I Believe In Love (Self Publi...

By noeliyours

1.4K 93 0

[Self Published-Completed] Do you believe in second chances? Do you believe in love? Three different storie... More

I BELIEVE IN LOVE STORY
PROLOGUE
CHAPTER 1 (The Start)
CHAPTER 2 (Arkhail and Lou)
CHAPTER 3 (Arkhail and Lou)
CHAPTER 4 (Arkhail and Lou)
CHAPTER 5 (Arkhail and Lou)
CHAPTER 6 (Arkhail and Lou)
CHAPTER 7 (Tom and Serina)
CHAPTER 8 (Tom and Serina)
CHAPTER 9 (Tom and Serina)
CHAPTER 10 (Tom and Serina)
CHAPTER 11 (Tom and Serina)
CHAPTER 12 (Samuel and Olivia)
CHAPTER 13 (Samuel and Olivia)
CHAPTER 14 (Samuel and Olivia)
CHAPTER 15 (Samuel and Olivia)
CHAPTER 16 (Samuel and Olivia)
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
ABOUT THE STORY

SPECIAL CHAPTER

33 0 0
By noeliyours

1 year later....

OLIVIA'S POV

"NASAAN na ba kasi sila Serina? 1:00 usapan magtu2:00 na!" I asked Lou. Natawa siya nandito kami ngayon sa bahay nila dito namin napagusapan na magkita kita para sabay sabay na kami aalis.

Si Samuel at Arkhail may binibili lang na foods kasi nagutom na kami ni Lou kahihintay kela Serina.

"Nagtantrums pa siguro kasi diba si Boss Tom umattend pa sa urgent meeting no choice daw siya, we understand naman kaso si Serina baka hindi naintindihan hahaha" Tawang tawa si Lou. She is still gorgeous habang tumatagal paganda siya ng paganda kaya si Arkhail patay na patay lalo sa kanya.

We are about to bound in Palawan today. Umaga talaga dapat ang flight namin pero ang nangyari naging hapon na. Lucky us kasi may Boss Tom kaming kasama so nung nalaman niya na malelate kami ng punta is natawagan niya agad yung airlines at resort para imove ang oras. Sino ba naman di susunod eh Boss Tom yon.

"Anyways all set na ba yung mga gamit mo? Baka may maiwan ka pa" I reminded her. Tumango siya.

"Yes all set relax Liv ang wrinkles mo dadami sige ka" Magsasalita na sana ako ng pumasok si Samuel at Arkhail. Lumapit agad si Arkhail kay Lou si Samuel naman tumabi sakin.

"Love sorry natagalan madami tao ngayon sa fastfood eh" Sabi ni Samuel. Ngumiti lang ako at tumango.

"Yah it's okay love! Si Lou lang naman nagugutom talaga nadamay lang ako" Sabi ko tapos he just smirked. Inabot niya sakin yung food na binili niya, I ordered burger and fries lang tapos cold drink.

I start to eat burger. Inalok ko si Samuel pero tinanggihan niya kasi busog pa daw siya. Nakatingin lang siya sakin at pinagmamasdan aki habang kumakain at first naawkwardan ako sa mga tingin niyang yon pero I get used to it! Ayun siguro yung way niya ng pagpapakilig sakin.

And kinikilig naman ako enebe! Charot.

"Wala pa din ba sila Boss Tom? Baka nauna na yon sa airport ah" Sabi ni Arkhail. Si Lou naman kumakain na ng fried chicken na dala ni Arkhail, ang cute nila hawak hawak ni Arkhail yung inumin ni Lou tapos from time to time iinom siya habang hawak ni Arkhail. Sila pa din talaga yung couple na bagay na bagay.

"Teka tawagan ko nga labo kausap ni Boss baka sa sobrang stress niya kay Serina nauna na sila sa palawan" Natawa kami tatlo sa sinabi ni Samuel. Tumingin siya sakin.

