ko pa si Jaxon na tahimik lang na kumakain at tinanguan lang ako.

"Hi!"

Bumungad kaagad sa'kin ang mukha niya nang sagutin ko iyon. Halos maiyak ako nang makita ko ang kabuuan niya dahil sa pagka-miss ko sa kaniya. I don't understand why, but I miss him so damn much! Parang unti-unting tinatanggal no'n ang galit ko sa kaniya dahil sa pagsisinungaling niya.

"Sorry, kumakain kasi ako," sambit ko sa kaniya. Bahagya ko pang kinusot ang mga mata ko dahil nagbabadya na roon ang mga luha ko.

I'm starting to wonder, why did he lie to me last week. Hinihintay ko lang siyang magsabi sa'kin ng totoo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ginagawa.

"Where are you? Are you okay? You look sick, baby," tanong niya sa'kin nang sunod-sunod. Baka sa itsura niya na labis siyang nag-aalala.

I tried to smile at him ngunit hindi na 'yon umabot sa mga mata ko. I want to tell him how I feel and about my condition pero nangingibabaw ang pagkainis ko sa kaniya.

"I'm fine, Levi. Ikaw? Kailan ang uwi mo? May sasabihin ako sa'yo." Hindi ko na napigilan ang pagtabang ng boses ko.

Levi furrowed his forehead and stood up from where is he right now. Tumambad sa mukha ko ang hubad niyang katawan at tanging pantalon lang ang suot nito. Gulo-gulo rin ang buhok nito. Sa nakikita ko ay nasa kubo niya ito at mag-isa lamang doon. I wonder where Marichu is.

"What is it, baby?" marahan niyang tanong sa namamaos niyang boses. Nagsindi ito ng sigarilyo kaya nangunot ang noo ko.

"Stop smoking, Levi. I already told you that many times," saway ko sa kaniya na mabilis niyang ikinabaling ng tingin sa screen. Pakiramdam ko ay tumatagos ang tingin nito sa'kin.

"I'm just tired. Please, don't be mad. I'm sorry..." he gently said to me at agad na itinapon ang sigarilyo niyang 'yon.

Padarag kong binitiwan ang kutsarang hawak ko at marahas na bumuntong hininga.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," I told him, suppressing the irritation in my voice.

"I'm planning to go back there next we—"

"Bakit next week pa? I thought everything is settled there. May iba ka pa bang inaasikaso riyan?" I asked him, cutting him off which made him wondered.

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa mga tanong kong 'yon na hindi ko na napipigilan. I saw Jaxon in my peripheral vision, staring at me intently. His expression hardened.

"Tell me, Levi, why did you lie to me when I asked you who was with you there?" Dagdag ko pang tanong sa kaniya.

Nakita kong natigilan siya. Terror overtook his expression while he's clenching his jaw. Para itong nahuling nagloloko o ano. Ilang minuto pa akong naghintay ng sagot niya pero wala kaya tumayo na ako para pumunta sa CR.

"Kaya ba hindi ka makauwi agad when in fact, you told me that everything was fucking fine there," mariin kong sambit muli, ni hindi ko na mapakalma ang sarili ko dahil hindi pa rin niya ako sinasagot.

"Lumiere, calm down. Fuck! I'm sorry for not telling you immediately. Hinihintay ko pang makalabas si Tatay Henry sa ospital, iyon lang. Wala na akong ibang dahilan pa. I'm sorry, darling," he frustratedly said to me while staring at me intently.

Hindi ko na napansin ang mga sinabi niya dahil sa biglaang pagsama ng tiyan ko. Nang makarating ako sa CR ay mabilis akong pumasok sa cubicle at sumuka roon. Ni hindi ko na napatay ang tawag at basta na lang inilapag ang cellphone ko sa gilid doon. I can even hear him calling my name.

Fuck this sickness!

Nang matapos ako ay mabilis akong naghilamos at saka ko lang naalala si Levi. Shit, Rae! He fucking heard everything!

"I... I'm sorry. I was just—"

"What's happening? Are you okay? Why did you puke? May sakit ka pa rin ba? Oh god, talk to me, Lumiere," he hysterically said to me. I'm seeing him walking back and forth from where is he right now.

Napasandal na lamang ako sa wall ng CR saka marahas na bumuntong hininga.

"I'm fine, Levi. It's just a fatigued at..." I paused and look at him at the screen. He's now dressed.

"Please, come back here. I missed you so much. I don't know why... I don't want to overthink anymore. You're with Mari for fuck's sake! Hindi mo sinabi sa'kin na kasama mo siyang pumunta diyan. I'm mad! I'm fucking mad but I miss you so much, Levi. I'm sorry for being such a needy girlfriend," I told him and burst out crying.

Tinakpan ko na lang ang mukha ko at paulit-ulit na nagmura dahil sa halo-halong nararamdaman ko. I'm fucking tired overthinking things. Ni hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar 'yong sarili ko. Yerim and Rafa are both busy about their upcoming book signing. My mom is still mourning about Arthur at ako na lang ang inaasahan niya kaya kailangan kong maging malakas, but I also need to cry. Pakiramdam ko ay sakal na sakal na ako sa sitwasyon.

"I... I'm sorry. I just can't take it anymore. S-sobrang daming nangyari habang wala ka and I don't know how to fucking endure it alone. I'm sorry... I just need you here with me but if you're not allowed to—"

"I'm going home today. Wait for me, please. Stop crying, Lumiere. Mahal na mahal kita. Wait for me," he told me that made me cry even more.

