OPLAN: Pagtripan Si Prez✔️

By Shenlvv

351 40 2

Huminga ako ng malalim at nakangising Nakasunod sa hulihan ni Prez, nag-iisa lang ito naglalakad habang nagba... More

OPLAN: Pagtripan Si Prez
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14

KABANATA 3

22 2 0
By Shenlvv

KABANATA 3- THE PUNISHMENT


ROGUE POV

Zenro wink at me "Tsuup, Buddy"

Tinignan ko siya ng may pagtataka, ngayon lang to pumunta dito sa loob ng Ssg office "What's brought you here?" Nakakunot noong tanong ko.

May dala siyang folder sa kabilang kamay habang nakahawak sa buhok ang isa na pinagsusuklay. "Kalma, ako lang to ang pinaka gwapo sa campus na ito" kumikindat niyang Saad.

Like Sister like brother, pareho nakakasakit ng ulo

"Kung babagyo mamaya, wag kayong magtataka. May nakapasok na isang malakas na storm dito sa Campus Ang Pangalan Zenro, Zenro na Assumero"

Sinamaan Niya ng tingin si Hardin sa pagsigaw nun. I bit my lips to hide my laugh "F*ck you" sigaw Niya dito.

Bago pa magkagulo tinignan ko na siya "Anong kailangan mo?" I asked him

Hindi ito Pupunta dito kung walang kailangan, Nilagay Niya sa ibabaw ng table ang folder na dala niya "Tulad ng kagawian" ngisi niyang sambit.

Sabi na eh "Anong kapalit?" tanong ko at kinuha ang Folder at Nakakunot ang noong binasa ang folder. Student Name.

Binalik ko sa kaniya ang folder "kaya mo na yan" sambit ko. Nanlaki ang mata niya.

"Prez, Wag naman ganyan. Busy pa ako eh bukas ang binigay ni ma'am Ashley na Deadline" nakakamot na batok niyang Wika "At isa pa madali lang yan"

Tinaasan ko siya ng kilay "Madali lang pala eh, bakit hindi ikaw ang gumawa?"

"sabing Busy ako eh"

"Busy sa Pagbabae yan, Rogue"

"Oo nga' wag kang pauto"

"Nakakabenta yan ng Multo"

Komento ng tatlo na Ikinatingin ni Zenro sa kanila habang masama ang tingin "Suntukan na lang oh" Wika nito at umaasta na manununtok.

Napailing na Lang ako, Zenro Alex, Almante. Isa rin siya sa Mga kaibigan namin, Pero nahati lang kami kasi nasa ibang Student Room na siya. 11 na eh, ngunit Kasali sa Ssg Council bilang Vice-prisedent.

"Fine, I'll do it. But make sure hindi palpak ang kapalit niyan like last time" nakataas kilay kung sambit

Ngumisi siya at Tumango "No, Problem" at Pumunta sa Pintuan "Ipasok niyo yan" sigaw Niya na ikinakunot ng noo ko.

"Hayop, bitiwan niyo ako. Ano ba"

"Pagnakawala ako dito, hindi ko kayo bubuhayin. I swear"

"Saan na ang baruwang na yun? Wag niyo kung pigilan, gusto kung manuntok"

Pinasok ng dalawang lalaki ang kanina ko pang hinihintay na babaeng nakakainis pa kaysa sa pagmumukha ng mga kaibigan ko. Kumindat ako Kay Zenro at ngumisi.. Tumayo ako "Leave it to me, you can go" Wika ko sa kaniya.

Umawang ang labi ni Cine ng makita ako. Tinaasan ko siya ng kilay Pero ngumiti iyon ng abut Hanggang tainga na ikinangiwi ko. Anong Espirito na naman kaya ang Pumasok sa ulo nito.

Tinignan niya ang kuya at masama iyon tumingin "Makikita mo ang Punishment mo Mamaya" Saad nito sa kuya niya.