"Love nasaan phone ko? Pahiram muna tawagan ko lang si Boss" Sabi niya sakin.

"Uhh wait!" Kinuha ko yung tote bag ko na dala dala ko tapos kinuha ko sa loob non yung phone ni Samuel. Kaagad ko yong inabot sa kanya.

"Thanks love wait tawagan ko lang" Tumayo siya para lumabas at tawagan sila Boss Tom.

Tumingin ako kay Lou at Arkhail na nag aasaran habang kumakain share sila don sa fries lols.

"Takaw takaw mo tumataba kana tignan mo pisngi mo mukha ng siopao" Napangiti ako habang pinapanuod sila.

"Grabe ka ngayon nga lang ako kumain ng ganto cheat day ko ngayon. Pag bigyan mo na ako" Sabi ni Lou. Pag nag aasaran silang dalawa hindi sila napipikon sa isa't isa kabaligtaran ni Serina at Tom talaga naman ginawa ng umagahan at hapunan ang asaran tapos mauuwi sa pikunan.

"Sabagay nga wag ka lang sakin magchicheat ha" Sabi ni Arkhail akala niya siguro di namin narinig. Natawa ako kaya napatingin sila sakin.

"Ang corny mo Arkhail!" Tawang tawa na sabi ko kaya napakamot siya sa batok niya. Si Lou naman laki din ng ngiti.

"Nakalimutan ko nandito ka nga pala Liv!" Natawa kami ni Lou lalo.

"Hindi naman ako magchicheat sayo kahit di mo sabihin your the one and only my babes!" Sabi ni Lou tapos niyakap pa patagilid si Arkhail tapos kiniss pa sa cheeks. Yung Isa naman di na alam kung ngingiti o ano.

"Pulang pula na yung tenga mo Arkhail!" Bulyaw ko. Tapos malakas kami natawa ni Lou.

"Anong nangyayari dito?" Singit ni Samuel tapos tumabi na naman siya sakin pasimple niya akong niyakap sa bewang ko. Napangiti lang ako.

"Inaasar nila akong dalawa brod" Sumbong ni Arkhail. Mula sa pagkakayakap sa bewang ko inakbayan naman niya ako. Samuel is not very clingy at all pag may mga kasama kami pero pag kami lang naman dalawa medyo clingy siya kaya nagugulat ako pag gumagawa siya ng gestures na ganto kahit may nakakakita. Kaming dalawa ata yung couple na kahit hindi masyadong sweet okay lang ang mahalaga our love is genuine.

Habang nakikipagkwentuhan kay Arkhail natawa siya kaya napatingin ako sa kanya lalong gumwapo sa paningin ko si Samuel nagmukha siyang manly lalo kung dati medyo payat siya ngayon medyo nagbroad yung dibdib niya pati yung braso. Yung buhok niya din medyo lumago pero bagay lang sa kanya.

"Nagsumbong ka naman agad sa bestfriend mo! Anyways nasaan na sila Sereng?" Tanong ni Lou.

"Malapit na daw sila! Sinuyo pa daw ni Boss Tom dahil nasigawan niya daw. Knowing them lagi naman ganon yung dalawang yon aso't pusa" Natatawang kwento ni Samuel. Napangiti ako.

"Yung mga gamit niyo Lou, Arkhail ayos na ba?" I asked to them.

"Yes mam" Sabi ni Arkhail.

"Oo nga mamsh! Umaandar na naman pagkananay mo ha! Ayos na lahat all set aalis na lang tayo" Sabi ni Lou.

"All set na dala niya buong bahay niya!" Asar ni Arkhail kay Lou kaya nakatikim siya ng kurot galing kay Lou.

"Yung akin love di mo tatanungin?" Tanong ni Samuel habang nakangisi pa, tumingin ako sa kanya tapos inisnoban ko siya.

"Hindi! Kasi ako naman nag ayos ng gamit mo heler! Kung diko pa ipapaalala di mo aayusin" Sabi ko. Natawa siya tapos hinalikan ako sa pisngi.

