District 9

By aileeblanche

21 10 0

Born different from others, Clover was an outcast. Despite that, she managed to live her life because she got... More

Disclaimer

Prologue

6 5 0
By aileeblanche

Heaving a deep sigh, I took a final glance at the scenery in front of me. That grassy lawn where I used to sit, massive tree at the side where I used to climb whenever I want to disappear and that Manor which sheltered me for almost 10 years.

Aalis na ako sa lugar na kinalakihan ko, sa nakasanayan ko pero wala man lang akong naramdamang kalungkutan. Siguro ay dahil hindi ko naman tinuring na tirahan ang Manor na nasa harapan ko. Yes, it's a house. But it was never a home for me.

A home for me wasn't a place, it was a person. Ate Minerva is my home. And with her gone, i'm homeless. And I don't think I can have another home after that...

.

.

.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos kong  maisalin ang tubig sa dala kong balde. Binitawan ko na ang lubid saka nag-inat. Kanina pa ako pabalik-balik dito sa balon para mag-igib ng tubig at ngayong panghuli ko ng balik ay makakapagpahinga na rin ako sa wakas.

Nagpunas ako ng kamay gamit ang palda ko bago nagpasyang buhatin na ang dalawang balde. Kakaangat ko lang ng mga iyon nang tawagin ako ng kaibigan.

"Clo? Gabi na ah," takang tanong ni Maia. "Ba't nasa labas ka pa?"

Gulat kong naibaba ang dalawang balde at nagtatakang tinitigan ang kaibigan ko. Nakauwi na pala siya? Kahapon lang sila binigyan ng misyon ah. Siguro ay madali lang ang kanilang misyon ngayon.

Nginitian ko ang kaibigan.

"Naglaba kasi ako ng mga damit at naghugas na rin. Naubos ko ang tubig kaya nag-igib na ako para may magamit bukas. Ikaw? Nakauwi ka na pala. Madali lang ba ang misyon niyo ngayon?"

"Medyo mahirap nga! Nauna lang akong umuwi dahil napuruhan si Spike, kailangang magamot agad. Ako ang naghatid dahil kailangan ding magamot ang sugat ko sa braso."

Inangat niya ang kanang braso niya. Hindi ko na kita ang sugat dahil naka-bandage na iyon pero sa tingin ko'y malaki iyon dahil halos buong braso niya ang nabalot ng tela.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot... at konsensya. I've always wanted to be with them. To fight alongside them. Kaya lang sa sitwasyon ko, malabong maisama nila ako kahit sa pinakasimpleng misyon.

"Okay ka na ba? May kakailanganin pa ba kayo doon sa infirmary?"

"Wala na! Kakalagay mo lang ata noong mga extrang gamot doon eh. Ang dami pa," nakangiting saad ni Maia. "Tsaka okay na ako. Malayo 'to sa bituka," saka siya tumawa.

Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Alam kong wala akong silbi dahil mahina lamang ako kaya ginagawa ko ang makakaya ko para naman may maitutulong ako.

Nag-usap pa kami ni Maia ng ilang sandali bago siya nagpaalam na babalik ng infirmary. Binuhat ko naman ang dalawang balde at dinala na pabalik ng Manor.

Papasok na ako ng kusina nang maramdaman kong nagsitaasan ang balahibo ko sa batok. Padarag akong bumaling sa likuran pero wala naman akong napansing kakaiba maliban sa malamig na simoy ng panggabing hangin. Muli kong iginala ang tingin sa labas bago ako nagkibit-balikat. Weird.

Sinarado ko ang pintuan at isinasalin na sa malaking drum ang dalawang baldeng tubig na inigib ko nang muli kong naramdaman ang pagtaas ng balahibo ko sa batok. Sa pagkakataong ito, nakaramdam na ako ng kaba. Iginala ko muli ang tingin sa buong kusina habang ibinaba ang hawak na balde. Dali-dali kong hinablot ang lamparang nasa lamesa at lumabas na ng kusina.

Tahimik kong binaybay ang pasilyo ng Manor habang mahigpit ang hawak sa lampara. Bumibilis ang bawat biyas ang aking paa nang marinig ang mahihinang kaluskos sa paligid. There's no one else other than me inside the Manor. Nasa misyon silang lahat. Maia and Spike are both in the infirmary. Headmistress Minerva is probably sleep inside her room.

Agad akong napatalon sa gulat nang marinig ang isang kalabog.

"Headmistress?"

A cold gush of the wind answered me. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa paligid bago umalingawngaw ang malakas na kalabog na siyang tuluyang nagpatakbo sa akin.

