The Night in Tierra Fima | CO...

By ferocearcadia

44.7K 865 14

[Warning: R18+] What will happen when a complete stranger got all of your firsts? First touch, first kiss, fi... More

The Night in Tierra Fima
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Wakas

Kabanata 18

549 10 0
By ferocearcadia

Kabanata 18

+/-

Blangko akong nakatingin sa dalawang pulang guhit na ito na kanina pa nakalatag sa paningin ko. I don't know what to think first right now; this new situation where I am right now or Levi. He left the city yesterday to go to Tierra Fima and he wants me to come with him pero hindi ako pinayagan ng sitwasyon. And now, I don't know what to do. Should I tell him right away or just wait for him to come back nang sa gano'n ay sa personal na kami mag-usap?

"What are you gonna do right now? I told you, you should've use protection!" Rafa hissed right when she arrived at my unit with Yerim.

Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Paano pa sila makakagamit ng protection, e biglaan nga lahat. Duh!" Yerim said to her at nakita ko pa ang pag-irap nito sa kawalan.

Sinundan ko lang siya ng tingin nang kunin niya ang limang pregnancy test na iyon at pinakatitigan nang maayos.

"Sasabihin mo na ba, Rae? Hindi ba dapat sa personal kayo mag-usap," kaswal na sinabi niya sa'kin nang hindi ako tinitingnan.

Problemado akong tumayo at kinuha ang cellphone ko nang tumunog iyon dahil sa isang tawag. When I saw who the caller is, I immediately answered it. Sinenyasan ko muna ang dalawa na huwag mag-ingay.

"Hey," he called me with his raspy voice that made me heave a deep sigh.

Pakiramdam ko ay bigla ko siyang namiss nang sobra.

"Hi, kumusta ka?" I asked him.

Napatingin ako sa pregnancy test nang ilapag iyon ni Yerim sa round table. Lalo akong napabuntong-hininga dahil roon.

"What's wrong? Bakit parang problemado ka?" Balik niyang tanong sa'kin.

I went to my room dahil nadi-distract ako sa dalawang 'to na panay ang senyas sa'kin na sabihin ko na. Gumapang ako sa kama at inilubog ang sarili ko sa kutson nang makaramdam na naman ako ng hilo.

"I just missed you. Matagal ka ba riyan?" Hindi ko na naitago ang lungkot sa boses ko nang tanungin ko iyon.

I suddenly want to slap myself for sounding like a needy girlfriend to him. Alam kong naiipit din siya sa sitwasyon ng farm nila at ang nangyari kay Tatay Henry, at heto ako dumadagdag pa sa mga iniisip niya.

"I honestly don't know. Tatay Henry is in critical condition as well as our farm. I don't even know what to do anymore. I'm so tired," tamad niyang paliwanag sa'kin at nahihimigan ko rin sa boses niya kung gaano na siya kapagod.

Nagdadalawang-isip tuloy ako kung sasabihin ko na ba sa kaniya ngayon ang kondisyon ko o saka na lang.

"Rest first, Levi. Everything's gonna be alright," I told him as I closed my eyes and take a deep breathe.

"I wish you were here with me right now. You're my strength, Lumiere. Ano nga pala iyong sasabihin mo sa'kin?" pag-iiba niya ng usapan kaya agad akong napamulat.

I stared blankly at the ceiling of my room and think about it clearly. Maybe, next time will be fine. Babalik naman siya o kaya'y puwede namang ako na lang ang pumunta roon pag naging maayos na si mama.

I bit my lower lip and closed my eyes again. It's still 5 o'clock in the afternoon, yet I'm so sleepy. Hindi naman ako ganito.

"Wala 'yon. Please, take care of yourself there. Mahal kita, Levi."

Right after I said that, I heard him whispered some curses kaya nangunot ang noo ko. Tumagilid ako ng higa at niyakap ko ang sarili ko habang naririnig ko pa rin ang mabibigat na paghinga niya.