"Sorry na love! Diko lang talaga ugali mag ayos ng mga ganon basta na ako nagbibitbit" He said.

"Sus! Reason mo! Arkhail lagay mo na yung gamit niyo sa kotse tapos ikaw love! Lagay mo na gamit natin bilis" Tapos tinapik ko pa siya sa hita. Napailing iling at tatawa tawang tumango si Samuel.

"Yes boss love ito na po!" Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa tabi ko tapos hinila na niya yung dalawang maleta namin. Light pink ang akin kanya light blue. Hihi ako bumili non para terno kami.

"Babe ang dami mo naman gamit! 3 days lang tayo don para ka namang nagalsa balutan don kana ba titira? Sana pinalagay ko na lang damit ko dito" Rinig kong reklamo ni Arkhail. Paano kasi ang dala ni Lou isang maleta, isang travelling bag tapos isang make up kit bag bukod pa yung hand bag niya lols. Kikay talaga nito.

"Wag kana magreklamo babe ginusto mo akong jowain kaya bitbitin mo na yan" Natawa ako sa sinabi ni Lou nahawa na din siya sa mga words ni Serina. Napakamot na lang si Arkhail sa batok niya tapos Isa Isa niyang binitbit gamit ni Lou plus gamit niya pa lols.



LOU'S POV

NAKASAKAY na kami lahat sa van ni Boss Tom. Si Samuel ang nagdadrive tapos katabi niya si Liv na nasa passenger seat.

Tapos sa first row si Serina at Boss Tom tapos kami ni Arkhail sa second row tapos sa likod yung mga gamit namin.

"Lou meron ka bang sunblock?" Usisa ni Serina sa make up kit bag ko. Curious daw siya kung anong laman non kaya hinayaan ko na lang. Mahilig siya magbag raid very comfortable na kami sa isa't isa.

"Oo meron wala ka ba nadala?" Tanong ko.

"Waley lotion lang! Alam ko naman kasi magdadala ka kaya di na ako bumili hehehe" Natawa ako don sa last na tawa niya parang pilit na ewan.

"Dinala mo ba yung binigay namin sayo ni Liv?" Para kaming ewan ni Serina na nagchichismisan sa sulok kasi kami yung nasa tabi ng bintana. Si Arkhail nakaear phones tulog pero nakahawak siya sa kamay ko. Si Boss Tom mukhang busy sa cellphone niya.

"Jusko po! Ano bang klase yon pag sinuot ko lalabas ang kaluluwa ko diko na dinala yon kainaman! Di ako magpapasalamat dahil don" Napatawa ako ng malakas kaya gumalaw si Arkhail sa tabi ko tapos napatingin sakin si Liv na nasa passenger seat. Si Boss Tom lumingon lang saglit lols. Si Samuel focus sa pagdadrive.

"Hoy ano yung chika niyo dyan?" Sabi ni Liv tapos umupo siya ng paharap samin.

"Love umayos ka ng upo seatbelt mo" Sita ni Samuel. Natawa kami lalo kaya binelatan namin si Liv wala siya nagawa kundi sumunod kay Samuel kaya tumingin na lang rear view mirror haha.

"Yung binigay kasi natin di naappreciate ni Serina hindi dinala" Sabi ko kay Liv. Natawa si Liv.

"Ano ba yon! Di man lang magpasalamat buti nga binigyan natin siya" Asar ni Liv. Tatawa tawa siya don sa unahan pero di siya makagalaw dahil mapapagalitan siya ni Samuel. Ang cutie.

"Mga luka luka kayo! Bibigyan niyo na nga lang ako di niyo pa inayos para naman panyo lang yon sa liit tapos yung panty parang tbak! Kayo kaya magsuot non lalabas ang singit ko pag sinuot ko yon!" Reklamo ni Serina. Natawa kami ni Liv! Pulang pula na si Liv katatawa.

"Watch your words baby!" Sita ni Boss Tom kay Serina kaya agad siyang tumahimik.