"Headmistress!" Takot kong sigaw habang tumatakbo paakyat ng hagdan.

The noise came from upstairs. Nasa taas ang kwarto ni Headmistress at walang ibang nandoon kundi siya lang!

"Ate Minerva!"

I almost choked on my own shout when I saw how her room's wall crumbled like it's been hit by an extreme force and two silhouettes came out, falling down to the ground floor.

Umalingawngaw ang tunog ng nabasag na lampara nang nahulog iyon mula sa nanginginig kong kamay.

Nagmadali akong tumingin sa ibaba at ang nakita ko lang ay ang dalawang aninong nagbabanggaan. Their movements were just too fast that my eyes can't keep up!

"Got you."

My eyes widened when a hooded figure suddenly stopped in front of me and grabbed my neck. Ngunit agad naman itong nabitawan ng kalaban dahil sa malakas na pwersang bumangga sa kanya.

"Run, Clover!"

Nakita kong lumingon sa direksyon ko si Headmistress Minerva ng ilang segundo habang inaatake ang kalaban. My face went pale when I saw trickles of blood on the floor.

Oh god!

Dali-dali akong tumalikod at patakbong bumaba ng hagdan. My head are filled with fear and worry on what might happen. Anong gagawin ko? Wala akong alam sa pakikipaglaban! Yes, I trained pero alam kong wala akong magagawa sa mga oras na 'to lalo na't base sa bilis ng galaw ng kalaban ay halatang malakas ito! I was almost choked to death in just a split second!

Anong gagawin ko?! Should I ask for help? Pero walang ibang nandito sa Manor! Makakarating kaya agad ako sa kabilang building?

Unti-unting lumabo ang paningin ko sa nagbabadyang luha. Wala na akong ibang naririnig kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko. My mind was contemplating on what should I supposed to do. Pakiramdam ko ay namamanhid ang buo kong katawan dahil sa nararamdamang kaba at takot.

I was just two steps away from the front door when my life suddenly flashed right before my eyes as I felt a sharp tool grazed my neck.

"Clo!"

Thinking that someone called my name, my senses snapped back to reality. Bumuntong-hininga na lamang ako at muling tumingin sa Manor na nasa harapan bago tumalikod at nagpasya ng umalis.

"Clo!! Don't you dare!"

Muli, isang sigaw ang narinig ko kasabay ng pagbukas ng pintuan ng Manor. Maia came out shouting while holding onto Spike. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palapit sa kanya.

One week. I lost my home just one week ago, and i've been feeling worse since then. My mind was filled with guilt because I know that happened because of me. I can't sleep peacefully because I can't get it off my head and if I can, I ended up having nightmares. I can't forgive myself. I lost my home.

And what added up to my guilt was what happened to Maia. She's another person who made me feel home but just the she's in a bad condition because of me.

"Maia, ba't ka lumabas?!" Nag-alala kong sambit nang makalapit sa kanya. Guilt started to creep in me again.

She looked so bad! Ang dating naka-bandage na kanang braso ay naka-cast na ngayon. Ang kaliwang kamay niya na ang naka-bandage. Sa pagkakaalam ko fractured rin ang kanang paa niya pero hindi niya gamit ang saklay niya. Instead, she has Spike on her side guiding her. Sa tingin ko nga ay binuhat siya ni Spike hanggang dito.

I stared at her, horrified. Isang linggo na ang lumipas pero hindi parin siya maayos! Dapat ay hindi na siya lumabas!

She looked so horrible! And my heart hurt thinking i'm the reason why she's like that! Natamo niya iyan dahil sa akin!

"Anong ba't ka lumabas?! Aalis ka ng hindi man ako pinuntahan? Ni hindi ko alam na aalis ka," napa-frustrate niyang sabi. "At ito namang Spike na 'to, hindi man lang ako sinabihan!"

Dumilim ang mukha ni Spike. "I don't think she deserves to see you. She's the reason why you're like that. Kung hindi lang siya naging mahina at pabig—"

"Shut up, Spike! Don't talk to her like that o ako ang makakalaban mo."

"Sorry," agad na hinging tawad ni Spike pero nang sulyapan ako ay matalim parin ang tingin.

Napayuko ako. I understand Spike's anger dahil alam kong nag-aalala siya sa girlfriend niya. He almost lost her because of me. Kaya walang akong karapatang masaktan dahil totoo ang sinabi niya. Totoong kasalanan ko.