"Bakit? May nangyari ba?" tanong ko nang marinig kong huminto na siya.

"Just... I just find it addicting. This is the first time you said that to me. Ilang buwan na tayo, Lumiere, ngayon mo lang sinabing mahal mo 'ko," seryoso, ngunit dinig na dinig ko pa rin ang namamaos niyang boses.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapangiti dahil sa sinabi niya. Lalo kong niyakap ang sarili ko dahil miss na miss ko na agad siya. Hindi pa nga lumilipas ang isang araw pero pakiramdam ko ay ang tagal na naming hindi nagkikita.

"Just do what I said. Magpahinga ka nang maayos, I'll see you soon," paalam ko sa kaniya dahil nakaramdam na naman ako ng antok.

"Thank you for everything. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. I owe you a lot and I'm willing to do everything to make this lasts. I miss you so much," he told and we bid goodbye to each other.

Nang matapos ang tawag na 'yon ay kalmado ako nakatulog dahil feeling ko ay ang bigat-bigat ng dinadala ko kanina. Nang makausap ko siya ay bigla na lang nawala. I know I don't have to worry about anything else dahil alam kong matatanggap naman ito ng lahat, and I'm really thankful for that.


Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkalabog sa pinto ng kuwarto ko. Saglit lang na nawala iyon ngunit nang marinig ko ulit ay mabilis na akong bumangon para pagbuksan ang kung sino man 'tong bwisit na 'to. Natutulog 'yong tao, e!

"Ano ba! Natutulog ak—"

"Rae! Kanina pa tumatawag si tita sa'yo! Nasaan ba ang cellphone mo?" hiyaw sa akin ni Yerim. She looks furious. Parang may masamang nangyari dito.

"Bakit ba? Nakatulog kasi ako kaya hindi—"

"Nasa ospital si Ari, my god! We need to hurry up!" Sigaw niya ulit sa'kin at sa sandaling iyon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Bago pa ako makapag-react ay hinila na niya ako palabas kasama si Rafa. Ni hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang una kong gagawin! Anong nangyayari?!

"W-wait! Ano bang nangyayari? Bakit nasa ospital? Naiwan ko 'yong phone ko, teka lang," I hysterically said to them at akmang bababa pa sana mula sa kotse ni Rafa pero pinigilan na ako ni Yerim.

"Fuck that cellphone, Rae! Ari is fifty-fifty and tita needs you right now!"

My heart skipped a beat for a minute. I don't know what happened next. Pakiramdam ko ay bigla na lang huminto 'yong oras at lito akong nagpabalik-balik ng tingin sa kanilang dalawa. Ari is what? I didn't even heart it clearly. Bakit sila ganito umasta?!

Ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko nang bagtasin namin ang hallway ng ospital kung nasaan ang kapatid ko at si mama. Nang sandaling makita ko siya sa labas ng emergency room, umiiyak at halos maglupasay na roon ay awtomatikong napahinto ako sa paghakbang. I felt faint when I saw my mother's dress full of blood. As if something had suddenly exploded inside me and I couldn't even understand what was going on around me.

My knees began to tremble. I could feel my tears pouring down one after another and I felt like I was slowly dying of extreme pain. What's happening?

"A-ano... anong nangyari? Bakit may dugo? Ma? N-nasaan si Arthur? Bakit puro dugo ka?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya nang makalapit ako.

Mariin kong pinalis ang mga luha ko at nagmura nang paulit-ulit nang hindi niya ako sinagot. Nakatingin lang siya sa iisang direksyon kaya sinundan ko ang tingin niyang 'yon.

Para akong mababaliw sa sobrang sakit nang makita ko ang kapatid ko na nakaratay sa ospital bed, duguan ang mukha pati na ang ulo, habang nire-revive ng doctor at nurses. Wala pa rin akong maintindihan kaya agad akong tumungo sa direksyon kung nasaan ang kapatid kong walang malay.

"D-doc, anong nangyari? Bakit po?" I asked them and at the second time, no one answers me again that made me cry even more.