Tumango tango naman si Zenro "I'll be wait, little kawayan. face your punishment first" ngisi nitong Saad sa kapatid at umalis.

"Panget na Baruwang"

Tumingin siya sa Dalawang lalaki nakahawak sa kaniya "Balak niyong maging guard ko? Oh, Sige wag niyo na akong bitiwan" naiinis nitong Saad sa dalawa.

Binitiwan naman siya ng dalawa at naglakad ito sa sofa at tumingin sa akin "HI, Prez. POGI natin ngayon ah" kumikindat Niya Sabi sa akin, Ibang Klase nagawa pang maging hyper.

Linapitan ko siya habang nakangisi, Umopo ako sa tabi niya "Ready to your First Punishment?" I raised my eyebrow.

I bit my lower lips ng mas lalo siyang lumapit sa akin at kinuha ang Kwelyo ko, mariing ang Paghinga ko ng haplosin Niya ang Pisnge ko. D*mn this woman, "I am born ready, lalo na't kapag ikaw ang magpa-punish sa akin Prez" bulong niya, f*ck. napaiwas ako ng tingin sa ginawa niya.

FRANCINE POV

Pinigilan ko wag matawa sa nakikita ko Kay Prez ngayon, mapa-punish na nga magawa pang Mantrip. Kagat labi ko siyang Tinignan ng biglang Tumayo ito at walang lingon na lumapit sa table niya.

Nangyari dun? Kala ko ba My punishment ako.

Nilingon niya ako at umiwas din agad, Anong trip nito? "Let's go" hindi nakatingin niyang Wika sa akin.

Napatayo ako at Kumonut ang noo "Saan?" tanong ko na nagtataka.

He sigh heavily and directly look at to my eyes "Your Punishment is started 1 pm to 5" matigas niyang Saad. Nanlaki ang mata ko.

Bakit ang tagal? "Wala naman ganyanan, Prez. Mahahagard ang future asawa mo niyan" ngisi kung Wika, Gusto kung tumawa ng malakas ng napakamot siya sa tangkay ng ilong niya.

"Wag mo kung Pagtripan" nagpipigil niyang Saad sa akin.

Kinagat ko na lang ang pang ibabang labi upang hindi makagawa ng tawa.

Naglalakad kami ngayon papunta sa-- Teka? Papuntang Soccerfield? Anong gagawin namin dun.

Nasaunahan si Pres Habang nasa Likuran niya ako.

So it's means, kung aalis ako ng patago at hindi susunod sa kaniya. Hindi na ako makakatanggap ng punishment, Iyon kung Tatakas ako.

Let me Think?

Napahinto ako ng malagpasan namin ang daan kung saan papuntang gate. Tinignan ko si Prez na tuloy parin sa Paglalakad. Napangisi ako at dahan dahan bumaling dun at naglakad ng Slow. Ayuko pa kasi ma punish, lalo na't ang tagal pala ng oras na binigay Niya sa akin.

Ng makalayo sa pwesto Niya Ay napangiti ako pero napawi din yun ng makarinig na isang malamig na boses sa Likuran ko.

"Where do you think your going?" malamig niyang Sabi habang nakahawak sa Likuran ng blouse ko.

Ano ba yan?

Wala na Ata akong takas.

Nakakamot buhok ko siyang nilingun "Nakakita kasi ako ng Puting rabbit Prez, Huhulihin ko Sana kaso dumating ka" pagsisinungaling ko na ikinataas ng kilay niya.

"There's no Rabbit here Inside the Campus at mas lalong Hindi allowed ang magpapasok ng Animal dito"

Napanguso ako "Siguro kakambal mo lang iyong nakita ko, Hehehe. Sinundan ko lang" nakangiwi kung Sabi.

"Array" napahawak ako sa noo ng pinitik niya iyon.

"Wag mo ng tangkain tumakas, Wala ka ng kawala" usal niya at hinila ang kamay ko.