"Yan kasi buti nga sayo di ka makaappreciate eh anong dala mo? Bawal don magtshirt ha" Sabi ni Liv.

"Wala akong dala di naman ako magsuswimming!" Sabi ni Serina pero medyo mahina na kasi nasaway siya ng baby niya lols.

"Hala ang daya! Hayaan mo ako bahala sayo madami akong dala" Sabi ko naman.

"Oo nga! Kulang na lang dalhin mo pati aparador mo Lou" Sabi ni Serina.

"Babe ang lakas ng boses mo tagos sa earphones ko tsaka kung ano man yung dala mo bawal ka magtwo piece don madami makakakita, nasaan yung rash guard ayun suotin mo" Sabi naman ni Arkhail sa tabi ko.

"Luh babe naman beach yon I should wear those kind of two piece and one piece no sayang naman minsan lang tayo mag beach" Sabi ko naman. Mukhang first time kong magiging masamang girlfriend kay Arkhail.

I always agree with him knowing Arkhail sobrang strict niya kumbaga samin dalawa siya yung pinakamatured mag isip but sometimes ako. Lagi niya ako pinagsasabihan kasi medyo pasaway pa din ako but I really love him minsan lang talaga di nagtutugma yung opinyon namin dalawa.

"Wag moko simulan Lou pwede ka naman magswimming ng nakarash guard! Di mo na kailangan mag two piece tsaka madami makakakita! Mabuti ba kung ako lang" Rinig ko ang halakhak ni Serina sa unahan ko kaya inabot ko siya at kinurot. 

"Ewch ang sakit ha! Magpapasa to Lou kurot sakin singit mo mamaya" Sabi ni Serina.

"Ehhh okay babe!" Sabi ko napanguso ako tapos napasandal ako. Tumahimik na ako kasi wala naman ako magagawa kung makikipagtalo ako baka mabadtrip lang kami parehas and I always do this ako na lang yung mas tumatahimik para iwas away or gulo.

Kasi he always get his point naman. He is also protective but not too much. Ayaw niya na maulit yung nangyari dati and I understand him.

Tahimik lang ako nakatingin sa labas ng bintana ng kalabitin ako ni Arkhail.

"Babe? Galit ka ba? Sorry na! Ayoko lang naman mabastos ka pero sige basta magshorts ka ha kasama mo naman ako wag ka aalis sa tabi ko or sa tabi nila Liv" Sabi niya. Tumingin ako sa kanya nakatingin lang siya sakin.

"De okay lang babe I get your point naman naisip ko din naman yon madami naman akong dalang panligo" Sabi ko. Ngumiti siya sakin tapos kinurot ako sa ilong.

"Good ka talaga babe ko pakiss nga" Ngumuso pa siya. Nilapit ko yung pisngi ko sa kanya tapos kiniss niya yon.

Inakbayan niya ako tapos ako naman ay sumandal sa dibdib niya.





SERINA'S POV

AFTER long travel years charot hours lang nakarating din kami sa Palawan actually kagabi kami dumating sa sobrang pagod namin natulog lang kami pagkadating dito sa hotel extended kami ng isang araw, nandito kami ngayon sa room namin tatlo nila Lou at Liv. Isang solo bed at double bed ang nandito sa kwarto namin napag usapan namin na si Lou sa solo tapos kaming dalawa naman ni Liv sa double.

Inaayos namin mga gamit namin. Nakasuot ako ng maong shorts at tshirt na black ano bang bago eh lagi naman ganto ang outfit ko. Tapos nakabun yung buhok ko.

Si Liv naka floral dress na may sleeves tapos hanggang talampakan ang haba. Si Lou naman nakahalter dress na white na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba naguumapaw talaga ganda ng dalawang to tapos ako parang pinabili lang ng mantika sa kanto.

"You should try to wear this Serina bagay to sayo!" Inabot sakin ni Lou ang isang pa off shoulder na floral dress din na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba.