Oh, Levi...

Matapos ang pag-uusap naming iyon sa CR ay mabilis akong bumalik sa table nang maalala ko si Jaxon. Nadatnan ko siya sa table namin na hinihintay ako and even stood up when he saw me.

"Sorry, natagalan. Tapos ka na kumain? Sorry talaga, Jax," nahihiyang sambit ko sa kaniya at umupo nang muli sa harapan niya.

Ngumiti lang ito na umabot naman hanggang sa mga mata niya kaya mas lalo akong nahiya.

"Stop apologizing, Rae. I'm done. So, what are you up to? Ayos na ba kayo ni Levi?" seryoso niyang tanong sa'kin kaya napatitig lang ako sa kaniya.

"Matagal bang naging magkarelasyon noon si Mari at ang pinsan mo? How long?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya.

Nakita ko pang saglit na nagulat siya at nag-iwas ng tingin sa 'kin.

"Hindi ako dapat ang tinatanong mo niyan, Rae. I'm not really sure how long, honestly. Ang alam ko lang ay muntik na silang magtanan noon. Levi loved Mari too much to the point that he can forget us just to be with her. Muntik na nga silang magpakasal," paliwanag niya sa'kin.

I gasped for air after I heard that. I look away from him and finished my food. Ramdam ko ang unti-unting paninikip ng dibdib ko.

"Bakit sila naghiwalay?"

"Mari threw him away. She suddenly left my cousin dahil ang sabi ay hindi niya kayang maghirap. Levi almost kill himself because of her."

Iyon na ang huling sinabi ni Jaxon tungkol sa usaping iyon. I didn't ask anything to him anymore kahit pa may sasabihin pa siya nang mga oras na 'yon. I don't want to hear it anymore. Hindi na importante sa'kin ngayon kung anong nakaraan niya sa babaeng 'yon. Ang mahalaga ay 'yong ngayon lalong-lalo na ang magiging baby namin.

Hinatid ako ni Jaxon pauwi nang sabay kaming mag-out sa trabaho. Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko na naman sina Yerim, Rafa at Sebastian. Kumakain na sila ng hapunan kasama si mama na bakas na bakas sa itsura ang saya.

"Akala ko ay busy kayo sa book signing niyo?" takang tanong ko sa kanilang dalawa nang makaupo ako.

Nakita ko ang paglawak ng ngiti ni mama nang tumingin ito sa'kin. Naalala kong hindi pa nga pala niya alam ang tungkol sa kalagayan ko and I'm planning to tell her soon enough. Sigurado akong magiging masaya siya kapag sinabi ko.

"Kumain ka na, 'ma. Huwag ka nang masyadong magpagod," sambit ko pa sa kaniya at pinaupo siya sa tabi ko, ngunit umiling lamang siya.

"Tapos na ako, Rae. Kayo na lang ang kumain," marahan nitong sagot sa'kin at ngumiti pa.

"Sige po. Magpahinga na po kayo. Kami na pong bahala rito," utos ko sa kaniya na tinanguan lamang niya.

Nang makapasok siya sa kwarto ay saka lamang ako bumaling sa tatlo at tinaasan sila ng kilay nang mapansin kong tahimik sila.

"Wala ba akong kausap dito?"

"Sabi kasi ni tita bawal daw mag-usap habang kumakain," kibit-balikat na sinabi ni Yerim kaya halos bumunghalit ako ng tawa.

Nang matapos kaming kumain ay nagdesisyon silang dito na naman matulog dahil sobrang lungkot daw sa staff house nila. Hindi na ako nakatanggi dahil napansin ko na ang mga bag nila sa sala.

"Postponed ang book signing namin. Isasabay na lang daw sa yearly event ng company," tamad na sinabi ni Rafa at humilig sa balikat ni Sebastian na abala sa pagpili ng movie na papanoorin namin.

Padarag akong umupo sa tabi ni Yerim at humiga sa lap niya.

"Ganoon naman ang lagi nilang ginagawa, 'di ba?" natatawa kong sinabi sa kanila saka bumaling ng tingin sa TV.

"Kailan ang uwi ni Levi? Ang tagal na niya ro'n, a. Hindi mo pa rin sinasabi?" Dinig kong tanong ni Yerim sa'kin kaya nabaling agad ang tingin ko sa kaniya.

I smirked on her when I remember what Levi said to me earlier. "He's on his way tonight," I told her and smiled at her endlessly.

Bago pa siya makapag-react ay nabaling na ang atensyon ko sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at agad na tiningnan kung sino ang nag text. Halos pigilin ko ang hinga ko nang mabasa ko ang text na iyon mula sa kaniya.

Levi

Baby, I'm sorry. I can't make it tonight. I took Mari to the hospital.


Great. Just great, Levi.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

301K 11.6K 55
Matured content Completed ✅ Rated 18+ Matured Content He's a secret agent, and she's one hell spoiled brat daughter of Antonio Monteverde, one...
225K 4.3K 32
"You drag me in this hell, Indira. Your money? I can't accept that... All i want to do is cut the knot that connects us. You're just a job for me." "...
138K 4.7K 21
Hacienda Alegre Series 1 "Your touch healed by broken heart..." __ Malvine was an ex-OFW who came back to the Philippines to reach her dream of becom...
1.5M 31.3K 43
Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magula...