"Okay lang ako, Maia. Lilipat lang naman ako. Magkikita pa tayo—"

"Pero iba pa rin iyong magkasama tayong dalawa. Tsaka District 9? Sobrang layo ng lilipatan no'n! Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Clo?"

I smiled sadly. "Hindi ko naman desisyon ang umalis ako dito, Maia. They wanted me to leave here. Wala akong magagawa. Tsaka wala na si Ate Minerva. Wala na akong guardian."

Kita ko ang pagdaan ng sinserong lungkot sa mga mata niya. Hindi naman kasi lihim ang kagustuhan ng mga Higher-ups na paalisin ako ng District 1 Manor. I'm weak. I'm not an asset to them so they wanted me out. They just couldn't do it before dahil kay Ate Minerva. And now that she's gone, they finally had the chance to do it, saying they'll transfer me as a disguise. Lalo na't ang sabi ng nakakataas ay mismong ang Headmistress ng District 9 ang gustong kumuha sa akin. That trigger their urge to finally kick me out.

Pero sa tingin ko ay mabuti na rin na ita-transfer ako. Ni minsan naman hindi ko nararamdaman na parte ako ng District 1. And living here would just remind me of Ate Minerva. Kailangan ko ng bagong paligid para sa sarili.

"Pero iba pa rin ang makasama kita, Clo. Mas gusto kong kasama kita dito."

"Maybe it's for the best, Mai-mai. Tsaka nandiyan naman si Spike. He'll be there for you."

Ilang minuto na naman ang ginugol ko kakausap at paalam kay Maia. She was just so eager to tell me she'll miss me. Ganoon rin naman ako pero wala kaming magagawa dahil utos ng nakakataas.

"Sige na, sige na. Aalis na ako. Baka maiwanan na ako ng tren nito!"

Pinal akong kumaway sa kanilang dalawa bago tumalikod ngunit bago pa ako makaalis ay tinawag ako ni Spike. He handed me the huge paper bag he was holding.

"Ano 'to?" Kunot-noo kong tanong at binuksan iyon nang matanggap.

Packed foods and fruits were finely arranged inside when I looked. May dalawang bottled water rin. But what made me tear up was the white urn placed right beside the bottled waters.

"I figured you need those."

Naluluha akong bumaling sa dalawa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Sa pagkakaalam ko ay hindi ko pwedeng dalhin ang urn. Just how did he manage to...

Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. I don't know how to express my gratitude so I just bowed my head, my tears falling to the ground.

"Heads up, Clo. Gusto kong nakangiting Clover ang nakikita kong umalis." Maia beamed at me with her misty eyes. "And don't blame yourself for what happened. Ayaw ni Headmistress Minerva ng ganoon."

Suminghap ako.

"Thank you... so much! At patawad rin, Maia. Spike, hindi ko alam kung paano mo nakuha ang urn pero salamat." I genuinely smiled at them bago yumuko ulit. "Aalis na ako. Goodbye, you two!"

Tumalikod ako sa kanila habang kaya ko pang pigilan ang hikbi ko. Ilang hakbang lamang ang nagawa ko bago tuluyang bumuhos ang aking luha. Suminghap ako at pinahid ang mga iyon.

In every step I made, memories from my childhood down to the recent ones flashes on my mind. Muling bumuhos ang luha ko habang naaalala iyon.

I remembered the time we first arrived at the Manor. I remembered the way Headmistress tried to train me even though I couldn't keep up. I remembered how Maia protected me from the students' bullying. I remembered how Ate Minerva cupped my cheeks with her bloody hands as she mumbled her last words for me. I remembered how I cried so hard in pain and blamed myself while hugging my sister's lifeless body.

I remembered how I lost my home.

"Clo!"

I loudly gasped and wiped my tears before looking back at Maia. She was raising her bandaged arm and clenched her fist up.

"Let's get stronger. For Headmistress!"

I nodded and raised my fist up, too. "I will!"

Before I went out the Manor, I already made up my mind. Hindi ako mananatiling pabigat. I will not stay weak. Magpapalakas ako! Hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa mga taong nakapaligid sa akin.

"And one more thing, Clo!"

Muli akong lumingon pabalik sa dalawa.

"Find your home..." Maia smiled softly at me. Spike stared and nodded.

Isang luha muli ang tumulo mula sa aking mata kasabay ng aking pagtango. I gasped and held the paperbag tighter.

"I will..."

#

Continue Reading

You'll Also Like

66.9K 4.2K 20
Till yesterday she was marring her brother's friend but suddenly ended up marring his college owner and a cold hearted person
1.8M 117K 26
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
145K 4.1K 27
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
267K 10.3K 32
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