"A-anong nangyayari?! Can... oh, god! Can someone explain it to me? Bakit... hindi! Arturo! Wake up, nandito na si ate. Ba-bakit ka..."

"Rae, calm down, please. Baka kung anong mangyari sa'yo at sa baby mo," dinig kong bulong sa'kin ni Yerim kaya lalo akong napaiyak nang marinig ko iyon, ngunit hindi niya nakuha ang atensyon ko.

Sa halip ay napako ang tingin ko sa doctor na ito nang bigla na lamang siyang tumigil sa ginagawa niya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan ko nang marinig ko ang huling sinabi niya.

"Time of death, 7:45 PM."

Hindi ko makuhang igalaw ang buong katawan ko nang marinig ko 'yon. Sunod na nakita ko na lang ay ang mabilis na paglapit ni mama kay Arthur at ang nakakamatay nitong pagpalahaw sa iyak. I tried to calm myself and be neutral. Napahawak ako sa tiyan ko habang ramdam ko ang walang humpay na sakit roon dahil sa pagpipigil kong humagulhol. Wala pa rin akong maintindihan.

"W-why are you crying? He's fine, right? N-niloloko lang kayo niyan, okay siya! Maayos siya! Baka nadapa lang siya kaya maraming... m-maraming dugo. Kausap ko pa siya kanina lang! I asked her how is she and she told me she was fine, kaya bakit kayo umiiyak?!"

Hindi ko na napigilan ang malakas na hagulhol ko nang sabihin ko iyon. Ramdam ko ang matinding paghawak sa'kin ni Yerim nang muntikan na akong bumagsak dahil sa panghihina.

I know this feeling. I am very familiar in this feeling and I hate to admit it, but it is slowly killing me right now. Sunod-sunod na bumalik sa alaala ko 'yong itsura ni Papa habang pinipilit niyang lumaban dahil gusto niya pang mabuhay. Dahil iniisip niya pa rin ang kalagayan namin hanggang sa huli. Na kapag hindi siya lumaban at hinayaan na lang niyang mamatay siya, paano kami? He knows exactly how weak his family is that's why he did everything to survive pero kinuha pa rin siya sa'min. Bakit nangyayari na naman 'to sa'min?

Blangko ang isip ko habang nakatingin lang ako sa kaniya na parang natutulog lang. Dinig na dinig ko pa rin ang hagulhol ni mama sa labas at halos hindi niya kayang tingnan si Arthur habang nasa morgue ito. Nalaman ko rin na inabangan siya ng mga hindi kilalang lalaki sa labas ng campus nila at binugbog hanggang sa mabiyak ang ulo niya. Ang sabi ng mga pulis ay hate crime daw ang naganap base sa kasarian ng kapatid ko. Ni hindi ko ma-imagine lahat ng nangyari sa kaniya habang nararanasan niya iyon at ayoko nang alalahanin pa.

"Rae, magpahinga ka muna. Kanina pa tawag nang tawag si Levi sa'min pero hindi namin masagot. At least tell him what happened here para hindi siya mag-alala," Rafa told me while caressing my back.

Nanatili ang tingin ko kay Arthur na puro pasa at sugat ang mukha. She looks so hopeless. Kitang-kita sa itsura nito kung gaano siya nahirapan nang mga oras na 'yon at hindi man lang siya nakalaban. I can't imagine the pain she was screaming that time.

"M-mamaya na, Raf. Hindi ko kayang makipag-usap. Hindi ko kasi alam... ayoko siyang mag-alala. He's also tired and I don't want to disturb him," tamad na sinabi ko sa kaniya, hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kapatid ko.

"Paano kung tumawag ulit siya? Anong sasabihin namin?"

"Sabihin mo na lang na tulog pa ako," tipid na sinabi ko sa kaniya at hinawakan ang kamay ni Arthur.