Napangisi Ako habang nasa daan with holdinghands pa yan ah. "Sabi mo yan ah"

Tinignan niya ako "What?" taka niyang usal.

"Wala na akong kawala sayo" nakangiti kung Saad Napaiwas siya ng Tingin na ikinatawa ko "hahaha, Prez. Bakit ba ang Pogi mo?" pangbobola ko PA.

"Tf, Shut up" naiinis na sigaw niya.

Nang marating Namin ang soccerfield Ay Napatingin ako sa kalawakan ng field, Wala ng masyadong nagpa-practice dahil sigurado akong nasa kaniya kaniya na sila sa loob ng room. Kung Hindi niyo tatanungin isa rin Soccer player si Prez. ang astig niya Diba?

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko na Ikinatingin Niya sa akin.

"Ano sa tingin mo?" nakataas kilay niyang sambit.

Napangisi ako ng may Pumasok na Kalokohan sa isip ko "Magdi-date tayo?" nakangiti kung Saad.

Ngumisi din siya "Magdi-date kayo ng Mga basura" sita Niya na ikinangiwi ko. Ang harsh niya naman.

Ngayon ko lang napansin na nakahawak parin siya sa kamay ko, k*ngina bakit ba ang hilig kung mantrip Pagdating sa kaniya "Eh bakit Hindi mo pa binibitawan ang kamay ko? Malambut no? Oyy, tsanching ka Prez" tukso ko sa kaniya.

Bigla naman niya nabitawan ang kamay ko at napaiwas ng tingin, humalakhak ako sa naging reaction niya. With hawak tiyan pa yan ha habang nakaturo sa mukha niya.

"Stop it. I'll give you 10 minutes to Start upang maglinis ng Field natu" huli niyang Wika at umalis sa tabi ko. Napatahimik naman ako at nakatingin lang sa likod niyang papalayo.

Iniwan ba naman ako!

Nilibot ko ang paningin sa Kabuuan ng soccer field. Madaming nakakalat na Mga basura sa gitna na Alam kung kagagawan ito ng Mga player, Huminga ako ng malalim at Hindi sinunod ang sinabi ni Prez.

Sa bahay nga hindi ako pinaglilinis ni mama tapos siya kung makautos daig Niya pa si mama.

Umopo ako sa damu habang nakangiti at Napatingin sa langit. hindi ako naglinis dahil ayuko, wala akong Paki kahit Prez pa siya ako parin ang masusunod.

"5 minutes to go"

"Ay T*ngina" napahawak ako sa puso ng may magsalita sa likod ko.

Nakatingin siya sa book at tinignan ako "Pinapasabi ni Rogue, kung Hindi kapa maglilinis. Pagkatapos ng 10 minutes na start mo, Dadagdagan ng 1 hours ang time na binigay sayo" sita niya at umalis.

"WHAT?" malakas na sigaw ko at Napatayo.

g*go ba siya.

Huminga ako ng malalim at pinikit ang mata, Wala tayong magagawa eh. Sa Ayaw ko naman Dagdagan ang oras na binigay niya sa akin. Kahit tinatamad at labag sa kalooban ko, wala akong choice kundi ang Gawin ang punishment ng Prisedent na yun, take note guys ha. Prisedent pa lang yan ng campus what Mora na kaya sa Boung Pilipinas.

Nagsimula ako'ng maglinis ng mga basura. Kahit hindi ko Alam kung saan Ilalagay, kinuha ko na lang at walang pakialam kahit saan pa mapunta, bahala na siya. Tinatamad ba naman ako.

Pinagsisipa ko iyong ibang mineral bottle, ginawa kung bola yun at pina shoot sa net. Kung makakita naman Akong Mga plastic Ay titignan ko lang at sisipain na naman. Ganun ako maglinis. Eh sa tinatamad nga ako.

Continue Reading

You'll Also Like

192K 234 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
1.2M 24.3K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
334K 12.7K 44
Rival Series 1 -Completed-
3.4M 129K 150
Millaray