"Nako di naman ako nagsusuot ng ganto sis! Oks na tong suot ko" Sabi ko naman.

"No minsan lang to para naman pareparehas tayo tapos suot mo yung flat sandals mo! Dali na magpipicture tayo" Pilit pa ni Lou. Napatingin ako kay Liv, ngumiti lang siya at tumango parang sinasabi niya sundin ko na daw si Lou kasi di niya ako tatantanan.

"Mamili ka yung bigay namin sayo o iyan?" Sabi ni Liv.

"Wala! Jusko" Sabi ko naman pero no choice ako kundi suotin.



"HOY bakla ka ang ganda ganda mo!" React ni Lou nung pagkalabas ko ng CR habang suot suot yung binigay niya sakin.

"Maganda naman talaga yan! Mababaliw lalo sayo si Boss Tom" Sabi ni Liv. Ako naman feeling ko hubad na ako pero kung tutuusin balikat ko lang naman ang expose lols. Nilugay ko na din yung buhok ko.

"Hoy oks lang talaga? Baka mukha akong sasayaw dito!" Sabi ko naman. Natawa sila parehas tapos humawak sila parehas sa braso ko.

"No you are gorgeous believe me sis!" Sabi ni Lou.







NUNG pagkalabas namin sa kwarto pumunta kami sa cottage na nirent namin. Nakita namin si Arkhail  at Samuel na nagiihaw ng hotdog at barbecue sa labas tapos tinanaw ko naman si Tom na may kausap na naman sa cellphone.

Nilapitan nung dalawa yung mga jowawers nila ako naman lumapit sa jowawers ko na may katelebabad.

"Baby!" Mahinang tawag ko sa kanya tapos yumakap ako sa braso niya. Nakakunot yung noo niya pero nung tumingin siya sakin kaagad sumilay ang ngiti niya na talaga naman makalaglag undies.

"I'll call you back when I've already arrived in Manila I'm on vacation dude" Sabi niya sa kausap niya tapos nagpaalam na siya. Nilagay niya muna sa bulsa niya yung cellphone niya tapos tumingin siya sakin tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Bagay ba? Sabi kasi nila Lou bagay daw" Sabi ko habang nakanguso. Narinig kong tumawa siya.

"You're so damn beautiful baby! Maganda ka naman noon pa pero mas gumanda ka sa suot mo" Sabi ni Tom. Siniko ko siya.

"Sus binobola mo lang ako eh" Sabi ko. Natawa siya tapos niyakap ako.

"Hindi kita binobola my love! Maganda ka talaga" Bulong niya sa tenga ko. Ewan ko kung kikiligin ako o ano.

Nakasuot si Tom ng t-shirt na Calvin Klein ang tatak na banat na banat sa katawan niya tapos khaki shorts na color blue. Nakashades pa siya jusko kapogi ng boyfriend ko.

Mukha siyang model ng bench char.

"Oo na! Tara kain tayo gutom na ako eh" Sabi ko tapos humiwalay ako sa yakap niya at hahatakin na sana siya ng may lumapit samin na babae actually dalawa sila.

"Hi pogi magtatanong lang sana kami kung alam mo kung nasaan yung pool area dito?" Sabi ni Ate na mukhang hito. Humaplos pa siya sa dibdib ni Tom.

"Sorry ate pero mukha ba kaming staff dito?" Singit ko. Medyo hinatak ko palapit si Tom sakin.

"Ayy di ikaw kinakausap namin ate" Sabi nung Isa.

"Oh talaga? Eh kung batukan ko kaya kayong dalawa sa mga lalaugan niyo!" Sabi ko. Nagbulungan pa silang dalawa bago umalis.

"Baby you're so mean! They are just asking" Natatawang sabi ni Tom.

"Anong asking ka dyan? Kita mo nga hinaplos ka pa sa dibdib tawang tawa ka naman" Sabi ko. Naalarma siya sa sinabi ko.