Pakiramdam ko ay umakyat patungo sa buong katawan ko ang lamig na 'yon na nanggaling sa kamay niya. Pati ang braso nito ay puno ng pasa kaya lalo akong nasaktan sa mga iniisip ko. The pain she was screaming that time is killing me slowly. Sino ang unang tinawag niya? Wala bang nakarinig sa kaniya? Marami bang bumugbog sa kaniya at hindi niya nagawang lumaban? Bakit sa kaniya pa? He was just 15 years old for fuck's sake! Bakit sa kaniya pa nangyari ang bagay na 'to?! Oh, god. Help me.

*****

Everything was so fast but everything was still blurry. Ni hindi iyon matanggap ng utak ko pati na ng puso ko, at hindi ko alam kung kaya pa bang tanggapin 'yon ng buong pagkatao ko. This is just so painful to the point that I can't even talk to anyone else but my mom. The excruciating pain is killing me every time I pretends to be strong just so my mother can count on me. I don't know who to talk to anymore.

"Ayos ka na ba? Kailan ba ang check up mo?" Yerim asked me nang ibaba niya ako sa Acuzar Empire.

Arthur's burial held for only three days. Hindi ko na pinatagal pa ang lamay niya dahil masyadong masakit na para sa'min kahit isang linggo na ang lumipas, and now I'm back to normal and just hide everything for a while. Gusto ko pa nga sanang huwag na munang pumasok para samahan si mama sa bahay pero siya ang nagpupumilit sa'kin na pumasok na ako.

"This week, Ye. Nagpa-schedule na ako," tamad na sinabi ko sa kaniya.

"Sinabi mo na kay Levi? I mean, about what happened to Ari. Ilang araw mo nang hindi tinatawagan iyon, bakit?" Takang tanong niya sa'kin kaya napahinto ako sa gilid ng entrance ng building.

It's been four days since I last called him via facetime. Puro text lang ang ginagawa ko nang mga nakaraang araw dahil ayokong makita niya ang itsura ko at magkaroon siya ng ideya. He doesn't even know what happened to me last week. Siguro ay sasabihin ko na lang sa kaniya kapag nagkita na ulit kami. Ayokong madagdagan pa ang iniisip niya roon.

"I just don't want him to worry about me anymore. He thinks and cares too much, Yerim. Ayoko nang dumagdag pa roon," simple kong sagot sa kaniya at nagkibit-balikat.

"He should worry about you dahil magkaka-baby na kayo. Bakit ba nahihiya ka pa rin sa kaniya?" tanong niya pa sa tono ng naiinis kaya napatingin ako bigla sa paligid namin.

"Huwag ka namang sumigaw, baka may makarinig sa'yo. I just don't want him to worry about me while he was away from me. Tatawagan ko na siya mamaya," pairap na sinabi ko sa kaniya.

Inirapan din niya ako saka nagpaalam na kami sa isa't isa. While waiting for the lift, someone tapped my back kaya napatingin ako roon.

"Jax," I uttered when I saw him.

Bago pa siya makapagsalita ay bumukas na ang lift kaya sabay kaming pumasok doon. Kaming dalawa lang ang tao sa loob.

"Akala ko ay kasama ka ni Levi dahil ngayon lang kita ulit nakita," kaswal na sambit niya sa'kin kaya napailing ako.

"Hindi ako nakasama, e," walang buhay kong sagot sa kaniya at sumandal sa gilid doon.

"Are you alright? You look so tired. May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong niya sa'kin.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya nang humarap siya sa'kin. Napayuko ako nang maramdaman ko na naman ang pamilyar na sakit na 'yon sa dibdib ko.

"I... I'm fine," tipid na sagot ko sa kaniya.

"Really, huh? Tell me, nalaman mong si Mari ang kasama niya ngayon sa farm kaya ka nagkakaganiyan 'no?"

I immediately look at him when I heard that. Nakita ko pang nagulat siya nang makita niya ako ngunit hindi roon natuon ang atensyon ko.

"W-what?" I uttered, stuttering.

He suddenly clenched his jaw and look away from me.