"Baby wag na natin pag awayan sige na di na ako makikipagusap sa iba! Wag kana highblood dyan mas maganda ka pa din sa mga yon" Sabi niya.

"Oh dapat lang no! Baka pagbuhulin ko mga lalaugan niyo" Sabi ko. Natawa siya.

"Tara na gutom lang yan ikain na natin" Inakbayan niya ako at inakay na papunta sa cottage namin.





"SO boys and girls bonding muna tayo ha?" Napatingin kami kay Lou na nagsalita si Arkhail kumunot ang noo sa sinabi ng jowa niya.

"I don't agree with that idea Lou" Napatingin naman ako sa jowa ko na nagsalita, nakacross arms habang nakasandal di siya masyado kumakain kasi maarte yan charot. Ako lang yung lamon ng lamon dito sa tabi niya tapos sinusubuan ko siya pag minsan.

"Ako din babe di ako agree dyan sa sinabi mo! Gusto kita masolo kasama mo na nga sila sa room tapos di mo pa ako pagbigyan makasama ka" Sabi ni Arkhail. Nagkatinginan kami ni Liv parehas kami kinilig errr! Si Lou naman napapout lang.

"Nagrereklamo si Arkhail gusto mo ba magkatabi kayo ni Lou sa kwarto! Yieee" Asar ko.

"Brod pag tumabi ka kay Lou wala na ako katabi" Natawa kami sa sinabi ni Samuel.

"Ay sige brod akala ko kasi mas gusto mo katabi si Liv! Ako pala, di mo sinabi ako pala gusto mo" Biro ni Arkhail. Natawa kami kahit si Tom.

"Bromance ang dalawang yan magkayakapan sila pag natutulog" Asar ni Tom.

Nakatanggap ng kurot at hampas silang dalawa sa mga jowa nila.

"Joke lang yon babe di kita pagpapalit kay Samuel mas gusto kita kayakap" Sabi ni Arkhail kay Lou.

"Love alam mo naman na di ako masyadong sweet kay Arkhail pa kaya!" Natawa ako sa sinabi ni Samuel.

Mga tanggal angas sila sa mga jowawers nila haha.

"Mabuti na ang sigurado ngayon pa lang para nakahanda kami ni Lou" Sabi ni Liv.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Tom sa bewang ko hinapit niya ako palapit sa kanya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Why are you staring? You want to kiss me?" Malokong sabi niya tapos tumingin sakin. Ngumiti ako tapos sabay isnob.

"Feelers" Sabi ko sabay subo ng barbecue nakahawak pa din si Tom sa bewang ko habang pinagmamasdan ako kumain.

Kahit ganto kami ni Tom, away bati. Madalas pa nga puro away lang kami pero ang swerte ko sa kanya kasi kahit kailan hindi siya sumuko, hindi niya ako sinukuan. Kahit ganto lang naman ako mahal na mahal ko siya hindi ko din siya matiis.

Masaya din ako dahil nakatagpo ako ng kaibigan na kagaya ni Olivia at Lou the best sila. Sige isama na din natin yung mga boyfriend's nila mababait at loyal naman kasi mga yan.

Napangiti ako ng mapatingin ako sa kanila na masayang nag uusap nagtatawanan sila dahil sa joke ni Arkhail tapos tumingin ako sa boyfriend kong katabi ko, masaya siya nakikipagusap kay Samuel. Paminsan minsan natatawa siya.

Ramdam ko na niyakap niya ako sa bewang at nilapit sa kanya habang nakikipagusap pa din siya kay Samuel.



END---

Continue Reading

You'll Also Like

631K 32.3K 77
Anim na taon mula nang magbago ang nakalakhang buhay ni Stella Daprisia, inisip niyang isang malaking pagkakamali na ang lahat ng nangyayari sa kanya...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
151K 9.4K 27
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
1.7M 49.2K 62
In the universe there are only two worlds that the person can call home, one is for the good and one is for the bad. It is really a good thing when y...