"Hindi mo ba alam?" balik na tanong niya kaya natawa ako nang sarkastiko.

Ramdam ko ang pagkalabog ng dibdib ko dahil sa mga nalalaman ko ngayon.

"Hindi ko alam dahil walang nagsabi sa'kin. Why is Mari there? What is she doing there? Magkasabay ba silang pumunta ro'n?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya at halos hablutin ko ang kamay niya dahil panay ang iwas niya ng tingin sa akin.

"Jaxon," puno ng pagbabanta kong tawag sa kaniya nang hindi niya ako masagot.

Marahas siyang bumuntong-hininga at nagpakawala ng malulutong na mura bago muling humarap sa'kin.

"Magkasabay silang pumunta roon. I don't know the whole story. Siya na lang ang tanungin mo," malamig na sambit niya sa'kin at mabilis na lumabas nang bumukas na ang lift.

Saktong paglabas ko ng lift ay ang pagtunog ng phone ko kaya agad kong kinuha 'yon. Nang makita ko kung sino ang caller ay mabilis kong sinagot iyon.

"H-hi," I uttered.

I stopped walking towards my table and look at nowhere. Hinahanap ng mga mata ko si Jaxon, ngunit hindi ko na siya makita.

Ramdam ko ang panginginig ng mga labi ko habang pinapakinggan ko ang boses niya. He seems so real, Rae. What the fuck is happening?

"I thought you're not going to answer my call again. How are you? Rafa and Yerim told me that you were sick. Ayos ka na ba?" kaswal na tanong niya sa akin sa kabilang linya kaya napangiti ako nang mapait.

"I'm... I'm fine, Lev. Ikaw?" balik na tanong ko sa kaniya at pilit itinatago ang sakit sa boses ko.

"Are you sure? Don't worry about me, I'm fine. Sarili mo dapat ang inaalala mo. Ano bang nangyari sa'yo?" tanong niyang muli sa'kin kaya napailing na ako.

Bigla kong naalala ang sinabing 'yon ni Jaxon kaya lalong nanlambot ang tuhod ko. He should be fine, of course. He's with Mari. May nag-aalaga sa kaniya roon. Bakit nga ba mag-aalala pa ako.

"Wala, ayos lang talaga ako. Kumusta si Tatay Henry? Nasaan ka ngayon? Sinong kasama mo? Kumain ka na?" hindi ko na napigilan ang sarili kong dagsain siya ng tanong.

Narinig ko ang saglit na pagtahimik ng paligid at ang sunod ay ang boses babae sa background kaya halos matumba ako. Pakiramdam ko ay naglaho bigla lahat ng pag-asa ko nang mahimigan ko kung kaninong boses iyon.

"Mag-isa lang ako rito, Lumiere. Why suddenly ask about that? Tatay Henry's fine, ang farm ang hindi pa," seryoso niyang sagot sa akin kaya sunod-sunod na tumango ako.

I bit my lower lip, pinipigilan ang pagmumura ko. Liar.

"S-sige, Levi. Nasa office na pala ako, mamaya na lang tayo mag-usap ulit. Bye."

I ended the call and rush to Kat to ask her something. Hindi ko na pinansin ang mga luhang sunod-sunod na lumabas mula sa mga mata ko.

"Uy, Rae—teka, ba't ka umiiyak?"

"Wala ba si Mari? 'Di ba ay dapat nandito siya dahil may meeting siya with Levi's dad?" tanong ko sa kaniya at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Isang linggo nang wala si Ms. Marichu. Hindi ba nasabi sa'yo ni Sir Levi na magkasama silang pumunta sa Tierra Fima?"

Oh, wow. What else are you hiding from me, Levi? O sa lahat ng sinabi mo, alin ba roon ang totoo?

Continue Reading

You'll Also Like

223K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.5M 31.3K 43
Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magula...
153K 2K 48
R-18 One of the most famous and successful C.E.O in town is lost to his friends. In able to to the bet, they dared him to play and have a one-night s...
14.4K 705 43
Lumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magu...